Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

19.7K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 9

308 113 237
By night-firefly


Sa sasakyan na ni Acid ako sumabay..

Ang hirap ng walang sasakyan..

Lakas kasi ng trip ni Dad. Pinakuha ang sasakyan ko dahil baka makasuhan pa akong reckless driving. Kaya ang lola niyo. Nabubuhay lang sa pahatid-hatid at sundo..

Buti nga maswerte pa akong may nagsusundo lage kay Butter kaya di ako nahihirapang mag-commute..

Pagdating namin sa school, nakataas kaagad ang mga kilay ng mga schoolmates kong inggetera dahil nakita kaming magkasamang lumabas ng kotse ni Acid.. Mga myembro siguro sila ng fans club nitong impaktong 'to..

Pinanlalakihan ko lang ng mata ang mga nakikita kong nakaismid at napapairap sa akin.

Mas malupit akong umismid at umirap sa inyo mga leche kayo.

Nakarating kami sa room at prente nang nakaupo ang dalawang kumag sa likod ng upuan namin. Kami na lang din pala ni Acid ang huling dumating kaya sa amin ang spotlight ngayon.

Potcha! Sila na talaga ang mga early birds..

Nakaupo na kami sa upuan at maya-maya lang ay dumating na si Sir Jacinto.. dala-dala ang mga test papers na sinagutan namin kahapon..

"Okay class.. There are 2 students who got the perfect score." sabi ni Sir.

Wow! Sila na ang perfect..

"Mr. Clover Dominguez at Mr. Craig Cades.. Congratulations!"

Napalingon ako sa likod ko.. Matalino pala ang mga impaktong ito.. Hindi halata..

"There are 1 students who got almost perfect. Only 3 mistakes." naningkit ang mata ni Sir na nakatingin sa test paper na hawak niya..

"Miss Villera got the 297 score!"

"Oyy Miracle.. galing mo ah.." rinig ko pang sabi ng mga babae kong kaklase..

"Congrats..!"

"Miss First Villera.. you've got almost perfect.. how'd you do that?" di makapaniwalang tanong ni Sir sa akin..

Napangiwi ako sa paraan ng pagkakatanong niya.

Bulungan din ng mga kaklase ko ang naririnig ko.. Para silang mga bubuyog na malapit lang sa ulo ko. Ang sasarap hampasin ng tsinelas.

"Binasa.. sinagutan at sinulatan??" patanong kong sagot kay Sir. Kung makapaningkit kasi ng mata parang may ginawa na akong kababalaghan sa sagot ko..

Tinawanan lang ako ng mga impakto..

Napataas naman ng kilay ang mga ampalaya.. Ayaw talaga nilang malamangan.

"Nice! May iba ka pa lang alam bukod sa pagtulog sa klase ko.. Keep it up Miss First!" sambit ni Sir.. napakamot na lang ako sa ulo ko.. May dandruff na naman siguro ako.. Hindi ko kasi alam kung ini-encourage ako ni Sir o iniinsulto..

Inismidan lang ako ng mga babae.. Tsk! Inggit lang sila..

"Haha.. Galing mo First." natatawang bulong ni Acid..

"Galing kamu ng notes mo.. Buti binasa ko kahapon kung hindi mga panaginip ang naisagot ko sa exam." ismid ko sa kanya.. tumatawa pa kasi..

Happy.. happy?

Nagdiscuss na naman ulit si Sir Jacinto at kagaya pa rin ng dati.. Inaantok na naman ako!

Nahuhulog, nababali at napapatungo na ang ulo ko. Putspa talaga kapag si Sir Jacinto na hinihila talaga ako ng antok..

Napapahikab pa ako sa upuan ko..

Sinisiko naman ako ng katabi kong impakto..

Magpahampas kaya ako sa kanya para magising ang diwa ko..

"Kape... kape... kape." bulong ko sa kawalan.. Gusto ko ng kape pampagising!

"Anong kape?"bulong ng katabi ko..

"Antok ako., gusto kong kape." nakasimangot kong sabi..

"Here." biglang sabi ng isang kahanay ko ding si Mickey..

May binigay siya sa akin na sumakto talaga sa mukha ko.. Naduling tuloy akong tignan kung ano iyon..

