AMORE'S HIDDEN IDENTITY

By iamTinnaii

23.8K 917 5

Namuhay mula sa isang masalimuot na mundo si Amore. Ang babaeng walang ibang hinangad sa tanang buhay niya... More

Amore's Hidden Identity
Chapter 1: Hunting the Target
Chapter 2: Escape
Chapter 3: Lying Together
Chapter 4: Fishing Together
Chapter 5: Scarlett's Mission
Chapter 6: Together in the Island
Chapter 7: Green Minded?
Chapter 9: Killing the Spy?
Chapter 10: She's Deeply Happy
Chapter 11: A nightmare
Chapter 12: Yummy
Chapter 13: Feelings2039
Chapter 14: pain 2284
Chapter 15: Stable Condition -2013
Chapter 16: Be Scared
Chapter 17: Britney -need to be edited
Chapter 18: Scarlett 2222
Chapter 19: News-2085
Chapter 20: Bd Surprise3317
Chapter 21: Lie Low-2047
Chapter 22: Apo-2182
Chapter 23: Something fishy -2257
Chapter 24: Contest-3316
Chapter 25: Unexpected Meet up
Chapter 26: 2nd Practice
Chapter 27: Losing Hope
Chapter 28: Having Fun
Chapter 29: Last Strange practice
Chapter 30: Broken
Chapter 31: First Mission
Chapter 32: Asking for Forgiveness
Chapter 33: Second Mission
Chapter 34: Smart and Kind
Chapter 35: He's Wise
Chapter 36: Officially yours
Chapter 37: Dream come true
Chapter 38: He saw his first love
Chapter 39: Challenge the Spy?
Chapter 40: Worst
Chapter 41: He's out of mind?
Chapter 42: He's freakin out
Chapter 43: Bodyguard
Chapter 44: Going out of the Sight
Chapter 45: Doing fine
Chapter 46: Dean's Lister
Chapter 47: Scaring the devil
Chapter 48: Claim
Chapter 49: Beachy b*tch
Chapter 50: Lie low
Chapter 51: Memories
Chapter 52: Getting stronger
Chapter 53: Truth
Chapter 54: Plan
Chapter 55: Plan 1.1
Chapter 56: Planned 1.2
Chapter 57: She's in danger
Chapter 58: She's safe

Chapter 8: Trying to Escape

350 16 0
By iamTinnaii

SINUBUKAN ni Dindo na makatakas mula sa mga dumukot sa kanya. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makapuslit ng nagsilabasan ang mga bantay.Sa isip niya baka mga tauhan ito ni Regor kaya kinakailangang makatakas siya, di siya pwedeng mamamatay ng walang kalaban-laban.

Dali-dali siyang lumabas at nagmanman sa paligid. Nasa labas at nagsikalat ang mga bantay kaya nagtago muna siya sa isang madilim na sulok.

Malaki ang pagkagulat niya at muntik na siyang mapasigaw ng may biglang humawak sa balikat niya. Kinabahan siya at alam niyang isa ito sa mga kasamahan ng mga dumukot sa kanya.

Kung minalas ka nga naman, di pa niya nagagawang tumakas ay nahuli na kaagad siya ng isa sa mga bantay niya.

Dahan-dahan niya itong nilingon. Bahagya siyang namutla sa subrang kaba. Naisip niya na baka papatayin siya nito kaagad dahil sa ginawa niya.

Nang makaharap na siya labis ang pagkataka niya, ang babae ay nakasuot ng maskara. Natitiyak niyang isa talaga ito sa mga kasamahan ng mga dumukot sa kanya. Nakatakip ang mga mukha nito at pawang nakaitim ang mga suot kagaya nitong nasa harapan niya ngayon.

"Bakit ka nga pala nandito? Tatakas ka ano?"wika nito. Maliit ang boses nito pero maganda pakinggan, sa palagay niya maganda rin ang mukha nito sa likod ng maskara nitong suot.

