A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

Simula

116 14 45
By aennui

Simula: A Little Bit of Sunshine

"Once again, ito ang DJ na magpapaliwanag sa inyong Monday to Sunday midnights. Ang DJ niyong nag uumapaw sa kagandahan. Ang DJ niyong tinalo pa ang araw sa hotness pero kinulang sa height, DJ Sunshine! Adios mga ka tambays and have a happy weekend!"



Kaagad kong tinanggal ang headphones ko at humikab pagkatapos na mag off air ng segment ko. Wala ng ingay masyado sa station kaya naman agad akong sumulyap ako sa wall clock and saw that both of its hands already strikes twelve.



Yes! Madaling araw na ng Saturday! Sa wakas ay tapos na ang pagiging DJ ko para sa week na ito at makakatulog na ako ng mapayapa mamayang gabi!



Tumayo na ako and excitedly walked papalabas ng station. I was so excited with the idea of throwing myself to bed and drifting off to sleep with my pajamas on na halos hindi ko na napansin ang Christmas Decors na ikinabit lang ngayong gabi sa paligid ng station.



Oh right. It's August! Christmas is rapidly approaching kaya naman start nanaman ng countdown. At mukhang magtatapos nalang rin ang taon ng walang nagbabago sa routine ko. Trabaho lang palagi at bahay.



"Hi DJ Sunshine!"



"Hello Dj Fab!"



Halos mangawit ang panga ko sa kakabati ng mga nakakasalubong na mga workers and Co-DJ's. Akala ko ubos na ang mga katrabaho ko but they were all gathered to watch the giant Christmas Tree na halos kuminang na ngayon sa lightings and decors in front of the lobby.



Sandali akong huminto to watch the people as their eyes glimmer because of the lights. All of them looked so happy with the idea of Christmas and holidays pero ako, never na akong naexcite sa ganitong mga events.



Ayokong magpaka sad girl at bitter but holidays always remind me of those times that I'm not alone while celebrating the joy of vacations. Yung mga panahong may kasama akong kumain sa hapagkainan, may kapalitan ako ng regalo, at may kausap ako sa bahay hanggang sa pumatak ang alas dose ng madaling araw.



"DJ Sunshine!"



I finally came back to my reality when I heard the voice of the Production Head of the station, si Ricarlo. Lumingon ako at hindi naman ako nagkamali ng makita ko siyang nakangiting naglalakad papalapit sa akin.



Ricarlo Mendoza was on his light blue pair of slacks and suit that is partnered with a plain white shirt on the inside. His shoulder length hair is tied lowly, making him look so feminine as usual. He's way taller than me pero seryosong usapan, mas maganda pa siya sa mga babaeng kakilala ko.



"Sorry kung nakakaabala ako. Uuwi ka na ba?"



"Hi Boss! Tumitingin pa naman ako sa decorations so there's nothing to be sorry about, hindi ka naman nakakaabala." Ngumiti ako sa kanya bago nakuha ng atensyon ko ang hawak niyang folder. "Ano nga pala yang dala mo?"



"Ah yeah. Ito nga pala yung list of candidates para sa partner mo sa show." Bumilog ang bibig ko bago tinanggap ang folder mula sa kamay niya.




Ilang beses na nabanggit ng production sa akin ang possibility na magkakaroon ako ng partner for the show. But I can't believe that this year, finally ay matutupad na ang planong ilang beses ng napako.



"Bakit mo nga pala binibigay sa akin to?"



"You will help us decide during the interview on Monday kaya mas mabuti sigurong makilala mo na sila based on their records. Those files may help para makahanap ka na ng makakavibe mo as your partner at mas mapadali tayo sa pagtanggap."



Napa-oooh naman ako before slowly nodding. I'm super thrilled with the idea but I still managed to maintain a calm expression.




"Finally! Tuloy na nga talaga!"



"Yep. Tuloy na tuloy na talaga." He chuckled.



