AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 8: Trying to Escape
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 10: She's Deeply Happy
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 13: Feelings2039
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 31: First Mission
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 35: He's Wise
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 56: Planned 1.2
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 33: Second Mission

204 10 0
By iamTinnaii

NASA Halimuyak Clubhouse na naman si Regor. Dito na siya ngayon tumatambay dahil nadala na siya doon sa unang tambayan niyang club at dito na niya ngayon gustong pumunta. Lalo na't may bago na naman siyang natitipuhang babae.

Humanga siya sa ganda ng hubog ng katawan ni Maripusa at hindi siya titigil na makalapit sa babae para makuha niya ang kanyang ninanais.

Lahat nang gusto niya ay gusto niyang makuha at mapasakanya kaya ngayon ay wala na siyang sasayanging panahon para maisakatuparan niya ang plano niya.

Pero paano kaya niya makukuha si Maripusa? Kung siya lang naman pala ang gusto nitong paikutin sa mga palad nito. Sino kaya sa kanilang dalawa ang magtatagumpay?

Nakaupo sa may harapan ng stage si Regor ito ang kinuha niyang mesa para malapit kapag nagsimula nang sumayaw sa stage si Maripusa.

Nag-order na siya ng iinuming alak at paunti-unti niyang linagok ito habang naghihintay sa babaeng lumabas na nang stage.

Napangisi ito kahit wala pang imahe ng babae na nakikita.

Nakita niyang unti-unting dumarami ang mga tao sa loob ng club na indikasyon na malapit na lumabas si Maripusa para sumayaw sa stage.

Malakas ang naging palakpakan ng umusok bigla ang stage at unti-unting lumalabas ang mga magagandang binibini. Sunod ay ang pinakahuling lumabas ay si Maripusa na nakasuot ng skin tone na damit na akala mo ay wala siyang saplot.

Nagniningning ang mga mata ni Regor habang pinapanood ang ganap sa itaas ng entablado.

Nagpalakpakan ang mga kalalakihan na nandodoon sa bar.

Sino ba kasi ang hindi makukuha ang pansin? Ang ganda ng hubog ng katawan nito, sa balakang palang ay sulit na tingnan sa dibdib ay ganun din. Saan ka pa ba makakahanap ng ganuong ka sexy na babae? Edi sa harap na nila mismo.

Sumayaw ito at naglaro ng mga exhibition sa itaas ng pole.

Napatayo na si Regor sa kinauupan nito dahil aliw na aliw siya sa ginagawa ng babae.

Bumaba na ito sa pole at sumasayaw papunta sa kanyang mesa. Nagpagiling-giling pa ng balakang sa harap ng mesa ni Regor sunod itinapak nito ang kaliwang paa sa mesa ng lalaki.

Napalunok naman si Regor sa subrang pagkamangha.

"Hi, handsome, miss me?" pabulong na wika ng babae sa kanya.

"Yeah, I miss you beautiful," pabulong din nitong sagot.

"Miss, dito ka naman samin sumayaw oh, unfair na sa kanya lang. Pareho naman kaming nagbabayad ah," sigaw ng mga kalalakihan sa di kalayuan ng mesa ni Regor.

Nginitian ito ni Maripusa at binalingan ulit si Regor.

"Handsome, just wait for a while. I'll be back soon," wika nito saka nag-flying kiss sa kanya.

Sinalo naman iyon ni Regor at nag-flying kiss din sa babae.

Sinalo din ng babae at ngumiti.

"I like you Maripusa and I want you to be mine," usal niya saka nagkiller smile.

Si Maripusa naman ay sumayaw sa harapan ng mga kalalakihan na tumawag sa kanya.

Tuwang-tuwa naman ang mga iyon. Mga lango na pala sa alak ang mga iyon.

"Sige pa Miss, sumayaw ka pa," sabi nitong isa sa kanya.

"Sure!" sagot nito saka sumayaw at saka unti-unti nang bumabalik sa may mesa ni Regor.

Nakangisi na naman ito ulit sa kanya.

"Wow, you're really amazing Maripusa. Can I ask your permission to go to somewhere after the show?" sabi ni Regor sa kanya.

"Let's talk about it later, I need to go up stage to finish the dance," sagot nito saka unti-unting umakyat sa stage.

Pagkarating nito sa stage ay nagsilabasan na rin ang mga kasamahan niya kaninang mga babae at saka sumayaw ng pang finale.

Matapos nilang sumayaw ay umusok ulit at pagkawala ng usok ay naglaho na rin silang lahat.

Tumagay muna si Regor ng alak habang hinihintay ang paglabas ng babae.

Nasa backstage naman sina Maripusa at nagbibihis.

"Good job everyone. Ang galing ninyong sumayaw. Magmanman lang kayo sa paligid ha. I'll be gentle in my moves para makuha ko talaga ang loob ni Regor," sabi nito.

"Yes, Maripusa. Magbabantay kami. Galing mo din, sige mag-ingat ka!"

"Huwag kang mag-alala nandito lang kami kapag kailangan mo ng back up. Ang ganda ng bago mong prosthetics, makakapagpalaglag panga kapag makita ng mga kalalakihan," sabi pa nitong isa sa kanyang kasamahan.

