Me and the ViP (BOOKMARK) -Co...

By night-firefly

20.1K 4.3K 7.4K

First Villera *typographical/grammatical error ahead.. New title: Me and the Vip (very impakto person) #1 in... More

Prologue
Author's Note
Page 1
Page 2
Page-4
Page 5
Page-6
Page-7
Page-8
Page 9
Page-10
Page 11
Page 12
Page 13
Page-14
Page 15
Page 16
Page 17
Page 18
Page 19
Page 20
Page 21
Page-22
Page 23
Page 24
Page 25
Page 26
Page 27
Page 28
Page 29
Page 30
Page 31
Page 32
Page 33
Page 34
Page 35
Page 36
Page 37
Page 38
Page 39
Page 40
Page 41
Page 42
Page 43
Page 44
Page 45
Page 46
Page 47
Special chapter-STERCES
Page 48
Page 49
Page 50
Page 51
Page 52
Me and the Vip Characters
Page 53
Page 54
Page 55
Page 56
Page 57
Page 58
Page 59
Page 60
Page 61
Page 62
Page 63
Page 64
Page 65
Page 66
Page 67
Page 68
Page 69
Page 70
Page 71
Page 72
Page 73
Page 74
Page 75
Page 76
Part 77
Part 78
Part 79
Part 80
Part 81
Part 82
Page 83
Page 84
Part 85
Part 86
Part 87
Part 88
Page 89
Epilogue 1
Epilogue 2
Epilogue 3
MatViP Finalè
Author's Note

Page 3

438 143 251
By night-firefly



First points of view:

Nandito kami ngayon sa canteen ng mga kaibigan ko at naririndi na ako sa pinag-uusapan nilang transferee dahil alam ko naman kung sino ang babaeng iyon..

Nakakayamot!

Bakit ba dito pa siya talaga nag-transfer? Iniwanan ko nga ang dati kong school dahil sa kanya.. —sa kanila. Pero ang impakta sinundan pa talaga ako dito. Nakakabwesit siya! Nananadya ata!

"Uyy may transferee daw. Maganda!" sabi ni Butter na inirapan ko lang.. Hindi dahil sa sinabi niyang maganda kaya ako napairap. Ayaw ko lang talagang mapag-usapan ang babaeng iyon.

Totoo namang maganda si Miracle.. May maamo siyang mukha, maputi at makinis ang balat.. Kahalintulad siya ng isang anghel sa panlabas niyang kagandahan dahil ang bait niya tignan.. pero— katulad lang din siya ng ina niya. Sabagay may kasabihan ngang — kung ano ang puno siya rin ang bunga!

Nakapangalumbaba ako habang tamad na kinakain ang pasta na inorder ko. Chocolate cake naman ang kay Butter habang egg tart at vanilla cheesecake ang kay Jelly at Ash.

Patuloy pa rin sila sa pag-uusap tungkol sa bagong transferee at gusto ko na silang pagbuhol-buhulin nitong pasta na kinakain ko.

"At may kasama pa siyang gwapong transferee! Sobrang hot niya pa! Nakita ko siya kanina kasama ang mga Varsity player. Gosh may bago na naman akong crush.." si Ash naman na na-excite pa sa pinagsasabi niya..

Nagtaka ako sa sinabi niya. May kasama si  Miracle?

"Anong hitsura nung lalake?" mabilis kong tanong sa kanya.. Kinutuban kasi ako..

Tinaasan niya ako ng kilay bago pa siya sumagot. Parang may iniisip siyang ibang kahulugan sa tinanong ko.

"Gwapo.. matangkad.. maputi at hot! Omg! Bagay na bagay kami!" patiling sagot ni Ash kaya napataas din ang kilay ko sa kanya.

Kurutin ko kaya siya sa singit at ng tumili pa siya lalo.

Lintik! Mas lalo akong kinutuban.. Anak ng tokwa naman nang babaeng iyon kung sinama pa niya ang lalakeng iyon dito.

Nagpatuloy na kaming kumain habang maingay pa rin ang usapan ng mga studyanteng mahilig sa tsismis sa tabi-tabi..

Maya-maya ay lalo pang umingay at halos sumabog ang eardrums ko sa tili nila..

Pakshet na mga Varsity na yan! Pahirap talaga sila sa tenga ko.

Tamad akong bumaling sa direksyon ng mga Varsity player at nanlaki na lang ang mata ko ng makita ko siya ulit..

"Craig.." bulong ko habang gulat na nakatingin sa kanya..

Napansin niya sigurong nakatutok ako sa kanya kaya lumingon siya sa gawi ko pero mabilis akong bumaling sa likod para hindi niya ako makita. Putakte naman ng buhay oo! Iniwan ko na nga sila doon, sumunod naman sila dito.

"Oh my fudge! Ang gwapo nga niya Ash!" kinikilig na sambit ni Butter..

"Oo nga! Gosh gusto ko siyang maka-date!" masayang sabi naman ni Jelly. Putspa! Mukha siyang date!

"Bilisan niyo na diyan. Kelangan na nating umalis dito!!" madiing utos ko sa kanila..

Hindi kami pweding magkita dito.

"Ohhh shit! Palapit sila dito!! Maganda ba ako... maganda na ba ako huh?!!?" natatarantang tanong ni Ash na kung hindi lang ako umiiwas na makita ni Craig ay nahampas ko na siya! Ang lande..

Kita ko pa siyang naglalagay ng liptint sa labi niya. Bahagya ko namang sinilip ang dalawa ko pang kasama.. —Talande nag-eye shadow pa si Butter habang nagblush on naman si Jelly.. Ano ito? May audition? O sasali sila ng pa-contest?

Tumingin ako sa direksyon ng mga Varsity player kasama si Craig. —nakahinga na lang ako ng maluwag ng lumiko sila at pumwesto sa gilid na bahagi ng canteen..

Pew! Muntik na ako don ah! Takte.. hindi pa ako handa para magkita kami ulit.. Malaki ang kasalanan ko kay Craig kaya wala akong lakas ng loob na harapin siya ngayon. Pero alam kaya niyang dito din ako nag-aaral?

Parang binagsakan ng mundo ang hitsura ng mga kasama ko dahil hindi naman sila pinansin ng mga kinahuhumalingan nilang mga impaktong player. Kaya nagmadali na din silang kainin ang pagkain nila at doon na lang nila binuhos ang pagkayamot nila sa nangyari..

Tapos na kami at nagkayayaan ng umalis kaya isa-isa na kaming tumayo sa mga upuan namin. Sumilip muna ako sa mga impaktong player at kay Craig bago tumayo at ng makita ko silang busy sa pagk-kwentuhan at tawanan ay mabilis akong tumayo at maglakad palabas.

Pero malas lang siguro talaga ako kapag nasa isang lugar lang kami ng mga impaktong iyon dahil hindi talaga nila mapigilan na hindi ako asarin..

"Uno!" tang-ina! Kung sino man ang nag-umpisa nun..

"Dos!" Buwesit kayo!

"Tres!! Haha!" Sarap niyang gamitan ng numerong 3 na pako!

"Hi First!" bati nung impaktong di ko na inalam ang pangalan.

Bwesit! Nagkandaloko na talaga. Makikita pa ata ako ni Craig..

"First?!" rinig kong patanong na tawag ni Craig.. kahit maingay ang buong canteen ay alam na alam ko ang tono ng boses niya.

Lagot na!

"Tawag ka First." nangingiting sambit ni Ash na inirapan ko lang at mabilis akong naglakad paalis ng canteen. Palayo sa mga impaktong lalakeng iyon..

Ayoko siyang tignan. Ayokong magkalapit na naman kami. Iniwan ko na siya at ayoko nang balikan dahil mas makakabuti iyon sa amin..
—sa kanila..

"Kilala mo ba yun First?" tanong ni Butter sa akin.

Tulala lang akong nakatingin sa field.. Andito kami sa ilalim ng punong kahoy na malilim kaya ginawa naming tambayan kapag wala pa kaming klase..

Napatingin ako sa kanya. Gusto ko mang sagutin ang sagot niya pero hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala pa silang alam kung anong naging buhay ko noon bago ako napunta sa St. Lucas..

Si Craig? Siya ang unang naging kaibigan ko bago ko pa makilala si Miracle na naging bestfriend ko.. Masaya naman kami noon. Matalik ang naging pagkakaibigan naming tatlo pero nagbago lang ng makilala ni Miracle ang tunay niyang ina na sa kamalas-malasan pa ay ang impakta kong madrasta.

Nagbago ang pakikitungo sa akin ni Miracle noon simula ng makasama niya ang ina niya. Naging kaugali niya na din ito na gustong kuhanin sa akin ang lahat. Ayaw nilang nakikita akong masaya at humantong pa sa sandaling muntik na akong mapahamak ng dahil sa kanya— sa kanila ng ina niya.. Kaya kahit anong gawin ni Daddy hindi ko magagawang respitohin ang babaeng iyon.. Hinding-hindi ko sila mapapatawad, lalong-lalo na si Miracle..

Takot na takot ako nung nangyari ang bagay na iyon na kahit hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako. Umalis ako at lumayo sa kanila dahil inaamin kong natakot ako. Mag-isa lang ako at hindi ko pa alam ang gagawin. Pinili ko ding lisanin ang bahay na siyang natirang ala-ala ni Mama at nakituloy sa mga kamag-anak ko, pero dahil ayaw ni Daddy na mapirwesyo pa sila sa akin dahil sabi nga niya ay matigas ang ulo ko. Kinuhaan niya ako ng unit kaya mag-isa na lang din ulit ako.

Gusto kong tanungin si Daddy kung bakit ginusto niyang mag-isa akong mamuhay pero sa sama ng loob ko sa kanya ay hindi ko na natanong pa. Obvious naman na ayaw niya talaga sa akin kaya pinapahirapan niya din ako ng ganito.. Gusto ko na nga ding isipin na hindi niya ako tunay na anak kung hindi lang talaga kami magkamukhang dalawa.

Noong mamatay si Mom dahil sa hindi ko malamang dahilan ay lalong lumayo ang loob ni Daddy sa akin. Pinabayaan niya akong lumaki kasama ang mga Yaya ko na ipinagpasalamat ko naman na naging mabait sa akin. Ngunit ng tumuntong sa pamamahay ang bagong babae niya, doon na nag-umpisa ang impyerno sa buhay ko..

Pinagmamalupitan ako ng madrasta ko at hindi alam ni Dad iyon. Si Miracle lang ang may alam pati na din ang mga katulong sa bahay.. sa kanila ko lang din kasi sinasabi dahil hindi naman naniniwala si Dad.. Masyado siyang nabulag sa pagmamahal niya sa impakta niyang asawa kaya hindi na niya ako nakikita..

Binigay ni Dad ang lahat ng bagay sa akin kahit hindi ko man hilingin. Pero hindi niya magawang ibigay ang gusto ko.. ang maging ama siya sa akin. Bulag siya sa hindi maayos na pagtrato ng babae niya sa akin.. Kapag nagpapang-abot kami at nagkakasagutan, lagi niyang sinusumbat ang mga bagay na binigay niya sa akin.. kesyo binigyan niya ako ng marangyang buhay, nasusunod ang luho ko etc. etc.. hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na niyang sinumbat iyon.. Hindi ko na din mabilang kung ilang beses na din nadurog ang puso ko dahil sa mga sinasabi niya..

Bakit pa niya sinusumbat ang mga bagay na iyon.. Ama ko naman siya. Hindi ako ibang tao sa kanya.. Masakit lang isipin na siya na nga lang ang natitirang pamilya ko ay wala pa akong nararamdamang pagmamahal galing sa kanya..

Nag-bell na ang hudyat na ng pang-hapon na subject namin kaya nagsitayuan na din kami ng mga kaibigan ko..

Senior High kami at nasa Section-3.. Malawak din ang sakop ng St. Lucas Academy dahil halu-halo na ang mga studyante sa paaralang ito.. May mga mayayaman at mayroon din namang hindi gaanong nakakaangat ang pamumuhay.. Si Ash ang mayaman sa tatlo kong kaibigan habang si Butter at Jelly naman ay nasa sakto lang antas ng pamumuhay nila.. Hindi sila mayaman hindi rin mahirap. Sakto lang talaga pero masaya ang pamilya nila, hindi kagaya ko na magulo.

Sa bahay nila Butter ako minsan tumira noong hindi pa alam ni Dad na hindi ako umuuwi sa unit ko.. Welcome ako sa pamamahay ng mga kaibigan ko kaya kahit kelan ko gustong pumunta ay pwedi lang.. Mababait ang mga magulang nila lalo na ang magulang ni Butter pati na din ang kapatid niyang lalake na mas bata sa akin ng limang taon.. Mas malapit pa nga iyon sa akin kesa sa ate niya.

Nagsimula na ang klase at nag-uumpisa na ding bumibigat ang talukap ko sa mata. Inaantok na naman ako.. Letse! Bakit ba kapag History na ang subject ay dinadalaw talaga ako ng antok..

Kung bakit ba naman kasi tinapat ang subject na iyan sa pang-siestang oras.. Gusto ko tuloy manghingi ng unan at kumot.

Mahigpit kong nilalabanan ang antok ko at araw-araw itong pahirap sa akin.. Minsan na akong nakatulog at nabigyan na ako ng banta ni Sir Jacinto na kapag nakatulog pa ako ay guidance na ang kakaharapin ko.. Hindi pala iyon minsan. Palage pala akong nakakatulog.. Para kasing nanghehele ang paraan ng pagtuturo niya. Ang bagal pa niyang magsalita na lalo talagang nanghahatak sa akin para makatulog..

Gusto ko nang lagyan ng harang ang mata ko para di lang pumikit! Naisip ko na ding maglagay ng mask, yung may drawing na nakadilat na mata.. Antok na antok talaga ako..

"MISS VILLERA!! GET OUT!!" eto na nga ang sinasabi ko eh..

Nakaidlip na pala ako.

Nakayuko akong tumayo at nagsimulang maglakad palabas. Alam ko na ang pupuntahan ko dahil kahapon lang niya ako pinagalitan dahil nakatulog din ako..

Sinilip ko muna ang mga kaibigan ko bago ako lumabas at ang mga Putakte.. nakangisi pa! Mga walang kwenta.. hindi man lang nila ako ginising para hindi ako makita ni Sir Jacinto..

Naglakad na ako papuntang guidance at sa kamalas-malasan ay nakasalubong ko pa ang mga Section-A kasama si Miracle.

Section-A siguro siya napunta.

"First!" tawag ni Miracle sa akin..

Napairap naman ako sa kanya at tuloy-tuloy lang na naglakad papuntang guidance.. Impakta siya! Hindi ko pa nakakalimutan ang galit ko sa kanya lalong-lalo na kagabi..

Pati talaga apelyido ko kinuha na niya! Tsk..

Binigyan ako ng 1st offense ng guidance at sa susunod daw na magkamali ako ay detention o suspension na ang ipapataw nila sa akin. Ang o-a nila nakatulog lang naman ako.. — pero hindi talaga pagtulog lang ang dahilan kung bakit nabigyan ako ng offense.. Alam kasi ng Guidance ang mga kalokohang ginawa ko at baka nga noong pinagtatapon ko iyong damit at tuwalya ng mga bwesit kong kaklase ay alam na nila..

Hinintay ko na lang na matapos ang last subject bago ako bumalik ng room para kunin ang gamit ko..

Nang mag-uwian na ay mabilis kong pinaghihila ang mga kaibigan ko para mauna na kaming umuwi at hindi na ako abutan ng mga impaktong player kasama si Craig..

At sa awa ng Diyos.. hindi naman niya hinayaang malasin pa ako at walang player na nagpakita sa akin palabas ng school..

Nasa labas na kami naghihintay ng sundo ni Butter dahil doon ulit ako titira sa kanila..

Aksidente akong napabaling ng tingin sa kulay white na kotse lulan si Craig at si.....Miracle.. Ang saya pa nilang tignan habang nag-uusap paalis ng Academy..

Napabuntong hininga na lang akong nag-iwas ng tingin sa kanila.. Bwesit! Sakit nila sa mata..

"First tara na!" yaya ni Butter sa akin at nagpatiuna nang sumakay sa sasakyan ng Dad niya.. Sakto lang ang pamumuhay ni Butter pero sinisigurado pa rin ng Daddy niyang araw-araw siyang nasusundo at nahahatid sa school dahil ayaw nitong mahirapan ang anak niya.. Mahal na mahal si Butter ng mga magulang niya at nakikita ko yun araw-araw..

"Hello po Tito." nakangiting bati ko kay Tito Bash— dad ni Butter..

Tumango naman siya sa akin at ngumiti na din. Alam na niyang doon na naman ako uuwi sa kanila..

Ilang minuto lang ang nakalipas at dumaan kami sa school ni Tork— nakababatang kapatid ni Butter.. Elementary pa siya pero ang gwapong bata na.. Minsan nga may nakikita pa akong love letter sa mga gamit niya galing sa mga fans daw niya. Talandeng mga bata..

"Hi First!" bati nito sa akin! Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Butter sa tinawag ng kapatid niya sa akin..

"Tork!! She's older than you!" sermon niya sa kapatid..

"No! First looks younger like me kaya ayoko siya tawaging ate. I want to be her boyfriend someday!" tuloy-tuloy nitong sambit na ikinatawa ko na lang..

Minsan ng inamin ni Tork na may crush siya sa akin kaya hindi na ako nagugulat sa pinagsasabi niya kay Butter.. Beside bata pa naman siya, makakalimutan lang din niya ang pambatang feelings niya sa akin..

"I miss you Tork." nakangiti kong sabi sa kanya na kita ko ang bahagyang pamumula ng tenga niya. Ang cute niya talagang mag-blush kaya gustong-gusto ko siyang lokohin eh..

"Where have you been First? Hindi ka umuwi kahapon?" nakasimangot nitong tanong na akala mo nagtatampong kasintahan sa tono ng boses niya..

Napapatawa na lang si Tito Bash sa pagtatampo ng anak niyang lalake.. At lalo namang napataas ang kilay nitong katabi ko.. Mahipan sana siya ng hangin. Hindi nalang kasi pabayaan ang kapatid., lage niyang inaaway kaya hindi tuloy sila gaanong malapit..

"Umuwi lang ako sa condo ko." sagot ko sa kanya.. Ayaw ko na kasing banggitin na umuwi ako sa mansyon namin dahil maalala ko lang ang naging away namin ni Daddy kagabi.. Masakit pa rin sa akin ang naging desisyon niya..

"Next time wag ka na ulit umuwi sa Condo mo First. Mag-isa ka lang doon.. — you should live with us.." nangiti naman ako sa sinabi niya.. I know they already trait me as part of their family too.. "besides malapit na akong mag-highschool liligawan na kita at magiging boyfriend mo na ako.." dagdag na niya na nagpatawa sa daddy niya.. Nakangiwi naman akong napatingin sa kanya na parang proud na proud pang nakatingin sa Daddy niya pati na din sa akin..

"Shut up Tork! Hindi kayo bagay ni First no!" salungat ni Butter sa kapatid.. Simangot lang itong nagbigay ng masamang tingin sa kanya..

Kahit kelan talaga! Kontrabida sa buhay ni Tork itong si Butter..

Nakarating kami ng bahay nila at nakangiti kaming sinalubong ni Tita Mag na kaagad yumapos at humalik sa bunso niyang anak..

Hinila naman kaagad ako ni Tork sa loob at may ipapakita daw siya sa akin. Dinala niya ako sa kwarto niya at mabilis na hinalungkat ang gamit niya..

"Here.." abot niya sa akin sa heart chocolate na may ribbon pa sa lagayan nito..

"What's this?" taka kong tanong sa kanya.

"Galing yan sa fans ko and I want to give it to you. Maganda kasi ang pagkakagawa." Nakangiti niyang sabi.. Syete.. galing pala sa fans niya. Galing ah..

"Ano naman yan?" tanong ko sa hawak niyang box. Binuksan naman niya ito at nanlaki ang mata kong makita ang laman ng box..

"Did you smoke?!" taranta kong tanong sa kanya na nagpipigil lang ng tawa..

"Hey Tork! What's that for? That's bad!" saway ko at balak kunin ang hawak niyang box..

Kabata-bata pa may yosi na!

"Silly!! That's not a cigarette First.. it's just a candy.. Look.." pinunit niya ang papel at pinakita ang kendi na hugis pabilog sa akin..

Hayst! Candy lang pala.. Ang hayop naman ng nakaisip na gawing yosi ang lagayan ng candy na ito.

"Tikman mo First, masarap." aya niya at binigyan ako ng isa.. Tinikman ko naman at lasang mint. Masarap din pala pero ang panget lang ng lagayan..

Pumasok si Butter sa kwarto ni Tork at kagaya ng reaksyon ko nagulat din siya ng makita ang hawak ni Tork na candy..

"What the—- did you smoke Tork?!!" galit nitong tanong.. "Mom and Dad should know this!" eksahirada niyang sabi na kung hindi ko pa siya nahawakan at pinatikim nung kendi ay nagwala na siya sa labas at mabilis nang nakasumbong sa mga magulang niya..

Oa din kasi masyado itong si Butter.

"Crazy slow! Get out of my room!! Ang ingay mo!" saway ni Tork sa kapatid na Over maka-react..

Hinila naman ako ni Butter palabas ng kwarto ni Tork.. Umangal pa nga iyong isa at may ipapakita pa daw siya sa akin pero malakas ang lukaret niyang ate kaya nahila niya ako papasok ng kwarto niya..

"First.. Stay away from Tork! Baka jowain ka talaga nung kumag na iyon!!"

Binatukan ko lang siya. Anong akala niya sa akin pumapatol ng bata.. child abuse?

***

night-firefly 💙

Please vote and leave your comments. Kindly follow this account. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

200K 4.6K 30
She's witty. She's clever. She's cool. She's weird. She's odd. She's creepy. She's unknown. She has a weird hair. She's tough. But...
23.2K 990 20
This is the season 2 of Scarlet Eyes. Makalipas ang isang taon matapos ang mga trahedyang nangyari sa buhay ni Adrianne ay pinilit niya paring mabuha...
409K 13.2K 97
Si Adrianne Selene Montreal ay lumaki kasama ng labing-isang mga kuya niya. Palagi siyang pinoprotektahan ng mga ito at iniiwas sa mga gulo. Ngunit a...
649K 14.4K 49
HIGHEST RANKING ACHIEVED #1 IN ACTION TAG | #1 IN TEENFICTION TAG | #1 IN THRILLER TAG MUST READ: First and foremost, I would like to warn you about...