Doctor Next Door(COMPLETED)

By AnnieF_30

169K 4.7K 381

WARNING|| MATURE CONTENTS Bettina Mijares decided to live alone away from her father.Kung kailan akala niya... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12(SPG)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22(SPG)
CHAPTER 23(SPG)
CHAPTER 24

CHAPTER 20

5.8K 172 12
By AnnieF_30

Nagawi ang tingin niya kay Giu nang tumikhim ito. Alanganin itong ngumiti sa kanya.

"Ahm, can you at least add something on her name? I mean from our name maybe?"

"No", seryosong sagot niya. "Kung gusto mo gumawa na lang kayo ng babae mo ng sa inyo tapos ikaw ang magpangalan",walang prenong wika niya. Wala itong karapatang magdemand kahit asawa na niya ito.

"Nambabae ka Giu?" Nangongomprontang tanong ng ina ng lalaki.

"Mom, of course not!" Tanggi naman ng asawa na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Anong hindi? Hindi nga ba hindi ka umuwi kagabi dahil kasama mo ang babae mo? At ako, mag isa sa bahay tulog ang katulong!"

Napasapo na lang sa ulo ang lalaki. Akmang bubuka ang bibig nito para magpaliwanag ay siya namang pag iyak nang sanggol sa kanyang tabi. Marahan niya itong tinapik-tapik ngunit hindi pa rin tumatahimik.

"I think she's hungry", masuyong wika ng asawa.
Asawa. Kahit ayaw niyang tanggapin,nagsusumigaw pa rin ang katotohanang kasal siya sa lalaki lalaki at mag asawa sila. "You need to feed her."

Napatikhim siya. At sa harap nito magpapadede siya? Aba masaya ito. Nakaramdam marahil ang dalawang kasama nila na aalma na naman siya kaya madaliang nagpaalam si Rafa ng hindi pa niya ito nakakausap. Kasunod naman nito ang ina ni Giu na nagbilin pang kailangan niyang ipahila kay Giu ang kanyang utong para umano maayos ang pagkakadede ng kanilang anak.

"Is it really necessary?" Kagat labi niyang tanong. Ang tinutukoy niya ay ang paghila na sinasabi ng ina ito.

"Yeah... Because it's your first time. Baby girl could not suck the whole thing."

Huminga muna siya ng malalim bago inayos ang pagkakatagilid saka itinaas ang blusa. Kung mag iinarte pa siya magugutom na ang kanyang anak. Ang lalaki na ang nagtanggal ng pagkakahook ng kanyang bra.
Nang hawakan nito ang kanyang utong ay sabay silang napaigtad. Ang hatid na init niyon ay pamilyar.

Mabilis niyang ipinilig ang ulo at pilit na itinuon ang pansin sa sanggol na umaatungal na kanina pa.

"I think she's really hungry",nasambit niya. Mabilis itong kumuha ng tissue at binasa ng tubig saka ipinunas sa paligid ng kanyang dibdib.

"Now, you can feed her", masuyong sabi nito.

Unang lapat ng bibig ng anak ay mainit lang sa pakiramdam. Naluha siya dahil sa hindi maipaliwanag na ligaya. She's having her baby now. And happiness is overloading deep within her heart.

"What is the complete name of your mom?" Nagawa niyang itanong sa lalaki na hindi tumitingin dito.

"Tanya Amelia",sagot nito.

"Let's name her Xandra Amelie then", mahinang sabi niya.

"A-are you sure?" May galak sa boses nito. Marahan siyang tumango at marahang ipinikit ang mga mata.

"I wasn't home last night because I was trying to finish all my work and transfer it to Sheerina", pagkuway basag nito sa katahimikan. Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Hindi naman siya humihingi ng paliwanag dito kung tutuusin. "I didn't sleep the whole night just to finish it until dawn. I want to focus on you that's why. Gusto ko kasi pagkapanganak mo ako lang yung mag aalaga sayo at kay baby. Please stop thinking that I am womanising."

Nakonsensya naman siya sa akusa niya rito. Ngunit hindi kasi mabura sa isip niya ang sinabi ni Sheerina.

"Kahit sino pwede mong pagdudahan but not Sheerina please", pagpapatuloy nito. Doon na napaangat ang tingin niya rito.

"Iba ang nagdududa kesa sa narinig mismo ng tenga ko Giu. And please it's fine. Do what you want. Wala akong pakialam."

