Ludic Selcouth #2: This Song...

By blackgraffiti

101K 1.6K 371

Alectrona Heres is left under her closest relatives' roof ever since her father abandoned her without a singl... More

This Song Saved My Life
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10

Chapter 3

2.3K 121 8
By blackgraffiti

“Who are you looking at?” Napabaling ako kay Iris at tumikhim. I just shrugged and continued eating. Suminghal siya nang hindi ako sumagot. Siya na mismo ang timingin sa tinitingnan ko kanina.

I was starting to panic on the inside. She can’t see the two band members of Ludic Selcouth. She’s a die hard fan, baka lapitan niya pa!

Naningkit din ang mata ni Iris at mukhang kinikilala kung sino ang mga taong nasa may hindi kalayuan. “Is that Zemira?” she whispered. It looks like a lot of people really knows Zemira because of her closeness with Ludic Selcouth.

Bigla niyang nabitawan ang hawak na kubyertos at umawang ang labi. “With Paesyn and...Rush?!” nagugulantang niyang ani. Napabuntong hininga na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. She saw them, and I don’t want to think of what she’ll do next.

She immediately stood up and left me. Napangiwi ako nang makitang papunta na siya sa table nina Zemira. Goodness...ako na ang nahihiya sa gagawin niya. Not that I’m looking down to the fans that’ll approach their idols in public... but knowing Iris, she’s aggressive!

Nag-angat na ng tingin ang tatlo sa kaniya nang tuluyan siyang makalapit. She’s all smiles and and her cheek is flushed. Mukhang may sinasabi at bigla na lang naglabas ng sharpie mula sa kaniyang shoulder bag. She handed the marker to Rush, the man took it and smiled. My eyes widen when Iris lift her croptop to reveal her belly even more.

Napainom ako ng tubig nang pumirma si Rush don at kalauna’y muling napangiwi. What the hell... We are in a restaurant! On a public place!

Kita ko ang pagngiti-ngiti rin nina Paesyn at Zemira. Sunod naman na inabot ni Iris ang marker kay Paesyn pero sa kamay niya lang ito pumirma.

Mas kita ko ang lalong pagpula ng pisngi ni Iris nang bumaling siya sa’kin at bahagya akong ituro. The group turned to me. Biglang kumabog ang puso ko kaya nag-iwas agad ako ng tingin.

What was that?

I felt my hand suddenly turned cold as I continued eating, I suddenly felt conscious of my own existence.

Hindi na ulit ako lumingon sa gawi nila at in-enjoy na lang ang pagkain kahit na hindi ko alam kung bakit medyo nakakaramdam ako ng kaba.

Ilang minuto pa ay ngiting-ngiting bumalik si Iris sa table namin at medyo namumula pa rin ang pisngi. I noticed the signature on her hand as she sat across me. “Damn... Rush and Paesyn are so handsome! I even smelled their scent! God... they smell so good,” she suddenly said dreamily.

Hindi na lang ako kumibo at hinayaan siya. What should I say anyway? It’s so unlike for us to have a friendly conversation. Natigil ako sa pagsubo ng huling steak nang bigla niyang hampasin ang isang kamay ko na nakapatong sa table. I looked at her with my forehead creased. What the hell is her problem this time?

Pinanlakihan niya ako ng mata at tinaasan ng kilay. “Where’s your reaction? We just ate on the same restaurant with the two members of Ludic Selcouth!”

“So?”

Suminghap siya at inirapan ako. “Don’t tell me you don’t feel giddy or intimidated at all? Weren’t you a die hard fan? You sneaked out last night for their gig,” maarteng aniya. Me? Die hard fan? I don’t think so. I would rather call myself a simple citizen who enjoys their music. I support and appreciate their talent individually and as a whole band. I will never do what Iris and their other aggressive fans are doing.

“I like their music but I’m not a die hard fan, Iris,” I clarified. Her eyebrow raised even more that I think it will reach the restaurant’s ceiling anytime now.

