Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 11

317 106 242
By night-firefly



First pov;

Ilang oras ang lumipas at nakarating kami sa isang beach resort.. Malayo-layo na siguro ito sa City dahil mahaba-haba din ang naging byahe namin..

Bumaba na kami at lamig ng hangin ang sumalubong sa akin.. Bigla tuloy akong nanginig.

"Tss!"sambit ng impakto at hinubad ang suit nyang kulay itim..

Matchy-matchy pala kami ng suot ngayon. Ang cute naman..

"You look beautiful tonight First." mahinang sambit nito habang sinusuot niya sa akin ang suit niya..

Proud naman akong napangiti sa kanya..

"Maliit na bagay." sabi ko sabay hampas ng mahina sa braso niya..

Medyo nagulat siya sa inakto ko pero natawa din kalaunan.

"Are you drunk?" natatawa din nitong tanong sa akin..

"No! Hindi ka pa nagiging dalawa sa paningin ko kaya hindi pa ako lasing." sagot ko habang tinuturo ang nag-iisang gwapo niyang imahe na nasa harapan ko..

Ginulo lang niya ang buhok ko at naglakad na papunta sa may buhangin.. Hinubad ko muna ang heels ko bago sumunod sa kanyang tumatakbong nakayapak..

"Para kang bata." iling niya sa akin..

Nakangiti lang akong napatingin sa kanya..

I was enjoying the night, the sand, the sea and the night breeze..

"I dream this." natutuwang sabi at nagpatiuna na sa kanyang maglakad.. Gusto ko kasi siyang unahang abutin ang buwan. Bilog na bilog itong nasa itaas ng dagat.. Kaya ang liwanag tignan ng paligid.

Tinataas ko ang kamay ko at balak abutin ang buwan..

"I can't reach that.." nakasimangot kong baling sa kanya habang tinuturo ang buwan..

Naiiling na naman siyang tumatawa habang binababa ang kamay ko..

"You can't really reach that First." sabi niya kaya lalo akong napasimangot sa kanya..

"I like that thing Clover.. Can you reach it for me?" nagmamakaawa kong sambit sa kanya..

"Tsk! I can buy you a lot moon First if you want.." tamad na niyang sambit sa akin.. Siguro nakukulitan na siya..

Pero pumalakpak lang ako sa harap niya.. Gusto ko yung sinabi niya.. He can buy!

"Really?! —make sure ganyan kaliwanag ah.. Para hindi na magiging madilim ang mundo ko.." natutuwa kong sabi sa kanya..

Natigilan naman siya at tumingin sa akin ng seryoso..

"Why?" tanong ko..

"Nothing." sagot nito matapos ang ilang sandaling tinitigan ako..

Umupo siya sa buhangin at tumabi ako sa kanya.. Buti nalang mahaba-haba itong suit niya, hindi lang ako nahirapang umupo..

Nakaupo ako habang yakap-yakap ang tuhod ko..

Pareho kaming nakatingin sa dagat na nasisinagan ng buwan.. Ang tahimik ng paligid.. Hindi kasi masyadong malalaki ang mga alon.. Tanging simoy lang ng hanging nanggagaling sa dagat ang naririnig namin..

Payapa..

Tahimik..

Ang sarap mamuhay ng ganito..

"First." mahinang tawag ni Clover sa akin kaya napalingon ako sa kanya..

"Hmmm?" pabulong ko ding sagot sa kanya..

"Can you tell me about yourself? About your life?" baling niya sa akin..

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at napabuntong hininga.. All of a sudden naman kasi siyang mag-ask.

"Wala namang interesting sa buhay ko..—bukod sa pagiging magandang dilag ko— wala nang ibang maganda sa akin... —-ay wait! Maganda din pala ang katawan ko.. Hihi!" biro ko.

"Tss! Don't tell the obvious First.. Alam ko ng maganda at sexy ka kaya wag mo ng ulit-ulitin.. Lumalamig kasi lalo dito." natatawa niya ding sabi..

Sasabihin ko sana ulit siya ng maliit na bagay pero medyo naasar ako sa huli niyang sinabi..

Tinignan ko siya ng masama. Hindi naman ako nagyayabang ah.. Sinasabi ko lang ang totoo..

"I want to know you more First." may paglalambing na naman niyang sambit..

