My Super Boyfriend

By toneewritestragedies

218K 3.8K 398

It was Sami's 18th Birthday-nakatanggap siya ng package mula sa tita niya bilang regalo. Pagbukas niya - BOOM... More

My Super Boyfriend { Pre-Parade }
1. **My Boyfriend?!**
2.**Sushi**
3.1. **The Date**
3.2. **The Date**
4.**Meeting the Family**
5.**Mood Swings**
6.**V-Day**
7.**My Girl.. For Real**
8. **Hanky, Caution, Bloods**
9.1. **His Real Identity**
9.2.**His Real Identity**
10. **Her Love**
11.**Choose**
12.2. **If We Ever Meet Again**
13.**The Last Chapter **
My Super Boyfriend: **EPILOGUE**
My Super Boyfriend Sequel: Keeping Up With You

12. **If We Ever Meet Again**

9.4K 195 6
By toneewritestragedies

My Super Boyfriend

storyline by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

 12 **If We Ever Meet Again**   

 // 5 years later //

[[London, England]]

Samantha Adachi's POV

"Honeybabe! Honeybabe! Where?s my underwear?!"

"Wait lang dear, kinukuha ko pa okay?"

"Alright. Just make it faster. I don't wanna run here naked."

"Opo! Ito na.." pagkakuha ko ng undies, binigay ko na agad sa kanya. "Gusto mo bihisan pa kita ha?" I teased him.

"No way! That?s gross! I?m a big boy right now Honeybabe, stop making me a little boy!"

"O sye, sya. You win, I?ll just wait here. Bilisan mo lang ha, maliligo pa si Suri."

"Yup!"

May humila naman ng skirt ko sa may bandang tagiliran, pagtingin ko si Suri. "Mamami, Mikko is soo tagal. I wanna pee >///<"

Nginitian ko sya tas binuhat. "Yes my Young Lady, sandal na lang si Mikko ha. He?s putting his clothes on pa kasi e."

"Okay. I'll just wait for him."

Those were my kids, Mikko and Suri, kambal sila actually. After what happened to me five years ago, that was the sign na eight weeks pregnant ako at si Reikko Shadows ang ama ng dinadala ko. sa una, medyo nagtampo ang parents ko saken dahil hindi inaasahan yung pagbubuntis ko. Pero sa huli, tinanggap na rin nila at naexcite dahil magkakaapo sila.

Tumigil ako ng isang taon sa Asters para tutukan ang pagbubuntis ko, maselan kasi dahil 18 lang ako noon tas kambal pa ang magiging anak ko. pero nung ipinanganak ko sila in normal delivery, sobrang saya ko nun dahil wala silang ailments at abnormalities.

Mikko and Suri were my happiness, dahil sa kanila nagsumikap akong makapagtapos sa pag-aaral at gumraduate ng Cum Laude. Sila ang insipirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Pakiramdam ko, tama sila. Na swerte ang kambal. Napromote kasi sa trabaho sina Mama at Papa kaya heto nandito kami sa London naninirahan. Nagtatrabaho ako sa Vogue magazine as layout artist at doon na nagsimula ang ginhawa sa buhay namin.

Masasabi kong maganda na ang buhay ng pamilya ko pati ang mga anak ko. Pero sa kabila ng lahat ng swerte sa buhay ko, may matinding lungkot pa rin akong nararamdaman sa puso ko.

Hanggang ngayon kasi, mahal ko pa si Sushi. at kahit kelan, di sya nawala sa isip at puso ko. kahit 5 taon na ang lumipas mula nung huli kaming magkita, nandito pa rin yung sakit dahil sa ginawa ko sa kanya. Sobrang nagi-guilty ako kasi di ko sya nagawang ipaglaban kay Bernard Shadows.

Sinubukan kong hanapin si Sushi thru social networking sites at kahit saan pang means pero wala akong nakuhang information sa kanya. Hindi ko iniisip na wala na si Sushi. nararamdaman kong nandito pa sya at may sarili syang buhay kung nasaan man syang lupalop ng mundo. At kung sakali man na may iba na syang mahal, tatanggapin ko na hindi kami para sa isa?t isa.

Si Reikko Shadows o Sushi man, proud akong sabihin na sya ang puppy love ko, ang first love ko, at ang last love ko. Hindi man kami ang nagkatuluyan, alam ko sa sarili ko na hindi sya mabubura sa isp at puso ko habang nabubuhay ako. At ang proof ay yung pagbuhay at pagpapalaki ko sa kambal, mahal ko sila tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Di ako magsasawang iparamdam sa kanila ang pag-aalaga ko pati na rin ang pagmamahal ko.

