MAXDRINE'S POV
Isang lingo nang nakalipas ng maranasan ko ang takot noong gabing yon, Madami naring nangyari sa Montereal. Hindi man ako nakakalabas dito ay alam ko kung ano ang nangyayari sa aming samahan at sa aking pamilya. Hindi ko rin sinabi sakanila ang naranasan ko nung gabing yon dahil alam ko na gaganti sila kapag nagkataon.
"GoodMorning" nakangiting bati sakin ni Drake
Simula nung gabing yon hindi nako iniiwan mag isa ni Drake, Kahit sa restroom ako pupunta ay sasamahan nya ako, Kahit pagbili ng tubig ay naka buntot sya sakin. Ginagawa nya ang mga salitang sinabi nya. Hindi nya ako iniiwan sa lahat ng bagay, Minsan nga ay tinatanong ko ang aking sarili kung deserve ko si Drake, Lalo na't may posibilidad na may masamang mangyari sakanya ng dahil sakin.
"Walang klase, Saan ka ngayon?" tanong ni drake habang pinanood ako sa aking ginagawa
"Hmmm, nagpatawag ng meeting yung president namin sa Sayaw" sagot ko at ng matapos ako sa paglalagay ng damit sa aparador ay hinarap ito. "Ikaw? Saan ka?"
"Sasamahan ka" walang pagaalinlangang sagot nito
"Wala kabang gagawin?"tanong ko
"Meron, May play kami mamaya" aniya
"Ayon naman pala ih, Mag laro ka muna...isa pa sa ayos lang naman ako"
"Mas gusto kong bantayan ka, Maxdrine"
"Drake, Hindi sa lahat ng oras kailangan mo akong bantayan,Hindi araw-araw kasama mo'ko"sagot ko, maya maya pa ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito
"Ayaw mo na akong kasama?" parang batang tanong nito, Naka nguso sya at paulit ulit na ipinapakita ang maliit nyang dimple na parang isang bata na humihingi ng Candy,nag papa cute
"Drake--"
"Ayaw mo na akong kasama, Okay lang, tanggap ko, sige."
aba't nangungunsensya ba sya? Paano ba ako mananalo sa isang 'to?
" Drake hindi sa ayaw kitang kasama, Nagpapasalamat pa nga ako kasi araw-araw kang nakabuntot sakin, Pero kasi---"
"Ayaw mona sakin?"
O_O
shit
"Hays. Drake---"
"Sige na aalis nako" aniya at nagsimulang lumakad palayo
Minsan nagugulat nalang ako sa ugali ng isang 'to, Minsan ay para syang nalulunod sa asukal dahil sa pag ka sweet, minsan naman ay para syang Body Guard na kapag may lumapit saking lalaki ay ihaharang nya ang kaniyang sarili, minsan naman ay hindi ko malaman kung bakit napaka moody nya, para syang babae na may dalaw kapag hindi napagbigyan ang gusto, Minsan nga'y kahit isang salita ko lang ay ginagawaan nya ng iba't ibang meaning,Para akong lalaki na palagi syang sinusuyo kahit hindi ko man sya inaano. That's Drake Sy Montereal. Ngayon lang ako nakakita ng katulad nya.
Mabilis kong kinuha ang gamit ko at nilisan ang aming kwarto, nang makababa ako sa building ay malayo na si Drake kaya nagmadali akong maglakad. Sa paglalakad ko ay biglang sumulpot si Ian saking tabi at may dala itong burger at iced coffee.
"GoodMorning"nakangiting bati nya
"GoodMorning----Sino naman kayang naglakas loob na tanggihan ang bigay mo nayan?" biro ko dito
"HAHAHA this is for you"sagot nito kaya napatigil ako sa paglalakad
"Ha?Bakit sakin?"takang tanong ko
"Naramdaman ko kasing manunuyo ka nanaman sa isang bata, kaya binilhan kita para may lakas kang manuyo"pagtutukoy nya kay Drake at iniabot sakin ang dala niya
"HAHAHA baliw ka"wika ko at muling naglakad
"What happened?" tanong nya habang kumakain
"He misunderstood my words" sagot ko habang tinatanaw ito
"Like what?"
"He's with me every time, So I told him na hindi nya naman kailangan na sa lahat ng oras eh ako ang unahin nya kasi he has stuff to do pa, ayoko naman maging abala" paliwanag ko "Then he answered me like 'Ayaw mo nasakin? Ayaw mo na ako kasama?' psh!"
