My Super Boyfriend

By toneewritestragedies

218K 3.8K 398

It was Sami's 18th Birthday-nakatanggap siya ng package mula sa tita niya bilang regalo. Pagbukas niya - BOOM... More

My Super Boyfriend { Pre-Parade }
1. **My Boyfriend?!**
2.**Sushi**
3.1. **The Date**
3.2. **The Date**
4.**Meeting the Family**
5.**Mood Swings**
6.**V-Day**
7.**My Girl.. For Real**
8. **Hanky, Caution, Bloods**
9.1. **His Real Identity**
9.2.**His Real Identity**
11.**Choose**
12. **If We Ever Meet Again**
12.2. **If We Ever Meet Again**
13.**The Last Chapter **
My Super Boyfriend: **EPILOGUE**
My Super Boyfriend Sequel: Keeping Up With You

10. **Her Love**

7.7K 151 13
By toneewritestragedies

My Super Boyfriend

storyline by Toneewritestragedies

Inspired by Zettai Kareshi (Absolute Boyfriend)

10: **Her Love**

 

Reikko Shadows / Sushi's POV

Nakaupo lang ako sa sahig habang nakapiring ang mga mata. Alam kong kahit tanggalin ko pa „to. Wala din akong makikita dahil madilim rin ang lugar na „to. Wala kasi akong maaninag na ilaw galing sa blindfold. Halos isang lingo na „kong hindi umuuwi kay Sami. Alam kong nag-aalala na sya saken. Siguro at this time, alam na nya kung sino talaga ako at saan ako galing.

Gusto ko na sya makita at makapagpaniwalag sa kanya tungkol sa gulong nangyari sa buhay ko ngayon. Pero mukhang kelangan ko muna ayusin ang gusot sa pagitan namin ni Daddy.

Hindi sila dapat madamay ni Mama Elisse sa problema ko. I need to fix and finish this all by myself.

Narinig kong bumukas ang pinto at may mga yabag rin ng mga paa. Mukhang di lang iisang tao ang pumasok dito. Pero parang hindi rin si Daddy yung tao.

"Reikko, stand up there. You have a visitor." Sabi nung isang guard.

Bisita? Sa akin? Mukha na ba talaga akong preso?

"Hurry up!" sabi nung isa at pinwersa akong tinayo at tinaggal yung blindfold sa mata ko.

"Visitor? Do you think someone?s visiting me here?" sarcastic yung pagkakasabi ko sa kanila.

"Hahaha. Take it easy boy! Just wait her alright? Don?t think twice of escaping here. You might die with just a wrong move."

Her?

Lumabas na yung tatlong guards at iniwang bukas yung pintuan. Saka naman pumasok yung sinabi nilang bisita ko.

***

Di ako makapaniwalang nakatayo sya sa harapan ko ngayon. Kinusot ko yung mata ko at pumikit ulit. Saka sya lumapit saken at niyakap ako.

"Sushi.."

Sya nga... Hindi to panaginip. Hawak ko sya, kayakap ko sya, tinawag nya ako..

"Sami! Ba't nandito ka? Anong ginagawa mo dito ha? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sayo?"

"Okay lang ako. Wag kang mag-alala. Wala naman silang ginawa masama sa akin." Nginitian nya ako.

"Sigurado ka?"

"Oo naman! Nakausap ko na nga pala ang Daddy mo."

Kinausap nya si Daddy? Pero bakit naman kaya? Ano na bang nangyayari sa paligid? Ang weird.

"Anong sinabi nya sayo?" natatakot ako na parang ewan.

Sa halip na sagutin nya yung tanong ko, humawak sya sa kamay ko at saka hinila ako palabas sa madilim na kwarto.

"Sami, di ako pwedeng tumakas. Magagalit si Daddy."

Tumigil sya sandal sa paglalakad at ngumiti na naman saken. "Grabe ah. Ang virgin ng sagot mo Sushi haha. Wag mo na lang alalahanin okay? Ang gawin mo na lang, maligo ka at mag-ayos ng sarili. May pupuntahan tayo."

"Pupuntahan? Hindi kita maintindihan. Ano bang pinagusapan nyo ni Daddy? Sabihin mo nga saken Sami!"

