Lay A Glance On Me 1 (Lost an...

By julliacath

29.9K 463 354

Elegancia Lucia is the only girl in the family. Namatay ang kanyang ina pagkatapos siyang ipanganak. Dahil do... More

Lay A Glance On Me
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's Note

Kabanata 4

708 15 1
By julliacath

Kabanata 4

Late


''Iiwan lang ang kuting dito?'' nakangiwi kong sabi.

Nakapasok na kami ni Lionel sa ST garden. There are little to no student here since the classes just began. Ang tanging nakikita ko lang ay siya at ang mga pusang nakapaligid sa kanya. Hinahaplos niya ang ulo ng isang malanding pusa na kulay orange na mumhang nage-enjoy sa humahaplos sa kanya. Pagkatapos ay nilapag niya ang kuting na nasa isang kamay niya kaya't nakihalubilo na iyon sa mga matatabang pusa na nasa sahig din.

''Yup. Makikita na 'yan ng mga bantay rito. May pagkain din sa harap ng cr kaya't hindi na masamang iwan,'' sagot niya at tumayo. Pinagpag niya ang kamay niya at humarap sa akin.

''Ah.. Sino ba ang nagpapakain diyan? Saka baka pagalitan tayo kasi hindi naman ang school ang may ari niyan, e. Baka isipin nagdagdag tayo nang palamunin.''

He chuckled. His piercing shined. 'Di ba siya pagagalitan sa hikaw niya? Hindi siya nakita ng guard ah? Bawal pa naman 'yan dito.

''May organization dito para sa mga pusa. If you really care about the cats, you can donate. May piso para sa pusa program sila,'' aniya at nilagpasan ako. 

Nakita ko siyang palapit na sa hagdan kaya't sumunod agad ako. How dare he leave me e sabay kaming late dahil sa kuting!

''Wait! Hindi ka nanghihintay ha? Late na rin ako kaya samahan mo ako.''

Sinabayan ko siyang umakyat sa hagdan. I can see him smiling pero hindi ko alam kung bakit. Baliw ba ang isang 'to?

''Bakit ka nangingiti riyan? May problema ka ba?'' hinigpitan ko ang kapit sa tote bag ko. May mga kasabay na kaming studyante na umaakyat sa hagdan.

Umiling siya, nangingiti pa rin. ''May naaalala lang ako.''

I scoffed. ''Kanina ka pa may naaalala. MMK ka ba?'' 

Malakas siyang tumawa at umiling-iling. Lumabas ang dimples sa babang pisngi niya nang lumapad ang ngiti. He looks like a laughing fuck boy. But then, the softness and lightness of his vibe balances his physique. Tamang timpla lang.

''Saan ang klase mo?'' si Lionel iyon.

Nasa second floor na kami at nasa gitna ng daanan. I looked at him and saw his lips twitching, trying to repress a smile.

''Doon sa pangalawang kwarto. Hatid mo naman ako, oh. Kapag nagsisimula na sila sa klase, kain na lang tayo. Libre ko!'' I shamelessly offered.

Nakita kong kumunot ang noo niya. I'm sure he found my offer odd considering that we are not close or friends, atleast. Ngayon ang unang beses naming magkita at magkausap but I feel comfortable around him. I don't know. Sigurado naman akong mabait ang isang 'to dahil vice president ng org.

''You skip classes?'' 

I nodded. ''Oo naman! Pero minsan lang. Ikaw ba?''

''I do but.. my reasons are often valid.''

Naningkit ang mga mata ko. ''Pinaparating mo ba na hindi valid ang reason ko? Nag-alaga kaya ako ng inabandonang pusa! Ang tawag do'n..'' sandali akong nag-isip. ''... animal shelter! Anong akala mo?''

Nakita ko ang unti-unting pagsilay ng ngiti niya na napunta sa halakhak. Hala siya! Is he crazy or something? Kanina pa siya tumatawa! Or he finds me funny? Weird.

''Anong animal shelter? Hindi mo naman binahay yung pusa,'' he shook his head while smiling. ''Tara sa klase mo. Kung nagsisimula na sila, I'll be with you.''

I rolled my eyes. ''Papayag ka rin pala. Ang dami mong arte.''

Sabay kaming naglakad sa hallway. Nang nasa tapat na kami ng kwarto, dahan-dahan akong tumingkayad para tignan kung nandyan na si Sir. I saw Liana attentively looking in front, tila maingat na nakikinig. Sinundan ko ang tingin niya at nakumpirma ang gusto kong mangyari. Fortunately, nagsasalita na ang professor namin.