"HAHAHA he's immature when it comes to you"
"I think so"
"Pauti uti ng bumabalik ang kaibigan namin" bulong nya pa "He is so worried about you so that's how he treats you"
"I know, pero hindi mo naman ako masisisi,gusto ko lang din naman na gawin nya yung dati nyang ginagawa. Hindi pwedeng sakin lang naikot ang ang oras at mundo nya"muli kong paliwanag
Habang tinatanaw ko si Drake ay bigla muling nagsalita si Ian
"Well my vote is for Drake" nilingon ko ito
"Vote---Wait---what?"
"HAHAHA Kaibigan ko si Drake alam ko kung anong ginagawa nya"
"So?Me? What am I to you?" tanong ko maya maya ay lumapit ito sakin at bumulong
"Kung ako ang pinili mo hindi kana mahihirapang manuyo, kaso binusted moko" aniya at umakting na nasasaktan habang ang kaliwang kamay ay nasa kaniyang dibdib
Para syang baliw..
"Mag kakaibigan talaga kayo"
"HAHAHA Well" aniya at sabay kaming napatawa
"Woah! Ang ganda! shit ang ganda ng ngiti!" isang pagpupuri galing sa kararating lamang na si Nathan kasama ang ibang kaibigan nito "Bro Nakita mo yung ngiti nayon?"tanong nya kay Ian "Grabe ang ganda!"
"Tsk. Bola"
"HAHAHA nagkakasiyahan ata kayo? bakit hindi nyo man lang kami sinama" aniya
"Pinapasaya ko lang sya bro"
"Why? Where is drake?"tanong nya at nagpabalik balik ang tingin saming dalawa ni Ian "Wag mong sabihing.....?" napaka confusing ang mukha nito, tumingin sya kay ian na tumango tango sakanya "Hmp! Manunuyo ka nanaman pala ng Baby damulag eh HAHAHAHA!" wika ni Nathan kaya napatawa narin ang iba nilang kasama, Sa isang lingo na parati ko iyong ginagawa ay nakakasanayan na nila kapag hindi ko kasama si Drake. Ganon nila kakilala ang kanilang kaibigan.
"Hays ang isang yon talaga ay hindi na lumaki, Kung may lumaki man sakanya ay siguro ang kaniyang alaga HAHAHA!" biro ni Kean kaya agad siyang hinampas sa braso ni Gab
"Ang bastos ng bunganga mo ha!"sita ni Gab
"Ha? anong bastos don? Normal lang samin ang lumaki ang alaga, diba boys?" sagot ni kean na humanap pa ng kakampi
"Oo tama"
"Ang akin nga ay lumaki ng sobra" wika ni Nico
"Aba pre same pala tayo HAHAHA" singit naman ni Dave
"Ano bang alaga ang iniisip mo Gab?" tanong ni Lawrence
"Yung ano----Yung ano nyo"
"HAHAHAHAHHA!!" sabay sabay at malakas na tawa ng lahat "Ang alin Gab? Ikaw napaka green minded mo!"
"Ano ba kasing alaga yon!"
"Gusto mo bang Makita ang alaga ko?" malanding tanong ni Kean
"Kean!!"
"Alagang aso ang tinutukoy namin Gab" sagot ni Kean para tuloy isang makahiya si Gab na biglang tumiklop dahil sa hiya
"HAHAHAHA masanay kana dahil ganan kami magbiruan araw-araw"
"HAHAHA nasan naba kasi ang Baby Damulag nayon?"
"Siguro ay nasa tabi tabi lang yon,nagpapasuyo at gusto lang magpalambing"
"HAHAHA! Para syang first year mga pre, ganong ganon ako dati"
"Jejemon ang galawan!" sabay sabay na wika ng mga ito
"Unawain nalang natin si Drake, alam naman nating lahat na napakatagal nya din bago nagkaron muli ng minamahal HAHAHA" Biro ni kean, maya maya pa ay nahagip ng mata ko si Drake na nasa likod na ng mga kasamahan, batid kong napansin din ito ni Ian dahil bahagya itong umubo isang senyales yon ngunit hindi iyon mapansin nila kean dahilan para magtuloy tuloy ang kanilang biruan,
"HAHAHA totoo at masasabi ko lang sayo na hindi basta-basta madaling makuha si Drake tatawid ka muna ng ilang milyang ilog bago sya makuha. Pero ang ilog nayon ay ga duhod lang ang lalim HAHAHHA!" muling biro ni Kean. Maya maya pa ay natahimik ang iba ng Makita nila si Drake na nasa likod, Samantalang Hindi nila sinabihan si Kean, Lawrence at Dave
"Ka isa-isang dalaga yon sa tropahan naming kaya wag na wag mo syang sasaktan dahil baka malagot ka samin"pagbabanta pa niya
Hindi ko alam kung papatigilin ko sila o ano, nakakatawa kasi ang reaksyon ni Drake sa bawat salitang sinasabi ng tatlo. Nakakunot ang noo nito at magkasalubong ang mga kilay.