"Wag ka na magtanong Reikko Avery Shadows. Do whatever I say to you." Seryoso pagkakatingin nya saken pero mas nagulat ako nang banggitin nya yung real name ko. ngayon, mukhang alam na nya talaga ang lahat.

"Sami girlfriend."

"Please Reikko, sumunod ka na lang."

Tinignan nya ako ng direcho sa mata. "I trust you."

***

Ginawa ko nga ang sinabi saken ni Sami kanina. Naligo ako, nagtoothbrush—in short, nagpapogi ako. Buti at may binigay saken na magagamit dahil ang tagal ko na ring hindi nagpapalit ng damit. Ang baho ko na rin kase =__=

Nung tinanong ko sya kung saan kami pupunta, di nya ako sinagot. Ngumiti lang sya saken tas hinalikan ako. Tss. Di ko alam kung bakit iba ang kinikilos ni Sami ngayon.

"Ahm. May itatanong ako sayo." Sabi nya saken. "Ngayong magkasama tayo, pumili ka, magiging si Reikko ka o si Sushi? Suit yourself."

Tinignan ko lang sya habang nagmamaneho. Nakasakay kami ni Sami sa isang kotse na sa tingin ko, si Mama Elisse ang may-ari. Ang napansin ko, wala man lang sumusunod samen na goons ni Daddy. Nakakapagtaka talaga. Magkaka-connive ba silang tatlo dito? Wala talaga akong maintindihan e.

"Oh ano sumagot ka? nakatingin ka lang saken e. Oo, alam kong maganda ako. Kaya wag mo ako titigan ng titigan, kinikilig ako." Tumawa sya ng mahina.

"I prefer being what you saw me the first time."

"Okay. Ikaw ulit si Sushi. Ang super boyfriend ni Sami Adachi."

Mas gusto kong ipakita sa kanya bilang ako na si Sushi—kasi pag ako si Sushi, wala lang akong ibang gagawin kundi pasayahin sya

at mahalin. Ang pagiging Reikko Shadows ay isang madilim na personalidad. At ayokong makita nyang malungkutin akong tao.

***

Nakarating kami sa isang amusement park. Di ko alam pero naexcite ako nang makapunta sa ganitong lugar. Lalo na?t kasama ko pa si Sami.

"Mukhang masaya dito Sami girlfriend."

"Ha? Oo naman. Masaya talaga dito sa Amusement Park. Mawawala lahat ng problema mo pag nandito ka. Wala kang gagawin kundi matuwa at sumigaw. Don't tell me, ngayon ka lang nakapunta sa ganito?"

Napakamot ako ng ulo. "Uhm. Oo e. sa maniwala ka man o hindi."

Nanlaki yung mata ni Sami at napanganga. Natatawa talaga ako sa girlfriend ko, ang cute cute ^,^ "Weh Sushi? di nga? Nako, wag mo ako biruin ng ganyan ha."

Inakbayan ko sya. "Maniwala ka man o hindi saken Sami girlfriend, di pa ako nakakapunta sa mga ganitong pasyalan."

"Ha? At bakit naman? Marami naman kayong pera."

"Nalaman mo naman sigurong napaka-studious kong tao. That's the reason why I don?t go to places like this."

"Kahit sa mall?"

"Nakakapunta naman ako sa malls kaso bihira lang. kaya lagi kita inaayang gumala dahil minsan ko lang yun maranasan nung nasa Amerika pa ako."

Tumatango-tango sya sa sinabi ko tas ngumiti. F*ck. Ang ganda nya lalo pag nakangiti. Naiinlove ako. "Kaya pala. Hmm, sige na pumasok na tayo!!"

Hinila nya yung kamay ko tas pumasok kami sa gate ng Amusement Park. Nakakahiya lang dahil wala akong dalang pera rito kaya si Sami yung gagastos >,<

"Uhmm, ano bang unang sasakyan natin Sushi? Roller Coaster? Carousel? Waa. Nakakatuwa!" tignan mo to si Sami, parang sya pa yung first time sa ganitong lugar e. mas maligalig pa kesa saken =__=

"Girlfriend naman. Puro mga nakakhilo yung gusto mong sakyan agad e. baka sumuka ako nyan pag yan ang inuna natin." Nginisian ko sya.

