The Nerdy Girls Are The Legen...

By Blue_Moon050

286K 13.2K 726

"The Nerdy Girls Are The Legendary Gangster.." Written by: Blue_Moon05 This... More

The Nerdy Girls Are The Legendary Gangsters
CHAPTER 1:Meet the ANONYMOUS GANG..
CHAPTER 2:Mall
CHAPTER 3:First day of school
vO__Ov
Intruducing their self
v@__@v
Books of Alexa..
CHAPTER 4 JOHN
JAKE
LUCAS
ALEXANDER
CHAPTER 5
Punishment..
CHAPTER 6 :The Pepetsyoging Panget at malandeng babae
v@__@v
CHAPTER 7 :The Preparation For the QUEEN And KING Of SCOTLAND UNIVERSITY
CHAPTER 8: The QKSU
CHAPTER 9:The Celebration for the win of the class A.
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20: Acquaintance Party Part 1
CHAPTER 21: Acquaintance Party Part 2
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
FRICTIONAL CHARACTERS
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHPATER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
FRICTIONAL CHARACTERS 2
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
AUTHOR's NOTE
CHAPTER 45(JOHN's BIRTHDAY)
CHAPTER 46
TO MY READERS☪
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62: THE WAR HAS BEEN STARTED
CHAPTER 63: CONTINUATION OF THE WAR
CHAPTER 64
CHAPTER 65: WAKAS
ANNOUNCEMENT!

CHAPTER 47

2.1K 116 6
By Blue_Moon050

JOHN POV.

Monday Morning (September 30)

Anong oras naba? Umupo ako sa kama ko dahil kakagising ko lang at medyo masakit ang ulo ko dahil sa mga ininom namin kagabi. Tumayo na ako at pumunta ng cr para makapag ligo.

Pagkatapos kung maligo ay nag bihis na ako.
"Ano ito?" May natapakan kasi akong maliit na box. Kaya naman kinuha ko ito. Regalo din ba ito para sakin? Pero bakit nasa kwarto ko? Wala naman sigurong pumasok dito sa kwarto ko para ilagay to diba? Pero baka nahulog ito sa mga gift na natanggap ko? Ilalagay ko nalang ito sa mga gift na binigay nila sakin kagabi.

Pumunta ako sa kabilang side ng kwarto ko kasi nandon lahat ng gift. Ako lang ang nakakapasok dito dahil nandito yung mga stuff toys ko na bunny. May snowball dito yung kulay puti ang balahibo niya tapos ang cute niya pa? May ibat ibang kulay ang bunny na stuff toys dito. May blue, white, pink, at iba pa. Umupo ako sa upuan ng table ko. Nilagay ko sa table ang box na maliit at dahan dahan kong tinanggalan ng tali. Pagkatapos ay dahan dahan ko din itong bubuksan dahil baka bomba ito na nilagay para sumabog itong bahay namin at mamamatay ang lahat ng nasa loob at masusunog ito at lahat ng gamit namin ay masisira tapos--tapos--hayst.. ano batong iniisip ko? Overreacting ko
Masiyado. Pagbukas ko ay isang papel agad ang nakita ko, kinuha ko yun at binasa.

"Sorry sa mga nagawa kung kasalanan sa inyo. sana ay napatawad moko, masayang masaya ako na nakita kita ulit. Alam kung magkikita tayo soon. Ingatan mo pamilya mo sa mga masasamang tao. Hindi na ako mag papakilala dahil kilala mona ako.

By: Secret" Pagbabasa ko sa sulat.

"Anong ibig niyang sabihin na kilala ko siya? Eh wala naman akong kilalang secret ang pangalan eh" Sabi ko sa sarili ko. Nagawa niyang kasalanan sa amin? Sino namang tao ang may nagawang kasalanan namin? Wala naman siguro? Magkikita kami soon? Kailan naman ang soon nayan? Sino kaba kasing secret ka? Wala nga akong kilalang secret eh. Tiningnan ko pa ang laman ng box.