“Oh come on, Alectrona, don’t deny it. Siguradong katulad ka lang din ng ibang crazy fans nila na gagawin ang lahat para lang mapansin nila.” You mean, you? Pinigilan ko ang sariling mapairap. Maybe what she said was really meant for herself.

Nagkibit balikat ako at mukhang mas nairita lang siya sa’kin. Padabog siyang tumayo kaya nagpunas na ako ng bibig gamit ang tissue. “Tara na nga! You’re so annoying!” she said, irritated.

Napailing-iling na lang ako nang nagmamartsa siyang lumabas ng restaurant at iniwan ako. I gathered the paperbags and stood up. Lalabas na rin sana ako nang bigla akong lapitan ng isang waiter. “Excuse me, ma’am, I’m sorry but the food’s not yet paid.”

Nanlaki ang mata ko at agad tumingin sa labas para tingnan si Iris. I can’t see her anymore! “W-what? But I thought my cousin...” Kumabog ang dibdib ko at kinakabahang tumingin sa waiter. Nahihiya na rin ako dahil may ibang nakamata sa amin.

That Iris! Hindi pa pala nakakapagbayad tapos iniwan niya ako rito?! Saan ako kukuha ng pera?!

Lukot na ang mukha ng waiter habang nakatingin sa’kin. “How much is the bill?” I asked with apprehension.

“2,000 pesos, ma'am.” Napangiwi ako sa laki non. This is just a breakfast! Yung pinakamura na ngang 500 yung in-order ko tapos yung kay Iris...?! Hindi na dapat kami rito kumain!

Wala sa sariling inilabas ko ang wallet at halos manlumo nang makitang 1k lang ang dala ko. This is so frustrating!

“Uhm... Can I call my cousin first?” The waiter nodded reluctantly. Dali-dali kong kinuha ang cellphone at tinawagan si Iris pero hindi siya sumasagot. I called and called until she was already out of coverage. Pinatayan niya ako ng cellphone!

I sighed heavily as I looked at the waiter again. He’s already eyeing me suspiciously. “Can I withdraw first? I'm going to leave the paperbags here so you can make sure that I’ll return and pay the bill.” Nunkang 5k na nga lang ang laman ng atm ko tapos ganito pa! Mashoshort na naman ako.

Umiling ang waiter. “I’m sorry, ma’am. You can’t leave until you pay.” I cursed inside my head. Magiging dishwasher pa ata ako rito para lang mabayaran yung kinain namin!

I would never eat with that bitch again.

“Excuse me, is there anything wrong?” Para akong nanigas nang marinig ang baritonong boses na ’yon sa likuran ko.

“Uh... sir... We just have a little problem regarding her bill,” nahihiyang sabi ng waiter. Ako rin nahihiya na!

“What about her bill?” Naramdaman kong nasa tabi ko na siya at nasisinghot ko na ang kaniyang pabango.

Mukhang hindi na alam ng waiter ang sasabihin kaya kahit kinakabahan ay bahagya akong lumingon. Rush Zedova is standing beside me, and he’s looking straight at me. 

I cleared my throat and returned my eyes to the waiter. “I’m really sorry about this, but let me just withdraw first.. My cash here isn’t enough to pay the bill...” Muling umiling ang waiter at mukhang kaunti na lang ay ipapatawag na ang manager.

“I’m really sorry, ma’am but it’s on the rules. Pay before you leave.” I just bit my lip because of so much embarrassment.

“It’s okay. I’ll pay her bill.” Gulat akong tumingin kay Rush at nakitang naglalabas na siya ng wallet.

“How much?”

Nag-aalangang sinabi ng waiter ang halaga at nagpapalit-palit ang tingin sa aming dalawa.

Natauhan lang ako nang iaabot na ni Rush ang malutong na 2k sa waiter. Agad kong hinarang ang kamay ko habang malakas pa rin ang kabog sa dibdib. This is so embarrassing!

“D-don't! I can p-pay! I just need to withdraw first...” Muli kong nakagat ang labi dahil sa pagka-utal.

