An Unexpected Love [BATC SERI...

senyoraflores tarafından

12.8K 648 85

•SELF-PUBLISHED• •PUBLISHED UNDER ABS-CBN BOOKS NoInk• Battle Above The Clouds Series#2 Col. Vicente Enriquez... Daha Fazla

Author's Note
Note
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Epilogo
Author's Note
Tungkol Sa Manunulat

Kabanata 19

235 17 0
senyoraflores tarafından


Bangungot

"Miranda!" sigaw ko habang niyuyugyog ang braso ni Miranda. Siya'y binabangungot.

Napabangon siya at hingal na hingal. Iniabot ko sa kaniya ang isang basong tubig upang siya'y mahimasmasan. Laking gulat ko nang hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"Magpakatatag ka." wika niya sa akin. Naguguluhan man ay tumango na lamang ako sa kaniya at ngumiti. Inalalayan ko siyang humiga muli bago ako humiga sa kaniyang tabi.

Nagising na lamang ako na wala na si Mianda sa aking tabi. Hindi ko na siya hinanap dahil baka umuwi na siya sa kanilang tahanan. Naligo na muna ako at nag-ayos ng sarili bago bumaba.

Hindi na rin ako nagulat nang madatnan si Vicente na nakaupo sa aming sala. Halos araw-araw siyang ganiyan, bago siya pumasok sa trabaho ay dadaan muna siya rito.

"Magandang umaga." bati ko sa kaniya at naupo sa kaniyang tabi.

"Magandang umaga rin."

Nag-agahan muna kami sa bahay bago napagpasiyahang maglakad-lakad muna. Nagtungo kami sa hardin ng aming tahanan at hinintay ang tuluyang pagsikat ng araw.

"Sa tingin mo'y hindi tayo mapaghihiwalay ng anumang problema?" pagbasag ni Vicente sa katahimikan.

"Tanging kamatayan lamang ang makakapag-hiwalay sa atin, mahal ko." tugon ko sa kaniya.

Sisiguraduhin kong walang makakapaghiwalay sa amin bukod sa kamatayan. "Kung gayon, ipangako mong hinding hindi mo tatanggalin ang singsing na iyan hangga't hindi pa tayo ikinakasal." wika niya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan ito.

Nanatili kami doon ng mahigit kinse minuto bago siya tuluyang magpaalam at pumasok sa trabaho. Bago siya tuluyang sumakay sa kaniyang kabayo ay bumalik siya sa akin at niyakap ako.

"Tandaanan mong mahal na mahal kita kahit anong mangyari." bulong niya sa akin at parang pinipiga ang aking puso sa dahil doon.

"Mahal na mahal din kita." tugon ko sa kaniya. 

Ngumiti siya sa akin bago tuluyang umalis. Ang mga ngiting iyon ay alam kong may itinatago. Bigla ko na lamang naalala ang masamang panaginip ko noong nakaraang buwan. Hindi kaya........

"Izabelle, pinapatawag ka ng iyong Ina," natauhan ako nang biglang sumulpot si Shanang sa aking tabi. Agad akong nagtungo sa silid nina Ina upang tanungin kung anong ipapagawa niya.

"Ina," tawag ko sa kaniya. "Ipinapatawag niyo raw po ako?"

"Halika rito. Tulungan mo akong burdahan ang kumot na ito." nakangiti niyang wika sa akin.

Buong araw kaming nasa silid upang burdahan ang napakalaking puting kumot na iyon. Mga bulaklak at paru-paro ang ibinurda namin. Nang mag-aalas siyete na'y bumaba na kami upang sumabay sa hapunan.

"Akala ko'y magdamag na kayo sa silid," biro sa amin ni Ama.

"Akala ko rin ay matutulog ka na sa iyong opisina." mataray namang wika sa kaniya ni Ina.

Natawa na lamang ako sa kanila dahil para silang mga bata. Habang pinapanood sila magbangayan ay bigla kong natanong sa aking sarili. 'Ganito rin kaya kami ni Vicente balang araw?'

Hindi kami produkto ng kasunduang kasal kagaya nina Ama at Ina, kaya maaring ganito rin kami pagtanda. Nang maihain na lahat ng putahe ay nagsimula na kaming kumaing tatlo dahil si ate Olivia ay may dinaluhang pagtitipon samantalang si Kuya Alejandro ay nasa ibang probinsiya ngayon. Tahimik ang buong mansiyon dahil wala ang aking mga pinsan.

Kinabukasan ay maaga muli akong nagising dahil dadalawin ko ngayon ang asukarera kagaya ng bilin ni Ama sa akin kagabi. Bumaba ako sa hagdanan at medyo nalungkot ako nang madatnang wala doon si Vicente gaya ng nakasanayan ko. Kamusta kaya siya?

"Binibini, magtungo raw po kayo sa Ilog Nagguyudan mamayang alas dos ng hapon. Pinapasabi po ni Binibining Soledad." bungad sa akin ni Armando nang makarating ako sa pintuan ng mansiyon.

"Ganoon ba? Sige didiretso ako doon pagkatapos ng tanghalian." ngumiti ako sa kaniya bago tuluyang umalis.

