Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page 3
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page-8

336 113 224
By night-firefly


"Craig!" tawag ko kay Craig nang umaksyon ng matutumba ang lasing na impakto sa harap ko..

Lumabas naman si Craig sa sasakyan niya at napamura na lang ng makita ang lasing niyang kaibigan na akay-akay ko..

Tangina ang bigat ng kumag!

"What the— .. hoy Clover. Bakit ka naglasing?" tanong nito sa lasing. Shunga din ito minsan si Craig magtanong..

"Kelangan na niyang umuwi." suhestiyon ko..
"Dito din ba siya nakatira?" tanong ko. Hindi ko kasi akalaing dito din nakatira ang impaktong ito.. —pero sabagay paano ko naman malalaman kung hindi din naman ako lageng andito..

"Same village lang kami nakatira pero may unit din siya dito." Sagot ni Craig na nag-umpisa ng maglakad papasok ng building..

Naglakad na din ako papasok kasunod nila.

Sumakay kami ng elevator at pinindot ko na yung number ng floor kung saan ang unit ko.

Ang dalawa naman ay nagpapahirapan pa. Hindi kasi makausap ng matino si Clover kung saan ang unit niya..

Ang ending— sa unit ko din sila pumasok.

Lintik kang impakto ka! Ang lakas mong maglasing.. buti na lang nakita namin siya kung hindi baka pinag-aagawan na siya ng mga kalahi niyang bading sa labas ng building..

"Uhmm.. Use this.." nahihiya kong abot kay Craig sa pantulog kong damit.. iyon lang ang magkakasya sa kanya.. "at bihisan mo na din si Clover nito.." inabot ko din ang isang pares ng pantulog para kay Clover.. Parehong kulay pink ang pantulog na binigay ko.

Nakangiwi niya itong kinuha at tinignan ng mabuti..

"Sige.. kuha lang ako ng pampunas sa kanya." sabi ko at mabilis na naglakad papunta sa kusina para kuhanan ng pampunas ang impaktong laseng. Halata na kasi sa ungol niyang hindi na siya komportable sa lagkit ng katawan niya..

Pagbalik ko sa sofa ay wala pa si Craig.. Naglinis pa siguro siya ng katawan..

Sinimulan ko ng punasan ang impaktong umuungol..

Pinunasan ko ang mukha niya at napahawak siya sa kamay ko ng madampi ang towel sa mukha niya.. Bahagya niyang minulat ang mata niya at nakangiti pang nakatingin sa akin..

"First.." Tawag niya.. ang lambing ng pagkakasabi niya sa pangalan ko.

"Bakit?"sagot ko naman..

"Am I not dreaming? Ikaw ba talaga yan?" natatawa pa niyang tanong..

"Eh kung batukan kaya kita ng magising ka sa panaginip mo! Lakas mong maglasing hindi ka naman marunong umuwi sa tirahan mo!" sermon ko sa kanya na tinawanan lang ng gago.

"Ikaw nga." tawa pa niya..

"Tawang-tawa ka ah! Nababaliw ka na ata dahil sa alak eh.."pagtataray ko sa kanya pero pinupunasan pa rin siya..

Bigla siyang tumigil at seryosong napatingin sa akin..

"Pwedi bang ako na lang First?" sambit niya na nagpagulo sa sistema ko..

"Huh??" takang tanong ko..

"Wala.. Sabi ko ang ganda mo.. Yeppeuda.." panggagaya niya sa sinabi ni Peni kanina..

"Niloloko mo ba akong impakto ka?" simangot kong tanong sa kanya..

Di kasi linawin ang sinasabi.. Alam ko namang maganda ako pero hindi ko lang maintindihan ang unang sinabi niya..

Umiling lang siya at pumikit ulit..

"Your already awake.. Fix yourself Clover." utos ko sa kanya.. Masyado na siyang nag-eenjoy sa punas na ginagawa mo..

Nakanguso niya lang akong inilingan. Ang cute ng kumag—- este ay ano ba yan!

"Fix me please.. Hindi ko kaya.." makaawa niyang sambit habang nakanguso pa. Takte siya lang ata ang lalakeng nakikita kong cute pa rin tignan kahit nakanguso..

Fix me.. fix me! Takte ang cute niya!

"Ooy! Bahala ka.. magbihis kang mag-isa mo. Baka may makita pa akong Spg kapag ako pa nagbihis sayo.."

Natawa lang siya sa sinabi ko at mabilis na hinubad ang damit niyang suot.. Takteng talande yan— 6 pack abs! Diyos ko napalunok ako ng wala sa oras sa V-line niya! Huli ko ng napagtantong nakatingin na pala ako sa katawan niya..

My eyes! My virgin eyes..

