Love in Sync

By Aktiki

2.7K 146 876

Geliana, the Doña of folk dance and social dances of Eastview, has to fight for her life while keeping it a s... More

Love in Sync
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Eliezer Franco Artigas

Kabanata 11

48 5 35
By Aktiki

Kabanata 11

"Ano po kailangan nila?"

"Kuya Ced, 'di niyo na kami natatandaan?" maligayang tanong ni Elie sa school guard dito sa dati naming high school.

"Oh! Paano ko makakalimutan 'yong lalaking parati kong nahuhuli na nago-over the bakod kahit may klase pa." Natawa kaming lahat dahil sa sagot niya.

Kilala niya ako dahil na rin sa anak ako ng isang teacher dito. Kilala rin si Elie at Preston dahil ang kukulit nila no'ng high school, parating nahuhuli sa mga kalokohan.

"Nasa English department ang Mama mo Geliana, lahat ng English teachers narito ngayon, nagpaplano sa upcoming event."

"Siguro spelling bee na naman 'yan," biro pa ni Elie.

"Siguro."

"Mabilis lang po kami, Kuya Ced," nakangiting wika ko bago tumuloy.

"Wala man lang pinagbago, 'no," komento ni Elie at iginala ang tingin sa kabuohan ng school.

"Meron naman, meroon nang bagong gym para sa senior high school. Na-renovate na rin 'yong library at gym ng junior high," wika ko.

Ngayon na lang ako nakapunta. Nalalaman ko lang 'yong mga pinapagawa rito dahil kay Mama.

"Ang daya naman. Bakit no'ng narito tayo hindi man lang 'yon inayos," reklamo ni Elie.

"Tiniis pa natin magpractice na may tumutulong tubig ulan dahil sa butas butas na bubong," natatawang ani ko.

"Tamang ikot ikot lang para maiwasan 'yon." Natawa kaming pareho dahil totoo naman 'yon.

Malas ang dance club dati, madalas pa naman umulan noon. Pero kahit papaano ay patuloy pa rin dagil gustong gusto naming sumayaw. Saka it's part of the experience na rin siguro, tinatawanan na lang namin sa tuwing nababalikan.

Dumiretso kami sa English department kung nasaan si Mama pati si Mamsh. Maliit lang iyon, kasing laki lang ng isang regular classroom. Naka-on 'yong TV at mukhang nanonood ang mga teachers ng teleserye habang may ginagawang tarpapel.

"Good afternoon po," pagbati ko.

Ako na ang unang pumasok dahil ako naman ang kilala rito. Agad naman silang napatingin sa'min at nilapitan ako ni Mama.

"Ang laki na ni Geliana, oh."

"Kumusta ka, beh?"

"Bakit ka pumunta rito nang mag-isa? Baka mapano ka na naman," nag-aalalang sabi sa'kin ni Mama. Sinuri pa niya ako na animo'y naghahanap ng sugat sa katawan.

"Oo nga, beh. Parati ka dapat nag-iingat, jusko."

"Ayos naman ang mga treatments mo 'di ba?"

"P-Po?" Nanlaki ang mga mata ko. Alam ba nila ang kondisyon ko? "Ma?"

Napabuntong hininga si Mama bago ako sagutin, "Sinasabi ko sa kanila, Gel. Umaalis ako ng trabaho para bantayan ka, kaya sinabi ko ang rason." Tumango na lang ako.

"Gel!!" Narinig kong tili ni Mamsh, natawa na lang ako nang lumapit siya sa'min. "Kasama mo ba si Eliezer?"

"Opo, nasa labas siya."

"Hiramin ko muna siya, Lucile, ako naman ang nagpapunta sa kanila rito." Natawa lang si Mama sa sinabi ni Mamsh at hinayaan na kami.

Lumabas kaming pareho at tumambay sa maliit na kubo sa labas ng kanilang department kung nasaan na si Elie.

"Kumusta?"

"Ayos lang naman, ang dami palang pinagbago ng school," sagot ni Elie.

"Saan kayo galing? Nag date siguro kayo, 'no?" tukso pa niya sa'min.

"Hindi naman po."