"Sino ka? Anong kailangan niyo sa akin?" tanong niya rito. Pilit pinapakalma ang sarili. Sinusupil ang pangangatog ng kanyang mga tuhod, sa mga medical surgeries niyang ginawa kahit agaw buhay ang mga pasyente ay hindi siya natakot. Pero sa babaeng ito, nanghina ang systema niya.

"Well, secret. Hindi ko pwedeng sabihin kung sino ako."

"Bakit?"

"For my identity protection.Nice to meet you Doctor Dindo Ruiz, dati sa balita lang kita nakikita.Sikat ka nga pa lang surgeon."

"I know, I am," sagot niya. May tapang ang tuno.

"Well, that's good. Pwede ka naming mapapakinabangan hanggang nandito ka sa hideout."

"Speaking of? Ano ba talaga ang pakay niyo sa akin?"

"So far, wala."

"Wala naman pala eh, kaya pakawalan niyo ako. Marami ang nangangailangan ng serbisyo ko sa hospital."

"Wala kaming magagawa, kailangan lang namin na protektahan ka."

"Maawa kayo sa'kin, wala akong kasalanan sa inyo. I'm just an ordinary doctor at alam kung wala akong kaaway,"paliwanag niya. Nagmamaka-awa siya sa babaeng nasa harapan niya, baka mapagbigyan siya pero sa nakikita niya wala itong balak na payagan siya.

"So far, wala ka namang kasalanan. Bumalik ka na lang sa kwarto na pinaglagyan nila sayo. Sumunod ka nang matiwasay kung ayaw mong iputok ko sa ulo mo ang hawak kong baril,"wika ng babae habang tinututukan ng baril si Dindo. Napilitan itong daanin siya sa ganitong paraan para sumunod siya sa kagustuhan nito

Dahil nakaramdam ulit siya ng takot, agad siyang tumalima sa utos ng nakamaskarang babae. Mahal niya ang kanyang buhay, pamilya at kasintahang si Britney. Ayaw pa niyang mamatay ng walang kalaban-laban at gusto niyang itama ang kaisa-isahang kamalian na nagawa sa tanang buhay niya.

Nakarating na sila sa kuwarto na pinaglagyan sa kanya. Pinaupo siya ng babae sa silya na naroroon.
Nakatayo naman sa harapan niya ang babae at nakangiti. Makikita ang mga labi nitong likas na mapupula.

"Sino ka ba? Sino ba kayo? Bakit ba kayo nagsusuot ng mga maskara at takip sa mga mukha ninyo? Bakit?" Nakita niyang nadismaya ang babae sa paulit-ulit niyang tanong.

"Just call me Jasmine, iyan ang code name ko. Kung gusto mong makita ang mga mukha namin hindi maaari. Bawat nandirito na mga kasamahan ko ay may kani-kaniyang code name. At ang pinakapinuno namin ay si Sapphire. Sa ngayon hindi mo pa siya makikita rito. Nasa bakasyon siya ngayon,"paliwanag nito.

Umirap bago magsalita muli. "Nagsusuot kami ng mga maskara o takip sa mukha dahil iyan ang tanging harang na tumatakip sa aming mga pagkatao. Masaya ka na dahil nasagot ko na ang iyong mga katanungan?"

"Talaga ba?"sagot niya na may panunuyang tono. "Napakababaw na rason. Pakawalan niyo na ako. Naiinip na ako rito."

Umismid ito sa sinabi niya. Walang paki-alam sa kanyang opinyon. "Mr. Dindo Ruiz, sana huwag mo na ulit balaking tumakas. Alam mo na sa mga oras na 'to hindi ka na ligtas. May mga taong naka-abang sa paligid upang ika'y dukutin at patayin. Kilala mo ba si Regor? Siya lang naman ang gustong magpadukot sayo dahil gusto niyang malaman ang alam mo tungkol sa kaibigan mong si Amore,"aniya.