"Hinayupak kang impakto ka.. bakit ka naghubad sa harap ko.. Isuot mo nga yan!" sigaw ko sa kanya habang hinagis sa mukha niya ang kulay pink kong pantulog..

Tatawa-tawa niyang sinuot ang damit ko at mabilis akong napatakbo ng umakto siyang huhubarin ang pants niya.. Hayop talagang impakto yun! Lakas pa ng tawa niya ng makita akong tumakbo..

"What happen?" tanong ni Craig sa akin pagkalabas niya ng banyo..

"Yung bwesit na impaktong yun! Nang-iinis na naman!" simaktong ko sa kanya..

"Tsk!that's Clover.. Maloko talaga ang taong iyon.." sabi niya at nagtuloy ng pumasok sa kusina ko.

Napapangiti akong napatingin sa suot niya! Ang gwapo niya pa rin talaga tignan kahit anong suot niya..

Naghalungkat siya ng maluluto at pasta ang nakita niya..

Di ko nga naalala kung kelan napunta yan dito. Ang alam ko free lang ng binili kong items ang pastang yan.

"May ingredients kang pang-carbonara?" tanong niya.. napasimangot naman ako. Paano ko naman malalaman ang ingredients non, di naman ako nagluluto..

"Tignan mo na lang sa ref." sabi ko habang nakaupong nakapangalumbaba lang na nakatingin sa kanya.

Binuksan niya ang ref at nanguha ng mga ingredients sigurong gagamitin niya. Buti na lang meron.. Minsan kasi pinag-grocery ako ni Yaya Sabel kapag nagagawi siya sa unit ko..

Gusto kong pumalakpak.. nagugutom na naman kasi ako kahit ang dami ko ng kinain kanina sa bahay nila Acid..

Pinanuod ko siyang magluto at maghalo.. ang hot lang niyang tignan sa ginagawa niya ngayon. Magaling din siyang magluto kaya ideal man talaga ang datingan niya. Kaya nga gustong-gusto siya ni Miracle..

Pumait ang panlasa ko ng maisip ko ang babaeng iyon at ang tungkol sa arrange marriage nila ni Craige..

"Tignan ko lang si Clover baka nakatulog na. Bigyan ko lang kumot." mabilis kong paalam sa kanya at nagtuloy-tuloy na palabas ng kusina..

Nabadtrip ako bigla.. Gusto na naman kasing lumabas ng luha ko..

Naabutan kong nakahilata na sa sofa ang impakto at tulog na tulog na naman.. Napatawa pa ako sa suot niya dahil naging crop top ito sa kanya.. Lumabas na naman tuloy ang matitigas niyang muscle sa tiyan pati ang makasalanang V-line..

Napatikhim ako.. "Impakto ka talagang mahalay ka!" mahina kong singhal sa kanya at pumasok na ng kwarto para kumuha ng kumot.  

Pagbalik ko, inuna ko talagang kumutan ang nakalitaw niyang tiyan dahil masyado nang mainit sa mata.

Napapangiti pa siyang nagpipilit ibuka ang mata niya at ramdam niya siguro ang presensya ko. Pasalamat talaga ang kumag na to at maganda at mabait ako..

"First." mahina nitong tawag sa akin..

"Hmm.."sagot ko naman..

"Watashi wa, anata o aishiteimasu..." alien word niya..

"Alak lang yan matulog ka na. Nagiging alien ka na din impakto ka.! Ajinomoto pa more!"

Napatawa lang siya sa sinabi ko at natulog na ulit kaya bumalik na ako sa kusina dahil amoy na amoy ko na ang sauce ng carbonara. Sarap.. yum..yum..yum!

"Ang bango." nakangiting bungad ko kay Craig na naglalagay na ng sauce sa pasta...

Nakangiti lang siya sa akin habang tinatapos ang paghahalo niya..

"Here." subo niya sa akin kaya kinain ko naman..

"Sarap.. The best ka talaga Craig!" masayang sambit ko.. Food is life..

Nakalimutan ko ang paglayo sa kanya kapag foods na ang pinag-uusapan..

Sumubo din siya ng pagkain gamit ang kutsarang pinansubo niya sa akin kanina..

Inulit niya pa akong subuan kaya kinain ko naman.. Medyo nag-eenjoy ako sa subuan namin.. Hihi..

Nakapangalumbaba akong naghihintay ng isusubo niya habang siya naman ay nakangiting ngumunguya..

Happy siya! Happy.. happy!

Naubos namin ang niluto niyang pasta at walang natirang para kay Clover.. Gutuman ang lasing..

Nagtulong kaming magligpit ng pinagkain at hugasan ito..

Nasa sabonan portion na kami ng plato ng bigla na lang niyang nilagyan ng bula ang tuktok ng ilong ko..