"Ayy oo nga pala, wala na kayo. Hoy! Sayang naman, feel ko na kayo na hanggang dulo, proud pa naman ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan ng pagkakakilala niyo, tapos...?" Gusto kong matawa sa pagkakasabi no'n ni Mamsh, parang chinichikahan niya kami ngunit tungkol naman sa'min ang kanyang chika.

Hindi siya katulad ng ibang mga teachers na parati na lang seryoso at pagtuturo lang talaga ang pakay. Ibang iba si Mamsh, siya kasi ay mas gusto niyang makihalubilo sa kanyang mga estudyante, ang bait bait niya at mataas pa kung magbigay ng grades.

"Aray naman, Mamsh." Napahawak si Elie sa kanyang dibdib. Napangisi na lang ako. "Nililigawan ko nga uli.t"

"Ayy, totoo?" baling niya sa'kin. Tumango na lang ako at kaunting napangisi. "Sana hanggang simbahan na 'yan, ah. Ninang ako sa kasal ninyo."

"Anong ginagawa niyo Mamsh?" pag-iiba ko sa usapan.

"Wala bang sinasabi ang Mama mo sa'yo?"

"Hindi naman po kasi ako nagtatanong." Nahihiyang tumawa ako.

Hindi pumapasok sa isip ko o kaya wala na akong pakialam sa ibang bagay.

"May bagong pakulo kasi ang SSG, bawat department daw gumawa ng pa-contest sa mga estudyante, kaya ayan. Next month pa naman 'yon, first week." Tinapunan niya ng tingin ang pinto ng kanilang department.

"Ang daya talaga, bakit noong kami walang ganyan," reklamo pa ni Elie.

"Kung meron man ay hindi ka rin lang naman sasali," asar ko pa.

Natawa naman siya at umiling.

"Hoy, kayong dalawa. Balita ko ay dance instructors na kayo ngayon, ah."

"Kinukwento rin pala 'yon ni Tita," natatawang wika ni Elie.

"Oo naman, pinapakwento ko siya. Saan ba kayo nagtuturo ngayon?"

"Sa Eastview po, kaunting ballroom lang naman," sagot ko.

"Siya nga pala, kaya ko kayo pinapunta rito ay... kung pwede lang naman, ay magturo kayo roon sa dance club para sa opening program ng SSG."

Tumagilid ang aking ulo dahil sa kanyang sinabi. Buong akala ko ay maliit na get-together lang 'to para man lang maka-catch up.

"Adviser pa rin po kayo no'ng dance club?"

"Oo, hindi ko namang magawa na umalis doon," nakangiting sagot ni Mamsh.

"Ano pong klaseng sayaw?"

"Folk dance."

"Mahirap o madali?" biro ni Elie. Natawa naman si Mamsh.

"Sige pahirapan niyo ang mga estudyante ko. Masyadong nagmamarunong, e. Ang alam lang naman puros hiphop at mga K-pop."

"'Yon naman kasi ang uso," ani ko habang nakangisi.

"Wala pa rin namang makatatalo sa sariling atin. Ano kayong dalawa? Game ba?"

Nagkatinginan kami ni Elie. Meroon na kaming tinuturuan na grupo, baka hindi na kayanin ng schedule namin. Lalo na si Elie na meroon pang trabaho.

"Pag-iisipan pa namin, Mamsh. May trabaho pa kasi ako at may isa pang grupo na tinuturuan," wika ni Elie na may halong pagpapaumahin.

"Hapon naman kayo magtuturo, 'di ba alas tres kayo roon sa college students. Kapag uwian na nila kayo magtuturo."

"Kakausapin pa namin sila Nate, Mamsh. 'Yon din kasi ang sumali sa'min sa community nila. Kung kailangan niyong dance instructor para sa contemporary dances, sila na po ang kunin niyo."

"Noted, pero sana naman maturuan niyo sila." Nagpa-cute pa si Mamsh sa kanyang pagkakasabi.

"Kailan nga po ang performance?" tanong ko at binuksan na ang calendar sa phone.

"First week, next month." Ang performance nila Raea ay sa second week at hindi pa rin namin natatapos ang kanilang sayaw. Mahigit tatlong linggo pa ang meroon kami para matapos ang sayaw nila.

"Pag-iisipan po namin," wika ni Elie.

"Sige, Gel you already have my number, huh? Tawagan niyo na lang ako kung payag kayo. Two weeks from now iyon."

