My Naughty Girl

By yourmodern_binibini

29.1K 956 94

"He wants me to be scared of him? Oh please , Not A Fucking VIENERA" -Iyana Xyra Vienera More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 ( Meeting The Cold Billionaire )
CHAPTER 3 ( Wattpadian vs Billionaire)
CHAPTER 4(The Childish Billionaire)
CHAPTER 5 (Drunk)
CHAPTER 6(Meet-up of the Billionaires)
CHAPTER 7 (Boyfriend)
CHAPTER 8(Just a Play)
CHAPTER 9 (Birthday)
CHAPTER 10(Bestfriend)
CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)
CHAPTER 13(Protecting her best friend)
CHAPTER 14 (Knowing You)
CHAPTER 15 (It's him)
CHAPTER 16 (Memories Of You)
Chapter 17 (His Queen)
CHAPTER 18 (letting you go)
CHAPTER 19 (memories to keep)
CHAPTER 20 (Choice)
Chapter 21 (Goodbye)
CHAPTER 22 ( Wedding Dress)
CHAPTER 23 (Photoshoot)
CHAPTER 24 (Wedding)
Chapter 25(Pain)
Chapter 26(Rest)
Chapter 27 (Chasing Him)
Chapter 28 (End)
Chapter 29 (Special Chapter)

CHAPTER 11(His Past)

630 20 0
By yourmodern_binibini


Iyana's POV

" Sige pero uuwi tayo before 8 pm ok? " tipid itong ngumiti sakin

"Sure, thank you"

After 1000 hours

Nandito kami sa isang park, pero mukhang private siya kasi napakalinis ng paligid.

Naunang humiga si cyrus sa damuhan kaya umupo narin ako sa tabi niya.

" Ok ka lang ba? " tanong ko dito.

"Yeah" nakapikit na saad nito

"As usual nagsisinungaling ka pa rin" walang ganang saad ko

" Wala namang magbabago kahit sabihin ko sayo at tsaka ayokong kaawaan ng ibang tao ang kalagayan ko dahil matapang ang pagkakakilala nila sakin kumpara sa tunay na ako"
Saad nito at saka dumilat at tumingin sa kawalan

" Sabihin mo sakin dahil hindi naman matapang ang tingin ko sayo kundi isang duwag na lalaking na nagtatago sa sarili niyang maskara"

"Alam mo ba isa ka sa mga taong nakasilip ng totoong ako? Unang tingin mo sakin alam mong hindi ito ang totoong ako na siyang nakakuha ng atensiyon ko " saad nito at tipid na ngumiti.

" Madaling mabasa ang gaya mo Cyrus, manhid lang ang hindi makakakita sa maskarang suot mo" malamig na saad ko saka tumingin sa kalangitan

"Akala ko ba date niyo ni dark ngayon? " tanong nito

Oo nga pala, sinabi ko nga pala yun na may date kami ngayon.

Hindi naman seryoso ang sinabi ko eh -,-

"U-uhm, busy kasi ako ngayon kaya nawalan na kami ng oras" sige lang iyana, ipush mo lang ang kasinungalingan na yan.

"I see"

" Ok kana ba?" tanong ko

" Nope" tipid na sagot nito ba ikinagulat ko.

Himala nagsabi siya ng totoo.

" Gusto kong alisin ang maskara na to kahit ngayon lang, gusto kong makita mo ang totoong ako sa gabing ito " seryosong saad nito

"Hindi kaba natatakot na baka isa rin ako sa mga taong hindi mo dapat pagkatiwalaan? " saad ko dito ngunit simpleng ngiti lang ang isinagot niya.

"Takot. Yeah naranasan kona din yan " walang kabuhay buhay na saad nito

"Siguro kung hindi tayo nagkakilala sa ganitong pagkakataon isa siguro ako sa mga taong handang ingatan ka" saad ko at ngimiti ng tipid.

"Hindi ako nagsisisi na nakilala kita. Sa kahit anong paraan pa yan, masaya parin ako dahil nakilala kita"

"Sige na magkwento kana makikinig ako" saad ko sabay higa rin sa tabi niya

Huminga ito ng malalim bago magsalita.

"May isang bata na ubod ng bait kahit kulang sa atensyon at pagmamahal mula sa mga magulang niya ay nanatili parin siyang masunurin at mapagbigay"

Parang alam kona ending neto ahh.

