Evanesce

By allileya

46.5K 3.6K 955

Aislinn Sinclair is a woman imprisoned in the world that her parents built for her, a world where she always... More

Evanesce
Dedication
Prologue
Part One
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Part Two
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue (Part One)
Epilogue (Part Two)
Note

Chapter 31

505 20 0
By allileya

Kinuha ko ang dustpan at walis na nakalagay sa likod ng pinto ng kusina. Tiniis ko na muna ang sakit nang hawakan ko ang dustpan at walis kaysa naman sa hindi ko ito iligpit.

"Anong nangyari?"

Hindi pa nga ako tapos sa pagwawalis sa bubog ng baso ay pumasok na si Icarius. I just ignored him and acted like I didn't hear and notice him. Pero inagaw niya bigla sa akin ang dustpan at walis. Saglit ko siyang tinitigan bago naglakad paalis.

I jumped when I shut the door forcefully. I didn't mean it. Baka isipin niya galit at nagwawala ako. Eh, sa galit naman talaga ako! Pero hindi ko naman intensyon na ibaling sa pinto ang galit ko. Bakit ba kasi siya pumasok pa siya? Hindi ba't nagsusubuan sila ng babae niya sa labas? Tuwang-tuwa pa nga sa kanila ang mga tao.

I was in the middle of introspection when the reason behind it showed up again. Napatingin ako kay Icarius at nagtagpo agad ang mga mata namin. Nilapag niya muna sa sahig ang dala niyang pagkain bago tuluyang makaakyat sa kuwarto ko. Hindi ko siya pinansin.

"You need to eat."

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin sa kama. Hindi ko pa rin siya inimik. He sighed. Hinawakan niya ang baba ko para iharap ako sa kanya. I met his eyes once again. Tila unti-unti na namang nawawala ang galit ko dahil sa mga matang 'yan. But thinking about that woman, I don't want that look from him anymore. Nadungisan na. Kaya bago niya pa man ako masubuan ay iniwas ko ulit ang mukha ko sa kanya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang nakatingin sa maliit na bintana.

"To feed you."

Kunot-noo ko siyang tinignan. "Ano ako hayop? Kaya kong kumain mag-isa. Umalis ka na at iwan mo na lang 'yan."

His expression shifted. "With that hands?" He looked down my hands. "No." Itinaas niya ulit ang kutsara para isubo sa akin. I looked away again.

Pagkatapos niyang subuan ang iba ay sa akin naman niya isusubo? No way! Kaya kong kumain mag-isa. Titiisin ko na lang ulit ang sakit. Isa pa, what is it with him? Is he showing how concerned he is to me while his woman is here? Hindi ba't cheating din ito?

"Umalis ka na. Baka hinahanap ka na ni Karianna," sabi ko pa.

"Ano?"

Lumiko ang mga mata ko sa kanya without moving my head. Umirap ako pagkatapos. Kailan pa siya naging bingi?

"Iwan mo na 'yan diyan at magsubuan na ulit kayo ni Karianna."

I didn't mean to sound so offensive but that's the right term to describe it. Ayokong maglagay ng kahit na anong filter pagdating sa kanya dahil ganoon din ang ginagawa niya sa akin. I just want to be fair.

"Ano bang sinasabi mo, Aislinn?"

I suddenly feel guilty when fragments of memories with him surfaced on my mind.

"Wala." I shifted my weight to avoid him more.

"Just eat. I'm doing you a favor so just accept it while I'm still being kind."

What did he say? Haharapin ko na sana siya nang bigla na lang siyang napunta sa harap ko hawak pa rin ang plato at kutsara. Pinantay niya sa may bibig ko ang kutsara pero nanatili akong nakatikom. Kalaunan ay 'di rin nakatiis.

"Then, stop doing me favors when I didn't ask for it in the first place. Do not be kind to me if you're just forcing yourself. You know you can always show me your true colors. I don't mind dahil ilang beses ko na naman iyong nasaksihan. Hindi mo na kailangang-"

Namilog ang mga mata ko nang bigla niya na lang isinubo ang kutsara sa bibig ko habang nagsasalita pa rin ako. Napanguya ako at tinitigan siya ng masama.

"Icarius!" Muntik pa akong mabulunan. Damn it!

"Kuha lang ako ng tubig." Nilapag niya sa maliit na lamesa ang plato bago gumapang papunta sa may hagdan.

