AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 8: Trying to Escape
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 10: She's Deeply Happy
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 13: Feelings2039
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 31: First Mission
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 33: Second Mission
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 35: He's Wise
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 56: Planned 1.2

179 12 0
By iamTinnaii

NAKATANGGAP ng text si Amore galing kay Regor. Niyayaya siyang magpunta sa beach resort nito sa Laguna. Mag-i-istay sila roon ng tatlong araw. Nakakapagtataka naman ang biglaang pagyaya nito. Hindi nito gawain ang magyaya ng bakasyon.

"Anong sabi Amore? Bakit parang biglaan naman yatang nagtext siya at nagyaya ng mag-beach kayo? Duda ako diyan!" singit ni Scarlett na nasa tabi niya.

"Ewan ko. Duda rin ako. We need to be prepared in case, may binabalak siyang hindi maganda."

Kumunot ang noo ni Scarlett. "Hmm? Pag-isipan mo nang mabuti. Baka patibong lang ito. Matagal siyang nagtago kaya tiyak na naghanda siya laban sa'yo. Hindi naman nalalayo na may alam na siya tungkol sa'yo, lalo na sa pagpapapanggap mo bilang si Mariposa. Hindi na safe ang alibi mo," paalala pa nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga. "Sige. Gagawa na ako ng paraan para diyan. Gusto kong makasigurado. Magtatanong ako kay Ezekiel ng tungkol dito, malay mo may alam siya."

"I suggest magsuot ka ng bullet proof. O di kaya'y tracking device sa damit mo."

"Okay. Gagawin ko iyan. May naisipan na akong magandang plano," wika niya saka nag-killer smile. May naisip siyang magandang plano. Pero ang tanong mas maganda pa ba ito sa plano ni Regor laban sa kaniya?

Pinaalam na rin niya ito kina Astra at Dindo. Bukas na bukas ay dadating sila.

Nag-ring ang cellphone ni Amore. Si Regor ang tumatawag. Kailangan na nito marinig ang desisyon niyang sumama mag-bakasyon ng tatlong araw.

"Yes, darling. I will go with you. I want to enjoy at the same time I miss you so much." Parang masusuka siyang pinakinggan ang mga sinasabi niya. Kung kay Liam baka mapatalon pa siya sa subrang tuwa.

"Oh, I love it. See you tomorrow. I'll pick up you from your house."

"Sure."

Pinutol na ni Regor ang tawag. Subra siyang nainip.

"No, it can't be. Tomorrow? Oh gad. I'm not prepared," Amore hissed.

Dinukot ulit ang cellphone at tinawagan si Astra. Hindi na sila pwedeng bukas pupunta ng hideout. Dapat ngayon na. Tuso talaga itong si Regor. Inagad-agad niya ang lahat para hindi na siya makapaghanda.

"Astra. Pumunta kayo dito ngayon. Kung hindi puwede na dalawa kayo, si Dindo iwan mo na lang. We need to plan, as soon as possible."

"Okay. Ako na lang ang pupunta. Nasa bahay siya nila sa ngayon. Nasabi ko na rin sa kaniya na mag-ingat dahil nakabalik na si Regor. Okay, see you."

"Okay. Bye!"

Bumuga siya ulit ng hangin. Lumapit si Scarlett sa kaniya. Nag-aalala din ito para bukas. Nasi-sense nito na may hindi magandang mangyayari.

"Okay ka lang ba?"

Tumango siya."Bukas, hindi ka kailangan na sumama sa location. Baka makita ka ni Regor doon. Si Astra ang isasama ko at ang dalawa pang mga kasamahan natin. Sila ang magsisilbing look out ko. If ever. Sana maintindihan mo."

"Pero Amore, mas mabuti na sasama ako."

"Huwag na. Dito ka na lang. Mas safe dito saka kaya ko ang sarili ko."

"Eh, hindi naman kita kayang pabayaan na lang. Baka mapahamak ka? Amore, isama mo na ako. Promise hindi ako lalapit sa inyo. Sa malayo lang ako at babantayan kita. Sige na payagan mo na ako. Please!"

"Scarlett," wika niya saka pinagmasdan ang kaibigan. Nag-mamakaawa siya. "Sige na nga. Basta ipangako mo na sa malayo ka lang. Okay?"