Tumatayo tuloy balahibo ko sa paraan ng pagkakasabi niya.. Napalunok ako..

"Kung anong nakikita mo sa akin yun ako Clover..—maldita., mataray., madaling mainis., mapanakit, sarkastiko at maganda.." binilang ko pa sa daliri ko yung mga ugali ko.. "yun ako.. Ahh—.." bigla akong napapalakpak sa harap niya.. "meron pa pala.. — hindi ako normal Clover.. yun ang pinakatago-tago kong sekreto.." nakangiting sabi ko sa kanya.

Napa-tss lang siya sa akin.. Parang di siya naniniwala..

"Ikaw..— tell me about yourself Clover.." balik ko sa kanya at dumukdok sa tuhod ko..

"Gwapo ako., matalino, maganda ang katawan., hot, kaakit-akit.. at higit sa lahat—-

"Impakto!" putol ko sa sinabi niya.. Masyado na kasi niyang binubuhat ang bangko niya..

"Woahh.. ang lamig.." dagdag ko pa..

Sinong mayabang sa amin ngayon!?

Napa-tss ulit siya at hinawakan ang dalawang braso ko at hinila niya ako pasandal sa dibdib niya..

Natigilan ako sa ginawa niya. Bigla akong kinabahan.. Lunok ulit! Takte..

"Para di ka na lamigin.." bulong niya.. Lalo akong kinilabutan sa bulong niya..

Aangal pa sana akong hindi naman iyon ang ibig kong sabihin pero naramdaman kong komportable din palang sumandal sa kanya.. Nangangawit na din kasi akong nakadukdok sa tuhod ko kaya hindi na ako nag-inarte.

"First?—-Bakit first ang pangalan mo?" tanong niya. Wala na siguro siyang ibang ma-topic..

Natawa ako sa tanong niya..

"Akala kasi daw ni Mom dati boy ang magiging anak nila ni Dad.. Uno dapat ang name na ibibigay nila, eh naging girl kaya First ang pinangalan nila sa akin— First sa lahat.,.." bigla akong nalungkot... " a priority.." malungkot kong dagdag dahil hindi naman naging ganon ang buhay ko ngayon..

"Then?" naghihintay pa siya ng kadugtong. Hayst..

"I was my mom's priority.. Mama's girl ako noon sa pagkakaalala ko.. ..—- I was 10 years old noong namatay si Mom.. and I was left alone.." napatingala ako sa langit.. Medyo kasi nababasa ang mata ko..

"How about your dad?"tanong niya..

Napangiti na naman ako ng mapait..

"I don't know him Clover." buntong hininga kong sagot sa kanya.. Kahit kasi andiyan lang si Dad wala akong alam sa kanya bukod sa pagiging busy niya sa business at sa bago niyang pamilya.

"Can I ask you another question?" seryoso niyang tanong..

Napatingala naman ako sa kanya.. Tinignan ko sa mata at kahit liwanag lang ng buwan ang tanging ilaw namin, nakikita ko pa ring bahagyang lungkot sa mga mata niya.

Bakit?

Pero tumango pa rin ako sa kanya.

"Who is Craig to you?"tanong niya..

Natigilan ako at matagal na napatitig sa mata niya.

"First.." nagsusumamo niyang sambit sa pangalan ko na parang hinihintay niya ang magiging sagot ko..

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at napayuko. Bakit kelangan pa niyang itanong iyon?

"Craig is my friend.." tipid kong sagot..

"Friend?"patanong niyang sabi na halatang hindi naniniwala sa sagot ko..

"I don't know kung dapat ko pa bang sabihin sayo ang mga bagay na ganyan Clover.."

"But I want to know First.." pagpipilit niya..

"He's my first friend ——.and first love Clover."
Ramdam ko ang paglunok niya. Nakasandal pa rin kasi ako sa kanya..

"What happen? Bakit kayo naghiwalay?!" tanong niya..

"Dahil iniwan ko siya.." simpleng sagot ko.

"Why?"

"That's the right thing to do.." matabang kong sambit..

"But he love you First." buntong-hininga niyang sambit..

"Yeah! Pero hiniling ko sa kanyang kalimutan niya ang pagmamahal na iyon para sa akin."

"But.. —you.... do.. you.. love ... him?!" parang nahihirapan niyang tanong..

