AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 8: Trying to Escape
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 10: She's Deeply Happy
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 31: First Mission
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 33: Second Mission
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 35: He's Wise
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 56: Planned 1.2
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 13: Feelings2039

295 18 0
By iamTinnaii


MAAGANG umalis si Tiyo Gusting, pupunta ito sa bayan para bumili ng bagong lambat at mga groceries. Habang naglalakad siya ay nakasalubong niya si Lita, ang anak ng kanilang kapitbahay na gustong pumunta ng Maynila.

Maganda itong dalagita kaya ayaw talaga pahintulutan ng mga magulang  na umalis ng isla o maging Cebu.

Alam naman natin na maraming may masasama ang loob ang pasimpleng umaaligid sa Maynila, hindi ka nakaka-alam kung sino ang mga mababait at mapagkatiwalaang tao.

Ayaw nilang may masamang mangyari sa anak nila.  Ayaw nilang matulad ang anak nila sa mga Taga-isla na pumunta sa Maynila para makipagsapalaran at bumalik na may anak na o kaya't hindi na bumalik at napabalitang patay na.

Hindi masama ang pagiging adventurous pero dapat na sa tamang paraan at may kaakibat na pag-iingat. Iyan ang mas priority ng mga magulang niya.

Okay lang na maghirap sila sa Isla basta nakikita nila ang anak na ligtas sa anumang panganib.

"Neng, asa na pud ka mo adto?" bati ni Tiyo Gusting kay Lita.

"Ah, paduol 'sa ko sa inyuha Tiyo Gusting. Na-a lang ba didto si Ate Amie?" masayang sagot nito. Bisaya kasi sila kaya ito ang nakagawian nilang gamit na dialect kapag nag-uusap. Marunong naman magtagalog dahil nakapag-aral siya ng high school.

(Beware na lang sa hindi nakaka-intindi. Huwag mo nang intindihin, kunti lang naman iyan. Lol!)

"Nandoon lang siya sa bahay at nagbabantay ng karenderya. Sige, adto lang didto. Mu sugod nakag trabaho sa karenderya, Lita?" tanong pa nito.

"Opo. Pwede na ba jud dayon?" nakangiting tugon nito. Gusto talaga ng dalagita na may part-time job siya dahil hindi pa naman pasukan.

"Sos, pwede kaayo. Sige, punta ka lang doon, aalis muna ako papuntang bayan. Mamimili ako ng mga kakailanganin ko sa pangingisda at mga groceries. Sige mauna na ako sa'yo," paalam nito saka dali-dali nang umalis palayo.

Ngumiti at kumaway si Lita saka tinunton na ang daan papunta sa bahay nina Amore.

Kinakabahan pa rin siya kahit matagal na niyang kakilala si Amore. Ganun talaga siya praning din minsan, madalas nininerbyos. Hawak-hawak niya ang dibdib, dahil sa kaba.

Kumuha muna siya ng buwelo saka  nagsimulang kumatok sa bahay nina Amore. Wala ito sa may karenderya nila. Hiwalay kasi ang karenderya nila sa bahay kaya baka nasa loob ito.

"Tao po. Ate Amie naa ka ba dinha sa sulod?" tawag niya.

Narinig naman siya kaagad ni Amore. "Ay, teka lang nandito ako sa loob. Sandali," sagot nito.

Agad naman na lumabas si Amore mula sa loob.

"Ay, Lita ikaw pala. Halika, tuloy ka. Magsisimula ka na bang magtrabaho ngayon?"

Inosente itong ngumiti. "Pwede naman po Ate Amie."

"Okay, pwede naman ngayon o bukas pwede na lang din at agahan mo na dahil marami ang customers kong umaga at tanghali. Halika," niyaya siya nito sa loob ng bahay.

"Huwag na po. Dito na lang ako sa karenderya ninyo. Nahihiya po ako Ate Amie," mahiyain talaga itong dalagita.