"Relo? Panyo? Pamilyar sakin ang relo at panyo na to. Hindi ko lang alam kung san ko ito nakita basta pamilyar to sakin" Sa hulihan ay may litrato...
"Family picture? Sino namang may picture saming apat? Ang nasa picture ay si daddy, mommy, kuya at ako" Baka naman kakilala ko lang ang naglagay nato sa kwarto ko. Binalik ko ulit ang mga laman sa box at nilagay ito sa cabinet ko.

Kinuha ko yung ibang gift nila sakin. Alam niyo ba kung anong gift ang ibinigay sakin ni jake? Lagavulin at James Buchanans lang naman.





Sabi pa niya ay galing pa daw yun sa ibang bansa. Mahal daw ang pag kabili niya. Sakto ang binigay ni jake sa ni regalo sakin ni kuya. Isang whiskey stones! Royal reserve whiskey stones.





Dalawang set yun. Ang dami namang pera nila HAHAH. Ang gift sakin ni devie ay relo na water proof at maganda siya.

Sabi pa niya couple watch daw yun at mahal din daw ang pagkabili niya gaya ng pagmamahal niya sakin. Yan ang sabi niya. Ang baduy diba? HAHA susuotin daw namin to para mapansin ng lahat ng couple talaga kami. Pumayag naman ako kasi baka malugi. HAHAH ayy bad ko ata masiyado HAHA. Yung kay iyah naman ay kapag naging kami na tsaka ko lang daw bubuksan. Heheh.. Syempre maghihintay ako hanggang sa maging kami na officially.

Iniwan ko lang yan diyan at lumabas na. Walang klase ngayon dahil lahat ng lecturer sa SU ay inimbitahan ni mommy sa birthday ko kahapon.kaya halos lahat ay pagod at gusto ni iyah na makapag pahinga sila.

Bumaba na ako ng hagdan at pag kabababa ko ay dumeretso na ako sa kusina kasi nagugutom ako. Pag kadating ko dun ay may na aamoy akong pagkain kaya naman pag pasok ko ay nagluluto si mommy.

"Good morning mom" Bati ko sa kanya
Nilingon naman niya ako sabay ngiti.
"Good morning handsome. Upo kana diyan dahil kakain na tayo ng breakfast"Sabi niya kaya naman umupo na ako. Dumating naman si kuya na may dalang dyaryo. Umupo siya sa tabi ko.
"Morning lil bro--mom"
"Morning" Sabay naming sabi ni mom
"Anong binabasa mo ngayon sa dyaryo?" Tanong ko sa kanya.
"Tungkol na naman ito sa red puma" sagot niya

"Bakit?"
"May sunog na naganap sa lyrical assault org. At dahil yun sa red puma pero buti nalang at namatay agad ang apoy kung hindi baka masunog lahat ng gamit na nasa loob nun" Pag papaliwanag niya. Ang Lyrical Assault org. Ay kasapi ng R.K. isa itong organization ng mga may matataas ding pwesto sa R.K. nandon din ang auntie ko na tinatawag nilang liondale. Siya ang namamahala sa LAO(Lyrical Assault Org.)

"May namatay ba don?"
"Ang sabi sa balita ay lima ang sugatan at dalawa ang patay"
"Grave naman ang red puma na yan! Hindi sila naaawa sa mga taong pinapatay nila. Kailangan na talaga naming malaman kung sino ba talaga ang bagong leader ng red puma dahil uupakan ko yun"
"Kahit upakan mo pa yun lil bro. Hindi mo padin siya matatalo dahil ang sabi-sabi ng iba ay malakas daw siya. Lahat ng tao ay natatakot sa kanya. Kaya mag ingat ka sa pag pasok niyo sa territoryo ng red puma dahil hindi natin alam kung sino ang mga taong malalakas o mahihina na kasapi ng Red Puma" Pag aalala niya sa akin. Ngumiti lang ako sabay tango