Mas lalo akong sumandal sa kanya.. Gusto ko ata ng masasandalan ngayon..

"Hmmm.. I do.."pag-amin ko..

Tumahimik na siya at niyakap na lang ako mula sa likod..

"Watashi wa so negatte imasu.."

bulong niya habang hinihigpitan ang yakap niya sa akin..

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya pero bigla akong kinabahan— alien na naman kasi siya.. Katulad ng dati.. impakto na nga siya.. Alien pa ang sinasabi niya.

Nanatili kami sa ganoong ayos ng mga ilang oras..

Walang nagsasalita sa aming dalawa...

Nakayakap lang siya sa akin mula sa likod habang hinihilig ko naman ang ulo ko sa dibdib niya..

Ang lakas ng pintig ng puso niya.. Mayroong pakiramdam sa akin ang masayang napapakinggan ko iyon..

Gusto kong itanong sa kanya kung sino ang itinitibok ng puso niya pero pinili ko na lang manahimik.. —impakto pala siya! Baka kabi-kabila nga ang girlfriends niya kaya malakas ang tibok ng puso niya.. —sabagay sobrang gwapo din nitong impaktong ito., may maganda pang katawan at matalino.. kaakit-akit daw sabi niya.. —hihi lihim na lang akong napapangiti..

Komportable lang akong nakasandal sa kanya.. Ang sarap ng init ng katawan niya.. Hindi na ako nilalamig..

🎵when you try your best but you don't succeed. When you get waht you want but not what you need... when you feel so tired but you can't sleep.. stuck in reverse!"🎵

Narinig ko siyang mahinang kumakanta.. Ang ganda din pala ng boses niya.. —hindi lang pala katawan maganda sa kanya..

🎵when the tears come streaming down your face.. 'cause you lost something you can't replace... when you love someone but it goes to waste.. what could it be worse?.."🎵

Bumaling ako ng harap sa kanya at sa di malamang dahilan.,—niyakap ko siya.. Ngayon ko lang na-appreciate yung pabangong panlalake.. Ang bango niya..

"Cloverz.. I'm tired.." bulong ko sa kanya.. Sakto lang na marinig niya..

Sinuklian niya din ang yakap ko at hinapit pa ako sa tabi niya..

I feel warm..

Lihim akong napahikbi habang nakahilig ako sa dibdib niya. I'm really tired living in the dark.

🎵Lights will guide you home... and ignite your bones.. And I will try to fix you..🎵

Hinagod niya ang buhok ko at ramdam ko pa ang paghalik niya sa noo ko..

Clover..

Napapikit ako habang dinadama ang init ng yakap at halik niya sa noo ko.

Clover..

Naging mayapa ang puso ko at naging banayad ang tibok nito dahil sa pag-aalo niya..

Maaari kayang ganito na lang muna kami.. Huwag muna siyang bumalik sa pagiging impakto niya..

Gusto ko pa ang yakap niya.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang yakap-yakap siya..

Nagising na lang ako sa mahinang haplos sa pisnge ko at sa nakakakaba niyang malambing na boses..

"First..Wake up.. the sun is rising.."bulong nito sa akin kaya unti-unti akong napadilat..

Sumalubong sa akin ang magaganda niyang mga mata na lalong nagbigay ng kaba sa puso ko..

Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo..

Natigil ko na lang ang hininga ko sa ginawa niya.. Nakakabigla.. Nakakatameme.. Nakakakaba.. —lumalakas ang tibok ng puso ko..

"First.." untag niya sa pagkatulala ko..

Bumaling siya sa harap at napangiti..

"It's beautiful.."natutuwang sambit niya..

"Yeah! It's beautiful." wala sa sariling sambit ko habang nakatingin pa rin sa mukha niya..

Bigla naman siyang bumaling sa akin kaya nataranta akong balingan ang sunrise na nasa harap namin..

Natawa lang siya sa reaksyon ko at binalik na din ang tingin sa harap...

"It's really beautiful..!" nakangisi na niyang sabi..

Akala ko fullmoon lang ang maganda.. The sunrise is also majestic.. Naging banayad ang pakiramdam ko habang nakatanaw sa papasikat na araw. Nakangiti pa akong nakatingin doon. Masaya ang nararamdaman ko ngayon at hindi ko alam kung dahil lang ba ito sa magandang sunrise na nakikita ko o dahil na din sa katabi ko..