"X.o flavor coffee.." basa ko sa binigay niyang candy..

Tinanggap ko naman. Pwedi nato.. magigising na siguro ako.. Coffee flavor eh..

Kinain ko at Nabawasan naman ng konti ang antok ko..

Nang naubos ay humingi ako ulit sa kanya.. Gusto ko pa ng kape.

Kape pa more!

Natapos ang History at lakeng pasalamat kong nakalampas ulit ako sa hamon ng antok..

"Salamat. Magdala ka pa ulit ng kape bukas.." nakangiting sabi ko kay Mickey.. naka-limang X.O din ako bago matapos ang klase.

Sumunod ang Science subject at nakalimutan naming group report pala ngayon.

Ano kayang gagawin ng mga impaktong ka-grupo ko..

Nag-umpisa na ang ibang grupong mag-report.. tinignan ko naman ang mga kasama ko pero nakatanga lang sila..

"Hoy Clover.. Anong gagawin ng grupo natin?" baling ko sa tamad na tamad na impaktong nakaupo sa likod ko..

"Report.." simpleng sagot niya..

Napangiwi ako.

"Linawin mo.. Hindi ko alam ang gagawin sa mga report-report na yan.. Wala yan sa section ko dati.." sambit ko sa kanya..

"Ano bang ginagawa niyo sa section niyo?"tanong naman ni Acid na nakikinig na din pala sa usapan namin ng impakto..

"Pa-chill chill lang.." simpleng sagot ko na may kasamang pataas-taas ng dalawang kilay. Proud ako sa section ko dati eh.. Sila lang naman ang section na seryoso sa pag-aaral..

"Tsk!"reaksyon ng kumag na impakto..

Bumaling ako kay Craig na naiiling lang sa tabi..

"Hoy Craig.. ikaw anong say mo?" tanong ko sa kanya.. Wala kasi talaga akong knows sa report namin. Takte basta binasa ko lang yung reproductive system kahapon sa library hanggang sa try this challenge. Nagutom pa tuloy ang brain cells ko.

"Report.." walang kwenta din niyang sagot..

"Mga hinayupak kayo! Malay ko sa report na yan!"singhal ko.. "mala-24 oras ba ang paraan o mala-socco! Sabihin niyo!!"

Biglang natawa ang mga kumag.. Nakisali na din ang iba pang impakto..

"Pwedi na yung mala-Socco First." tatawa-tawang suhestiyon ni Race..

"Gayahin mo yung boses nung host doon.. Try mo nga.." sambit ni Krys..

"Repro—-ductive Sys—tem.." sambit ko habang kaboses si Gaz Abelgas..

Humagalpak naman ang tawa ang mga kumag. Tuwang-tuwa?!

"Baliw mga patola talaga kayo.." natatawa ko na ding sabi sa kanila.. Ang saya lang kasi nila.. parang ngayon lang narinig ang magandang boses ni Gaz Abelgas.. idol ko kaya ang boses nun.. pa-intense kasi magsabi.. Parang lageng may kasunod ang bawat salita niya..

"Students at the back.. please keep quiet!" saway ni Miss Milagrosa sa amin. Makatawa kasi ang mga impaktong to parang wala ng bukas..

"Kayo ng mag-report Acid.. Takte naaasiwa ako sa nabasa ko kahapon.. Parang umiikot pa rin sa utak ko."sambit kong napapakamot sa ulo.. Dandruff na to men!

"You should report what you have read yesterday First.." sabi naman niya.. "with a tone of Gaz Abelgas voice.." dagdag panloloko pa niya!

"Umayos ka jan Acid!" hampas ko sa kanya. Gusto pa ata niya akong mapahiya. Hindi naman nila kagaya ang iba naming kaklase no.. Mga patola silang impakto pero ang mga babae naman ay mga ampalaya.

Natapos na ang report nung kaklase namin at kami na ang grupong tinawag..

Tamad lang kaming tumayo at pumunta sa harapan..

Napapanganga na lang akong nakatingin at nakikinig sa report ni Clover.. Ang galing pala niya. Lahat maayos niyang nadidiscuss.. Wala ngang tanong-tanong ang mga kaklase ko tungkol sa pinagsasabi niya eh.. Tanga na lang talaga ang magtatanong sa linaw ng pagkaka-explain niya..