***

Pagkatapos mag-cr ni Suri, bumaba na kami sa kitchen para kumain ng breakfast. Ihahatid ko pa kasi sila sa Prep School at ako naman e papasok sa opisina.

"Mamami, I forgot to tell you that my crayons were already broken. Would you please buy me another one po?" sabi ni Suri.

"Again? Bakit ba lagi mong nasisira ang crayons mo ha Suri? You should take care of those. Paano kung wala na akong pambili ha?"

"Honeybabe?s right Suri. Wag mong sirain ang mga crayons mo. Look at mine, they are all strong pa rin like me, diba Honeybabe?" singit naman ni Mikko.

"Eh paano naman kasi, you?re not using it kaya hindi talaga yun masisira."

"Whatever you say Suri."

"Oh tama na. Finish your breakfast, baka ma-late pa kayo nyan." Sabi ko sa kanila habang inaayos yung mga lunchboxes nila.

"Yes Mom."

Above my children, si Suri itong medyo mahilig sa arts, magkulay, mag-drawing at mag-paint. Mana nga sa akin. Samantalang si Mikko, may pagka-studious. Sya nga itong laging top 1 sa klase nila. Ayun, kanino pa nga ba magmamana kundi sa tatay nya.

Nang maihatid ko na silang dalawa sa Prep School, dumirecho na ako sa opisina agad. Tambak na kasi ang trabaho. Kelangan ko pa

tapusin yung mga layouts na hindi ko natapos kahapon dahil kung hindi, pagdidiskitahan na naman akong Editor in Chief namin

=__=

Dito kasi sa London, paspasan ang buhay, kung di mo kaya sumabay sa agos, lulubog ka at mahihirapan ka nang bumangon ulit.

Kaya heto, hanggat may pagkakataon, nagpupursigi akong magtrabaho di lang sa mga anak ko kundi sa parents ko pati na rin kay Gummy.

At 23 years old, I really need to be strong and work harder.

Pag-upo ko pa lang sa desk ko, sinimulan ko na ang trabaho ko. medyo gawaing panlalake pero kaya naman. (dati akong..ehem..alam nyo na hehe)

"Sami." Napatingin ako sa Associate Editor namin. Eh? >.< Anong meron? Ang aga ko na nga pumasok, pagagalitan na naman ako.

"Yup."

"The EIC wants to go to the Conference Hall at the 12th floor. You need to meet the photographer and Allison, the writer." Sabi nta

saken.

Syempre ako, pa-British accent. Sa ilang taon ko ba naman dito e. "You sure? For what? Do I really need to go there? I?m only in charge at the post production team."

"I think they want your idea about the concept for the next issue. Just complementing with what the photoshoot needs to do or develop and stuff like that."

Napataas yung kialy ko sa sinabi nya. Hay bahala sya. "Alright. Gotta go."

Bwisit naman tong Associate Ed na to. Pasaway. Kung sino sino ang tinuturo e.

***

Pagpunta ko sa 12th floor, nandoon na yung photographer saka si Allison, isa sa mga writers namin. Sa totoo lang, di ko alam kung sino ang mga iniinterview o kinukuhang model ng magazine. Basta ako naka-assign lang sa layouting.

"Is there anything I can help?" tanong ko sa kanila.

"Well, yes. We?re thinking about something about the theme for the pictorial, and we think that you can help." Sabi nung photographer. Sa tingin ko, French „to.

Tinuro ko yung sarili ko. "Me? I mean.. We have creative design staff for the pictorial. I?m just assigned about the layouts and the outputs of the pictorial. It?s only my job."

"Sami." Tumingin saken si Allison. "I might say that our EIC believes your abilities."

Muntik na ako masuka sa sinabi nya. Te f*ck. Believes my ability? Yung matandang dalaga na primadonnang yun? Weh? Joke time! Eh ang poker face kaya nun! Saka lagi akong pinagagalitan pag ayaw nya ang mga gawa ko. tas ngayon may tiwala sya sa mga kaya kong gawin? Weh? May himala pala talaga.

"I'm speechless." Pero nasabi ko pa rin yan.

Biglang tumunog yung cellphone ni Allison. Syempre di ko naman alam kung sino yung kausap nya pero nang mapansin ko na namumutla yung mukha nya, alam ko na agad kung sino yun. Yung EIC namin. Lagi naman pag ganito ang eksena e.

Tumayo sya tas binuksan yung pinto. "Oops, I gotta go for awhile, something important came up. I?ll be back in a few minutes." Saka sya lumabas ng conference room.