"Craig!! angal ko sa kanya. Tapos na kaya akong maghilamos..

Inulit niya pa ito at sa pagkakataong ito sa pisnge na niya ako nilagyan kaya napaganti ako sa kanya..

Nilagyan ko din ng bula ang ilong niya pati na din ang noo at pisnge niya.. pati baba nilagyan ko na din. Ganti-ganti lang to mga pre.

Napanguso siyang nakatingin sa akin at ang cute niya din tignan..

Balak niyang uliting lagyan ako ng sabon kaya napalayo na ako sa kanya pero hinabol niya pa talaga ako. Takte.. naglalaro kami ng parang mga bata paikot-ikot dito sa kusina..

"Craig!!" sigaw ko sa kanya dahil ang daming bula sa kamay niya..

"Hey! Tumigil ka Craig.. tapos na akong maghilamos!"pigil ko sa kanya sa paglapit niya.. Pero ang loko di nagpaawat.. punterya niya talaga ang maganda kong mukha..

Malapit na siya sa akin at ilalagay na niya ang kamay niya sa pisnge ko ng isubsob ko sa dibdib niya ang mukha ko..

Not my beautiful face!

Bigla siyang natigilan at di nakagalaw sa posisyon namin.. Aakto na sana akong lalayo sa kanya pero mabilis niya akong nayakap ng mahigpit..

"Can we stay like this? Kahit saglit lang." sambit niya.. rinig ko ang lakas ng tibok ng puso niya at ang sarap nitong pakinggan. Alam ko kasing parte ako ng tinitibok niyon..

Mahigpit niya lang akong niyakap at ganoon na din ang ginawa ko sa kanya.. Ang sarap ng init na nanggagaling sa katawan niya.. Inaantok tuloy ako sa komportableng init nito..

Napapikit ako habang yakap-yakap siya at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako..

Ramdam ko pang hinalikan niya ang noo ko bago ako magupo ng antok ko..

Nagising na lang akong nakahiga na sa kama ko. Una kong tinignan kung may katabi ba ako. At napahinga na lang ako ng maluwag ng ako lang ang nakahiga sa kama ko.

Bumangon na ako at nag-ayos para makapasok sa paaralan..

Kinuha ko muna ang phone ko bago pumasok ng banyo..

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako..

Naabutan ko pang nakahilata pa ang mga impakto sa sofa.

"Hoy!! Gumising na kayong mga impakto kayo may pasok pa tayo!" sigaw ko sa kanilang dalawa dahil mga tulog pa..

Kapwa pa silang nagpatigasan at kelangan pa ng masinsinang gisingan kaya pinag-aalog ko na sila isa-isa..

Una kong inalog ang lasing na impaktong nakatalukbong pa ng kumot..

Umangal pa ito at pilit tinanggal ang kamay kong nakahawak sa balikat niya para alugin siya..

"Clover... Clover.. Hoy gising.. mAy pasok pa tayo.!"gising ko sa kanya..

"First! Gising na ako.. utang na loob huwag mo na akong alugin! Nahihilo na ako.." angal niya..

"Alak pa more!!"sambit ko naman sa kanya.

Si Craig naman ang inalog ko. At hindi pa rin nagbabago ang isang ito.. tulog mantika pa rin talaga siya..

"Craig.. craig.. sunog! Gumising ka na may pasok pa tayo.. Hoy! Sunog... Raid... raid.. !!" Putspa di pa rin siya nagigising! Pinagtatawanan na ako ng impakto sa pinagsasabi ko..

"Clover tulungan mo nga akong gisingin to.." Nakasimangot ko ng sabi sa nakatawang impakto..

Umiling lang siya sa akin at di talaga ako tinulungan kaya inalog ko ulit si Craig..

"Hoy Craig gising! Hahalikan ka daw ni Clover kapag hindi na nagising jan..!"

"What the fuck!"malutong na mura ng impakto..

"Lips to lips."patuloy kong pang-gigising sa kanya at ang hinayupak ang bilis bumalikwas ng bangon. Muntik pa siyang natumba sa ginawa niya..

"What the hell!!" —-nakangangang sambit ng impaktong di makapaniwalang nagising ang kauri niya impakto din..

"Saan.... saan ang raid?!!" natatarantang tanong ni Craig.. hindi naman iyon ang huling sinabi ko ah..

"Mag-ayos na kayong mga impakto kayo mali-late na tayo sa klase!" singhal ko sa kanila.. Anong oras na kasi at andito pa kami sa unit ko.. Si Sir Jacinto pa naman ang first subject namin..

Tumawag ako kay Acid kanina at pinagdala ng uniform ang dalawang ito para di na kami malate pa..

Tumunog ang doorbell ng unit ko at alam kong si Acid na ang dumating..