Sinundan ko siya ng tingin habang nginunguya ko pa rin ang bigla niyang isinubo sa akin. Nakakainis! Talagang ipipilit niya ang kagustuhan niya nang hindi iniisip ang kalagayan at nararamdaman ko. What a selfish jerk!

I crossed my arms on my chest and immediately felt the pain when I clenched my arms. I groaned. Ibinalik ko na lang ulit sa dating ayos ang kamay ko. Napatingin ako sa plato at sa may hagdan. Aminin ko man o hindi, Icarius is really a good man. Sadyang nadumihan lang ang pag-iisip ko nang dumating ang rumored girlfriend niya.

Tanungin ko kaya siya tungkol doon? I'm just prolonging my agony and curiosity. If it's really true, then it's okay. I'll just accept it wholeheartedly. But if not, then... then the ugly feelings that I'm feeling right now is useless.

"Here."

Nagulat ako nang makita ko na lang bigla si Icarius sa harap ko. Ang bilis niya naman! 'Tsaka wala na ba siyang ibang gagawin kundi ang gulatin ako?

Kukunin ko na sana ang baso sa kamay niya nang ilayo niya ito sa akin.

"Ako na. Remember what happened earlier in the kitchen?" He gently placed the glass on my mouth. Ininom ko naman agad ang tubig. Pagkatapos ay kinuha niya na ulit 'yong plato pagkalapag niya ng baso sa tabi nito.

"May problema ba?" Isang subo sa akin ay nagbukas na siya ng dapat na pag-usapan namin.

I stared at him for seconds and blinked several times. "W-Wala." Ngumuya ako't umiwas ng tingin.

"Meron," he pushed through it. "I can feel it."

"Feeling mo lang 'yan," pamimilosopo ko naman.

Sinubuan niya ulit ako. He wiped the side of my lips after and licked the thumb he used. Napaubo ako at muntikan ko pa sanang maibuga ang isinubo niya sa akin nang mapigilan ko iyon. I saw how his lips rose into a smirk. Umiwas ulit ako and kept myself busy on looking outside of the window.

"Come on, Aislinn. Tell me your problem. Bakit ka nagkakaganyan?"

"Wala nga. Anong bakit ako nagkakaganito?" Binalik ko ang tingin sa kanya para mas mapakita ko pa na hindi ako apektado sa kahit ano. "Anong meron sa akin ngayon na napapansin mo?"

Bumaba ang tingin niya sa plato. Pag-angat niya ay sinubuan niya na naman ako.

"You're acting unusual." He stared at me.

Tinapos ko muna ang pag-nguya habang nakatitig din sa kanya. Susubuan niya na ulit sana ako nang pigilan ko.

"Unusual? Bakit ano ang usual na galaw ko?" I opened my mouth.

"Ewan ko. It's just that..."

Ngumuya ako. Tinaas ko rin ang isang kilay ko.

"Never mind." Nagtipon ulit siya ng pag-kain na mailalagay sa kutsara.

"Hindi mo naman pala alam tapos pinapalabas mo na parang ako pa 'yong may kasalanan at ginawang mali."

Kunot-noo niyang inangat ang tingin niya sa akin. "Bakit sino ba dapat ang may kasalanan dito?"

That hit me, reason for me to fell silent. I slowly chew the food while trying to avoid his eyes. This is getting uncomfortable. Bibilisan ko na nga ang pag-nguya ko para makaalis na siya't matahimik na ulit ang buhay ko kahit saglit.

"Wala ka talagang sasabihin sa akin?"

"Ikaw wala kang sasabihin?" ako naman sa gitna ng pag-nguya ko. Hindi ko rin nilubayan ang mga mata niya.

He sighed heavily as he looked away. Oh, ikaw naman ngayon ang umiiwas. Does that mean na may gusto ka ring sabihin sa akin? I wonder what is it. Are you going to explain your side to me? About Karianna and your relationship to her?

Wait, what? Bakit ko naman hinihingi 'yon sa kanya? Like what I said for countless times, I don't care. Wala akong pakialam kung mamilagro pa sila sa harap ko.

Tahimik niya akong pinainom ng tubig bago siya umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag nang hindi ko na siya makita. Napapikit ako at napahiga sa kama. Kalaunan ay napabangon din nang maalala na bagong kain pala ako.

This is so frustrating! Last time I check, Van's the only reason for this kind of frustration. So, what is this? Is this jealousy? Oh, my God! No. No way. Galit lang talaga ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Jealousy is not the root of this all. I tell you again, there's no way I'm jealous to that woman.

