The Infamous Witch Dorothy (O...

By kyu17ayusawa

138 25 7

Dorothy's adventure in mortal world More

The infamous witch Dorothy
KABANATA 1
Kabanata 2
Kabanata 3
kabanata 4
kabanata 5
kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

kabanata 6

0 0 0
By kyu17ayusawa

'Kahiyahiya ka Dorothy!'

Kastigo ni Dorothy sa kanyang sarili nang malaman niya kung anong bagay at para saan iyong napagkamalan niyang ÀRMS kanina.

Gamit pala iyon dito sa mundong ito para sa ugnayan ng mga tao sa panahong ito. Masyado lang talaga itong makabago. Hindi kagaya sa MÀR na kalapati o di kaya mahika ang gamit para magpaabot ng mensahe.

"Ate Dorothy! Saan po kayo galing ni Kuya Atem ko?" Tanong ni Aries ng hindi namalayan ni Dorothy nq nakalapit na pala.

Abala kasi siya sa pagiisip sa mga katangahang ginawa niya kanina. Pinalabas pa talaga niya si Crazy Kilt para lang sa kahiyahiyang pangyayari.

Naalala pa niya ang hitsura ng binata kanina na sobrang gulat at halos itinulos sa kinatatayuan. Hindi niya ito masisisi kung mawalan man ito ng malay sa mga sandaling iyon dahil ginulat naman talaga niya ito.

Nang ipakita at ipaliwanag sa kanya ang paggamit niyon ay napahiya si Dorothy ng husto. Lalo pa at daldal ng daldal si Crazy Kilt.

Pagkatapos sabihin ng binata ang salitang hindi na naman niya maintindiha ay bumalik na sila sa bahay nito ay hindi narin ito nagsasalita pa hanggang sa makarating sila dito at iwan siyang mag isa sa napakalaking bulwangan na ito. Hindi na ito bumaba pa.

"Hoy! Ate Dorothy! Kainis ka naman e. Kanina pa ako salita ng salita dito e hindi mo man lang ako sinasagot." Ani Aries na nakabusangot habang tinitignan ang babae. Kanina pa kasi siya salita ng salita dito tapos hindi man lang nakikinig ang Ate Dorothy niya. Ang lalim nang iniisip nito.

"Pasensya na Aries. May iniisip lang ako. Ano nga uli iyong tanong mo?" Napailing nalang si Arie at bagsak ang mga balikat. Kanina pa kasi niya ito tinatanong kung saan ito at ang kuya niya nanggaling, bakit umalis ang mga ito pero wala. Nakatunganga lang ito.

"Never mind." Ani ng bata. "Oo nga pala Ate? Saan ka nakatira? Diba sabi mo ay hinahanap mo ang Kaldea ba iyon?" Tumanggo naman si Dorothy. "Wala talaga sa mapa ng Philippine map Ate. Tinignan nadin namin ni kuya Azu ang world map pero wala parin. Saan ba talaga iyan ate?" Napabuntong hininga nalang si Dorothy. Hindi naman talaga kasi nila mahahanap ang lugar ng MÀR o Kaldea sa lugar na ito. Ibang mundo naman kasi ito.

"Hindi mo naman talaga mahahanap ang lugar na iyan sa mundong ito dahil wala naman talaga iyan dito." Inusenteng nangunot ang noo ni Aries.

"Ano po ang ibig sabihin niyon Ate?" Naguguluhang tanong ni Aries.

"Hindi ako tagadito sa mundo niyo. May sarili akong mundo.." ani Dorothy na ikinalaki ng mga mata ng bata.

Biglang napalingon si Dorothy ng may ingay mula sa nahulog na bagay ang narinig niya. Nang tignan niya kung ano iyon ay nakita niya ang selpon---'iyon daw ang tawag bagay na iyon na napagkamalan niyang ÀRMs kanina' na nasa sahig na at ang binata na walang iba kundi si Atem.

Hindi alam ni Dorothy kung bakit pero biglang naging gwapo sa paningin niya si Atem na nakasuot lang nang ordenaryong dapit at medyo basa pa ang magulo nitong buhok na talagang bumagay sa hitsura nito.
Aaminin ni Dorothy na ngayon lang siya humanga sa pisikal na kaanyuan ng isang lalaki..at walang iba kundi si Atem Harris...