" Years passed nawala ang mama niya at itinakwil siya ng papa niya dahil nakahanap na ito ng bagong asawa"

Ouch naman, mali pala hula ko -,-

"Halos naranasan ng bata ang lahat ng hirap pero ang nasa isip niya parin ay ang ama niya, paano niya mapapasaya ang nag iisang taong naiwan sa kanya"

Shems naiiyak ako. >Δ<

"Nagsikap ang batang yon at nagtrabaho para mabalikan ang papa niya , dahil nais niyang makita muli ang papa niya. "

"Nais niyang ipagmalaki siya nito gaya ng mga ibang bata na may ama ring gaya niya"

Tuluyan ng pumatak ang luha sa mata ko .

Kase naman eh!

"Nagtrabaho siya ng todo at Napabayaan ang sarili niya pero hindi yun ang mahalaga. Para sa kanya ang mahalaga ay ang makaipon siya para mapasaya ang papa niya."

Ramdam ko ang lungkot sa bawat salita niya.

"Pumasok siya sa kahit anong trabaho , tagahugas ng plato, taga linis ng sapatos o kaya kotse, taga lako ng mga pagkain. Sa loob ng isang araw halos makaisang beses lang siya kumain. Kanin at asin ay tama na basta malamnan ang tiyan niya. Natutulog sa kalye , walang magagawa kundi yakapin ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman , ang malas pa kapag inulan dahil malamang basa na naman"
Tiningnan ko si cyrus.

Hindi ako nagkamali, umiiyak siya at alam kong sarili niya ang tinutukoy niyang bata sa kwento niya.

Nakatingin lang ito sa kawalan habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa mata niya.

"Nakapag ipon siya pagkatapos ng dalawang taon, at mas lumago paglipas ng mga buwan"

Huminga ulit ito ng malalim saka nagpatuloy

"Dahil nasanay siya sa hirap sa pagbebenta, nagpatayo siya ng isang maliit na tindahan" saad niya

"Na ngayon ay isa ng malaking kumpanya, tama ba ako" singit ko sa sinasabi niya

Tipid lang itong ngumiti

"10 year ang lumipas ng tuluyan niya itong napalago, nung naging isang malaking food corporation na ito, dun na siya bumalik sa papa niya" saad nito

grabe naman ang personality niya.

Imbis na magalit tulad ng ibang karaniwang bata, nagpursigi pa siya para lang mabalikan at matanggap ng taong itinakwil na siya.

"Tinanggap siya ng papa niya at natanggap dahil napatunayan na niya ang sarili niya. "

Patuloy ang pagdaloy ng luha ko, siguro kung hindi sapilitan ang lahat ng ito baka may tsansang siya mahalin ko siya dahil napakaganda ng personalidad na meron siya.

"Sa pekeng pagmamahal na Pinaparamdam sa kanya ng papa niya, hindi parin siya nagreklamo pero isang araw isang babae ang nakilala niya. "

Huminto ito saglit at bahagyang ngumiti ng tipid

"Isang babaeng nagbigay ng pagmamahal na hindi niya naramdaman kahit kanino"

Grabe naman ang pinagdaanan niya.

Hindi awa ang nararamdaman ko kundi paghanga. Nakakahanga ang katangian niya.

"Ibinuhos ng babaeng yon ang lahat ng pagmamahal na kailangan niya kaya ang binatang yon ay nasanay sa presensya ng babaeng mahal niya pero ang tao palang mamahalin niya ng todo ay ang magbibigay sa kanya ng sakit na mas malala pa sa sugat ng nakaraan na dulot sa kanya ng mga magulang niya"

kinuha ko ang panyo at bahagyang pinunasan ang luhang duladaloy sa pisngi niya.

Titingin na sana sakin si Cyrus ng bigla ko siyang pinigilan.

"Magkwento kalang at huwag mo na akong tingnan. Hindi ko gustong isipin mo na awa ang nararamdaman ko sayo sa oras na ito kaya ituloy mo lang at hayaan mo akong punasan ang luha mo dahil ito lang ang magagawa ko sa pagtitiwalang ibinigay mo para malaman ko ang kwento mo."

Bahagya siyang tumango at tumingin sa kawalan.

