My Naughty Girl

By yourmodern_binibini

29.1K 956 94

"He wants me to be scared of him? Oh please , Not A Fucking VIENERA" -Iyana Xyra Vienera More

AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2 ( Meeting The Cold Billionaire )
CHAPTER 3 ( Wattpadian vs Billionaire)
CHAPTER 5 (Drunk)
CHAPTER 6(Meet-up of the Billionaires)
CHAPTER 7 (Boyfriend)
CHAPTER 8(Just a Play)
CHAPTER 9 (Birthday)
CHAPTER 10(Bestfriend)
CHAPTER 11(His Past)
CHAPTER 12 (Seducing the Billionaire)
CHAPTER 13(Protecting her best friend)
CHAPTER 14 (Knowing You)
CHAPTER 15 (It's him)
CHAPTER 16 (Memories Of You)
Chapter 17 (His Queen)
CHAPTER 18 (letting you go)
CHAPTER 19 (memories to keep)
CHAPTER 20 (Choice)
Chapter 21 (Goodbye)
CHAPTER 22 ( Wedding Dress)
CHAPTER 23 (Photoshoot)
CHAPTER 24 (Wedding)
Chapter 25(Pain)
Chapter 26(Rest)
Chapter 27 (Chasing Him)
Chapter 28 (End)
Chapter 29 (Special Chapter)

CHAPTER 4(The Childish Billionaire)

1.1K 38 1
By yourmodern_binibini

Warning: Please read at your own risk!

Iyana's POV

"Alam mo magtigil ka ha?? Bilhin mo na ang kailangan mo at tantanan mo ako! " pasigaw na saad ko at iniwan siyang nakatayo dun.

"Baby! " napahinto nalang ako sa sigaw nito.

"Ganon ganon lang yun??! Hindi mo man lang ako pananagutan? Pagkatapos ng lahat ng nangyari?!!
Porket nakuha mo na ang gusto mo?! " sigaw ulit nito at tila broken hearted pa ang hinayupak.

Napapikit nalang ako sa kahihiyan.

Lamunin na sana ng lupa ang hinayupak nato.

"kawawa naman yung boy, ang cute pa naman"

"oo nga, sayang siya kung sana ako yung jowa niya hindi siya aabot sa ganyan" bulong ng nasa paligid ko.

"I-itigil mo nga yan" pabulong na sabi ko ng makalapit ako dito

" Ikaw kasi baby pinaasa mo ako, may pa hubby hubby kapa tapos ng makuha mo puso ko iiwan mo nalang ako ng basta basta" nakangusong sabi nito at sinadya pa talagang palakasin ang boses niya para marinig ng nasa paligid namin.

Gosh!!! Sasabog na ako sa hinayupak nato. Ayoko na!!

"Gosh!!! Nanggigigil na ako sayong hinayupak ka!! Tara na nga" sabi ko sabay hatak sa kanya.

"Doon tayo baby" sabi nito ng nakangiti sabay turo sa isang shop dito sa mall.

Sarap dukutin ng mata ng hinayupak nato.

Nagpahila nalang ako hanggang sa makarating kami sa mismong shop.

Mahirap na baka yung anong trip na naman ang maisip ng lalaking to.

"Good afternoon ma'am, sir" bati ng sales lady samin

"Good afternoon, naghahanap kami ng suit na babagay kanya. " saad ko

"This way po" sagot nito

"Pilian mo ako baby" nakangiting saad nito sabay hila na naman sakin.

Hmm may nabasa akong ganitong eksena sa wattpad eh, magaya nga.

"Eto po ang stock namin ma'am, sir" sabay pakita ng naghihilerang mga damit.

"Pilian moko ng babagay sakin baby" nakangiting sambit nito sakin.

Bakit hindi ko feel?

Yung mga character naman sa nababasa ko tuwang tuwa pag pinipilian nila ang boy?

Haist baka kailangan ko lang ng arte.

Lumapit ako sa mga damit at sinuri ito isa isa.

"Try mo to" saad ko sabay kuha ng isang black suit.