"Tama ang kuya mo, mag ingat ka palagi at kapag kailangan mo ng tulong. Tawagan mo lang si aliyah at pupuntahan ka niya" Nakangiting sabi ni mommy at nilagay ang niluto niya sa lamesa.
"Bakit po si iyah ang tatawagan ko?"
Umupo na muna siya bago mag salita.
"Yan ang sabi niya sakin. Na kapag kailangan mo ng tulong ay tawagan mo lang siya at mabilis pa sa alas kwatro ang pagdating niya" Napangiti nalang ako.
"Wag kang masiyadong ngumiti diyan lil bro. Diba may devie ka? Siya ang tawagan mo wag si devie. Tutal nasa red Puma naman si devie kaysa ni aliyah Hahaha" Napaka galing mo talagang kuya ka.
"Kahit na si Devie ang tatawagan ko. Si iyah parin ang dadating para tulungan ako"
"Okay fine. Wala namang masamang mangarap eh"
"Ikaw kuya. Epal ka talaga kahit kailan"
"Atleast pogi" At nag pogi sign pa. Tch hindi ko nalang siya pinansin dahil kumain nalang ako.

Habang kumakain ako ay bigla nalang nag vibrate ang phone ko sa bulsa ko kaya naman kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang caller.

Unknown Number?

"Hello?" Tawag ko sa caller
"Ako to" Luh? Si tigre? Tumingin na muna ako kela mom at nakatingin sila sakin.
"Bakit tigre?"
"Gusto lang kitang batiin ng belated happy birthday."
"Ahh ganun ba? Salamat"
"Hmm..May napansin kabang subrang  special na tao na dumalo sa party mo kagabi?" Sino naman yun? Wala naman siguro akong napansin?
"Sinong tinutukoy mo na special na tao na dumalo sa birthday ko?" Takang tanong ko.
"Nothing HA HA HA" Bakit siya tumatawa na parang baliw?
"Sino ba kasi yun?"
"Wg mo nalang isipin ang itinanong ko sayo. Hindi mo naman din malalaman kung sino" Sabi niya.
"Gusto ko sana kayong papuntahin dito Sa Red Puma's Territory. May lakad tayong pupuntahan" Dag dag pa niya.
"San naman yun?"
"Malalaman niyo kapag nandito na kayo. Bye" At binaba na niya ang tawag. Nilagay ko ulit yun sa bulsa ko.

"Anong ibig mong sabihin sa speacial na tao?" Tanong ni mommy sakin.
"Nag tanong kasi sakin si tigre tungkol sa may dumalo ba sa birthday ko kagabi na subrang speacial sakin. Hindi ko naman alam kung sino ang tinutukoy niya." napa-isip naman sila.
"Wala naman akong napansin" Sabi ni kuya.
"Tch.. Tatapusin ko nalang po itong pagkain at aalis ako ngayon" Sabi ko at kumain ulit.
"Bakit lil bro? San ang punta mo?"
"Sa Red Puma's Territory"
"Anong gagawin niyo dun?"
"Di ko alam" Hindi na nag salita si kuya.

Inubos kuna ang mga pagkain at pagkatapos ay pumasok ulit ako sa kwarto ko para suotin ang mga gamit na binigay ni iyah samin. Sinabihan kona sila Jake sa sinabi ni Tigre na pupunta kami sa territoryo nila. Pag katapos ay lumabas na ako ng bahay. Ginamit ko ang bagong kotse ko na bigay ni lucas biglang regalo sa kaarawan ko. 

On The Way na ako papunta don at ganun din sila.

