The Seventh Generation (BoyxB...

By Black-Knights

195K 13.7K 951

Seventh Generation, ito ang tawag sa ikapitong tagapangalaga ng apat ng Elemental Spirits ngunit sa naganap n... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Not an Update
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Final Chapter (Part I)
Final Chapter (Part II)
Epilogue
Thank You Message
Special Chapter
Another Story Unlocked

Chapter 5

3.2K 192 12
By Black-Knights

[Aki's POV]

Inabot kami ng sampung minuto sa paglalakad. Hindi ko naman akalain na medyo malayo pala rito ang House of Frourá. Sabi ni Jace nasa western part daw kasi ang House of Frourá. Sa South ang Therapévo. Sa East ang Polemistís. Sa northern part naman mismo ang school. Malawak pala talaga ang Elemental Academy. So bale ang Therapévo ang pinakalamalayo mula sa mismong school.

"Nandito na tayo," sabi ni Xander.

Napa-'oh' naman ako. Ang ganda! Kulay pula. Hindi ko akalain na ganito pala kalaki ang Frourá. Ang ganda ng disensyo. May dalawa itong palapag. Sa taas nito ay may sign na 'Welcome to HoF'

Mula sa malaking pintuan ay bumukas ito. Bumungad sa amin ang isang matangkad na lalaki at sinalubong kami. Nang makalapit ito sa amin ay yumuko ng bahagya.

"Kinagagalak kong makita kayong muli mga prinsipe," sabi pa niya.

"Kami rin Mentor Alexus. Kayo na po ang bahala sa kaibigan namin," sabi ni Jace.

"Makakaasa ka Prinsipe," sabi naman nito. Teka! Si Mentor Alexus ito? Bakit parang ilang taon lang ang tanda niya sa amin?

Kinuha ko na kay Xander ang mga gamit ko.

Nagpaalam na ang tatlo. Sabi pa nila na bukas na lang kami magkita after class.

"Siguradong ikaw ang usap-usapan na fire user galing sa Mortal Realm, tama?," baling sa akin ni Mentor Alexus.

"Opo. Ako po si Aki Hernandez," pagpapakilala ko.

"At ako naman si Alexus Bright. Tawagin mo na lang akong Mentro Alexus o Alex para magmukhang bata," biro pa nito.

"Bakit matanda na po ba kayo?," gusto kong sampalin sarili ko dahil sa kadaldalan ko. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bunganga ko. Narinig ko ang pagtawa ni Mentir Aki.

"Actually, I'm 31 years old," literal na nanlaki ang mga mata ko.

"Po?"

Tumawa siya sa naging reaksyon ko.

"Hindi pa ba nila nasasabi sayo na mas mabagal ang oras natin kesa sa isang normal na tao? Sa Mortal realm, isang taon ang katumbas ng anim na buwan sa atin. So kung isa lang akong normal na tao, 61 years old na ako," paliwanag niya.

Teka, 17 years ako sa Mortal Realm! Ibig sabihin, 8 years old palang ako? Wtf? Ay shet, ang gulo naman!

"Tara na sa loob para makapagpahinga ka na. Lalo't sinabi ng Headmistress na hinabol pa pala kayo ng diavol bago kayo nakapunta rito," hindi na ako nakapagprotesta pa nang kunin ni Mentor Alexus sa akin ang dala kong karton.

Napatanga ako. Ang ganda ng loob. Para akong nasa isang mansyon. Lahat ata ng makikit gawa sa salamin.

Napatingin sa amin ang mga nasa loob.

"Everyone, makinig kayo. Madagdagan ulit tayo ng isang miyembro. Si Aki, isang fire user," nalangiting pagpapakilala sa akin ni Mentor Alexus.

Nagulat ako nang bigla silang nagsilapitan.

"Talaga? Isa kang fire user? Hala paano nangyari yun? Diba lahat ng fire user namatay noong digmaan?," nagtatakang tanong ng isang babaeng kulot.

"U-uh sa Mortal Realm ako lumaki," sagot ko.

"Totoo?! Pwedeng makita ang elemento mo?," suggestion naman ng isa pang babae. Napakamot ako ng ulo at napatingin kay Mentor Alexus na tumango. Huminga ako na malalim bago ibinuka ang kamay ko. Sinubukan kong maliit na apoy lang ang mailabas ko.

Mas lalong nagningning ang mga mata nila.

"Ang galing! Ngayon lang ulit ako nakakita ng isang fire user"

"Pagpasensiyahan mo na sila Aki. Alam mo naman na ang tungkol sa nangyaring digmaan 8 years ago," ngumiti lang ako bilang sagot.

"Mamaya niyo na talakan si Aki. Kailangan na niyang magpahinga lalo na't may nakalaban silang diavol kanina," dahil sa sinabi ni Mentor Alexus ay mas lalong nagningning ang mga mata nila.

"Sila? Sinong kasama niya Mentor Alexus?"

"Ang tatlong Prinsipe," simpleng sagot niya.

"Talaga?!"

Tumango ako bilang sagot.

