"GODDAMN IT! Sino ba talaga ang kumakalaban sa akin? Bakit hindi ko sila mapuksa?"galit na galit na wika ni Regor. Kahit nag-hang out na sila ni Maripusa ay hindi pa rin nawala ang galit niya. Malaking kawalan ang nangyari.
Matapos niyang makita sa balita na winasak at ni-raid na naman ng mga pulis ang mga negosyo niya at tila nawawalan na siya ng katinuan.
"Ezekiel? Halika rito!" tawag niya sa lalaki.
Agad na pumasok sa silid nito si Ezekiel. "Yes, Boss?"
"Ano na nahanap niyo na ba ang mga salarin? Ano na? Unti-unti na nila akong ginagago at pinapabagsak wala ka pa bang gagawin?" Galit nitong tanong sa lalaki. Halos mabingi na si Ezekiel sa pagsisigaw nito.
"Pasensya na sir. Masyadong maingat ang grupo ng mga kababaihan na kumakalaban sayo. Parang napakalaki ng grupo nila at hindi namin agad mahanap ang lungga nila."
"Do I need to go somewhere, to hide or whatever? What should I do now? Kaunti na lang ang pera ko. Hihintayin ko pa bang maubos ito ng dahil lang sa mga walang hiya na mga iyon?"
"The best thing you should do is to go somewhere. Gawin nito yan. Mas nakakabuti na magtago po muna kayo." Suhestiyon nito.
"Pero baka isipin na talaga ng mga kaaway ko na duwag ako at basta na lang nagtatago." Parang isip bata na wika nito.
"Don't think about that sir, mas importante na maging ligtas ka. Hindi ka naman na dawit sa kaso eh kaya don't worry. Gagawan na namin iyan ng paraan."
"Okay. Itutuloy ko ang pag-alis. Aalis ako bukas. Pupunta ako ng States. Nakapagpa-alam naman ako kay Mariposa. Paki-bantayan mo siya at paki-trace up ng babaeng iyan. Duda na ako sa kanya. Simula ng makilala ko siya sunod-sunod na ang kamalasan ko."
"Sige po. I'll take charge of that. Ipapa-book ko na ba ang ticket ninyo?"
"Huwag na. Hindi na ako pupunta sa States baka malaman pa ng mga kaaway ko. I will go somewhere na ako lang ang nakaka-alam. Sige lumabas ka na. Kailangan ko munang magpahinga. "
"Opo. Uuwi na po ako ngayon. Pwede ba sir?"
"Sige. Bibigyan kita 1 week na leave."
"Talaga? Salamat sir," sunod na lumabas na ito.
"Saan ka ba pupunta? Parang umiba ang ikot ng ulo nito. Gash. I need to tell Amore about this." Kinuha niya ang phone para i-text ang babae sa nalaman nito.
Diretso na itong umuwi ng bahay pagkatapos. Nahalata niyang may nakasunod sa kanya at alam niyang tauhan ito ni Regor.
Hahanap na lang siya ng tiyempo para makapunta sa hideout nina Amore. Sa ngayon ililigaw muna niya ang mga ito.
Tuso talaga si Regor. At baka naghihinala na rin ito sa kanya. Pagkarating niya ng bahay ay timing na may inihandang tanghalian ang mga kapatid niya.
Naisip niyang mamayang gabi siya pupunta doon para maiiwasan niya ang mga tauhan ni Regor.
"Kuya. Napa-uwi ka ah? Hindi ka ba busy?" Tanong ng nakababatang kapatid niya.
"Hindi. Wow, timing pala ang dating ko dahil may nakahain ng pagkain."
"Oo nga. Tara na kumain na tayo. Gutom na ako."
"Sige." Naupo na ito sa silya. "Kamusta nga pala ang pag-aaral ninyong dalawa? Tahimik si Bunso ah"
"Okay lang kuya. Last semester ko na lang. Makakapagtapos na ako ng college. Next time ako na naman ang nagpapaaral kay Bunso."