"Thanks Boss Ricarlo! Titignan ko to mamaya or maybe bukas kung sakaling makatulog na talaga ako."



"No problem Sunshine. Ingat ka sa pag-uwi. Drive safely!" We bid each other goodbyes bago ako bumalik sa paglalakad palabas ng station.



Limang taon na ang lumipas ng makapasok ako dito sa MOR Radio Station, the biggest Radio Station Company dito sa Alveolar City. Kakagraduate ko pa lang nang mag-announce ang station ng biggest search para sa new DJ's nila. I didn't waste any second at nagkandarapa kaagad na mag-apply dito kahit na wala pa akong experience sa broadcasting.



Nang matanggap ako, hindi ako kaagad nagkaroon ng show katulad ng ine-expect ko. Nagtrabaho muna ako as assistant to other DJ's and run errands for them. After a year, the station finally gave me a shot at pinakilala sa akin ang magiging segment ko. I'll be giving advices to people with problems in life or in love. Nagulat nga ako kung bakit ako ang napili nila but I guess they saw a part of me na fitted para sa segment na aminado akong hindi ko makita sa sarili ko.



Unang nailagay ang slot ng segment ko sa Saturday and Sunday evening. Nagkalagnat ako sa first week ko at napakaraming kape talaga ang nilaklak ko sa unang buwan ko pero katagalan ay nasanay na din ako. After a year, maraming tagapakinig ang nagrequest to change the segment's schedule into Mondays to Fridays. Siyempre natuwa ako! Mas lalaki ang sweldo ko kapag mas mahaba ang working hours ko even if mas mababawasan ang oras ko ng tulog.



Oh well, buhay pa naman ako. And that's basically what adult life is all about. Trabaho, trabaho, trabaho hanggang sa manghina, makaipon, at mamatay ng diretso.



Naging masaya na din naman ako sa station kaya naman never na sumagi sa isip ko ang mangyayari sa akin lalo na ang umalis na dito. I love helping and giving advices to people kaya pipiliin ko sigurong tumanda dito.



Tuluyan na akong nakalabas ng station after a long walk with my heels on. I went to the parking lot and changed into a comfortable pair of sneakers para magdrive papunta sa nearest McDonalds. Hassle mag commute lalo na't delikado kapag gabi kaya ng makaipon ako ay bumili na ako ng sarili kong kotse.



Papasok na sana ako sa driver's seat nang maramdaman ko ang pagvibrate ng telepono ko. I immediately got it out of my pocket at nakita ang pangalan ni Happy flashing on the screen. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko bago sinagot ang tawag.



"Uy Happy? It's been a while. Anong meron at napatawag ka?"



Pumasok na ako sa kotse habang naghihintay ng isasagot niya. Nakakarinig ako ng malakas na music sa background that gave me enough hint kung nasaan siya ngayon.



"Pucha Sunshine. Nauubos na ang pasensiya ko sa punyetang baklang to!" Napahalakhak ako bago nagsimulang magdrive habang naka connect sa bluetooth earphones ang call.



"Bakit? Heartbroken nanaman ba ang bakla?"



"Naheart broken pa rin sa tangnang pang-singkwenta niya! Hindi na nasanay na mahuli niyang nambababae ang lalaki niya." Tumawa ulit ako ng marinig ko ang sunod sunod na mura ni Happy ng yakapin ata siya ni Greggy.



"Tsk tsk. Babatukan ko yang baklang yan. Ano na? Kailangan niyo nanaman ba ng tagahatid?"



Isang taon na din akong nagiging driver nila kapag may mga sawi moments ang bakla sa mga boylet niya. He really drowns himself in drinking. Naaawa naman ako kay Happy dahil siya talaga palagi ang taga rescue sa baklang bestfriend niya. Maawa nalang din kayo sa akin dahil ako naman ang sunod na sumasaklolo.



"Oo sana, Sunshine. Pucha nakakahiya na. Sunod sunod pa naman ang puyat mo. Ito kasi si Greggy eh!" Narinig ko nanaman ang malutong na paghampas niya kay Greggy.