"Actually, hindi sa pagmamayabang pero best friend ko ang isa sa mga prinsipe. Pero wala akong kaalam alam na prinsipe si Jace ha! Huwag kayong magagalit sa akin," pagpapaliwanag ko.

"Bakit naman kami magagalit?," tanong nila.

"Kasi Prinsipe si Jace at isa akong simpleng fire user?," hindi ko siguradong sagot. Nagtaka ako nang tumawa ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay nailing.

"Huwag kang OA. Alam mo bang isang karangalan ang maging isang kaibigan ng kahit sino sa mga prinsipe? Kapag kaibigan ka ng isang royal blood, ibig sabihin mapagkakatiwalaan ka," paliwanag ng isa.

"At dito sa Elemental Kingdom, pantay-pantay ang lahat. Bonus na lang kapag kabilang ka sa akin royal family. Kahit sino pwede mong maging kaibigan o mahalin. Lahat ng gusto mong gawin ay maaari mong gawin. Except lang sa paggawa ng kasamaan at pagsuway sa mga batas," dagdag naman ng isa.

"Noted!," Sabi ko. Napalayo ang mukha ko nang biglang may pumisil sa pisngi ko. May halong gigil e! Isang cute na babae ang gumawa nun. Maikli ang buhok at siopao ang pisngi. Siya dapat yung pinipisil sa pisngi!

"Oh tama na. Mamaya niyo na ituloy yan. Hayaan niyo munang makapagpahinga si Aki. Tapusin niyo na muna yang mga gawain niyo," utos ni Mentor Alexus sa kanila.

"Aki, sumunod ka sa akin. Ihahatid kita sa magiging kwarto mo," sumunod ako sa kaniya paakyat sa ikalawang palapag.

Sa may medyo pinakadulo ako dinala ni Mentor Alexus. Ipinitik niya ang kaniyang dalirri. May lumitaw na susi sa harapan niya.

Room 56

"Kunin mo. Yan ang magiging susi sa kwarto mo," agad ko naman siyang sinunod. Binuksan ko na rin ito. Simple lang ang itsura ng loob nh kwarto pero malawak.

Naglakad siya para ilagay ang karton sa kama na kasya pa ata ang tatlong tao. Sa tabi nito ay may lampshade. Mayroon ding study table sa tabi ng bintana.

"Ikaw na bahala kung anong gagawin mo dito sa kwarto mo. Lagyan mo ng disensyo, it's your choice. Meron ka na ring mga damit diyan sa aparador mo. Kung gusto mong maligo, meron ka na ring saeiling banyo. Tungkol naman sa rules and regulations, I ipapaliwanag ko na lang pagkatapos ng dinner. Sige na magpahinga ka,", ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat. Ginulo niya lang ang buhok ko bago lumabas ng kwarto.

Una kong binuksan ang aparador. Napanganga ako sa dami ng mga damit. Sinubukan ko kung kasya ko ang mga ito. Kasya ko nga.

"Tamang tama lang sa katawan ko," sabi ko sa sarili. Sa tingin ko naman ay pare-pareho ito ng size. Merong pantulog, panglabas, pangbahay at meron na rin pang-formal attire.

"Cool"

Sunod ko namang tinignan any banyo. May shower. Pati bathtub! Saktong sakto lang ito para sa dalawang tao.

At ang huli ay ang karton na bigay ni Ms Willson. Una kong binuksan ang mas maliit. Isa itong kulay puting long sleeve at black pants. Tatlong pares ito. May kasama din itong pin o badge. Pabilog ito. May sign na HoF sa gitna habang may apat na simbolo na nakapalibot sa HoF.

Note: Use this every Monday, Wednesday and Thursday.

Nakita ko rin ang mapa na sinasabi ni Ms Willson at ang ID ko.

Sunod naman ay huling karton. Sa isa pang pagkakataon, napanganga ako.

Note: Use this every Tuesday and Friday.

Ang astig!

(A/N: Photo not mine. Ganyan yung uniform ng House of Frourá. Source: Pinterest)

Hindi naman ito mabigat. Parang ganito yung sinusuot sa napapanood kong fantasy anime! Sinubukan ko itong isuot. Magaan lang siyasa katawan. Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin na katapat lang ng kama.

Hindi rin siya mainit suotin since umuulan naman ng niyebe. Tinanggal ko na ito. Inayos ko na mga uniforms ko at nilagay sa aparador. Huminga ako ng malalim bago ibiganagsak ang katawan sa kama. Malambot ang kama. Ang sarap sa pakiramdam. Kumuha ako ng isang unan at niyakap ng mahigpit habang nakatingin sa kisame.

Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw? Sana naman maging maayos.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N: Here's the update! Salamat sa paghihintay!

*unedited*

Continue Reading

You'll Also Like

6K 128 33
If you've been given a One Way Ticket To Forever, to whom will you use it? In Sin's case, he used it to the heroine from his fave Fantasy comic book...
480K 21.9K 17
Highest Rank: #1 boyxboy STATUS: COMPLETED Lancer is inlove with a man named Raego Lagdameo, married a man named Raego Lagdameo, carried the child of...
14.9K 1.3K 53
Genre: Fantasy || Action