Sumunod si Craig.. At ganoon lang din ang ginawa niya. Para silang nagpapagalingang magreport ni Clover.. Bagay silang maging Journalist, analysts, at iba pang may lists.. Napapatango na lang ako sa pinagsasabi nitong si Craig.. Ang galing din pala nitong kumag na to..

Sumunod si Acid. Hindi din nalalayo ang galing niya sa pag-explain.. May nagtatanong pero nasasagot din niya. Pasimple lang pala ang mga kumag na ito pero magagaling din pala. Kaya pala hindi man lang sila nabahala kanina. Tsk! Sana all., magaling magreport.

Natapos si Acid at turn ko na para mag-report.. Naisip kong gayahin ang boses ni Mike Enriquez pero baka hindi nila ako tatantanan— sa mga tanong nila..

Una ko munang inexplain ang ibang idea about sa reproduction. —pagpaparami..

"If the female ang male have sex within several days of female ovulation, fertilization can happens. When the men ejaculates and leaves a small semen on the —-blah— blahh..

Buwesit! Ito na ang nabasa ko kahapong umikot sa utak ko eh.

Natapos akong mag-explain at may isang papansing ampalaya ang nagtanong..

"How can you reproduce a good genes?" tanong ni Jez.

"Aba malay ko. Virgin pa ako no!" sagot ko sa kanya..

Nagtawanan naman ang madla at napatayo si Miss Milagrosa sa gulat..

"Miss First! Answer it properly.."pagalit niyang sabi..

Tinignan ko naman ang tatlo kong kasama..

"Sagutin mo Acid. Alam kong may karanasan ka na sa pagpaparami." bulong ko sa kanya..

Ngumuso lang siya sa akin at nag-iwas ng mata. Diyan tayo napaghahalataan eh.!

Tinignan ko naman ang dalawang impakto at tamad lang na nakatayo sa gilid. Wala bang call a friend man lang para sa sagot ng tanong ng babaeng amplaya.?

Humarap na ako kay Jez at simple na lang na sinagot ang tanong niya..

"Nasa lahi yan.. Kapag maganda at gwapo ang dalawang taong nagpaparami.. maganda talaga ang genes na mapoproduce."

Nagpalakpakan lang ang mga impakto sa likuran..

"Galing mo First!"tuwang-tuwa na sabi ni Mickey na napapahampas pa sa upuan niya..

Proud lang akong napatango sa kanya..

"Ikaw na., dabest ka First!" si Krys naman..

"Maliit na bagay!" pigil ko sa kanya..

"Sige pa! Magtanong pa kayo.. Kaya ni First sagutin yan!"sigaw naman ni Race na nagpawala ng ngiti ko..

Takte siya! Nagtatawag pa ng magtatanong.

Inirapan lang ako ni Jez at pabagsak na umupo sa upuan niya.. Mapilay sana puwet niya..

Sinamaan din ako ng tingin ng mga kaibigan niya! Problema nila sa akin?

Binalingan ko nang tingin si Miracle na tahimik lang na nakaupo sa grupo.. Umiwas siya ng tingin sa akin ng makita niya akong nakatitig sa kanya.. Titig na titig kasi siya sa likod ko at alam ko naman kung sinong tinitignan niya..

Sa awa ng Diyos ay wala ng nagtanong ulit sa akin kaya nagsiupo na kami sa upuan. Takot siguro silang mabara..

Pinagpawisan ako ng malagkit doon. Natuyot na naman ang mga brain cells ko.

Kailangan ko na ulit ng foods!

Nauna nang lumabas ang iba, pinangunahan pa ng mga babaeng ampalaya.

Lumabas na kami ni Acid kasama ng mga impakto papunta sa canteen..

Nakasalubong pa namin si Jez kasama ang boyfriend niyang kamukha ni Babalu at matalim akong tinignan kaya masama ko din silang tinignan. Ganti-ganti lang talaga kami..

Huminto sila at napahinto na din ako.

"Bakit? May sasabihin ka?" maangas na tanong nung babalu sa akin..

Hinawakan ako ni Acid sa braso para ilagay sa likod niya pero nagmatigas ako..

May sasabihin din kasi ako sa lalakeng kababa na ito..