Ouch. Bakal pa naman ang kamay ng babaeng to.



"Anokaba. Pahinga ko naman na din bukas, Happy. Nasa Lionel Bar nanaman ba kayo?"



"Oo Sunshine, as usual." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Maraming salamat ha?! Hintayin ka namin!"



"No problem. See you in a bit!" Binaba ko na yung tawag before stepping on my gas pedal.


Dumaan muna ako sa drivethru dahil wala naman ng traffic ngayong oras na to sa Alveolar. Good thing, I was good at doing two things at the same time kaya natapos ko pa ang pagkain ko habang nagdadrive before I arrived at the Lionel Bar after 15 minutes.



Nauna na akong makapasok kaysa sa mga nakapila sa labas after I showed them my golden card given by Duke na nagsisilbing VIP card. Napansin kong halos lahat sila ay napatingin sa akin. Hindi ko naman ikakaila na kahit nasa radio ako ay kilala pa rin ng mga tao ang mukha ko.



Iba na ang theme ng bistro sa loob kaysa noong Senior High pa lang ako. Hindi na kasi siya bistro at ginawa na talagang bar completely nila Duke. Rare nalang na may tumutugtog na live bands sa bar nila compared nung 2011 na puro mga banda ang nagsisilbing music ng mga taong nagsasayawan.



Mas madilim na rin ngayon ang Lionel Bar at magulo dahil puno na ng mga wild na mga babae at lalake. Mas gumanda at iba na ang theme ng paligid at ng mga gamit. 10 years has passed at simula ng makilala ko si Duke ay nakita ko ang maraming beses na renovation at pagpapalit ng tema ng Bar nila dahil isa ito sa mga naging takbuhan ko kapag frustrated ako sa napakaraming bagay.



"Sunshine!"



Speaking of Duke, nakita ko siyang kumakaway habang papalapit sa akin. Nakasuot siya ng white polo na bukas ang dalawang butones sa dibdib at nakatupi ang sleeves hanggang siko. Hawak niya ang isang bote ng mamahaling inumin at wine glass sa kabila nito.



"Du-keeeeee! Musta na?" Niyakap niya ako before we kissed each other's cheek. Ang bango talaga ng lalaking to. Parang palaging naliligo sa pabango.



"I'm fine. Stressed with lots of stuffs to do pero siyempre gwapo pa rin. How about you?"



"Okay lang din. Maganda at stressed din tulad mo." Both of us laughed. "Mga gurang na talaga tayo."



Kahit na madalas ako dito para hanapin siya ay minsan ko nalang nakikita ang lalaking to. Duke became busy with his work at mas dumagdag pa ang pagsasabay niya ng law school. Pero kahit na ganito siya ka busy ay natutulungan pa din niya yung parents niya sa pagmamanage nitong business nila. 



Pagwapo ng pagwapo pa rin naman ang mokong at mukhang hindi stressed out sa kabila ng mga ito.



"Uy alam mo ba? Ihahatid ko na nga sana yan sila Happy but I can't leave those guys alone." Lumingon siya sa isang sulok and he pointed his friends using his lips since occupied ang dalawang kamay niya.



"Oo nga pala. Soon to be lawyers yung mga yun, Sunshine." Pinisil niya ang braso ko at tinaas baba ang mga kilay niya. "You're in good hands dahil may sarili na ring mga business ang mga kaibigan ko. Do you want to meet them?"



I smiled awkwardly. Mukhang balak nanaman akong i-set up nitong si Duke.



"Unahin ko nalang muna sila Happy, Duke. I'm not in the mood to talk. Na drain na ako sa three hours na pagpapayo ko sa lovelife ng mga tao."



"Ikaw Sunshine ha." Naningkit ang mga mata niya na nagpataas ng kilay ko. "Baka naman kaya ayaw mong nirereto kita sa mga lalaki, kasi same sex ang gusto mo."