"Eto pa, ahh eto maganda." kinuha ko lahat ng magustuhan ng mata ko, feel ko talaga bagay sa kanya lahat ng pinili ko.

Hmm, baka pumasa na siya bilang isang wattpad character.

"Ahhh! Eto magan-"

"Sandali lang baby" biglang sambit nito kaya tiningnan ko siya pero bigla akong nag alala dahil namumutla ito.

"O bakit?? May problema ba?" tanong ko dito

"E-ehh kasi-" nauutal nitong tanong

"Ano? " tanong ko

"Kasi ang mamahal ng suit nila, baby" naka labing tanong nito.

Habang kumukuha pala ako ng damit ang hinayupak naman panay tingin ng presyo

"Eh anong akala mo? Mura?! Eh gag* ka pala eh! Pumili pili pa ako tapos ganito?! Gusto mo hampasin kita nitong takong ko para magising ka? Ha?! Business man ka tapos di mo alam presyo ng suit?! " at tuluyan na akong sumabog.

" Eh kasi baby isa lang naman ang suit ko sa bahay, hindi naman kasi ako nag susuot nun, gumagamit lang ako kapag may ganitong gathering kaso pang sampung beses ko na sinuot yun ng sunod sunod kaya medyo nakakahiya na" nakalabing saad nito.

Peste! Binabawi kona! Hindi siya pang wattpad character dahil walang wattpad character na ubod ng kuripot! Yung iba nag papakitang gilas, etong hinayupak nato namamahiya!

" Nahiya ka pa sa lagay na yun? " mataray na tanong ko

"Eto naman, uhmm miss may suit ba kayo na mura lang? "

" Magkano po ba ang budget niyo sir? " nakangiting tanong nito

"Yung one thousand pesos lang sana" nakangiting tugon nito na ikina nganga namin ng sales lady.

"Peste! Nakakahiya ka talagang hinayupak ka! Dinala dala mo ako rito tapos wala ka naman palang pera?! " pagalit na saad ko

"Baby, pera din naman yung one thousand eh" nakangusong sagot nito
Ghad!!! Maloloka na ko!!

"Tingin mo may maaabot yang isang libo mo? Kung sana sinabi mo kaninang peste ka na isang libo lang ang pera mo edi sana sa ukay ukay kita dinalang hinayupak ka! Ang lakas mo mag aya pumunta ng mall tapos kulang pala ang pera mo?! " sigaw ko dito.

Gosh!

Puputok na ang mga ugat ko sa leeg dahil sa inis sa hinayupak nato.

Napahawak nalang ako sa sintido at naghanap ng mauupuan dahil matutumba na ako sa kahihiyan.

"Gosh, business man na walang masusuot? Grabe naman ata ang kakuriputan mo? Tapos mag aaya kapa ng date? Ano ipapakain mo sakin alikabok jan sa kanto? " inis na tanong ko.

"Grabe ka naman baby, syempre sa restaurant tayo kakain" nakangusong sambit niya. Sasagutin ko na sana ng biglang nagsalita ang sales lady.

" Kukuha pa po ba kayo ng suit? " mataray na tanong nito na ikina taas ng kilay ko. Uma attitude sis? Kanina ang bait bait tapos ng malamang wala kaming pera nag tataray na?

"Minamadali mo ba kami? " mataray na tanong ko

"Hindi naman po pero kung isang libo lang po ang dala niyo, umalis nalang po kayo. Marami rin po kasi kaming customer na aasikasuhin" mahinahong saad nito pero nandun yung katarayan sa bawat salitang binibigkas.

Sumasakit na ang ulo ko sa hinayupak kong kasama dumagdag pa tong impaktang sales lady nato.

"Magkano ba tong suit niyo?? Kung makapag taray ka parang hindi customer ang kausap mo, oo kuripot tong kasama ko pero limitahan mo yang mga salitang binibigkas mo dahil hindi lang mga damit sa harap mo ang kaya kong bilhin, kaya ko ring patalsikin ka dito sa pinagtatrabahuhan mo kaya ayusin mo ang ugali mo. Nandito kayo para asikasuhin ang customer niyo at hindi insultuhin sa loob ng shop nato. " mataray na saad ko.