"Hmmm. Bakit naman? Ako lang naman at si Kuya mo Yam ang nandito. Mabait din iyon kaya huwag kang mahihiya. Kumain ka na ba?"

"Opo. Tapos na. Eh, pwede po bang bukas na lang ako ng umaga magsisimula kasi kung ngayon Ate parang hindi pa ako handa. Medyo wala pa ako sa kundisyon," malumanay nitong sabi saka ngumiti.

"Siya-Siya... Sige bukas na lang. Gusto mo ba ng mag-cash advance na ngayon?"pagkunwa'y tanong ni Amore.

Alam niya kung gaano ka hirap ang pamilya niyo. Subra itong naghihikahos sa buhay. Nakapag-aral lang naman si Lita sa tulong ng mga scholarship grants na in-aplayan niya.

"Kung pwede po sana." Nakayuko nitong sagot. Nahihiya talaga siya. Di pa siya magsisimula ngayong araw pero  magka-cash advance na siya.

"Umm, Sige. Ganito, sasahuran kita ng 5,000 pesos per month. Kilala ko naman kayo kaya iyon ang magiging sweldo mo sa'kin kada buwan or pwede kada kinsinas. Kalahati ng sweldo mo ay makukuha mo every 15 days. Okay na ba na sahod na  iyon? Sasapat na ba sa inyo?" tanong pa ni Amore.

Handa naman siyang dagdagan kung kulang ito sa budget ng pamilya ni Lita. Kilala na sila ni Amore na mahirap kaya isa na rin itong tulong sa pamilya niya. Marami din siyang kapatid, walo sila at siya ang panganay.

"Opo. Ang laki na nga niyan. Ang offer sa Maynila, 4,000 per month lang kaya dito na lang ako," masayang wika nito.May kislap sa mga mata nito.

"Pwede  po bang mag-cash advance ng dalawang  buwan sa sweldo ko? Bibili po kasi ako ng cellphone at lahat ng mga kailangan sa bahay. Tumutulo na kasi ang bubong namin ate Amie, hmm. Iyan talaga basta mahirap at salat sa pera,"dagdag pa niya.

"Okay, no problem. Bibigyan na lang kita ng hiwalay na pera na pambili ng bubong. Medyo maganda naman ang kita ng aming karenderya kaya tulong ko na lang iyon sa inyo. Tika, saglit lang ikukuha kita ng pera sa loob. Paki-tingnan mo muna ang karenderya ha."

"Opo Ate Amie. Maraming salamat po. Ang bait ninyo talaga, hulog kayo ng langit."

"Sos, wala iyon. Sige, hintay ka lang diyan."

Pumasok na si Amore ng bahay at kumuha ng pera. Nasa kuwarto pala ang wallet niya. Nandoon sa loob natutulog si Liam. No choice siya kundi pumasok sa kuwarto niya.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto saka sumilip muna. Hindi niya gustong magambala ang pagtulog nito.

Natutulog pa rin pala ito kaya pumasok na siya.

Kinuha niya ang kanyang wallet sa loon ng bag niyang nasa uluhan ni Liam, dahan-dahan niya lang itong ini-angat baka magising niya ang lalaki.

Bubuksan na sana niya ang bag nang magsalita si Liam.

"Am, ano ba ang ginagawa mo? Para kang magnanakaw na dahan-dahan mong kinukuha ang bag mo. Pwede mo namang hablutin agad ang bag mo,Ikaw ang may-ari niyan kaya walang problema," pabirong wika nito sa kanya saka tumawa.

Pero ang guwapo nito  kahit nang-aasar. Puro compliments ang sinasabi ng utak niya mula ng makita niya si Liam na pawisan habang nagsisibak ng kahoy.

"Tss! Natutulog ka kaya, dapat na may delikadisa naman ako kahit papa-ano. Nandiyan sa labas si Lita at naghihintay sa'kin. Ipapahiram ko itong pera ko. Nag-cash advance siya at bukas na siya magsisimula ng trabaho niya sa karenderya." Paliwanag ni Amore, ewan nga niya kung bakit pa siya nagpapaliwang dito.

