Doctor Next Door(COMPLETED)

By AnnieF_30

163K 4.7K 381

WARNING|| MATURE CONTENTS Bettina Mijares decided to live alone away from her father.Kung kailan akala niya... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12(SPG)
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22(SPG)
CHAPTER 23(SPG)
CHAPTER 24

CHAPTER 10

4.9K 155 3
By AnnieF_30

Pilit niyang kinalma ang sarili sa pamamagitan ng alak. Pumili siya ng mas matapang para tumalab agad sa kanyang katinuan ang epekto niyon.  Habang nakaupo sa counter  na may hawak na baso na may lamang Jack Daniel  ay inikot niya rin ang tingin sa paligid para maghanap nang prospect. Sa dami ng nagpapansin sa kanya kanina pa ay wala ni isa ang kanyang bet.  Siguro kailangan niya pa ng ilang boteng alak para magkaron ng lakas ng loob.
Nasa ganoon siyang pagmamasid ng may naupo sa kanyang tabi.
Napabaling ang tingin niya dito. Hindi pa siya gaanong lasing kaya klaro pa sa kanyang paningin ang mukha ng bagong dating. Naka side view pa lang ito pero ang gwapo na. He has a perfect jaw to die for. Nang masabi nito ang order sa bartender ay lumingon ito sa kanya at nahuli siyang nakatitig dito.

"Hi..." Lakas loob niyang bati. Parang naramdaman niyang namungay ang kanyang mga mata sa pagtitig dito.

"Hey to you. Are you alone?"
Tumango siya. Hindi niya na itinago ang mapang akit na ngiti. Hindi siya sanay sa ganoong bagay ngunit sanhi marahil ng epekto ng alak ay nagiging natural ang kanyang galaw.

"Until now." Hindi niya maiwasang mapalunok. The guy is a perfect catch. Kung ito ang makakuha ng kanyang virginity ay hindi na siya lugi. Bukod sa gwapo ito ay mabango pa.

"Uhh.. looking for hook ups?" Nakangising tanong nito. Saglit siyang natigilan. Ano nga ba ang pagkakaiba? She's there to f*ck. To get rid of her virginity. Anong pagkakaiba niya sa hooks up kung sakali. Dahil malakas na ang tama ng alak sa kanya, nawala ang kahihiyang nararamdaman niya. Hindi na siya nahiyang ilapit ang sarili dito at idikit ang bibig sa tenga nito.

"I'm looking for someone to deverginize me", mahina niyang sabi nang maidikit ang bibig sa tenga nito. Hindi naman kalakasan ang music sa loob kaya sigurado siyang narinig siya nito lalo na sa reaksyon nitong tila nagulat.

"You must be kidding me",awang ang mga labing wika nito. Hindi ito makapaniwala sa salitang lumabas sa bibig niya. "Tell me, are you broken hearted? Did you caught your boyfriend cheated on you? Tell me."

Nailayo niya ang mukha dito. Inis niya itong inirapan. "Sabihin mo lang kung napapangitan ka sa akin at maghahanap ako ng iba."

Akala ba nito nagbibiro siya? At haler! Hindi porket nagbar at naglasing e brokenhearted na.

Brokenhearted my ass!

"You are really serious!" Namamalikmatang bulalas nito. "You're one of a kind. How old are you? I can't believe this."

"Twenty five", maikling sagot niya. Tinungga ulit ang baso at humarap sa counter. Gusto niyang mainis sa lalaki dahil parang pinagtatawanan siya nito.

"And still a virgin?"

"I am just desperate",tugon niya. "Para kasing sumpa sa akin na birhen ako. Hindi ko naman sukat akalain na magiging sakit ko pa pala." Sabay tungga ulit ng baso.

Pinigil ng lalaki ang kanyang kamay. "You better stop. Lasing kana. Alam mo kung anong kailangan mo?"

"Ano?"

"Come with me",mabilis na sagot nito. Hindi na siya nito hinayaang sumagot pa at basta na lang siya pinababa sa stool at hila-hila nito ang kanyang kamay palabas ng bar. Saka niya naalalang hindi niya pala kilala ang lalaki. Nasa labas na sila saka niya nagawang magsalita.