Nagyaya na siyang umuwi kaya sumakay na kami ng kotse niya.. Buti na lang sabado at wala kaming pasok ngayon..

Bumalik na kami ng hotel kung saan ang unit namin. Nasa 9th floor pala siya habang ako ay nasa 8th.. —hindi na siya lasing ngayon kaya nasabi na niya.

Ang lapit lang pala ng unit niya pero di niya talaga nagawang umuwi noong nalasing siya. Nakitulog pa talaga sa unit ko.. Hay naku! Impakto talaga siya..

Pumunta na ako sa unit ko at pumanhik na din siya sa 9th floor.. Gusto pa niyang pumunta sa tuluyan ko pero binawalan ko na siya. Kelangan din niyang bumawi ng tulog..

Naglakad na ako papunta sa unit ko pero hindi pa man ako nakarating sa pintuan, nakita ko na kaagad ang isang lalakeng nakaupo sa may labas ng kwarto ko..

"Craig??" takang tawag ko sa kanya..

Bakit siya nandito!? Hindi ba siya umuwi sa kanila? Ganoon pa rin kasi ang suot niya..

Nagmulat siya ng mata at tumingala sa akin..

Nakangiti niya akong tinignan at dahan-dahan ng tumayo..

Binuksan ko na ang pinto matapos kong pindutin ang password ko.. Nakatingin pa siya habang nagpipindot ako kaya inismidan ko siya! —tinawanan lang naman niya ako..

"Anong ginagawa mo diyan sa labas?"tanong ko kaagad sa kanya pagpasok namin..

"Hinihintay ka.." simpleng sagot niya bago umupo sa sofa ko..

"At bakit mo naman ako hinintay?" mataray kong tanong.. Paano na lang kung hindi ako umuwi dito at kila Butter ako nagpunta.. edi nganga siya sa kahihintay!?

"I just want to see you First.." Inirapan ko lang siya.. Baka nakalimutan na niyang ginalit niya ako sa school kahapon.. at iyong announcement kagabi.

"I'm sorry.." nagsusumamo niyang sambit habang nakangusong nakatingin sa akin..

"Tsk! Hindi kita bati.." tulak ko sa nakanguso niyang mukha. Ang cute kasi..

Tinawanan lang niya ako.

"I can cook for you.." masaya niyang sambit na kaagad ko naman sinang-ayunan.

"Okay.. bati na tayo.." mabilis kong sabi sa kanya..

Napatawa lang ulit siya at biglang napaseryoso ng tingin sa akin..

"You look beautiful last night..—but kaninong suit 'yang suot mo..?" tanong niya na nagpatigil sa akin..

Sasagutin ko na sana siya pero bago pa man ako nakapagsalita ay tumunog na ang doorbell ko..

Taka ko itong binuksan at mukha ng impaktong nakangiti ang nabungaran ko..

Tinignan ko pa siyang parang model na nakahawak ang isang kamay sa itaas na bahagi ng pintuan ko..

Clover!

"W—-what are you doing here?" nauutal kong tanong..

Naka-sleeve less top lang kasi siya..— kita ko muscles niya.. at ang mas lalong nakakautal— naka-boxer short lang siya..

Impakto siya.. May bumakat.. —ang ha—- hot niya!

"Breakfast?!" nakangising sagot niya..

Busog na ako— ay este ano ba!!

"Clover!" tawag ng taong nasa likod ko..

Biglang nawala ang ngiting-ngiti na mukha ng impakto at seryosong napatingin sa likod ko..

Problema nito?

"What are you doing here?"madiing tanong niya.. Galit ba siya?

"Ahh! Haha.. ipagluluto ko si First.." natatawang sagot ni Craig..

Tinignan naman ako ng masama nitong kaharap kong impakto kaya nakasimangot ako sa kanya..

"Problema mo?" sabi ko nang walang boses..

He just frowned at nagtuloy-tuloy nang pumasok sa loob ng unit ko..

Abnormal!

Pumasok na din ako at pinabayaan ko na sila kung saang sulok sila pupunta..

Pumasok ako sa kwarto ko at nag-ayos ng sarili.. Kagabi pa pala itong suot ko.. Hinubad ko ang suit ni Clover at nilapag sa kama ko.. Tsaka ko na lang isusuli sa kanya kapag nalabhan ko na..