"Sheerina told me she'll just wait for our annulment. Why don't you give her what she want? She's seems to be head over heels in love with you. She don't even keep her distance from you even you're married."

"She's just my friend Bettina. You don't have to get jealous of her."

Saka tumimo sa kanyang isip ang mga salitang binitawan. She sounds like a jealous wife. Iniwas na lamang niya ang tingin dito ay niyuko ulit ang anak.

"I'm not jealous. Ang akin lang, bago ka magloko sana hindi ka nalang muna nagpakasal."

Namagitan ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Saka ito malakas na bumuntung-hininga bago siya hinarap ulit.

"Can we at least give it a try, please?"
Napailing siya. Nakakatakot ang nais nito. Nadala na siya.

"Para saktan ako ulit?"

Umiling ito ng sunod-sunod. Inabot ang kanyang pisngi. "It'll not gonna happen. I promise."

"Walang assurance na hindi ako masasaktan ulit Giu", nababahalang wika niya. "Dahil sa kabila ng lahat ng pananakit mo sa akin ay hindi pa rin nabura ang pagmamahal ko sayo. Pero hanggang doon lang iyon. Please lang, tama nang pinatawad na kita. Sana naman marunong ka nang makontento."

Sa haba ng sinabi niya ay tanging halik lang sa labi ang isinagot nito. Nalasahan niya ang maalat na likidong iyon. Nang buksan niya ang mga mata ay lumuluhang mata ng lalaki ang bumungad sa kanya.

He's crying and she don't understand why. Hindi naman ito nagsasalita pero umiiyak lang. Kasabay nang pagbitiw nito sa kanyang mga labi ay niyuko din nito ang anak at masuyong hinalikan sa noo.

"Thank you for this wonderful gift."

_______

It's been a week. Wala siyang choice kundi umuwi sa bahay ni Giu. Kahit papano ay nagiging civil na siya dito. Pinapakita nito lahat ng pagpapahalaga sa kanya at sa kanilang anak.
Ang anak nila ang dahilan kung bakit hindi na siya laging nag iisip ng hindi maganda. Ito rin ang dahilan kung bakit nabura ang mga bagay na kinikimkim niya noon. She had forgiven her father, her family. Dahil hindi na niya makapa ang galit na namamahay sa kanyang puso. Ang pumalit doon ay pawang pagmamahal sa kanyang anak. Ganon pala kapag naging isa ka ng ganap na ina. Nakakalimutan mo lahat ng sama ng loob kahit gaano pa man kasakit iyon.

But she still can't able to trust her heart with Giu. Nakikita niya kung paano ito nagsisikap ngunit nanatili ang pader na inilagay niya sa kanilang pagitan. Panahon nalang ang makakapagsabi kung kailan iyon matitibag.

Matapos nitong palitan ng diaper si Xandra ay tumingin ito sa kanya. Napapagitnaan nila ang anak.

"Can I... Sleep here tonight?" Nag aatubili pa ito. Alanganin itong napangiti sa kanya at napalunok. "I- I just want to sleep beside her. And beside you."

"You can sleep beside her. I can occupy the couch",kaswal na sagot niya.

Natigilan naman ito. Napalitan nang lungkot ang anyo nito kaninang masaya.

"Bakit ang layo-layo mo pa rin?" Malungkot ang boses na tanong nito.

"Gaano ba kalapit ang gusto mo Giu?" Kunot-noong tanong niya. Ayaw niya niya ang tinatakbo ng usapan nila.

"Kulang pa ba? Ano bang gusto mong gawin ko pa para maging okay tayo? Ginawa ko naman lahat diba? Hanggang kailan ka ba ganyan?"

"Bakit, napapagod ka na ba? Pwede naman kaming isauli sa bahay nila Daddy",mababa ang boses na sabi niya. Hangga't maaari ay ayaw na sana niyang makipagtalo rito. Ngunit ito rin pala ang hindi makontento.

"My brain ask me to trust you again Giu. But my heart refused to. Alam mo iyon, kahit gaano mo pa pala kamahal ang isang tao, kapag ang tiwala na ang nasira, ay mahirap na muling buuhin. You made me like this Giu."

"Look", pagpapatuloy niya. "I'm not mad anymore if that's what you think. Nagiging civil naman ako sayo diba? You can be a good father to Xandra but you don't need to act like a good husband to me. Things doesn't go the way you want it."

