Get You The Moon (Sebastian S...

By Pink_Monstaaahh

502 120 2

"Kung babalikan ka niya, at sa mga panahon na iyon, ay mahal mo pa, please, don't hesitate to choose him over... More

Get You The Moon
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
GTYM-A/N
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 18

10 1 1
By Pink_Monstaaahh

Chapter 18

GYTM: Eat

Natapos ang gabing iyon at nanatili akong nakakulong sa loob ng aking silid. Hindi ko magawang lumabas dahil ayokong makita nila ang mugto kong mga mata. Hinahatiran nalang nila ako ng pagkain. Nag aalala man sila, ay wala silang magawa kundi ang manahimik.

Busy palagi sila mommy at daddy sa opisina kaya naman wala silang ka alam alam sa mga nangyayari sa akin. Medyo swerte lang ako sa part na pumuslit sila sa hospital nung nagkasakit ako.

Panay ang vibrate ng phone ko sa table sa tabi ng aking kama. Hindi ko man tignan ay alam kong si ate Lyka iyon. Natapos ang isang tawag at hindi ko iyon sinagot.

Muling nag vibrate ang phone ko kaya dahil sa inis ay ibinato ko iyon sa aking kama. Nag bounce ito at dumiretso sa sahig. Basag na iyon, sigurado.

Wala akong ibang ginawa kundi ang magmukmok lang maghapon. Hinahayaan ang sarili na malunod sa lungkot.

"Sabi ko last na 'to... Tama... Last na iyak ko na ito" sabi ko sa sarili.

Hinding hindi ko na ulit siya hahayaang paiyakin at saktan ako ng paulit ulit. Tama na siguro yung maraming beses kong pagpapaka tanga para sa kanya.

Pinahid ko ang mga luha ko.

Tama.. Tama yan Maxine, tama yan...

Siguro, may mga bagay talaga na akala mo ay tama parin. Pero hindi na pala. May mga bagay din na kahit kaya mo pa namang ipag laban at kaya mo pa namang ipanalo kung talagang hindi para sa'yo, hindi magiging sa'yo.

"Good morning hija," bungad sa akin ni yaya Maria.

"Good morning din po, manang." ngiti ko at hinalikan siya sa pisngi. "Si Charles, po?" dagdag ko

"Charles?... Hindi ko alam, hindi naman siya nagpunta dito." Sabi niya.

Kumunot ang noo ko. Tinignan ko ang wrist watch ko at 7:12 na.

"Eh, si kuya po?" Tanong kong muli

"Nakaalis na siya, kanina lang bago ka bumaba.... Kumain ka muna. May hinanda ako para sa'yo." Aniya

Tumango ako saka siya sinundan patungong hapag. Siguro, mamaya pa iyon darating. Baka na traffic lang siya? Or something?

Sabi niya kase sa akin nung huli niya akong sinundo e susunduin niya ako ngayon at sabay na kami papunta sa school. Kaya nauuna na si kuya na pumasok kase alam niyang si Charles yung kasama ko.

Pinilig ko ang ulo ko. "Baka on the way na iyon." sabi ko sa sarili

Natapos na akong kumain at mag toothbrush at 7:25 na pero wala parin si Charles. Dati rati, 7:00 palang, andito na iyon eh.

"Manang, sa labas lang ako. Dun ko nalang hihintayin si Charles" sambit ko na tinanguan niya naman.

Pumihit na ako palabas ng bahay at naghintay sa labas ng gate. Ititext ko sana siya kaso nasira pala yung phone ko nung nakaraan. Nabasag yung screen niya at ang laki ng LCD. Halos wala na akong makita. Bibili nalang ako ng bago bukas

Tumingin ulit ako sa orasan ko at nawindang ako nang malamang 7:45 na pala! Malamang ay nagsimula na sila sa unang klase namin ngayon araw at 15 minutes nalang ay matatapos na iyon!

Agad akong naglakad papunta sa parking'an ng mga tricycle. No choice ako kundi mag-tricycle nalang muna papunta sa  school. Hindi ko nga lang alam kung paano mag tawag ng driver. Kakawayan ko ba, o kakausapin? E? Ayoko nga! Nahihiya ako! Uwaa!

Buti nalang at may kasabayan akong ale na papunta sa bayan. Lalagpasan niya pa yung school namin kaya nakisabay nalang ako.