RED PUMA's TERRITORY

"Mabuti naman at dumating na kayo" Bungad agad ni tigre samin. Pina upo niya kami kaya naman umupo nadin kami at kaharap namin siya.
"Ano palang gagawin namin ngayon?" Tanong ko sa kanya.
"Gusto lang namin kayong isama sa operasyon na magaganap ngayon"
"Ano naman yun?" Tanong ni Alexander
"Kikidnapin natin ang mga bata na nakatira sa kalsada. Kapag naka kidnap na tayo ng dalawangpu na bata ay dadalhin natin sila sa isang lumang warehouse kung saan don sila kukuhanan ng dugo para sa gagawing Test ng Red Puma" Nakangising pag pagpapaliwanag niya.

"Anong test ang gagawin ng red puma?"
"May isinasagawang test ang red puma. Kapag nag positive ang isang bata sa ginagawang test na yun ibig sabihin lang non...Ay siya ang nawawalang apo ni...Hindi kona i memention...At kapag siya nga ang apo ay siya ang gagamitin natin pang laban sa R.K" Sino namang kaya ang tinutukoy nila?
"Kukuhanan lang ba ng dugo ang mga bata? Pagkatapos non? Ibabalik na natin sila sa kalsada?" Tanong ni Alexander.
"Hindi"
"Ha? Ano pang gagawin natin sa kanila?"
"Kapag negative sila sa test ay kukunin ng mga scientist ang organ nila para sa ibenta" Nakangising sagot niya. Hindi pwede ang gagawin nila. Masama yun.

"Ibenta? Bakit ibebenta ang mga organ ng bata?"
"Simple lng... Para magkapera" dahil sa gusto nilang magkapera ay manda damay sila ng bata para sa kagustuhan nila! Mas lalong hindi pwede ang ganun. Dapat sabihan ko sina iyah nito.
"Ano na? Sasama ba kayo? O hindi?"
Nagkatingin naman kaming apat.
Kapag hindi kami sumama ay malalaman nilang hindi talaga kami kasapi ng red puma. Sana ganun din ang nasa isip nila. Mga ilang sigundo pa kami bago sumagot.
"Sasama na kami" Sabay sabay naming apat na sabi kaya naman napangisi siya.

"Good, maghanda na kayo kasi mamaya lang ay pupunta na tayo sa mga kalsada. Sabi ko nga kay master na dagdagan pa ng 10 ang 20 para maging 30. Diba ang ganda non? Mas madaming bata, mas madaming pera HA HA HA" Wala silang kasing sama.
"Pero...Hindi siya pumayag. Kaya kung ano ang magiging desisyon ng master ay yun ang susundin naman. Umupo nalang kayo muna diyan. At hindi kayo pwedeng umalis sa kinauupuan niyo hanggat hindi dumadating ang van na sasakyan natin. Gross? Alam mona kung anong gagawin mo. Maiwan ko na muna kayo." Nakangising sabi noya sabay tayo at naglakad na.

Lumapit naman samin si gross na may dalang box.
"Akin na ang mga cellphone niyo! Hindi pwedeng may dalang cellphone habang nasa operation" sabi niya kaya naman kinuha namin ang phone namin at nilagay yun sa box. Bumalik na ulit siya sa pwesto niya. Kunti lang ang nandito sa sala. Ano ng gagawin namin? Kailangan malaman ng R.K ang ginagawa nila. Diba sabi sa sulat na nasa lalagyan ng mga gamit na bigay ni iyah ay pwedeng gamitin ang earings na suot namin para makipag communicate sa iba? Pero pano kapag wala silang ganito? Baka nadidinig nila. Gagawa nalang ako ng paraan para masabihan ko sila.

"Arrayy, Araayy" Napatingin silang lahat sakin.
"Dre? Ayos ka lang ba? Anong nangyayari sayo?" Alalang tanong ni Jake. Kinidatan ko naman siya sa isa kung mata at mukhang nakuha naman niya.
"Ang sakit ng tiyan ko dahil sa kinain natin kagabi sa party. Arrayyy" Acting lang yan ha. Sana tumalab.
"Araay" Nakahawak ako sa tiyan ko at nag sakit-sakitan.
"Kailangan kung pumunta ng cr" Sabi ko kay gross. Lumapit naman siya.
"Hindi ka pwedeng pumunta ng cr ng walang kasama dahil baka kung anong gawin mo. Wind? Samahan mo siya at siguraduhin mong wala siyang gagawin na kahit ano" Kaya naman tinulungan ako ni wind na maglakad dahil hindi ko kaya dahil sa sakit ng tiyan ko. Ng makalayo kami ay tsaka ko palang siya tinanong.