He cocked his eyebrow and licked his lips. “You can’t leave this restaurant without paying them,” he said matter-of-factly.

Pakiramdam ko ay sobra nang namumula ang pisngi ko dahil sa labis na kahihiyan. Binabayaran lang naman ni Rush Zedova ang bill ng babaeng hindi niya naman kilala!

Tuluyan niya nang inabot ang pera. Tinitigan muna ’yon ng waiter bago kinuha at nahihiyang ngumiti sa’min bago humingi ng paumanhin, nagpasalamat, at umalis.

Parang gusto ko na lang magpalamon sa kinatatayuan at huwag na ulit magpakita sa mundong ’to. Ang dami nang nakatingin sa’min.

Muling namulsa si Rush at pinagmasdan ako. “Isn’t the woman you’re with is your friend?” tanong niya.

“My cousin,” I corrected. Tumango siya at sinulyapan ang mga dala-dala ko.

“I’m going to pay you. I just need to withdraw and I’ll return here. Or I have a 1k here! Ibabalik ko na lang yung another 1k, if you can wait for a minute.” Tiningnan ko ang table nila at napansing nakatingin din sa amin sina Paesyn. Mas lalo lang akong nahiya.

“No need. Your cousin’s a fan, take that as a treat.” Umiling-iling ako at kung saan-saan na lang tumitingin dahil hindi ko kayang salubungin ang mata niya.

“No, nakakahiya... I’ll really return it. I’m sorry if you need to...pay for our meal.” Pilit akong tumawa pero agad din na tumigil nang walang marinig sa kaniya.

I forced myself to look at him just to find him still looking intently at me. I blinked and sighed. “Kukuha lang ako ng pera... babalik ako promise,” sabi ko at nang wala siyang sabihin ay dali-dali na akong tumalikod.

Hindi ko alam na sinundan niya ako hanggang sa labas ng restaurant dahil nang pasimple akong lumingon ay nasa likod ko lang siya. Binilisan ko na lang ang paglalakad at pumunta sa malapit na pwedeng pagwithdraw-han. Siguro ay naninigurado lang ’to na babayaran ko siya.

Natataranta kong ibinaba muna ang mga paperbags at hinalungkat ang wallet ko para kunin ang card. Bago ko pa ’yon ma-insert sa machine ay pinigilan niya na ang kamay ko.

“I said you don’t have to pay me,” aniya.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa braso ko at tuluyan nang in-insert ang card. Hindi ko mapigilang mapangiwi nang makitang 5k na lang talaga ang mayroon ako ron. Ni wala pang kalahating buwan ay mawawalan na ako ng pera.

I withdrawed it all. Kailangan ko na rin namang ibudget ’yon para umabot sa katapusan.

Nang makuha ay agad kong kinuha ang 2k at iniabot kay Rush na nakatingin lang sa’kin habang nakapamulsa. Nanatiling nakaangat ang kamay ko sa ere dahil hindi niya kinukuha. “Please, take it...” I whispered.

He just tilted his head and clicked his tongue. “I feel insulted being repaid by a person I willingly treated.” Natigilan ako dahil sa sinabi niya. I’m just repaying him because he paid for our meal! Na dapat ay si Iris ang magbabayad!

“I’m not trying to insult you.. I'm just returning your money because you paid for our bill,” mahinahon kong sabi. Unti-unti nang nanginginig ang kamay ko kaya inayos ko ’yon.

Tumaas lang ang kilay niya at hindi pa rin kinuha ang iniaabot ko. “I don’t need it.” I feel frustrated for a moment. Ito na nga lang ang medyo magpapagaan sa nararamdaman kong kahihiyan, pero ayaw niya naman tanggapin.

Hindi ako nagsalita at nakipagtitigan lang sa kaniya. His face is still serious while looking at me. Bakit ba siya ganiyan makatingin?