"I just want to make her feel that she's growing up with a family that full of love Tina. That's why, even it's make me tired I'm still trying. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko? Tanggapin mo lang ako ulit sa puso mo? Because Tina, your coldness is killing me."

Natahimik siya. Nasasalamin sa mukha nito ang paghihirap. Iniwas na lang niya ang tingin at itinuon ang tingin sa kamay ng anak. Saka marahang nilaro-laro iyon. Natatakot siyang isipin kung ano ang magiging bukas nila sa piling ni Giu. Hangga't hindi nawawala sa isip niya ang reputasyon nito bilang babaero noon ay hindi siya lubos na magtiwala rito. Diba nga at palagi pa ring nasa paligid si Sheerina? Who knows, marerealized na lang nito na mas mahalaga pala ang kababata nito kesa sa kanila ng anak niya? At paano pala kapag bumigay siya ulit? Tapos mauulit na naman ang nangyari?
Totoo nga ang kasabihan, you can forgive,but you can't able to forget.

"I think we really need space",mabigat ang boses na sabi nito. Sabay buntung-hininga. Alam niyang naubos na ang pasensya nito.

"Yeah, I thought about that too", mahinang sang ayon niya. Una pa lang dapat ay naisip na nito iyon. Masyadong mabilis ang lahat. Nagpakita lang ito ay agad silang nagpakasal ang nagsama sa isang bubong. Kung siya lang, hindi mangyayari ang bagay na iyon. But she was being manipulated by their parents.

"I think that was really what you want. I feel that may presence is suffocating you",sabay tayo nito. At tinungo ang pinto. Alam niyang masama ang loob ng binata base na rin sa reaksyon nito.

"I'm sorry", mahinang sambit niya. Ngunit pagsara na lang ng pinto ang kanyang narinig. Mabilis niyang pinahid ang luha nang akma na naman iyong malalaglag. Kailangan niyang panindigan kung ano man ang desisyon. Kailangan nilang lumayo muna sa isa't-isa para makapag isip.

______
Kinaumagahan nga ay nandoon ang kanilang mga magulang para sunduin silang mag ina. Maluwag na ngiti ang isinalubong sa kanya ng ina ni Giu. Iniisip kasi ng dalawa na magiging busy lang si Giu at kailangan niya ng makakasama sa pag aalaga kay Xandra. Naging kaswal pa rin sila sa harap ng mga magulang sa kabila ng malamig na pakikitungo sa kanya ng asawa. Pilit niyang inignora ang pinong kurot na iyon. Mas mabuti ng ganito. She's safe. Her heart is safe.

Sa ilang araw na nandoon sila sa bahay ng kanilang mga magulang ay kibuin dili siya ni Giu. Bakit umaakto itong pa victim? Na para bang ang laki ng kasalanan niya dito? Papasok ito sa silid nilang mag ina at makikipaglaro kay Xandra na para bang wala siya sa paligid.

Fine! Akala ba nito apektado siya? Nunca! Mas mabuti na nga ganon sila para hindi siya mahulog sa patibong nito.

He stay there for the whole day tapos uuwi ito sa bahay nito nang walang pasabi sa kanya. Ano pa bang ipinagpuputok ng butse niya? Diba ito naman ang gusto niya? Bakit siya naiirita? Sa inis niya dito ay hindi na niya napigilan pang hindi kumibo.

"When we'll be going to annul our marriage? Baka naiinip na si Sheerina."

Napaangat ito ng tingin sa kanya. Dahan-dahan nitong inilagay si Xandra sa crib nito na nakatulog na pala sa bisig ng ama. Binalingan siya nito pagkatapos.

"Will you stop bringing Sheerina's name everytime we talk?" Salubong ang kilay na sabi nito. Matigas ang bawat pagsambit nito ng salita at alam niyang hindi nito nagustuhan ang lumabas sa kanyang bibig. " Kung gusto mong makipaghiwalay sa akin you don't have to use other people as an excuse."

"Why not?" Patutsada niya. "Oh, hindi mo pala alam na may lihim na pagsinta sayo yang kababata mo slash kinakapatid?"

"What the hell are you talking abou?" Tiim bagang na sambit nito.

Pait siyang napangisi. Hindi nga nito alam.

"Actually Sheerina is just waiting for our annulment. She's confident that one day you will come back to her. Please, grant her wish. I know you like her too."

Napasapo ito sa ulo. Halatang pinipigilan ang magtaas ng boses. Inilagay nito ang magkabilang kamay sa beywang at galit siyang hinarap.