Naguguluhan siya sa mga narinig. Bakit nila kilala ang kaibigan niya? Sa isip niya baka patibong lang ito ng mga tauhan ni Regor.

"Ha? Sa tingin mo maniniwala ako sayo, sa inyo rather? Alam mo sa ginawa ninyong ito mas mapapahamak ako. Hindi ko naman sinabi sa inyo na tulungan ninyo ako. Ah, hindi pala ito tulong dahil alam kong kasabwat rin kayo ng hayop na si Regor. Siguro dadalhin ninyo ako sa kanya, di ba?"galit na baling niya sa babae.

Napailing ang babae at natawa sa sinabi niya. "Ang tigas ng ulo mo. Hindi kami kasamahan ni Regor. Tinuturing din namin siyang kaaway kaya huwag kang magbintang ng masama laban sa'kin o sa'min ng mga kasamahan ko. Hangad lang namin ang kaligtasan mo."

"Kaligtasan nga ba o kapahamakan ko? Hindi ako naniniwala sa inyo. Mamatay man ako ngayon din! Sino ka ba sa tingin mo?"pabugsong wika nito.

"Nakakainis ka na Dindo, paulit-ulit lang tayo sa usapang ito. Sinabi na ngang hindi kami naririto para saktan o patayin ka. Tinutulungan ka lang namin. O, sabihin nating inutusan kami ni Amore na dukutin ka para sa seguridad mo. Kaibigan mo siya at ang lagi niyang hangad ay ang kaligtasan mo. Masama si Regor kaya kung makukuha ka niya tiyak na pagkatapos niyang makuha ang gusto niyang malaman mula sayo ipapapatay ka rin niya."

"Talaga ba? Si Amore ang nag-utos? Eh kung ganun nasaan siya? Gusto ko siyang makita ngayon din. Nasaan na siya?"

Laglag ang mga balikat nitong binalingan siya. "Wala siya rito. Hindi ko pa alam kung nasaan siya. Hindi pa niya ako kinokontak. Sayo ba wala ka ring contact? Parang malabo naman yatang hindi niya nagawang tumawag o magtext man lang sayo?"

"Nagkausap kami noong nakaraang araw. Hindi niya sinabi sa'kin kung nasaan siya. At ang tanging sinabi niya na ligtas daw sila ng lalaking tinulungan niya. Iyon lang at nawala na ang signal niya. Siguro nasa malayong lugar siya."

"Ganun ba? Sana nga bumalik na siya. At kapag bumalik na siya. I need your help. We need to conquer the devil Regor Marcial. Kailangan naming mapabagsak ang mokong na iyon."

"Bakit ba? Bakit kailangan niyo pang maghigante? Alam niyo namang masama ang binabalak ninyo. Minsan na akong pinuwersa nina Regor, at nagkamali na ako noon kay Amore. Ako ang nagturo at nagsabi kay Regor ng tungkol sa lalaking tinulungan niya kaya ng dahil sa akin napahamak ang kaibigan ko. Ayaw ko nang mapahamak siya ulit."

"Alam mo namang hindi siya nagtatanim ng galit sa mga kaibigan niya. Lalo na sa'yo, alam mo 'yun. Kaya huwag kang mabahala, ang isipin mo na lang na ligtas ka rito."

Tumalikod na ito mula kay Dindo.Namulsa at nagsalita muli. "Marami ng atraso sa'min ni Regor at salot siya sa lipunan. Maraming mga kabataan ang naaapektuhan dahil sa paggamit ng mga bawal na gamot. Kabilang na ang pagbibinta ng laman at child trafficking."

"I-report sa mga pulis, simple as that. Bakit nilalagay niyo pa sa mg kamay niyo ang hustisya?"

Natawa ito sa sinabi niya."Sa panahon ngayon kung marami kang pera pwede mo nang bilhin o suhulan ang lahat. Naniniwala ka pang kaya siyang ikulong ng mga pulis? Pwede niyang suhulan ang mga kaalyado niyang nasa mataas na posisyon. Wala pa ring saysay ang lahat."

