AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 8: Trying to Escape
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 10: She's Deeply Happy
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 13: Feelings2039
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 33: Second Mission
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 35: He's Wise
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 56: Planned 1.2
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 31: First Mission

202 18 0
By iamTinnaii


MAINGAY ang naging hiyawan sa loob ng isang Club. Marami ang mga taong nakikisaya habang may isang star dancer na sumasayaw.

Marami rin ang mga naghihiyawan at nagkakantiyawan.

Ang iba naman ay mga lasing na kaya napayuko na sa mesa habang natutulog na pala. Ang iba naman ay nagsisipaglandian at nakikipaghalikan sa mga katabi nila.

Busy ang lahat sa kani-kanilang mga ginagawa, walang paki-alaman at ang iba naman ay nakatutok sa star dancer na susayaw sa stage.

Nandodoon din si Regor at nanunuod sa show, nakauwi na siya mula sa States. Wala namang may sumampa sa kanya ng kaso kaya pinili niyang umuwi na lang. Malayang-malaya pa rin siya.

He hates life in States. At mas gusto niya rito sa Pinas dahil para sa kanya dito ang kanyang tirituryo.

Napapakagat-labi siya sa tuwing gumigiling-giling at naglalaro ng sayaw sa pole ang babaing star dancer ng club.

Maputi, sexy at makinis ang balat nito kaya nakuha niya ang atensyon ni Regor. Ganito ang mga tipo niyang babae ngunit nagtaka siya ng kaunti dahil natatakpan ang mukha nito ng isang maskara.

Habang sumasayaw ito ay talagang sinasadya nitong ipakita kay Regor ang legs at cleavage niya.

Nilapitan nito si Regor at basta-basta na lang umupo sa harap ni Regor. Pagkatapos ay tumayo ulit at sumayaw sa harapan niya.

Napangisi naman ng abot tenga si Regor dahil sa ginagawa nitong babae.

"Hey, miss beautiful. Pwede ba kitang maitable mamaya?", tanong niya sa babae dahil hindi na niya mapigilan na mahawakan iyon. Umandar naman ang pagkamanyak niyon.

Lumapit ulit itong babae sa kanya at bumulong.

"Sure, handsome. Just wait until the end of the show", sagot nito saka unti-unting bumabalik sa may stage saka nag-flying kiss pa sa kanya.

"I like her. Ha ha ha", wika ni Regor habang ngingisi-ngisi.

Sumayaw nang sumayaw ulit ang babae at napangisi naman si Regor pero ng matapos ang musika ay basta na lang dumilim ang stage at pagkabalik ng ilaw ay wala na ang babae.

Napatayo si Regor at napahawak sa kanyang ilong. Bigla itong nagalit ng hindi na nakita ang star dancer.

Pumunta siya sa may counter at hinanap agad ang manager ng bar.

"Mr. Manager nasaan na ba ang star dancer niyo kanina. I like her. Magababayad ako ng malaki maitable ko lang siya", sabi niya sa manager na kanina pa namumutla.

"Eh.. si- sir, just wait. Hindi kase tumatable ng customer si Maripusa eh, tanging dancer lang talaga siya", namumutla na talaga itong manager. Hindi niya alam ang isasagot.

"What? Imposible!", Napalakas na ang boses nito.

"It's okay sir, para sa special customer ninyo, i-tatable ko siya. Or shall we say pwede na rin sa private room na lang. Mas mainam doon walang disturbo", singit ng babae.

Mabuti na lang at lumabas na ito dahil kung hindi ay tuluyan nang nangisay sa takot iyong manager.

" No need. Doon na lang sa table ko, I prefer na doon na lang tayo mag-usap miss Maripusa", nakangising wika nito saka inakbayan agad ang babae.

Ngumiti naman pabalik ang babae.

Naging tuso na si Regor at ayaw na niyang kumuha ng private room dahil baka maulit muli ang nangyari sa kanya noon. Mga pulis pala ang mga nagpanggap na bayarang babae.