"Ang babaeng minahal niya ng todo ay isa lang pala sa mga taong sasaktan siya ng higit pa sa inaakala niya. "

Patuloy ang pagpatak ng mga luha niya at tanging pagpunas ng luha niya ang magagawa ko para sa kanya.

"Nakipagrelasyon ang mahal niya sa matalik na kaibigan niya at nakipag sex sa ibang lalaki dahil hindi niya yon maibigay sa kanya. Sa sobrang respeto niya sa pagkababae nito , nais niya sana munang pakasalan ang dalaga bago nito kunin ang dangal niya ngunit hindi niya inaaasahan na ang babaeng minamahal niya ay nagalaw na pala ng iba"
Saad nito sabay huminga ng malalim

"I-ikaw ba ang lalaking yon? " malungkot na tanong ko

"May tanong ako sayo iyana" saad nito at tumingin sa mga mata ko.

"Ano yun? "

" Wala ba akong karapatan magsuot ng maskara para hindi malaman ng lahat na nasasaktan ako ng sobra? " tanong nito na tila ayaw niyang kaawaan ng iba ang kalagayan niya

Wala akong maisagot dahil malalim ang sugat niya na dulot ng mga taong minahal niya ng sobra.

Kaya ba kitang o magiging isa din ako sa mga taong mananakit sayo gaya ng mga taong dumaan sa buhay mo?

Kung magmamahal ka higit na mahalin mo ang sarili mo dahil walang sasalo sa sakit oras na iwan ka ng taong pinaglaanan mo nito. (epal na author -,-)

Iyana's POV

"Hindi kita masasagot cyrus dahil baka mali ang masabi ko pero isa lang ang tiyak ko humahanga ako sa katapangan mo" saad ko dito

Tumingin lang ulit ito sa kawalan.

"I lost her, ayokong makita niya na mahina ako ng dahil sa kanya" saad nito

"No, she lose you" saad ko at tipid na ngumiti sa kanya

" I'm tired, I'm tired to be me iyana. Nakakapagod magmakaawa sa pagmamahal ng iba, nakakapagod maging ako dahil wala naman nagmamahal sakin ng totoo" kumikirot ang puso ko sa bawat salitang sinasabi niya

" You're wrong, you still have your best friend Cyrus. Alam mo bang sobrang pagpapahalaga ang binibigay ni dark sayo? Naiinggit ako sayo kasi nagkaroon ka ng kaibigan na gaya niya" saad ko na ikinangiti niya

"Tama ka. Si dark ang tanging nakakakilala sakin ng totoo pero ayoko ng magtiwala pa dahil nasira ito nung ibinigay ko sa taong akala ko totoo din sakin. Hindi ko na alam kung sino ang totoo at ang pagkakatiwalaan ko"

"Nga pala kung ganon paano tayo pinag engaged kung tinakwil ka dati ng papa mo? "tanong ko dito

" Bago pa mamatay si mama napagkasundo na tayo. Nung oras na nag asawa siya ng bago tinakwil ako ni papa at pinalayas sa bahay namin. Nung time na bumalik ako pinag isa ang kumpanya namin para mas mapalago at dumami ang koneksyon niya. " paliwanag nito

"Kaya pala"

"Alam mo cyrus , ang tapang mo." nakangiting saad ko dito

" Hindi ko aakalain na kahit bata kapa lang ganon na kalawak ang pag-uunawa mo sa mga bagay bagay pero bakit nagpapatali ka parin sa desisyon ng papa mo? "

"Simple lang iyana, dahil mahal ko siya"

Tama nga siya.

Kahit naman ako walang magawa dahil alam kong yun lang ang maibibigay ko para mapasaya ang mama at papa ko.

"Nakakalungkot dahil sa napakapanget na sitwasyon tayo nagkakilala. Sitwasyon na kahit kailan, hindi ko ninais na pasukin "

"Alam mo bang nagpapasalamat ako na nakilala kita? "

"Bakit naman? "

"Dahil ikaw lang ang nakakita ng totoong ako, iyana. "

" Wala ng kaso sakin kung mahal ko ba talaga o hindi ang isang tao, kahit mahal mo ,magbabago parin yun paglipas ng panahon" walang ganang saad nito