Hindi siya nakasagot. May point ang babae sa mga sinabi nito. Kung may suhol na pera lahat ay nagagawa kahit kasamaan pa. Nagsalita ito muli pero nanatiling nakatalikod mula sa kaniya.

"Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko o sa sitwasyon ng mga maaaring maapektuhan pa, pipiliin mo na lang ba na magsawalang kibo? At kay Amore naman siguro may personal na hidwaan ang dalawa na hindi ko alam. Kaya huwag ka nang magtanong pa ng marami dahil hindi ko na iyan sasagutin, maliwanag ba?"

"Okay, fine. Pero hanggang kailan pa ako mananatili rito? I have my work. Paano na 'to? Hindi ba pwedeng maghire na lang ako ng mga body guards ko. Parang hindi ito magandang paraan para matakasan si Regor."

"Huwag ka nang komuntra. Habang hindi pa nakabalik si Amore dito sa Maynila. Dumito ka muna. Huwag kang mag-aalala. Papadalhan ko ng sulat ang mga magulang mo para hindi sila mag-aalala ng husto. Okay na ba?"

"Pe..pero Miss. Hindi ako komportableng ganito ang sitwasyon ko. Mga babae ang lahat ng nandirito. Nakakailang naman para sa akin bilang isang lalaki..."

"Don't worry kung ano mang kasarian ang mayroon ka labas na iyan sa trabaho namin. Wala kaming paki-alam sa 'yong kasarian at ang tanging concerned lang namin ay ang kaligtasan mo. Hindi naman kami mga malisyosong tao."

"Wala naman akong sinabing ganyan ah. Ang akin lang ang silid na 'to, hindi maganda at kulang sa gamit. Iyon ang tinutukoy ko. Not that damn sexuality I have or what you have."

"Don't worry. Just let me know if what do you need. Ibibigay ko iyan sayo. Just name it and I'll give it all."

"Sure. I will lists it all. Including my personal belongings. Okay?"

"Okay. Iiwan muna kita. Sila na ang bahala sayo rito. Basta don't you ever tried to escape from here again. Talagang pagsisisihan mo ang gagawin mong pagtakas ulit mula rito. Understood?"

"Sure!"

Matapos ng mahabang mabangayan at pag-uusap ay umalis na rin si Scarlett. Lumabas na siya ng kwarto at kinausap ang mga kasamahan na nagbabantay.

"Astra, bantayan ninyong mabuti si Dindo, kita niyo na ang nangyari kanina? Muntik na siyang makatakas ng hindi ninyo alam."

"Pasensya na po Jasmine, hindi na mauulit. Akala namin natutulog pa siya kaya lumabas kami. Pero hindi naman talaga siya makakalabas dito ng basta-basta. Patawad ulit."

"Okay lang, dapat sa susunod hindi na 'to mangyayari. Bantayan ninyo siya ng mabuti alam niyo namang pinapahanap din siya nina Regor kaya paki-usap gawin ninyong mabuti ang mga trabaho ninyo."

"Copy Jasmine, aasahan mo."

"Heto ang listahan ng mga gustong ipabili ni Dindo na mga gamit niya. Ipabili mo sa ibang kasamahan. Sa mga hindi mo nakasama noong dinukot ninyo si Dindo. Para makakatiyak tayong walang may makakita sa kanila, mahirap nang may makasunod na nakakakilala sa inyo."

"Opo. Gagawin namin iyan. Patawad ulit. Hindi na talaga mangyayari iyon."

"Sige. Aalis na ako. I have my work too."

"Sige po."

Pagkatapos niyang e-briefing ng mga dapat gawin ang mga kasamahan ay umalis na siya.

Tulad ng dating gawi. Tumuloy muna siya sa isa pa niyang bahay at nagbihis. Isa itong paraan niya nang pag-disguise para hindi mabuko ng sinuman.