Naputol ang aming pag-uusap nang may biglang lumapit sa'ming lalaki na naka-motor, mukhang delivery.

"Ma'am sa English Department daw po," wika no'ng lalaki.

"Ayy oo, salamat Kuya," sabi ni Mamsh saka nagbayad. "Elie, pakilagay nga nito sa table ko," utos niya na agad namang sinunod ni Elie.

"Sosyal niyo naman Mamsh, may padeliver pa ng pagkain," nakangiting wika ko.

"Hindi sosyal ang tawag don kundi katamaran," biro pa niya na tinawanan naman namin.

"Alam ba ni Elie ang kondisyon mo Gel?" Nagulat ako nang banggitin iyon ni Mamsh. Sino sino na ba ang nasabihan ni Mama tungkol sa kondisyon ko?

"Hindi ko naman pinapaalam." Biglang lumungkot ang aking tono ngunit nagawa ko pa ring ngumiti.

"I am so sorry, Geliana. Kung kailangan niyo ng tulong andito naman ang buong English Department para matulungan ka."

"Ayos lang, Mamsh. Kaya pa naman namin ni Mama, hindi rin naman tatagal ang paghihirap nila sa'kin."

"Ano ka ba, Geliana. Wala pa namang kasiguraduhan."

"'Yan naman po sinasabi niyong lahat." Mapait akong ngumiti, "Kailangan din siguro na tanggapin na mamamatay na–"

"Mamamatay sinong mamamatay? Anong pinag-uusapan niyo" Agad kong naitikom ang aking bibig nang marinig muli ang boses ni Elie.

Sht lang Geliana. Sana hindi niya narinig ang pinag-uusapan namin ni Mamsh, at sana walang nabanggit 'yong ibang teachers.

Nagkatinginan kami ni Mamsh bago siya magsalita.

"'Yong aso ko, limang taon na rin kasi 'yon naghihingalo na."

"May aso na pala kayo, Mamsh." Ngisi pa ni Elie at bumalik sa kanyang upuan.

Muli kaming nagkatinginan ni Mamsh bago siya tumayo, "Sige, iwan ko na muna kayo. Tutulong muna ako sa loob," paalam niya sa'min.

"Sasabay ka na lang ba kay Tita?" tanong ni Elie.

"Siguro. Mauna ka nang umuwi."

"Ihatid ko na lang kayo ni Tita."

"Huwag na. Gumagabi na rin Elie baka hinahanap ka na ni Tita," matamlay kong wika.

Tinitigan niya lang ako bago tumayo sa aking harapan.

"Sige na nga. Ingat kayo ni Tita," ngiti niya sa'kin.

"Ako na lang kakausap kina Nate."

"Sige, una na ako Gel."

Napangiti na lang ako nang maglakad siya palayo sa'kin. 'Yong ngiting hindi ko maipakita sa kanya dahil mas hihirap ang sitwasyon.

Kung wala lang sanang problema ay pwede pa tayo, Elie. I still want to be with you, kahit na may mga doubts pa ako sa aking sarili at sa pagbibigay ng tiwala sa'yo. Bawat pagsasama naman natin ay inaalis mo lahat nang iyon.

"Gel." Natigil ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni Mama. "Dito ka muna sa loob, madali naman na kami matapos. Kumain ka na rin."

"Hindi po ako gutom."

Sumunod na lang ako sa kanya sa loob. Hindi ko naman maiwasang pansinin ang mga tingin ng mga teachers dito na puno ng awa.

I can't help but to feel depressed. Again, I felt empty inside, nakapanghihina.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong may makaalam sa kondisyon ko, awa lang naman ang maibibigay nila sa'kin, hindi naman nila madudugtungan ang aking buhay, hindi naman nila mapapawala ang sakit ko. Mas lalo lang pinapamukha sa'kin na wala na talaga akong pag-asa. Naaawa na sila, wala na silang magawa.

Sinabihan ko na kahapon si Nate na mag-usap kami. Hindi ko na nagawang sabihan si Elie dahil hindi na pumasok sa aking isip, ayaw ko rin siyang istorbuhin para rito.

Ako pa lang ang tao rito sa rooftop dahil masyado pang maaga. Nag-indian sit ako sa gilid at nagcheck lang sa aking phone.

