Too Late, Ellie

By tamestnaive

5.3K 89 0

Ellie Rivera A woman with assurance. Reliance on people isn't her job as she is always sure of every decision... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE
Note for you

CHAPTER 6

142 2 0
By tamestnaive

Chapter 6

"Sama ka bukas? Tagaytay tayo tapos balik agad ng sunday."

I didn't expect hearing my uncle's words, kaya ba dito sila matutulog ngayon ni Antie para sa lakad bukas? Sembreak na ngayon kaya makakapasyal kami kahit isang araw lang. Dito nalang sila natulog sa bahay para diretso agad bukas. Syempre agad na akong pumayag, makapag unwind manlang kasama ang pamilya ko't mga pinsan.

I need this too. After the cheerdance competition ay medyo pagod pa rin ang katawan ko lagi. First kong sumali ngunit hindi ko inexpect na nakakapagod pala masyado at masakit sa katawan. Maaga akong natulog para hindi mahuli ng gising. Napaka eary birdy pa naman nina uncle kaya nakakahiya. Mas mabuti na rin na rito sila matulog sa bahay para alam ko at aware ako kung paano ang takbo ng pagkilos nila. Naghanda na rin ako ng isusuot at mga damit na dadalhin para hindi na hassle kinabukasan.

"Kasama ba yung tatlo uncle?"

Madaling araw palang ay bumyahe na kami para makarating agad. Malamig pa ang simoy ng hangin at medyo inaantok pa ako kaya matutulog muna ako pagdating ng mga pinsan ko.

"Kasya pa ba?"

Sinundo na namin ang tatlong pinsan pa namin. Elementary and highschool palang sila kaya minsan lang kung payagan ng mga magulang. Hindi na ako nakatulog ulit dahil sa ingay nila kaya nakinig nalang ng music. Alam kong madadaan namin ang bahay ni Nathan dahil same way ng dinadaan namin ang lugar nila. I asked them kung nasaan na kami and I'm right ito na nga ang lugar nina Nate kaso hindi ko alam kung saan banda 'yung bahay. Basta sinilip ko lang ang paligid, kanan at kaliwa.

"Sinong hinahanap mo, Ellie? Boyfriend mo ba?" I parted my lips when my aunt teased me while my cousins were laughing.

I took a deep sigh secretly at hindi nagpakita ng kahit anong kaba na mas lalong magpalakawak ng nga ngiti nila.

"Pupunta po kasi kami sa bahay ng kaklase ko for groupings at dito 'yong lugar nila kaya t-tiningan ko lang gano'n k-kalayo." Palusot ko rito.

I sighed secretly when they stopped teasing me. Gosh, 'buti nalusutan ko 'yon, ang ingay kasi ng mga pinsan ko. After an hours of driving nag-decide si uncle na kumain muna ng breakfast sa isang fast-food. Ilang oras ulit ang byahe bago dumating sa Tagaytay.

"Daan muna tayo sa pinsan niyo."

Dito kasi nag aaral si ate, panganay naming magpipinsan. College rin siya at nasa third year na. Dumaan muna kami sa kanya para makasama siya. Naabutan naming nakatayo at naghihintay na ito sa labas ng school nila. Naka dorm kasi sila sa school nila kaya less hassle talaga.

"Kompleto pala kayo? Aba, hindi kayo busy ah. Sana lahat." Natawa kami sa sinabi ni ate.

Halata mo sa mukha nito ang stress at pagod. Syempre pag aaral lang naman ang pinagkaka-abalahan niya e, wala namang boyfriend. Mabuti na rin 'yon.

"Kumusta naman mga pag aaral niyo?"

We spent the whole day, uuwi rin kami mamayang gabi dahil masyadong maraming ginagawa si uncle sa trabaho nito. Ngayon lang naman kami pumunta kaso sakto rin na mayka meeting siya rito kaya sinama na kaming lahat.