Pagkarating ko sa school ay 7:55 na at nakikita ko na yung ibang mga guro na naglalakad papunta sa kani kanilang mga klase. Tanaw ko narin ang building namin at kitang kita ko ang paglabas ni Ma'am Salmasan sa aming silid.

Kinabahan akong bigla dahil hindi na ako naka pasok sa unang klase namin. Baka makarating pa ito kay Daddy.

Dali dali na akong naglakad papunta sa classroom namin. Halos takbuhin ko na ito dahil medyo malayo pa at sa 4th floor pa iyon. Baka maunahan pa ako ng guro namin sa ikalawang subject kung babagal bagal pa ako sa paglalakad.

Nang makarating ako sa classroom ay naabutan ko ang mga kaklase kong nagkakagulo. Typical students. Kapag walang guro, asahan mong may bagyong nagaganap sa sa loob ng silid ninyo.

"Karla, anong klinase niyo kanina?" Bungad ko sa nagce-cellphone na si Kayla sa pintuan.

"Wala naman, nag meeting lang kami para sa sayaw natin sa foundation. Halo halo daw tayong mga grade 12! Alam mo ba kung sinong partner ko? Yung pogi sa HUMSS B! Si Marcus! Aaahh!!" Sigaw niya. Inuuga uga niya pa ako sa balikat dahil sa panggigigil niya. Alam kong crush niya iyon, noon pa.

"Ha? May sayaw pa? May prom naman na tayo a?"

"Shunga! Gabi gaganapin yung prom! pang umaga yung program natin para sa foundation. Hindi ka ba nakinig kanina?" Sabi niya

"K-kakarating ko lang eh" sabi ko sabay kamot sa ulo. Pero wala akong kuto ha! "So, sino ba yung partner ko?" Tanong ko

"Hindi ko alam. Itanong mo nalang mamaya kay Ma'am. Sasamahan kita" aniya

"N-No, Thanks." Utal kong sabi. Ayokong malaman niya na wala ako kanina. Sa sobrang dami ba naman namin, ay malamang hindi niya ako mapapansin kung sakali mang hindi ako nalate.

Dumating na ang guro namin kaya nagsi upo na kami sa kaniya-kaniya naming pwesto.

Typical na nagaganap sa klase. Discussions, na may pasingit na quizzes.

Natapos ang oras na iyon at break time na. Nagsilabasan na ang lahat ng mga kaklase ko. Sila Erika at Kayla nalang ang naiwan dito, kasama ako. Busy sila sa tsismisan nila. Bumaling sa akin si Erika saka ako kinawayan.

"Maxine, mag isa ka? Nasaan si Charles?" Tanong niya. Sinimangutan ko lang siya

Hindi ko rin alam. Dapat, nag-aabang na iyon kanina sa harap ng clasaroom namin e. 9:55 na at matatapos nanaman ang break time.

Kahit na kumukulo na ang tiyan dahil sa gutom ay hindi ko binalak na tumayo para bumili ng makakain. Bababa pa ako ng building at mapapagod lang ako. Iaabot ko nalang ito sa lunch. Isang oras nalang naman iyon.

"Okay class, dismiss" sambit ng guro namin sa huling klase namin ngayong umaga. Lunch break na.

Inayos ko na ang mga gamit ko at inilagay iyon sa bag ko. Inayos ko narin ang sarili ko para ready na ako kapag andito na si Charles.

"Maxine, una na kami, ha?" Pag papaalam ni Kayla kasama si Erika.

Tumango lang ako saka ngumiti

Nag antay pa ako ng ilang minuto ngunit wala paring Charles ang nagparamdam sa akin. Anong problema ng isang iyon? Kaninang umaga pa siya a?

Dahil sa sobrang gutom at hindi ko na kaya ang kumakalam kong sikmura ay nagpasya na akong bumaba ng building at hagilapin nalang si Charles doon. Baka nandoon lang siya, hinihintay ako.

Pagkababa ko ay wala namang mukha ni Charles ang nakita ko. Kumunot ang noo ko.

Nakita ko si Joshua kasama yung ibang kaibigan niya. Kaklase iyon ni Charles.