" Noon ngang pinaglalaruan nya ang mga babae ay naisip ko 'pano kaya kung bakla si Drake?' HAHAHA kasi ayaw nyang lalapitan sya ng babae pero nilalandi nya naman"
"Pero itong si Alex ang pilingera! Eh gusto naman ni Drake na nilalandi sya kaya ayon! kumagat din sa pain" si kean ay parang isang tindera sa palengke na chismosa napaka daming alam.
"Talaga ba?" tanong ni drake
"Totoo yon bro! HAHAHA minsan nga'y napapatanong nalang kami kung bakit nya tinitiis iyong si Alex eh napakadaming magaganda at sexy'ng nagkakagusto sakanya"sagot naman ni Lawrence
"Kasi pogi si Drake" wika ni drake
"Oo alam nating lahat na pogi si drake, pero may Heinz na sya bakit kailangan nya pang maghanap ng iba" nagkaron ako ng interes sa sinasabi ni Dav, hindi ko alam pero parang gusto ko pang ipagpatuloy ang sinasabi nya
"Anong iba?"tanong ko
"Ang daming nagpapadala ng sulat kay drake, ang gaganda ang sesexy! minsan nga ay nahuli naming syang may kausap na iba"
Napaiwas ng tingin sina Ian at ang iba nilang kasama samantalang si Nathan ay nagpipigil ng tawa. At ako? Dumaretsyo ang mga tingin ko kay Drake at ang mga mata nya ay parang nagsasabi na huwag akong maniwala. Tinaasan ko ito ng kilay.
"Diba dave?"
"Oo kitang kita naming, Ang ganda pa nya!"
"Wag kayong maingay ha? Baka mamaya isumbong nyo kami"wika ni Kean
Aba't ngayon palang siguro ay dapat tumakbo na sila.Pero dapat pa nilang sabihin ang dapat kong malaman.
"HAHAHA! Bro narinig mo ba lahat?"wika ni Ian
"Ha?"
Halos sabay sabay ang paglingon ng tatlo sa likod ng sumenyas sakanila si Ian. Hindi ko man Makita ang reaksyon nila ngunit panigurado akong gulat na gulat silang makita si Drake na naroon habang nakikinig ng sinasabi nila.
"A--ahhh k-kaninan ka pajan boss?" malambig na tanong ni Dave
"Isa"
"Pre"
"Dalawa"
"Tangina! Heinz! mahal na mahal ka si Drake! Yung sinabi namin kanina joke lang!" nagmamadaling wika ni Dave
"Tat----"
Hindi pa man natatapos ni Drake ang bilang nya ay nagunahan ng tumkbo si Lawrence at si Dave, samantalang si Kean ay nanatili sa tabi ni Gab.
"Satingin ko kailangan mo na ding tumakbo" wika ni Gab
"Bakit ako tatakbo? Eh mahal ako ni Drake, hindi nya ako kayang sak---Ahhhh!!!" sigaw nito ng higitin ni Drake ang kaniyang tenga at pwersahang nilapit ito sakanya
"Kailan nyoko nakitang may kausap na iba?" seryosong tanong ni Drake
"Wala pre---ahhh masakit!"
"Kailan?"
"Wala! gawa gawa lang yon---aray!"
"Kung ako sayo magsasabi na ako ng totoo"wika ko "Wag kang matakot kay drake, sagot kita" paghahamon ko
"Tell me" Pabalik balik ang tingin nya saming dalawa at maya maya pa ay pwersahang inalis ang kamay ni drake at tumakbo saking likod
"Aba't--- Hindi ba ka natatakot sakin?"tanong ni drake kay kean
"Mas takot ako kay Heinz, Mas malakas sya sayo, Takot ka kay Heinz"sunod sunod na sagot ni Kean habang ang mga kasamahan nila ay tawang tawa na dahil sakanya
"Aba't--"
"Tell me"wika ko
"Nung isang araw, may kausap syang babae" walang pagaalinlangang sagot nito
"Sino?"