"Tara na handsome", malambing na wika ng babae saka iginiya siya nito sa mesa niya.

Nagpakawala naman ng ngiti si Regor sa babae.

" I think Miss Maripusa, pwede mo namang tanggalin ang maskara mo para makita ko talaga ang ganda mo, sayang namang takpan iyang maganda mong mukha"

"Handsome, you know hindi pwede eh. Paano na ang identity ko kapag makikita nila ang mukha ko. Nakahiya at baka makita ako rito ng mga kamag- anak ko. Baka sabihin pa nilang isa na akong bayarang babae. In fact, hindi naman. Dancer lang talaga ako rito. At dahil nakita kuta kanina nahuli mo agad itong puso ko"

"Oh come on miss Maripusa, talaga ba?", nagniningning ang mga mata ni Regor habang nagtatanong.

Feel na feel niya ang sinabi ng babae. Ewan naman niya kung totoo nga o hindi. Ang pinakamalaking kahinaan ni Regor ay iyong madali siyang mapaniwala lalo na kapag magaganda at sexy ang umakit sa kanya ay natagang bumibigay siya.

Lumapit si Regor sa babae at muntik nang halikan ang babae pero inilagan nito ang halik niya.

"Why? May magagalit ba sayo? May boyfriend ka na siguro miss beautiful ano?"

"Wala naman pero hindi pa ako nahahalikan ng kahit na sino. Kumbaga virgin pa itong lips ko", malanding wika noong babae.

"Talaga? Eh, iyong nandito oh, virgin pa din kaya?", tanong ni Regor habang hinihimas ang hita ng babe at itinuturo ang sa gitna ng dalawa nitong hita.

Tinapik naman ng babae ang kamay ni Regor. Ngumiti iyong babae at nagsalita.

"Don't do it again. Yeah, I'm physically virgin, why you ask me about that handsome? Hindi ka ba kumbinsido?", Malambing na wika ng babae. Ipinagmamalaki pa daw na virgin ito.

Natawa naman si Regor saka nilagok ang isang baso ng alak.

"Talaga? so, pwede ba tayong lumabas na tayong dalawa lang Miss Maripusa?", tanong nito sa babae. Halata nang lasing si Regor.

"Hindi pwede. Uuwi ako agad maya-maya lang. Baka mag-alala ang nanay ko", sagot nitong babae.

"Okay, sige. Edi eh hatid na lang kita", sumisikdong sabi nito lasing na nga magpepresenta pa. Kahit kailan gag* itong si Regor.

"No need handsome. Sige alis na ako. Sila na ang bahala ang maghatid sayo. Bye", agad na paalam nitong babae.

Dali-daling lumabas ng bar iyong babae at sumakay agad sa may kulay itim na kotse.

"Ayos! Napakagaling mo naman Sapphire. Akalain mo iyon, sumayaw ka pa talaga at nang-akit ng husto sa demonyong iyon", agad na bungad ng babaeng sumundo rito.

"Patikim pa lang iyan Astra. Nasisiguro niyo ba na walang mga kasamahan rito si Regor?", paniniyak ng babae.

"Wala naman. Marami akong pinakalat na mga tauhan at natitiyak nilang wala siyang iba pang mga kasamahan", sagot ni Astra.

"Welcome back Sapphire and pinahanga mo ako", sabat ng babaeng nasa backseat.

"Oh, Trisha nandiyan ka pala. Thanks. Pero alam mo mahirap pala ang sumayaw kesa sa pumatay ng tao. Nakakainis bakit pa ba natin ito naisipan. Sige na. Umuwi na tayo. Napagod ako sa kakasayaw nang ewan basta sinunod ko lang naman lahat ng itinuro noong bakla sakin", sagot ni Sapphire kay Trisha.