Yung photographer naman, tumayo rin. "I think I need to buy a coffee. How about an espresso? Want some?" sabi nya saken.

"No thanks, I'm full."

"Okay. Just a sec."

Ano naman kaya ang kelangan nila saken? Eh parang epal lang ang dating ko rito e. pagakatapos nang ilang minute, dumating na yung photographer pero si Allison wala pa rin. Hay nako. Sinasayang lang nila ang oras ko e >,<

Tumayo ako at sinabihan yung photographer na babalikan ko muna yung naiwan kong trabaho at babalik na lang ulit dito pag okay na sila. Pagbukas ko ng pintuan, nakatayo na si Allison sa harap ko, mukhang bubuksan nya na sana yung pinto pero naunahan ko sya.

"I?m sorry for being too long Sami." Sabi nya. Ako naman nag-poker face lang. tae kasi e, tyumempo pa.

"Ahm hehe. That?s alright. No problem." Tama, that?s alright na sakalin kang echusera ka. asar.

Pumasok na ulit kaming dalawa tas umupo na. "Sorry to keep you waiting guys. I need to fetch up the model downstairs." Sabi ni Allison sa amin.

"Yeah. Yeah. Let?s start the brainstorming." Minadali ko na sila dahil tambak pa ang trabaho ko. Seryoso. Mga pasaway sila >,<

"Okay. Let me just call him." Tumayo ulit si Allison at pinapasok yung model. Inis. Aligaga >__> Punyeta tong mga to e. Pinapahighblood ako sa mga ek ek nila. Kanina, ako ang sinali, ngayon naman may model pa? Ayayay =_=

"Sami ang Mr. Dela Croix, one of our models for these issue, Reikko Shadows."

Reikko. Shadows.

Dahan-dahan kong tinignan yung lalakeng pumasok. Pagkakita ko sa lalake, halos sumabog yung puso ko. pinigil ko yung hininga ko at bigla na lang tumulo ang luha ko. Mga isa lang. Seryoso. Pati luha ko kasi nagulat e.

Ang laki ng pinagbago nya.

Pero kilala pa rin sya ng puso ko.

Sya nga.

Ang Sushi ko..

"Nice to see you again here Miss Samantha Adachi." Nakipag-shake hands sya sa akin at nginitian ako ng meaningful. Na parang sarcastic. Siguro hindi pa nya nalilimutan ang nangyari five years ago.

Gumitna naman si Allison sa aming dalawa at humarap kay Sushi.

"Y-You knew each other?" parang di naman makapaniwala itong echuserang aligagang Allison na to. 

"Of course, we do. That?s why he said „nice to see you again?." Sabi ko naman sa kanya. Pero syempre nagugulantang pa rin ako. Di lang halata.

"Really? Are you what?" tanong nya saken.

Paktay.

Napakamot ako ng ulo. Ano ba isasagot ko? "Ahm, we?re—"

"She's my former girlfriend."

Face palm mode.

"Let?s start the meeting. Hehe." Patay malisya ako kunwari.

Good luck sa brainstorming na to. Literal talagang babagyuhin ang utak ko.

***

"So kamusta ka naman?" tanong ni Sushi saken habang nasa coffee shop kami sa ground floor ng office. Pagkatapos kasi ng meeting—na wala naman akong naintindihan kakaisip sa kanya. Inaya nya ako rito para makipag-usap sa akin. Syempre pumayag ako. Sa limang taong dumaan na hindi ko sya nakita, tatanggi pa ba ako? Ito na rin kasi ang chance kong sabihin sa kanya angg lahat ng nasa puso ko na hindi ko nasabi sa kanya dati. Pati ang pagmamahal ko.

"Ayos lang ako. Ikaw?" pinilit kong ngumiti para itago yung kabang nararamdaman ko.

"Well, I?m good. Galing akong Paris dahil sa trabaho. A friend offered me to be a one-time models sa Vogue. I agreed. New venture ito at maganda ang income." Sobrang nag-iba sya apart sa nakilala ko dati. He?s more masculine, confident.. and hot (sorry!) Pero parang di ko nakikita sa mga mata nya na parang di sya masayang nakikita ako ngayon. O kung mahal pa rin nya ako. Di ko alam pero parang nakaramdam ako ng hiya.

"Hmm, mabuti yan para sayo Sushi..err Reikko pala hehe."

