Ludic Selcouth #2: This Song...

By blackgraffiti

101K 1.6K 371

Alectrona Heres is left under her closest relatives' roof ever since her father abandoned her without a singl... More

This Song Saved My Life
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 4

2.4K 141 43
By blackgraffiti


“You think it’s your father’s updated mobile number?” Mallory asked as she dipped her fries on the ketchup. Our vacant schedule matched so we were able to hang out in the cafeteria for a while.

“If my hunch happens to be right, yes. I saw it floating after I washed their clothes, so maybe it slipped out from one of the pockets.”

Dumaan ang weekend pero hindi na naalis sa’kin ang numerong nakalagay sa card. I haven't tried to call it yet because to be honest, a part of me is scared to know what I’m going to hear once I dialed that number.

What if it’s really him? If he’s communicating with Tita or Tito, why wouldn’t he contact me first? What if he doesn’t want to talk to me anymore?

“You should call the number, then. You haven’t seen your father for 4 years now,” aniya at pinakatitigan ako.

I sighed and shrugged. “I don’t know, Mal... There’s so many what ifs circulating in my head right now,” I said as I eat the fries on my hand. “If dad wants to talk to me, he will contact me himself,” I added.

“You’re partly right. But, Alec, you are in a tight situation right now. You should try to talk and convince him to get you. I’m afraid that you’ll get seriously injured once you continuously live with your abusive relatives.”

Pumikit ako saglit at hindi nagsalita. Pero paano nga kung ayaw na sa’kin ng tatay ko?

I eventually changed the topic as we go on. I don’t want to stress it right now.

Nang oras na para bumalik sa kaniya-kaniya naming klase ay naghiwalay na rin kami. I was a bit distracted while on the class. Nasa isip ko pa rin si daddy kahit na sabi kong ayoko munang magpakastress don.

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit nang matapos ang lahat ng klase ko para sa araw na ’yon. Mallory texted me that her last class will end at 6:30 pm and that I don’t have to wait for her anymore.

I left the school and decided to immediately go home. Para wala nang masabi pa sina Tita Carolina kung naroon na sila.

Ilang saglit pa ay bigla na lang tumigil ang jeep na sinasakyan namin. Kaniya-kaniyang reklamo ang mga pasahero nang bumaba ang driver para i-check ang jeep. Napabuga ako ng hangin at isinandal ang noo sa braso kong nakasabit sa hawakan. Malayo pa kami sa subdivision at walang nagpapasakay sa bandang ’to dahil bawal.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi pa rin umaandar ang jeep. May lumapit nang ibang tao para tulungan si manong driver. Narinig ko pa ang isa na kailangan daw pumunta sa isang vulcanizing shop.

“Mga ma’am, sir, pasensya na. Nasiraan tayo, matatagalan pa ’to at kailangan ko pang magpavulcanize. Ibabalik ko na lang ang mga binayad niyo,” sabi ng driver. Mas lalong nagreklamo ang mga kasama ko sa loob.

Bumaba na lang din ako at tiningnan ang paligid. Can I even book an uber here? How long will I have to wait? Lumapit sa’kin ang driver at akmang ibabalik sa’kin ang binayad ko nang umiling ako. “Wag na po, manong. Idagdag niyo na lang sa pagpapa-ayos niyo yan.” Ngumiti siya at nagpasalamat. Natawa naman ako at umiling, para maliit na pera lang ’yon.

Iniwan ko na ang mga nagrereklamong pasahero ron at nagsimulang maglakad. Wala na kami sa pinaka-abalang kalsada kaya naman wala masyadong sasakyan na dumaraan, kung meron man ay hindi naman magpapasakay.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa rin ako makahanap ng pwedeng masakyan. Naisip kong tawagan si Mallory pero naalala kong may klase pa pala siya.

I guess I'm going to walk home tonight.