Bumaba ako ng hapon na agad kong pinagsisihan dahil nasa salas si Karianna at Icarius. Gustuhin ko man na bumalik ay hindi ko magawa. I'm thirsty.

Pagbukas ko ng ref ay siya namang paglapit ni Karianna sa akin. I tried to ignore her but she really want to talk to me or more like give me orders na kayang-kaya niya namang gawin. Kahit na mayaman siya ay matuto naman siyang gumawa ng mga simple at basic na gawain. Anyway, ganyan din ako noon but not totally. I'm sure she'll learn it.

"Can you wash my clothes for me?"

Hinarap ko siya. "Pasensiya na hindi ko magagawa ang gusto mo."

Sinara ko na lang ang pinto ng ref. Pati ba naman sa pag-inom ng tubig ay nakakawalang-gana dahil sa babaeng ito? Isa pa, bakit niya pa ipapalaba sa akin ang damit niya kung puwede lang naman palitan? Mayaman siya, 'di ba?

Tinalikuran ko siya pero sinundan niya ako.

"Hey, that's so rude of you!" Hinawakan niya ang braso ko. Nilayo ko naman agad ito sa kanya. Pansin ko sa peripheral vision ko ang paglapit sa amin ni Icarius. What? He'll save his girlfriend? Bakit hindi ako? Tutal ako ang naaagrabyado ng babaeng ito.

"Kita mo naman siguro ang bendahe sa kamay ko, hindi ba? So, if you'll excuse me, Ma'am." It was supposed to be a sarcasm but that's not what it seems to her.

"But who will wash this clothes?" maarteng sabi niya.

"I'll wash it for you," singit ni Icarius. Sabi ko na nga ba.

"Really?" Lumiwanag ang mukha ni Karianna. Kinuha naman ni Icarius sa kamay niya ang mga damit. "Thank you, babe!"

I almost roll my eyes on that, but I saw how Icarius suddenly shifted his look to me. Umiwas naman agad ako. I was about to grab the door handle when I heard another annoying 'compliment' from her.

"Ang swerte naman ng katulong niyo. She's just slacking all day. Kung nasa amin iyan ay puno ng gawain iyan."

Mapakla akong napangisi. Kaya pala kahit dito lang ay panay ang utos mo sa akin kahit na ang simple-simple lang naman. Para namang baldado ka niyan.

"Karianna, she's-"

Hinarap ko sila. "Excuse me, Ma'am." Naglakad ako palapit sa kanya na siyang ikinagulat niya naman. "For your information, I'm not a maid here. Pinagbigyan ka lang sa gusto mo kaninang umaga ay hindi mo na ako kinilala."

She's really shock right now.

"Hindi ka man lang nagtanong sa boyfriend mo bago ka nag-mando sa akin." Irita ko ulit silang tinalikuran. Bago ko pa man masara ang pinto ng kuwarto ay narinig ko ang sinabi ni Icarius.

"She's my cousin, Karianna."

Wow. Pinsan na naman ang pakilala niya sa akin. May mag-pinsan bang naghahalikan? May mag-pinsan bang nagtititigan ng may kahulugan? May mag-pinsan bang nagsusubuan? Wala naman, 'di ba? Damn. I expected this and expectations always hurt me, causing unwanted feelings and emotions.

Kinagabihan ay humingi siya ng tawad sa akin. Tinanggap ko naman. As if I have a choice. It's just a matter of decisions. Pakikisamahan ko na lang siya hanggang sa nandito siya para walang gulo. Pero salungat ata iyon sa mga sinasabi ko.

"How come you're his cousin? Wala siyang nakuwento sa akin noon tungkol sa 'yo."

"May mga bagay lang talaga na hindi naman kailangang sabihin pa." Hindi ko magawang makatingin sa kanya kaya inaabala ko na lang ang sarili ko sa panonood.

"But you're his cousin. You're part of his family so I need to know about you," aniya sa slang na tono. "Tell me, what's your full name?"

"You don't need to know. Hanggang bukas ka lang naman dito, 'di ba? Other than that, I don't think we can get along."

"Uhm, actually, I'm planning to visit more often. I'm fixing things with Icarius so I don't think I can leave this behind just like what I did before."

Napatingin ako sa kanya. Nabuhayan siya dahil sa tingin niya ay magiging attentive na ako sa kanya but she's wrong. Curious lang talaga ako sa kanila. Was it wrong for me to be curious?