Nang hindi niya talaga kunin ang pera ay napabuntong hininga na lang ako at medyo lumapit sa kaniya para subukang ihulog ang pera sa kaniyang bulsa. Pero nakasuot siya ng jeans at nasa loob pa ng pocket ang kaniyang kamay. Hinawakan niya rin agad ang braso ko para pigilan. “Stop it. I’m not going to accept that,” mariin niyang sabi.

Muli akong kinabahan kaya umatras na lang ako. Fine! Bahala siya!

May mga lalaki talagang ma-pride ano? Hindi dahil lalaki sila ay dapat na laging sila ang magbibitaw ng pera! At saka hindi niya naman responsibildad na bayaran ang bill, dapat sinisingil niya ako.

“Okay, sige. Salamat na lang kung ayaw mo talaga tanggapin,” mahina kong pahayag.

“At pasensya na sa abala,” dagdag ko at ngumiwi.

He didn’t say anything as he remained standing in front of me. Habang tumatagal ay mas lalo akong na-iintimidate sa kaniyang presensya. Mabuti na lang at wala masyadong tao rito sa puwesto namin dahil baka may makakilala pa sa kaniya.

Hinakot ko ulit ang sangkaterbang paperbags na iniwan sa’kin ni Iris. I have to commute with these paperbags now. Siguradong iniwan na ako ng babaeng ’yon.

Nang maayos ang mga dala ay nasa harapan ko pa rin si Rush at pinagmamasdan ako. “I’m going now... Thank you ulit at sorry napagastos ka pa,” muli kong sabi.

Ngumuso lang siya at bahagyang umangat ang labi habang nakatingin sa’kin. Kinunutan ko lang siya ng noo at nag-iwas na ng tingin. Nakakainis. Ang guwapo niya.

Tumalikod na ako nang wala siyang sabihin. My heart was still beating against my chest. He’s affecting me too much.

Lutang ang isip ko habang palabas ng mall. Mainit na at mausok nang makalabas ako. I just looked at the jeeps miserably. Great. This will be one of a hella tough ride.

Pahirapan akong pumasok sa loob ng jeep dahil sa mga dala-dala ko. Medyo nahihilo pa ako dahil sa amoy ng usok at sa init. I can feel the sweats on my forehead rolling down my face. Kita ko na sa mukha ng ibang pasahero ang iritasyon habang nakatingin sa mga dala ko. Halos kainin na nga naman kasi non ang space sa jeep dahil sa rami.

I continued to sweat even if the vehicle is already moving. Parang gusto ko na lang itapon lahat ng dala-dala.

I heaved a sigh of relief when I finally got out of the jeep. Pinunasan ko ang noo at naglakad na papasok sa loob ng subdivision. Pakiramdam ko ay sobrang haggard ko na.

Nang pagbuksan ako ng isang kasambahay ay agad niya akong tinulungan sa mga dalang paper bag. Doon lang ako nakaramdam ng ginhawa at dire-diretso nang pumasok sa loob ng bahay. Inilapag ko ang mga dala sa living room at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

“Really? I can just imagine her face when she found out that your bill was not yet paid.” Napatigil ako nang marinig ang boses ni April sa loob.

“Maybe she’s still stuck inside that restaurant. Gagawin na siyang dishwasher don.” She laughed. Agad kong nalaman kung sinong tinutukoy niya.

Of course, it’s me. Malamang ay si Iris ang kausap niya. She did it on purpose, huh.

Dire-diretso akong pumasok sa loob ng kusina at nakita ko pa ang panlalaki ng mata ni April. Nagpupuyos na naman sa galit ang kaloob-looban ko habang nagsasalin ng tubig sa baso. Dire-diretso ko ’yong nilagok at tiningnan si April na nakatapat pa rin ang phone sa tenga habang nakatingin sa’kin.

“Where’s Iris? Pakisabi ay naiuwi ko na ang mga pinamili niya at nakaalis ako sa restaurant kahit na hindi siya nagbayad,” ani ko habang matalim na nakatingin sa kaniya.

She blinked and eventually rolled her eyes. Hindi niya ako pinansin at itinuloy ako pakikipag-usap sa magaling niyang Ate.

