AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 8: Trying to Escape
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 13: Feelings2039
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 31: First Mission
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 33: Second Mission
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 35: He's Wise
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 56: Planned 1.2
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 10: She's Deeply Happy

350 15 0
By iamTinnaii


HAWAK  na ni Amore ang titulo ng Tinagong isla. Kinausap na niya ang kapitan ng barangay, tinulungan siya nitong sumangguni sa kinauukulan at sa DENR para maisakatuparan niya ang matagal nang pangarap na mabili at maangkin ang isla na iyon.

Mabilis ang naging negosasyon.Nabili niya ito sa murang halaga kaya napakasaya niya.Kahit mahal pa iyon, ay talagang bibilhin pa rin niya. Marami nang masasayang memories ang mayroon siya sa Tinagong isla.

Ito ang kanyang pahinga at mundo. Dito niya binubuo ang sarili sa tuwing marami siyang problema sa buhay. Saksi ang isla kung paano siya umiyak, sumigaw at tumawa mula sa mga problema niya.

Kaya ngayon subrang thankful niya dahil naisakatuparan na ang hiling niya.

Hindi na siya makapaghintay na maibalita sa Tiyo Gusting at kay Liam na sa siya na ang nagmamay-ari ng Tinagong isla.

Marami na siyang plano para roon pero saka na kapag tapos na siyang maghigante kay Regor. Sa ngayon gagawin na muna niya itong pasyalan kasama si Liam, ang  bago niyang kaibigan.

Masaya siyang umuwi ng bahay.Napapatalon-talon pa sa daan. Wala silang paki, basta ganuon siya ka  saya.

Excited siyang ibalita ang tungkol dito.
 
"Tiyo Gusting, may maganda akong balita sa inyo. Ang saya ko talaga ngayon. Sa wakas ako na ang may ari ng Tinagong isla,"masayang balita ni Amore.

Nasa labas pa lang siya ng bahay ay nagsisigaw na siya. Hindi siya ang tipo ng masayahin pero ngayon subrang saya niya.

"Amie, anong sinisigaw mo riyan? Parang baliw ka na nagsisigaw sa labas,"sabat ng tiyo niya.

Pilosopo naman talaga minsan ang matanda pero kahit ganun ito ay mahal na mahal pa rin niya. Ito nalang ang nag-iisa niyang kapamilya kaya itutodo na niya ang pagmamahal dito.

"Tiyo, nabili ko na ang isla. Sa akin na ito, finally. Di ba ang saya?"masaya niyang pahayag. Abot tenga ang mga ngiti niyang pinakawalan.

Lumabas mula sa loob ng bahay ang Tiyo Gusting niya.

"Aba. Magaling. Congrats sa iyo Amie. Eh ano na ang balak mo para roon?" excited din ito para sa magiging plano ni Amore.

"Sa ngayon ay wala muna, at least sa akin na ang isla at wala nang ibang makakakuha noon."

"Looks like you're so happy, Mahal. Nabili mo ba ang isla?"tanong ni Liam na bigla na lang sumulpot na galing kung saan.

Aktengan na naman 'to dahil nasa harapan sila ni Tiyo Gusting. Sila na talaga ang mga best actors, pwede na talaga silang bigyan ng FAMAS award. Ang galing nilang magpanggap hanggang ngayon hindi pa rin sila nahahalata ng matanda.

"Yes, you heard it clearly, I'm so happy. Parang gusto ko magpa-party dahil sa tuwa,"sagot ni Amore na pagkuway sinabayan nito ng paghawak sa beywang ni Liam.

Nagmukha silang sweet tingnan. Tama lang sa totoong mag-asawa. The best nila talagang umakteng.

"Hey. Ayaw ug saba! Party ba kamu sa birthday ko na lang kayo magpa-party para masaya. Bakit ba ang saya ninyo na nabili na ang isla, bakit may balak na ba kayong iwan ako at bumukod na? Sana hindi niyo na lang nabili iyon,"wika ni Tiyo Gusting na biglang may tonong pagtatampo.Isinip nitong iiwan na siya ng mag-asawa.