"Hey, where you'll gonna take me?"

"Tsk lady, I'm not gonna take you."

"That's not what I mean!" Malakas ang boses na singhal niya dito. Iba pala ang pagkaintindi nito sa kanyang sinabi. "I don't even know you!"

Tumigil naman sito sa paglalakad.
"I'm Benedict. Nice to meet you...?"

"Bettina", maikling sagot niya. Gusto niyang matawa sa pangalan nilang dalawa dahil magkakatunog ang umpisa. Alam niyang estranghero ito para siya sumama. Pero ano nga ba ang sadya niya sa bar na iyon,diba ang makahanap nang pagkakalooban ng virginity niya. At naisip niya, nasa tamang tao siya.
Hindi naman mukhang masamang tao ang lalaki. Siguro hindi naman siya makikitang palutang-lutang sa ilog pasig bukas. Wala sa anyo nito ang mamamatay tao.

Habang nasa biyahe na sila hindi na niya nagawa pang itanong ulit kung saan siya nito dadalhin. Napasobra talaga ang kanyang nainom at nahihilo na siya. Tila meron pang kumukulong tubig sa kanyang sikmura paakyat sa kanyang dibdib papunta sa kanyang lalamunan. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at tuluyan na niyang binuga iyon.

"Shit!" Mura ng kanyang katabi. "This is not a good idea. You just threw up in my baby? Oh geezzz! It reeks!"

Ngunit wala sa isip niya ang mga sinasabi nito. Nanghihinang ipinikit na lamang niya ang mga mata at sinandal ang sarili sa sandalan ng upuan. Hanggang sa nakatulugan na niya ang ganoong posisyon.

______
Napabalikwas siya ng bangon ng imulat niya ang mga mata ay nagising siya sa isang hindi pamilyar na silid. Kasabay ng kanyang pagbangon ay ang pagpitik ng ugat sa kanyang ulo. She's having a hangover. Naaalala niya kung bakit siya naglasing. Tarantang tiningnan niya ang sarili sa ilalim ng kumot.

I only have my undies!

Nagtagumpay ba siya sa pakay kagabi? Pinakiramdaman niya ang sarili lalo na sa pagitan ng kanyang mga hita. Hindi masakit. Tanging ang ulo lang niya ang masakit.  Inikot niya ang tingin sa paligid. Pilit niyang inaalala ang pangalan ng lalaking nakapulot sa kanya kagabi. Ang masaklap pa naalala niyang sinukahan niya ang mamahaling sasakyan nito.

"So,the twenty five year old virgin is awake..." Mabilis na naibaling niya ang tingin sa nagsalita. Napapahiyang napasapo siya sa ulo at nakangiwing hinarap ito.

"Did I said it loud last night?" Nakangiwing tanong niya. Ngayon lang siya nakaramdam ng hiya sa kapangahasan.

"Yeah? And you're looking for someone to pop your cherry. Seriously? You really one of a kind. I thought you were just trying to talk dirty but seems you're very serious! You sounded so desperate!"

"Ugghh! Am I that bad?"

"You even threw up to my baby. I need to bring it to the carwash because it's reeks like poop!"

"Look, I'm sorry for the mess I did Mr... what's your name again?" Napahilot siya sa sentido.

"Benedict."

"Right, Benedict. I'm so sorry for your your car. But I am so desperate last night!"

Bumuntung hininga ang lalaki bago humakbang palapit sa kanya.

"If I'm an asshole, baka nga pinatulan na kita kagabi. But I love my girlfriend,you know. I'm not capable of cheating. And speaking of girlfriend, you need to clean up and leave as soon as possible because any minute from now she will come."

Sukat sa sinabi nito ay tuluyan na siyang napabangon. "Where's my dress?"

Tinuro nito ang gilid ng kama. Nakatupi ng maayos ang kanyang damit. Hindi na pumasok sa isip niya kung sino ang nagtanggal niyon sa kanya. Kahit matindi ang pananakit ng ulo ay nagawa niya iyong tiisin. Madalian lang siyang naghilamos at mabilisang sinuot ang damit. Sa pagbukas niya ng pinto ng banyo ay siya namang pagbukas ng pinto ng silid na sabay yata nilang ikinamura ng lalaki dahil pumasok doon ang napakagandang babae.