"Huwag kang yumuko!" seryoso kong sambit at taas-noong iniwan silang nakanganga..

"Pffffft!!! Hahahahhaahhaha!" hagalpak ng mga impakto..

Tinignan ko sila ng seryoso. Anong nakakatawa doon sa sinabi ko?

Concern nga ako doon sa tao!

"Mag-ingat ka doon kay Herodes First.. Traydor yun gumanti." sambit naman ni Acid..

Bumaling lang ako sa kanya at ngumiti..

"Huwag kang mag-alala Acid, andiyan ka naman., isasaboy na lang kita sa kanila kapag may ginawa silang masama.. Hihi.."

Nakasimangot lang siyang napatingin sa amin habang ang kauri niyang impakto at napahagalpak pa rin ng tawa..

Napabaling ang tingin ko kay Craig. Tipid lang siyang nakikitawa at parang malamlam ang itsura ng mga mata niya..

Problema niya?

Napansin ko ding napatingin si Clover sa akin at biglang sumimangot..

Problema din nito?

Nakarating kami sa canteen ng wala ng aberya.

Nakita ko ang tatlo kong lukaret na kaibigan na wagas kong makakaway.. Parang nasa airport lang ako at kakalapag palang ng sinakyang eroplano.. Kulang nalang sa kanila magdala ng Tarpaulin na may nakalagay na 'welcome back First! At this way.'

Lumapit ako sa kanila at katulad ng dati namimilipit na naman sila sa kilig.. Ang mga impakto naman ay todo ngiti din sa kanila..

"Oyy First bakit ka umuwi sa bahay mo kagabi?" tanong ni Butter..

"Namiss ko ang unit ko." sagot ko.. Hindi ko kasi pweding sabihing kasama ko ang dalawang impakto kagabi baka ano na naman ang isipin niya..

"Weeeehhh! Kinaya mong mag-isa?" tanong pa niya. Alam kasi niyang natatakot ako minsan mag-isa..

"Tsk! Syempre naman, ako pa.. Sanay na to men." proud kong sagot sa kanya..

Umiling lang siya at niyaya na din kaming makiupo sa mesa nila..

Umorder ang ibang lalake at inorderan na din ako ni Acid ng chocolate cake at chocolate drinks. Masyadong natuyot ang utak ko kanina..

"Nagtatampo si Tork." sabi ulit ni Butter..

Napangisi ako sa kanya.. Alam ko na kasi ang susunod na sasabihin niya..

"Akin na lang daw yung chocolate na ibibigay niya dapat sayo kahapon." Sabi ko na nga ba eh..

"Talaga lang ah. Sinabi niya yan?"ngisi ko pa rin sa kanya at tinanguan pa niya..

"Wait —-tawagan ko lang siya.." Sabi ko habang nagdidial sa phone ko, alam ko kasi break din ni Tork ngayon.

"Hello ... Tork! baby? — ahh.. nasa kanya? Thank you Tork.. ang cute mo talaga..! Bye.."

Hinarap ko si Butter na nakasimangot na tumingin sa akin..

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya..

"Give it to me Butter.." ngisi ko.. Sabi kasi ni Tork pinadala niya yung toblerone kay Butter para mabigay niya sa akin..

"Tsk!" May kinuha siya sa maliit niyang bag ang inabot ang toblerone na may ribbon pang nakapaikot sa box nito..

"Uyy! Kanino galing yan First?" tanong naman ni Acid na dala na ang inorder niyang pagkain..

"Kay Tork." nakangiting sagot ko..

Umismid naman siya at tumabi lang ng upo sa akin..

Nakaupo na din ang ibang impakto at nagsimula na din silang kumain.. Paulit-ulit pa nilang tinatanong kung kanino galing ang toblerone na may ribbon.. Baka daw may nanliligaw na sa akin sa school na ito.. Tsk!

Biglang tumayo si Craig sa kinauupuan niya at basta na lang umalis ng walang pasabi.. Nagtataka ko pa siyang sinundan ng tingin at sumakit ang mata ko ng makita kong magkasama silang lumabas ni Miracle ng canteen..

"Mag-jowa ba si Craig at Miracle?" tanong ng mahaderang si Ash..

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya.. Di ko din naman alam kung anong label ng dalawa..

