Watthell

By -Aishie

2.2K 1K 951

Wattnote is a community to read and write stories with a billion users. But not everyone knows that Wattnote... More

Watthell
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17

Kabanata 16

30 19 0
By -Aishie

Halos matanggal ang bathrobe na suot ko dahil sa ginawa ni July.

Nakaibabaw siya ngayon sa akin, pero imbis na kiligin ay napasigaw ako.

Napasigaw ako nang makita ang isang lalaking sasaksakin si July sa kaniyang likuran.

Ito pala ang dahilan kaya nagpagulong-gulong kami. Marahil ay nakita niya ang reflection ng lalaking 'to sa salamin kaya agad siyang umiwas.

Muli kaming gumulong kaya hindi kami natamaan ng lalaki ito.

Bago pa makalapit muli ang lalaki sa'min ay tumayo na si July at hinawakan ang aking kamay.

"Hide in my room. Lock it!" utos niya ngunit napailing lang ako.

"Ayaw ko . . . Hindi kita iiwan."

"Go!" bulyaw niya saka hinarap ang lalaki.

Hindi ko pa rin sinunod ang utos ni July at nagtago lang sa likod ng malaking sofa.

Sinisilip ko sila at nakikita kong nahihirapan na si July dahil may hawak na kutsilyo ang lalaki, samantalang si July ay kung ano na lang ang makuha sa paligid para mapangharang lang niya sa kutsilyo.

Pero hindi ko inasahan na magaling pala itong makipaglaban.

Oo nga pala, noon na rin niya akong niligtas. Wait, tatanga na lang ba ako rito?

Nilibot ko ang tingin sa bahay na 'to at nakita ang golf club sa may bandang gilid.

Agad akong tumakbo papunta ro'n at kinuha ito.

"July!" sigaw ko at agad itong napatingin sa'kin. "Salo!" Binato ko sa kaniya ang golf club ngunit palpak.

Dahil tinamaan ko lang siya sa ulo.

"Hala, sorry..."

Napadaing si July sa sakit nang tumama ito sa ulo niya. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang lalaki.

Ngayon ay nakapaibabaw na 'to kay July at gigil na gigil ang mga kamay sa pagsaksak dito.

Nanginginig ang mga braso ni July na pinipigilan ito. Ngunit unti-unti nang lumalapit ang patalim ng kutsilyo sa leeg ni July.

Hindi p'wede!

Agad akong tumakbo sa kusina at kumuha na ng kutsilyo. Akmang babalik na ako sa sala nang mapatingin sa kutsilyong hawak ko.

Nabitawan ko ito at nanginig ang mga kamay. Parang sobrang nato-trauma pa rin ako sa paghawak ng kutsilyo.

Hindi ko kaya!

Napailing-iling ako. Lumingon ako sa kusina at napagdesiyunan na kawali na lang ang aking gagamitin.

Malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko saka muling bumalik sa salas.

Patuloy pa rin sila at pilit na pinipigilan ni July ang lalaki.

Dahan-dahan akong lumapit sa likod ng lalaki sabay malakas na hinampas ang kawali sa ulo niya.

Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ko ay natumba ito at nabitawan ang hawak na kutsilyo.

Nilapitan ko agad si July at tinulungan na makaupo. "Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko.

Tumango siya sabay ginulo ang buhok ko na parang bata.

Nagagawa niya pa rin ngumiti kahit na nagtamo siya ng iilan sugat.

Itatayo ko na sana siya nang bigla niya akong kabigin palapit sa katawan niya gamit ang kaliwa niyang kamay.

At ang kanan kamay niya ay mabilis na dinampot ang kutsilyo na nasa lapag at . . .

Dahan-dahan akong napalingon sa aking likuran.

Napasigaw agad ako dahil sa nakita.

May mga dugo.

Sinaksask ni July ang lalaki.

Nagawa pa palang tumayo ng lalaki habang nakatuon na ang pansin ko kay July. Buti na lang at nakita niya 'to at naunahan.

Ngunit nadumihan tuloy ngayon ni July ang kaniyang mga kamay.

Nag-aalala akong tumitig sa mga mata niya. Nginitian niya lang ako. "It's okay."

"July!" sigaw ng taong kakapasok lang ngayon dito sa loob ng bahay. Si NP.

Bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. Natataranta siyang lumapit sa'min.

"What happened here? I heard someone ye─ Oh fuck!" Nanlaki ang mata ni NP nang makita ang lalaking nakahandusay sa sahig.

Agad niya 'tong pinulsuhan at nakahinga naman siya nang malalim dahil buhay pa 'to.

"Call an ambulance, Blue," malumanay na utos ni July.

So Blue pala ang pangalan ni NP? Dahil ba kulay asul ang mga mata nito?

Habang wala pa ang ambulansya, sinimulan ko nang gamutin ang iilan sugat ni July.

Hindi naman ito gano'n kalaki at kalalim. Nagagawa na ngang ngumiti ng lalaking 'to.

"Thank you, Abree. And sorry 'cause you're already late now."

Napasinghap ako sa sinabi niya at agad na napatingin sa oras sa aking cell phone.

"Shit! Nakalimutan kong may pasok nga pala ako." Nataranta ako bigla at hindi na alam ang uunahin.

Napatawa naman nang bahagya si July dahil sa inaakto ko.

"Don't worry, I'm still going to dro─"

Hindi natapos ni July ang sasabihin dahil dumating na ang ambulansya. May mga pulis din itong kasunod.

Mabilis nilang kinuha at sinakay ang lalaki sa ambulansya.

At ngayon ay kinakausap na ng mga pulis si July.