"Sakin meron Cyrus, mahalaga sakin kung mahal ko ang isang tao. Hindi ko ibibigay ng basta basta ang sarili ko sa kung sino lang, para sakin ang pagmamahal ay ang pinaka mahalagang bagay na magsasaluhan ng dalawang mag asawa kaya please lang tapusin mo na ang kasunduang kasal na yon dahil hindi mo naman talaga ako mahal"saad ko

Tumingin ito sa mga mata ko

"At sino naman nagsabi sayong hindi? Iyana? " Seryosong saad niya

"A-anong ibig mong sabihin? " nauutal na tanong ko

"I like you iyana or maybe this might be love"saad nito at tipid na ngumiti sakin

"Hindi totoo yan, hindi pagmamahal yan cyrus. Nadadala ka lang sa sitwasyon. Iniisip mong mahal moko dahil nakikita ko ang totoong ikaw kaya hindi pagmamahal yan" nakayukong saad ko

" Ano ba ang basehan ng pagmamahal iyana? Kailangan bang may pagbasehan para malaman mong mahal mo ang isang tao? " napahinto ako sa tanong niya

Ano nga ba?

"H-hindi tama to" nauutal na saad ko

"Kailan naging mali ang magmahal iyana? "

"Hindi mali ang magmahal Cyrus, ang mali ay ang saktan mo ang sarili mo dahil hindi ka mahal ng taong mahal mo. Ayokong matulad sa mga taong nanakit sayo, ayokong ako ang maging dahilan ng muling pagluha mo. "
Nakayukong saad ko.

Ayokong maging dahilan ng muling kabiguan niya.

Ayoko siyang masaktan dahil sobra na ang dinanas niya.

"Naalala mo ba ang sinabi ko dati? Bibigyan ko ang sarili ko ng dahilan para magselos at ipagdamot ka sa iba, nagawa ko iyana. Ngayon naman bibigyan kita ng dahilan para magustuhan mo ako kagaya ng pagtingin ko sayo"
Saad nito sabay tayo at naglakad papalayo sa kinaroroonan ko.

"Ano na ang gagawin ko? " tanging tanong ko sa sarili ko.

Kaya ko pabang saktan ang taong lubos ng nasaktan?



Nandito na kami sa tapat ng bahay kararating lang namin

" Goodnight iyana, thanks for this night" nakangiting saad niya

"C-cyrus-"

"please dont reject me now, masyado pang maaga iyana kaya please let me prove myself to you, goodnight " saad nito saka ako tinalikuran

Umakyat na ko sa kwarto.

Maaga talagang natutulog sina mommy kaya alam kong wala ng tao dito sa baba.

Hindi nakasarado ang pinto ng kwarto ko, bubuksan kona sana ito dahil baka nakalimutan lang ni blythe.

"Baka masaktan po siya m-mama, baka masaktan po si iyana kapag nalaman niyang si dark at at lalaking nanakit sakin ay iisa. M-mama, ayoko pong masaktan ang best friend ko" umiiyak na saad nito

Gulat na gulat ako sa kinatatayuan ko.

Si dark?

Si dark ang ex ni Blythe?

Si dark ang dahilan ng pagkamiserable ng best friend ko?

Nakinig muna ako sa sasabihin ni Blythe.

Kaya pala halos mamutla na ang hayop na yon nung nagkita kami sa date kuno namin.

Kung si dark nga, hindi ko siya mapapatawad.

"M-mama baka po saktan lang siya ni dark kagaya ng ginawa sakin nung hayop na iyon. M-mama baka po masaktan si iyana kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol dun." iyak na pahayag ni Blythe.

Bigla akong naluha sa mga sinasabi niya.

M-my best friend.

Kahit nasasaktan na siya, ako parin ang iniisip niya.

How could that jerk possibly hurt her like this?

Naiyak ako sa kalagayan niya.

My best friend, my only sister.

I can't see her like this.

Blythe POV

" Leave her" malamig na saad ko kay dark.

Nandito kami sa isang restaurant .

Kinakausap ko siya kanina pa kaso ang kumag parang tuod lang at walang kibo.

"H-huh?" tanong nito at tila hindi narinig ang sinabi ko.