"Josh!" Sigaw ko saka kumaway

"O, Maxine? Ba't hindi kayo magkasama ni Charles ngayon? LQ?" Tawa niya. Ngumiwi ako

"Nasaan siya? Hindi ko pa kase siya nakikita mula kaninang umaga. Absent ba?" Tanong ko

"Hindi ah. Andon siya sa cafeteria. Kumakain mag isa." Sabi niya na lalong ikina kunot ng noo ko.

"Sige, salamat." Sabi ko bago sila lagpasan at pumihit papunta sa cafeteria.

Pagkarating ko doon ay agad ko siyang nakita. Lalapitan ko na sana siya kaso hiharang ako ni Daryl. Walang Thea na naka  kapit sakanya.

"Daryl, ano ba? Tumabi ka nga sa dinaraanan ko!" Untag ko.

"Why would I, Miss? sinusungitan mo na ako ngayon?" Sabi niya nang naka ngisi

"Daryl, ano bang problema mo? I'm done with you, okay? Sawa na ako sa mga bulok mong laro. Saka nasaan si Thea? Bakit hindi siya ang kulitin mo?" Pagtatatay ko

"Bakit mo ba siya hinahanap? Ikaw yung gusto kong kulitin e, bakit ba?"

Kumuyom ang panga ko dahil sa irita. Nakaasar ang isang ito.

"Daryl, tumabi ka! Isa!" Pagbabanta ko. "Dalawa!... tat-"

Hindi ko na naituloy ang pagbibilang nang hilain niya ako palayo doon. Sinulyapan ko si Charles na mukhang kanina pa nakatingin sa aming dalawa at nag iwas ng tingin nang makita ko siya. Sumimangot siya saka tumayo at naglakad palabas ng cafeteria.

"Daryl, ano bang problema mo?!" Utas ko nang maka rating kami sa soccer field. Tahimik ang lugar na ito at walang katao tao

"Ilang beses mo nang nireject yung mga invitations ko para sa'yo. Napupuno na ako kaya hindi na kita iimbitahan. Kakaladkarin nalang kita." Sabi niya.

Hinawakan niya ang dalawang balikat ko at sapilitang pinaupo sa isa sa mga bench dito sa ilalim ng puno. Ngayon ko lang napansin yung mga pagkain na nakalatag dito.

"Anong invitations ba yang sinasabi mo? Sa pagkakaalam ko, wala ka namang binibigay sa akin na ganon, ah?" Sabi ko

"Anong wala? Porket unknown yung nilalagay ko sa bouquet na iyon, irereject mo na?"

Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. So, meaning.... Siya yung may pakana ng pag hahatid ng mga bouquet sa akin, araw araw?

"Eat" sabi niya.

"Hindi ako gutom!" simpleng sagot ko.

Humagalpak siya sa tawa nang marinig ang kumukulo kong tiyan.

"Sure ka? Okay, sabi mo e" sabi niya saka binawi ang pagkain sa harap ko.

"T-teka! J-joke lang iyon! Nibibiro lang e.. Akin na nga!" Sabi ko. Binawi ko iyon at binalik sa harapan ko. Lalo siyang tumawa dahil doon.

Continue Reading

You'll Also Like

176K 8.4K 53
แ€„แ€šแ€บแ€„แ€šแ€บแ€€แ€แ€Šแ€บแ€ธแ€€ แ€›แ€„แ€บแ€ทแ€€แ€ปแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎแ€ธ แ€กแ€แ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€†แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€™แ€ผแ€ฒแ€œแ€ฏแ€•แ€บแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€œแ€ฑแ€ธ แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธ แ€แ€ผแ€ฐแ€แ€ผแ€ฌแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€€แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€”แ€ฑแ€™แ€„แ€บแ€ธแ€€ แ€•แ€ญแ€ฏแ€ธแ€Ÿแ€•แ€บแ€–แ€ผแ€ฐแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€แ€ถแ€›แ€แ€ฒแ€ท แ€€แ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€™แ€œแ€ฑแ€ธ แ€”แ€ฑแ€แ€ผ...
88.4K 2.2K 38
Isabella Ekaterina is the only daughter of the two most powerful mafia families in the world: the Di Luca Italian mafia and the Vasiliev Russian mafi...
59.3K 1.5K 74
Harry Potter x female reader ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ยฐใ€‚ Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
823K 72.7K 37
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...