"Ayos lang din ako kuya. Next year college na rin ako. Don't worry mag-aaral kami ng mabuti. Para next time hindi kana mahihirapan."
"Asus. Dapat lang. Tama na nga baka magdrama na naman tayo. Kumain na tayo."
Walang kaalam-alam ang mga kapatid niya sa trabaho niya. Itinago niya ito para hindi sila magtampo sa kanya. Ang lahat ng pinapa-aral niya sa mga kapatid ay galing sa masama. Galing sa sweldo niya sa pagtatrabaho mula Kay Regor.
Hindi naman niya masisisi ang mga kapatid kung magtampo o itaboy siya ng mga ito sa oras na malalaman na nila ang totoong trabaho nito. Hindi pa siya handa para sabihin ang lahat. Saka na lang siguro pag nahuli na si Regor.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpahinga siya. Minanmanan muna niya ang paligid pero wala na ang tauhan ni Regor. Mabuti at umalis na. Hindi na ito maghihinahala sa kanya.
Sa susunod na bakasyon sa skwelahan papa-alisin muna niya dito sa Manila ang mga kapatid niya para maging safe. Silang tatlo na lang iniwan kaya ipinangako niyang aalagaan niya ang mga kapatid. Siya ang tumayong magulang sa dalawa.
Matapos magpahinga ay nag-ayos siya. Nakatulog pala siya ng mahaba. Madilim na ng magising.
"Kuya saan ka pupunta? May trabaho ka ba o may kikitain?" tanong ng kapatid niya.
"Oo. Bukas na ako uuwi. Kapag may naghanap sa akin sabihin mo na may inasikaso akong mahalagang bagay."
"Opo. Mag-ingat ka kuya. Hindi ka na kakain bago umalis?"
"Hindi na. Kayo na lang ni Bunso. Kapag may mga taong maghahanap sa'kin na hindi ninyo kilala huwag nitong pagbuksan ha."
"Bakit naman?" kuryusong tanong nito.
"Basta. Huwag kayong magtiwala baka magnanakaw."
"Sige. Bye kuya. Ingat," Sabi nito saka kumaway.
Sumakay si Ezekiel sa motor nito. Sa likuran siya dumaan baka may nagmamanman ulit sa kanya.
Mabilis nitong pinaandar ang motor niya kaya mabilis siyang nakarating.
Nadatnan niya agad ang tatlo na nag-uusap.
"Ezekiel, may alam ka ba kung saan siya pupunta bukas? Sa US ba talaga?" Agad na tanong ni Amore.
"Hindi. Pero wala akong alam. Hindi niya sinabi. Dati sinasabi niya sakin pero ngayon hindi na. Baka naghihinala na siya sa akin. May nakasunod sakin kanina. Pero hindi nila ako nadakip umuwi ako ng bahay kaya hindi na ako minanmanan."
"Sh*t! Kailan siya aalis?"sabad ni Scarlett. Subrang galit na galit ito.
"Sabi niya bukas pero siguro kanina pa lang umalis na iyon."
"Bwesit hindi pwede. Wala ba tayong gagawin, Amore what should we do?"
"Wala. Hindi na muna natin siya pag-aaksayahan ng oras. Maghanda tayo baka may mga binabalak din siya laban sa atin."
"What? Ano ba Amore? Pwede naman natin siyang patayin agad ah. O sana pinatay mo na siya ng magkasama kayong dalawa." Tumaas ang boses nito.
Nagulat nga si Astra sa inasta ng babae.
Pinakalma ni Ezekiel si Scarlett at si Astra naman kay Amore.
Hindi nito maintindihan ang totoo nitong pakay kung bakit hindi pa niya pinatay si Regor. He wants him alive para malaman ang totoong nangyari sa ama niya, kung bakit ito namatay.
"Excuse us. Amore tara na. Galit lang siya. Huwag na tayong mag-away."