Kala mo kung sino! Hmp! Wala naba talagang magandang mangyayari sa araw na to?! Ghad! Nakakapagod makipag away! Ghad! Iniinis nila akong lahat!

"S-sorry po ma'am " nakayukong saad nito

"Kahit kailan hindi ako nangmamaliit ng trabahong mababa sa natapos ko dahil alam ko may kanya kanya tayong talento pero ang mamahiya ng taong walang wala, yun ata ang bagay na dapat pinakahuli mong gawin sa trabaho mo. " madiing saad ko

" Grabe ka naman sa walang wala baby" biglang sabat ni dark kaya sinamaan ko ng tingin

"S-sorry po t-talaga ma'am, hindi na po mauulit" nakayuko paring saad nito

"B-baby, dalhin mo nalang ako sa ukay ukay baka dun mababait at magaganda pa ang mga sales lady nila. Branded ba lahat ng damit dun baby?? Excited na ako" saad nito at parang batang nakangiti.

"Saang mall ba yun baby?? " tanong nito sakin.

"Pwede ba tumahimik ka??! Naiirita na ko sayong hinayupak ka! "

"At ikaw, ipasukat mo sa kanya lahat ng pinili ko para makita ko kung maganda o hindi" sambit ko sa saleslady

"P-pero m-ma'am -"

"Babayaran ko kaya wag kang mag alala! " sigaw ko dito

"Talaga baby?! " sambit ni dark na parang batang binigyan ng candy.

"Oo, hiyang hiya naman kasi ako sayo diba?? Pinasama mo lang ata ako para malibre kang hinayupak ka! " sabi ko sabay irap.

At ang hinayupak naman ayun! Dinala lahat ng suit sa loob susukatin niya daw lahat.

Habang nasa loob ng dressing room si dark ay biglang nag ring ang phone at naka register ang pangalan ng secretary ni daddy kaya sinagot ko.

"Yes? "

"Ma'am, kinausap po ako ng daddy niyo if ever na pwede daw kayo muna ang um attend ng party mamaya? Business partner po ng daddy niyo ang nagdaos ng event. "

"Hmm, nasaan si daddy? "

"Out-of-town po ang daddy niyo ma'am kani kanina lang"

"Ok, just send me the invitation. Andito ako sa mall malapit sa kumpanya ni mr. Weiller"

"Sige po ma'am, I'll be right there after an hour. Aasikasuhin ko lang po tong pinapagawa ng daddy niyo"

"Sige, I'll buy my gown then. " saad ko saka ko pinatay ang tawag.

Pagkalipas ng konting oras ay lumabas na ng dressing room si dark.

"hey baby, is it good? " sabay pakita ng dark blue na suit sakin.

Hmm, bagay naman. Pwede na, sige na nga gwapo siya, gwapo.

Lumapit ako para ayusin ang tie niya.

"Yes, that's perfect " nakangiting saad ko. Ang cute niya kasi guys *.*
Ok enough iyana, gwapo lang siya. Alalahanin mo kung gaano kakuripot ang kasama mo.

" Ayiee, inlove na siya" tuksong saad nito sabay sundot ng tagiliran ko.

"Asa. " saad ko at saka siya tinalikuran

Pina balot kona ang suit na napili niya at lumabas ng pesteng shop na yun.

"Uhmm baby? May pupuntahan pa ba tayo? "

"bibili ako ng gown, ok na kahit hindi ka sumama" pagtataboy ko sa kanya, baka mamaya lumabas na naman ang kakapalan ng mukha nitong hinayupak nato.

"Hindi, sasamahan kita baby. Para sabay narin tayo." Hindi ko na pinuna ang kakababy niya dahil maiirita lang ako.

"sige, bahala ka" sambit ko sabay pasok sa isang shop.

"Yes ma'am? May i help you? "

"Bibili ako ng gown for myself." saad ko

"This way ma'am " saad nito at pinakita sakin ang naghihilerang mga long gown at cocktail dress

"Pili na po kayo maam, may mga available naman pong size niyo. " saad nito

"Baby !! tingnan mo to. ohh!" excited na saad ni dark sabay pakita sakin ng isang backless gown

"Ang ganda niya no? Bagay to sayo baby" nakangiting saad nito.