"Ulitin mo ang sinabi mo?" Tanong ni Atem sa babaeng nakatayo ilang dipa lang sa kanya. Gusto niyang makunperma ang sinabi nito dahil baka namali lang siya nang dinig o kaya ay nag jojoke lang ito. Pero...

"Totoo.." nagbaba ng tingin si Dorothy. "Hindi ako kabilang sa mundong ito..iba ang mundo ko na kung tawagin namit ay MÀR. At ang MÀR ay nahahati sa apat na kuntenyente at kabilang na dun ay ang Kaldea kung saan ako at ang aking kapatid ay siyang namumuno doon." Mahabang paliwanag ni Dorothy. Wala naman siyang dahilan para maglihim dahil hindi naman sekreto iyon. At nararamdaman niya naman na mapagkakatiwalaan ang mga taong ito. Pero kung gagawa ang mga ito ng masamang hakbang... papatayin niya ang mga ito sa isang kisap mata.

"So....all this time that were together---" tumikhim si Atem para isipin ang translation sa tagalog ng mga sinasabi niya. "Hanggang sa mga sandaling ito na magkasama tayo ay Alien ka pala?!"

Kumunot ang noo ni Dorothy.

Anong Alien?

"Pinagsasabi mo lalaki? Sabi nang wag kang magsalita ng mga salitang iyan kasi hindi kita maintindihan."

"Tawagin mo nga ako sa pangalan ko." Ani Atem. Sabagay. Ilang beses na si Dorothy na sinabihan ng binata na tawagin niya ito sa pangalan nito pero hindi niya magawagawa.

"Magsalita karin ng maintindiha ko para patas lang tayo." Bumuntong hininga ito.

"Okay fine---ang ibig kong sabihin ay hindi ka kauri namin nung magkasama tayo?"

Gustong tampalin ni Dorothy ang kanyang noo dahil sa sinabi ng lalaki. Pero pinigilan niya. "Hala ka! Ilang beses mo na ba akong nakita na nakasakay sa walis at naglabas ng ÀRMs ko? Tapos tatanungin mo ako ngayon kung kauri nyo ko? Ano sa tingin mo?" Sabi ni Dorothy na nilakipan niya ng patuyang tuno.

"Damn! Woman! Meron din kaming mga witches dito sa mundong  ito na kagaya mo kaya nagulat ako na hindi ka pala tagarito sa amin." Inis na wika ng lalaki. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya dahil kunot ang noo nito na nakatingin sa kanya.

Pero ano daw iyon wises? Pambihira talaga ang lalaking iyon. Tigas din ng bungo e. Sabi nang wag itong magsalita sa lengwahe na iyon pero pasaway parin. Iniitindi nalang ni Dorothy na ang ibig sabihin ng wises ay mangkukulam na kagaya niya...

Hmmm...

Kauri ko? Gusto ko silang makaharap.

"Paano ka po napunta dito sa mundo namin ate Dorothy?" Nanumbalik ang kaisipan ni Dorothy sa tanong ni Aries.

"Dahil sa kapatid ko. Ginamitan niya ako ng isang uri ng mahika para mapunta dito. Kaya ko naman sanang makabalik sa Kaldea gamit ng aking mahika kung gumagana lang sana ang dimensional ÀRMS ko." Napabuntong hininga nalang si Dorthoy. "Kaso hindi ko alam kung bakit hindi gumagana ang diminsional ÀRMs ko dito sa mundong ito." Paliwanag niya. Nakatulala lang ang mga kausap niya. "Ito marahil ang dahilan kaya dito niya ako itinapon kasi limitado lang ang paggamit ko ng kapangyarihan."

"So....totoo ngang hindi ka tagarito sa mundong ito..." ani Atem. Tumanggo naman si Dorothy. Tulala nalang ang binata sa kanya.

"Wow ate Dorothy! Isa ka pong alien! Yehe! May ate na akong alien!" Tuwang tuwa na bigkas ni Aries na nakabawi sa pagkatulala. "That's why po meron kang powers po! OMG! Your so cool po!" Sigaw ni Aries at inalog alog pa si Dorothy. Siya ang nahihilo sa sinasabi at ginagawa ng bata sa kanya.

"Kuya Atem!" Baling ni Aries kay Atem na wala paring imik hanggang ngayon. Nagmamasid lang ito sa kanila. "Pwede po bang dito nalang si Ate Dorothy satin since wala po siyang matitirahan po. Kawawa naman po siya. Wala po siyang house dito sa mundo natin."