Ilang lakad pa ang ginawa ko nang biglang may bumusina sa aking likuran. Lumingon ako at nakita ang isang Mustang na mabagal ang patakbo. Ibinalik ko na lang ang tingin sa unahan at hindi ’yon pinansin. Binilisan ko rin ang paglalakad dahil baka mamaya nangtitrip ’to. Call me paranoid but I can easily get nervous when I find an unfamiliar car or person behind me, lalo na kapag may kahina-hinalang galaw.

Bumusina ulit ’yon pero hindi ko na pinansin. I can’t be deceived by that dashing sports car. Baka mamaya kung sinong ponsiyo pilato ang sakay niyan.

Bumaba ang windshield sa driver side nang makatapat ang sasakyan sa’kin. Napatingin naman ako ron at kumunot ang noo nang makita ang isang lalaki na siyang pinaka hindi ko inaasahan na makita rito.

“Hey... Why are you walking?” tanong niya at sinasabayan lang ang lakad ko ng sasakyan. I stopped and looked at him, bewildered.

“Who’s that?” Napansin ko ang pagsilip ng isa pang lalaki mula sa passenger seat. My lips parted when I recognized the man. Zath Accardi!

Tuluyang tumigil ang sasakyan at saka bumukas ang car door. Lumabas si Rush at nagsuot ng shades kahit sunset na. Lumabas din si Zath Accardi at tiningnan ako.

I immediately felt the awkwardness crawling through my body. Why the hell did they stop?

“Why are you walking? Magdidilim na,” ulit ni Rush. Para kong nalulon ang dila at nakatingin lang sa dalawang guwapong nilalang na ’to na kasalukuyang nasa harapan ko.

“I think my gorgeousness struck her to the point that she can’t speak. Give her a minute,” sabi ni Zath at humalakhak. Napakurap-kurap naman ako at natauhan. Rush glared at him before returning his gaze to me, waiting for an answer.

I cleared my throat as I straightened my back. “Nasiraan ’yung jeep na sinasakyan ko kanina. I don’t have any choice but to walk,” mabilisan kong sagot at muling tumingin kay Zath na medyo nakangisi pa rin habang pinagmamasdan ako.

“I see... Hop in then, ihahatid na kita sa inyo.”

“Ha?” I think my ears glitched. Me? Hop in? Mas lalo lang lumawak ang ngisi ni Zath Accardi kaya nagsimula na akong mahiya.

“You can hop in. Wala kang masasakyan dito,” ulit na naman niya. Kinakabahan akong tumawa at umiling. Oh no, Rush’s been saving me from trouble and it’s seriously bothering me. First, he paid our bill to that restaurant, and now he’s going to take me home? No way.

“Thank you, but I can just book an uber from here,” pagtanggi ko. Agad na kumunot ang noo niya at tiningnan ang wristwatch na suot.

“That will take a while. We’ll just give you a ride, that’s more convenient.”

Tatanggi sana ulit ako nang magsalita na rin si Zath. “He’s right. It’s less hassle. We’re just going to a convenience store, we can take you home first... What’s your name by the way?" he asked.

“Uhm... Alectrona,” I answered.

“Alectrona. It’s the first time I heard that name. So, Alectrona...” Pumunta si Zath sa passenger side at binuksan ang pinto ron. He motioned the inside as he looked at me. Napatingin naman ako kay Rush na seryoso pa rin ang mukha. Pakiramdam ko’y bawal na talaga akong tumanggi.

Tumikhim ako at hindi na umalma. I walked on the passenger side hesitantly. Tumabi si Zath at ngumiti bago ako tuluyang pumasok. Sinalubong ako ng pamilyar na amoy ni Rush. Ang bango.

Rush immediately climbed in and Zath went to the backseat. Mas lalo akong nahiya dahil siya na ang nasa backseat ngayon. Dapat ako na lang don...

“Where at?” Rush asked when he started the ignition. Sinabi ko sa kaniya kung saan at ang pangalan ng subdivision. Tumango lang siya at bahagyang kinagat ang labi. Iniwas ko ang paningin at tumingin na lang sa labas. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin.