Pinaglaruan ko lang ang aking phone hanggang sa napag-isipan kong i-dm si Elie.

donya_GelianaIvy: Nasa rooftop hangout ako ngayon hinihintay si Nate

Sinalpak ko na lang ang aking earphones at pumikit. Masyado ko naman yatang inagahan. Nang maramdaman kong inaantok na ako ay dumilat na ako.

Nanlaki ang aking mata at napahawak sa aking dibdib nang makitang nakaupo na rin sa harapan ko si Nate.

"Nakakagulat ka!" Binato ko sa kanya ang dala kong bag, tumawa lang siya nang nasalo niya iyon.

"Ayaw kitang istorbohin," nakangising aniya.

"Hindi mo kasama si Eunice?" Napalinga linga ako, pilit na hinahanap si Eunice ngunit ni-anino niya ay hindi ko makita.

Umiling si Nate at lumipat ng upo, sa tabi ko, "Family day nila. Musta ang pagtuturo niyo?"

"Ayos naman, mababait naman sila at nakatapos na kami ng isang sayaw. Madali lang silang turuan."

"Good for you, ang mga high school students namin ni Eunice ang kukulit." Natawa kami pareho.

Sana hindi gano'n ang magiging estudyante namin kung sakaling tanggapin namin 'yong alok ni Mamsh.

"At least may tinuturuan kayo, nakapagsasayaw ka naman."

"Oo nga, may napala naman ako sa pagkuha ko sa course ko." Mapait siyang ngumiti.

"Buti nga major mo ang passion mo."

Ako naman ngayon ang mapait na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ko pa 'to pinag-uusapan ngayon. Ako naman ang pumili sa course na kinuha ko.

"Pwede ka rin naman kasing mag major sa dance. Ba't hindi mo ginawa, nagsisisi ka tuloy ngayon."

"Natakot ako noon." Bumaba ako ng tingin, ayun na naman ang pag-alala sa sandaling iyon.

"Hmm?" Umusog siya palapit sa'kin at pinatong ang kanyang baba sa kanyang tuhod habang nakatingin sa'kin.

"Baka wala akong magandang kinabukasan kapag pinili ko 'yon, no offense. English teacher ang Mama ko, OFW naman si Papa. Nagpapakahirap silang magtrabaho para makapag-aral ako tapos pipiliin ko ang course that can't guarantee my future."

"Hindi ka naman natakot, Gel. Pinili mo lang 'yong practical choice."

"Practical options can ruin many opportunities for people," tulala kong wika.

"Hindi naman 'yan applicable sa lahat. Every course can guarantee you a great future, lahat nang 'yon ay may silbi kaya nga may mga programs na ino-offer ang mga colleges."

"Kailangan ko ng course na makapagbibigay sa'kin ng totoong trabaho para makatulong sa mga magulang ko. Pero ito ako ngayon – walang trabaho, freelance, at ngayon ikaw pa ang nag-alok sa'kin ng trabaho." Mapait akong tumawa at napailing.

Parang maiiyak ako, napili ko na nga ang kursong makapagbibigay sa'kin ng desenteng trabaho pero hindi pa rin ako makapagtatrabaho. Parang sinayang ko rin lang ang paghihirap ng mga magulang ko dahil lang nagka-cancer ako.

Ngayon, sa halip na ibalik ko sa kanila ang kanilang pinaghirapan ay gagastusan na naman nila ako sa mga treatments at gamot ko.

Napapikit na lang ako at tumungo nang magsimulang tumulo ang aking luha.

"Maganda naman ang buhay mo ngayon, Gel. One day makapaga-apply ka na rin ng trabaho."

Umiling lang ako sa kanya. Hindi na 'yon mangyayari. Kahit na alam kong hindi ko naman kasalanan ay nagagalit pa rin ako sa aking sarili. Hindi ko man lang nagawa ang mga bagay na plinano ko na simula pa lang ng pagtungtong ko sa college. Hindi ko man lang masusuklian ang mga magulang ko. Hindi ganito ang plano ko.

"You're still doing great, Gel," malumanay na wika ni Nate at maingat akong hinila papalapit sa kanya para gawaran ng yakap.

Muli na naman akong nakaramdam ng kawalan ng pag-asa. Baka tuluyan na akong masiraan ng bait dahil sa patuloy kong pag-iisip nito.