Umiwas ulit ako ng tingin sa kanya. "Fixing? I thought you two are okay." Umayos ako ng upo at hinanda ang sarili ko sa mga sasabihin niya.

"Well..." She hesitated. "We're okay but not our relationship. We broke up last year when I chose my career over him. But I realized that I chose wrong. Now, I want him back no matter what."

Medyo sumaya ang diwa ko sa part na naghiwalay sila last year. Pero ang mga kasunod na sinabi niya ay hindi ko na naman nagustuhan. She's gonna fix the broken glass. Well, good luck to it. No matter what daw. Bahala siya kung masaktan at masugatan siya. Knowing Icarius, may isang desisyon at salita siya.

"Ano bang sabi ni Icarius?"

"That's the problem, eh. Ayaw na niya." I can feel the sadness etched in it.

Hindi ko napigilan na mapangiti ng palihim. Ayaw na pala ni Icarius. Kaya kahit na anong gawin niya, hindi na iyon mababago pa. Nagsasayang lang siya ng oras.

"But I won't give up on him. He's my only hope. I can feel that he still love me," determinadong dagdag niya.

I sighed before facing her. "Alam mo hindi na magbabago 'yong sinabi ni Icarius. I know him. 'Tsaka marami pa namang iba diyan. You're pretty, smart and... kind." Parang gusto ko yatang masuka sa 'kind' na iyon. Saang banda ba? Baka kaartehan lang. And if she's really a smart woman, she would never lower herself for a man just to have him. Mukhang 'yong maganda lang ang malapit sa katotohanan at reyalidad.

Oh, my God, Aislinn! You're so bad! Ano bang nangyayari sa 'yo't ganyan ka kagalit sa babaeng 'yan? Aba'y ewan ko. Basta ayoko na sa kanya unang kita ko palang kahit na pinuri ko pa siya. There's something about her that I can't understand. I can feel her capabilities. Mabait lang siya dahil pamilya kami ng lalaking gusto niya.

"Thank you but..." She made a sad face. "I really love Icarius. I couldn't see my future without him."

Para akong binagsakan ng hollow blocks sa dibdib. Iniwas ko na lang ulit ang tingin ko sa kanya. I, too, just wasting my time with her, but I need answers to my curiosity.

"No offense, ha? Hindi mo naman kailangang pangunahan kung ano ang magiging future mo. Hindi mo kalebel si Icarius pagdating sa status ng pamumuhay kaya bakit mo siya nagustuhan? 'Tsaka isa pa, ang pangit kaya ng ugali niya. You're a woman so don't do the chasing game with a man who doesn't love you."

She chuckled. "At first, I doubted myself when I knew his way and kind of living. To be more precise, I got disappointed and disgusted. So, I really want to break up with him that time but I just can't since I already saw through him. I know he's worth chasing for."

Through him? Parehas ba kami nang nakita? Nakakainis naman. Dadagdagan niya pa ba ang inis na nararamdaman ko sa kanya? Kulang pa ba? May isasagad pa ba ang kainisan na ito? And how dare she discriminate Icarius' life with his family?

"He's a good man. He's very understanding and caring. He'd shown his love for me in any ways. I couldn't ask for more. Besides, we've been together for five years. I don't want to waste it."

Sinayang mo na nga noong umalis ka papuntang ibang bansa kaya ano pang ginagawa mo rito?

"Oh, that's... that's longer than I thought," tanging nasabi ko.

"I have a feeling that you'll refuse my help pero kakapalan ko na ang mukha ko." Hinawakan niya bigla ang kamay ko. Napadaing ako kaya inalis niya naman agad. "Help me to get him back, please."

What did she just say? Humihingi siya ng tulong sa akin para magkabalikan sila ni Icarius? Ako na gustong-gusto nga siyang umalis na rito? Talaga lang ha? Mukhang pamilyar ang senaryong ito sa mga napanood at nabasa ko na. Mas nakakagigil pala talaga kapag sa totoong buhay mo na nangyari.

"I'm sorry but I can't." Tumayo ako. Sinundan niya naman agad ako.

"Please, Aislinn. Please. You're the only one who can help me," she pleaded and I refused so bad.

Ano ako bobo? Ayoko ngang magpagamit sa mga kagaya niyang tao. Hindi ko pa nga naaayos ang sarili kong nararamdaman dahil sa kanya ay may gana pa siyang humingi ng pabor sa akin? Ang kapal lang! Ayoko nga!

"Okay. I guess I'll just do it in my own way."

I guess so too, Karianna.