Pumasok na ako sa banyo para maligo.. Ilang minuto lang akong nagbabad.. Hindi naman ako maarte sa katawan kaya shampoo at sabon lang oks na..

Lumabas na ako ng matapos akong mag-ayos..

Naabutan kong hinahanda na ni Craig ang pagkain sa lamesa at ang impakto, ang sarap lang nang upo niya sa upuan habang naka-dikwatro pa..

Tamad.. —di man lang tinulungan si Craig..

"Sarap!" sambit ko habang inaamoy ang adobong manok na niluto ni Craig..

Paano kaya napunta ang manok dito? Wala naman akong natandaang nag-grocery ako..

Pinagsawalang bahala ko na lang ang tanong ko., Ang mahalaga ang importante.. Hihi— ang mahalaga may pagkain.. Busog lusog..

Nakangiti lang si Craig sa akin at giniya na akong umupo..

Sinilip ko naman ang impakto sa tabi ko.. —naka-kunot na naman ang kilay niya.

Abnormal talaga siya.. —bading!

"Let's eat.." anunsyo ni Craig at bago pa ako makasandok ng kanin at ulam.. Nag-uunahan na silang dalawang maglagay ng pagkain sa plato ko..

Pabaling-baling ang tingin ko sa kanilang dalawa..

"Hinay-hinay lang.. —mauubos ko din ang lahat ng yan.." Sabi ko tsaka sila isa-isang inirapan..

Napa-tss lang sila!

Problema ng mga 'to?

Umayos na din sila at kanya-kanya na ng sandok ng pagkain..

Natapos kaming kumain at nagpresenta si Clover na siya na lang ang maghugas ng pinagkainan namin.. —ayy may pakinabang din pala ang impaktong ito..

Pumunta na siya sa sink pero tinawag niya din ako para tulungan siya.. —ayy wala din pala..

Tamad akong lumapit sa kanya at nag-umpisa na kaming maglinis ng plato..

Ako taga-sabon, siya naman ang taga-banlaw..

Napapalakas ang wisik niya kaya nababasa ako..

"Clover!!!"saway ko sa kanya.. Para kasing nanadya na siya..

"What?"inosente pa niyang sagot..

Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy na akong mag-sabon.. Bakit ba ang dami atang nagamit ni Craig.. Ta-tatlo lang naman kaming kumain?

Natapos na akong magsabon at last na pinggan na lang ang huling inabot ko kay Clover nang bigla na lang itong dumulas sa kamay niya..

Pinandilatan ko siya ng mata..

Nakanguso siyang tumingin sa akin at nagsalita..

"Hinuhugasan ko lang naman yung plato ng biglang nahulog—- ako sayo!" banat niya! Nakangisi pa ang impakto..

"Impakto ka.. pinagsasabi mo?!" asar kong sabi sa kanya at nilagyan siya ng sabon sa mukha..

Biglang ako naasar.. Nakakainis kasi 'yung biro niya..— at hindi ko alam kung bakit yun nakakainis..

"First!!"gulat niyang tawag sa akin ng maramdaman niya ang sabon sa mukha niya..

Nginisian ko lang siya.. at mabilis na lumayo sa kanya., baka kasi gantihan pa ako..

Lumabas ako ng kusina at naabutan kong nakahiga si Craig sa sofa.—tulog.. Anong oras kaya siya naghintay sa akin dito sa unit ko?

"Craig...."gising ko sa kanya.

"Hmmm.."sagot niya pero nakapikit pa rin..

"Go to my room.. Doon ka na lang matulog.." suhestiyon ko. Kita ko kasing nahihirapan siyang humiga sa sofa. Lagpas ang paa niya.. Ang tangkad kasi ng lalakeng ito..

Dahan-dahan siyang bumangon at nakangiting humawak sa kamay ko..

"Okay."sabi niya at naglakad na papasok ng kwarto ko..

Gustong-gusto niya atang humiga sa kama ko.

Napaupo ako sa sofa at nag-isip kung anong gagawin ko ngayon.. Napapa-kunot ang kilay ko dahil wala akong maisip.. Takte.. —kung andun lang ako kina Butter., ang dami na naming nagawa ni Tork..

Naabutan ako ni Clover na seryosong nag-iisip dito sa sofa..