"Gel." Napalayo ako kay Nate nang marinig ko ang boses ni Elie.

Natatarantang pinalis ko ang aking mga luha bago tumingin ng diretso sa kanya na agad ko namang binawi.

"Elie, wala ka bang trabaho?"

"Akala ko mag-isa ka pa rin dito kaya pinuntahan kita," malamig niyang wika, hindi man lang sinagot ang aking tanong. "Bakit ka umiiyak?" Nakita kong kumunot ang kanyang noo at matalim na tinignan si Nate na napailing lang.

"May pinag–"

"Bakit kayo nandito?" malamig na naman niyang tanong.

"Sasabihan ko lang sana si Nate tungkol sa alok ni Ma–" Nakagat ko na lang ang aking labi nang pinutol na naman niya ang sasabihin ko.

"Magtuturo kami sa dati nating high school. Inalok kami ni Mamsh, baka gusto mo malaman." Hindi pa rin nawawala ang lamig sa kanyang boses.

"Ayos lang 'yon, mabuti nga 'yon sila na ang lumalapit sa inyo. Tanggapin niyo na," ani Nate.

"Oo, 'yon lang ang sasabihin ni Gel, pwede ka nang makaalis."

Napamaang ako sa inakto ni Elie. Napangisi pa si Nate nang naglakad na paalis si Elie.

"Aalis na rin ako, hindi na yata ako kailangan."

Nagkatinginan pa kami ni Nate, tumango pa siya sa'kin senyas na sundan ko si Elie.

Agad akong tumayo at hinabol si Elie.

"Elie, ano 'yon?" halos pasigaw kong tanong dahil ang layo niya sa'kin. Nasa may stairwell na siya habang nasa pinto pa lang ako ng rooftop.

"Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo." Hindi pa rin siya natitigil sa paglalakad.

"Harapin mo nga ako." Inabot ko ang kanyang braso at pilit na pinaharap siya sa'kin. Agad ko namang nakita ang walang emosyon niyang mukha.

"Ano?"

Nahugot ko ang aking hininga nang tanungin niya iyon. Parang nawala lahat ng sasabihin ko sa kanya. Napalunok na lang ako nang hindi niya inaalis ang kanyang titig sa'kin.

"Nagseselos ako, Gel sana alam mo 'yon," malamig niyang sabi habang titig na titig sa'kin.

Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi sang-ayun dahil wala naman akong mabasang emosyon sa kanyang tono.

"May girlfriend na 'yong tao," pagpapaintindi ko sa kanya.

"Wala akong tiwala kay Nate."

"Ikaw pa talaga nagsasabi niyan? Kaibigan natin si Nate."

"Hindi mo naiintindihan, Gel."

"Bakit? Dahil gano'n ka rin ba dati?" Hindi ko alam kung bakit ko 'to binabanggit pero hindi ko naman maiwasang hindi iyon isipin. Bumaba ang kanyang mga balikat at kaunting umamo ang mukha. "Magkaibigan ba kayo ni Cleo dati kaya akala mo gano'n din gagawin ni Nate?"

"Ibang usapan na 'yan, Gel."

"Hindi. Takot kang mangyari ulit 'yon pero ngayon akala mo ako naman ang aalis. Hindi ako katulad mo at hindi rin gano'n si Nate."

"Bakit mo pa 'yon tinatanggol? Mas gago pa 'yon sa'kin!" Kaunting napaatras ako dahil sa biglang pagtaas ng kaniyang boses.

"Elie, kung nababahala ka sa nakita mo kanina, wala 'yon. Hindi naman tayo para magselos ka!" Hindi ko na rin tuloy naiwasang hindi sumigaw.

"Hindi rin naman tayo para magpaliwanag ka." Napasinghap ako nang ipamukha niya 'yon sa'kin. "Sabihin mong hindi 'yon totoo?"

"Hindi, gusto ko lang naman na malinawan ka." Bumaba na ako ng tingin dahil sa realization na iyon.

"Aaminin kong takot akong mawala ka sa'kin. Kahit sinong lalaki pa 'yan kaibigan mo o kahit sino, ayaw kong maagaw ka sa'kin, Gel."

"Hinayaan mo 'kong mawala sa'yo, Elie. Matagal na," matigas kong wika.