"Ang bastos talaga ni Regor, dati noong binigyan ko nang misyon ang mga kasamahan ko muntikan nang makuha ni Regor ang perlas nung isa dahil nawala sa sarili niya noong pinaghahalikan siya nito. Magaling daw magromansa eh kaya nadala siya", pahayag nitong si Trisha.

"Ha ha ha. Talaga ba? So anyare? Hindi ba nila nadakip ang demonyong iyon?", natatawang tanong ni Sapphire.

"Nadakip nila pero siyempre malaki ang mga koneksyon nito sa taas ayon kinabukasan ay nakalabas din. Nagagalit nga ako sa lalaking iyan eh. Ang dami na naming isinakrispisyo madakip lang siya pero hanggang ngayon wala nasa labas parin siya at patuloy na naghahasik ng kasamaan"

"Calm down. May araw din siya. Sa ngayon ay pipilayan lang natin siya ng mga galamay para unti-unti na siyang panghinaan. Alam mo ang mga kagaya niya ay hindi naman dapat patayin o ikulong agad ang dapat na gawin sa katulad niya ay pahirapan ng husto", wika ni Sapphire saka nagkiller smile.

"Tama! Kaya tara na. Umalis na tayo", sabat ni Astra saka pinaandar na ang kotse.

"Si Jasmine pala tumawag sakin kanina. Sa susunod na araw ay babalik na rin daw siya rito sa Maynila", sabat ni Trisha.

"What?", sabay na naibulalas nina Astra at Sapphire.

"Oh, ano naman ang masama dun? Bakit parang big deal sa inyong dalawa ha?"

"Wala naman", unang sagot ni Sapphire.

"Eh, kasi hindi siya ligtas dito sa Maynila eh, kaya iyon!", sunod na wika ni Astra na nag-aalala kay Scarlett.

"Sige, sasabihin ko sa kanya na huwag na muna. Maganda naman ang takbo ng mga plano natin", sabad ni Trisha.

Pinaandar na ni Astra ang kotse at habang nagmamaneho ay nakikipag-usap sa dalawa.

"Magaling itong naisip mong paraan Sapphire kaso ang manyak naman pala ni Regor di yata'y mapapasubok ka sa kanya?"

"Eh, siya lang ba? Siyempre hindi makakatikim sakin kahit kailan ang ulol na iyon. Gagamitin ko lang naman ang aking alindog para maisakatuparan ko ang aking binabalak sa kanya", sagot ni Sapphire habang nakakiller smile.

"Tama. Dapat talaga na hindi. Asa pa siya, siguro meron ka na nang minamahal ano?", walang tuon na natanong ni Trisha sa kanya.

"Hindi ko pa masasabi na boyfriend ko nga siya pero ang alam ko mahal ko siya at mahal niya ako", seryoso nitong sabi.

Nahalata naman ni Astra na nagmukha malungkot ito agad matapos iyong sabihin.

"May problema ba Sapphire?"

"Ah...wala naman, huwag mo na akong pansinin. Magfocus ka na lang sa pagmamaneho. Mamaya ko na lang sasabihin ang totoo. Ang lahat ng katotohanan", sagot nito sa tanong ni Astra.

Matapos niyon ay hindi na sila nagkaimikan hanggang sa makarating sa hideout.

Nagsalita lang ulit si Sapphire dahil may iniutos siya sa kay Astra.

"Ipatawag mo ang lahat ng mga miyembro ng OMARE CORPs, gusto ko kayong lahat makausap ng harapan. Sige, maghihintay lang ako sa loob", Sabi nito saka tumalikod na agad at pumasok sa silid na pinagtitipunan nila.

Tinawag naman agad ni Astra ang lahat ng mga kasamahan maliban sa mga hindi pa gumagaling sa kanilang mga sugat.

Nagsipagtungo naman agad ang mga ito matapos malaman na si Sapphire ang nagpatawag at muli na itong bumalik. Siya ang kanilang kinikilalang pinuno.

Nakatalikod ito nang magsipagdatingan ang mga miyembro nila.