"Bago kalang ba dito wind?" Tanong ko sa kanya.
"Oo. Hindi ko naman alam na ganito pala ang ginagawa nila" Mukhang hindi talaga niya alam.
"Sinong nagsali sayo?"
"Ang kuya ko"
"Kuya? Sinong naman siya?"
"Siya ang bagong leader ng red puma"
Napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa kanya.
"Kilala mo ang bagong leader ng red puma?" Tumango naman siya.
"Anong pangalan niya?"
"Sorry pero ang sabi niya sakin ay hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan niya dahil madaming kalaban. Ako ang ka isaisang kapatid niya at wala ng iba"
"Ganun ba?" Tumango naman siya. Hinawakan ko ang eyeglass at pinindot ang isang maliit na button sa gilid at itinapat ko yun sa kanya.

"Tara na" Aya ko kaya naman dumeretso na kami sa cr. Pagkadating ko dun ay pumasok na ako. Ni lock ko ang pinto at pagkatapos ay tinanggal ko ang isang earring sa tenga ko. Naghanap ako ng maliit na button pero wala naman akong makita. Kinapa ko ang jacket ko dahil baka may makita ako hanggang sa may napansin ako sa may leegan ng jacket na isang napakaliit na bilog at mukhang maga gamit ko ito. Kaya naman pinindot ko ito at bigla naman may red na umilaw sa button.

"Hello?" Pagsasalita ko. Pero walang sumagot.
"Hello?" Pag uulit ko.
"Oh?" Buti naman at may sumagot.
"Sino to?"
"Aliyah bakit?"
"Iyah! May sasabihin ako sayo"
"Ano un?"
"May operation sila na isasagawa ngayon. Pupunta sila sa mga kalsada at ki-kidnapin nila ang mga bata na hihigit sa dalawampu ka bata. Ang sabi samin ni tigre. Kukuhanan daw nila isa isa ang mga bata ng dugo at kapag may nag positive sa test nila ay ibig sabihin nun ay siya ang apo ng kung sino. Hindi niya sinabi. Pero kapag negative ang iba ay kukunan nila ng organ at i bebenta."
"Sasabihan ko ang taga R.K tungkol dito"
"May dapat ka pang malaman"
"Ano un?"
"May nakilala akong baguhan dito at siya ang ka-isa isang kapatid ng bagong leader ng red puma. Na kuhanan ko siya ng litrato gamit ang eyeglass."

"Hindi kapa ba tapos diyan?"
"Sege na. Bye na" Sabi ko sabay pindot ulit ng button. Lumabas ako na nakahawak sa tiyan ko.
"Okay kana ba?" Tanong niya sakin.
"Oo. okay na ako, salamat" Kaya naman bumalik na ulit kami. Pag kabalik namin ay umupo na ulit ako sa tabi ni jake.
"Andyan na ang van. Labas na kayong lahat" pasigaw na sabi ng isang kasamahan nila kaya naman tumayo na kami. Lumabas na kami at pag kadating namin sa labas ay dalawang van ang nandon. Bago kami pumasok sa loob ay binigyan na muna nila kami ng pantakip ng mukha para di nila kami makilala at pumasok na kami.

Makalipas lang ang isang oras na byahe ay nakarating kami sa isang kalsada na may madaming bata ang nandon. Pamilyar sakin ang lugar nato at nakalimutan ko lang kung saan to. Kaya naman hinawakan ko ang eyeglass at pinindot ang maliit na button. Kinunan ko ng litrato ang lugar. After 1 minute ay lumabas na sila at kaming apat ay huling lumabas.