"Gel." Umigting ang kanyang panga at nilayo ang kanyang tingin sa akin, parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin ang naging kasalanan ko dahil maniwala ka sa'kin, walang araw na hindi ko 'yan naisip, walang araw na hindi ko pinagsisihan ang nagawa kong kagaguhan sa'yo. Hindi mo na kailangan ulit-uliting banggitin dahil tanggap ko nang mali ako." Huminga siya ng malalim sinusubukang kumalma.

Nanginig ang aking labi at ramdam ko na ang pamumuo ng aking luha.

"But why do you act like nothing happened?" nanghihinang tanong ko. I wanted to ask that ever since pero hindi ko magawa. "Samantalang ako, hanggang ngayon nasasaktan pa rin dahil sa ginawa mo!" Nagsimula na akong umiyak. "Minsan hindi ako mapaniwala sa mga ginagawa mo na parang walang nangyari. At some point, naisip ko, maybe because you're just confused. Bumabalik ka lang sa'kin dahil na-miss mo na siguro ang samahan natin, pero hindi mo na ako mahal."

Agad siyang napailing, "Hindi. Mahal kita, Geliana."

"Minahal mo si Cleo. Kahit hindi mo aminin, at some point in time, nagawa mo siyang mahalin. Kasi kung hindi, ba't pa natin 'to pinag-uusapan." Ngumiti akong mapait habang walang tigil sa pagtulo ang aking luha.

Kinuha niya ang magkabilaang braso ko at nagpantay siya sa'kin ng tingin.

"I can't think of anything to make it up to you. I want us back, pero hindi ibig sabihin no'n na nakalimutan ko na ang ginawa ko. Galit na galit ako sa sarili ko na hinayaan lang kitang mawala sa'kin. Sising sisi ako at hindi ko na alam kung paano pa makabawi sa'yo." Ramdam na ramdam ko ang kanyang pagsisisi.

Napailing lang ako. Mas lalo lang akong nasasaktan sa mga sinasabi niya. I want us back too, pero hindi na pwede.

"Gustong gusto kong makabawi pero kahit anong gawin ko pakiramdam ko ay kulang na kulang pa rin. I'm sorry, Geliana. I'm really sorry." Hinila niya ako papalapit sa isang yakap, agad kong naramdam ang kanyang bigat dahil sa panghihina. Napaiyak na lang ako sa kanyang dibdib.

Hinding hindi ko na maaalis sa isip ko ang nagawa niya, ang magagawa ko lang ngayon ay patawarin siya.

Nagdalawang isip pa ako kung gagantihan ko ba ang kanyang yakap. But seeing him this weak right now, ay ginawa ko na lang.

"Hindi naman kita sinisisi."

"Dapat mo lang akong sisihin, Gel. Nasaktan kita, minsan gugustuhin ko na lang na magalit ka sa'kin, dahil mas lalo akong nasasaktan sa kabaitan na pinapakita mo," wika pa niya.

Hindi pa rin niya ako binibitiwan at mas lalo niya lang hinihigpitan ang kanyang yakap sa'kin.

"I want you back, Gel," aniya na tuluyan nang nakapagpahina sa'kin.

Hindi pwede. As much as I want to, hindi pwede. Hindi na pwede. Pareho lang natin masasaktan ang ating sarili, I'll spare you the heartache, Elie. Dapat simula pa lang ay tinigilan ko na 'tong nararamdaman ko sa'yo, hindi na dapat ako nahulog muli, I was already in the process of moving on until you came along. Mas lalong lumalim ang pagmamahal ko sa'yo, Elie.

I want to be back.

Napapikit na lang ako, pilit na pinipigilan ang panibagong luha na nagbabadyang tumulo. Naramdaman ko na lang na gumalaw si Elie palayo sa'kin, mumulat na sana ako nang bigla kong maramdaman ang kanyang labi sa akin.

Humarintado ang puso ko na animo'y sasabog. Hindi ko magawang gumalaw, it's been two years Elie, hindi pa rin nawawala ang epekto mo sa'kin. As much as I want to kiss him back, pinigilan ko ang sarili ko, mas lalo ko siyang bibigyan ng pag-asa.

Nang lumayo siya sa'kin ay naiwan akong nakatungo, nakapikit pa rin ang mga mata.