Hindi na sya nagrespond sa sinabi ko. pareho na lang naming iniinom yung kape. Ako naman, hindi na mapakali dahil kanina pa sya nakatitig sa akin at hindi inaalis ang tingin nya. Arrgh! Ang gwapo nya masyado at nakaka-conscious ako! Kelangan ko magmove on dito dahil kung hindi, babaho ang hininga ko >//<

"Ah Reikko, kumusta ka nitong five eyars na dumaan? I mean anong pinagkaabalahan mo.."

Tumaas yung dalawang kilay nya tas ibinaba yung kape sa mesa. "Why are you asking? May mababago ba?"

Ouch. Nasapol ako dun ah. Galit nga sya saken.

Pinilit ko na lang ngumiti. "Ow sorry."

"Oh. Don?t be sorry. Pero sige, dahil tinanong mo rin lang naman, sasagutin na kita. After you left me" pinagdiinan nya talaga yung salitang 'left' me?. Kaasar. Kung alam lang nya ang dahilan. "My Daddy sent me to Switzerland to work for his company as a janitor. After a few months, I became a clerk, a secretary then the rest was history. Napromote ako hanggang ipamana saken ni Daddy ang telecom business nya and, I?m actually running it now." Sobrang gulat na gulat ako sa sinabi ni Sushi. Sa five years lang?? sya na ang may-ari ng telecom? Woah.

At teka, si Bernard Shadows? Ipinamana sa kanya yun? Seryoso?! Naputulan na pala sya ng sungay na kasing taas ng Petronas Towers? Oh baka naman ibang daddy ang binabanggit nya?

"S-seryoso ka? si Bernard Shadows? Ipapamana sayo ang negosyo nya? Anong nakain nya? Ipot ng kalapati? Bumait ata?"

"Yes. You're right. Sya nga. People change Sami. Two years ago, naging maayos na ang turing nya saken pagkatapos nya maaksidente at mabaldado. He valued his life after what happened to him. Nagka-bone cancer din sya. Before he died, ipinaman nya saken ang lahat ng assets at ari-arian nya."

Naaksidente si Bernard Shadows, naging okay na sila ni Sushi, nagka-bone cancer sya, namatay at pinamanahan... Wahh! Nakakalula ang limang taon na „yun para sa kanya.  Sobrang di ako makapaniwala sa mga rebelasyon nya!

"P-patay na yung pangit mong tatay? Di nga?!" grabe na yung nganga ng bibig ko.

"Yea. A year ago. Dahil sa cancer at sa iba pang complications.? Hindi ko alam kung tatawa ba ako o malulungkot dahil patay na ang stepdad nya. Pagkatapos kasi naming maghiwalay ni Sushi, nagdivorce na rin sina Auntie Elisse at si Bernard kaya wala na kaming balita sa kanya.

Tumango ako at nagpatuloy sa pag-inom ng kape. Di na talaga ako mapakali rito. Gusto ko nang umalis!!

"Do you have a boyfriend?"

Muntik ko nang mabuga sa mukha nya yung kapeng iniinom ko. shet lang. Bakit ba sya nagtatanong ng ganyan? Nakaaasiwa! Parang nang-iinsulto pa e.

"Boyfriend? Wala ha. Wala akong boyfriend."

"Or ex boyfriends after me?"

"Wala din." Ang daming nanligaw pero ni isa wala akong sinagot. Ikaw pa rin kasi ang mahal ko Sushi. "Ikaw?" binalik ko sa kanya yung tanong nya.

Arrgh. Sana wala Lord! Magpapakanton ako pag wala syang girlfriend at mga ex! ~,~

Ngumiti sya nang pang-asar sa akin. "Tignan mo ang itsura ko, what do you think?"

Bakit may what do you think pa syang nalalaman? Ang sarap nya i-grind sa coffee maker!

"Wala? Hehe." Nag-aalangan pa akong sumagot >,<

"Ganito na ba ako kapangit Sami? Of course I do have a lot of girlfriends after you. Pero at this point, wala. I?m too busy for work. But short time flings will do. By the way, pwede ka ba as one of my girls? Nakukulangan ako sa isa e. baka sakaling interesado ka. I?ll give you my credit card to contact me if you?re interested."

Pakiramdam ko kumukulo ang dugo ko at umaakyat sa utak dahil sa sinabi nya saken. Gawin ba akong mistress? Ang kapal ng mukha nya! Sino ba sya para pagsalitaan ako ng ganito? Hindi ako cheap tulad ng iniisip nya! Ang yabang =_=

Tumayo ako at saka tinalikuran sya. Pero bago ko sya layasan, nagsalita pa ako.