"Gago. I'm straight no!" Ngumiti siya bago nilapit ang mukha niya sa akin.



"Weh? Talaga? O baka naman ako ang type mo? Kiss mo na nga lang ako kung true." He pouted while closing his eyes that suddenly gave me goosebumps.



Lakas pa din talaga ng amats ng isang to.



"Kiss mo pwet mo!" Nilagay ko ang palad ko sa mukha niya and used it to push his face backwards. "Hindi ako pumapatol sa prends no."



"Awts naman. Pero okay lang, di din naman ako pumapatol sa mga dwende."



Sinimangutan ko siya bago niya tinuro sina Happy at Greggy. Kahit na madilim ay natanaw ko sila na nakaupo sa isang couch kaya naman nagdire-diretso ako papunta sa kanila. Nakapatong ang ulo ni Greggy sa balikat ni Happy habang ang ulo naman niya ang nakapatong sa ulo ni bakla, parehas ng knock out.



Humabol naman sa akin si Duke na nagpipigil ng tawa at natatarantang nilabas sa bulsa niya ang kanyang cellphone para kunan si Greggy na tumulo na ang laway halos.



"Happy, Greggy, gumising na kayo. Aalis na tayo." Sabay kong niyugyog silang dalawa. Unang nagising si Happy na agad namang sinampal si Bakla para magising pero talagang wasted na siya.



"Ako na ang bahala kay Greggy mga girls." Napangiwi ako when Duke flexed his muscles in front of us. "Sisiw lang para sa akin ang payatot na yan."



"Nako Duke. Nakakahiya naman. Kaya ko naman tong baklang to." Tumayo si Happy at iniakbay si Greggy sa katawan niya. Pinatunog naman ni Duke ang dila niya bago nilapag ang dala niyang inumin at binuhat ang bakla ng parang sako.



"Hayaan mo na akong magpaka gentleman Happy. Libre lang naman to." Napakamot nalang ng ulo niya si Happy bago ko siya inakbayan at naglakad kami papalabas ng bistro.



Habang papunta sa parking lot ay biglang nagmura si Duke. We turned our heads towards him and found out that Greggy keeps on pinching his butt. He's already half awake pero hindi ko marinig ang mga salitang binubulong niya.



Halos mamatay na ako kakatawa pero binilisan nalang namin ang paglalakad papunta sa kotse ko dahil baka malamog na ang pinaka-iingatan na pwet ni Duke sa mga kamay ni bakla.



"Salamat Duke! Sa uulitin!" I was smiling habang nakalusot ang ulo ko sa bintana ng kotse.



"Puta. Wag na wag na kayong babalik dito! Hindi ko na bubuhatin ang baklang yan ever again!" Napangiwi naman si Duke habang hinahaplos ang pwet niya. "Sabihin niyo nalang sa akin kapag broken hearted ang isang yan at papadalhan ko nalang yan ng inumin sa bahay niya. Kahit sa kabilang buhay pa sagot ko na."



"Wow naman! Napakagalante!"



"Siyempre. Ako pa?" Inabot niya si Greggy mula sa bintana at bahagya itong sinabunutan. "Sige na! Umalis na kayo! Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na Sunshine ha?"



"Sige po Papa." Kinagat ko naman ang labi ko bago hinampas din ang pwet niya at inistart ang engine ng kotse ko.



"Hoy Sunshine! Anong papa ha?! Foul yun!" Humalakhak ako habang papasara na ang bintana ng kotse ko. Si Happy naman ang nagbaba ng bintana niya to bid her goodbyes to Duke.



"Salamat talaga Duke! Sorry sa istorbo!"



"No worries Happy. Basta chat niyo nalang ako ha? Isang case agad ipapadala ko!" Nilusot naman ni Duke ang ulo niya sa bintana. Since nasa likod ko lang si Happy ay naabot niya ang buhok ko at bahagya akong sinabunutan.