"Sige, lalabas na ako. Kayo na ang bahala na bayaran ang manager ng club."

Lumabas na si Maripusa.

Nakasuot ito ng fitted red dress na above the knee, bagay sa kanya dahil mas tumitingkad ang kaputian niya.

"Wow, your so sexy Maripusa" puri ni Regor sa kanya. "By the way, payag ka bang lumabas at magdinner kasama ako?" Sunod nitong tanong.

"Well, gusto ko talaga sana sumama sayo pero hindi pwede walang magbabantay sa nanay ko, may sakit pa rin siya eh. I think tomorrow morning I can go with you. I hope you'll understand me," dakilang alibi ni Maripusa.

"Oh? Sige bukas. Susunduin kita. Bigyan mo ako ng address mo. Okay ba?"

"Sure!" Sagot nito. Wala naman siyang address na maibigay kaya nag-isip na muna siya ng plan A at plan B.

Plan A, ibigay na lang niya ang number niya para makontak ng lalaki o plan B, sa mall na lang sila magkikita para hindi na ito magtanong ng bahay nila.

"Ah, sorry handsome, bawal kong sabihin ang address ko. Heto na lang ang contact number ko",wika niya saka iniabot ang kanyang calling card. "Or else sa Victory Mall na lang tayo magkita, okay ba iyon?",Sabi niya na sana maging sapat na pagdadahilan niya para kay Regor.

"Sure. Pwede. Salamat sa number mo, tatawagan na lang kita bukas kung saan tayo magkikita sa mall"

Ngumiti na man ng pagkaganda-ganda si Maripusa. At ngumiti rin pabalik si Regor.

Sandali silang nagkatitigan, mata sa mata. Hindi naman malalaman ni Regor na siya ito dahil nagsuot siya ng contact lense para maiba ang kulay ng mata niya.

"Wow, ang ganda ng mata mo Maripusa, it's glittering!", puri nito sa kanyang mata.

Ngumingiti lang si Maripusa.

Biglang tumunog ang kanyang cellphone kaya umalis muna ito sa tabi ni Regor at sinagot ang tawag.

Ang kasamahan lang pala niya ang tumawag. May nakita daw silang kasamahan ni Regor na nagmamanman sa paligid.

Pinaalam lang nito na dapat na siyang umalis sa club ngayon din.

Tinapos na niya ang tawag at bumalik na sa mesa ni Regor.

"Oh, what's wrong? Bakit parang malungkot ang mga mata mo?", puna ni Regor sa kanya. May pa iyak-iyak effect pa siyang nalalaman.

"Kasi, kakatawag lang ni Nanay. Pinapauwi na niya ako. Hinahanap na niya ako. Eh, gusto ko pa sanang makasama ka kaya lang uuwi na ako eh", mangiyak-ngiyak na sagot niya sa lalaki. Naniwala naman ito sa kanya.

"Okay, just go home. Take this money", wika nito saka nag-abot ng pera.

"Thank you so much for this, malaki na itong halaga. Sige, bye", wika nito saka humalik sa pisngi ni Regor.

"Bye, see you tomorrow Miss Maripusa, ingat!", pahabol nitong sabi .

Nanatili lang si Regor sa kinauupan niya at inubos muna ng lagok ang kanyang inurder na mga alak.

Nagtataka siya sa ikinikilos ng babae pero hindi na lang niya iyon pinansin.

Pumara ng taxi si Maripusa, doon siya sasakay para kapag may sumunod sa kanya ay hindi siya mabibisto na nagpapanggap lang siya.

"Umalis na kayong lahat diyan sa club at bumalik sa hideout. Ayos lang ako, at sa apartment ako tutuloy ngayong gabi", sabi niya sa mga kasamahan. May hidden camera sila sa bawat katawan nila kaya malaya silang makapagcommunicate sa isa't-isa.

"Opo, mag-ingat kayo. Umalis na naman iyong nagmamanman na tauhan ni Regor. Nag-iisa lang naman ito kanina", pahayag ng kasamahan niya.

Napatingin naman sa kanya ang taxi driver. Akala siguro nito ay nababaliw na siya dahil may kinakausap siya at nakamaskara pa rin siya.

"Ma'am, ayos lang ba kayo?", tanong nito ng mapuna siya.

"Ah, opo. Okay lang po ako. Pasensya na galing kasi ako sa party kaya hindi ko pa natatanggal ang maskara ko", sagot niya.

"Ah, ganun ba? Ang ganda naman ng maskara ninyo. Bagay sa inyo"

"Tika tatanggalin ko na lang Manong", wika niya.

"Ay, huwag na ma'am maganda naman at bagay sayo", puri nito sa kanya.

"Wow, talaga? Salamat po"

"Saan po kayo bababa ma'am?"

"Sa may Golden Gate Apartment Manong, doon ako nakatira"

" Sige ma'am, medyo malapit lang naman pala"

"Oo nga."

Nakarating na siya sa labas ng apartment niyang kinuha. Maganda ang apartment na napili niya.