"Salamat. Okay!" Napuno na ng saya ang mukha nito ng pumayag na si Amore. Gusto lang naman niya masigurado na ligtas ito. Nang barilin siya ni Regor ng ilang beses ay buti na lang masuwerte siyang nabuhay kaya hindi na niya kayang makita na ang kaibigan ang malalagay sa panganib ng dahil sa  paghihigante nito. Marami nang nadadamay.

Bandang alas-dose ng gabi nang dumating si Astra.

Nag-usap sila agad at nagplano.

"Okay, Amore. I'll be there. Hindi ka namin hahayaang masaktan ng lalaking iyon. Sana nga mahuli namin siya bukas. Sana makiki-ayon ang panahon."

"Sana nga. Mag-disguise na lang kayo bukas na mga turista. Sa kabilang resort na lang kayo magcheck-in. Private kasi ang resort ni Regor kaya hindi kayo puwedeng makapasok doon. Gumamit na lang kayo ng telescope para makita kami ng malapitan. Saka huwag kalimutan ang mga sinabi ko. Bawat senyas na ginagawa ko ay may katumbas na kahulugan, huwag ninyong kalimutan."

"Okay. Copy!" sabay nilang sagot.

"Well, I have to go home now. Doon niya ako susuduin eh. Baka maghinala na talaga siya kapag wala ako doon. Sige, magkita na lang tayo sa location. I'll already told you the details. Don't forget. I'll go ahead."

Umalis na si Amore. Umuwi siya sa apartment niya.

Nag-usap din sina Astra at Scarlett ng mga gagawin nila bukas. Kailangan nilang maging handa sa anumang oras. Kilala nila si Regor kaya hindi sila dapat makampanti.

KARARATING lang ni Amore sa apartment niya. Naiinip siyang umupo sa couch pagkatapos ma-i-lock ang pintuan.

"Sana walang masamang nangyari kay Liam. Almost a month ko na siyang hindi nakaka-usap. Si Lita siguro busy rin siya. Ano ba ang mga dapat kong gawin bukas? Hmm."

Tumayo siya at tinungo ang kuwarto niya. Kinuha niya mula sa ilalim ng higaan niya ang 38 caliber na armas niya. Tiningnan niya ito. Kumpleto ang bala.

"Humanda ka bukas Regor. Hindi kita hahayaang gumawa pa mg kasamaan."

Napailing siya. "No, hindi ko pa siya pwedeng patayin. Marami pa akong gustong malaman. Gusto ko ring malamang ang katotohanan sa pagkamatay ng ama ko. Anong kinalaman niya sa kaso ng Daddy."

"Kailangan kong bigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Kaya humanda ka Regor. I'll make you pay! Naniniwala akong may kinalaman ka talaga. Oo may mga bagay akong hindi natatandaan pero malakas ang kutob ko na may kinalaman ka."

Naikuyom niya ang mga palad. Isinilid niya sa bag niya ang baril niya. Baka naisipan niyang dalhin ito bukas. May iilang gamit pa siyang dinala. Mga maliliit ang mga iyon pero mga deadly weapon. Pwede niya iyong gamitin ano mang oras na nanganganib siya.

Hindi siya pwedeng magsuot ng bullet proof kapag yayain siyang magswimming.

Umupo siya sa kama niya. Nagtatagis ang mga bagang niya sa galit.

Napaisip siya. "Kung magkapatid sina Liam at Regor paanong hindi ko nakilala si Liam noon? Hmm. As what Liam told me already, half brother niya si Regor."

Napailing siya. "Aist. Anong paki-alam ko. Kung anong relasyon mayron sila. Pero nakakapagtaka. Gusto ko rin iyang malaman ng husto."

Napabuntong hininga siya. Humiga na siya sa kama niya. Gusto niyang makatulog na. Ayaw niyang mapagod at baka wala siyang lakas para bukas.

Nagising si Amore sa tunog ng busina ng kotse. Bumangon na siya at tiningnan kung sino. Si Regor na iyon. At sa hindi kalayuan may dalawang kotse na nakaparada. Baka mga tauhan niya.