Lumabas nalang ako at pumunta na sa kuwarto para gumawa ng mga homeworks.

Hindi ko alam kung ilang oras ang ginugol ko ron at nag-inat lang nang mangalay. Saglit akong humiga sa kama at tumitig sa kisame.

I recalled what happened this morning. Rush Zedova. I can't believe I talked to him, nahawakan ko pa. 

He’s actually nice. Kung hindi dahil sa kaniya ay siguradong hindi nga ako makakaalis sa restaurant na ’yon. Bigla kong naisip na magpasalamat ulit sa kaniya. Should I send him a private message to his social media account? Pero baka hindi niya rin naman ako maalala. He doesn’t even know my name.

I just discarded the thought and got up.

Bumaba ako para mananghalian at maglaba na rin. Wala akong naabutan sa kusina kun’di si Crystal na kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.

“Kumain na kayo, Crystal?” I asked. Tumango naman siya at ngumiti. It’s almost 2. Sobrang late na para maglunch.

Kumain pa rin ako at pagkatapos ay dumiretso na sa likod ng bahay kung saan nakapuwesto ang automatic na washing machine.

Bumalik ako sa loob saglit para kuhanin ang kaniya-kaniyang labahan nina Tita Carolina at isa-isa ’yong inilagay sa likod para mabanlawan at mahiwalay ang puti sa dekolor. Pagkatapos ay isinalang ko rin agad sa washing machine.

Nang itatapon ko na ang tubig na pinagbanlawan ay may nahagip akong parang maliit na card na nakalutang sa tubig. I reached for the paper and observed it. I saw a mobile number with a familiar name when I flipped it.

I suddenly feel cold. My eyes started to pool with tears as I read the name again and again.

Alexander Heres

With a shaky hands, I pocketed the card and stood up. Bakit nandito ang pangalan ni daddy? And the mobile number... Is this his number? Bakit meron nito rito? Napatingin ako sa washing machine kung saan nakasalang ang damit ni Tita Carolina at Tito Sandro.

Does it mean that they really have a communication with dad?

Nakatulala lang ako ro’n habang hinihintay na matapos ang ginagawang trabaho ng washing machine.

I just blinked when I felt my phone vibrated. Nagpunas ako ng kamay at kinuha ’yon sa bulsa. Mallory's calling.

“Hello?” wala sa sariling sagot ko.

“Alectrona! I’m sorry ngayon lang ako nakatawag, we went to Tagaytay this morning for an emergency. What happened last night? Did they hurt you? Where are you? Are you fine?” sunod-sunod niyang tanong. I smiled. Thinking how Mallory express her concern to me makes my heart happy. Parang sya na lang kasi ang may pakialam sa nararamdaman ko.

“I’m fine, Mallory. I’m currently home, doing laundry,” I answered. Natahimik siya at kalauna’y bumuntong hininga.

“Did they hurt you?” she asked again.

“I’m fine,” tanging sagot ko.

“I’m sorry... I shouldn’t have left you on the couch last night...” Tumawa ako at umiling kahit na hindi niya naman ako nakikita.

“Don’t think about it anymore. I’m really okay now.”

I spend half an hour talking with her. Nagpaalam lang ako nang tumigil na ang washing at isusunod ko naman ang mga damit nina Iris. I was already feeling a bit tired when I finshed hanging all our clothes. Nang tingnan ko ang orasan ay mahigit alas-kuwatro na.

Pumanhik na ulit ako sa kuwarto para makapagpahinga. Nang kapain ko ang bulsa ay naramdaman ko ang card na may pangalan ni daddy.

I sat on the bed and stared at it again. This is either Tito Sandro’s or Tita Carolina’s.

Iniisip ko kung updated ba ’to. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang mga numero. Someone’s pushing me to call this. Kung mayroong ganito si Tito o Tita, ibig sabihin nakakausap nila si daddy. And they didn’t even bother to tell it to me.

Most importantly, my father didn’t even think of contacting me instead.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...