"Waaahh" Kinuha nila ang mga batang umiiyak. Kadalasan sa kinukuha nila ay lalaki. Lalaki ba ang hanap nila? Sino naman kaya ang tinutukoy nila?
"Hawakan mo ito" Utos sakin ni gross kaya naman hinawakan ko ang bata. Pag tingin ko sa bata ay si...Cloud? Anong ginagawa niya dito?
"Kuya, Kuya," Umiiyak na tinatawag niya ang kuya niya kaya naman napatingin ako sa tinatawag niya at nakikita ko si kendrick na nag pupumiglas sa pagkahawak ng isang kasamahan namin at mukhang nasasaktan siya.

Gusto ko mang tulungan sila ay baka mabuko kami ng taga red puma.
Naaawa ako sa mga batang ito. Lalo na kay cloud at kendrick. Kitang kita ko sa mga mata ni cloud ang takot. Pinahidan ko ang mga luha sa pisngi niya. Napatingin naman siya sakin na may pagtataka.
"Ipasok niyo na ang lahat" sigaw ni gross.

Bigla naman may umalingawngaw na tunog ng pulis

"Bilisan niyo!!" sigaw ni gross kaya dali daling ipinasok nila ang mga bata. Si Jake ang nakahawak kay kendrick kaya naman.
"Bitawan mo siya" Mahinang sabi ko kaya naman binitawan niya at inilayo at hindi naman siya napansin. Bibitawan ko na sana si cloud at tatakbo na sana siya papalapit sa kuya niya ng bigla nalang may nakapansin sa kanya kaya hinawakan ang damit niya at pinipilit na ipasok sa luob.
"Kuyaa!! Kuya!! Huhuhu"
"Tumahimik ka kung ayaw mong masaktan" At tumahimik naman siya. Ipinasok na siya sa loob.
"Cloud" Sigaw ni Kendrick at lalapit sana siya ng bigla nalang nag paputok ng baril si gross kaya napahinto siya at napatakip sa tenga niya.

Nag sidatingan ang mga pulis kaya pumasok na kami at may naiwan pa sa labas.

BANG BANG BANG

Nag putukan sila sa labas. Katabi ko ngayon si cloud at tinakpan ko ang tenga niya.
"Huhuhu" umiiyak ang mga bata at natatakot ako sa gagawin ng taga red puma sa kanila.

Nagbarilan parin sila at may namatay na dalawang kasamahan namin. Kaya sumakay na ang iba. Hanggang sa paandarin na nila ang sasakyan at ang mga may hawak na baril ay nakikipag barilan sa mga pulis. Wala na akong narinig na putukan kaya naman tinaggal kona ang kamay sa tenga ni cloud.

"Naka sunod ang mga pulis" Dinig kung sabi ng driver. Inilabas ni gross at ng isang kasamahan namin ang kamay nila at pinag babaril niya ang mga pulis na naka sunod samin.
"Ayusin mo ang pag-asinta mo" utos ni gross.
"Opo" Sagot niya.
"Iligaw mo sila" Utos ni gross sa driver kaya niliko liko niya ang manobela at halos ma hilo na ako at hindi kona alam kung nasan kami.
"Nasapul ko ang isa"
"Sapul ang gulong ng isang sasakyan ng police. May dalawa pang naka sunod" Sabi ni gross.

Niliko na naman ng driver ang van.
"Bilisan mo!!" Sigaw ni gross. Si tigre ay nasa isang van at si gross naman ang nandito. Binilisan naman niya.
"Ito! Ihagis mo ito" Utos ni Gross sa isa pa naming samahan. Binuksan niya ang maliit na pinto sa ibabaw ng van tsaka niya inilabas ang kalahating katawan niya at ibinato niya ang bomba sa kamay niya patungo sa mga pulis kaya..