Mabuti na lamang at hindi masiyadong maputik ang daanan ngayon kahit umulan kagabi. Napangiti ako dahil nakitang masayang nagtratrabaho an gaming mga trabahador kahit maaga pa. Nauna na kaninang inihatid nina Shanang ang mga kakanin at kapeng barako upang gawing agahan ng mga trabahador bago sila kumayod.

"Magandang umaga po!" bati ko sa kanila.

"Magandang umaga rin po, binibini!"

Sinimulan ko ang pagtatanong tanong kung kamusta sila dito at naging maganda naman ang kanilang mga sagot. Tiyak na ikakatuwa nito nina Ama. Ang produksiyon ng asukal ay maganda at maayos pa rin kahit na nagkaroon ng problema sa tubuhan nitong nakaraang buwan. Dahil malapit lang dito ang aming palayan at maisan ay minabuti ko na ring dalawin ang mga ito. Kagaya ng tubihan ay maganda naman ang mga inaani nila.

Pagkatapos ng tanghalian ay umuwi ako saglit upang mag-ayos ng sarili. Mabuti na lamang at wala si Ina kaya hindi ako nahirapang lumabas. Kapag kasi narito siya ay marami pa siyang tinatanong.

Nagpahatid ako kay Armando sa Nangguyudan . Hindi na ako nagulat nang makitang naroon na at nakatayo si Soledad hawak ang kaniyang abaniko dahil nahuli ako ng ilang minuto.

"Soledad," tawag ko sa kaniya nang ako'y makalapit.

"Iza," ngumiti siya sa akin at niyakap ako.

Inaya niya akong magtungo sa isang bangko at naupo. "Kumusta?" tanong ko sa kaniya dahil napansin ko ang pamumutla nito.

"Maayos lamang," sagot nito. "Ikaw kumusta ka? Balita ko'y...ikakasal ka na?"

"Ah, yun ba? Sa susunod na taon pa lamang ngunit ibinigay na ni Vicente sa akin ang singsing na ito bilang simbolo na ako'y inaya na niyang magpakasal." sagot ko at ipinakita sa kaniya ang suot kong singsing.

Tumayo siya at tumalikod sa akin. "Mabuti naman kung sa susunod na taon pa lamang idaraos ang inyong kasalan ni Enriquez," wika niya.

"Tama ka," tugon ko. "Upang masulit muna namin ang buhay bilang magkasintahan at mapaghandaan ang buhay mag-asawa." masaya kong dugtong.

"Hindi din," walang emosiyon nitong sambit. Napakunot ang aking noo dahil sa pagkalito.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit kita pinapunta dito, Izabelle?" tanong ni Soledad at humarap sa akin.

Umiling lamang ako bilang sagot. Ngumiti siya sa akin ng matamis.

"Buntis ako," masaya niyang wika. Nagulat man ako ay agad din akong nakabawi at ngumiti sa kaniya.

"Isa iyang magandang balita kung ganoon. Ibig bang sabihin nito'y inimbitahan mo akong magtungo dito upang makuhang ninang?" natatawa ko pang wika.

Natawa naman siya ngunit kalaunan ay naging seryoso. Umiling siya sa akin at bumalik sa pagkakaupo sa aking tabi. Hinawakan ni Soledad ang aking kamay.

"Hindi," wika niya sa akin. " Tinawag kita rito upang itigil ang magaganap niyong kasalan. Sa madaling salita ay hiwalayan mo si Vicente dahil...." tumigil siya saglit.

Anong hiwalayan si Vicente ang pinagsasabi nito? Nahihibang na ba siya?

"Siya ang ama ng dinadala ko."

Tinaggal ko agad ang kaniyang pagkakahawak sa aking mga kamay at tumayo. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ako naniniwala sa iyo kahit pa matagal na tayong magkaibigan. Hindi magagawa ni Vicente sa akin iyan." nanginginig kong wika sa kaniya.

Hindi talaga magagawa sa akin ni Vicente ito. Mahal niya ako at alam niyang mahal ko siya. Pinangakuan niya ako ng kasal kaya sigurado akong hindi niya ako magagawang pagtaksilan ng ganito.

"Yun ay akala mo Izabelle. Nagawa na niya at ang bata sa aking sinapupunan ang ebidensiya." walang emosiyon nitong wika.

Napatingin ako sa kaniyang tiyan, totoo nga bang buntis siya at si Vicente ang ama. Balita ko'y nasa Batanes rin si Soledad noong nakaraang buwan, posibleng nagkita sila doon at------hindi mali itong aking iniisip. Hindi kayang biguin ni Vicente ang kaniyang mga pinangako sa akin. Habang iniisip ang mga posibleng nangyari ay tumulo ang aking mga luha.

"Pasensiya ka na? Ngunit kailangan mo nang magdesiyon. Maaring sa susunod na linggo ay magpakasal na kami," wika ni Soledad. "Hindi mo naman siguro pagkakaitan ng ama ang batang ito." patuloy pa niya bago umalis sa aking harapan.