"Magsipag-upo muna kayong lahat na naririto", wika nito habang nakatalikod pa rin.

Magsipag-upo na din ang mga ito dahil naririnig niya ang ingay na gawa ng pagsisipag-usog at pag-upo sa mga silya.

" Kompleto ba ang lahat? Kamusta na kayo?", sunod nitong tanong.

"Hindi po kami kompleto, may 10 pa pong nagpapagaling ng kanilang mga sugat sa ngayon. Okay lang naman po kami, Sapphire", sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan niya.

"Pagpasensyahan niyo na ako, dahil sa akin may napapahamak na mga kasamahan natin, paumanhin", sabi na naman nito habang nakatalikod pa rin.

"Wala po kayong kasalanan. Gungawa lang po namin ang aming sinumpaang tungkulin. Kung tutuusin ay malaki ang aming mga utang na loob sa inyo Sapphire. Kung hindi dahil sayo ay namatay na kami noon pa. Salamat sa lahat. Salamat dahil tinulungan mo kaming maging isang matapang na mga kababaihan", sagot noong isang miyembro na sinang-ayunan naman ng lahat.

Dumating din si Astra kasama si Dindo. Ipinatawag na din niya ang lalaki. May alam na rin ito tungkol sa kanila kaya isinama na lang niya sa pagpupulong.

Umupo sila sa bandang likuran.

Unti-unting humarap sa kanila si Sapphire.

"Maraming salamat sa uulitin. Kung iyan ang inyong naging basehan para ako'y tulungan. Tinulungan ko kayo noon hindi upang ipaghigante niyo rin ako kundi ang ipagtanggol ninyo ang inyong mga sarili laban sa mga taong mapang-api. Kaya hinahangaan ko kayong lahat."

"Salamat din sayo Sapphire", sabad ng isa pa nilang kasamahan.

Ngumiti naman si Astra habang si Dindo na nasa gilid niya ay kakitaan ng buong pagtataka sa mukha nito.

"You can't believe this? Ha ha ha. Makinig ka na lang. Huwag mo nang pagtakhan Dindo", wika ni Astra kay Dindo ng makita siya nito sa kanyang ekspresyon.

"Okay!"

Napatingin naman sa dako nila si Sapphire kaya tumahimik silang dalawa.

Ngumiti sa kanila ang babae kaya nginitian din nila.

" Hindi ba kayong lahat nakocurious sa totoo kung pagkatao at sa totoo kung mukha?", walang tuon na tanong niya sa lahat.

Nagsipagbulungan naman sa mga tabi nila ang mga kasamahan niya.

"Ano ang ibig mong sabihin Sapphire?", agad na tanong ni Trisha na nakaupo sa harap niya.

"Now, I'm going to revail my half identity. Foremost, this face you seen already was not totally my real face. I used this prosthetics to hide my own personality and now I want you all know and see my real face. And also may real name as well", sabi nito saka unti-unting tinatanggal ang prosthetics niya.

Nagulat silang lahat sa sinabi niya. Hindi nila inaasahan na fake pala ang pinakita nitong mukha sa kanila simula ng naging parti sila ng kanilang samahan.

"Sapphire anong ginagawa mo?",nagtatakang tanong ni Astra.

Hindi ito nagsalita sa halip at tuluyan na nitong kinuha ang prosthetics.

Nanlaki ang mga mata nila. Hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Mas maganda pa pala sa totoong mukha nito si Sapphire.

At ang mas hindi mas makapaniwala ay si Dindo. Napatayo siya mula sa kanyang kinauupan.

Guess who?

Si Sapphire at si Amore ay iisa lang pala.

Isa itong malaking rebelasyon para sa mga kasamahan niya.

"Amore!", ang mahinang naibulalas ni Dindo na napaupo ulit sa kanyang inuupuang silya.