"I'm so sorry. Sige samahan na kita sa labas. Hindi na naman ako makatulog kaya magbabantay na rin ako ng karenderya." Bumangon na siya at tumayo.

Hindi na sumagot si Amore saka dali-daling lumabas. Napagpahintay na niya si Lita ng matagal dahil inisturbo siya ni Liam. Itong lalaki na 'to talaga sarap batukan at nang matauhan.

"Lita, pasensya ka na. Heto na ang pera. Sana mapa-ayos mo na ang bubong ng bahay niyo." Paghingi niya ng paumanhin.

"Okay lang po. Salamat po ulit. Ang bait niyo po." Puno ng paghanga ang boses nito.

"Walang anuman. Sige, pwede ka nang umalis basta agahan mo pa bukas  ha. Mga ala y sinco ng umaga  siguro. Pwede ba?"

"Opo ate. Maraming salamat po ulit. Aalis na po ako. Aasahan niyo po na magiging masipag ako sa trabaho ko. Sige po aalis na ako." Ngumiti siya.

"Teka lang. Ikaw ba si Lita?" singit ni Liam. Sumunod pala siya sa lumabas.

Nahinto si Lita sa paglalakad. Humarap ulit sa kanila. "Opo, ako po Kuya Yam,"  sagot nito. Nahihiya siya kaya yumuko siya ng bahagya.

"Nice to meet you," wika  ni Liam. Napatingin si Amore kay Liam, pati bata ay pinagka-interesan pa niya.

"Ako din po. Sige po mauna na ako Ate Amie at Kuya Yam. Salamat po ulit sa inyo." Nagpa-alam na siya. Pupunta pa kasi siya sa bayan, may oras pa naman.

Nakangiting tumalikod si Lita. May ipapambili na siya ng bagong cellphone, mga groceries at bagong bubong ng kanilang bahay. Masayang-masaya siya na makakatulong na sa mga magulang niya.

"Siya pala si Lita, ang sinasabi ni Tiyo Gusting na dalagita na sinabihan niyang magtatrabaho rito. Maganda pala siya ano? Sabi mo walang maganda na nakatira rito? Kahit na morena siya ang  ganda niya pa rin tignan," wika nito saka binalingan siya pagkatapos.

Tumaas ang kilay niya mula sa narinig. Confirm, bata pala ang gusto ni Liam at hindi siya.

"Siguro may boyfriend na iyon, eh ikaw maputi nga pero walang boyfriend kasi naghihintay pa rin kay Lysander, right?" Maayos na sana ang unang mga salita nitong binitawan  kaso  sa  huli nakuha pa nitong magbiro.

Nag-ikot ng mata niya si Amore. "So, ano naman ngayon? Bakit naman? Siguro type mo si Lita, no? Hoy child abuse ka, 17 years old pa lang iyon. Mukha nito. Wala na akong paki-alam kay Lysander kaya huwag mo na siyang mabanggit-banggit dahil umiinit ang ulo ko!" nagalit tuloy si Amore.

"Alam mo Am, ang ganda mo talaga kapag galit ka. Kahit umuusok na ang mga ilong mo, kunwari lang ha. Tiyak na maganda ka pa rin," nakangising wika nito. Sinasadya niya talagang inisin si Amore. Siya naman ay parang bata na nakikipag-away at napipikon.

"Tss. Tigilan mo ko Liam ha. Wala ako sa mood makipag-away sa'yo. Nakakainis ka!" Namaywang siya at nagtaas ng kilay. Pero deep inside nasisiyahan siya sa ginagawa nito, weird!

