Hearing that advice from him is quite interesting for me.Panibagong dahilan para mas lalo akong ganahan sa pag-aaral.
I mean,it's from the man I like.Who wouldn't follow it?
"Pinangarap mo rin ba ako?"somehow,I lost the courage that I have.Kahit na parang mas naging matapang ako dahil alam niyang gusto ko siya,malala rin yata ito.
Wala akong takas.I can tell him the truth.Maiksi naman ang buhay para hindi sabihin ang nararamdaman.It's now or never.
Napahinga ako ng malalim.Kumakain pa rin ito ng mansanas ng mabagal.
"Magagalit ka ba kung sasabihin kong oo?"iyon ang totoo.
A small smile appeared from his lips.Mukhang nagugustuhan iyong nasabi ko sa kanya.Nakakapanibago dahil ngayong kaharap ko siya,nagiging normal na ang tibok ng puso ko.
It is far different from before.
"How long since you started liking me?"
"It's been years.Hindi mo ako masyadong napapansin o nakakausap kaya hindi mo rin nahahalata,"sabi ko.
Ang mukha niya ngayo'y nagulat.I remained silent as I watched his reaction.
Tumango-tango ito na para bang pabor pa sa narinig sa akin.Bukod sa gulat,hindi ko rin nakikita sa mukha niya ang pagkadisgusto.
"And you never told me.Mahirap bang umamin?"
"Sa isang ordinaryong babaeng katulad ko na nagkagusto sa mayaman na katulad mo,oo,mahirap umamin.Masakit marinig ang katotohanang hindi mo rin ako magugustuhan."
There.I said it.Gusto kong magpakatotoo sa mga naiisip.Our situation is very different.Siya,bilang mayaman,parang may isang dapat na sundin na kautusan sa kanila.Habang ako ay wala.Malaya sa nararamdaman.
"Sino bang nagsabing ang mayaman ay hindi dapat magkagusto sa katamtamang babae na katulad mo?Do you think,I won't like you?"
"You have like your own rules.At dinig ko,you are bound for an arrange marriage."
Kaunting katahimikan ang bumalot.He stopped eating for a bit and then set it aside first.Inurong niya ang upuan kung kaya't medyo nalalapit na sa akin ang kanyang mukha.
Iyong mata ko ay nasa ibang direksyon nakatingin pero ang kanyang daliri mismo ang nagpaharap ulit sa mukha ko para masalubong ang kanya.
I met his brown colored eyes.Nakikita ko ang repleksyon ko mula doon.Ang uri ng kanyang titig na ibinibigay sa akin ay tila gustong pasukin ang katauhan ko.
Hindi niya pinutol iyon kahit nakakaramdam na ako ng pagkailang sa saglit niyang pagtitig sa akin.
Hindi naman malamig ang panahon pero iyong kamay ko ay nanlalamig na.We've been here on his kitchen a long while ago.
"I am not liking that arrange marriage thing.Kung may pagkakataon,pwede rin naman kitang magustuhan.I guess,you're the girl that can be easily like by someone."
Nailayo ko ang mukha sa kanya.Pakiramdam ko ay nag-init bigla iyon dahil sa narinig.
Pwede niya akong magustuhan.That scares me.Kahit matagal ko na itong gusto ay wala akong ideya kung anong klase siya bilang boyfriend.
"Magugustuhan mo ako?Imposible 'yan,Cedrick."
"Why not?Kung gusto mo,tayo na ngayon."
"Ano?!"napatayo ako dahil doon.I never expected that from him!Kami na raw kung gugustuhin ko?
Gusto ko naman ang ideyang iyon pero talagang ngayon?Masyadong madali.
Napatawa ito sa naging reaksyon ko.He ordered me to sit which I followed while still having that shocked face.
Napasobra naman yata ang bait niya ngayon.He's on the high level to the point that he can say it now to me.Parang isang simpleng salita na kaagad pinakawalan lang.
"You like me for years.Ayaw mo ba?"he asked me.Nakakunot na ngayon ang kanyang noo at hinihintay ang magiging sagot ko.