BOOM💥

Ang sakit sa tenga!!. Napatakip ako sa tenga ko dahil sa lakas ng impact non sa tenga ko. Bumaba naman siya.
"Huhuhhu"
"Waaahh"
Baka na trauma na tong mga bata na ito dahil sa nangyayari ngayon.
"Hindi na nila tayo nasundan" Sabi ni gross sabay sara ng pinto.
"Pano nalaman ng mga police na may operation tayo ngayon?"
"May malapit kasing police station doon sa kalsada" Sagot ni lucas.
"Bwesit! Bakit ngayon mo lang sinabi?" Pasigaw na tanong ni Gross.

"Hindi niyo naman sinabi kung saan tayo mangi ngidnap ng bata" Napasabunot nalang siya sa buhok niya.
"Pero okay nayun. At least may nakuha tayong mga bata at hindi nadin nila tayo nasundan" Nakangising sabi niya.
Dumeretso na kami sa sinasabi nilang warehouse ng redpuma. Pagkadating namin don ay may nagbukas ng gate kaya dumeretso na ang van. May nakabantay sa kahit anong sulok ng lugar. Huminto na ang van at binuksan na ni Gross ang pinto sabay baba.

"Baba na" Sabi niya at natatakot naman silang bumaba.
"Sabing baba eh" Sigaw niya kaya naman umiiyak na bumaba ang lahat.
"Samahan niyo silang ihatid ang mga bata sa kwarto" utos samin ni gross kaya naman nag simula na kaming maglakad.

Nakarating kami sa isang room at ipinasok sila don.
"Ikaw ang magbantay sa labas ng pinto" utos ni gross sa isa namin kasamahan. Pinalabas na niya kami kaya naman lumabas na kami. Tinanggal kona ang pantakip sa mukha ko. Nag lalakad na kamng apat.
"Naaawa ako sa mga bata" paninimula ni alexander.
"Tama ka. Ako din, tapos si cloud ay nasali din. Sana naman hindi sila gawan ng masama ng red puma"
"Kapag nag positive ang isa sa kanila. At negative ang iba ay kukuhanan sila ng organ para i benta."

"Wala silang kasing sama. Pati bata dinadamay sa mga kalokohan nila. Kapag nakita ko talaga yang bagong leader ng red puma. Uupukan ko talaga yan. At sisiguraduhin kong ililibing ko siya ng buhay" Asik ni jake.
"Sinong ililibing mo ng buhay? At sinisigurado mong magagawa mo yun?" Napatingin kaming apat sa harap namin at nakita namin si Tigre at kasama niya si wind.
"Ahh yung nakasagutan ko kagabi...Tama! Sa isang bar. Naiinis kasi ako sa kanya eh. Kaya gusto ko siyang ilibing ng buhay" Pagpapalusot ni jake.
"Diba nasa bahay ka ni john kagabi dahil may okasyon na nagaganap kasi birthday ni John?"
"Ahh ano...Pagkatapos ng party niya ay dumeretso ako sa bar kasi may kikitain ako don" Pagpapalusot naman niya.
"Well..Wag na nating pag usapan, gusto lang namin kayong imbetahan mamaya sa kitchen para makapag lunch" Nakangiting sabi niya. Tumango lang kami.

"Mauna na kami sa inyo" Sabi niya at umalis na kaya naman nag lakad na ulit kami.

CONTINUED...

Sino ang mag papa dedicate?
Comment you UN para ma ilagay ko sa next chap

Thank you

Continue Reading

You'll Also Like

582K 16.3K 35
She's bitch and She's Demon Don't mess with them, Because if you do YOUR DEAD!!! Bitch is her name and Demon is her name
1.7K 187 31
Ang kwentong ito ay nakabase sa matatag na pagkakaibigan. Ngunit pano kong subukin ng isang huwad ang pagkakaibigan niyo. Ano kaya ang gagawin mo? At...
105K 3.7K 50
BOOK 2 of TNITLP "The Revenge"
2.8M 103K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...