Sa halip na kiligin dahil sa halik niya ay mas lalo akong nasaktan. Mabibigat na ang paghinga ko at nanginginig na rin ang aking labi. Ayaw kong umiyak sa harapan niya. Sa 'di mabilang na pagkakataon ay sinampal na naman ako ng katotohanan.

"Hatid na kita sa bahay niyo," malumanay niyang wika at binigyan na rin niya ako ng panyo.

Kinabahan pa ako nang ilapit niya ang kanyang kamay sa mukha ko para lang isabit ang ilang hibla ng aking buhok sa likod ng tainga ko. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman sa gayong naghahalo ang sakit, lungkot at saya. Ngunit parati rin namang nangingibabaw ang sakit.

Gusto ko muling umiyak pero hindi ko kayang ipakita iyon kay Elie. Tahimik lang kami pauwi at talagang mapaglaro ang tadhana dahil puno na 'yong jeep na nasakyan namin at nagkatabi pa kami ni Elie.

Buong byahe pauwi ay pilit kong nilalabanan ang pagpatak ng luha ko. Halos dumugo na ang aking labi dahil sa pagkakakagat ko.

"Gel, I'm sorry." Natigilan ako sa pagpihit ng pinto nang magsalita si Elie. Napasinghap ako at tumuloy na lang sa bahay.

"Magkasama pala kayong dalawa." Bungad sa'min ni Mama.

Napalingon ako kay Elie na hindi na tumuloy pa. Mapupungay na ang kanyang mga mata at tila bang humihingi siya sa'kin ng patawad sa mga tingin niya. Wala sa aming nagtangkang magsalita. Nang hindi ko na matagalan ay kinulong ko na lang ang sarili ko sa kwarto.

Nakagat ko na lang ang aking labi para lang pigilan ang aking hikbi. Paano ba ako titigil kung ang lahat ng parte ng katawan ko, ang isip ko at ang puso ko ay sumasang-ayon kay Elie. Hinding hindi ko na 'to mapipigilan.

Ang hirap magmahal kung parati ka na lang nasasaktan. Ang hirap na mahalin siya nang patago dahil ako lang din naman ang nasasaktan, hindi ko magawang sabihin na mahal ko pa rin siya, na siya pa rin dahil masyadong masakit.

Napatingin ako sa aking phone nang bigla iyong mag vibrate.

don_Eliezerfrnc: Pasensya na sa halik.

Napapikit na lang ulit ako nang mariin. Make me stop, Elie. I'm going crazy because of you.

"Gel? May problema ba?" Agad kong pinalis ang mga luha ko nang kumatok si Mama.

Nakailang lunok pa ako bago ako magsalita, "W-Wala po, Ma."

"Pwede bang pumasok?"

Napasinghot ako at tinignan ang sarili sa salamin, sinisiguro na hindi halata na umiyak ako, kahit imposible naman iyong mangyari.

"Ayos lang ako, Ma," nakatungo kong tugon nang hinarap ko na siya.

"Nag-away ba kayo ni Elie," tanong niya sa'kin, alam kong nakikita na niya ang itsura ko ngayon pero mas pinili na lang siguro niya na huwag pansinin.

"Hindi naman po."

"Anong nangyari?"

Kumibot ang aking labi parang ilang sandali na lang ay iiyak na naman ako.

"Geliana," nababahalang pagtawag sa'kin ni Mama. Buti na lang ay niyakap na niya ako dahil sobra sobra na naman ang aking paghihina.

Sa kanya ko na binuhos ang aking kinikimkim na nararamdaman.

"Mahal ko si Elie, Ma." Halos pumiyok ang aking boses dahil sa nakabara sa aking lalamunan.

"Alam ko, anak. Hindi naman 'yon problema."

"Hindi mo naiintindihan, Ma. Pareho lang kaming masasaktan."

"Hindi naman iyon maiiwasan. Isipin mo ang kaligayahan mo, Gel. Nakikita kong sumasaya ka, ang tagal ko nang hindi ka nakitang ganoon. Ang hirap sa magulang na makitang ang lungkot lungkot ng kanyang anak, pero kapag kasama mo si Elie? Ang saya saya mo. Ang saya ko para sa'yo."