"Meet your groupmates and discuss about your plans."

Ang bilis ng takbo ng mga araw, may pasok na naman kami at may groupings pa. Anatomy & Physiology sub namin ngayon and we need to make a presentation with our assigned topics. We are 7 in a group kasama ko sina Dim, Vince at JJ samantalang dalawang babae lang kami ni Lorie.

I'm having a feeling na mahihirapan kaming ihandle ang grupo base sa mga ka groupmates ko. Makukulit sila at pasaway minsan, hindi nagseseryoso tapos si Lorie naman ay excused kasi school officer siya althought nandito siya sa meetings pero the day of presentation, wala siya. Ako lang nito mag isang ihahandle ang grupo kasama ang mga lalaki.

"Lorie, anong plano?" I heard Jj asked her. She shrugged at him and gaze her sight on me.

"Ellie, anong plano?" She asked. Kaming dalawa lang ang naguusap, maiingay pa ang mga ka grupo ko. 

"Boys, please be serious, this is for our grades. Busy ako sa mga susunod na araw kaya hindi ako masyadong makakatulong sa inyo." I got startled when she looks at me. "Ellie, I trust you. I know you can handle them even without me." Her words gave me an idea of what she was pertaining to. Isa rin 'to sa dapat paghandaan ko kapag wala si Lorie.

"We have a two weeks from now, to do it so kailangang umpisahan na agad. Mamaya bibili na tayo ng materials at hahanap ng place na pwedeng gumawa..."

Nilibot ko ang tingin sa mga kagrupo ko at umaasang may magsu-suggest ng bahay. Walang sumagot at nagkatinginan lang lahat kaya napangiti ako nang malawak, awkward smile kasi maingay sa paligid ngunit tanging grupo lang namin ang tahimik at walang pumapansin sa sinasabi ko. Nagkatinginan silang lahat at nagsimulang magsalita.

"Sa inyo nalang, Dim." Sabat agad ni Jj.

"Sa inyo nalang kaya, J." Gantong ni Dim.

They were quarrelling kung kaninong bahay ang pupuntahan namin, pero ayaw pa rin nila. I was so frustrated dahil ako ang maiiwan sa kanila kapag umalis si Lorie and knowing them, hindi kikilos kapag walang gagabay. Pa'no ko naman sila gagabagay kung ayaw magsalita at makisali.

"Sa gc nalang natin 'to pag-usapan. Gawa ka, J, tapos doon tayo mag-usap.." He nodded. "Lorie, pag usapan natin ang mga materials at bili nalang tayo habang nandito ka pa." Saad ko sa kanilang lahat. Tumango naman sila kaya nag plano na para sa gagawin naming activity.

Kinabukasan, mabuti nalang at medyo maluwag ang schedules naming lahat kaya after classes ay diritso kami kina Vincent gaya ng napag-usapan. Kailangan ko ring umuwi agad kasi may kalayuan ang bahay ko sa city.

"Ako nalang ang gagawa ng presentation. Just focus with the plan na naisip niyo." Suggest ko rito.

Mga boys kasi ang gagawa at kanang kamay lang kaming mga babae. Sila naman na nag plano e tsaka sabi nila sila lang din daw ang bahala, pagbutihin lang nila kundi itatanggal sila sa lista. Dito na rin ako gumawa ng presentation sa bahay nina Vince habang gumagawa sila ng aming iprepresent para hindi sayang sa oras. Hindi pa man kami nangangalahati ay ang gulo na naman nila.

"Boys, mag seryoso naman kayo!" Sigaw ni Lorie. Mabuti na lang at nandito pa siya, hindi ko kayang ihandle ang kalikutan ng mga kasama ko.

"Dim, tama na 'yan. Gumawa na tayo para matapos na." Mabuti nalang din at nakapa bait ni Vince, siya 'yung kumbaga nagiging leader ng mga boys.