"I think marami sa inyo ang nagulat sa naging revelation ko ngayon. It's my real face. My real name is Amore Miller. Sana ituring niyo pa rin akong kasamahan ninyo kahit matagal na akong naglihim. Di rin ba kayo nagtaka kung bakit tinawag na OMARE CORPS ang ating samahan?"

"Saan nga ba Amore?", Pakli ni Trisha.

"Mula sa pangalan ko. Scrumbled words siya ng name ko, Omare o Amore, di ba ? Nakuha niyo na ba?"

"Ah, kaya pala, ha ha ha", sagot ng mga kasamahan niya na panay ngisi.

"Ang ganda mo Amore", sigaw ni Astra sa kanya. Kumunot naman ang noo ni Dindo ng marinig na pinuri ni Astra ang kapwa babae ng ganoon.

Nang makita ulit ni Astra ang ekspresyon ni Dindo ay siniko niya ito kaya hindi na lang ito umangal pa at baka mapahiya pa siya pag gumawa siya ng eksena. Wala siya sa modong magsungit Lalo na't nakita na niya ang kanyang kaibigan.

"Salamat Astra, ikaw din", sagot ni Amore sa babae.

"Hindi ka namin ituturing na iba. Mas mabuti ngang makilala ka namin sa totoo mong pagkatao. So, dahil inilabas na ni Sapphire o ni Amore ang kanyang true identity kaya ngayon tayong lahat naman ay maaari na nating e revail ang ating mga mukha sa likod ng mainit na maskara na ito", sigaw ng isa pa nilang kasamahan.

"Tama, let's revail our identity!", Sigaw ng iilan.

"Pwede namang hindi na. Nasasainyo na ang pasya. Ginawa ko lang ito para sa inyong kaalaman pero sana ito'y nasa loob ng hideout. Sa labas balik tayo sa dati at sa hidden Identity natin, maliwanag ba?"

"Yes", sabay na sagot ng mga kababaihan.

Naging masaya ang lahat.

"Guys, agree ba kayo na sabay-sabay nating tanggalin ang mga mask natin?", Tanong ni Astra na masayang-masaya.

Si Dindo naman ay nag-aabang lang na makita ang susunod na mangyayari. Gusto na niyang lapitan at yakapin si Amore pero nahihiya siya.

Nakukuntento na lang muna siyang pagmasdan ang kaibigan niya.

Masaya din siya dahil ligtas ito. Siya ang may kasalanan kong bakit ito muntik na mapahamak sa kamay ni Regor.

"Ready na ba kayong lahat? Isa, dalawa, tatlo---", wika ni Astra saka sabay-sabay na nilang tinanggal ang mga maskara.

Napanganga ng bahagya si Dindo ng makitang ang ganda-ganda ni Astra. Mas maganda pa ito kay Britney na kasintahan niya pero sandali niya itong naalala kaya nagkibit balikat agad siya. Hindi tama na ibang babae ang pinagtutuunan niya ang pansin sa halip na ang girlfriend niya.

"Wow, ang gaganda niyo lahat. Ang galing ng girl power!", Puna ni Amore sa lahat ng kanyang kasamahan.

Kakaiba naman talaga ang ganda ng mga kakaiban. Hindi lang naman basehan ang ganda sa pisikal na kaanyuan kundi sa laman gawaing mabuti at sa mabuting kalooban.

Girls are beautiful and gets more beautiful when they have a good heart and good deeds.

Mabuhay ang mga kababaihan!

Mabuhay din kayo mga readers ko!

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 119 42
Pinili ko ang propesyong ito dahil sa paniniwalang ito ay nakaayon sa kanyang kagustuhan. ang paglingkuran siya habang buhay ay nakatatak na sa aki...
1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...
9.3K 185 32
[COMPLETED] Alexis, a woman who grew up to play volleyball. Everyone's idolizes her because she's so good at it. And here's Van, a great soccer playe...
8.6K 187 26
A time lapse, BENT story of a young girl. 1996... I am graduating in Elementary. Pero baby pa sa paningin ng Family ko. Unlike sa Western countries...