"Okay. Tara." Bumuntong-hininga ito saka tumalikod. Sumama ito kay Astra sa likod doon sa gym niya. Gusto nitong ilabas ang galit niya at inis.
"Bwisit. Argh. Kailan pa?" Sigaw nito sabay sipa sa punching bag. Galit na galit siya dahil wala siyang nagawa.
"Amore. Relaxed. Hindi tayo ang dapat na nag-aaway. Mas dapat na magplano tayo kaysa na mag-away."
"Okay. I'm sorry."
Habang sina Scarlett at Ezekiel ay nagtatalo.
"Tapatin mo nga ako Ezekiel? Kampi ka ba talaga sa amin o hindi? Bakit wala kang ginagawa? Huh?"
"Oo naman. Hindi madali ang iniisip mo. Si Amore nga nahihirapan na patayin siya habang hindi pa nito nakukuha ang hustisya sa pagkamatay ng ama niya. Just calm."
"Calm? Paano ako kakalma? Malapit na nga, pero ito palpak."
Nilapitan siya nito. "Oh, bugbugin mo ako kahit anong gusto mo. Mawala lang ang galit mo. Hindi mo dapat sinabihan ng ganun si Amore. Ayaw lang niya na malagay tayong lahat sa alanganin."
Sinuntok-suntok naman ni Scarlett ang dibdib ng lalaki sabay iyak. Galit lang siya dahil tatakas ang lalaki at hindi agad siya makakaganti sa ginawa ni Regor dati sa kaniya.
"Iyon lang ba ang kaya mo? Sige pa."
"Bakit gusto mong saktan kita? Okay lang ba sayo?"
"Oo naman basta mawala lang ang galit mo. Okay lang sakin. Alam mo namang ikaw ang nagpapawala sa sakit na nararamdaman ko. At wala nang masakit nang malaman kung binaril ka ni Regor na wala akong nagawa."
Bahagyang lumayo si Scarlett sa lalaki. "Teka, ang drama mo ah. Anong pakialam mo sa akin? Matagal ko nang sinabi sayo di ba?"
"So ano? Handa naman akong maghintay. Sige na huwag ka ng magalit. Humingi ka na ng tawad kay Amore. Hindi maganda na kayo-kayo rin mismo ang nag-aaway. Kapag nalaman iyan ng kaaway mas matutuwa iyon."
"No need to apologize, Scarlett. Tama ka naman in. May kasalanan din naman ako. Pero pangako. Next time I'll do it better," wika ni Amore mula sa likuran nilang dalawa. Okay na ito matapos ilabas ang galit at sama ng loob. "Well, tama ba ang narinig ko Ezekiel? Hindi ba ako nanaginip?" dagdag pa nito.
"Amore naman. I'm sorry. Huwag mo nang pansinin si Ezekiel. Nagdadrama lang iyan. Engot kasi eh."
"Hindi iyon drama. Totoo kaya iyon." Pagbibiro ni Amore Kay Scarlett.
"I smell something fishy," panunukso rin ni Astra na lumapit na rin sa kanila. "So, bati na kayo? Dapat na one team, one goal tayo. Okay?"
Pinamulahan naman ng pisngi si Scarlett. Napangiti naman si Ezekiel saka si Amore ay pinipigil ang sarili na matawa. Alam niya na kasi na may pagtingin si Ezekiel kay Scarlett dati pa kahit hindi pa ito nagtapat sa kaniya.
"So, dahil okay na tayong lahat. Let's eat. Gutom na ako. Ayaw kong ma-stress di pa kaya gumagaling sugat ko," yaya ni Astra sa tatlo.
Dapat naman talaga na hindi sila nag-aaway at nagpapadala sa kanilang mga emosyon. Marami pang pagkakataon at hindi sa lahat ng oras ay susuwertehin pa si Regor. May tamang panahon para makulong o mapatay ito.