Dinadaan na lang sa galit ni Amore ang lahat para hindi siya mahalata ng binata. Hindi pa naman siguro nito napapansin na parang nagbabago na ang pagtingin niya para sa lalaki. Kung dati isa lang hamak na istranghero sa buhay niya si Liam pero ngayon ay unti-unti na iyong nagiging espesyal sa pagdaan ng mga araw na magkasama sila sa iisang bahay at kuwarto.

"Oh, ayan na naman galit ka naman. Ang ganda mo talaga kapag tinititigan mo ako ng masama. Hay naku, parang hindi nakakaumay ang ganda mo. Hmm... Kung hindi lang siguro  pagpapanggap ang lahat sarap mong yakapin Amore, kaso sabi mo bawal ma-in-love ang sa isa't-isa. Kaya nga bawal di ba?" Nalungkot ito bigla.

Pinariringgan ba siya nito. Totoo ba ang mga naririnig niya? Pero ayaw niyang matalo or worst masaktan dahil ayaw niyang umasa. Baka paraan lang ito ni Liam para kunin ang tiwala niya. Hindi rin siya naniniwalang wala itong iniwang nubya sa America.

"OMG. Ano ba ang pinagsasabi niya?  Tinutukso lang ba niya ako? Liam naman nakakainis ka na. Bakit mo ako ginagawang praning. I hate you," sabi ng utak niya. Kahit anong saway niya sa puso niyang marupok ay kinikilig pa rin siya. "Bahala na si batman."

"Wow, mas lalo ka pang gumanda dahil namumula ang mga pisngi mo. I like that Am," pabirong wika na naman ni Liam. Totoo namang pinamulahan siya ng mukha eh. Nararamdaman niyang umiinit ang mukha niya.

"Gaano ka pula? Parang siling labuyo na ba?"

"Subra pa, parang mansanas, kahit tingnan mo pa sa salamin."

"What? Are you kidding me?" she asked him sarcastically. Tinutukso talaga siya nito, nakakahiya kaya. Gusto niya na lang maglaho sa kinauupuan niya.

Iniwas ni Liam ang mga paningin sa kanya kaya nakahinga na siya ng maluwag.

"Ang ganda mo naman talaga kahit sa simpleng bagay, Amore. No doubts."

Umismid siya at nagkibit balikat. Ayaw pa rin niyang maniwala. Paulit-ulit lang naman niya ito naririnig mula sa binata.

"I like you more than anything else but I'm just holding on my feelings for you. I know that the man you only love is Lysander. Ang suwerte niya dahil kahit wala siya rito siya pa rin ang hinihintay mo. I will control my feelings for you, kahit na mahirap. Hindi mo lang alam na sa unang beses pa lang kita nakita nahulog na ang loob ko sayo," sabi ng utak niya.

Tumahimik ang paligid, hindi na sila nagsalita. Parehong sa dagat nakatingin.

"Oy, Liam bakit ka natutula? Anong problema? Hoy!" wika ni Amore saka niyugyog ang balikat nito.

"Ah. Nothing. Nevermind." Napukaw siya mula sa iniisip niya. "Ako na ang magbabantay sa karenderya."

"Sige. Maliligo muna ako." Umalis na ito pagkatapos.

Humanap lang talaga siya ng lusot para matakasan ito, baka asarin na naman siya. Di pa natatanggal ang init ng mukha niya, kaya ayaw niyang masiran ng bait at ang lakas ng tibok ng puso niya, nakakabingi.

    

Continue Reading

You'll Also Like

4.6K 181 52
Storya ng isang babaeng boyish namely Michelle Geovy G.Flores at isang lalaking girly namely Paolo Vrant B. Sarmiento. Matututo kang mag isip ng todo...
47.4K 1.4K 42
"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner
45.5K 1.7K 34
[HR: #11 in Science Fiction ✨] It started as a joke, but ended in an apocalypse. Papanindigan niyo ba ang kalokohan ng mga kaibigan niyo? Can you ris...
375K 16.9K 49
C O M P L E T E D capture (verb) :to get and hold (someone's attention, interest, etc.) :to take something into your possession...