AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 8: Trying to Escape
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 10: She's Deeply Happy
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 13: Feelings2039
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 31: First Mission
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 33: Second Mission
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 56: Planned 1.2
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 35: He's Wise

194 15 0
By iamTinnaii


NAISIPAN ni Liam  pumunta sa Tinagong isla ngayong umaga para bisitahin ang lugar upang makapag-relax at makapagmuni-muni.

Nagluto siya bago umalis at si Maricar, ang nanay ni Lita, ay nandoon na rin para magbantay ngayon ng carinderia. Hindi na kasi bumalik si Lita sa pagtatrabaho sa kanila dahil naging busy na ito. Magsisimula na ang klase nila kaya ang kaniyang ina na ang pumalit sa kaniya.

Inihabilin na lang niya kina Tiyo Gusting at Aling Maricar na sila na muna ang bahala sa carinderia.

Maaga pa siyang umalis para sa tanghali ay makabalik siya agad. Ginamit niya ang bangka ni Tiyo Gusting dahil simula ng umalis si Amore ay hindi na ito nangingisda muli.

Pagkarating niya sa may pampang ay agad na tumambad sa kaniya ang mga illegal fishers na gumagamit pa ng mga dinamita sa panghuhuli ng isda.

Biglang kumulo ang dugo niya sa kaniyang nakita. Sino nga ba ang nagbigay ng permiso sa mga ito?

Pag-aari na ni Amore ang isla kaya walang sinumang maaaring sumira sa maganda nitong kaanyuan at maging ang mga tahanan ng mga isda.

Likas na maganda ang isla pero kapag pinabayaan at sinisira ay talagang papangit na ang biodiversity rito. Mamamatay rin ang mga maliit na isda at masisira ang mga corals.

Nag-isip siya agad  ng mga plano kung paano niya mapapaalis sa isla ang mga illegal fishers.

Wala na siyang ibang maisip maliban sa kausapin ang mga iyon.

Nilapitan niya ang mga ito at nagulat bigla ang mga illegal fishers.

Sunod ay nagsipag bulungan na parang may binabalak na masama.

"Hoy, anong tinitingin-tingin mo sa amin, ha?" pasigaw na tanong nang isa.

Hindi siya sumagot.

"Hoy, sino ka ba bakit ang sama mong makatingin sa amin,  ha?" sabad ng isa pa.

"Wala naman. Nandito lang naman ako para paalisin kayo rito sa Tinagong isla. Pagmamay-ari ko ito kaya may karapatan akong paalisin kayo rito. Isa pa, illegal ang paraan ng inyong pangingisda. Iyan ay labag sa batas kaya pakiusap umalis na kayo at itigil na ninyo ang mga ginagawa ninyo. Sinisira ninyo ang mga corals at pinapatay ninyo ang mga maliliit na isda," pahayag niya, pinagtawanan lang siya ng mga taong 'yon.

"Aba! Sino ka para sabihin iyan sa amin? Matagal na kaming nangingisda rito at wala ni isang nagpaalis sa amin dito. Oh, sabihin mo man na ikaw ang may-ari ng islang ito ay wala kaming pakialam!" sabad nang mukha yatang lider nila.

"Pakiusap po, umalis na kayo. At huwag na po ninyong balakin na mangisda pa rito dahil tatawag ako ng coast guard para ipahuli ko kayong lahat. Marami akong pera kaya puwede ko kayong ipahanap at ipatimbog kong gugustuhin ko,"seryosong wika ni Liam na nagmumukha ngang totoo sa pandinig ng mga ito.

Kung alam lang ng mga ito na gawa-gawa lang iyon ni Liam para takutin sila ay talagang hindi sila madadala.

Ang ilan sa mga illegal fishers na kasama ng kanilang pinuno ay natakot sa sinabi niya pero ang lider nila ay hindi pa rin nagpapatinag.

"Boss, umalis na tayo. Parang nagsasabi siya ng totoo. Makikita naman natin sa itsura niya na mayaman nga siya at baka totohanin niyang ipakulong niya tayo. Marami pa akong mga anak na papakainin," wika ng isa nitong kasamahan.

"Ayoko! Mga ugok, mga bahag ang buntot! Takot kayo sa iisang lalaki lang? At hindi naman natin siya kilala, hindi ba? At malayong tagarito iyan sa isla," galit na sigaw nito sa kasamahan niya.

"Talagang ayaw ninyong maniwala? Sige, magsisisi kayo sa pagiging matigas ng inyong mga ulo,"sagot ni Liam, kinuha ang cellphone mula sa bulsa niya. Nagpanggap siyang may tinawagan.

Hindi niya inaasahan na mapindot ang numero ni Lita. Sumagot naman ang babae kaya kinausap na lang niya.

Himala na may mayroong signal. Dahil sa nadiskubre niya ay maaari siyang makapunta ulit dito sa isla para makontak si Amore.

"Opo sir, may mga illegal fishers po rito sa Tinagong isla. Pakipunta po rito at hulihin ninyo ang mga walang hiya na mga taong ito. Mga matatapang po kasi ayaw nilang makinig sa aking pakiusap,"wika niya
habang nagkukunwari na totoo nga. "Lita, pakitawag ng coast guard para mahuli sila. Nandito ako ngayon sa Tinagong isla. Salamat," pabulong niyang sabi kay Lita para hindi marinig ng mga iyon.

Napalunok naman ang mga kasamahan ng mga illegal fishers.

Tiningnan sila ni Liam ng may pang-aasar.