"Babe, I can explain!" Alertong sabi ni Benedict nang akmang susugudin siya ng babae.

"Explain what?!" Galit na sabat ng babae. Nanlilisik ang mata nitong nakatingin sa kanya. Kung susulong ito sa kanya sigurado siyang wala siyang kalaban laban dahil nanghihina siya sa tindi ng sakit ng ulo. Dahil matindi ang pagtatalo ng dalawa ay mabilis siyang bumalik sa banyo at isinanday ang nanakit na ulo sa dahon ng pinto. Ano ba itong napasukan niya? Pinaparusahan ba siya ng langit dahil sa pagiging desperada niya?
Dinig na dinig pa rin niya ang pagtatalo ng dalawa. Kung maghihiwalay ang dalawa ay kasalanan niya. Hindi man lang muna siya nagtanong kung single pa ang lalaki bago sumama dito. Sana pala hinayaan na lang siya nito kagabi. Ito tuloy ang nalagay sa alanganin.

Right, kasalanan niya. Dapat tulungan niya itong magpaliwanag sa kasintahan nito. Bumuga muna siya ng malakas na hangin bago lakas loob na lumabas. Mabilis na bumaling ang tingin ng dalawa sa kanya.

"Ahm miss, I can explain",umpisa niya. Gusto niyang tumiklop sa paraan ng titig nito. She's furious!

"There's nothing to explain! Malandi ka. Ano, nanghihina pa ang boses mo? Napagod kayo? Mga hayop kayo!"

Napangiwi siya sa tinis ng boses nito. Lalong nadagdagan ang sakit ng kanyang ulo. Ganito ba siya kung sakaling magkaboyfriend siya at nahuling nagtaksil ? Hindi niya mawari. Napaka warfreak ng babae at hindi ito tumatanggap ng kahit anong paliwanag.
Hindi niya nakikita ang sarili sa sitwasyon nito. Sabagay, ano nga ba naman kasi ang iisipin nito kung ganoon ang naabutan nitong tagpo? Ano pa kaya kung naabutan nitong naka bra at panty lang siya kanina? Mas lalong magwawala ito.

"Bettina, better leave right now!" Gigil na utos sa kanya ni Benedict. Nakayakap kasi ito sa kasintahan at pinipigilan ang pagsugod sa kanya. Nahaligap ng mata niya ang kanyang pouch. Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang side table at walang sinayang na oras na sinambit agad iyon at tinungo ang pinto. Hindi pa man siya nakakalabas ay may humila na sa kanyang buhok dahilan para bumagsak siya kaagad. Mahilo-hilong iminulat niya ang mata ngunit hindi iyon natuloy dahil sa malakas na sampal na natamo mula sa babae.

Tila naubusan na ng pasensya si Benedict at tuluyan na nitong hinila ng malakas ang nobya at sinigawan.

"Will you please listen to me Luisa! Listen! Listen! Listen!"

Naaawa siya sa anyo ng lalaki. Kung hindi dahil sa kanya wala ito sa ganoong sitwasyon. Naiintindihan niya ang nobya nito pero sumosobra naman ito at hindi pinakinggan ang paliwanag ng lalaki. Nanghihinang tumayo siya at lumabas sa silid na iyon.
Saka lang niya nabitawan ang luha nang nasa loob na siya ng taxi.  Hindi na niya inisip ang paraan ng pagkakatingin sa kanya ng driver. Paanong hindi siya titingnan? Magulo ang kanyang buhok at umiiyak pa siya. Inis na pinahid niya ang luha. Napatingin siya sa kamay nang mayroong pulang likido na nahalo sa kanyang luha. Dinama niya ang ilong. Dumudugo na pala iyon. Marahil sa malakas na pagkakahila ng babae sa buhok niya kanina.

_________

Oh man.. not now please.