Dali-dali na siyang naligo at nagbihis saka binuksan ang pinto at lumabas na ng bahay.

"Good morning Darling, I'm sorry ha. Nakatulog ako ng mabuti. Hindi ko agad narinig ang busina ng kotse mo."

"Ayos lang. Sige sumakay ka na." Pinagbuksan siya nito ng kotse.

"Okay. Thanks."

Pumasok na rin ito. "Let's go."

"Sure."

"Mariposa, na miss mo ba talaga ako? Kasi ako miss na miss kita."

"Aba siyempre. Kong hindi kita na miss edi hindi ako sasama sayo ngayon. Ikaw kasi ang tagal mong nawala. Saan ka ba kasi pumunta?"

"Nagpahagin lang. May mga bagay na inalam. Ikaw?"

"Wala naman. Busy rin ako. May mga businesses kasi akong binabalak."

"Good."

" Bakit mo naman naisipang yayain ako magbeach ngayon?"

"Well, because I miss you so much. At besides gusto kong makasama ka. Gusto kong bumawi."

"Tse . Bumawi o patayin ako Regor," Sabi ni Amore sa loob-loob niya. "Really? Ikaw talaga. Thank you."

NAKARATING sila agad sa resort nito. Maganda ang lugar at ang view. Mukhang paradise pero ang may-ari ay demonyo. Sayang naman ang lugar na ito.

"Wow, ang ganda dito. Ano ba ang mga gagawin natin dito? Maliban sa magswimming?"

"Well, maglalayag tayo. May nakahanda na akong yate dito. Baka bukas na lang iyon. Diba maganda kapag ganuon?"

Ngumiti siya ng hilaw. "Oo nga...gusto ko talagang mag-enjoy."

"Medyo tanghali na naman kaya kakain muna tayo. Mamayang hapun na tayo magswimming. Mainit na eh."

"Sure."

"Dito ka na muna. Kukuha lang ako ng pagkain."

Tumango siya at inihanda ang sarili. Iginala niya ang paningin sa paligid. May katabing resort itong resort ni Regor. Nakita niya mula sa malayo sina Astra. Naka-position naman. Tinaas niya ang mga kamay indikasyon na nakita niya ang mga ito.

Bigla niyang ibinaba dahil paparating si Regor. Inayos niya ang pagkaka-upo at ang sarili niya.

"Are you okay? Nakita kitang itinaas ang mga kamay mo. Namamanhid ba dahil sa biyahe?"

"Ah, medyo." Pakunwari niya.

"Okay. Magpamassage ka na lang mamaya. Okay let's eat. Baka gutom ka na talaga."

"Okay. Sure. Talagang bumabawi ka ha."

"Of course. Special ka sa sakin eh. " Espesyal daw? Ass ka pa!

Habang kumakain sila ay iginagala niya ang kanyang paningin. Kailangan niyang pag-aralan ang lugar. Hindi siya dapat makuntento sa ganuong set up.

"Are you okay? Parang balisa ka ah? Masakit ba ang mga braso mo?"

"Medyo. Pero okay na ako. Hindi na kailangan na ipa-massage ako. Okay lang to. Mamaya wala na to kapag makaligo na ako sa dagat." Ngumiti siya para makumbinsi ang lalaki. Ayaw niyang magpa-massage baka may mangyayari na hindi maganda sa kanya.

"Well, okay. After this lunch pahinga ka muna. Mamaya na lang tayo magswimming kapag hindi na mainit.

" Sure."

" Tapusin mo na ang pagkain. Masarap iyan. Pinahanda ko pa iyan sa personal Chief ko. "

"Tatapusin ko to o ako ang matapos? Baka may lason pa ito?" Ngumiti siya saka tumango. Ngumiti din si Regor. Smells something fishy kasi napaka-sweet nito ngayon. Well saan pa nga sabot ito, hindi ba? May masama talaga itong plano.

Matapos kumain ng dalawa ay inihatid niya sa room nito si Maripusa. Nang iwan siya ni Regor ay tinawagan niya sina Astra. Pina-alam niyang dapat na maghanda para bukas. Hindi maganda ang kutob niya. Naghanda na rin ang mga kasamahan ni Astra sa kabilang resort.

Nakatulog siya at nagising sa katok na nagmumula sa pintuan. Si Regor ang kumakatok.