Nahuli kong nakatingin si Clover sa akin kaya kinunutan ko siya ng kilay..

Inirapan lang niya ako at bigla na lang din umalis ng walang pasabi. Anong problema nun!?

Hinayaan ko na lang sila ni Craig.. Baka may dalaw kaya nagsusungit sila..

Clover pov;

Ang sama ng tingin ko sa toblerone na may ribbon habang nakangiti pang hinahawakan ito ni First..

Sino kaya ang nagbigay noon? Sarap niyang hampasan ng toblerone! Paulit-ulit..

Naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan.

Naaalala ko pa ang nangyari kagabi.. Gusto kong ako ang maghatid sa kanya pauwi pero naunahan ako ni Craig..

Nakaramdam ako ng galit kaya nauna na akong umalis sa kanila kagabi.. Dumiretso kaagad ako sa bar para makalimutan ang kakaibang galit na nararamdaman ko..

Nararamdaman ko lang naman ito kapag nalalapit si First sa iba.. hindi ko maintindihan.. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita siyang nakangiti., naiinis ako kapag napapansin kong masyado na silang close ni Acid. Gusto ko na ngang sipain ang upuan ni Acid kapag nakikita ko silang nagbubulungan..

Nangingiti ako kapag nakikita kong nakasimangot na ang mukha ni First. Natutuwa ako sa paraan ng pagsasalita niya, iyong hindi niya pansin na nakakatawa na pala ang pinagsasabi niya..

Hayst! Shit ano ba itong nararamdaman ko? Natamaan na ba ako sa kanya..

Umorder ako ng alak at mabilis ko itong ininom. Naubos ko na iyon pero kulang pa para mawala ang kakaibang nararamdaman ko..

Nakailang bote na ako pero imbes na mawala, lalo ko pa siyang naiisip..

Gusto ko ding maging malapit sa kanya.. Gusto kong ako ang binubulungan niya at gusto kong ako ang maghatid sa kanya..

Sana ako na lang ang una niyang nakita kaysa kay Craig.. Sana ako na lang ang una niyang pinansin sa room kaysa kay Acid..

Nabagsak ko na lang ang bote ng alak at sumabog ang basag nito sa sahig.. Umiikot na din ang paningin ko at ramdam ko na ang tama ng alak pero siya pa rin talaga ang laman ng isip ko.. —pati na nga din ata puso ko dahil kumikirot ito..

Pasuray-suray akong lumabas ng bar at pinilit kong magmaneho ng maayos.. Pagkarating ko sa building ng unit ko ay pasuray-suray na din akong naglakad palabas ng sasakyan ko ng may biglang umakay sa akin.. Nagulat pa ako at mataman ko siyang tinignan kung sino..

Ang ganda niya! Ang cute ng maliit ngunit matangos niyang ilong.. Ang sarap din tignan ng mga labi niyang maninipis at natural na mapula.. Gusto ko siyang halikan..

"Clover? Are you drunk?"taas-kilay nitong tanong sa akin..

First!!

Hahawakan ko pa sana ang mukha niya pero natutumba na ako..

Narinig kong tinawag niya si Craig, andito pa pala ang isang ito!

Mabilis akong inalalayan ni Craig papasok ng building.. May tinatanong siya pero di ko na maintindihan dahil mas nararamdaman ko na talaga ang tama ng alak..

Naramdaman kong may nagpupunas ng maligamgam sa akin kaya pinilit kong idilat ang mata ko..

Napangiti na lang ako ng makita ulit ang babaeng tumatakbo sa isipan ko..

"First.." mahina kong tawag sa kanya..

Sumagot naman siya at sinermonan pa ako..
Natatawa ako kapag nagagalit at nagtataray na siya.. Ang cute niya tignan. Lalo lang siyang gumaganda sa paningin ko..

"Pwedi bang ako na lang First?" bigla kong nasabi sa kanya ang gusto ng puso ko..

Naguluhan siya at nagtanong ulit pero di ko na inulit ang sinabi ko..

Nagalit na naman siya at umayaw ng tulungan akong magbihis..

"Fix me please.. Hindi ko kaya." sabi ko pa sa kanya..

Umayaw pa rin siya at baka may makita pa siyang Spg sa akin.. Nakakatawa siyang magsalita kaya sinadya kong hubarin ang damit ko sa harap niya..