Kapag nag papahinga ako sa ginagawa ko tumutulong ako sa kanila at tinitingnan kung tama ba ang mga ginagawa at kung umuusad ba.

"Saturday, don't forget guys."  Paalala ni Dim bago kami naghiwa hiwalay.

Habang nakasay sa jeep ay nagbabasa ako ng mga chats nila sa gc dahil nag uusap na sila r'on. Wala na si Lorie kanina bago pa man kami umuwi kaya nagtatanong siya ng mga napag-usapan namin.

Lorie : Gagawa ba kayo sa Saturday?

Ellie : Oo, medyo marami pa kasi ang gagawin e.

Lorie : Sige hahabol nalang ako.

Dim : Bili ka ulit ng mga materials, babayaran nalang namin.

Vincent : Sa bahay namin ah

Mabilis ang usad ng araw, wala kaming ibang ginagqa kundi magplano at mag meeting sa gagawin. Saturday comes at sa loob ng tatlong araw ay hindi pa kami nagkakalahati sa task namin kaya naisipan kong papuntahin agad sila.

"Guys, sorry I'm late. Here are the materials needed."

Si Lorie muna ang nagpatuloy ng presentation kaya tumulong ako sa mga boys. We're lacking for materials again dahil dapat makapal para hindi masira agad. Apat silang umalis samantalang naiwan kaming tatlo ni Lorie at Karl. Minutes passed at wala pa rin sila, I decided na tawagan na sana sila nang biglang dumating si Karl dala dala ang mga materials without the boys.

"Asan sila?" Tanong ko agad dito.

"May kausap sa baba." Sagot niya.

my face crumpled. Wow ha, nakuha pa nilang makipag-usap sa baba kahit marami pang gawain dito. I walked towards the window to look for them and ask to go upstairs. Nasa baba nga sila at may kausap na lalaking may sumbrero kaya hindi ko kita ang mukha.

"Boys, pumunta na kayo rito para matapos na ito!" Sigaw ko sa kanila para matauhan.

Napatigil naman sila sa pagtawa at inangat ang mga ulo para makita ako.

"Wait lang, El. Sandali nalang!" Sigaw ni J.

I arched a brows at him for making me and the project wait just for that person. Hinayaan ko muna sila kasi kawawa naman at pahinga na rin nila 'to, pero ang tagal masyado. Kaming tatlo lang ang nagtutulungan nito e hindi namin alam ang plano nila. Sila nagsimula, dapat nilang tapusin. I waited for them few minutes when I decided to call them again.

"Ano ba boys, tapusin niyo na 'to!" Hindi naman ako nagagalit, nilalakasan lang talaga ang boses. Masyadong mataaas 'yung bahay, e ang hina ng boses ko kaya kailangang lakasan nang konti ang boses ko.

Napakamot nalang sila sa ulo sa inis. Duh, kung naiinis sila dahil sa abala ko, mas naiinis ako dahil inuna pa nila makipagdaldalan. Kailangan ko nang umuwi kasi masyadong nang late, mahirap sumakay kapag sabado.

At itong lalaking 'to, hindi ba niya alam na kaya sila nandito ay mag ginagawa sila. Sino ba 'to. 'Pag nakita ko talaga 'to, baka hindi ako nakapagtimpi at mapagsabihan, nang-iistorbo e. Aalis na sana ako kaya lang naroon pa rin si Dim at kinakausap pa ito kaya sinigawan ko na.

"Dim!" They both looked at me. What the?!

I parted my lips when I saw Kendrick. Nagsisigaw pa ako kanina e siya lang naman pala 'yon. Kinabahan ako nang medyo slight kasi baka magalit 'yung tao pero si Kendrick lang naman pala. At iba ang inaasahan ko sa naging reaksyon niya ngayon.

Isang ngiti ang binigay niya sa 'kin, walang halong inis o galit habang nakipagtitigan sa mga mata niya. Mga matang malalim at malalagkit. I was stuck with those eyes and felt something in my chest. Ako na ang unang umiwas dahil sa nararamdaman kong hindi maipaliwanag.