"HOY!"



"BWAHAHA! Nakaganti din! Sige na at humayo na kayo! Adios!"



Kumaripas na ng takbo pabalik sa bar si Duke kaya naman hindi ko na napatulan. Inayos ko nalang muna ang buhok ko bago tuluyang pinaandar ang kotse paalis.



"Saan tayo Happy?" Sinulyapan ko si Happy and saw her looking at the window seriously. There's something off about her mood today. "Happy?"



"Ay bakit Sunshine? May sinasabi ka?" Tumingin siya sa akin bago ngumiti. Ang weird ng smile niya ha.



"Saan ko kayo ihahatid? Sa bahay mo or apartment nitong si Greggy?"



"Sa bahay ko nalang. Baka kung ano pang gawin ng isang to sa apartment niya?" Tumango naman ako bago tumingin sa daanan. Hindi nga lang ako totally na nakakapag focus sa pagdadrive dahil palagi kong nakikita sa salamin ang itsura ni Happy.



Nang dumating na kami sa harap ng bahay nila Happy ay hindi na ako nakapagpigil. I helped her in making Greggy move inside their house and gave the coffee that I brought for them. Nang makakita na ako ng tiyempo ay doon na ako nagsalita.



"Happy, anong problema mo? I'm willing to listen." Nakatitig lang ako kay Happy while she's still smiling habang nakaluhod at inaayos ang blanket sa katawan ni Greggy.



"Wala naman Sunshine. Ito lang namang bakla ang may problema."



Ilang years na kaming magkaibigan ni Happy pero napansin kong hindi kami marunong mag-open up tungkol sa mga problema namin sa isa't-isa. Puro lang tawa at saya ang nagiging topic namin kapag kami ang magkasama.



"Alam kong may problema ka Happy. Hindi naman pwedeng narinig ko na ang halos lahat ng problema sa Alveolar pero yung problema mismo ng kaibigan ko ang kakaligtaan ko nalang."



Napabuntong hininga ako ng makita kong kagatin ni Happy ang labi niya bago nagsimulang umagos ang luha mula sa mga mata niya. Pinaupo ko siya ng maayos sa isang upuan before I hugged her and slowly caressed her hair.



"Handa na ang mga papeles at ticket ko. Pinapasunod na ako ni Mamu sa Japan, Sunshine." Mas lumakas ang paghikbi niya kaya naman mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya. "Hindi ko kayang umalis."



"Buhay mo naman yan Happy. Kung dito ka masaya, alam kong maiintindihan ka naman ng Mamu mo." Kinurot ko ang pisngi niya bago pinahiran ang mga uha niya. "Pero kung ako ang nasa posisyon mo? Pipiliin ko talagang mag-abroad. Hindi naman sa tinataboy kita pero tingin ko, mas maganda ang career mo kapag doon ka nagtrabaho."



"Naiisip ko din naman kung anong naghihintay sa akin sa Japan." Napalunok si Happy bago siya lumingon kay Greggy. Nakita ko kung papaano naging mas malungkot ang mga mata ni Happy habang nakatitig sa kanya. "Kaso lang, hindi ko siya kayang iwan hangga't wala pa siyang nahahanap na lalaking magpapasaya sa kanya."



Natulala ako. Alam na alam ko ang nakikita ko ngayon kay Happy, ang ganitong pakiramdam.



"Mahal mo na ba si Greggy?" Ngumiti siya bago nagpahid ng luha niya. Kahit na hindi siya nagbigay ng confirmation ay nakuha ko na ang sagot sa mga mata niya.



"Kung balak mo pa ring tumuloy sa Japan, make sure na makapagpaalam ka ng maayos kay Greggy. Wag ka lang basta basta aalis tulad ng ginawa..." I cleared my throat when I almost mentioned his name. "Nevermind. Basta gawin mo kung anong tama, Happy. Tawagan mo lang ako kapag may problema ka pa ha?"