"Hindi ko kilala pero maganda, mahaba ang buhok at singkit" paliwanag nya
"Hindi totoo yan"wika ni Drake
"Kialan mo pa nakikitang may kausap?"
"Kahapon pag uwi nya ng dorm"sagot nito
Narinig kong sumipol si Ian at si Nathan naman ay nakangiti lang sa isang tabi, ang iba nilang kasamahan ay nagumpisa ng maglakad palayo dahil sa posibilidad na gawin ni Drake. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni kean ngunit may namumuong inis sa akin at hindi ko iyon mapaliwanag.
"That girl is---"
"Enough, you don't have to explain anything.."pagpigil ko sakanya at naglakad papalapit sakanya, ng magtama ang balikat at braso ay marahan akong tumingkayad palapit sakanyang tenga "Go flirt with anyone, I don't care. As long as your mine......I have nothing to worry about" bulong ko rito. Umayos ako ng tintig at dahan dahang pinagpag ang kaniyang balikat
"Tell them I am Heinz Maxdrine Zamonte, They have nothing to worry.... I'm just---" binitin ko ito sa aking sasabihin, tumingin ako sakanya at nginitian ito " A Mafia Boss" pahabol ko at mabilis itong kinindatan bago ako naglakad palayo sakanila.
Me and Drake has no relationship, But I know we have a mutual feelings and I'm sure about that.
Nang makarating ako sa Dance Room ay naroon na ang lahat, medjo nahuli lamang ako ng ilang minuto pero satingin ko hindi pa naman nasasabi ang tunay na pakay ng meeting na'to.
"So just like I've said before we need all of you to dance that night."wika ng President
"Anong sinasabi nya?" bulong ko kay russle
"Ahh. May party kasi sa Nov.1 at ang sabi ay kailangan daw nating magsayaw"
"November 1?"takang tanong ko rito
"Yes"
"Bakit naman nila naisipan na mag party sa November 1? They celebrating the day of dead?"
"No--Yes---What I mean is----" wala syang masabi "Okay sige na nga, pero normal lang sa Montereal ang mag-celebrate ng Halloween, We called it Halloween Party at lahat ng students sa Montereal ay pupunta don wearing a Costume"paliwanag nito
Hindi padin ako makapaniwala na they celebrating the day of dead. I know Halloween but I don't like it. Halloween Party making me think that we are making fun of the dead.
"Costume?"
"Oo--teka nga nasan kaba nung araw na nag announce ang councilors ha?"
"Well---- I think I fell asleep" palusot ko
"Hays kaya naman pala"
"We are all clear, okay? Lahat ay pupunta kung sino man ang may tanong maiwan kayo, ang iba ay pumunta na sa kanilang pupuntahan. This coming Saturday we have practice, okay!"
"Okay!!"
Isa isa ng lumalabas ang mga tao sa Dance Room samantalang ako ay nakaupo lang dito at deretsyo ang tingin. Siguro ay napansin ako ng President kaya lumapit sya sakin.
"You have questions, Heinz?"
"Why are we celebrating Halloween Party?"tanong ko.
"Ha?"
"That's my question."wika ko
"Well I don't know. Ang councilor ang may gusto non at paniguradong kapag sakanila nagtanong ay may sagot sila sayo"tatawa tawang aniya
"Why did you say that we can stay if we have a questions if you can't answer my question?" sarcastic kong tanong kaya nawala ang ngiti nito
"Heinz"
"Whatever---- one more thing... I can't dance that night" wika ko at mabilis na nilisan ang lugar
"Heinz!!!"
Ilang araw nalang bago mag November 1, meron nalang kaming 7 days. Hindi din ako pumayag sa alok na sayaw nayon, hindi dahil ayokong sumayaw kundi dahil ayoko sa araw nayon. November 1 is a dark day for me----
"Sorry" wika ng isang lalaki na nakabangga sa akin
Nakasalamin ito at may bitbit na isang plastic bag sa kanan at mga libro sa kaliwa. Tinulungan ko siyang magpulot ng libro dahil nalaglag ang mga ito.Isang libro nalang ang natitira,napansin ko ang title nito "DEATH OF ROSES" kukunin kona sana ito ng kapitan nya ng mahigpit ang aking kamay.