"Anong iniisip mo?"tanong niya at tumabi sa akin ng upo..

Hinarap ko naman siya..

"Wala akong maisip na gawin.." sabi ko sa kanya..

"Tss! Akala ko naman kung ano nang naiisip mo..—nood na lang tayo." sabi niya habang nakatingin doon sa tv.

"Gusto ko action panuorin natin.."sabi pa niya..

"No. I want horror!" sabi ko naman..

"Action.."

"Horror!!"

"Action!!!"

"Horror!!!"

"Edi action-horror na lang.!" naiinis niyang sabi.. Ang dali lang talaga nitong magalit. Abnormal talaga siya..

Nanuod kami ng Zombie.. action-horror eh.. May hampasan ng utak!

"Ayy ang tanga.. —ang bagal tumakbo! Bilisan mo hoy!!" gigil kong sambit.

"Tss.."

"Ayan na! Putek.. —ayan tuloy! Nakain ka..!." napapadyak pa ako sa sahig.. —napapahampas sa katabi ko.

"Tss.. ingay mo!"

"Huwag ka diyan! Umakyat ka sa taas!! —bilisan mo.. hampasin mo na!!"

"Tss! Pwedi bang tumahimik ka na First! Alam mo pa sa director!"may bahid na ng inis sa boses niya..

"Huwag kang mangialam Clover!"sabi kong nakaharap pa rin sa pinapanuod namin.

Nanlalaki ang mata ko sa screen..

"—-ay pu—-

Bago ko pa masabi ang sasabihin ko tinakpan na niya ang bibig ko.. Inis naman akong bumaling sa kanya..

"Ingay mo kasi.. di ko tuloy naiintindihan pinapanuod ko.!" singhal niya bago binitawan ang bibig ko..

Tumahimik na lang ako at sumandal sa sofa.

"Nakakainis palang panuorin yan." komento ko..

"Ikaw ang nakakainis na nanunuod!"balik naman niya..

Hinampas ko siya ng unan sa likod niya.. Nakakainis pala huh!

"Bakit ka ba nanghahampas?"inis niyang baling sa akin..

"Akala ko kasi ikaw yung zombie! Hihi.." nakangising sabi ko..

Kinuha niya ang unan at hinampas din ako sa mukha..

"Ayy impakto ka! Bakit mo ko hinampas?"
galit kong tanong sa kanya..

"Mukha ka kasing zombie!!" nakangisi din niyang sabi sa akin..

Nakakainis 'to ah..

Inulit ko siyang hampasin ng unan at ganoon din ang ginawa niya..

Pillow fight!

Tumayo ako sa sofa, may katangkaran din kasi ang isang to at nilakasan ko nang hampas sa mukha niya— ayun tumba siya!

Tatawa-tawa akong lumapit sa kanya pero mabilis niyang nahila ang unan na hawak ko kaya nahulog ako—-sa kanya!

Putspa! Tigas ng katawan niya.. Napaibabaw ako sa katawan niyang—-maganda!

"Ouch!!"maarteng angal ko! Ramdam ko kasi ang abs niya. Parang gusto kong bilangin..

Natigilan siya at nanatiling nakatitig sa akin kaya napatingin din ako sa mukha niya.

—ang haba ng pilik-mata niya. May nunal din pala siyang maliit sa may bandang kilay niya—kaya pala kung makataas ng kilay sa akin..wagas! binasa niya pa ang labi niya gamit ang dila niya at napalunok siya! —- bakit ko tinitignan ang ginagawa niya.. —nakakakaba.. napapalunok din ako!

"Aggggghhh!"

Napatingin kami pareho doon sa sumigaw..

"Putspang utak yan! Kinain na!!" sigaw ko at mabilis umalis sa ibabaw niya..

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko! Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa zombie o sa impaktong ito.

Continue Reading

You'll Also Like

429K 11.5K 46
Siya si Princess Lucy, ang anak ng Royal Family. Pinayagang mag-aral sa pibakayamang school pero hindi pinayagang ilabas ang tunay niyang IDENTITY. N...
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
98.5K 2.5K 33
Palagi siyang na bubully sa school, pinapagalitan sa bahay at sinasaktan ng lahat. Nagsimula sa bahay na sinasaktan, sa school na binubully at nag ta...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...