Nagdrive na ako pauwi ng bahay habang paulit ulit na nagpiplay sa utak ko ang eksena namin ni Happy kanina. Napapangiti ako pero at the same time ay nakaramdam ng lungkot. May babaeng handang magmahal kay Greggy kahit na lalaki ang hanap niya. Hindi ko nga lang alam kung handa ba siyang mahalin ng bakla in return.



Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang kumulo ang tiyan ko. Gosh. Hindi pa nga pala ako nakakapagdinner ng maayos! Lumingon kaagad ako sa mga madadaanan ko at nakakita ng isang convenience store na pinatulan ko nalang na bilhan ng makakain.



Pagkalabas ko ng kotse, I noticed that my legs began to feel wobbly. Dala na siguro to ng gutom kaya malamang, hindi ko na kakayaning pumila sa Mcdo. Tama ngang desisyon na dito nalang ako?



"Good midnight maam!" Nginitian at bahagya akong nagbow sa counter boy na nakangiti akong binati. "Ano pong order niyo?"



"One footlong with cheese and one hot choco with marshmallows, please."



"One footlong with cheese and one hot choco coming right up! Hintay lang po muna kayo sandali Maam ha?" Tumango ako bago nagpunta sa mga shelves ng convenience store.



I'm craving for something sweet kaya naman naghanap ako ng makakain sa may candy section. Dadamputin ko na sana ang isang bar ng sneakers ngunit napahinto ako ng makita ang Nips sa shelf.



10 years na pala ang nakalipas. Hindi ko namalayang matagal ko ng hindi sinubukang kainin ang candy na minahal ko nung bata pa ako. It's all because Nips never failed to remind me of him.



Nakagat ko ang labi ko bago ako nag-attempt na abutin ang Nips before withdrawing. Ilang minuto akong sumubok na kumuha pero paulit-ulit akong parang nakukuryente at nilalayo ang kamay.



"Excuse me maam? Kukunin niyo po ba yang Nips o hindi?"



"Huh?" Napalingon ako at nakakita ng isang binatang lalaki na nakatayo sa gilid ko habang bahagyang nakangiti. "Ay sorry boy. Ikaw na maunang kumuha niyang Nips."



Napakamot ako sa ulo ko at tinitigan yung bata na naghohoarding na nung Nips at iba pang matatamis. Nagsalubong ang mga kilay ko ng mapansin kong familiar siya but I shrugged it right away. Kung kilala ko siya ay panigurado namang makikilala niya ako.



"Andami naman niyan. Ikaw lang ba ang kakain ng mga yan?" Bahagyang lumingon ang bata sa akin bago umiling.



"Ipapamigay po namin to sa mga bata sa kalye. Tradisyon na po kasi nung kuya ko na mamigay ng mga pagkain at tulong kapag malapit na pong magpasko." My mouth parted because of what he said.



Ilang taon na akong nagtatrabaho pero hindi ko pa nagtatry na mamigay ng mga presents sa mga estranghero sa kalye. Puro lang ako ipon or bili ng mga gamit but I totally forgot that I am able to help other people through simple things like this.



"Ang bait niyo naman ng kuya mo." Nginitian ko siya bago nagsimulang dumampot ng mga candies. "Pwede ba akong dumagdag ng mga regalo para sa mga bibigyan niyo?"



"Pwedeng-pwede po Maam! Maraming salamat po ha?" Nakangiti akong tumango bago ko siya sinamahan sa ibang shelves. "Paniguradong matutuwa po si Kuya kapag narinig niya kayo."



The guy on the counter called my attention already kaya naman hinayaan ko na munang bumili yung bata ng ibang mga kakailanganin niya before I asked him to join me to eat. Binayaran ko yung mga candies na kinuha ko at in-orderan ko rin siya ng food before I went to sit on a table.



"Salamat po sa pagkain at dito sa mga candies Maam."



"Wag mo na ako tawaging Maam. Ate nalang para hindi naman ako masyadong makaramdam na matanda na ako." Tumawa yung bata bago tumango.