" I said leave her " seryosong saad ko dito

Ayoko masaktan ang best friend ko kaya ko siya kinakausap

"Please, not my best friend. Not iyana. Humanap ka nalang ng ibang maloloko, layuan mo ang best friend ko" galit na saad ko

" Grabe ka naman sa manloloko, hindi na ba mababago yang pagtingin mo sakin? Nagbabago naman ang tao princess "
Pabirong saad nito na mas ikinainis ko

"Please layuan mo ang Best friend ko. Wag si iyana, please lang, not her" naiiyak na saad ko

Umiwas naman ito ng tingin.

"I cant grant your wish princess"

Pinunasan ko ang luha ko dahil walang kwenta kung magmamakaawa ako dahil walang puso ang kaharap ko.

"Don't you ever call me that name, isinusumpa ko ang pangalan na iyan. Layuan mo si iyana dark, binabalaan kita" banta ko dito

"Ayoko, hinding hindi ko gagawin ang gusto mo" saad nito na mas ikinainis ko

"Hindi pa ba sapat sayo na niloko mo ako? Pati ba naman best friend ko idadamay mo? Binabalaan kita dark, sa oras na umiyak si iyana ng dahil sayo, isinusumpa kong pagsisisihan mong nabuhay kapa sa mundong to" saad ko at umalis na.

Not my best friend, dark.

Over my dead body, hindi ko hahayaang saktan mo siya.

Gabi na ko nakarating sa bahay kaya umakyat na ko ng kwarto at nag half bath.

No, kailangan kong gumawa ng paraan para mailayo ko si iyana kay dark.

Sapat ng ako lang, please God, not my best friend.

Pagkalabas ko ay sakto naman tumawag si mama.

"Hello mama? "

"Anak naman, how many times that i have to tell you na wag mo ng ituloy yang paghihiganti mo? Makakasama sayo yan Blythe " panermon ni mama

"No mama, I cant stop right now. Mama, iyana is in danger " saad ko

"Danger? May nangyari ba kay iyana? Huh? " nag aalalang tanong ni mama

" No ma, ang walang hiyang taong yon ay boyfriend na ngayon ng Best friend ko. Ma, what will I do? " naiiyak na saad ko

Sobra ang dinanas kong hirap sa ginawa ni dark kaya hindi ko hahayaang maranasan din yon ni iyana.

I will do everything para hindi niya maranasan yon.

I cant take it kapag niloko siya ni dark, My best friend is weak to handle that kind of pain.

Hindi ko makakaya kung mangyari kay iyana ang naranasan ko sa kamay ng walang hiyang iyon.

"Ma, Bakit siya pa? Bakit si dark pa? "

"Anak, huminahon ka" saad ni mama sa kabilang linya

"Baka masaktan po siya m-mama, baka masaktan po si iyana kapag nalaman niyang si dark at ang lalaking nanakit sakin ay iisa. M-mama, ayoko pong masaktan ang best friend ko" naiiyak na saad ko

"A-anak kausapin mo nalang si iyana" mahinahong saad ni mama

" M-mama baka po saktan lang siya ni dark kagaya ng ginawa sakin nung hayop na iyon. M-mama baka po masaktan si iyana kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol dun" naiiyak na saad ko.

Not my best friend please.

"Magpahinga kana muna anak ok? Bukas mo nalang isipin ulit ang gagawin mo" nag aalalang saad ni mama

"S-sige po mama, salamat po and goodnight" saad ko at binaba na ang phone.

Nagbihis na ko at natulog.

Pagod ako ng sobra, hindi ko alam kung bakit.

Iyana's POV

Pagkatapos mag usap ni Blythe at ni tita ay bumaba ako saglit.

Para uminom ng tubig pagbalik ko naka higa na ito sa kama at tulog na.

Lumapit ako sa kinahihigaan ng Best friend ko.

Ako ang gaganti sayo Blythe.

Ipaparanas ko sa kanya ang hirap na dinanas mo.

Mali na sinakta mo ang best friend ko dark, mali na pinaiyak mo siya.

Ngayon ako naman, ako naman ang papasok sa larong nilalaro mo.

Sisiguraduhin ko sayo dark, lintik lang ang walang ganti.

Sinaktan mo ang best friend ko, ngayon naman ikaw ang paglalaruan ko.

Dahil kahit sino ka man ,oras na sinaktan mo ang isang taong pinapahalagahan ko , para mo na ring inilagay ang kapalaran mo sa mga kamay ko .

Kinabukasan
" Hi hon " nakangiting saad sakin ni dark.

Nandito kami sa kumpanya ng boss ko.