Gusto niyang  bumalik sa pinanggalingan nang madatnan si Giuseppe sa labas ng kanyang unit. Nakapamulsa ito at nakayuko. Marahil naramdaman nito ang kanyang presensya ay nag angat ito ng tingin sa kanya. Saglit na nagkasalubong ang kanilang paningin ngunit siya rin ang agad na umiwas. Sapo ang ilong na nagpatuloy siya sa paglalakad. Hindi niya inangat ang mukha dito nang nasa paanan na siya ng binata dahil ayaw niyang makita nito ang bakas ng kanyang mga luha at ang tuyong dugo sa kanyang ilong.

"Where have you been? What you've done?"

"Not now please", pakiusap niya. Pakiramdam niya kung umasta ito ay para itong nobyong napagtaksilan sa paraan ng pagtatanong nito. Naalala na naman niya ang naiwang sitwasyon kanina.  Paano kung magtagpo ulit ang landas nila ng babae at babatuhin ulit siya nito ng masasakit na salita? Sa isip niya, sigurado siyang hindi siya magpapaubaya. Nagkataon lang na nanghihina siya kanina at wala siyang lakas para ipagtanggol ang sarili.
Hindi pa niya tuluyang naipasok ang susi ay iniangat nito ang kanyang mukha. Ang galit na mukha nito ay napalitan ng lambot.

"What the hell had happened to you?"
Pilit niyang nilunok ang nagbarang laway at pina tiim ang bagang para pigilan ang pamamasa ng kanyang mga mata. Nang hindi siya gumalaw ay ito na ang nagbukas ng pinto niya at inalalayan siya nitong pumasok sa loob. Nang maupo siya sa sofa ay saglit siya nitong iniwan at pagbalik ay may dala na itong basang  maliit na towel at rubber band.
Itinali muna nito ang kanyang magulong buhok saka inumpisahang punasan ang kanyang mukha. Ang gesture nito ay naghatid ng init sa kanyang puso paakayat sa kanyang pisngi hanggang sa gilid ng kanyang mga mata. Hindi na niya napigilan pa ang sarili at tuluyang umagos ang masaganang luha mula roon.

Natigilan lang ang binata at nanatiling nakatitig sa kanyang luhaang mga mata. "I think I just had ruined someone's relationship",sabay hikbi.

"What do you mean?" Umiling siya. Hindi niya kayang ikwento dito ang kahihiyang ginawa.  Dahil sa pagiging desperada niya ay may nadamay na ibang tao.

"Do you have a girlfriend?" Sa halip na tanong niya. Tumigil ito sa ginagawa at mataman siyang tinitigan.

"Why you asked?" Balik tanong nito.

"Ayokong may susulong dito at sasabunutan ako tapos sasabihan ng masasamang salita."

"Wait, nakipag away ka ba kaya dumugo itong ilong mo?" Naitikom niya ang bibig. Wala siyang balak sabihin dito ang nangyari sa kanya pero pinahamak din siya ng sarili niyang dila. "Answer me."

"Answer me first",giit niya. Gusto niyang iwasan ang tanong nito. Hangga't maaari ayaw niyang nakikialam ito sa personal na buhay niya.

"It'll not gonna happen. I don't do girlfriends. It's not really my thing",saka ito napatawa ng pagak. Inaasahan na niya iyon. Iyon ang pagkakakilala niya rito. Ayaw ng relasyon pero gustong manggamit ng babae. Ngunit ang ipinagtaka niya ay hindi na niya ito nakikitang nagdadala ng babae sa pad nito. Anyare? Baka nagbago ng location.

Pssh.. lakampake!

Continue Reading

You'll Also Like

136K 5K 48
Isla Montellano Series #3 'Isang babaeng nagkukubli buhat sa madilim at masamang nakaraan at isang lalaking nakatali sa isang pag-ibig na masisira da...
150K 4.5K 31
Brandon Taylor is the one successful businessman and owner of airline company a hotman and bachelor in and out of the country also a billionaire, wo...
155K 4.3K 37
5 years ago.... Pierre Clive Rousseau De Mercedez life revolve only in two things his family Farm which he manage and to collect girls yeah he is a G...
213K 6.8K 42
Mamahalin mo ba ako Kung mag tatapat ako sayo? pero iba Ang Mahal ko at Hindi ikaw Yun. bakit Hindi mo itry nang Makita mo Ang halaga ko. Sorry pero...