"Sorry po. Pero ilang taon na nga po pala kayo?"



"Nako okay lang no! Ano ka ba namang bata ka. Mag tutwenty-eight na rin naman ako this month kaya naiintindihan ko kung bakit mina-Maam mo na ako." Napailing nalang ako sa sarili ko. Parang kahapon lang din nung nasa edad niya pa ako.



"Hala. Happy Birthday po pala in advance, Ate!" Nginitian ko siya bago mabilis na nagpasalamat at sumubo ng footlong. "Kaedad niyo lang din po pala halos yung Kuya ko."



"Yung Kuya mong tumutulong?" Nakangiti siyang tumango. "Ang galing naman. Baka naging kaklase ko siya. Saan ba siya nag-aral dati?"



"Nag Scholastica at ACHS po siya nung high school." Dahan-dahan akong natigil sa pagnguya dahil sa narinig ko. "Kilala niyo po siguro si Kuya, ate. Gwapo po yun atsaka maganda yung boses."



I don't know kung bakit siya kaagad ang unang taong pumasok sa utak ko. He's only the one who fits that description lalo na yung nagtransfer siya from Scholastica down to ACHS.



But no. Impossible. Nanay didn't mention me anything about it. Pero bakit din naman magkukwento si Nanay kung hindi ko naman siya kinakausap?



Tanga ka talaga Sunshine.



"Ano bang pangalan ng Kuya mo?"



Sasagot pa lang sana siya ng bigla akong nasamid sa iniinom ko. Nataranta ang bata at kaagad na naghanap ng tissue sa counter boy but suddenly, a man entered the convenience store.



"Hey Carp. Nabili mo na ba lahat ng kailangan natin?"



"Kuya Hanson! Opo tapos na akong mamili!"



I turned towards my right and found a guy na nakasuot ng pants and white t-shirt na pinaresan ng light blue coat. His hair is pushed backwards and I totally forgot how to breathe when I saw his face.



Shit. Hindi pwede to.




Automatikong umangat ang mga kamay ko para takpan ang mukha ko ng aking handbag. I hurried to the nearest shelf para magtago but my heart thumped loudly ng marinig ko yung bata na i-mention ako.



"Huh?! Nandito lang po siya kanina eh." I gulped when I saw them roaming their eyes around the store.



I bit my lip when they started walking para hanapin ako. It was like I was putted in a maze with monsters na pwede akong kunin kapag nahuli ako! Kabado tuloy akong yumuko at lumipat sa kabilang shelf then to another.



While I was hiding on a shelf, I caught the eyes of the counter boy na nagpipigil na ng tawa. Panay na ang pagsenyas ko sa kanya na wag maingay at wag tumingin sa akin pero wala. He didn't stop laughing until I smelled a familiar scent near me.



"Sunshine?" Muntik na akong matumba sa kinatatayuan ko but I pretended na namimili ako sa shelves and didn't hear anything.



Pota. 10 years na ang nakalipas pero iba pa rin ang epekto niya sa akin.



"Sunshine..."



Napalunok ako when I felt his hand on my shoulder that brought a tingling sensation on my skin. Napalunok ako pero inipon ko ang lakas ko para umikot and see his face upclose.



"Uy Hanson! Ikaw na ba yan?" Nagkunwari akong gulat na gulat na makita siya before looking at him from head to toe. "Naks! Iba talaga kapag nag-Canada! Kumusta ka na pala?"



"I-I'm fine. I'm doing good." Nakangiti akong tumango tango bago ako tumingin sa relo ko. It's time to escape!



"Nako! Malapit na mag-umaga! Mauna na ako sayo ha? Kita kits nalang dito sa Alveolar!" I didn't wait for his reply at basta nalang tumalikod. Pero bago pa ako makahakbang ay nahuli niya ang kamay ko.



"Wait Sunshine-!"