"Bilisan na natin, kanina pa naghihintay si Ken e."

I looked to my side when I hear their conversations. Kaya ba pumunta siya rito dahil may lakad sila? Matapos ng ilang oras ay hindi pa rin namin natatapos ang paggawa although nakakalahati na kami but it's not yet enough para matapos 'yon.

"Kami nang bahala, girls. 'Wag kayong mag-alala, tatapusin namin 'to nang maayos." Dim's boasting as if they can really do it all by their selves.

" 'Yung totoo nga?" Tanong ni Lorie, hindi rin kampante sa sinasabi ng mga lalaki.

"Oo nga, kami na rito." Paninigurado ni Jj.

"Ellie, okay na. Kami nang bahala rito. Pangako, tatapusin namin 'to at makaka-present tayo nang maayos."

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang magsalita na si Vince dahil na rin sa lakas ng loob nito, though I still need to communicate with them to make sure na umuusad sila sa ginagawa.

"Sure ka ba talaga sa kanila?" I asked Lorie to know her opinion for the last time. Nag aabang na kami ng traysikel para makauwi. Narito pa naman kami kaya may magagawa pa kapag nagbago ang isip niya. 

She glance at me and nodded. "Ellie, 'wag kang mag-alala, kapag hindi nila ginawa 'yon isusumbong natin sila kay Prof, pero pakiramdam ko naman gagawin nila 'yon panigurado dahil alam nilang wala silang grades. Damay damay tayo lahat."

She gazed her eyes to me. "At tsaka individual naman ang grading system ni ma'am e kaya don't worry. Bahala na sila sa kanila basta may ginawa tayong dalawa."

Tama, bahala na nga sila sa kanila tutal individual naman ang grading. I just need to make sure na makaka explain ako nang mabuti kay prof if ever na hindi nila magawa at kung magawa man, dapat ma explain namin nang maayos 'yung finished product namin. Mag fofocus nalang ako sa explanation, alam kong gagawin nila 'yon.



"Tara na, baka malate pa tayo."

Nagmamadali kaming lahat dahil strikto ang Prof namin kaya hindi dapat malate.
Ilang araw na ang lumipas at sa tingin ko naman ay nagiging mabuti ang takbo ng aming ginagawang product for the presentation kaya mamaya ay sinigurado kong magagawa namin ng maayos yun.

"Class, I'm giving you a task, group task. You will be doing a short movie depends on you topic."

Nagbubulungan na naman ang aking mga kaklase dahil sa biglaang task ni maam na hanggang semester ends na daw 'yon. Haaays ano na naman kaya at bakit hanggang end of semester 'yung grupo, nakakasawa naman, walang bago.

"I will be the one to choose your groups."

Pagkatapos ng ilang minutong pag-iisip ni maam, groups are now formed and we seated depends on it. Kagrupo ko si Beatrice, Greg at Kendrick kasama ang dalawa pa naming blockmates. I feel weird being with Kendrick these past few days, it started when we saw each other in Vincent's house. Hindi naman ako nawiwierduhan sa kanya kasi gano'n naman talaga siya, palangiti at bumabati. I feel weird for myself, I don't know.

"I'll give you a task tommorow, for now, you may leave."

Ilang araw ang lumipas, patuloy ang pgoress ng ginagawa namin. Ngayon ay titingnan namin ulit ang nagawa nila sa huling pagkakataon bago ang presentation.

"Wow, ang ganda. Gawa niyo 'to?" Lorie parted her lips when we saw it.

I was mesmerized by the thing infront of us. Kaya pala ang dami nilang pinapabili, demanding pa, maganda naman pala ang kinalalabasan. Grabe 'yyng effort ng boys, hindi ko inakala.