"Tiyo naman, hindi naman sa ganun, wala namang ibig sabihin ang saya naming ito, di ba Mahal? Hindi tayo aalis dito sa bahay ni Tiyo Gusting, di 'ba?"wika nito habang tinititigan si Liam ng masakit para sang-ayunan ang pahayag niya.

"Totoo iyon, Tiyo Gusting. Dito pa rin kami titira. Binili lang iyon ni Amie para sa aming kinabukasan saka maganda ang isla at maraming likas na yaman. Maliit lang pero maganda, tama lang iyon para pasyalan at para hindi na rin maangkin pa ng iba,"sang-ayon ni Liam.

"Oh, 'di ba narinig niyo na mismo sa asawa ko? Sana huwag na kayong magtampo. Smile na lang po kayo. Sige na po. Ayiee, ang guwapo talaga ni Tiyo Gusting oh. Ayiee, parang bumabalik ka yata sa pagkabinata mo,"pagbibiro ni Amore sa Tiyo para kahit papaano ay sumaya na ito.

"Aba. Nambola ka pa. Tigilan mo na iyan. Sige, okay na ako, hindi naman ako nagtampo eh. Ang tanda kong 'to magtatampo, sos ang pangit pakinggan,"sa wakas nakatawa na rin ang matanda. Good bye worries agad ang dalawa.

"Ayan. Mas mabuti na masaya na tayong tatlo, 'di ba?"Pahayag ni Amore.

"Tama, tara kumain na tayo. Nagluto ako ng adobong pusit at tinolang isda. Masarap iyon. Dali na,"yaya ni Tiyo Gusting, paborito nilang ulam ang inihanda niya.

"Tara, ganitong-ganito talaga ang gusto ko sa inyo Tiyo Gusting talagang binubusog mo kami palagi sa mga masasarap mong luto,"sang-ayon naman ni Amore.

"Aba, nambola ulit. Sige na. Arat na,"wika nito saka kumuha na ng mga pagkain.

"Ang saya niyo namang mag-Tiyo, Mahal. Nagmana ka pala sa kaniya. Kaya ang swerte ko din sayo,"sabat ni Liam.

"Asos, tama na nga itong bolahan. Baka kung saan na naman ito humantong. Kaya mabuti pa kumain na talaga tayo,"sagot ni Amore.

Pagkatapos ng dramahan at bolahan ay kumain na sila.

"Oh, heto pa... Kumain pa kayo. Sa labas lang muna ako. Ako na ang mag-aasikaso sa karenderya kung may mga customers. Magpakabusog lang kayong dalawa. Sige, saka ang pinagkainanan alam niyo na,"anang Tiyo Gusting.

"Opo, Tiyo Gusting. I know it,"pahabol na wika ni Amore.

"Asus. Ikaw na bata ka, huwag mo akong ma English-speaking diyan dahil marunong din kaya ako noon. Hmm,"nakangising sabad ni Gusting.

Natawa si Amore sa sinabi ng Tiyo niya. "Sorry po. Sige na po. Baka saan na naman po tayo makakarating sa ating usapan. Baka mula Batanes hanggang Julo na ata iyon,"wika ni Amore habang natatawa.

Alam naman niyang basic English language lang ang alam ng matanda, kumbaga sa mga ilonggo ay english-kinamatis lang alam niyon.

"Sige."Tugon nito saka lumabas na.
Napangiti naman si Liam sa mga naririnig niya. Ganito pala kasaya ang dalawa mula pa noon ng wala pa siya rito.

"Ang saya ninyong dalawa ng tiyuhin mo, alam mo hindi ka talaga mababagot kung ganitong sitwasyon palagi ang masasaksihan mo. Nainggit ako tuloy sa inyo. Isang tao na rin lang ang natitira kung pamilya pero kung ituring niya ako parang kaaway at kinasusuklaman niya ako ng husto."Bigla itong nalungkot kapagkuwan.