Kumapit sya sa leeg ko tas nagsmack sa lips ko. arrgh. Lalo akong kinikilig e. Pag di ako nakapagpigil, re-rape-in ko to dito sa semento >//< Joke lang. Manyak ako pero di ako rapist.

"Haha. Joke lang yun. Pinapakaba lang kita Sushi. eh di doon muna tayo sa mga nakakaenjoy na rides."

Hinawakan nya yung kamay ko tas nagsimula na kaming maglakad. Tinitignan ko si Sami habang hawak nya ako. Di ako makapaniwalang nabago ko sya ng hindi ko inaasahan. Minahal ko sya nang hindi ko iniisip na mamahalin nya rin ako. Nung unang beses nyang sinabi saken na mahal nya ako, siguro ako na yung pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Mas swerter pa sa nanalo sa lotto, mas maswerte pas sa nanalo sa mga talent contest. Pakiramdam ko nasa tuktok ako ng Mt. Everest sa sarap ng pakiramdam ko.

Akala ko mahirap magmahal. Yun pala, madali lang kung gugustuhin mo. Ang mahalin si Sami, siguro isa yun sa mga bagay na nagsasabing dapat lang ako mabuhay at wag sumuko..sa mga problema sa buhay ko.

***

Di ko alam kung sadyang magulo lang si Sami o nakakathrill ang mga rides kaya medyo nahihilo ako. Siguro nga dahil first time ko sa amusement park >//< teka, ano nga ba ang mga sinakyan namin? Merry-go-Round, Carousel, Roller Coaster, yung parang roller coaster na may tubig at kung anu-ano pa. di ko na rin inalam yung pangalan ng iba basta sakay lang kami ng sakay ni Sami.

Mabuti na lang at naisipan nyang magpahinga muna kami saglit sa mga benches at kumain na muna dahil nakakapagod naman kasi. Whew.

Bumili si Sami ng ice cream at French fries para sa merienda naming dalawa. Hindi ko alam pero pakiramdam ko napaextra special ng araw na to para sa amin.

"Ahm Sami girlfriend, kamusta na nga pala si Mama Elisse? ayos lang ba sya?"

"Oo naman. She?s doing good. Namimiss ka na raw nya."

"Sya rin e. namimiss ko na din sya. „Nga pala Sami, yung tungkol sa $1.5 million na unpaid balance ni Mama Elisse sa—"

"Wag mo nang isipin yun Sushi. sine-settle na ni Auntie yun. Ang mahalaga, magkasama tayong dalawa. Wag na muna tayo magisip ng problema. Okay?" nginitian nya ako.

"Okay."

Pagkatapos naming kumain, naglibot-libot muna kami sa palibot ng amusement park. Nagku-kwentuhan. Ito na rin ang chance ni Sami para makilala si Reikko Shadows.

"Ang adik mo Sushi. Ang galing mo magtago ng personality ha. Ni hindi ko man lang nahalata sayong matalino ka. Ahm, ang ibig kong sabihin, Valedictorian ka dati haha at ang bongga pa ng eskwelahan mo =__= Nainggit tuloy ako. Sa MIT ka. Top 3 Best University in the World >///< Ikaw na."

Tumawa ako. "Ano bang akala mo sa matalino ha? Geek at nerd lang? syempre meron pa ring mga cool dude at pogi tulad ko." kinindatan ko sya ng matindi.

"Syempre ano pa nga ba? Teka nga Sushi, wag mo ako titigan ng ganyan. Natutunaw ako e! hoy! Umayos ka nga =__="

Haha. Hindi ko kasi sya tinitigila sa pagtingin ko sa kanya ng seryoso at makalaglag ______ (insert type of underwear here)

Ang ganda kasi ng girlfriend ko. kinikilig ako.

Lumapit ako sa kanya at bumulong sa tenga nya. "Sami girlfriend, gawa tayo baby ^,^ "

**SAPOK**

"Hoy! Anong baby ang pinagsasabi mo ha? Napag-usapan na natin yan dati Sushi >//<"

"Joke lang naman Sami girlfriend. Nagbabakasakali lang makalusot." I really looked like a maniac or something. Pero syempre lahat ng mga ganitong banat ko sa kanya eh mga joke lang. to tell you honestly, I was a virgin when I took her. Hence, she's my first girlfriend.