"Bibili ulit tayo ng bagong battery, maliit lang kasi 'to kaya mabilis maubos. Lagi kasi naming pinapaandar para matingnan ang progress." Pagbabalita ni Dim habang chinecheck ang paligid ng

Solar system 'yung nakuha namin. Hindi naman ako magaling sa pagpapagana ng mga bagay mabuti at nagawa ng boys. Maayos, maganda, colorful, at attractive 'yung nagawa nila. Hindi ko inexpect 'to, isang beses lang naman sila nag send ng picture dati, nung wala pang kulay 'to. Pero napakaganda ng kinalalabasan.

"Gawan na natin ng paraan. Ako nalang bibili ng battery, basta magbayad kayo ah. 'Yung unang mga binili ko, hindi niyo pa binanayaran." Pagpapa-alala ni Lorie sa 'min.

Nakakahiya at siya na halos gumastos sa lahat pansamantala. Siya rin naman nag susugesst kasi raw para kahit paano e may maitulong siya nang konti, pero sobra sobra na 'to e.

"Go to you gropu and discuss for the presentation. I'll give you fiftenn minutes to prepare."

Ito na ang kinakabahan ko dahil day for presentation na. Kagabi ko pa sila sinasabihan na maghanda at dapat maaga para makapa ready pero wala pa rin. Hinihintay nalang namin si Wave dahil na sa kanya ang iprepresent namin pero wala pa rin siya. I've been messaging him on messenger and even calls him but I got no response at all.

"Nasa'n na ba si Wave?! Alam niya namang day of presentation, ngayon pa siya nalate!"  Gigil na saad ko sa mga ka grupo ko. Mahina lang pero halata ang inis sa tono ko.

Medyo maingay ang room dahil sa kanya kanyang grupong nag-uusap at naghahanda, kami lang ata ang hindi abala e. Ilang minuto rin ang lumipas bago nagsimula ang unang grupo pero wala pa rin kami dahil wala si Wave.

"Dim, tawagan mo na nga si Wave."

"Ito na nga oh tinatawagan na." Rinig kong sabi ng mga kasama kay Dim. Siya lang naman 'yung mas malapit kay Dim e. Actually silang dalawa 'yung may laking ambag sa paggawa nung solar system.

I can't focus on my front because of nervousness. Gusto ko nang umiyak dahil wala rin si Lorie dito kaya ako ang dapat gumawa ng solusyon. Malapit na kami pero wala pa rin mas lalo akong nanghinayang nung lumabas si Dim hawak ang cp nito. Three groups to go before our group kaya unti unti na akong nawawalan ng pag asa.

My friends were talking to me but I can't even answer them. I was profoundly thinking about what might happen if ever----someone pokes me....it was Wave.

"Sorry, late. Ito na 'yung sa 'tin. Tara na't magplano ng gagawin sa gitna."

Parang nabunutan ng tinik ang naninikip kong dibdib kanina at napalitan ng kaginhawaan nung makita ko si Wave. Mabuti nalang din at nagseryoso silang lahat kaya hindi kami nahirapan. Tinawag na kami kaya nagtungo kami sa gitna. Hindi pa man nakakarating, nagtatawanan na agad ang mga kasama ko, mga nahihiya kaya natatawa nalang din pati ako.

"Good morning guys...." I started the introduction and had my explanation about the topic pero 'yung boys na 'yong magpapaliwanag ckung paano nila nagawa 'yon.

"Tingnan niy--oohhh see. Bagong bili ng battery 'yan kaya sulitin natin ang nagagawa." Dim proudly said.

Everybody was mesmerized with the thing infront of us. The planets are spinning around the sun, it was connected on it by the help of sticks. We can control the speed of how it revolves that's why Dim is making fun of it knowing that it has new source of battery. Kung kanina hindi maipinta song mukha ko, ngayon naman ay hindi mapigilan sng mga ngiti. It was a success even without Lorie. I'm proud for us, especially for the boys efforts to make this peod

Nakatulong din ang kakulitan at kadaldalan ng mga boys kaya habang nag eexplain kami ay natatawa ang lahat pati si Prof.  Our presentation went smoothly and perfect, far from the way I imagined before at hindi ko inakala na magiging ganito kaganda ang product nila. Success.