“Alectrona, how did you meet Rush?” biglang tanong ni Zath. Bahagya akong napalingon sa kaniya. Nakakaloko siyang nakatingin kay Rush na ngayo’y nakakunot noo.

“Chismoso,” he muttered. Medyo napangiti ako dahil sa pagkakabanggit niya sa word na chismoso. Agad ko namang inayos ang ekspresyon.

“Uh...it’s actually an embarrassing encounter,” napipilitan kong sagot. He suddenly whistled. Pero mukhang napansin niya na hindi ako kumportable kaya ngumisi na lang siya at hindi na ulit nagtanong.

Minutes passed and he started talking again though, it’s like he cannot survive without conversing with the people around him. Zath is talkative. Kung ano-anong kinikuwento niya at minsa’y kung ano-ano pang panlalaglag kay Rush ang binabanggit. Maiirita na lang bigla si Rush at mumurahin siya.

I just suddenly found myself being comfortable with him. Kay Rush kasi ay nakakaramdam talaga ako ng intimidation. Dahil na rin siguro sa nangyari noong nakaraan. May utang pa rin ako kahit na hindi niya pinabayaran.

Pigil na pigil ang tawa ko sa buong byahe dahil sa kakulitan ni Zath.

“Why are you being serious tonight, Rush? We both know that you’re not like this. Pareho tayong gago rito! May naghuhugas kamay, mukhang ayaw magpa bad shot!” ani Zath at humalakhak na naman. Hindi ko naman naintindihan ang sinabi niya kaya ngumiti na lang ako. Ang gaan niya kasama.

Inabot ni Rush ang sunglasses na nakapatong sa dashboard at hinagis ’yon sa lalaking nasa likod. Zath just laughed even more. Napailing-iling na lang ako at patuloy na ngumiti.

I can now imagine how they bond. Mukhang ang saya-saya lagi kapag magkakasama sila. Naiintindihan ko na kung bakit tinatampal-tampal lang ni Zemira ang dalawang ’to.

Nang marating na namin ang labas ng subdivision ay pinatigil ko na ang sasakyan kay Rush.

I removed my seatbelt before turning my head at their direction. “Thank you so much for the ride... Sorry naabala ko pa kayo. I had fun talking to you two,” masaya kong sabi. Tumaas lang ang kilay ni Rush at binuksan ang pinto ng driver side. Umikot siya at pinagbuksan pa ako.

I felt my cheeks heated with the gesture. Narinig ko na naman ang pang-aasar ni Zath kaya napatawa na lang ako.

“Zath... I’ll get going now. I enjoyed your stories,” sabi ko at nginisian niya lang ulit ako. Lumabas rin siya nang lumabas na ako.

“Rush, salamat ulit. Mauuna na ako. Ingat kayong dalawa,” pagbaling ko kay Rush. Namulsa siya at tinanguan ako.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papasok. “Take care, Alec!” pahabol ni Zath kaya lumingon ako at kinawayan sila.

Umalis lang sila nang makitang tuluyan na akong nakapasok sa subdivision. Hindi maalis ang ngiti ko habang naglalakad pauwi. Parang ngayon na lang ata ako ulit nakaramdam ng ganito. I feel light and happy with that brief roadtrip.

Inayos ko lang ang ekspresyon sa mukha nang magdoorbell na ako at pagbuksan ng kasambahay. Habang pumapasok sa loob ay naka-receive ako ng text galing kay Mallory, asking if I already got home. I immediately replied before pocketing my phone again.

Naabutan ko si Tito Sandro sa living room na nanunuod ng TV. Agad siyang napatingin sa aking gawi at ngumiti. The happiness in me instantly faded with just the sight of him.

“Good evening, Tito” napipilitan kong pagbati. Tumayo siya at inilagay ang hawak na baso na may lamang alak sa lamesa. Tumikhim ako nang lumapit siya.