Nakakapagtaka nga dahil wala siya rito.

Pero nandito si cyrus at dark.

Bibisita daw si dark kay knight at si cyrus naman ay may pakay daw kay dark kaya nandito.

"Hon kain na tayo" nakangiting saad ni dark.

Kung hindi lang ikaw ang nanakit kay blythe baka ikatuwa ko pang tinutulungan mo ako.

Pero ang malas mo dahil maling tao ang pinaiyak mo.

"Sige hon, ang totoo niyan may dala akong food para sayo." nakangiting saad ko

"Wow, ang sweet naman ng honey ko" saad nito saka pumulupot sakin.

Ahas ka nga dark -,-

Pasimple akong kumalas at nilabas ang dala ko.

Itinapat ko kay dark ang isang Tupperware na may lamang magkain na niluto ko kaninang umaga.

Sinadya kong ilagay lahat ng sangkap na makita ko sa kusina, mukha siyang sinangag na ewan pero alam kong panget ang lasa non.

Itinapat ko naman ang baon ni mommy sakin kay cyrus at tipid na ngumiti.

"Ayan, luto ni mama. Ibigay ko daw sayo kung sakaling magkita tayo"saad ko saka kinuha ang isang Tupperware na kagaya rin nung kay cyrus

"Hon, buti pa siya si mama nagluto. " kunyaring tampo ni dark.

Marunong ka ngang umarte dark, no wonder kung bakit ganon nalang ang ginawa mo kay Blythe.

"Don't worry hon, ako naman ang nag luto ng sayo. Ubusin mo ahh" nakangiting saad ko at inilapit ang mukha ko sa kanya at bumulong

"Galingan mo ang arte dark huh? Ubusin po para mas kapani paniwala" nakangiting saad ko at umupo na ulit ng maayos.

Tingnan ko lang kung Hindi ka malason sa luto na iyan.

"Ang sweet naman ng hon ko" saad nito at dali daling sinubo ang pagkain.

Ngunit ang kaninang masayang mukha at napalitan ng ekspresyong nasusuka na ewan.

"Ako may gawa niyan hon, ubusin ko kung hindi magtatampo ako" nakangiting saad ko

Pilit itong ngumiti sakin at pilit na nginunguya ang pagkain na niluto ko.

Maya maya ay uminom ng isang basong tubig.

Talagang hindi niya matagalan ang lasa non dahil binudburan ko iyon ng limang kutsarang asin at kalahating baso ng suka at toyo at pinatuyo para magmukhang sinangag na kanin na may isda.

"M-masarap, I-ikaw cyrus? Gusto mo bang tikman? " saad ni dark at tinapunan si Cyrus ng nakakaawang tingin.

"Salamat dark pero uubusin ko nalang itong luto ni tita para hindi siya magalit sakin" nakangiting sagot ni Cyrus kay dark.

Pasimple lang akong sumubo.

Halos kalahating oras nginunguya ni dark ang pagkain at ubos narin ang dalawang 1.5 na bottled juice na dala ko.

Pagkatapos nito nguyain ang panghuling subo ay dali dali na itong tumakbo papunta ng banyo, namumutla at parang naubusan na ng dugo ang itsura.

Pasimple lang akong napangiti.

Serve you right as*hole.

"Bakit nga pala wala si knight ngayon? " tanong ni cyrus

" Hindi ko rin alam eh, wala siyang sinabi sakin basta hindi nalang siya pumasok" saad ko at sumubo na ulit

" Ahhh, free kaba mamaya pagkahatid ko sayo? Lets have dinner sa restaurant mo. Just a friendly dinner" nakangiting saad nito

"Ok, sure"

Maya maya ay lumabas na ng CR si dark

"Oh hon ok kana ba? Ano ginawa mo sa CR? " patay malisyang tanong ko

" A-ahh, may emergency lang na akong tinawagan hehe" palusot nito

Tatayo na sana ako ng biglang mag ring ang phone ko.

"Hello? Iyana's speaking"

"Hello iha? Buti naman at sinagot mo na. Ako to mommy ni knight"

"K-kayo po pala tita, bakit po kayo napatawag? " tanong ko dito.