"November 1, kailangan mong maghanda"
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, Ganon nalamang ka big deal ang sinsabi nya. Hindi ko alam pero bigla akong natakot sa mangyayari. Bigla kong naalala si Carl Sarmiento na pintay dahil sakin. Patago niyang iniabot sakin ang isang sulat, hindi ko nagawang babaan ito ng tingin, hindi ko maialis sakaniya ang mga mata ko.
"Papasukin nila tayo" aniya pa
"Sino?"tanong ko
"Kaibigan"
"Ha?"
"Anong meron?" muli kong tanong pero imbis na sagutin ay lumingon sya sa isang building na parang ramdam nya na may nanunuod samin kaya naman nilingon ko rin iyon. Agad syang tumayo at tumungo.
"Kailangan ko ng umalis"aniya at mabilis na naglakad palayo. Pinanood ko ito hanggang sa hindi kona siya makita, muli ko naming nilingon ang building ngunit wala na akong nakita.
Mabilis akong pumasok sa Cafeteria sakto namang walang masyadong tao rito.Umupo ako sa pinakadulo at marahan na inilabas ang sulat na kaniyang ibinigay. Hindi parin mawala sa isip ko ang sinabi nya.
"Kaibigan"
"Ha?"
Anong meron? Hindi ko maintindihan ang sinabi nya. Anong nangyari?Para san ang paghahanda? Napakadami kong kailangan itanong sakanya ngunit parang may tinataguan siyang tao.
"Noong araw na narinig nya ang usapan nila. Sinundan sya nito hanggang sa loob ng kanyang dorm.Binalaan at ibinigay ang sulat sayo.Pero hindi ka nakinig. Noong araw nayon dapat nakinig ka! Dapat buhay pa ang kapatid ko!"
Mabilis kong binuksan ang sulat na kaninang binigay nung lalaki.Pero ganon nalamang ang gulat ko ng umpisa kong mabasa ang sulat at ng makita ko ang isang proweba.
O_O
Halos hindi ako makagalaw ng Makita ko kung sino ito..Hindi ko ito kayang paniwalaan...hindi ko tanggap.. Pero ang isang to ay sapat na proweba para ako'y maniwala sa nakita ko. Bakit? Bakit kailangang ikaw? Bakit kailangan mong gawin to?
"Naniniwala akong may ahas sainyong samahan.. At hindi imposible na isa ito saiyong kaibigan. At isa din ito sa mga tinakot nila para gamitin. Hindi ako nagkakamali."
"Mag-iingat ka sa mga taong nakakasama at nalapit sayo binabantayan nila kayo sa bawat galaw mo"
Biglang sumakit ang dibdib ko hindi ako makapaniwalang magagawa nila yon sa akin.Nag tiwala ako sakanila.Pero nagawa nila akong saksakin patalikod.
Nilisan ko ang Cafeteria at mabilis na pumasok sa loob ng Dorm, wala roon si Gab. Kinuha ko ang aking telepono at agad tinawagan si Hxian.
CONTACTING HXIAN....
"Heinz?"
"Kuya"
"Anong problema? may nangyari ba?"
"Kailangan mong magpatawag ng Meeting sa lahat"
"Anong nangyari?"
"Lalabas ako bukas ng madaling araw. Kailangan malaman ni Chairman Montereal ang dahilan ko, Dahil hindi agad ako makakabalik sa loob ng Montereal"
"Heinz"
"Paparating na sila"
-
"Dorm 17 Class B doon mo'ko pupuntahan kung may kailangan kapang malaman, ngunit mangako ka na hindi ka magpapakita sa kahit na sino bago ka pumasok saking kwarto"
Pupunta ba ako? Kailangan kong pumunta ngunit paano kung patibong lamang yon? Satingin ko naman ay hindi. Paano kung katulad sya ni Carl Sarmiento? kailangan nya rin ako. Pupunta ako.Pero kailangan munang malaman ni Drake dahil may karapatan din siyang malaman ang tungkol dito.
Pagbukas ko ng pinto ay agad kong nakitang naroon si Drake, nakasandal ito habang nakapikit ang mga maya at magka krus ang parehong braso.
"Kanina kapa nanjan?"tanong ko, nilingon nya ako habang nakasandal padin ang kaniyang ulo sa pader tsaka dahan dahang tumango.
"Maxdrine about tha---"
"Kailangan nating mag-usap"wika ko, batid kong naramdaman nya ang pagiging seryoso ko kaya umayos siya ng tayo. Alam nya na agad.