"Ang lamig naman." Reklamo ni Vina.

"Super! Malamig na nga sa labas pati ba naman dito?" Millie agreed with a frowning face, she always does that.

It's really cold here in our room because of the aircon. Since BER months na ay palamig nang palamig ang panahon, idagdag mo pa ang malakas na hanging nagmumula sa aircon. I really hates aircon. Mabilis akong ginawin at kahit electric fan lang iniiwas ko pa rin. Mas gusto ko 'yung pinagpapawisan ako pero hindi naman sa lahat ng bagay ay magtitiis nalang ako sa init. There were just times na naiinitan din ako kaya lang mabilis lang mawala at lamigin agad ako.

"Siguradong uso na naman ang ubo at sipon nito." Salita ni Millie.

Nasa advisory room kami para sa unang klase ulit. Sumang-ayon ako kay Millie dahil gano'n rin ako. I have a very sensitive body, mabilis akong sipunin or ubuhin kahit malamig or mainit ang panahon.

I always need to be hydrated lalo na kung kakain ako ng mga matatamis na pagkain at iinom ng malalamig na inumin dahil sumasakit agad ang aking lalauman na nagiging dahilan ng pagkakaroon ko ng lagnat. Iwas masyado sa mga matatamis pero hindi ko mapigilan kaya tubig nalang talaga ang pag asa ko para makakain pa rin ng mga gano'n.

"Lalo na ako, e dati pa 'tong sipon ko e. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala. 'Buti pa nga 'tong sipon ko, ayaw humiwalay e." Reklamo ni Vina.

Natawa nalang kami sa sinabi niya. Ewan ko ba kay Vina at bakit hindi pa rin natatanggal ang sipon kahit matagal na 'yon. Highschool pa kami ganyan na siya e, hangang college gano'n pa rin. Pagkarating na pagkarating niyan sa room, kukuha agad ng tissue sa bag. At pagtiningan mo ang loob ng bag, laging may baong isang roll ng tissue.

"Magdadala na talaga ako bukas ng jacket." Saad ko sa sarili pero narinig naman nila.

Pagdating sa bahay, nagkaroon ng family dinner para sa birthday ng pinsan ko kaya excited akong umuwi kanina. Dahil nga minsan lang ang mga ganito ay syempre ginamit ko ang opportunity para kainin lahat ng gusto ko. Hindi ko muna inisip ang kahihinatnan nito at masayang nilantakan ang mga pagkain sa harap. Lahat matatamis, malalamig at masasarap.

"Ellie, 'wag ka na masyadong kumain ng mga matatamis. Tubig nalang din muna ang inumin mo ngayon." Nawala ang mga ngiti sa labi at mga mata ko nang biglang lumapit si mama.

Napanguso ako habang nakatitig sa mga pagkain bago nilingon si Mama. "Ma, ngayon lang po, please? Sayang naman e." I smile widely at her, trying to convince. Sayang kasi talaga.

Alam kong bawal ako kapag sobrang matatamis na ang kinakain but I do really love sweets at ngayong maraming pwedeng kainin hindi ko na palalampasin pa.

I felt relieved when she sigh. "Just don't forget to drink a lot of water and bring your jacket tomorrow dahil tag ulan na at malamig ang klima, baka sumakit na naman ang lalamunan mo." Napangiti ako nang pagkalawak at sunod sunod na tumango.

Kesha : Bess, pahingiii

Ellie : Bukas na

Kesha : Waaah you're the best!

Kesha : Wait, 'di ba bawal ka kapag too much sweets? Baka sumakit na naman lalamunan mo!