I turned to Lionel. ''Tara na.''

His brows furrowed. ''Huh?''

''Nagka-klase na sila. Buti na lang! Ayoko rin pumasok e,'' I chuckled. ''Saan mo gusto? My treat!''

''Sigurado ka? Pwede ka namang pumasok sa loob. Late lang naman ang mark mo.''

Umiling ako. ''Nakakahiyang pumasok. For sure nakakabingi na sa sobrang tahimik sa loob. Next time na lang,'' I shrugged. ''Lets go?''

''Magc-cut ka talaga?''

''Ayaw mo ba sumama? Ako na lang kakain mag-isa,'' ani ko dahil pagod na 'ko sa pag-iinarte nitong Lionel na 'to. Libre ko na nga, e!

He sighed. ''Oo na, sige na. Sasama ako. Iwan ko lang 'tong bag ko sa department. Hintayin mo ako rito,'' aniya at mabilis na umalis sa harap ko.

I saw him walking towards the door in the middle of the building where the department is located. Bago pumasok ay may binati munang kung sino. Mukhang tambayan ng mga seniors iyon. Bago mag orientation ay doon ko nakitang naka tambay si Victor Antonio na may crush kay Liana, e.

After a few seconds, lumabas na rin siya at naglakad papunta sa akin. He looks out of place because of his height. Matangkad kasi, idagdag pa na moreno. His body isn't buff but toned enough to be noticeable. Malapad din ang balikat.

Bigla ko tuloy naalala si Jarrell. Medyo magkalapit ang tangkad nila ni Lionel. The only difference is he is taller by a few inches. 6'3 kasi si Jarrell habang mukhang 6'1 si Lionel.

''Tara. Saan tayo?'' siya iyon. Tanging wallet at phone lang ang nakikita kong bitbit niya.

Tumingala ako nang kaonti. 

''Sa Cafe San Vicente na lang. May next class ako, e. Ikaw ba?''

''Free cut sabi ni Toran. Aasikasuhin namin ang thesis mamaya. Tara,'' he said as he walked towards the chapel.

''Ay! Fourth year na pala kayo ano? How is it so far?'' 

Nilagpasan namin ang chapel. I scanned the place and noticed some girls giggling as they look at Lionel. Ang ibang studyante naman ay nag-aaral.

Magsasalita pa lamang siya ngunit napangunahan ko na dahil sa pagsiko ko. 

''Crush ka ata no'n, oh,'' natatawa kong sabi habang tinuturo ang babae malapit sa hagdan.

She's looking at us along with her friends. Nakita kong namula ang pisngi no'n nang nakita ang pagturo ko sa kanya at paglingon ng kasama ko. She bowed her head, looking shy as hell.

What? Mukhang crush niya si Lionel! If I were her, I should've used the opportunity to shoot my shot!

''Hey. That's rude,'' I heard him said.

Nilingon niya ang babae at nginitian.Iyong tipong humihingi ng tawad. It wasn't rude! It's me, helping the girl, 'no!

''Mukhang crush ka kaya no'n. Parehas kayo noong Victor Antonio na lapitin ng babae, I noticed,'' I shrugged. ''Dami mo sigurong girlfriend?'' ani ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Naniningkit ang mata ko habang nakatitig sa kanya.

He's taken aback with my sudden move. Kita ko ang gulat nang inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Namula ang mukha niya at abot iyon hanggang leeg. Magkalapit na magkalapit kaming dalawa at bahagya kong ramdam ang hininga niya. Smells like a mixture of mint and menthol. 

I scanned his face and noticed the little details. Agad kong napansin na may nunal pala siya sa baba ng labi niya. Sobrang brown din ang mga mata. Maybe he's a half. Ang gwapo! Impossibleng walang girlfriend!

''Wala akong girlfriend,'' aniya at inilayo ang sarili. Namumula pa rin ang pisngi. Tuwid siyang tumayo at inayos ang uniform habang iniistretch ang leeg.

''Sus! Kayong mga lalaki kunwari walang girlfriend para maitago yung sidechick,'' umiling-iling ako. ''Alam ko na moves ninyo.''

He laughed, mukhang nakarecover na sa pamumula ng mukha. ''Damn! Who hurt you?''