"Umasenso nga ang buhay mo, yumaman ka, gumwapo lalo, naging makapangyarihan. Pero yang ugali mo, ubod ng sama. Alam mo, pinagsisisihan ko ang araw na to na nakita kita rito sa London. Sana nabulok ka na lang kung saang lupalop ka nanggaling. Akala ko, ikaw pa rin ang Sushi na nakilala ko noon, hindi pala."

"Alam mo Samantha, wala kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan. Wala ka sa mga panahon na mas kailangan kita. Iniwan mo ako diba? Kung masaya kang wala ako sa buhay mo, ganoon din ako. Sa tingin mo ba, pagkatapos ng limang taon, si Sushi pa rin ang makikita mo? Patay na si Sushi. hindi na sya totoo. Isa lang malaking tanga si Sushi na mahalin at pag-aksayahan ng oras ang tulad mo na iniwan at sinaktan lang sya. Wala na si Sushi. Si Reikko Avery Shadows na ang nasa harapan mo..."

Sige Sushi. Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin sa akin. Kung ito lang ang way para mabayaran ko yung malaking kasalanan ko sayo, I'm willing to be hurt.

***

Hindi na ako nakapagtrabaho ng maayos mula nang mag-usap kami ni Sushi—ni Reikko. Pinipigil ko lang kasi ang luha kong gusto nang lumabas galing sa mga mata ko. hindi ko pa rin kasi matanggap na pinagsalitaan ako ni Sushi ng ganung kasakit. Umalis ako sa harap nya na tapos na talaga ang lahat sa amin at wala nang babalikan pa. ito yung masakit e. yung nagmamahal ka ng taong di ka na mahal.

Maaga akong nag-out sa trabaho para sunduin yung kambal. Nasa Pilipinas kasi ngayon ang parents ko at si Gummy para magbakasyon kaya ngayon, madalas ako magundertime ako trabaho. Pagdating ko sa Prep School, hinhintay ko lang sa Parents? waiting shed sina Mikko at Suri hanggan sa makalabas sila ng klase.

Sa ngayon, kailangan ko ang mga anak ko para maging lakas ko sa nangyayari sa akin. I just saw their father awhile ago. And I haven't got a chance to tell him about them. Dahil sa mga nangyari kanina, I don?t think I may be able to inform him about our children.

"Honeybabe!"

"Mamami!!"

Paglingon ko, nag-uunahang tumakbo palapit saken sina Mikko at Suri at saka niyakap ako. Niyakap ko rin sila ng mahigpit. Pakiramdam ko nga, tumulo ang luha ko dahil sa pagkakita ko sa kanila. Ewan ko ba.

"So how's school my babies?" tanong ko sa kanila.

"Ayos naman po Mamami. I got an A++ on Art Class. Yey!" sagot ni Suri saken. Hay ang batang ito, mana talaga saken.

"Well, that?s very nice Suri! Mamami is very proud of you!"

"Ako naman Honeybabe, I got perfect scores on Science and Math quizzes. And I?m very happy!" si Mikko naman. Yung pinagamanahan nya? Ayun, may sungay na rin.

"Wow! Nakakaproud naman ang twins ko! o sige, as a treat, we?ll buy ice cream!"

"Yes! We want it! We really do!" nagtatatalon naman yung kambal sa sinabi ko. ang hilig talaga nila sa Ice cream kahit kelan >///<

"O sya, sya. Tara na at baka maubusan pa tayo!" hinawakan ko yung mga kamay nila at nagsimula na kaming maglakad. Pero nakakailang hakbang pa lang kami, natigilan na ako sa paglalakad dahil sa nakita ko.

"S-Sushi.."

Nakapamulsa syang lumapit sa amin at tinignan yung kambal. May kakaiba sa mga tingin nya sa kanila pero di ko mawari kung ano e. maramdaman kaya nyang anak nya sina Mikko at Suri? Oh my. Hindi ko inaakalang mangyayari pa 'to.

"Who are these kids?" parang may kaba sa tono ng pananalita nya. Sa mga bata pa rin sya nakatingin nung tinanong nya ako.

"Ahm, uhm. A-ano kasi..—"

"She's our Mom. I'm Mikko Reimi Adachi and this is my twin sister, Reimi Suri Adachi. May we know who you are sir?" 




Continue Reading

You'll Also Like

674K 7.8K 37
- COMPLETED - BABALA: Ang aklat na iyong mababasa ay Rated SPG. Istriktong patnubay at gabay sa iyong puso ang kailangan. ‼️mature contents; read at...
255K 9.9K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...
57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...