Ellie : Bess, ngayon lang 'to tsaka iinom naman ako ng tubig pagkatapos e. At nagpaalam ako kay mama ; )

The next day, mukhang okay naman ang pakiramdam ko kaya hindi ako nag alala. Katatapos palang ng PE namin kaya pagod na pagod kami at uhaw din.

"Ellie, tara. Bili tayong maiinom." Tumango ako kay Millie.

Sobrang nakakapagod talaga at gustong gusto kong uminom nang malamig na tubig ngayon para mapawi ang pagka-uhaw ko. 9 am natapos ang PE namin kaya maraming tao sa canteen for break time. Siksikan pero hindi kami nagpatinag, uhaw na uhaw na talaga kaming lahat.

"Michelle!"

Kakatapos lang namin bumili ng maiinom when someone shouted from the crowd. Maraming tao ngayon at halos napuno ang lugar kaya hinanap pa namin kung sino ang sumigaw. They headed up to the corner while I was just following them wondering kung saan pupunta dahil hindi ko nakikita ang harap sa sobrang sikip.

"Anong ginawa niyong activity?"

My eyes widened at my front. Gosh, I can't believe I'm seeing him again. I wasn't even prepared at napaka haggard ko ngayon. Shit! Bad timing namang tumawag ang kaibigan mo e!

"We just did the some exercises on the book." Michelle answered.

I can't talk because of Nate. His eyes were deep, I was drowning. I got tongue-tied just by seeing him and my heart just best fast.

"Talaga? Madali lang ba?" I bit my lips, trying not to smile when I heard his voice.

"Okay lang naman. Nakaya nga naming mga babae e." She answered, chuckling between her words.

"Nakaya nga ni Ellie e." I gaze my eyes to Rainer when he talked.

I don't know if he's teasing me or just normally answerd him. Mabilis lang din kasi akong mapagod pero hindi katulad kay Kesha na may hika. Sadyang mahina lang talaga ang katawan dahil hindi ako mahilig lumabas kaya hindi masyadong napapawisan pero nakaya ko naman nung cheerdance.

Mas lalong akong nanigas sa kinatatayuan ko nang lumingon ito sa 'kin sabay titig sa mga mata ko at ngumiti nang malawak.

"Kaya 'yan, si Ellie pa." I tried my best to calm my entire body and expression when Nate mentioned my name. I miss hearing his voice, calling my name. "Tsaka nariyan lang naman si Liam para saluhin siya e." It faded when he mentioned Liam.

Kilala niya rin si Liam dahil mga active students sila at simula nung nalaman niya ang tungkol sa amin ay nakikiasar na rin siya sa 'kin, kaya nga naiinis pa ako sa kanya noon e, but now it feels different. It feels something. Kung dati inis ang nararamdaman ko kapag tinutukso niya 'ko, ngayon hindi na.

"Una na nga kami, mang aasar na naman kayo e." Mabuti nalang at nagsalita si Mich.

Nag-paalam na kami at agad akong umalis dahil biglang sumama ang pakiramdam ko.  Buong araw lang akong tahimik dahil masakit ang ulo ko. Hindi ko alam kung affected ba 'ko sa sinabi o sadyang ngayon lang talaga sumama ang pakiramdam ko nang biglaan.

"Bess, gusto mong gumala ngayon?"

Kesha asked me as soon we crossed our paths heading to our next subjects. I lift my head to answer her.

"Next time nalang uuwi ako agad e. Masakit ang ulo ko." Matamlay na saad ko ngunit nginitian siya.

Her brows furrowed at me and tried to stop me by holding my wrsit. "Why? Are you okay? May sakit ka?" She began checking me. Her face look so worried. Napaayos ako sa nagiging reaksyon niya.

"W-wala. Napagod lang ako sa activities kanina, ang hirap kasi." I smile. Tinitigan niya lang ako at unti unting tumango.

Paalis na sana kaming dalawa pero pinigilan ko siya nang may maalala. "Kaharap ko si Nate kanina sa canteen." I smile.