Kami ni Blue ay narito lang sa gilid. Hindi pa rin kasi ako makaalis dahil sa labis na pag-aalala.

"By the way, why are you here?" nakangising tanong ni Blue sa'kin. "And you're only wearing a bathrobe, huh?"

Sinamaan ko agad ng tingin ito dahil sa hindi magandang tumatakbo sa kaniyang isip.

"Ang dumi ng utak mo."

Napatawa siya sa sinabi ko. "Why? I'm just asking. Pero hindi ba natuloy dahil sa lalaking 'yon?" pang-aasar pa nito.

Kung close ko lang ang taong 'to ay kanina ko pa 'to nabatukan.

"Ewan ko sa'yo. Magpinsan nga kayo ng lokong 'yon," inis kong sabi sabay inirapan 'to.

Muli lang tumawa si Blue at nagsalita.

"But you know what, this is not the first time this has happened . . . It always happens. Sometimes to me and sometimes to July."

Binaling ko ulit ang tingin sa kaniya na may halong pag-aalala.

"Pero bakit?"

"They are also a writer in Watthell like you. Maybe that's their task came from bullshit readers who really hate us." Napatawa siya. "They call us boring and KJ, so we deserve to die."

"Palibhasa, mga demonyo kasi sila," nakakunot noo kong tugon.

"Yes, they are evil. Kaya nga ang sabi nila sa'min, an angel like us have no place in Watthell." Tumawa na naman itong muli.

Hindi ko alam kung dinadaan na lang ba nito ni Blue sa pagtawa ang kanilang problema.

Ilang beses na palang nalagay sa kapahamakan ang kanilang buhay pero heto pa rin sila, patuloy na tumutulong sa mga writer ng Watthell.

Napakabuti ng dalawang magpinsan na 'to, kahit na parehong may sapak minsan.

Nang makaalis ang mga pulis ay agad na tinapon ni July ang sarili sa malambot na sofa. Tila ba pagod na pagod sa nangyari.

Nilapitan namin siya agad ni Blue.

"What a tiring day!" Napabuntong-hininga si July.

"Anong sabi ng mga pulis sa'yo?" ani ko.

"Blue, let's go to our rest house . . . Wanna come, Abree?" pagbago nito sa topic at tila hindi pinansin ang sinabi ko.

"Nahihibang ka na ba? Nakikita mong may pasok pa ako 'di ba? At sabi mo i-ihahatid mo ako..."

"Yes, I will . . . Tomorrow," tugon niya sabay tawa nang malakas na sinabayan pa ni Blue.

"Ewan ko sa inyo. Aalis na ako. Nasa'n na ba 'yong damit, nang makapagbihis na ako?"

"Wait, Abree." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. "Please, just this once..."

"Here we go again," singit ni Blue sabay upo sa sofa. Halata ang pagpipigil nito ng tawa.

Hindi 'to inintindi ni July at nanatiling nakatitig sa'kin.

"I owe you my life and I want to thank you . . . You can bring a friend along if you want to," seryoso niyang sambit.

Kanina lang pangiti-ngiti 'to, ngayon ang seryoso na agad.

Pero bakit tila bumilis ang tibok ng puso ko? Parang sinasabi nito na sumama ako, ngunit ang sinasabi naman ng isip ko ay huwag.

Ano ba, Abree?

"Good idea, July," masayang saad ni Blue. Tumayo siya at lumapit sa'kin. "Abree, please invite Lorynn to join us . . . This will be fun!"

Parang bata si Blue sa sobrang kasiyahan. Abot hanggang tainga ang ngiti nito at kulang na lang ay magtatalon siya sa saya.

Napailing na lang ako at binaling ang tingin kay July. Sumalubong sa'kin ang matatamis niyang ngiti.

Heto na naman ang mga ngiti na 'yan. Bakit ba parang nahi-hypnotized ako sa tuwing nasisilayan 'yan?

Nanatili akong nakatitig sa mapupula niyang labi at biglang naalala ang naganap kanina.

Iyong muntikan na kaming mag-kiss ngunit naudlot pa. Bigla tuloy akong napahawak sa labi ko ngayon.

"Don't worry, Abree. I'm going to continue that..."

Napabalik ako sa ulirat nang bumulong sa'kin si July. Nasa may tainga ko na pala ang mukha niya habang ako ay nakatulala at nakahawak pa rin sa labi.

Namula at nag-init agad ang pisngi ko dahil sa kinilos kong 'yon.

Shit! Bakit ba kasi nakahawak pa 'ko sa labi ko? Nahalata niya kaya ang pagtitig ko sa labi niya? Ano ba, nakakahiya!

Dahil sa sobrang kahihiyan ay napayuko na lamang ako at tumalikod sa kaniya.

Narinig kong tumawa siya nang bahagya sabay kinalabit ako. "Hey, I'm just kidding."

Hindi pa rin ako humarap kay July. Hiyang hiya talaga ako.

Muli akong pinilit nito, at pati si Blue ay namilit na rin dahil gusto niya daw na makasama si Lorynn.

Dahil sa kakulitan ng dalawa ay wala na akong nagawa kung hindi ay sumang-ayon na rin.

Sana naman ay hindi ako magsisi sa pagsama ko sa dalawang 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

17.5M 656K 66
So she tasted the deep pain that is reserved only for the strong. Crimes. Clues. Mysteries. Deductions. Detective Files (File 3) Written by Shinichi...
7.6M 260K 81
A school where killing is the only way for the students to graduate. Four Factions, Four Captains, One weapon. Date Started: March 2017 Date Finished...
24.8M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...