Umuwi ako sa bahay na luhaan at inis na inis sa sarili. Inis na inis dahil hindi ko man lang nasigawan o nasampal si Soledad. Napatigil ako sa paglalakad nang makita si Vicente na nakaupo sa aming may hardin.

Naglakad ako patungo doon at walang pasabing sinampal siya. Agad siyang napatayo sa gulat at humarap sa akin. Hindi niya ako magawang sigawan kaya tinitignan lamang niya ako na puno ng pagtataka ang kaniyang mga mata.

"Manloloko." mariin kong wika. "Paano mo nagawa sa akin ito?" hindi ko na napigilan ang aking sarili sa paghagulgol.

Lumapit siya sa akin at akmang hahawakan ako ngunit ako'y umatras lamang.

"Anong nangyari?" tanong niya dahilan kung bakit ako natawa.

"Akala mo hindi ko alam? Nabuntis mo si Soledad!" sigaw ko sa kaniya. Bakas sa kaniyang mukha ang gulat.

"Soledad Reyes?" tanong nito sa akin.

"Oo, Vicente. Soledad yung kaibigan ko. At napakawalanghiya mong pagsabayin kami! Kailan pa ito?" tanong ko sa kaniya. "Vicente! Ito rin ba ang dahilan kung bakit ka nagtungo sa Batanes bukod sa misiyong ibinigay ng presidiente upang makita siya? Siya rin ba ang dahilan kung bakit minsan ay palagi kang nahuhuli kapag tayo'y may lakad? Bakit mo nagawa 'to? Bakit kaibigan ko pa?" sunod-sunod kong tanong.

"Iza, maniwala ka sa akin ngunit wala akong alam sa mga nangyayari at hindi ko alam na naroon din siya sa Batanes. Hindi kita pinagtaksilan at hinding hindi ko iyon magagawa." wika niya sa akin.

Wala akong masabi kaya ako'y humagulgol na lamang sa harap niya. Punong puno ng sakit at hinagpis ang aking puso sa mga oras na ito. Palagi kong pinapangarap ang magkaroon ng buhay pag-ibig at natupad ito nang dumating siya. Hindi ko manlang lubos naisip na maaring siya rin ang maging dahilan upang hindi ko na nanaisin pang magmahal.

"Heneral Vicente, pinapatawag po kayo sa tahanan ng mga Reyes." wika ng kung sino na sa palagay ko ay isa sa mga sundalo ng bansa.

"Hindi ko nais pumunta." wika ni Vicente dahilan kung bakit ako napatingin sa kaniya.

"Baliw ka ba? Mga Reyes iyon Vicente! Kapag hindi mo sinunod ang kanilang gusto maari nilang tanggalin ang iyong ranggo o di kaya'y......kayang kaya ka nilang patayin!" sigaw ko sa kaniya. Natahimik siya saglit bago lumapit sa akin.

"Mabubuhay akong wala ang ranggong ito,"

Umiling ako at itinulak siya. "Nio puedo! Magtungo ka doon utang na loob. Makapangyarihan ang pamilya ni Soledad kaya ka nilang paslangin kapag hindi mo pinanagutan ang kanilang unica iha." garalgal ang boses ko habang pinagtutulakan siya paalis.

Alam ko kung hanggang saan ang kaya ng mga Reyes. Alam kong kaya ilang ipatanggal ang posisyon ni Vicente bilang isang heneral ng brigada at alam ko rin kaya nilang ipapatay ito. Makapangyarihan ang aming angkan ngunit maimpluwensiya ang pamilya Reyes sa larangan ng maduduming bagay.

"Wala akong pananagutan Iza!" tumaas ang kaniyang boses. "Ikaw lang at ang ating magiging mga supling!"

"Hindi na iyon mangyayari dahil kay Soledad! Magtungo ka na sa mga Reyes, Vicente." pagsusumamo ko sa kaniya. "Kakayanin kong makita kang kasama si Soledad kahit masakit kaysa sa makita kang nakahandusay at walang buhay, mahal ko." nanghihina ko nang wika sa kaniya.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako. "Ipaglalaban kita kagaya ng ginagawa ko para sa bansa. Mahal na mahal kita, Iza. Hindi ko magagawa ang iyong ipinaparatang." bulong niya sa akin bago siya kumawala.

"Babalik ako," wika ni Vicente. " Babalikan kita."

Hindi ko siya pinanood umalis kagaya ng aking palaging ginagawa. Hindi ko kaya, hindi ko kailanman kakayanin na makita siya sa piling ng iba. Malaki ang tiwala ko sa kaniya na hindi sa kaniya ang dinadala ni Soldedad. Sino ang aking paniniwalaan? Gulong gulo ako.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

211K 10.7K 78
Do you believe in fairytale?Do you also want to have a happy ending with the one you love? Every fairytale story consist a main character, male lead...
242K 15.5K 138
The Divine woman Draupadi was born as the eternal consort of Panadavas. But we always fail to treasure things which we get easily. Same happened with...
6.3K 98 22
"I'm Julie Cade." "Julie? That's a pretty name. I'm Ponyboy Curtis." ~~~~~~ "Come on Johnny, Julie. Darry doesn't have to find out!" "I don't have to...
4.5K 80 3
s p a c e > oneshot <