Sa totoo lang,nangarap talaga ako sa kanya pero hindi iyong magiging boyfriend ko nga siya.It is impossible for me to reach that goal.Tapos ngayon ay parang isang simpleng bagay lang na ibinibigay sa akin.
"Alam mo,dati,nakuntento na ako sa malayuang pagtitig sa'yo.Iyong tipo na abot kamay kita pero parang ang layo mo pa rin sa akin.Maski sa katayuan ng buhay,sobrang layo natin sa isa't isa."
"I don't care if you're an average person.Everybody can like me.Hindi ko naman pinagbabawal 'yon."
Madali para sa kanya,pero sa akin ay mahirap.The hardest years for me was the past years.Ngayong taon lang naman siya naging malapit sa akin.
This year has been great to me.It brought lots of special time.
Ito yata ang nagustuhan ko sa lahat.Though I am not really dreaming of this,still,I like it the most.
After that talk that we had,I never answered him.Takot ako sa kung anong kahihinatnan ko lalo pa't doon kami nagtatrabaho.
Kahit si ma'am Felicite ay kinatatakutan ko din.Whenever she looks at me seems like I did something horrible.Iyong kanyang reaksyon din ang inaalala ko.
It became like a secret to me.Hindi ko pinagsabi kahit kanino kasi hindi naman importante.Kahit na kay Dahna ay hindi.I don't trust her that much.
Our exam days started.Isang buong linggo kong ginugol ang sarili sa pag-aaral at humingi kay Cedrick ng ilang araw na pagliliban sa trabaho ko sa kanya.
Buti na lang dahil pinayagan niya ako.Unti-unti na ring bumabalik sa normal ang pakiramdam ni Mama kaya siya na naman ang pumalit sa akin doon.
"Good luck on your exams,"the last word I heard from him before I took the exams.
Parang naging dahilan iyon upang mas ganahan ako sa pagsagot.Even the heardest subjects are just a piece of cake for me.
Tahimik ko siyang pinasalamatan dahil doon.His good luck became an effective charm.
Buong buhay,bukod kay Mama at Mathew ay siya pa lang ang nakakasabi sa akin niyon.It took me a while to finish it all and then went out of the room.
Speaking of Mathew,he's running toward me.Nang makita na ang bulto ko ay doon lang siya nagpakawala ng ngiti.His genuine smile appeared again.
Nginitian ko rin siya pabalik.
"Kamusta exams?"tanong ko sa kanya.
"Mahirap.Sana nga pasado ako doon.I applied what I've learned from you,"kahit na mukhang mahirap nga ang exams nila ay mukha pa rin itong presko.
His hair is combed neatly.Walang bahid na anong stress o pagpapakahirap man lang sa pagsagot.
"Good."
"Sorry kung hindi na ako nagkaroon ng time kanina para kausapin ka.I came late so I need to hurry."
"Okay lang.Mas okay na inuna mo na 'yon.Exam is very important."
"Studious ka talaga,ano?"
Sabay kaming naglakad.Tingin ko ay doon din ang punta niya sa akin para sunduin ako.
We walked at the hallway until we reached the gate.Nagulat ko dahil naroon din ang sasakyan ni Cedrick,naka-park sa tapat ng school ngunit wala siya labas.
"Nga pala.Pwede kitang ihatid?Matagal na rin kasing hindi ko nagagawa 'yon sa'yo,"dahil sa gulat ay hindi ko namalayang nakaakbay na ito ngayon sa akin.
I felt the awkwardness between us.Iyong mga mata ko ay naroon sa sasakyan ni Cedrick nakatingin at parang sinalakay ng kaba agad.
"Ano,hindi na.Mauna ka na lang umuwi.May pupuntahan pa ako,"dahilan ko saka iniwas ang tingin doon.
Sigurado akong kitang-kita niya kaming dalawa ngayon ni Mathew.I bit my lip to not feel the sudden nervous.Nakaakbay pa rin ito sa akin hanggang ngayon.
"Samahan na lang kita."