"Is that what you want? You're really trying my patience woman. Yan ba ang gusto mo? Puwes ibibigay ko sayo!"

Saka walang paalam itong lumabas ng silid nilang mag ina. Tiningnan niya ang oras. Mag aalas siyete na ng gabi. Alam niyang kasama nito si Sheerina na pumunta doon dahil nasilip niya ang dalaga kanina na kausap ang kanyang madrasta.

Damn, bakit ba kasi hindi niya maamin sa sarili na nagseselos siya?
Sumilip siya sa bintana nang makitang umilaw ang kanilang bakuran. Sa pinagsisihan din niya.
The view is breathtaking but deadly.
There, Giu is hugging a woman na alam niyang hindi niya mapapantayan sa buhay ng asawa. They look perfect. Parang dinaklot ang kanyang puso nang yumuko ang kanyang asawa at hinalikan ang kayakap nito. Hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha.

Hindi ibig sabihin na wala siyang pakialam ay hindi na siya nasasaktan. That's it, siya naman ang nagtulak dito na gawin iyon she should be happy. Hindi dapat siya nasasaktan dahil siya ang may gawa non sa sarili niya. Sinunod lang ng lalaki ang gusto niya, ano pa bang iniiyak-iyak niya?
Dahil mahal pa rin niya ito. Her love for him never fade away. Magkaiba naman kasi ang pagmamahal sa responsibilidad. Giu was just taking his responsibility. Hindi siya kailanman nito mamahalin. Kaya niya pilit dinidistansya ang sarili dito dahil natatakot siya para sa sarili. That she might fall too hard at masasaktan na naman ulit.

Natatakot siyang masaktan ulit. Alam niya kung gaano siya kahina pagdating sa bagay na iyon. Saksi ang bawat sulok ng unit ni Rafa kung paano siya muntik na sumuko. It was her baby who saved her. Xandra was the one who saved her from killing herself. Tuwing naaalala niya ang mga gamot na ininom ay gusto niyang saktan ang sarili. Paano pala kung nalaglag ang bata kung sakaling na overdose siya? Hindi sana niya ito mayayakap ngayon at mahagkan.

The pain Giu had cause, was too traumatic for her. Lumayo na lamang siya sa bintana at pilit na inignora ang bagay na iyon na nakita. Maybe they deserve each other. Hanggang doon na lang talaga siya. Hindi siya mahal ng lalaki, ni hindi nga siya gusto. Dahil kung may nararamdaman ito sa kanya, hindi ito susuko.

She need space.

_______

"Spain?" Gulat na sabi ng kanyang ama. Kasalukuyan silang nasa hapag nang subukan niyang magpaalam. Wala doon ang asawa nito. "Ang layo naman anak. Mapapalayo kami kay Xandra."

Dalawang buwan na ang kanyang anak. At mahigit isang buwan na rin nang tuluyan silang maghiwalay ng ama nito. Of course their parents was against of it pero wala nang nagawa ang mga ito nang parehong sila na ni Giu ang nagdesisyon. Pasalamat na lang niya at hindi na ito nagpilit pa.

Ang custody nang bata ay napag usapan naman nila ng maayos. Hanggang umabot sa tamang edad ang kanyang anak ay sa poder niya ito. But of course, hindi naman mawawala ang pagbisita doon ni Giu. Mag asawa ang mga magulang nila kaya hindi na nahirapan sa pag uusap tungkol sa pagdalaw nito sa anak. He can visit her daughter anytime. At hindi mawawala ang kaibigan nitong halos kapit sawa kung makakapit kay Giu.

Habang lumalaki ang kanyang anak ay unti-unting lumalabas ang totoong kamukha nito. She's exactly like the female version of Giu. Saka lang nila napansing wala palang nakuha mula sa kanya ang anak.

Continue Reading

You'll Also Like

81.2K 1.7K 54
"I think my heart stopped, OMG! he's the one" Yan ang tanging nasabi ni Elleonor Reyes a.k.a Ellie ng makita ng dalawang mata nya ang nag iisang la...
97.3K 936 26
SINFUL NIGHTS SERIES 3 R-18 | Mature Content "I fucked different women countless times , but to be in the top of you and thrust inside of you, always...
895K 24.2K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...
15.4K 321 29
♡ Heart Series 2 ♡ Good thinking can result to a good decision making. Ni minsan ay hindi ka nagkakamali sa mga desisyon mo kasi pinag-iisipan mong m...