"Sus. Pero gusto mo naman?"

"Hmm. A part yes?"

"Arrgh! Ang manyak mo talaga >,<"

Niyakap ko sya sa tagiliran at ipinatong ko yung baba ko sa balikat nya.

"Sami, may sasabihin ako sayo."

"Yup?"

"Mahal na mahal talaga kita. Siguro pag nawala ka sa bahay ko, sobrang di ko kakayanin. Wag mo ako iiwan ha?"

***

Di na kami masyado nagpagabi sa amusement park dahil kelangan ko nang bumalik sa Ideal Enterprises. Baka bugbog sarado na naman nito kay Daddy. Ewan ko ba, bakit hanggang ngayon, di pa rin saken sinasabi ni Sami ang dahilan kung bakit pinayagan akong makalabas ngayon.

Habang bumibyahe kami ni Sami pabalik, napansin kong medyo ang tahimik nya at di sya masyadong masalita. Nakatingin lang sya sa minamaneho nya habang ako naman, kumakain ng chips.

Sa gitna ng pagda-drive ni Sami, bigla syang tumigil at nakatulala lang sa harapan ng kotse.

"Ah Sami. Ok ka lang ba? Naubusan ba tayo ng gas?"

Umiling sya tas tinignan ako. Bigla akong kinabahan sa tingin nya.. Parang.. sumikip ang dibdib ko. "Bumaba ka sa kotse." Sabi nya saken ng seryoso. Teka anu to?!

"Ha? Bakit Sami? Na-flat ba yung gluong? Ano nangyari? May sira ba?" umiling sya. "Bumaba ka sa kotse."

"Ano bang ibig mong sabihin—"

"Reikko, sinabi kong bumaba ka!" pagalit ang pagkakasabi nya saken. Di ko alam kung anong problema kaya no choice kundi lumabas ako ng kotse. Ang kinagulat ko, hindi sya gumalaw o bumaba man lang.

"I-iiwan mo ako rito?"

Tumingin sya ng direcho saken. Kung kanina puno ng pagmamahal yung tingn nya sa mga mata ko, ngayon blangko na. walang expression. "Tapos na tayo Reikko Shadows."

Pakiramdam ko napako na ako sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko sa kanya. Teka. Tama ba „yun? Tapos na kami?! Di naman ata pwede yun!

"Wag mo nga ako patawanin ng ganyan Sami. Anong sinasabi mong tapos na tayo? Nagpapatawa ka ata e. Di ka mukhang clown. Joke lang yan diba?" akala ko sasabihin nyang joke lang pero umiling lang sya. Hindi e. nagbibiro lang sya! Mahal na mahal namin isa?t isa tas biglang break na kami?

"Hindi ako nakikipagbiruan dito! Narinig mo ba ang sinabi ko ha? Tapos na tayo! Break na tayo! Simula sa araw na to, hindi na kita superboyfriend. Naiintindihan mo?!"

Hindi ako makagalaw. Hindi ako makapagsalita. Di ko matanggap na sinasabihan ako ni Sami ng ganito.

"Nagsasawa na ako sayo Sushi o Reikko Shadows ka man. Ayoko na sayo. Kaya pwede ba umalis ka na rito."

"You cant say that to me Sami. Yung kanina? Sa amusement park! Diba ang saya natin. You even kissed me a couple of times tapos ngayon. Sasabihin mong ayaw mo na saken?"

Lumabas sya sa kotse at saka itinulak ako ng malakas. "I was just fooling around at that time. Nagloloko lang naman ako kanina, pumatol ka naman."

Hindi ako makapaniwalang naririnig ko yan kay Sami sa mga oras na to. Yung babaeng minahal ko na prangka at outspoken? Sasabihan ako ng ganyang kasakit na salita? Hindi to pwede sabihin ni Sami kung walang kinalaman dito si Daddy!

"Does my dad have something to do with this?"