"What happened?"
"Sumama ka sakin"
-
SOMEONE'S POV
Habang nilalakad ko ang kahabaan ng BGC ay Nakita ko ang isang babae na lumabas sa sasakyan at pumasok sa isang mamahalin na Resto. Dahil sa curiosity ko kung bakit sya narito ay agad ko siyang sinundan. Panigurado naman akong hindi niya ako kilala. Pumasok ako sa resto at pasimpleng hinanap ito at ganon nalamang ang pagtataka ko ng pumasok siya sa isang VIP room. Ang VIP room nayon ay isang napakamahal at napaka importanteng kwarto sa lahat.
Kilala ko ito, isa sya sa kaibigan ni Heinz.
Mahigit isang oras akong naghantay sa labas at hindi naman ako nabigo, akala ko ay siya lamang ang lalabas sa kwarto nayon ngunit nagkamali ako. Halos hindi ako makagalaw sa gulat ng Makita ko kung sino ang kaniyang kasama.
JC ROXAS? ZYKIM ROXAS?
Im wondering what are they talking about. Kung gaano ito kaimportante?ka urgent? Ngunit sa gitna ng mga tanong nayon ay isa lamang ang katanungan na hindi maialis saaking isipan. KUNG ALAM BA ITO NI HEINZ? alam nya ba na isa sakaniyang tinuturing na kaibigan ay pinapatay siya habang nakatalikod? kilala nya ba ang isang to?
Without hesitation I took a picture of them and silently praying that my suspicion is wrong because if she didn't find out right away we wouldn't be ready for the big explosion.
Nang lumabas ito sa resto ay agad ko silang sinundan patungo sa Parking Area,humanap ako ng magandang anggulo para malaman ang pinaguusapan ng dalawa, naisip kong banggain ang babaeng ito para malagay ang isang maliit na microphone sakaniyang bag.
"Sorry!"
"OMG! Hindi kaba natingin sa dinadaanan mo!?"nagulat ako ng sigawan nya ako, hindi ko alam na ganito ang kaniyang ugali sapagkat napaka bait nya sa loob ng Montereal
"Sorry talaga I'm in a hurry... Late na kasi ako sa Meeting" paumanhin ko at ng makakuha ng tyempo ay mabilis kong idinikit ang gadget ko.
"Don't touch my bag!!" sigaw nya at tinulak ako dahilan para mawalan ako ng balanse
"Im really sorry"
"Is everything okay?"biglang sulpot ni Jc
Nang Makita ko ang pagmumuka niya ay agad nag init ang ulo ko, gusto ko siyang sapakin ng malakas at patayin agad agad, ngunit hindi ito ang tamang oras para don. Alam kong kaya ni Heinz ang bagay nayon.
"Ito kasing lalaki na'to binangga ako!"
"Miss. Im really sorry.. Hindi kasi kita napansin tsaka isapa nakaharang ka sa daan"pamiwanag ko
"Pagpasensyahan mona medjo mainit lang ang ulo nyan"nakangiting wika sakin ni Jc
"Sorry"wika ko
"Sa susunod ay magiingat kana, baka hindi mo kilala ang binabangga mo bigla ka nalang barilin---BANG!" sigaw nya na umalingaw ngaw sa buong paligid.
I Know.. Ganan ang ginawa mo kay Mama.
"Sorry talaga-- Maiwan kona kayo may hinahabol pa kasi ako"wika ko at mabilis na nilisan ang lugar
Sumakay ako sa aking sasakyan at inactivate ang gadget na inilagay ko sa bag nya.Ilang minuto pa ng kanilang pakikipagdaldalan at kwentuhan sa isa't isa ay napatungo na sila sa isang conversation na aking pinaka hihintay.
"So anong plano mo?"
"Tulad ng napag-usapan, Papasukin natin sila sa Nov.1" -jc
"Paano mo naman mapapasok ang Montereal? Sarado ang lahat ng Gate pagpatak ng BerMonths."
"Edi gagawa ako ng paraan" -jc
"Hindi ka pwedeng pumasok sa Dating Main Gate, Jc" -zykim
"Bakit?"