"Iyana, please puntahan mo naman ang anak ko sa bahay please? May sakit kasi siya ngayon kaya walang mag-aalaga sa kanya. Sige na iha nag-aalala na kasi ako" saad nito

Pero hindi nag-aalala ang boses niya kundi parang kinikilig na ewan -,-

"S-sige po tita pupuntahan kona ngayon din po si Mr. Weiller" saad ko

"Iha, kasi hindi ako sanay na nagkakasakit si knight, pwede ba kung hindi bumaba ang lagnat niya ay samahan mo muna siya ngayong gabi? Please iha? " saad nito .

Ganito ba talaga mag-alala ang mama ni knight? -,-

Parang may balak ang dating sakin -,-

"S-sige po" saad ko at tuluyan ng pinatay ang tawag.

Wahhh!!! Ano gagawin ko??!!!

"Sino yun hon? " tanong ni dark sakin

"Mama ni knight, I'm sorry Cyrus but I can't have my dinner with you" saad ko sabay kuha ng gamit ko at nagmadaling lumabas ng opisina

Haist! Naging baby sitter pa ko ng may sakit -,-

Nag taxi na ko dahil diba nga sinusundo ako ni cyrus palagi? At kinuha ng papa ko ang kotse ko -,-

"Hello mama? Mama baka bukas na po ako makabalik. Mr. Weiller's mom ask me to take care of his son, may sakit daw po at walang kasama sa bahay"

"Ok, sasabihan ko nalang ang daddy mo. Take care princess"

"Thanks mommy, bye. I love you mwa" saad ko at pinatay na ang call

May address ako ng bahay nya kaya madali nalang sakin alamin to.

Pagkarating ko ay dali dali akong pumasok sa bahay niya.

Madilim at ang tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa loob ng bahay.

Hinanap ko ang switch at binuksan ang ilaw

Haist, bakit naging ganito buhay ko >Δ<

Umakyat na ko sa pangalawang palapag at binuksan ko ang unang kwarto.

Manly scent kaya baka eto na ang kwarto niya.

"Sir Knight? " saad ko at binuksan ang ilaw

Tumambad sakin ang isang knight Weiller na balot na balot ng kumot.

Lumapit ako para tingnan ang kalagayan niya.

Mataas ang lagnat niya at nanginginig siya sa lamig.

Dali dali akong bumaba para kumuha ng palangga, yelo at towel.

Pagbalik ko at pinunasan ko ang bandang ulo niya.

Hindi ko naman siya huhubaran diba?

Kinapa ko ang damit niya at basang basa ito ng pawis.

Myghad!!  my innocent mind!

Ano gagawin ko dito ? Ok sana kung gagaling to kapag tinitigan ko lang -,-

Ok iyana

Inhale
.......

Exhale!

Kaya mo to.

Kumuha ako ng damit sa walk in closet niya.

Gusto ko man tanggalin ang pambaba niya ay hindi na kailangan pa

Kala niyo ahh!!

Pero wala din masama sa idea hehehe.

Pero wag na, baka matuklaw ako ng alagang ahas niya.

Nakakatakot pa naman dahil mala anaconda pa naman ata >Δ<

Habang pinapalitan ko ito ay siya namang biglang niya.

"S-sino k-ka? " saad nito

"A-ahh ako po ito sir, si iyana. Pinapunta po ako ng mommy niyo dito para alagaan kayo "
Saad ko pero sobrang hina ata ng katawan niya kaya Hindi na nakasagot

Inalis ko ang kumot at dahan dahang inalis ang damit niya.

Shems, pawisan ako dahil sa kaba.

Hindi ko ito keri!!

Pinikit ko ang dalawang mata para maiwasang makita ang hindi dapat makita

Jusko po!! Torture to!!

Dahan dahan kong nilihis ang damit niya kaya nasagi ko ang abs niya.

Shemay! Oo abs as in maraming mga bukol!

Nilihis ko pataas para tuluyang maalis ang damit niya kaso, nasagi ko na naman ang dibdib niya kaya napamulat ako kaagad.

0.0

Wahhh!! My innocent eyes!!

Huhuhu! Ano ba naman to Lord!!!

"Get out kung may balak kang rape-in ako Ms. Vienera" mahina ngunit ma awtoridad na pahayag nito na ikinalaki ng mata ko.

The f*ck?!!!

"A-anong sabi mo?! Anong rape ka jan?! " tanggi ko

Mukha ba akong rapist?!