“Alec... kumain ka na ba? Halika, magsabay na tayo. Ang Tita Carolina mo ay mamaya pa ang uwi.. wala pa rin sina Iris kaya mauna na tayong kumain,” aniya at hinawakan ang braso ko.

I immediately stepped back and forced myself to smile. “It’s okay, Tito... I’m planning to eat later, I need to do some homeworks first.” Truth is, I don’t have that much homeworks today. I just don’t want to eat with him. Kinakabahan ako na malamang wala si Tita Carolina rito at ang asawa niya ang naiwan.

“Let’s eat first, iha. Your assignments can wait. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom,” aniya. Wala akong nagawa nang igiya niya na ako papunta sa kusina. Inilapag ko na lang ang bag sa couch at walang imik na naglakad.

Pinaghila niya pa ako ng dining chair kaya wala na akong nagawa kun’di umupo. I remained silent when he sat at the head of the table.

“Let’s eat,” he said when the maids finished arranging the food. Tumango lang ako at uminom muna ng tubig para maibsan ang kaba sa dibdib. I will never be comfortable around him.

“So... how’s your study? Do you feel stressed these days? Kailangan mo ba ng extra allowance?” tanong niya habang nakatingin sa’kin.

I immediately shook my head. “I’m fine. I still have enough money.”

Nagtagal pa ang mata niya sa’kin bago siya tumango. “Okay then... just tell me if you need something.” Hindi na ako sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Sunod-sunod ang pagsubo ko para matapos na agad at makaalis na rito. I just want to lock myself inside my room.

Maya-maya pa ay nabilaukan na ako kaya dali-dali kong inabot ang baso at uminom. Tumayo naman si Tito at pumunta sa tabi ko. Hinaplos niya ang likod ko habang ramdam ko pa rin ang nakabara sa aking lalamunan.

“Dahan-dahan lang, iha... Walang humahabol sayo,” aniya at medyo tumawa. I shivered with his voice. Nang guminhawa ang pakiramdam ko ay agad na akong tumayo. Halos magdikit kami ni Tito kaya dali-dali akong lumayo.

“I’m d-done... Kuwarto lang po ako,” pagpapaalam ko. Malagkit pa rin siyang nakatingin sa’kin kaya tumalikod na ako at patakbong umakyat sa taas. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko.

I immediately locked the door when I finally entered my room. Agad din akong napasapo sa noo nang mapagtantong naiwan ko ’yung bag sa couch sa baba. Nagdadalawang isip pa ako kung kukunin ko ba nang maalala kong kailangan ko ng notes dahil may test kami bukas.

I have no choice but to go downstairs again. Halos makahinga ako nang maluwag nang makitang wala ron si Tito Sandro. Agad ko nang hinablot ang bag at bumalik sa kuwarto.

Naupo ako sa kama at tumitig muna sa sahig. Am I being judgemental? Masyado ko bang pinag-iisipan ng masama si Tito? Is it bad that I’ll always feel uncomfortable whenever he’s trying to be nice with me? Kung hindi dahil sa kaniya ay baka tuluyan na akong napalayas ni Tita Carolina.

Marahas akong napabuga ng hangin at kinuha ang mga notes para makapagsimula na akong magreview.

Nanatili na ako sa kuwarto buong gabi at lumabas lang nang kinatok ako ng isang kasambahay. Sinasabing ako raw ang maghugas, utos ni Tita Carolina.

I went to the kitchen and washed the dishes. May iba pang kasambahay ron na naglilinis kaya panatag pa ang loob ko.

Pagkatapos maghugas ay bumalik na ako sa kuwarto at humilata na lang sa kama. I have finished reviewing and doing some of my paperwork so I can now let myself relax a bit. Mamayang 2am ay gigising ulit ako para muling irefresh sa utak ang mga nireview.