"Baka mamatay ka kaagad"
"HAHAHA ako? Eh kahit si Heinz nya ay hindi ako kayang patayin Ayan pa kayang kinatatakutan nyo?" -jc
"Binabalaan lang kita, hindi sila basta basta"
"I know"
Paniguradong ang mga nasa Darkwood ang kanilang tinutukoy, Pero bakit naman kaya nila papasukin ang Montereal sa gabi nayon? Isa pa may Party sa Nov 1. Madaming pwedeng madamay kung sakanilang hindi magiging handa ang Montereal. Baka iyon ang maging katapusan ng lahat.
"Kilala nyo ako, hindi ako basta basta nagpapatalo" -jc
"Alam din nating lahat kung gaano kalakas si Heinz" -zykim
"Kaya nga natin nya susurpresahin diba? sigurado naman akong wala siyang armas bukod sa isang pipityuging pistol" -jc
"Ngunit kahit wala siyang armas kaya ka niyang labanan" -zykim
"Minamaliit moba ako?" -jc
"Hindi, sinasabi ko lang sayo"
"Wag kang mag-alala, kapag naging matagumpay ang gabi nayon wala na tayong poproblemahing harang sa ating daraanan"-jc
"Ang mga Zamonte ay malalakas, nasa dugo nila yon"
"Nasa dugo din natin ang lumaban at tumalo ng mga malalakas na tinutukoy mo"
Kung ganon ang pakay nila ay si Heinz? Paano naman kaya nila matatalo ang isang Mafia Boss? Ngunit hindi basta bastang kalaban si JC. Alam nya kung ano ang kahinaan ng kalaban nya at doon sya bumabawi.Kaya ganon nalamang sya kinatatakutan ng iba. Hindi man nya makuha ang gusto nya sa kaaway nya ay binabawian naman nya ito gamit ang malalapit dito. Kumbaga hindi nya kaya ang amo kaya ang alaga ang pinupuntirya nya.
Kailangan itong malaman ni Heinz.
Nang makapasok muli ako sa Montereal ay agad kong sinigurado na walang nakasunod sakin, mabilis kong nalusutan ang mga gwardya na nagbabantay at lumilibot sa buong lugar. Nang makapasok ako saaking kwarto ay agad ko itong ni lock at kinuha ang aking telepono at laptop para ito'y I develop. Gumawa rin ako ng sulat para malaman nya at mahanap nya ako sa oras na gusto nyang malaman ang lahat.
KINABUKASAN ay walang klase kaya saktong araw ito para magpapansin sakanya, hinanap ko ito sa lahat ng pwede nyang puntahan ngunit bigo akong makita. Habang binabaybay ko ang field patungo sa convention ay napansin kong naglalakad roon ang taong aking hinahanap, Inihanda ko ang gamit ko at nagmadaling lumapit sakanya ngunit kusang napaatras ang mga paa ko ng matanaw ko si Zykim Roxas na pinapanood si Heinz habang naglalakad. Hindi ko alam kung napansin nya ako kagabi ngunit batid ko ay hindi dahil si Jc lamang ang naingkwentro ko. Hindi na ako pwedeng umatras pa dahil kung hindi ko ito itutuloy ay baka mapahamak kaming lahat.
Nilakasan ko ang loob ko ay kusang binangga si Heinz.
"Sorry" agad na wika ko ng mabangga siya kusa ko ding hinulog ang aking mga libro para masimplihang ibigay ang sulat. Lumuhod ako at dahan dahang pinulot ang libro ngunit isa nalamang ang libro ko ay hindi parin siya nababa para kunin ito. Palpak ba ang ginawa ko?Pero ito lang ang paraan para masabi ko sakanya. Pupulutin kona sana ang isa pang natitirang libro ng damputin nya ito kaya nakakuha ako ng tamang timing
"November 1, kailangan mong maghanda" bulong ko habang ang mga paningin ay nasa libro
"Papasukin nila tayo"
"Sino?"tanong niya
"Kaibigan"wika ko, hindi ko deretsyong sinabi sakanya dahil malalaman din naman niya itoo
"Ha?"
"Anong meron?" muli nyang tanong, Napalingon ako sa direksyon ni Zykim kanina nagtama ang aming paningin at nagmadali siyang umalis.
"Kailangan ko ng umalis" wika ko ngunit hindi pa man ako nakakaalis ay pasimple kong iniabot sakanya ang sulat na ginawa ko at mabilis na nilisan si Heinz
Hindi ko alam kung paniniwalaan nya ako ngunit wala na akong pake kung babaliwalain nya ang babala ko. Pero alam ko na hindi niya ito palalampasin-------
(End of the flashback)
Malakas na takot ang nanggaling sa aking pintuan, inayos ko ang mga gamit ko at pinatay ang computer. Hindi ko kilala kung sino ang nasa labas ngunit kailangan kong mag-ingat.Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at sinilip iyon. Napangisi ako ng makita ko kung sino ang naroon. Binuksan ko ang pinto at siniguradong walang tao na makakakita sakanilang pagpasok. Inanyayaan ko sila ng mabilis at agad na nilock ang pinto.