"Ayoko niyan, masyadong kita ang likod ko" saad ko sabay baling sa mga gown sa harapan ko, siya naman ay binalik ang gown na nakuha.
Ilang sandali pa ay bumalik na naman ito.

"Baby!!!! Eto try mo!! " nakangiting saad nito sabay abot ng isang gown sakin. Paglingon ko napamura nalang ako sa gusto niyang ipasuot sakin.

"The f*ck! Ano akala mo sakin hostess? Tingnan mo nga yang ipapasuot mo sakin! Kita na kaluluwa ko jan! " paano ba naman guys binigyan ako ng gown na see-through ang pang itaas na fit na fit sakin. Kita ang buong likod ko at bra lang ang tumatakip sa hinaharap ko. Damit pa ba to? Aware naman akong maganda siya kaso, gosh! Parang naghubad lang din ako kung ito sinuot ko!

"Maganda naman baby eh" nakangusong sambit nito.

"tss wala talaga kayong binatbat sa mga asawa ko! Sila overprotective lahat. Ayaw nga nila ipakita ang katawan ng mga partner nita, tapos kayo! Haist! Never mind! " naiinis na sambit ko

"Eh kasi nakita na nila ang katawan ng mga partner nila. Na memorized ulo hanggang paa! Kaya nga pinagsusuot kita ng ganyan para makita ko din! Try lang naman! Hindi naman yan ang bibilhin mo, titingnan lang tapos ang damot damot pa" nakangusong saad nito. Namula ako ng sobra sa sinabi ng hinayupak nato. Nagtawanan naman ang mga sales lady, yung iba kinikilig.

"Bastos!" sigaw ko sabay hampas ng bag ko sa kanya.

"Ouch! Baby, masakit! " saad nito sabay ilag sa mga hampas ko.

Pagkalipas ng ilang minuto ay umupo nalang ito at nagpapapadyak ng mga paa at bumubulong sa tabi.

Biglang napuna ko ang simpleng gown sa harap ko. Light blue siya, at may mga pearl sa palibot ng waistband nito, may tali din siya kaya hindi masyadong kita ang dibdib ko.

"Bibilhin ko to" sabi ko sa sales lady

Pumunta kami ng dressing room para masukat ang gown ko.

"bagay na bagay sa inyo ma'am! Saktong sakto at ang ganda niyo po talaga sa suot niyo kahit walang make up." nakangiting saad nito. Hindi na ako nagsalita trabaho naman nila yan eh, ang mambola?

Pero totoo naman siya bagay na bagay sakin ang gown at tila sinukat ang katawan ko dito.

"labas na po kayo ma'am, ipakita niyo po sa boyfriend niyo"nakangiting saad nito

"wag na, kukunin kona to at tsaka hindi ko siya boyfriend " sabi ko at nagpatulong mag hubad ng gown ko.

Lumabas na ako ng dressing room.

"bakit naman di mo pinakita sakin baby? " nakangusong sambit nito.

"kasi manyak ka" saad ko at tinalikuran siya para mabayaran ang gown.

"ang sama mo naman baby, ako pinakita ko tapos ikaw hindi?" nakanguso paring sambit nito habang sinusundan ako palabas ng shop.

"oh saan tayo kakain" pagbasag ko ng katahimikan, naka simangot parin kasi ang hinayupak kala mo talaga tsk.

Bigla nitong dinukot ang phone sa bulsa.

"tara na baby" biglang ngiting saad nito. Hinatak niya ako kung saan at huminto sa isang American restaurant.

Pumasok kami sa loob ng loob pero tila may hinahanap ang hinayupak

"Darling!!! " lumingon kami sa pinanggalingan ng sigaw.

Bigla akong hinatak ng hinayupak palapit sa babaeng kinulang ng saplot.

Bigla itong pumulupot kay dark dahilan para mabitawan ni dark ang kamay ko.

"Hey darling" sagot ni dark at hinalikan sa labi ang babae. Eww! Dito pa talaga binalandra ang kalandian nila.