''Wala naman. Napanood ko lang sa movies,'' I shrugged. ''Tara na nga! Kakain lang tayo, dami pang stop over!''

Sabay kaming tumawa. Bumaba kami para makadaan sa falcon bridge. Agad kong tinakpan ang bibig dahil ang baho.

I saw him glaced at me. ''Masasanay ka rin.''

''Oh God, no,'' I looked at him. ''Anyway, hindi pa ba kayo busy? I mean, I know naman na kasisimula lang ng classes but, you know, thesis?''

''Hindi pa naman. Sakto lang yung workload pero inaasikaso na namin ang survey. Kumusta majors ninyo?''

''Okay lang. Ayoko lang sa dami ng readings. Nalulula ako, e.''

He smirked. ''Mas dadami pa 'yan. Kapag fourth year na kayo, bukod sa thesis, may 900+ pages na readings na ibibigay sa inyo every week.''

Agad na kumunot ang noo ko at nanlaki ang mata. ''Seryoso ka ba?!''

''Mukhang natatakot ka, ah?'' his head tilted, his eyes are sarcastic. ''Pero sa babaeng tinuro mo kanina, hindi?''

''Hindi ako natatakot ah! Magpapaturo naman ako kay Liana,'' I rolled my eyes. ''And excuse you, I'm just helping the girl! You're dumb and naive, Lionel. Hindi ko expected.''

Malakas siyang humalakhak. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Pumasok na kami sa San Vicente Cafe at agad na binalot ng lamig ang balat ko. There is no one inside aside from the waiters. Kaya siguro malamig dahil wala masyadong customer.

Dumiretso si Lionel sa two-seater chair. Hinila niya ang upuan at tumingin sa akin.

''Seat,'' he said.

''Ano?''

''Ang sabi ko, rito ka na umupo. Ako na ang o-order para sa ating dalawa,'' aniya at hindi pa rin umaalis sa likod ng upuan. 

Ngumiwi ako at umupo na. Pagkatapos ay nakita ko siyang umupo sa harap ko.

''Anong order mo? Ayun yung menu,'' tumuro siya sa harap. I looked at it and saw a huge board where the dishes are written. I saw it when Liana and I dined here. Mukhang may mga nagbago sa menu.

''Yung clubhouse sandwhich na lang. Maaga pa for heavy meal, e. How about you?''

Kinuha ko ang wallet sa tote bag. Bubunot pa lang sana ako nang narinig ko siyang magsalita.

''Ako na. Binibiro lang kita kanina,'' he smirked. ''Order na muna ako.''

He stood up and went to the cashier for the order. I pouted as I look at him. Ang bait, huh. I thought he would act like an asshole but I guess I was wrong. Nakita ko siyang tinuturo ang kung ano sa board habang nagniningning ang mga matang nakikinig ang cashier na nasa harap niya.

I shrugged it off. I remember how I saw Jarrell here days ago! Ano kaya ang in-order niya no'n? Para alam ko naman ang favorite food niya! If I would happen to know what is it, I'll try to cook it. Ibibigay ko kapag manonood ako ng trainings at games niya!

''Laway mo tumutulo.''

Nag angat ang tingin ko at nakitang nakangisi sa akin si Lionel. I glared at him bilang sukli sa pang-aasar niya. Whatever!

Nakaupo na pala ang loko. Nilapag niya ang wallet at phone sa gilid ng mesa at pinatong ang parehas na braso at mas lumapit sa akin.

''Iniisip mo ba yung kuting?''

''Hindi. Iniisip ko kung bakit ang feeling close natin sa isa't isa e ngayon lang naman tayo nagkausap.''

He chuckled. ''Matabil talaga ang bibig mo, 'no?''

I leaned on the chair and crossed my arms. ''Hindi ah. Totoo naman kasi. Well, personally, I find myself friendly that's why I'm talking to you. Eh ikaw? Baka naman crush mo ako?''

Agad akong napatingin sa paligid dahil bigla siyang tumawa nang malakas! Baliw ba 'to? Tuwang-tuwa sa akin ah! Parang tanga!

Umayos ako nang upo at sinubukang hampasin ang braso niya. He slowly stopped. 

''Para kang tanga!'' I accused him.

''Atleast I'm not assuming,'' he licked his lips. ''Like you,'' he pressed his lips together as he is trying to not laugh again.

''Excuse you!''