"Anong ginagawa nyo dito?"tanong ko
"Hindi ba't ikaw ang dapat tanungin ko?"
"Ng?"
"Anong ibig sabihin ng pinadala mong sulat?"
They here.. For the first time may taong makikinig sakin..
"Sumunod kayo sakin" wika ko at sinarado ang mga bintana at siniguradong naka lock ang pinto
Sa likod kami dumaan para makapunta sa abandonadong building sa may Garden.
"Anong gagawin natin dito?"
"I have something for you" wika ko
Nang makarating kami sa building nayon ay pinasok ko ang isang kwarto, paniguradong nagtataka sila kung bakit narito kami sa isang silid na madumi,maalikabok at puro sapot ng gagamba ngunit kung iniisip nila na ito ang lugar ko ay nagkakamali sila. Bikusan ko ang isang pintuan na dati ay ambakan ng mga gamit at pinapasok sila.
"Sinasayang moba ang oras namin?" tanong ni Drake kaya inilingan ko siya at pinaatras para buksan pa ang isang pintuan pababa. Isa itong sahig na may underground, itinuro ito sakin ni dad noong dumalaw kami dito. Bumaba ako sa hagdanan habang tinatanaw ang dalawa na nakatingin sakin.
"Ano pang ginagawa nyo?"wika ko kaya nagmadali silang bumaba
Siguro ay namangha sila sa lugar na ito, dahil kahit ako ay namangha din noong una kong makarating ito. Ang buong lugar ay kulay asul at puti, madaming kagamitan tulad ng gamit sa ospital, hardin,computer at kung ano ano pang makakatulong samin para gumawa ng plano.
"Paano mo nalaman ang lugar na'to?"tanong ni Drake
"Noong bata palang ako ay itinuro na sakin ni Dad ito, kaya inayos ko"
"Bakit mo kami dinala dito?"tanong ni Heinz
"Well--- dito ako nagawa ng plano, alam ko ang bawat sulok ng Montereal, alam ko kung saan ang mga gamit na pwedeng makatulong sakin,satin. Dinala ko dito ang mga pwede."
"Para san ang mga 'to?"
"Ano ang lugar nato?"tanong ni Drake habang nililibot ang buong lugar
"Dito kami nagtago noong unang nagkagulo sa Montereal"sagot ko kaya natigilan siya at tumingin sakin
"Kami? sino pang kasama mo?"aniya, nginitian ko ito at nilahadan ng upuan si Heinz
"Hindi kayo pumunta dito para don"
"Para san ang sulat nayon?"tanong ni Heinz "Saan mo sila Nakita? paano ka nakalabas?"
Nginitian ko siya at pinakita ang marka ko, pinakita ko din ang libro na meron ang lahat ng nasa samahan. Nag angat siya ng tingin sakin na parang hindi makapaniwala.
"Isa ako sainyo Ms"wika ko "I'm Jeferson Morales the son of Don Jose Morales, the Fifth Leader" pakilala ko
"Hindi kita nakikita dito" aniya
"Kasi nagtatago ako"sagot ko
"Why?"
"Dad's order"napansin kong napatikmik ito sa sagot ko
"How? how long did you know me?"
"Since first day, my dad told me na you are going to be a Mafia Boss soon so kailangan naming umiwas sayo dahil---- alam mona"paliwanag ko pa
"Hindi ba't isa sa rules yon? Bawal sabihin kahit na kanino kung sino ang Magiging Mafia Boss"sabat ni Drake
"Oo, Kung wala ka sa posisyon"
Tama si Drake, isa talaga sa rules na bawal sabihin kahit kanino kung sino ang magiging Mafia Boss balang araw, ngunit si Dad ay nasa posisyon isa pa tago ang lihim nayon sa kahit na sinong myembro ng namumuno.
Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming tatlo, Nakikiramdam ang bawat isa kung sino ang uusap, kung sino ang mag-oopen ng topic na kanilang pinunta.
"So tell me about what is going to be happen on November 1?"
TO BE CONTINUE