I sighed when I was outside, out of Karianna's face. Narinig ko pa na hinanap niya si Icarius pero wala na akong pakialam pa roon. My God. This is seriously stressing me out. I know I shouldn't make a big deal out of it but I just really couldn't control my emotions at times like this. Pati ako ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Shit!" Napahawak ako sa dibdib ko nang makita si Icarius sa madilim na parte ng kubo, nakaupo. Napatingin naman siya kaya napapikit na lang ako.

"Anong ginagawa mo rito? Hinahanap ka ni Karianna sa loob," sabi ko nang tumabi sa kanya.

Ang ganda talaga ng puwestong ito. Bukod sa nakikita mo ang kalangitan, dito ko lang din natititigan ng matagal si Icarius dahil nadedepina ang features niya sa kaunting liwanag ng buwan. Dito siya nababagay dahil sa dilim na bumabalot sa kanya. Well, in a good way.

"I don't care."

"She's your girlfriend so why would you not care?"

"Ex-girlfriend," he corrected.

So, Karianna's right. Hiwalay na nga talaga sila. Pero...

"Tinatawag ka pa rin niyang babe."

His Adam's apple moved. "Nasanay lang siya."

"Pero gusto mo naman." Agad akong umiwas nang maramdamang titingin siya.

This is also a peaceful place for me because Icarius is here even though some people are noisy and the dogs are kept on barking. Dito lang ako nagkakaroon ng maraming oras sa kanya. Dito ko lang siya nakakausap ng matagal at matino. Well, this is where we first fixed our misunderstanding. I think we're also gonna fix the unspoken words in our actions since yesterday. Alam kung pansin niya iyon.

"No, I didn't."

That wasn't a question but he answered it with absolute certainty. Hearing it just cleared my doubts for him. I believe in his words. I trust his actions. Sadyang ako lang talaga ang may problema sa utak. Masisisi niyo ba ako? I've been through worst. Ayoko nang madagdagan pa iyon dito.

"May... may balak ka pa bang balikan siya?" I saw a ghost of smile from his side lips.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Hindi naman," agap ko. "Just asking. Isa pa, wala naman akong karapatan na umayaw sa mga gusto mong gawin. Ang akin lang, don't give her false hopes."

I think that words are also for me. No. Si Karianna ang pinag-uusapan, hindi ako. My mind is really playing tricks on me. Bakit naman ako aasa sa kanya? Hindi ko naman siya gusto. Things are just confusing me.

"Kumusta ang kamay mo?" He decided on a different approach again.

"Masakit pa rin. Medyo namamanhid din." Napatingin tuloy ako sa kamay ko. Medyo marumi na ang bendahe. May mga ilang dugo rin na natuyo.

"Papalitan ko ang bendahe bago ka matulog," he suggested. "Or do you want it to be done now?" Tatayo na sana siya nang pigilan ko.

"Mamaya na lang." Nagkatitigan kami. Siya ang umiwas agad. "O baka gusto mo nang puntahan si Karianna? Ayos lang. Sige na."

"Damn. Why would I leave you for her?"

Napakurap-kurap ako. Habang tumatagal ay ramdam ko ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko. But then again, I tried to look on the other side of it. Oo nga naman, paano niya ako magagawang iwanan sa madilim na lugar na ito?

"She's your... girlfriend," I said the only words I could say. "And she's looking for you."

"Well, I'm not looking for her, Aislinn. I'm already with the one I'm looking for when I was in the dark." He looked at me. "I don't need to look at other women because she's already in front of me."

Kinain kami ng katahimikan. Rinig na rinig dito ang tugtugan sa may basketball court. Lalo lang akong nailang nang slow music na ang nag-play habang nakatitig pa rin kami sa isa't isa. Damn. I feel like I'm in seventh heaven, wishing that this moment would last longer.

Continue Reading

You'll Also Like

28.1K 1.3K 41
Stephanie Louisse Urquia, a second year resident from UIC decided to stop pursuing her dream to become a doctor when a tragic incident from the past...
76.1K 3.2K 103
Hello Roses! After a three year hiatus, I am finally back! To the readers of The Rose, I apologize for the not updating the story for a long time - r...
189K 6.7K 60
Heartbreak, they say, is devastating. If one could vividly describe how devastating it is, Fifteen Gracia Dimalanta could probably list hundreds and...
3.8K 173 43
You're my first in almost everything but she was your first in your everything. I took the risk for you but I guess I was wrong, because my love can...