Mabilis akong nagpunta sa pinto at pinapasok ang nakangiting si Acid..

"Come in." ngiti ko sa kanya..

"Good morning beautiful.." sambit niya..

Napahampas na lang ako sa balikat ka.. "maliit na bagay!" nakangiting sabi ko..

Pagbalik namin ng living room ay wala na ang dalawa kaya pinaupo ko muna si Acid sa sofa at pumasok sa kwarto ko para iabot ang uniform ng mga hinayupak..

Naabutan kong nagpagulong-gulong sa kama ko si Clover habang rinig ko naman ang lagaslas ng tubig sa banyo ko..

"What are you doing Clover? Para kang serena na nawalan ng buntot sa ginagawa mo jan sa kama ko." nakapameywang ako sa harap niya..

"Ang bango ng higaan mo First.. Ang sarap amuyin.." nakangising sabi niya..

"Adik kang impakto ka. Umalis ka nga jan sa higaan ko." saway ko sa kanya.. ano kayang kinabango non? Eh minsan nga wala akong ligo-ligo habang maghapong nakahiga sa kama ko..

"Let me stay for awhile okay." pakiusap niya habang nakasubsob pa rin ang mukha niya sa higaan ko..

"Bahala ka! Basta wag ka lang magkakamaling matulog ulit.. Malilintikan ka sa aking impakto ka.. mali-late na tayo!" singhal ko bago siya iwang nakahiga sa kama ko. Yakap yakap pa niya ang ginamit kong unan. Adik siya.. amoy dandruff na yun.

Tumabi akong umupo kay Acid sa sofa.. Bumaling ako sa kanya at nagtanong..

"Marunong kang magluto Acid?"

Bumaling siya sa akin at tumango..

"Oo.. ikaw ba?" Balik niyang tanong..

Umiling ako sa kanya at ngumuso..

"Magluto ka.." may pa-cute kong pakiusap.. Nakakagutom kasi kapag walang almusal..

Napailing na lang siya at natawang naglakad papunta sa kusina.. Sinundan ko naman siya at umupo ako sa upuan sa tabi..

"Ang ganda pala ng unit mo First." sambit nito na tinanguan ko lang..

Maganda naman talaga ang pagkakadesinyo ng unit na ito.. Cozy ang ambiance.. pero nakakalungkot kapag ako lang mag-isa ang nandito..

Kumuha siya ng ham at itlog sa ref na nabibigla akong paano napunta doon.. Hindi kasi talag ako nag-grocery dahil hindi ko naman alam ang bibilhin ko..

Nagsaing din siya ng kanin sa rice cooker habang binabasag ang mga itlog.. Nice! Chef din pala ang isang to.. 'For keeps ito.. marunong magluto eh.'

"Paano ka natutong magluto Acid?"tanong ko..

"Tinuruan ako ni Mom." sagot niya..

Napadukdok ako sa lamesa habang nakatingin pa rin sa kanya..

Pansin niya sigurong natahimik ako..

"First.." nag-aalalang tawag niya..

Nginitian ko lang siya ng mapait.. I miss my mom. Kung sigurong hindi siya naagang namatay natuto na din siguro akong magluto kagaya kay Acid..

"Don't worry First.. Ipagluluto na kita palage.." nakangiting sabi niya..

Medyo gumaan naman ang loob ko sa sinabi niyang ipagluluto..

Food is life!

Kasabay ng pagkaluto ng sinaing at ulam ay natapos ding mag-ayos ang dalawang impakto.. Nakaamoy ata ng pagkain kaya ang bibilis pumunta sa kusina..

"Oyy! Bro.."bati ng mga hinayupak kay Acid at mabilis umupo sa upuan..

Nagmadali na kaming kumain dahil mali-late na talaga kami..

Seryoso kaming ngumunguya at walang pansinan.. Tutok na tutok ako sa kinakain ko..

Lapang to mga brod. Nakakamay akong kumakain dahil nakikita ko si Butter na ganito kumain sa bahay nila..

Masarap din pala.. Lasang kamay..

Binalingan ko na ng tingin ang tatlong impaktong kasalo ko sa pagkain ngayon at titig na titig lang naman sila sa akin.

Napadighay pa ako sa harap nila..

"Excuse me!" nakangiwi kong sambit na inilingan lang nila at bumalik ulit sa pagkain..

Continue Reading

You'll Also Like

362K 11.4K 50
Ang hirap siguro ng buhay na wala kang kinilalang tunay na ina at ama. Swerte na lang ang iba dahil may nag-aampon sa kanila. Pero para sayo? Kumplet...
92.2K 2.8K 80
Death University's Book2
466K 12.4K 59
I can't be your 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒐𝒏𝒆 if you really love 𝒂𝒍𝒍 of me.
391K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...