"No. We don't know her." Anang binata sa lenggwaheng hindi niya naiintindihan. "I think she's too dangerous because she can perform a dimonic spell." Patuloy ng binata na sa kapatid lang nakatingin at seryosong nakipag usap. Hindi ni Dorothy  naiintindihan ang mga pinagsasabi ng binata ngunit nababatid niyang tungkol ito sa mungkahi ng kapatid na dito siya titira sa bahay ng mga ito. "She can also  summon that freaking ugly doll! If you were there.. you will also get scared like me."

"Naku hindi po! Ang bait kaya ni Crazy Kilt po! Siya po ang nagpatumba sa mga kumidnap sa amin ni kuya Azu." Ani Aries. "Sige na po. Hindi naman po masama si ate Dorothy eh. She's so nice and she's the one whom helped us when no one's there to help us. Kaya para sakin. Siya ang pinakamabait. Pinakamaganda--" nasamid si Atem sandali.

"Aries.." tawag niya sa bata. "Huwag na. Aalis nalang ako. Salamat at pinagkatiwalaan mo ako. Pero tama rin ang kuya mo. Hindi mo pa ako lubusang kilala. Isa lang ang sasabihin ko. Hindi porket  may tumulong sa inyo ay magtitiwala na kayo agad. Ang taksil ay maraming paraan upang kayo ay mapabagsak. Tandaan niyo iyan." Ani Dorothy at tumalikod. Hindi naman sumama ang loob niya sa diriktang pagtanggi ng binata. Sanay narin naman siyang maglakbay at matulog sa kagubatan. Kaya wala talagang kaso sa kanya.

"Damn it! Sandali!" Narinig ni Dorothy ang sigaw na iyon ni Atem ng malapit na siya sa pintuan. "You can stay here. Ibig kong sabihin pwede kang manatili dito sa  bahay ko. Ngunit sa isang kondesyon." Seryosong turan ng binata. Napataas naman ang kilay ni Dorothy.

Iyang ingles na iyan. Punong puno na ako.

Matutunan din kita kita mo!

"Ano iyon?"

"Kailangan mong sundin ang mga utos ko." Dalawang kilay na ngayon ni Dorothy ang nskatikwas. "Una sa lahat. Bawal kang gumamit ng magic."

"Magic ay mahika iyan tama?"

"Oo."

O diba? May alam na akong salitang ingles.

"Sayo na iyang utos mo. Aalis nalang ako." Ani Dorothy sa seryosong boses at seryosong mukha. "Ipagbawal muna lahat wag lang iyan. Kasi kailangan kong humanap ng paraan kung paano makabalik sa mundo namin. Kung ipagbabawal mo iyon. Baka hindi na ako makakauwi." Pagtatapos niya at tinalikuran ito.

"Damn! Damn! Okay fine! Pwede kang tumira dito at pwede ka ring gumamit ng mahika. Pero binabalaan kita. Wag mong gamitin iyan para saktan ang mga kapatid ko. Kundi----"

"Kundi ay ano?" Hamon ni Dorothy. "Alam mo. Kung labang sa loob mo ang pagtanggap sakin ay aalis nalang ako. Hindi naman kawalan sakin kung titira ako sa bahay naito o hindi."

Gusto ko sanang manatili rito dahil gusto kung matutunan ang salitang iyon. Gusto ko sanang magpaturo sa mga bata.

Ang taas kasi ng tingin ko sa sarili ko kapag ako ang nagsalita niyon.

Gusto ko sanang magyabang sa Kaldea pag balik ko.

Pero malabo.....

"Oh shit! Tama na. Pwede kanang manatili rito. Hanggat gusto mo damn!" Ani Atem sabay talikod.

"Why the fuck I said those shit!?" Bulog nito na hindi na narinig ni Dorothy.

Napangiti ako. Tuloy ang pasasanay sa ingles!



Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 227K 36
Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. Some want it to be as simple as possible...
9.8M 531K 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na k...
2.3M 85.3K 84
Highest Rank #1 in Adventure Alam ni Charm kung gaano kadelikado ang mahika. Kaya naman nang mapilitan syang magtransfer sa isang magic school sa isa...
36.3K 1.3K 37
DESCRIPTION: Ruan Mari Tan is a cold blooded business tycoon in the Philippines. Pagmamay-ari niya ang isa sa malaki at sikat na publishing company a...