"Sino siya darling? "

Tanong ng babae sabay tingin ng masama sakin.

"Ahh, tita ko" saad ni dark.

The f*ck?! Never in my whole life na na humiliate ng ganito!

"Ahh, hello po tita" saad nito sabay ngiti sakin

"wag mo akong tawagin titang bruhilda ka! Dahil mas matanda kapang tingnan sa nanay ko! At ikaw namang hinayupak ka, kaya pala ang lakas ng loob mong yayain ako sa restaurant dahil libre pala tong kakainin mo! " inis na sabi ko dito. Bigla naman itong lumapit sakin sabay bulong.

"Baby naman wag kanang maingay, baka may makarinig at tsaka siya yung nag invite sakin" nakangusong bulong nito sakin

"Ahh, eh ano akala mo sakin? Makikipagplastikan para sa libre? Kakain habang ang mga taong sa harap ko nag tutukaan? " mataray na sambit ko.

"Grabe ka naman sa tukaan baby" nakanguso paring saad nito

" Ano gusto mo? Landian? Harutan? Eh kung pag untugin ko kaya ulo niyo? Baka sakaling masiyahan ako" saad ko ng may pagka sarcastic na tono.

"Malaking pagkakamali ang sumama ako sayo" saad ko sabay lakad ko palabas ng exit ng restaurant na yun.

" Uhhmm, babe este darling aalis na kami umatake na naman kasi ang rayuma ni tita" sabi nito na mas lalong ikina init ng ulo ko.

"Uyy! Wait lang!! Uhhmm waiter pwede mag take out? " baling nito sa waiter at yung girl? Ayun naka nganga parang hindi makapaniwala sa nangyayari.

"Uhhm, antay nalang po kayo mga 5 minutes sir" saad ng waiter

"Nag aantay na ang kasama ko eh, sige na nga wag nalang" dinig kong sambit nito sabay habol sakin

"Darling wait up!! " sigaw ng malanding babae. Gusto pa ata ng hinayupak na to na pagsabayin kaming idate ng bruhildang to! Peste! Dapat hindi ako nagpauto sa hinayupak nato!

"Hey baby wait" hingal na saad nito sabay hawak sa kamay ko.

"Darling!!! " sambit ng impaktang kasama niya sabay pumulupot sa braso ni dark. Tsk.

"Bitiwan mo ako" malamig na sambit ko

Magsasalita na sana siya ng may biglang sumulpot na isang babae.

"Baby! " sigaw nito sabay halik kay dark.

The f*ck! Eh playboy pala tong hinayupak na to eh!

"A-ahh" nauutal na sambit ni dark. Sige solusyunan mo yang hayop ka. Inalis ko ang kamay ni dark sa kamay ko at naglakad palayo tutal parang nawala na sa sarili si dark dahil sa kaba. Buti nga sayo!

"Sino siya dark? " dinig kong sigaw nung isang babae. Hindi na ako naki rinig ng usapan nila pero alam ko ang nangyayari, dark is facing hell right now.

"Karma hit you assh*le" bulong na sambit ko saka nilisan ang mall.

Paglabas ko ng mall ay sakto namang paglabas ng secretary ni daddy sa kotse niya.

"Ma'am, eto napo ang invitation niyo. Nakapaloob narin po diyan ang location ng nasabing event" sambit nito.

"Sige I take care of this" sagot ko at nagtungo na sa kotse ko.

6 pm ang simula ng event at tingin ko ay malelate ako dahil 4 pm na.
Umuwi muna ako para makapag ayos at mabilisang ligo narin, baka kasi nadikitan ako ng nakakahawang virus ng mga higad nayun.

Light make lang din ang ginamit ko dahil ayoko ng makapal, just like my favorite wattpad characters *.*

Sabi ko sa inyo eh, pang wattpad material talaga ako :>

Habang tinitingnan ang repleksiyon ko sa salamin ay lihim nalang ako napangiti. Paano kaya kapag nag eexist ang wattpad?

Ang saya siguro ng buhay ko, may lalaking ipagdadamot ako tapos bini baby ako tapos ii-spoiled ako.