"Okay lang na huwag.Importante rin kasi iyon.Saka matatagalan ako,baka hanapin ka ng magulang mo sa bahay ninyo."
"Sigurado ka?Pwede-"
"Oo.Paano?Mauna na ako,ah?"kumaway ako sa kanya saka mabilis na umalis sa kanyang harapan.
I quickly walked,not minding the students.Binilisan ko ang lakas hanggang sa makarating sa tindahan kung saan ako naabutan ng ulan noon.
Kumpara sa harap ng school,mas maliit ang bilang ng mga estudyanteng narito.Walang masyadong tumatambay hindi katulad dati dahil exam day.
Hindi pa man ako nagtatagal doon ay pumarada ang kanyang sasakyan sa harap ko.Buti na lang ay hindi iyon nakatawag ng atensyon ng iba lalo na ng nakababa na ito.
He's wearing a black cap,white shirt with faded jeans and some shades.Natulala pa ako noong una kong masulyapan ito pero mabilis niya akong pinapasok sa sasakyan niya.
The cold air welcomed me inside.Hindi na matapang ang amoy na namutawi sa ilong ko at hindi nakakasakit.It's just a mild scent.He became true to his words.
"You're planning to have a date with that guy?"mahinahon niyang tanong.
"Hindi.Nagkasabay lang naman kami."
"Umakbay pa sa'yo.He's making a move,huh?"
"Hindi naman.Ano lang,nagtanong kung pwede niya akong ihatid pero hindi ako pumayag."
He started the engine and moved his car.Imbes na iyong direksyon papuntang bahay ang tahakin niya,sa iba kami napunta.
"Then I'll date you.Good thing you thought about that."
Napamulagat ako.Another unbelievable thing.
"D-date?Bakit?"
"Part of courting you?First,we'll have a courting date,"he seriously said.My lips parted but nothing came out.Pati ngayon ay nagugulat ako sa mga sinasabi niya.
"Nanliligaw ka?"
"Obviously."
"Hindi mo naman ako gusto kaya bakit ka manliligaw?"hindi sa ayaw ko pero kasi,parang napakadali lang ng lahat para sa kanya.
I confessed just because he knew that I have feelings for him and now,he's courting me.Anong nangyari?
"It takes only a second to admire someone,Zai.But in my case,I didn't admired only your beauty,but also your inner attitude.You're beautiful inside out."
Hindi ko alam pero ang simple lang naman ng sinabi niya,hindi ko pa rin naintindihan.Is it because he's now courting me or I am not into this?Saka wala naman akong naaalalang nagtanong siya sa akin kung pwede ba akong ligawan.
Ibig ba niyang sabihin,nagustuhan niya ako ng ganon kabilis?Ang labo naman yata.
Napunta kami sa isang restaurant malapit sa beach.Una ay hindi pa ako mapakali kasi malayo itong napuntahan namin.But the view's beautiful from where we are sitting.
Iyong restaurant ay kakaiba ang disenyo.Imbes na mamahalin,gawa sa kahoy saka kitang-kita mula dito ang lawak ng dagat.Ang hanging dumadapo sa amin ay medyo may pagkalagkit.
Katulad ng una akong dinala ni Mathew sa restaurant,nakauniporme din ako ngayon.Kakatapos lang ng exam ko tapos dito ako napadpad at kasama pa si Cedrick.
"How was your exam?"nakatingin ako sa dagat nang tanungin niya ako.
"Okay naman.Mahirap nga lang pero nairaos din,"it was a lie since it was just easy for me to answer those.
Siya kasi ang inspirasyon ko.
"That's good to hear.Anyway,nasabihan ko na kanina ang Mama mo na dinala kita dito.Good thing she agreed."
"Alam niya?"
"Yup.Sinabi kong kasama kita pagkatapos ng exam mo."
Mas komportable naman iyon kapag kasama ko si Cedrick.Nga lang,baka ang iniisip nun ay tungkol sa trabaho ang dahilan kung bakit ako sinama ni Cedrick.
Dumating na iyong inorder niya.Iyong akin ay inihaw na manok lang tapos isda,samantalang sa kanya ay puro seafoods.Hindi naman kasi ako kumakain nun kaya ako lang ang kakaiba sa kanya.
Mabagal lang akong kumain.Ultimo pagnguya ay ingat na ingat ako dahil baka kahit kaunting mali lang ay napapansin niya.
He keeps on asking me about the exam pero ako ay wala man lang naitatanong sa kanya.Marami ang nakapila sa isipan ko pero ni isa ay wala man lang nailabas.
Nakakahiya lang dahil kahit ngayon ay siya ang nagsisimula ng kung anong mapag-uusapan.I am still the silent girl.Walang naiaambag.
"You want to go there?"patungkol niya sa gilid ng dagat.Malakas ang alon at makulimlim ang ulap.Bukod sa malagkit ang hangin,may kaunting lamig din itong naibibigay.
Umiling ako,nakukuntento na sa pwesto ko habang pinapanood at dinidinig ang ingay na nagmumula doon.
Matagal bago kami nakaalis doon saka dumiretso sa kung saan.He's like touring me.Hindi pa naman kasi ako nakakarating sa ganitong lugar na kasama siya.I think,having this moment with him now is my another achievement.
He stopped at the nearby convenience store and bought something.Hinintay ko lang siya sa loob ng kanyang sasakyan.Wala akong alam kung saan ba kami makakapunta kasi nagdidilim ang paligid sa nagbabadyang ulan.
Gustuhin ko mang makauwi na pero iyong isipan ko ay tumututol.Minsan lang mangyari ang ganitong bagay kung kaya't sasagarin ko na.I am not hoping for another time.
Nakabalik na ito at sinimulang imaneho ang sasakyan.Huminto lang kami kung saan maraming makukulay na ilaw sa paligid.We're not on the beach and yet,it still look like one.
Walang tao tapos hindi maingay.I can only see ourselves here.Tanging kaming dalawa lang ang narito at wala ng iba.
"Since you did well on your exam,we can have a little celebration here.Sana okay lang sa'yo,"kinuha niya iyong mga pinamili.Mga pagkain tapos drinks lang naman pero marami.Simple ang dating pero masarap sa paningin.
Nilagay niya lahat iyon sa likod ng kanyang sasakyan.It's a pick-up so it is not that difficult to find some decent space here.Naglatag rin siya ng manipis na tela doon saka doon ipinatong ang mga pagkain.
Our very first date happened at the restaurant and on his pick-up,where we can both witness the lights that surrounds us.Mayaman nga ang kasama ko pero mas gugustuhing maging simple ang kahihinatnan.
Lord,gustong-gusto ko po talaga ang taong 'to.Hindi ko na mabago pa ang isip ko.
He tapped the space where I could sit.Naupo na ako doon habang siya ay binibigyan ako ng pagkain.Busog ako pero hindi ko kayang tanggihan ang kanyang ibinibigay.
Masyadong espesyal ang lahat.
"Do you know the reason why I brought you in this place?"
"No."
"It is because light can guide us wherever we go.Katulad mo.You are not just an average girl.May patutunguhan ka rin.And I hope that if you'll find darkness,you are willing to give light and guide.At sana ang taong matatagpuan mo sa huli ay ako."
God.Why is he saying these words now?Kung gusto niyang mas lalo akong mahulog sa kanya,nagtagumpay siya.
"I don't think you will be my end,Cedrick.Mahaba ang taon,marami pa ang pwedeng mangyari."
"I know.But even though I am not surrounded by darknes,I would be glad to accept you as the light.Mas gugustuhin kong lumiwanag lalo ang mundo ko kapag isa ka sa mga ilaw."
I smiled at him.Grabe ang nararamdaman ng puso ko ngayon.
He is the Valdemora I am wishing for.Bukod sa mabait,gusto ng lahat ng tao,may iisang babae ang naghahangad sa kanya sa gitna ng katahimikan.
At ang babaeng iyon ay ako na kahit ilang taon yata ang lumipas ay patuloy siyang gugustuhin.
I can spend the rest of my life liking him,of course,except if he already found the right woman for him.