Pagkatapos ay umuwi muna siya sa isa pang bahay niya.

Pagkarating niya sa bahay ay agad niyang napansin ang kanyang cellphone na naiwan sa mesa. Kinuha niya ito at binuksan. May nakita siyang text na galing sa unknown number.

Tiningnan niya ang text at natitiyak niyang galing ito kay Amore.
Binasa niya ang laman ng text.

'Kamusta ka na Scarlett? Kapag nabasa mo ang text na ito. Pakitawag ako. May mga dapat akong sasabihin sayo'

Napangiti siya at parang gusto niyang tumalon dahil sa subrang saya. Dahil natitiyak niyang maayos ang kalagayan ng kaibigan niya.

Nireplayan niya ito. Mamaya-maya pa ay sinubukang tawagan pero hindi ito makontak. Out-of-coverage area kaya hininto na lang niya ang ginagawang pagtawag.

Mabuti na lang ito kahit papaano ay naibsan ang kalungkutan niya.

Sa kabilang dako, hindi pa rin mawala sa isipan ni Dindo ang babaeng nakabangayan niya kanina. Gumugulo pa rin ang isipan niya kung talagang maniniwala siya sa mga sinabi nito.

Ngayon lang niya ito nakita at nagsasabi pang si Amore ang nag-utos sa kanila para itago siya upang hindi siya makita nina Regor.

Napakaimposible niyon para sa kanya. Although, he knows everything about Amore's nonsense stuff.

Habang nakaupo pa rin sa silya na kanyang kinauupan mula kanina ay talagang napapaisip siya.

"How could she? Huwag lang silang magkamali na gamitin si Amore at talaga malilintikan sila sa akin. Hindi ako papayag na saktan pa nila ulit si Amore. Sana mapatawad niya ako sa tuwing malalaman niyang ako ang dahilan ng kanyang panganib na tinatahak ngayon. I'm so sorry Amore na trap lang ako sa bitag nila. I'm so sorry, my friend."

Napahinto siya sa pag-uusal ng may kumatok. Binuksan niya ang pintuan, pumasok ang babae na may dalang mga gamit na hiniling niya kanina.

"Heto na ang mga gamit mo,"wika ng babae.

"Salamat. Pwede bang magtanong?"

"Ano iyon? Dalian mo at lalabas na ako kaagad!" sagot nito na walang ganang kausapin siya.

"Sino ba ang babaeng nakamaskara kanina?"tanong niya para makumpirma kung totoo ba ang sinabi ng babae kanina.

"Si Jasmine, siya ang right hand ni Sapphire. Iyon lang ba? Aalis na ako. Huwag ka na ring tumakas ulit dahil kami ang malilintikan kay Jasmine sa tuwing mawala ka rito at mahuhuli nina Regor. Maliwanag ba?"

Wala na siyang magawa dahil astig kung umasta ng babae, mas astig pa ito sa kay Jasmine. May pagkamahinhin pa iyon kung kumilos. Si Astra kasi boyish kaya astig siyang kumilos at manalita.

Natameme na lang si Dindo. Hindi na niya nakuhang magtanong ulit dahil lumabas na si Astra.

Continue Reading

You'll Also Like

47.4K 1.4K 42
"Be nice to her she...cant speak...Well.." Angel series I photos used are not mine (from Canva) . credits to it's rightful owner
1.6K 250 19
Anong gagawin mo kapag nalaman mong isa ka palang anak ng DEMONYO? - seventwentysixx.
70.1K 7.2K 45
Seeing what others can't see can be both a blessing and a curse, especially if it's about the dead. But what if a female who accidentally earned it c...
45.5K 1.7K 34
[HR: #11 in Science Fiction ✨] It started as a joke, but ended in an apocalypse. Papanindigan niyo ba ang kalokohan ng mga kaibigan niyo? Can you ris...