''Excuse me po,'' someone coughed. Tinignan ko kung saan nanggaling iyon at nakita ang payatot na lalaki na nasa gilid ng mesa, may dala-dala pagkain.

''Tapos na po ba kayong mag-asaran? Ilalapag ko lang sana 'tong order ninyo, ma'am at sir.''

Umiwas ako ng tingin. Gusto kong asarin 'tong bwisit na Lion na 'to! Lakas mang-asar!

Lionel grinned and looked at guy. ''Sige, Kuya. Pasensya na. Ito kasing babae sa harap ko, iniisip na gusto ko siya.''

My eyes widen. ''Hoy! Gago ka ba?''

''Oh, kita mo, Kuya? Bayolente rin, e.'' muli na naman niyang sabi.

I swear this guy is trying to test me and my patience! I can't believe that this is how naughty he is! Akala ko pa naman tahimik at matino kahit papaano! Kung mang alaska e akala mo sobrang close kami.

Nilapag ng waiter ang sandwhich ko. Habang buhat ang isang plato ay nag salita iyon.

''Bagay kayo, Sir. 'Di mo ba girlfriend 'yan?''

I turned to the waiter upon hearing what he said. Napangiwi ako. ''Kuya, pakibilisan nga. Nakaka-offend lumalabas sa bibig mo.''

The cheeks of the waiter redden. Nakita kong nginitian ni Lionel iyon. ''Salamat. Pasensya na matabil bibig nitong kasama ko.''

Tumango lang iyon at umalis na. Inilapit ko sa akin ang sandwhich at ang isang lemonade. Bigla akong nagutom e ang aga-aga pa lang! Probably because of how annoying the guy in front of me is! Kairita!

''Kumain ka na. Hindi na kita aasarin, I swear. Umuusok na tenga mo, e.''

I gave him a deadly glare. Kinuha ko na lang ang sandwhich at kumain. Surprisingly, tahimik ang mga sumunod na minuto although I can see him smiling mockingly at me. Hindi ko na lang pinapansin at iniisip na lang na mukha siyang kabayo habang kinakain ang damo na in-order niya.

Well, it's not actually a damo. More of a salad. Hindi ko lang gusto dahil wala namang lasa. Bagay kay Lionel para naman mawalan siya ng gana na asarin ako!

''I'm done. Thanks for the sandwhich,'' masama ang loob kong pagkakasabi.

''Aalis ka na?'' may hawak-hawak siyang tinidor habang tinatanong iyon. May kaonti pang damo na natitira sa plato niya kaya't hindi pa siya matapos-tapos.

''Yup! May klase ako, right?''

''Can you stay for another minute? I'll just finish my salad.''

Ngumiwi ako. ''Mukha ba akong pisonet?''

''What?''

''Pisonet! Like mag add ka ng piso para mag extend! Duh! You're so dumb I almost can't believe it,'' I shook my head. ''Hindi ka pa ba tapos? Baka late ako ulit sa next subject.''

I saw him ate the last piece of damo. ''Hirap mo palang kasama. Maingay at matabil ang bibig. All in one.''

Aabutin ko sana ang tinidor niya para isaksak sa kanya pero agad niyang nilayo. ''Hep! Hep! Murderer ka na rin? Are you trying to deprive me of my life and liberty to speak?'' he laughed.

Madiin akong pumikit at bumuntong hininga. Patience, Lucia. Patience.

I heard him chuckle. ''Tara na. Baka mag apoy ka na sa galit diyan. Hatid kita sa classroom mo.''

''Huwag na. Hindi ako nagpapahatid sa isang stranger,'' bwelta ko. I emphasized the last word.

''Wow! But you happened to eat with me?''

Tumayo na ako dahil pagod nang makipag-asaran. I'm livid. This is my first time meeting a guy this loud, annoying, and mapang-asar!

Sinasabit ko sa balikat ang tote bag nang tumayo rin siya. He went in front of me and I saw him giving me a genuine smile. He bow down a bit and tousled my hair. 

''Nice to meet you, Lucy. Cute mo pala maasar,'' he laughed.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...
8K 266 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...
16.8K 624 54
[ESCADEJAS SERIES #1] Eros Jaireh Escadejas lives in a world that suits him perfectly, where everything is already laid out in front of him. He was d...
1.1M 36.2K 61
WATTYS WINNER When her fiancé ends up in a coma and his secret mistress, Halley, shows up, Mary feels like her world is falling apart. What she does...