Nahuli ko pa siyang natulalang nakatingin sa katawan ko. First time niya siguro.. Ang cute ng reaction niya!

Bigla siyang tumakbo ng pabiro kong huhubarin ang pants ko kaya humagalpak na ako ng tawa..

Ilang minuto ang nagdaan ng hindi na siya bumalik sa living room baka natulog na.. pero may naamoy akong mabango galing sa kusina kaya sigurado akong nagluluto sila ni Craig..

Lalong pumait ang lasa ng lalamunan ko sa isiping magkasama silang kumakain sa kusina.

Natulog na lang ako ulit pero naramdaman kong may naglagay ng kumot sa bandang tiyan ko.. Napangisi ako ng mapansing si First na naman ang may gawa non..

Gusto ko siyang hawakan sa kamay at sabihing doon na lang siya sa tabi ko at wag ng bumalik kay Craig pero hindi ko ginawa. Hinayaan ko siyang bumalik doon at natulog akong kumikirot na naman ang puso ko..

"Clover.. clover.." naalimpungatan ako ng may umaalog sa akin.. Nakakahilo kaya pinilit kong gumising..

Si First pala! —hindi pala ako nanaginip kagabi..

Inalog niya din si Craig at nahirapan pa siyang gisingin ito dahil tulog mantika ang gago..

Natatawa pa ako sa pinagsasabi niyang raid at sunog pero napamura ako ng sabihin niyang hahalikan ko ng lips-to lips ang gago kapag hindi pa gumising..

Napabalikwas ng gising ang gago kaya napanganga nalang ako sa harap nila.. Tangina!

Pumasok ako sa kwarto ni First at mauuna na daw na maliligo si Craig kaya pinili kong magpagulong-gulong muna sa kama niya..

Ang bango.. Gusto ko ng amoy niya.. Ang tamis..

Napapangiti pa ako ng maalala ko ang sinabi ko sa kanya kagabi.. I remember it all kahit na yung biglaang pagkirot ng puso ko..

Nakita ako ni First ng dinala niya ang uniform namin ni Craig sa loob at mataray na naman niya akong pinapaalis ng kama niya pero gusto ko pang humiga. Ang komportable kasi ng amoy..

Wala siyang nagawa kundi ang hayaan ako at lumabas na ulit..

Matapos kaming mag-ayos ay sabay kami ni Craig na lumabas ng kwarto ni First..

Napapatingin pa nga sa kama ni First ang loko! Gusto niya din sigurong humilata at magpagulong-gulong doon..

Si Acid ang nabungaran naming naghahain ng pagkain sa lamesa habang nakapangalumbaba lang na naghihintay ng pagkain sa lamesa si First..

Nag-umpisa na kaming kumain at natulala na lang akong nakatitig sa kanya ng kumain siya ng nakakamay.. Ibang klase! Napapailing pa ako sa katakawan niya. Saan kaya napupunta ang mga kinain niya?

Kagabi din kasi ang dami niyang kinain sa dinner kila Acid.. Pinaglalagay ko sa kanya ang mga putahing nasa harap ko.. Yung iba kinakain niya., yung iba naman nilalagay niya kay Craig at yung iba binabalik niya sa akin.. Pero madami ang nakain niya..

Napadighay pa siyang nakatingin sa amin. Tsk! Kung ibang babae lang siya turn off na ako kaagad pero hindi ko alam kung bakit mas lalo lang akong natutuwa at nahuhulog sa kanya..

Continue Reading

You'll Also Like

105K 4.9K 63
Section D, isang section na puro lalaki, magulo, maingay, puro pala-away. Mga siga at barumbado, pero maasahan mo. Paano kung mapunta ka sa Section'g...
16.4K 625 57
The most bithches in your campus stole your boyfriend.... What will you do?? But what if one guy will change her suddenly..... Would she change or st...
947K 25.1K 47
Once upon a time, there was a Heartless-Assassin who kill for hired. She killed enormous of people. She was known once as a COLD, MERCILLES, HE...
696K 13.3K 70
Lumaki sa pamilyang akala niya ay sa kanya. Isang babaeng pinag kaitan ng pag mamahal. Lahat ng tao sa paligid niya ay akala niya totoo. Akala niya...