Binuksan niya ito at nakasuot na siya ng swimsuit. Napanganga ang lalaki ng makita siya sa ganuong ayos. Sexy at nakakaakit.

Hinalikan siya ni Regor pero ilang sandali ay iniusog niya ang sarili. "Let's go. Mawawalan na tayo ng gana na maligo kapag hindi pa tayo aalis"

"Okay" napakamot sa bagok niya si Regor habang sinusundan ang babae.

Nakarating na sila sa tubig. Masarap maligo dahil hapun na at hindi mainit. Lumangoy siya ng lumangoy. Tinatanaw lang siya ni Regor.

"Sige lang mag-enjoy ka muna Maripusa. Bukas na bukas mawawala ka rin lang naman. At mamaya sisiguraduhin kong makukuha din kita," wika ni Regor habang pinapanuod ang babae.

Nang sumapit ang gabi ay nag-camping sila sa may gilid ng resort. Naalala tuloy niya ang time na magkasama sila ni Liam.

"Liam kaunting-kaunti na lang. Mapapabagsak ko na siya." Sabi ng utak niya.

Iniwan muna ni Regor si Maripusa sa may tapat ng camp fire. May kinuha muna siya sa loob ng beach house niya.

"Boss, tutuluyan na ba natin?"

"Huwag muna. Bukas na lang. Kailangan ko pa siya mamaya. Ayaw ko namang hindi mapakinabangan ang babaeng iyan. Ang dami ng nawalang pera ko dahil dyan."

"Okay, boss."

Bumalik sa campsite nila si Regor may dala na itong mga bote ng beer. Balak sigurong lasingin si Maripusa para magawa na niya ang kanina pa binabalak.

"Lets drink," sabay about ng note ng beer sa kanya. Tinanggap naman niya. Okay lang silyado pa naman. Binuksan niya ito gamit ang kutsara sa harapan niya. Kumain na kasi kanina pa.

"Nagandahan ka ba dito?" tanong ni Regor.

"Well oo, maganda. Napakaswerte ng babaeng papakasalan mo."

"Sabihin mong swerte ka dahil ikaw iyon." At nambola pa siya.

"Talaga?"

" Yes," ngumiti ito ng nakakaloko.

"Sige bulahin mo pa ako. Akala mo maloloko mo ako?" sabi ng kabilang utak ni Amore.

"Let's drink. Let's enjoy. "

Makikita sa mukha ni Regor na lasing na siya. Hinalikan niya si Maripusa ng husto pero itinulak niya ito.

"Why? Ayaw mo bang halikan kita?"

"Uhmm," hinalikan niya ulit si Maripusa. Tinugon niya ang mga halik nito habang pinupwesto nito ang isang injectable medicine na kung ituturok niya sa kahit ninuman ay makakatulog.

Kinapa niya ang bandang likuran nito saka unti-unting itinutok sa lirunan nito.

Nasa hita na niya ang kamay ng lalaki. Hinihimas nito ang gitna niya. Hindi na niya matiis kaya isinaksak na niya ang injectable medicine kay Regor.

"Fuck, Maripusa what are you doing?"

"Shhhh, just take your rest now."

Nakatulog si Regor at agad na lumapit ang mga tauhan niya.

"Tulog na siya. Subrang lasing na. Dalhin niyo na siya sa kuwarto niya." Utos niya sa tauhan nito.

Pumasok na rin siya sa room niya. Galit an galit siya sa nangyari kanina. " Shit! Ang manyak mo Regor... Bwesit ka!!!"

Nakatulugan niyamg masama ang loob... Kung gugustihin niyang mapatay ang lalaki ay pwede niyang gawin pero hindi pa rin no ya napapa-amin. Mababaliwala ang mga plano niya kapag pinatay na niya ito ngayon. Kailangan pa niya ng matibay na ebidensya para mapakulong ang lalaki. Gusto niya mabigyan ng hustisya ang ama.

Continue Reading

You'll Also Like

375K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
885 343 33
"So your willing to let go of the person you love Mr Sarmiento?" My teacher immediately ask before i could speak. "Yes po" "And why is that? Your jus...
70.1K 7.2K 45
Seeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it c...