Her worried face turns into an irritated one, arching her brows at me when she heard me.

"Masama na nga ang pakiramdam mo at ganyan ka pa rin dahil kay Nate." She shook her head. "You're unbelievable."

I just laughed at her but slowly faded when I remembered his words. The way he tease me to Liam is just...you could really see that he don't like me.

"Oh, ano na naman?" She curiously ask, arching a brows.

Napailing ako at ngumiti, pilit na kinakalimutan ang nangyari kanina. Ang saya saya ko na no'n e, hindi mapigilan sng puso ko pero...wala e.

"Wala. Sige na late na tayo."

Pagdating sa bahay, agad akong natulog sa pag aakalang mababawasan ang sama ng pakiramdam ko pero hindi pa pala. Paggising ko kinabukasan ay masama pa rin ang pakiramdam ko at umuubo na ako, nagsisimula na ring sumakit ang lalamunan ko.

"Ellie, kain na baka mahuli ka sa klase." I heard my mom's voice outside my door.

I tried my best to be okay infront of her para hindi mahalata ni mama dahil siguradong mag aalala 'yun, at alam kong hindi ako papasukin kapag nalaman 'to kaya ayokong umabsent. Never in my life na umabsent ako pwera nalang kung importante ang gagawin, pero ngayon ay nakakaya ko pa naman kaya hindi ko na sinabi.

"Ellie, okay ka lang?"

Nakasubsob lang ang ulo ko sa mesa habang maaga pa para sana umidlip. I just nodded at Ash when she asked me. I wanted to sleep, I feel sleepy. Kapag ganitong masama ang pakiramdam ko, mas gusto ko nalang matulog at huminga sa kama. Walang aircon, electric fan, o kahit anong mahanging bagay, para pagpawisan ako agad at gumaling. Pero ngayon, ang lamig lamig, ayaw na ayaw ko pa naman kapag ganitong masama ang pakiramdam ko.

"Ellie, are you okay?"

Some of my blockmates were asking me about what I feel but I still manage to give them a smile and nod. I saw Nathan walking to his room and I remembered his words again. Ngayon na namin ipeperform ang task na binigay sa amin ni ma'am no'n at abala na ang lahat sa paghahanda.

"Ellie, kaya mo ba?"

"Gusto mong hindi ka nalang muna magperform?"

Napaayos ako sa sarili dahil sa mga sinabi nila. Ayoko namang hindi makapag perform, sayang 'yung grade.

"Okay lang ako. Tara na." I pretend to be okay infront of them.

Some of my blockmates were asking at me but I managed to smile para hindi sila mag alala and besides I need to finish my task. Nakaupo lang ako sa mesa habang nag-uusap pa sina Faye. Someone sat beside me at hindi ko alam kung sino dahil abala ako sa pagmasahe ng ulo ko. Nakatalikod ako at nakakatamad ikutin ang ulo ko para lang tingann siya.

I stood up to spit, trying my best to walk normally. After I spit, I covered my mouth with my hand and went back to my seat. Paglingon ko sa mesa namin, I saw Kendrick looking at me with those face. Siya pala 'yung umupo sa tabi ko kanina.

His brows furrowed at me. "Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang?" Seryoso ang mukha ngunit may mararamdaman ka sa sinabi niya.

Kendrick is the only guy who ask me about what I feel, the way he looks at me is different. I felt the seriousness and concern on it. He's the only guy who ask me and I can feel that he really cares.

Hindi. Hindi ako okay. This time I'll be true to myself.

Continue Reading

You'll Also Like

568 69 20
A confession for my crush
548K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
MIRACLE By Ara

Teen Fiction

323K 11.8K 45
"My mother named me Miracle, but I am anything but a miracle in her and our family's life. I am a mistake. I am a product of a heinous crime." Miracl...
3.9K 17 1
"Are you the boss?" - Gianna Faith Bukater