"Kung may pagnanasa ka man sakin itigil mo na Ms. Vienera. At wag mong maisipang pagsamantalahan ako dahil sa kalagayan ko" seryosong saad nito.

E kung hampasin ko nalang kaya ito para matuluyan?

"Hoy! Ako na nga ang nagmamagandang loob dito at pinapalitan yang damit mo dahil basa kana ng pawis tapos pararatangan mo pa ako ng kung ano ano?! " hindi makapaniwalang saad ko

Konti nalang at masasapak ko na tong lalaking to!

" Hindi pag aalis ng damit ang gingawa mo hinihimas mo yung katawan ko Ms. Vienera kaya kung ano man ang balak mo stop it. "

The f*ck?!!!!

" Ang kapal ng mukha mo!!! Nasagi ko yun! Anong himas yang pinagsasabi mo?! "

"Don't lie Ms. Vienera, mahiya ka naman. May sakit ako kaya kung pwede lang magtimpi ka"

Argghhhhh!!!!!

Sumosobra na siya!!!

"Para sabihin ko sayo Mr. Weiller kahit kailan hindi kita pinagnasahan!!! "

"Lower your voice at dalian mo na yang pagbibihis mo sakin, namboboso kana"
Walang ganang saad nito

Wahhhh!!!! Ayoko na!!!

Nanggigigil na ko!!!!

"A-ano? N-namboboso? Ok kalang huh?! Ano akala mo madadala ako sa 8 pack abs mo?!! Hoy! Para sabihin ko sayo kahit gwapo ka hindi ako papatol sayo! " gigil na saad ko.

Kinuha nito ang damit sa kamay ko at nanghihinang isinuot yon

"Ako nalang halatang pinapatagal mo pa para makaboso ka" mahinang saad nito at mariing pumikit

A-ano?!

" Ayoko ko na!! Bahala kang magpunas sa katawan mo! Magluluto nalang ako! " saad ko at madabong na tumayo nang biglang hawakan nito ang kamay ko.

Shems ang init ng kamay nyo, mataas talaga lagnat niya

"N-no, may instant porridge jan. Pakilagyan nalang ng mainit na tubig"

"Ok kalang? Instant ang kakainin mo? Hindi kaya maganda sa katawan yon! " depensa ko dito ngunit mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko

"Please, ayokong matuluyan sa ganitong paraan kaya ung instant nalang ang lutuin mo "

Ano problema neto?

Ako na nga ang nagmamagandang loob siya pa itong choosy.

Kung hindi lang ako naaawa sayo kanina pa kita sinapak -,-

" Oo na! Bitiwan mo na ang kamay ko! "

Bumaba ako at pumunta sa kusina.

Nilagyan ko ang isang cup porridge ng mainit na tubig at nilagay sa tray kasabay ng tubig at gamot niya.

Girl scout ako dati kaya lagi akong may dala ng gamot in case of emergency.

Bumalik na ko sa kwarto ni knight at nilapag ang tray sa table niyo.

Bahagya kong isundot ang mukha niya para magising siya.

"Kumain kana ng lugaw para mainom muna ang gamot mo" saad ko

Wala parin itong imik kaya niyugyug ko na ang balikan

"Hoy! " sigaw ko para gumising

"sh*t stop it! Nilalamig ako " saad nito sabay talukbong ng kumot.

Ano ka bata?! Myghadd!!! Naiistress na ako!!

Continue Reading

You'll Also Like

163K 3.7K 62
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad
53.3M 379K 66
Stay connected to all things Wattpad by adding this story to your library. We will be posting announcements, updates, and much more!
214K 5.1K 55
โ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. โž kate martin x fem! oc
101K 1.4K 50
๐ˆ๐ญ๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ๐ข๐ซ๐ฌ๐ญ ๐๐š๐ฒ ๐›๐š๐œ๐ค ๐ญ๐จ ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ , ๐€๐š๐ฅ๐ข๐ฒ๐š๐ก ๐ข๐ฌ ๐ง๐จ๐ฐ ๐ข๐ง ๐Ÿ๐ŸŽ๐ญ๐ก ๐ ๐ซ๐š๐๐ž, ๐ฐ๐ก๐ข๐ฅ๐ž ๐ฌ๐ก๐ž๐ฌ ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ž ๐ฌ๐ก...