Umiling sya. "Just my own decision. Yeah. Nag-usap kami pero sinabi ko sa kanyang sawa na ako at ayoko na."

Pakiramdam ko pinupunit-punit ng pirapiraso yung katawan ko sa mga sinasabi ni Sami saken. Nagsasawa? Ayaw nya na ba talaga? Ang sakit.. Sobra.

Niyugyog ko yung balikat nya. Kung may mga luha mang pumapatak, sa akin galing yun at hindi sa kanya.

"Sami naman. Akala ko ba okay na tayo? Bakit ayaw mo na sa akin? Di naman kita niloloko ha. Mahal kita Sami, pakinggan mo ako! Mahal kita! Di pwedeng ayaw mo saken!!"

Sinampal nya ako ng malakas. Pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ng puso ko. pati ito, umiiyak rin.

"Sino ka para utusan ako? Di ka ba makaintindi ha? Umalis ka na sa buhay ko! hindi na kita kelangan!"

"Sabihin mo, inutusan ka ba ni Daddy para iwan ako ha?"

"Sarili ko ngang desisyon to at walang sinuman ang pwedeng dumikta sa akin. Pwede ba Sushi, bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!"

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mahawakan sya ng mariin sa braso nya dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko."

"Bakit kanina? Masaya pa tayo diba?"

"Uulitin ko pa ba sayong, I was fooling around ha? Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? Umalis ka na sa buhay ko Reikko Shadows! Ayoko na sayo!"

Niyakap ko sya ng mahigpit pero kumakalas sya. "Sami please, wag mo gawin saken to. Mahal kita Sami. Mahal na mahal.. Please wag mo akong iiwanan. Ang sakit sakit.." sobra na to. Di ko na ata kakayanin.

"Sawa na ako sayo! Ayoko na sayo! Pwede ba lumayo ka saken!" di na rin kaya ng braso kong yakapin sya kaya bumitaw na ako. Lumuhod ako sa harapan nya at yumuko. Kung kailangang magmakaawa para lang hindi nya ako iwan, gagawin ko.

"Sami. Sayo lang ako naging masaya ng ganito. Wag naman pati yun babawiin mo. Buong buhay ko, lagi akong malungkot at nagiisa. Ikaw lang yung taong nagmalasakit at nagmahal saken kung ano man ako. Please, maawa ka saken Sami. Ayoko na mabuhay nang nag-iisa.. Mamamatay ako.."

Nakatingin lang sya saken ng direcho at di nagsasalita. Alam nyo kung ano yung pinakamasakit? Yung di nya ako maipaglaban kay Daddy.

"Kahit bayaran mo pa ang 1.5 million dollars na utang ni Auntie Elisse, hinding hindi magbabago ang desisyon ko. were through. Ayoko na."

Inalis nya yung binti nya sa pagkakaakap ko at pumasok ulit sya sa kotse. Tinignan ko ang mga mata nya, wala na ang dating Sami na minahal ko.. Wala na sya, sa isang iglap.

"Nagkamali ako ng minahal kita.. Sana hindi na lang nagsayang ng panahon sayo.."

..Sa pag-alis nya, hindi nya lang ako basta iniwan, sa ayaw man nya o hindi, pati ang puso ko, nasa kanya na.

***

Wala na si Sami. Wala na ang babaeng pinakamamahal ko. siguro tama nga si Daddy, walang taong kayang magmahal sa bastardong tulad ko.

Mahal na mahal kita Sami..

Sana kung may second life man ako, pwede na tayo. At that time, ako na ang lalaban para sayo, ako na ang ipagmamalaki mo.

Mahal na mahal kita Sami.

Ayawan mo man ako, ikaw pa rin ang gusto kong makasama palagi.

Mahal na mahal kita Sami.

...Kahit ayaw mo na sa akin. 




Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 15.1K 8
Ang pag-aasawa ng maaga ay hindi parang Online games. Na kapag nagsawa ka na pwede kang mag Leave.. At maghanap ng iba. Dahil ang pag-aasawa ay isang...
2.8M 80.9K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
101K 8.5K 42
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...
125K 5.3K 11
STAND-ALONE SHORT STORY Will you ever love someone that is way out of your league, someone that is ugly, someone that doesn't fit on the high expecta...