Bahagya niya akong hinatak kaya naman bigla akong nawalan ng balance dahil sa lecheng heels ko. My eyes widened ng mapasandal ako sa shelf na katabi namin that made it lose its balance also. Unti-unti itong tumumba and I was about to fall kasabay nito pero isang braso ang yumakap kaagad sa beywang ko.



"Shit. Are you okay?"



Napalunok ako when our eyes met while our faces are just inches apart. Naputol naman kaagad ang titigan namin ng makarinig kami ng sunod sunod na pagkahulog at pagkabasag.



"NAKO! HINDIIIIIIIII!"



Napatayo kaagad kami ng maayos ng marinig namin ang paghagulgol ng counter boy habang nakatingin sa delubyong nagawa namin. Carp, as what I've heard from Hanson, ay nakatayo naman sa tabi ng lalaki habang nakanganga.



Napatakip ako ng bibig ko as I look at the five shelves na tumaob ng parang domino dito sa store. Nagkanda basag yung mga bottles ng wine at inumin sa paligid and the packs of food were all ruined.



The whole place was wrecked by me and Hanson. Geez. Magkano ba ang lahat ng to?



"KAILANGAN NIYO TONG BAYARAN MAAM SIR!" I started biting my fingers when the counter boy stressedly point his finger towards us. "Kapag hindi kayo nagbayad, tatawag ako sa pulis! Tatawagan ko rin yung may ari! Makukulong-!"



"Please calm down, Mister. Babayaran ko lahat ng damages namin sa store niyo." Napakurap ako ng maglakad palapit sa lalaki si Hanson. "Where's the store owner? Kindly call him, ako na ang bahalang kumausap sa kanya."



"T-Teka lang Hanson! May kasalanan rin ako!" All of their eyes were fixed on me kaya naman naglakad ako palapit sa kanila. "Kaya dapat half-half tayo sa bayarin! Diba? Let's just make it a deal."



"No Sunshine, ako na bahala dito. It's just my fault kasi kung hindi kita hinila, hindi matutumba yung shelf."



"Yes, hinila mo ako. Pero kung na control ko yung sarili ko at hindi ako na out of balance, hindi naman ako mapapasandal sa shelf."



"Pero ako pa rin talaga ang may kasalanan. I shouldn't have pulled you para hindi nangyari to." Nakita ko sa peripheral vision ko na napapangiwi na yung dalawang nanonood sa amin while I'm slowly losing my patience.



"Pero hinila mo na nga ako diba? Wala na tayong magagawa so maghati nalang tayo sa bayarin-"



"Alam ko kung anong ginagawa ko, Sunshine. I know that I'm the one who did wrong here so I have to pay it with my own money without your help." Napailing ako bago pumikit at huminga ng malalim.



"Okay fine. Diyan ka naman magaling, ang sisihin ang sarili mo." Sinalubong ko ang mga mata niya.



"Welcome back Prince Hanson Miranda. Bakit ka nagkaroon ng lakas ng loob na bumalik kung ganyan ka pa rin naman?"



This is my first encounter with Prince Hanson Miranda after 10 years. Nagbago na ang itsura niya, his height, his built, and his voice pero hindi pa rin nagbabago ang ugali niya. He's still the same miserable guy who blames himself over the things na hindi niya naman kasalanan.



Now that the damage has been done, should I still welcome a coward who still makes my heart beat rapidly in my life?

Continue Reading

You'll Also Like

14.6K 210 20
Samantha Bliss Cordova is single for a long time. She's too bitter for love. She despises those cheesy interactions especially during Valentines Seas...
2.6K 260 36
While she was busy keeping her boyfriend away from the other women, who'd have guessed that a boy would win her boyfriend's heart instead of a girl...
456K 32.9K 52
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
28.9K 2K 54
Dahil sa isang deal, nakaramdam ako ng kakaibang kaba. T'wing nandiyan siya ay parang naglalaho ang lungkot at nabubuo ang saya. Nagiging maliwanag a...