Lumayo sa akin si Mama at pinaharap ako sa kanya. Nakangiti siya ngayon ngunit nangingilid na ang kanyang luha.

"You and Elie deserve to be happy, pagbigayn niyo naman ang mga sarili niyo."

"At kung mawala ako? Maiiwan ko siyang nasasaktan, Ma."

Ayun na naman ang aking hikbi, hindi ko na mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. It would be selfish to choose my happiness. Masaya sa una ngunit pighati naman sa huli.

Napabuntong hininga siya at kaunting hinaplos ang aking braso.

"Dahil 'yan ang iniisip mo. Magiging malungkot kaming lahat, Geliana kung mangyari man iyon, ngunit mas lalo kaming magsisisi kung hindi ka namin nasamahan sa lahat ng sakit na nararamdaman mo. May mga kaibigan ka Geliana, hindi ka nag-iisa. Mas pipiliin pa nilang makasama ka hanggang dulo kaysa huli na ang lahat at hindi nila nasulit ang kanilang oras na kasama ka.

"Gel, please don't think that way. Andito kaming lahat para sa'yo, notice that at least. Hindi ka mawawala, gagawin natin ang lahat para hindi 'yon mangyari."

I cried myself to sleep again that night. Hindi ko pa rin mapasok sa aking isip ang sinabi sa'kin ni Mama.

Pagbibigyan ko ba si Elie? Pagbibigyan ko ba ang sarili ko na sumaya muli sa kanya? Even if I give myself a chance ay hindi ko pa rin maiiwasang hindi isipin ang kahahantungan ko – naming dalawa. Masyadong masakit, masyadong madaya.

"Good morning, Geliana," agad na bungad sa'kin ni Elie nang pinagbuksan ko siya ng pinto. Hindi ko naman inakalang susunduin niya ako ngayon.

He gave me a small smile. Nagpakawala ako nang malalim na hininga bago siya papasukin.

"Tapos ka na ba sa trabaho mo?" tipid na tanong ko at kinuha na ang aking bag.

"Tapos na, libre na ako ngayon" wala akong nahimigang emosyon sa kanyang tono kaya napalingon ako, nahuli ko naman siyang sinisilip ang aking mukha.

Umayos siya ng tayo at nagkapantay ang aming paningin.

"Pinaiyak na naman ba kita, Geliana?" malungkot niyang tanong habang pinagmamasdan ang mga mata kong katatapos pa lang umiyak kaninang magmamadaling araw.

Nilapit niya ang kanyang kamay sa aking mukha, napaatras naman ako. Natigilan siya at binawi na lang ang kanyang kamay.

"Huwag kang mag sorry, Elie. Ako ang may problema." Bumaba ako ng tingin.

Matagal na rin no'ng huling pagtanong ko kung bakit sa lahat nang tao, bakit ako pa?

Siguro kasi tanggap ko na.

Ngunit ngayon ay napapatanong na naman ako, do I deserve this kind of life? Hindi na ba ako pwedeng sumaya na wala man lang guilt na mararamdaman? I want genuine happiness. Kailangan ko ba talaga maranasan 'to?

Parang unti-unti ay bumabalik ang ugali ko no'ng mga unang araw nang malaman ko ang tungkol sa aking sakit.

Ayaw ko na 'tong tanggapin at gusto ko na lang makipagsugalan pa sa tadhana na sana bigyan pa niya ako ng maraming oras para mabuhay. O mas mabuti pa, ay bawiin na niya nang tuluyan ang aking sakit.

"Walang problema sa'yo, Gel." His words comforted me.

Continue Reading

You'll Also Like

71.5K 754 126
Juan left Penny and their 3-year steady relationship to pursue his career in the EuroLeague. What happens if they unexpectedly reunite after 5 years...
28.3K 1.1K 25
[epistolary] Two celebrities, doing their job just for the public, will eventually change into something that will make them feel what love truly is...
49.8K 1.3K 35
Baguio Entry #4 [Completed] Crystal Gem Herrera committed a biggest mistake that she'll regret for the rest of her life. To fix herself, she decided...
3.6K 556 54
A girl with a dream. Babaeng itinuon sa pagsusulat ang kanyang pangarap. Makamit nya kaya ito? Babaeng nangangarap sa gitna ng kahirapan. Babaeng nag...