"Huwag mo na siyang alalahanin at ituring na kapamilya dahil para sa kanya isa kang kaaway. Nandito naman kami pwede mo naman kaming ituring na kapamilya. Ako at si Tiyo Gusting ang bago mo nang pamilya. Ngumiti ka na, hindi maganda sayo ang nakasimangot. Sige ka, mabilis kang tumanda niyan. Ilang taon ka nga pala?"

Natawa si Liam sa biro ni Amore.

"I'm 26 years old pero sa susunod na buwan birthday ko na so I'm turning 27 this year. Sa edad kung ito wala pa ring girlfriend. Sino kaya ang masuwerteng babae ang aangkin sa'kin ano?"natawa ito sa huling sinabi.

"Hala. Aangkin talaga? Ang weird mo naman. Di ba pwede ang magmamahal lang sayo? Makakakita ka naman ng girlfriend dahil guwapo ka. Sa bayan parang maraming magaganda pero dito sa isla parang wala eh. May mga asawa na at karamihan dito ay mga bata pa. Maaga pa kasing nagsipag-asawa dahil sa kahirapan."

"Bakit pa ako maghahanap kong nandiyan ka naman. Para sa akin ikaw ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa balat ng lupa. Nakapunta na ako sa iba't-ibang lugar pero iba ang ganda mo kumpara sa mga nakilala kong babae. You are meek, cool but deadly. I like your hidden identity, that much,"sabi nito saka ngumiti.

Pinakatitigan siya nito kapagkuwan.
Nakaramdam naman siya ng pagka-ilang pero kinontra niya ito.

"Bakit ako? Huwag ka ngang magbiro ng ganyan. Ako maganda, 'di nga?"Natawa siya sa mga compliments ni Liam sa kaniya.

"Oo, tama naman ang iba mong sinabi. Pero ang maganda, hindi totoo,"In denial pa siya. Amore is very beautiful and sexy. Sino ba ang hindi mapapa-ibig sa kanya. Wala pa siyang ginagawa marami na ang mga nagkakagusto sa kanya, si Liam kaya? Hindi imposible na mangyari iyon.

"Ang ganda mo talaga kapag tumatawa ka. Parang anghel kang bumaba sa lupa."

Nag ikot siya ng mga mata. Ayaw niyang maniwala sa mga sinasabi nito, para sa kanya binobola lang siya ni Liam.

"Tama na iyan. Maghugas na lang tayo. Pakibigay sa'kin ng mga plato,"tumayo na rin si Liam at inilagay sa lababo ang mga husagan.

"Ay walang tubig na panghugas Liam, pwede mo ba akong ipag-igib ng tubig? Salamat ha."

"Yes, mahal. Paki-abot ng dalawang balde. I'll be there after 5 minutes,"sagot nito habang pangiti-ngiti, nag-ikot lang ng mga mata si Amore bilang tugon sa pagbibiro nito.

Dali-dali namang lumabas si Liam at nag-igib. Nasa bakuran lang naman ang balon nila. Mabuti na lamang at nabiyayaan pa rin sila ng isang balon kahit malapit sila sa dagat. Masagana pa rin sa tubig.

"I'm here. Di ba ang bilis ko, Am,"sabi nito saka natatawa pa. Hindi man lang kakitaan na humangos dahil sa pagbitbit ng dalawang malalaking balde ng tubig.

"Siyempre ang bilis mo dahil sa bakuran ka lang naman nag-igib. Siguro kung sa malayo hanggang ngayon papunta ka palang doon at baka ma- oorasan ka pa bago makabalik. Salamat. Tulungan mo na roon si Tiyo para naman huwag na mainip. Baka sumasakit na naman ang tuhod noon."