Haist maka alis na nga!

7 pm na ako nakarating, sobrang late na talaga pero wala naman akong gagawin dun, hmp! Sana nag basa nalang ako ng wattpad.

pumasok ako sa loob ng hotel nakatuon ang atensiyon ng lahat sakin, bigla tuloy akong nahiya.

Dali dali akong naglakad papasok at pumunta sa pinakasulok ng venue.

Ghad! Ngayon lang ba sila nakakita ng diyosa? Hmp!

Nahihilo ako sa dami ng tao, puro sila kwentuhan at sayawan.

Haist! Ano ba maganda sa party na ganito?

Napanguso nalang ako at napapadyak.

Nakakainis!

Dinukot ko ang phone ko para tingnan kung may latest update ng favorite author ko *.*

Someone's POV

This party is getting really really bored.

I was about to leave the place when someone got my attention.

A woman walking inside with her light blue elegant dress, her curves was perfect. She's really a goddess, all the eyes was on her and I can say she really is beautiful.

Interesting.

Maybe this party was not that boring because this beautiful lady appear right now.

I think this going to be a wonderful night . I smirked.

Dark's POV

"Your so beautiful sweetheart " bulong ko sa babaeng isinasayaw ko.

Nakipagbreak na ako sa dalawa kanina.

Haist! Bakit ba ganon ang mga babae?

Masyado silang easy to get Maliban sa isa, tibo ata yun eh.

Hmm, nakakatuwa ekspresyon ng mukha niya kanina habang bumubili kami ng damit.

She's really interesting.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ako kuripot?

Well, ano ba magagawa ko kung kusa ng dumudukot ng pera ang mga babae para maidate ko lang?

Maliban lang kay iyana, sumbat at mura muna ang matatanggap mo.

She's really something

Iyana POV

Hindi ko mapigilan ang emosyon ko sa nababasa ko.

Ako dapat yun ehh!

Ang saya ng ending kaso naiiyak ako sa katotohanang hanggang taga basa lang talaga lang ako! :<

" ako dapat yun eh. " bulong ko habang nagpapapadyak sa kinauupuan ko.

"hi miss" nilingon ko ang lalaking biglang nagsalita sa harap ko.

"bakit? " naiiyak na tanong ko.

Hindi parin ako maka get over sa nabasa ko huhuhu.

"Nakita ko kasing nag iisa ka, dont you mind if I join you? " nakangiting tanong nito.

" Bahala ka" walang ganang sagot ko, broken ako eh.

"Mukhang malungkot ka"

"Hindi, hindi ako malungkot. Magbebreak din sila kaya hindi ako malungkot. Tama! Tama! May part two pa ang story kaya may pag asa pa ako! " pangungumbinsing saad ko sa sarili ko.

Bigla naman tumawa ang lalaking nasa tabi ko

"You're really funny " natatawang saad nito

"Whatever" inis na sagot ko at tinarayan ito

"what if ganito nalang let's dance para may mapagka abalahan ka naman" nakangiting saad nito

"Nah" tipid na sagot ko

"Sige na" pamimilit nito sakin

"May I have this dance, my lady? " nakangiting tanong nito

"Ang kulit mo rin eh no? " inis na sagot ko

"Come on, pumayag kana dahil hindi rin naman kita tatantanan" saad nito

Inis akong tumayo na nakaharap sa kanya

"sige na nga" napilitang sagot ko.

Tatanggapin ko na sana ang kamay na nakalahad sa harapan ko ng biglang tinabig nito ng lalaking kakarating lang.

Continue Reading

You'll Also Like

106K 4K 22
فيصل بحده وعصبيه نطق: ان ماخذيتك وربيتك ماكون ولد محمد الوجد ببرود وعناد : ان مارفضتك ماكون بنت تركي !
134K 20.1K 94
Translation novel Unicode only Zawgyi users များ page မှာဖတ်လို့ရပါတယ်ရှင်
32.5K 670 79
In which Kim Saena is in a groupchat with a bunch of idiots Or In which Bangchan finds himself inside a groupchat with a bunch of delusional fans ~~★...
215K 5.1K 55
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc