The Heiress In Disguise

By itsmemara02

21.8K 2.1K 589

[ COMPLETED ] Caileigh Astrid Clemente is the Mafia Heiress. She is known to be brutal and heartless. Until... More

THE HEIRESS IN DISGUISE
HEIRESS AWARDS
CHARACTERS PORT
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2: CEO
CHAPTER 3: ENCOUNTER
CHAPTER 4: MEETING
CHAPTER 5: MISSION
CHAPTER 6: MAFIA SOCIETY
CHAPTER 7: HER OTHER SIDE
CHAPTER 8: SECOND ENCOUNTER
CHAPTER 9: PLAN
CHAPTER 10: HIS FAMILY
CHAPTER 11: CLEMENTE HIGH
CHAPTER 12: FIRST DAY
CHAPTER 13: ANNOUNCEMENT
CHAPTER 14: RUMBLE
CHAPTER 15: HIGH TYPE
CHAPTER 16: STARTING
CHAPTER 17: FRIENDS
CHAPTER 18: REPORT
CHAPTER 19: ASSASSIN
CHAPTER 20: SOMEONE
CHAPTER 21: MOMENT
CHAPTER 22: HIS WAYS
CHAPTER 23: RETREAT
CHAPTER 24: FIRST ACTIVITY
CHAPTER 25: HUNTERS
CHAPTER 26: SAVED
CHAPTER 27: REVELATION
CHAPTER 29: TRUTH
CHAPTER 30: THE HEIRESS SACRIFICE
EPILOGUE
BEAUTIFUL AUTHOR's NOTE

CHAPTER 28: LOCKED UP

342 29 1
By itsmemara02

ASTRID

Pagkatapos ng dramahan namin nila Dad ay kumain kami at umakyat na para matulog.

Bukas kona kakausapin ang matandang yun, tsk.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay nilibot ko ang paningin ko sa mga gamit ko at huminto kay Ginger, ang gitara ko.

Marahan akong lumapit sa kanya at mahinang inis-strum ang string niya.

"You never changed, your sound is still beautiful." sabi ko at kinuha siya at dumiretso sa balcony ng kwarto ko.
Umupo ako sa isang upuan na parang duyan at tumingala sa langit.

I know my childhood but I still want to remember them on my own.

"Moon." I said and stare at the moon that shines brightly.

"I envy you," mahinang bulong ko dito.

"You gave them light and I give them darkness," dagdag ko pa.

Napabuntong hininga nalang ako at tinignan ang mga bituin sa langit.

"One day, I'll be one of you," sabi ko at ngumiti.

"Isa ako sa magbibigay ng ngiti at kasiyahan sa mga tao." sabi ko at sinimulang tugtugin ang gitara ko.

I've always been a kind of a girl, That hid my own face, so afraid to tell the world, what I've got to say,

I was so afraid to show the real me.

But I have this dream, right inside of me, I'm gonna let it show, It's time to let you know, to let you know.

I'm going to follow my dream and I'll show you that.

This is real, this is me, I'm exactly where I'm supposed to be now, gonna let the light shine on me.

Napataas ako ng tingin sa langit sabay ngiti.

Now I've found who I am, there's no way to hold it in, no more hiding who I wanna be,

"This is me."

* * *

Pagkatapos kong tumugtog ng gitara ay binalik ko na ulit si Ginger sa lalagyan niya.

Kumuha ako ng nighties at pumasok sa loob ng banyo.

Kinuha ko ang bath soap at nilagyan ang bath tub. Pagkatapos lagyan ng tubig ay tinanggal ko ang bath robe at sumulong na sa tubig.

"Relaxing." sabi ko habang nilalagyan ng tubig ang mga braso ko.

Dahan dahan ko namang tinanggal ang mga benda sa braso ko at paa. Ilang minuto din akong nakababad ng makatulog ako saglit.

Nagising ako sa isang katok sa labas. Marahan kong hinilot ang leeg at batok kong sumakit. Argh, ilang oras ba akong nakatulog?

"Ms. Caileigh, papahanda ko po ba yung gatas niyo?" sigaw ng isang katulong sa labas. Napa buga nalang ako ng hangin sabay tayo.

"Yes, samahan mo na rin ng chocolate cake." sabi ko kaya sumagot siya ng oo. Sinuot ko ang bath robe ko para makalabas ng banyo.

Pagkalabas ko ay bumungad sakin ang liwanag na nanggagaling sa bintana ko. Marahas kong sinara ang kurtina ko para matakpan ang liwanag.

Dumiretso ako ng lakad papunta sa damitan ko para kumuha ng damit. Hinablot ko nalang ang isang jeans at t-shirt.

Pagkalabas ko ay nag blower ako at tinali ko ang buhok ko ng messy bun.

Inayos ko ang mga gagamitin ko sa labas ng balcony para makakain ng almusal at makapinta.

Kinuha ko ang paint brush at mga kailangan sa pagpipinta para makasimula na.

Nakangiti kong ginala ang paningin ko sa labas ng bahay namin at tumambad sakin ang maraming puno at bulaklak sa gilid ng balcony ko.

"Ms. Caileigh, nandito na po ang almusal niyo." rinig kong sabi sa labas kasabay ng isang katok.

"Come in." sabi ko kaya pumasok na siya kasama ang dalawa pang katulong.

"Sabi po ni Madam, damihan niyo daw po ang kain niyo." sabi nito ng nakayuko.

"Salamat." sabi ko ng nakangiti, napa taas naman siya ng ulo dala ng gulat sa sinabi ko.

"P-po?" nauutal na sabi pa nito. Napatawa naman ako ng mahina dahil doon.

"I said, thank you." sabi ko at ngumiti ulit. Mas lalo naman siyang nagulat pero sumagot parin.

"W-walang anuman po." sabi nito at naglakad na papalabas ng pinto.

"Ano kayang nakain ni Ms?" rinig ko pang sabi nung isa.

"Baka naman good mood?" sabi naman nung babaeng maiksi ang buhok.

"Gaga, syempre good mood yun, alangan namang bad mood tapos ganun? Ay utak kasi bess," sagot nung isa kaya natawa ako.

"Ganun ba? Sorry na." napapakamot sa ulong sabi nung isa. Nakangiti lang ako hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Binalik ko ang tingin ko sa pinipinta ko at napangiti ako.

"You're so beautiful." sabi ko sa isang puno na punong puno ng kulay.

* * *

"Where are you going, sweetie?" sabi Mommy sakin ng makita niya akong nakabihis ng pang mafia. Dala ko din ang maskara ko.

"To our training ground, Mom." I said so she nod.

"Take care, sweetie. I love you." she said so I smile. She's very sweet.

"I will. I love you too." sabi ko at hinalikan siya sa pisnge. Nagulat naman ako ng makitang naluluha siya.

"Why, Mommy?" I said and caress her back. She just laugh and held my face.

"I'm just happy, you know why?" sabi niya ng nakangiti. Mabagal naman akong umiling.

"Because my baby is back." she said and smile. Ngumiti ako pabalik dahil doon.

"I gotta go, Mom." sabi ko kaya napasimangot siya.

"Pero 'di ka parin malambing, hmp." sabi niya kaya napatawa ako.

"Babawi ako," sabi ko nalang at hinalikan siya sa pisnge.

"I'll be back." sabi ko at kumaway sakanya.

Sumakay naman ako ng kotse ko at nagsimulang magmaneho papunta sa training ground namin sa UC.

Ilang minuto lang ang pag d-drive ko at nakarating ako. Nang mapansin ng guard ang sout kong maskara ay dali dali siyang yumuko. Hinagis ko naman sa kanya ang kotse ko kaya napatingin siya sakin.

"Paki- park." sabi ko kaya tumango siya. Dumiretso naman ako sa loob ng training ground at nakitang marami pang estudyante ang nandito.

At dahil ako lang may maskara, napansin agad nila ako.

"Hey freak! Anong ginagawa mo dito?" sigaw sakin nung isang

"Don't state the obvious." sabi ko nalang at nilagpasan siya. Hahawakan niya na sana ako ng may humarang sakanya at tinawag ako.

"Heiress." sabi niya.

"Diego." sabi ko at ngumisi.

Binitiwan naman niya yung babae at lumapit sakin para yumakap.

"Long time no see, ano bang pinagkaka abalaha mo?" sasagot ko na sana ako nang 'misyon' ng may maalala ako. He's not mission anymore. Napangiti nalang ako dahil doon.

"Studying." sagot ko nalang. Tumango siya at nginitian ako ulit.

"Dating gawi?" tumango ako kaya mas lalo siyang ngumiti.

"Tagal mong hindi bumisita dito kaya walang nagamit nito, hindi ko alam kung takot sila o naduduwag lang." sabi niya pa. Napatawa nalang ako kaya tumingin siya sakin.

"Ikaw, nakapasok kana ba diyan?" sabi ko sakanya. Mabagal naman siyang umiling kaya mas lalo akong natawa.

"Stop it. Ang hirap kaya niyan." sabi niya at ngumuso.

"Papasok na ako." sabi ko pagkatapos tumawa. Tumango naman siya at pinapasok ako.

"Sir, delikado yan. Bakit pinapapasok niyo siya?" sabi nung isang lalaki. Tumawa lang si Diego at sinagot siya.

"Yaan mo siya." sagot nito.

"Welcome to the dark cave." sabi nito.
"Goodluck sayo." napatingin naman ako kay Diego na nagsalita pero natawa ng makitang sa technology siya nakatingin.

Nagsimula na ang timer kaya pumasok na ako sa loob. Madilim dito. Well, dark cave eh.

Ito ang huling round ng mga nageensayo. Ito kasi ang pinakamahirap sa lahat.

Maraming obstacle, traps, may mga hayop nga din dito eh.

Naglakad ako ng isang beses ng may naramdaman akong papalapit na bagay. Mabilis kong hinablot ang kutsilyo sa boots ko at sinangga ang paparating na dagger.

"That's your first round, Heiress. Find the dot and crash it so the flying dagger will stop, goodluck." rinig kong sabi ni Diego sa speaker.

Sasagot na sana ako ng maramdaman kong mas rumami ang paparating na mga dagger sa lugar ko. Mabilis kong hinanda ang kamay ko at sinangga ang mga dagger. Napatalon ako ng may maramdaman akong bagay na papalapit sa paahan ko. Habang nasangga ay hinahanap ko ang dot na sinasabi ni Diego.

Napatingala ako ng may dumaan saking dagger. Sa pagtingala ko ay napansin ko ang isang dot sa taas.

Napangisi nalang ako ng makita ko ito ng buo. Gotcha.

Mabilis kong hinablot ang isang dagger na papalapit at malakas na binato sa red dot. Kasabay ng pagkabato ko ay ang pagkawala din ng mga dagger sa paligid ko.

"Congratulation, you passed the first round. Now the second round is cut the wires so the bomb will not explode and beat the timer, your time starts now." sabi ni Diego at tumambad sa harapan ko ang isang pinto at isang salamin na puro letra ang nakasulat.

"Goodluck."

May lumabas na sampung bomba sa magkabilang gilid ko at harapan. May lumabas din na malaking salamin na may oras na five minutes. Nang magsimula ang orasan ay mabilis akong tumakbo at kinuha ang cutter.

Ilang minuto din akong naggugupit ng mga wires ng may narinig akong ting.

One minute left.

Sabi nito kaya mabilis kong pinutol ang isa at pumunta sa isang bomba pang natitira.

Cut!

"Congratulation, again. For the last round, you need to find the key and defeat the key keepers. Goodlucl." sani nito at napalitan ang paligid ko ng puro puno.

Naglakad lakad ako habang kinakabisado ang nilalakaran. Ilang minuto din akong naglakad ng mapansin ko ang isang bagay na kumikinang sa gitna.

The key.

Tatakbo na sana ako ng makita ko siyang napapalibutan ng tatlong mababangis na leon.

Damn you, Diego.

Mabilis akong tumungtong sa isang sanga at bumali dito. Nang mabali ko ay tinapon ko ito sa isang gilid na agad namang pinuntahan ng mababangis na leon.

Dahan dahan akong naglakad sa susi habang tinitignan ang mga leon na naghahanap. Nang marating ko ay susi mabilis kong kinuha ito at tatakbo na sana ng matapakan ko ang sangang binato ko.

"Shit." sigaw ko ng makitang tumatakbo sila papalapit sakin. Mabilis kong binulsa ang susi at kinuha ang kutsilyo sa gilid ng pantalon ko.

Unang sumugod ang isa at lalapain na sana ako ng gumulong ako patagilid kaya sa lupa ang bagsak niya. Tumingin siya sakin ng naglalaway at muling umatake. Hinampas niya ako ng kamay niya kaya napasandal ako sa tabing puno. Nang akmang aatake ulit siya ay malakas ko siyang sinipa kaya nagpagulong gulong siya at nawalan ng malay. Mukhang nagalit naman yung isa kaya mabilis niya akong sinugod at kinalmot sa braso ko. Lumabas ang masaganang dugo doon dahil hindi parin magaling ang mga naunang sugat ko.

Kinuha ko ang kutsilyo ko ng makitang susugod ulit siya kaya mabilis kong tinarak ang kutsilyo sa paa niya kaya humiyaw siya sa sakit at tumakbo papaalis.

Napatingin naman ako sa natitirang leon na masamang nakatingin sakin. Halata ang gutom sa kanya dahil sa paglalaway niya. Nang sumgod siya ay mabilis akong tumayo at tumalon sa isang puno ng makita ko siyang papalapit ay bumaba ako diretso sa likod niya kaya humiyaw sa galit.

Talon siya ng talon kaya mabilis kong tinusok ang kutsilyo sa braso niya at talon papunta sa pintuan.

"Sorry." sabi ko at binuksan ang pintuan.

"Good job. Ang angas 'nun ah." sabi sakin ni Diego. Inirapan ko lang siya at dumiretso sa gamit ko.

Kinuha ko ang bimpo at tubig ko ng mapansin kong umiilaw ang cellphone ko.

Tita Kathy Calling.

Mabilis kong sinagot ang tawag ng makita ko kung sino ang tumatawag.

"Hello my dear niece." sabi niya at tumawa na parang baliw.

"What is it?" nagtitimping sabi ko sakanya. Tumawa ulit siya na parang nakakatawa talaga ang sinabi ko.

"I want a reunion, balita ko nandyan daw ang Lolo mo ngayon," sabi nito at tumawa ulit. Napailing na lang ako sa gusto niya.

"Tsk, reunion your face." sabi ko at ibababa na sana ang tawag ng magsalita ulit siya.

"Reunion, Caily or else makikita mo nalang ang ulo ng mga kaibigan mo at ang, pinaka minamahal mo." sabi nito at tumawa ulit.

"Damn you!" sabi ko at tumakbo palabas papunta sa kotse ko. Nang makuha ko ang susi sa guard ay mabilis ko itong pinaandar papuntang school namin. Dinial ko din ang number ni Kuya Arisse.

"Kuya, in our school, now." sabi ko at hindi na siya hinintay pang magsalita.
Damn, kung alam ko lang na mangyayare ito hindi na sana ako pumunta na training ground.

Mabilis ko namang pinindot ang cellphone ko at tinawagan si Kyle.

"Hi, life." bakas ang saya sa boses niya ng sabihin niya yun.

"Where are you?" mahinahong sabi ko kahit na kinakabahan na ako.

"We're here in our school, pinatawag kami ni Ms. Kathy, may importante daw siyang announcement." sabi nito.

"Kayo lang?" sabi ko pa.

"Kasama ang mga estudyante." shit.

"Umalis na kayo diyan, delikado ang buhay niyo dyan." sabi ko at mas binilisan ang pagmamaneho.

"Wait life, ano ba ang- Mr. Acodism, mamaya na ang cellphone, akina muna yan." narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses.

"See you later, niece." sabi pa nito at inend ang call. Damn.

Nang makarating ako sa tapat ng school ay mabilis akong pumasok at hindi na inabala pang magpark.

Hinanap ko sila Kuya at nakita silang nakaabang sa isang bench kaya nilapitan ko sila.

"What's happening, Caily?" tanong ka agad sakin ni Kuya Arisse.

"Kathy blackmailed me," sabi ko nalang.

"What? Maybe this is a trap, let's go." sabi nito at hinawakan ang wrist ko.

"Wait, I need to see him, I need to see my friends. " sabi ko at tumakbo papalayo sa kanila. Luminga naman ako at kaya nakita ko na din sila.

"Kyle!" sabi ko at niyakap siya. Mabilis naman niya akong tinulak.

"Who the fuck are you?" sabi nito sakin kaya napakunot ang noo ko. Nakapa ko ang mukha ko at napansing may maskara pa ako. Mabilis ko itong tinanggal at linapitan siya.

"We have to go." sabi ko at hinawakan ang kamay niya pero inalis niya lang yun.

"I'm waiting for someone."

"I'm Astrid." halatang nagulat naman silang lahat dahil sa sinabi ko.

"I don't have time to explain so please, we have to go."

Pero bago pa kami makahakbang ay isang malakas na palakpak ang narinig namin.

"Welcome to hell." kasabay ng pagsabi nito ay ang pagsara ng gate at lahat ng pwedeng labasan ay sinara na rin. And now I know,

We're locked up.


* * *

A/N:

Hi mara's. Two more chapters and epilogue na. I'm so happy na nakaabot kaya hamggang dito kahit na lame and corny ng story ko. I love you all.

Vote. Comment. Enjoy.

Continue Reading

You'll Also Like

153K 4.9K 43
"We need you. Your brother needs you."
15.6K 832 52
Marami ang tinawag, ngunit kakaunti ang pinili para sa dakilang misyon; ang siguraduhing may susunod na lahi.
1.2M 30.3K 88
COMPLETED Story Description: Accused and condemned as the murderer of Keizer's death, her late boyfriend, Denniese Imee Earl, who was considered as n...
6.3K 406 41
Man of the future, famous Matinee idol, Masungit, Englishero ,Gentleman pero medyo Bastos, Alluring at higit sa lahat, He believes that Love is Only...