"Asus. Kahit malayo pa iyon bibilisan ko pa rin para sa'yo,"masayang sabi nito. Nagbibiro pa ba ito, o totoo na ang mga lumalabas sa bibig nito?

"Tse! Alis na. Huwag ka ngang ganiyan, anong klaseng pasaring iyan ha? Eww. Nakakadiri ka!" Pinilit niyang umalis na si Liam dahil parang sasabog ang puso niya, ng hindi niya alam.

"What? Paanong nakakadiri ako? Alam mo ba na sinasanay ko lang naman talaga na maging casual na lang sayo ang lahat. Bilang akteng dapat na wagas na para todo na ang saya di ba?"pagdadahilan din nito. Gusto lang niyang maasar si Amore, o may gusto siyang malaman?

"Loko. Sige na. Oo, na ikaw na ang da best kung umakteng. Sa susunod ir-e-recommend kita sa isang TV station, tiyak na makukuha ka bilang artista. Daig mo pa kasi si Coco Martin sa galing,"natawa na rin si Amore sa sinabi niya.

"Ikaw talaga. Sige na nga. Kahit kailan talo talaga ako sa'yo. Ikaw na ang magaling. Mamaya punta tayo ulit Tinagong isla ha. Sa "iyong"isla pala."

"Sure,"saka tinapos na ang paghuhugas ng mga pinggan.

"Isa na lang akong hamak na taga-hanga ng isla dahil ngayon ay may nagmamay-ari na nito. Pero okay lang dahil malakas naman ako sa may-ari ng isla kaya anytime pwede akong pumunta roon kapag gusto ko di ba? 'Di ba, mahal?"

Natawa lang si Amore sa mga sinabi niya. Para siyang bata, na nakikiusap sa mama niya.

Pinapaalis na niya ang lalaki dahil kanina pa talaga niya pinipigilang mamula dahil sa pinagsasabi ng lalaki.

Sa bawat bigkas kasi nito at tawag sa kanya ng "Mahal"ay may kung anong pakiramdam ang gumugihit sa puso niya na hindi niya alam kung bakit at ano.

"Sige na nga lang. Tutulungan ko na si Tiyo sa pag-aasikaso sa karenderya. Aalis na aking Mahal,"wika nito sabay wink.

Umiling lang si Amore sa mga pinagsasabi ni Liam ayaw niyang e-register sa utak niya dahil ayaw nyang mag-assume. Purely acting lang ang lahat.

Lumabas siya ng bahay para maghanap ng signal pero hindi nakiki-ayon ang panahon. Wala siyang mahagilap na signal.

Naisipan niya kasing kuntakin si Scarlett, noong nakaraang gabi kasi napaginipan niyang may masamang nangyari sa kaibigan niya.

Nakita niyang duguan ito, di tipikal na panaginip. Ni hindi siya nanaginip ng ganuong bagay.

Pumikit siya saka pilit na inaalis sa isipan niya iyon. Kilala niya si Scarlett, di iyon basta-basta sumusuko. Kung nasa bingit ito ng kamatayan palagi iyon nakakaligtas. Kaya na imposible ang iniisip niya.

Mainit pa at direkta pa ang sikat ng araw kaya muwi na lang siya at nagpahinga. Sina Liam at Tiyo Gusting na muna ang nag-asikaso ng karenderya.

Continue Reading

You'll Also Like

2.9K 149 42
Pano mo ipaglalaban ang pag-ibig mo.. kung yung mismong taong iniibig mo, hindi ikaw ang gusto? Gagwin mo ba ang lahat, magustuhan ka lang nya? Kwent...
8.6K 187 26
A time lapse, BENT story of a young girl. 1996... I am graduating in Elementary. Pero baby pa sa paningin ng Family ko. Unlike sa Western countries...
14.2M 434K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
1.6M 62.7K 37
Lucienne Simons, also known as Lush Fox, is a best-selling mystery writer who is worshipped by millions of her fans. Everyone is eager to find out wh...