"Bye, manong driver salamat sa paghatid sakin", wika niya saka bumaba.

"Ma'am, sukli ninyo sa 1k", Sabi ng driver saka iniaabot amg sukli niya.

"Huwag na. Keep the change manong", nakangiting wika niya saka tumalikod na agad.

"Salamat po ma'am", pahabol na wika ng taxi driver.

Pumasok na siya sa loob ng kuwarto niya. Napagod siya sa kakasayaw kanina.

Kailan pa ba niya naging kahiligan ang pagsasayaw? Dati nga naiirita siyang sumayaw kapag sa school program pero ngayon ay talagang pinag-aralan niya para lang sa paghihigante niya.

Tinanggal niya ang maskara at ang prosthetics niya at inilapag sa mesa na katabi ng kama niya.

Napagod siya kaya agad na lang siyang humilata sa kama niya at pumikit ng mata.

"Am, mag-ingat ka kay Regor. Hindi ka niya papatawarin sa tuwing malalaman niya na nagpapanggap ka lang pala at nasa harapan ka na niya ngayon", sabi ni Liam sa kanya na puno ng pag-aalala.

Nakaupo ito sa gilid ng kama niya.

Napabalikwas siya dahil nagulat siyang si Liam ang nagsasalita sa gilid niya.

"Li---Liam? Bakit ka nandito? Paano mo ako nahanap? Papano na si tiyo? Bakit mo siya iniwan?", sunod-sunod nuyang tanong sa lalaki.

Ngumiti lang ito sa kanya.

"Oy, sumagot ka"

"Hindi ko naman siya iniwan basta mag-ingat ka. Dahil sa oras na may masamang mangyari sayo talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko"

"Oo, nag-iingat naman ako ah, I'm almost there kaya don't worry about me"

"Sige, aalis na ako. Basta lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. Maghihintay ako sayo...", Sabi nito saka unti-unting naglalaho kasama ng mga usok.

"Liam, huwag mo akong iwan, mahal na mahal din kita. Liam, huwag kang umalis, Liam...", wika niya habang umiiyak.

Napahawak si Amore sa kanyang dibdib dahil sa nanaginip lang pala siya.

"Panaginip lang pala. Akala ko totoo na, I miss you Liam", wika niya saka tumayo mula sa pagkahiga.

Lumabas siya para uminom ng tubig.

Napaupo siya sa may upuan doon sa may kusina niya at napaisip.

"Liam, I'm sorry for leaving you in the island, i hope you'll remain in there. Huwag ka sanang mag-isip na umalis doon at hanapin ako dahil baka mapapahamak ka lang. Bantayan mo ang tiyo ko, alam kong galit iyon sa ginawa kong pag-alis pero kapag nandidiyan ka ay mawawala rin iyon kahit papaano. Hanggat naniniwala siyang mag-asawa tayo ay buo pa ang paniniwala ko na mapapatawad ako ng tiyo sa pag-alis ko. Please", sambit niya habang umiiyak. Kung anu-ano nalang ang mga nasabi niya.

"Iniisip din kaya ako ni Liam araw-araw? Dahil ako ay iniisip ko siya minu-minuto at nakatatak na siya sa puso ko. Paalam Lyzander, kakalimutan na kita dahil ikaw din lang naman ang bumigo sakin ng mga ipinangako mo sakin. Alam mo masaya na ang puso ko kahit papaano dahil nakilala ko siya. Sana kung nasaan ka man ay masaya ka na rin sa piling ng babaeng minamahal mo", sunod pa niyang wika.

Nakaramdam siguro ulit siya ng pagkaantok kaya bumalik na siya sa paghiga.

Napangiti siya bago ulit pumikit ng mga mata.

"Mahal na mahal kita Liam kaya panagako mag-iingat ako para sayo. Sana mag-iingat ka rin diyan", usal niya saka nakatulog muli.

Ang buhay ay parang fruit salad, na may ibat-ibang sangkap na prutas. Ang mga prutas ay kagaya ng mga pangyayaring kakaiba na siyang nagbibigay lasa sa buhay ng tao. May matamis, may maasim, may mapakla at may walang lasa pero kapag hinaluan ng cream o mayonnaise ay lumalabas ang sarap. Kagaya ng buhay ng tao, kung walang pinatamis na pag-ibig itoy walang saysay. Ito'y kagaya ng bagay na kinakalawang na lang at basta-basta na lang tinatapon na parang basura.

"Life without love is not life at all", isang kasabihan na naalala ko lang sa isang nobela na minsan ko nang nabasa.

Sana magtatagumpay ang mga hangarin ni Amore. At magtatagumpay din siyang maging masaya sa piling ng mahal niya.

Hindi pa naman ending kaya more paghihigante at pag-ibig pa ang darating...

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
72.7K 2.3K 60
This is a Suggestions Story. MARIA IRENE CELESTINA MARCOS-ARANETA everyone!!
70.1K 7.2K 45
Seeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it c...
885 343 33
"So your willing to let go of the person you love Mr Sarmiento?" My teacher immediately ask before i could speak. "Yes po" "And why is that? Your jus...