I reached for my cellphone and logged on my social media accounts. Bungad na bungad sa twitter ang mga pictures ng Ludic Selcouth. Iba’t-ibang tao rin ang nagttweet tungkol sa kanila.

Ang IG naman ang binuksan ko at wala sa sariling binisita ang account ni Rush.

@rushwithme.

May isa siyang latest post kung saan nakasandal siya sa couch at nakangisi sa camera. Mukhang random lang na kinuhanan ng kung sino pero ang lakas pa rin ng dating. It was posted tonight. Nakilala ko rin ang kaniyang shirt dahil ’yon ang suot niya kanina.

May picture din ng isang magarang black record player sa kaniyang feed na kakapost lang kaninang umaga.

@rushwithme:
💽 Look out for the album soon! @tasem.tease @zathacc @paesyn.peace @castsanz

Napangiti ako at tiningnan pa ang iba niyang pictures. Mostly ay kuha ’yon habang nasa stage siya at tumutugtog. May mga electric guitars, customized microphones, group photos with their band, with Zemira and with some fans when they're having a mall shows and meet and greets.

Inabot ata ako ng kalahating oras na tanging feed niya lang ang tinitingnan.

I can now really say that he is so approachable. Siguro dahil na rin sa siya ang front man at vocalist kaya maganda dapat talaga ang connection sa mga fans. I saw that he is replying to some of his fans’ comments on his posts.

If I am not mistaken, ang bali-balita ay sina Paesyn at Castriel ang medyo seryoso at pormal sa grupo nila. Sina Rush, Zath at Tase ang pure tarantado.

Siguro marami nga silang kalokohan at ang hihilig pa mang-asar, but I can say that Zath and Rush are nice. Sila pa lang ang namemeet ko pero nakagaanan ko na ng loob.

Well, except that Rush’s presence has a different effect on me.

When I finished looking at his pictures, I clicked his stories. It’s just a bottle of Jack Daniels with a cigarette on his hand. Napanguso ako at tinitigan ’yon. He does smoke huh. Kahit na hindi ako big fan ng mga lalaking naninigarilyo ay parang hindi man lang ako naturn-off sa kaniya.

I stopped with my thought. Turn off? Why? Why will I think of that?!

I shrugged off the ridiculous thinking and touched the screen so I can see what’s next. It’s now a brief boomerang showing the whole band and Zemira. Nahagip din ng camera ang complete instruments sa isang gilid. Mukhang doon sila nagpapractice.

I got curious with Zemira so I also checked her account. Nang makita ko ang mga pictures niya ay halos puro black and white ’yon. She really has this gothic-vibe on her.

I noticed that she has a lot of photos with Zath, Rush, Castriel and Paesyn but not often with Tase. Kung meron man ay nasa isang group photo sila. Napaisip tuloy ako. She’s not close with Tase? Napangiwi ako at sinapo ang noo. Chismosa mo, Alectrona!

Pinindot ko rin ang stories niya at bumungad sa’kin ang page ng sa tingin ko’y isang engineering book. I can read the word structures, constructions and measurements. I guess she is an engineering student.

Ang sunod naman ay maikling clip habang nagpapractice ang Ludic Selcouth.

Ang last ay video ni Rush. Iyon ’yung nakaupo siya sa couch at mukhang katabi niya si Zemira.

He looked at the screen with a grin on his lips. “Ehem cover naman dyan!” I heard Zemira’s teasing voice. Rush laughed and cleared his throat. He started singing acapella. Napatanga na lang ako at ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso habang pinapakinggan siya.

It was just brief and he bursted into laughter when Zath shouted something on the background. Doon natapos ’yon.

I couldn’t get enough so I keep playing it over and over again. Pabalik-balik ako at mas lalo lang lumalala ang mabilis na pagkabog ng puso ko.

Nakagat ko na lang ang labi at pinatay na ang cellphone. I feel like I am going crazy because of this foreign feeling.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...