"Oh, ano? Hindi pa kayo aalis? Paparating na sila para hulihin kayo," wika ni Liam na nakita niyang napalunok din ang lider ng mga iyon.

Tumawag ulit si Lita at sinabing papunta na raw ang mga coast guard para hulihin ang mga illegal fishers.

Kasalukuyang nagpapatrolya ang mga coast guard sa karagatan dahil may nakapagsumbong sa kanila na kumakalat daw sa mga isla ang mga illegal fishers.

"Seryoso siya kaya umalis na tayo. Bilis!" sabi ng isa pa nilang kasamahan.

"Hindi, gawa-gawa lang niya iyan. Nasaan ang baril? Ibigay mo sa akin at nang masampulan ko yung lalaking iyan," wika ng kanilang lider.

"Oh, totoo ngang nandiyan na ang mga coast guard. Tara alis na tayo. Patay tayo kapag mahuhuli tayo ng mga iyon. Ang laki ng multa at maaari pa tayong makulong," sabi ng isa na parang naiihi na sa sobrang takot.

"Sige, umalis na tayo, at ikaw lalaki humanda ka, kahit sabihin mo pang ikaw ang may-ari ng isla hindi ako takot sa'yo. Magkikita pa tayo," wika ng lalaki sabay duro sa kay Liam.

Umismid lang si Liam. Ayon tiklop naman pala ang mga buntot. Akala nila kung sino silang matatapang eh, kunting atik lang nadala na sila.

Ang galing talaga ni Liam. Isa na siyang maituturing na magaling na aktor kung artista nga siya.

Oh, di ba? Kung hindi siya magaling umarte ay nahalata na siguro sila ni Tiyo Gusting na nagpapanggap lang.

Hay buhay, ang sarap manapak. Sapakin iyong mga illegal fishers na nagmamagaling. Wala naman magandang naidudulot ang kanilang paraan ng pangingisda. Nakakasira kasi ng marine diversity. Maari naman silang mangisda gamit ang lambat ah.

Mga tunto talaga. Sila pa nga iyong illegal sila pa yung maangas at matapang.

Nang makita ng mga iyon na papalapit na ang sasakyan ng mga coast guard ay mabilis din ang mga itong nagsipag-alisan.

Pagkarating ng mga coast guard sa may dalampasigan ay nagsumbong agad si Liam at mabilis na hinabol ng mga iyon ang mga illegal fishers.

Ayon parang nanunuod lang siya ng isang karera. Napatawa na lang siya sa sarili niya.

Buti na lang at hindi siya minalas ngayong araw. Kung nagkataon ay bugbog sarado siya.

"Oh, thank you Lord. Hindi mo ako pinabayaan," sigaw niya saka pumanhik sa ilalim ng isang malaking puno. Doon ang tambayan nila ni Amore.

Kinuha niya muli ang kaniyang cellphone at tinawagan ang numero ni Amore. Mayroong signal doon kaya pagkakataon na niya itong tawagan at makamusta.

Hindi sumasagot at walang indikasyon na naka open ang cellphone ng babae. Nalungkot ulit siya at nag-isip na naman ng kung anu-ano.

Nagpasya na lang muna siyang umuwi para makapag paalam sa matanda na pansamantala doon muna siya sa isla mamayang gabi.

Nandoon naman ang ina si Maricar kaya may makakasama naman si Tiyo Gusting kapag umalis siya at doon muna sa Tinagong isla manatili.

Mabilis siyang nakauwi at nagsumbong agad kina Gusting ng mga nangyari kanina.

"Oh, Yam bakit nandito ka na? Wala pang tanghali ah?" tanong agad ni Gusting.

"Ah, kasi Tiyo may mga ilegal na mga mangingisda roon at tinakot pa ako, buti lang aksidente kong na tawagan ang numero ni Lita at nakahingi ako ng tulong sa mga coast guard. Ewan ko kung naabutan ng mga coast guard at nahuli ang mga pasaway na mga iyon," anang Liam sa matanda.

"Talaga ba? Mga pasaway na mga illegal fishers na mga iyan. Buti na lang at hindi ka nasaktan. Sige, kapag nakapunta ako sa bayan e-ri-report ko iyan sa gobyerno para mabigyan ng aksiyon."

"Tiyo huwag na, umuwi po ako kasi gusto ko sanang magpaalam na roon muna ako sa Tinagong isla. Mayroon pong signal kaya magbabakasali akong matawagan ang asawa ko at makamusta. Sa susunod ko nalang kayo isasama Tiyo kapag nakatawag na siya."

"Sige, mas mabuti nga. At tiyak na mapapagalitan ko siya. Sige, bumalik ka na doon pero mag-ingat ka baka bumalik ang mga 'yon at gantihan ka," paalala ng Tiyo Gusting.

"Huwag po kayong mag-aalala ako po ang bahala. Sige, hihiramin ko ulit ang bangka ninyo Tiyo."

"Sige, gamitin mo. Hindi naman ako mangingisda pa, sawa na ako at napapagod na rin sa kakahatak ng lambat. Mahina na itong luhod ko,"  pabirong wika ng matanda.

"Sige po. Mag-ingat din po kayo. Babalik ako bukas ng umaga. Aalis na po ako," paalam niya sa matanda. "Aling Maricar, alis na po ako. Pakitulungan ang Tiyo,  Salamat."

Kumaway lang ang babae saka umalis na si Liam.Sumakay sa bangka si Liam at muling nagbalik sa Tinagong isla...

Continue Reading

You'll Also Like

47.4K 1.4K 42
"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner
70.1K 7.2K 45
Seeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it c...
20.1M 701K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
56.5M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...