STS #2: Give Me More [COMPLET...

Von Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... Mehr

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 33

24.8K 718 153
Von Missflorendo

Kabanata 33

"Ang sakit na ng likod ko. Huhuhu." Pabagsak akong sumandal sa couch.

Nasa opisina ako ngayon ni Fyuch at nagpapatuloy ng research ko. Dito niya 'ko pinadiretso after ng fieldwork ko para daw hindi ako mag-isa sa condo. Bukas ng umaga na kasi ilalabas ang unang istorya ko tungkol sa mga sangkot sa issue ng pork barrel scam kaya halos ayaw niya 'kong nawawala sa paningin niya. Kulang na nga lang samahan niya 'ko sa lahat ng lakad ko sa labas!

Kung pwede nga lang siguro niya 'kong itali sa katawan niya baka ginawa na rin niya! Kaso hindi, e—sayang.

Parang isang modelo mula sa metro magazine si Fyuch nang tumayo siya mula sa kanyang swiveling chair. Nilapitan niya 'ko na nasa kanyang mini sala sa harapan.

Sobrang kalat ko! Ang dami dami ko kasing binabasang references at isa sa secret weapon ko sa pagtatrabaho ang pagkakaroon ng makalat na working area. Ewan ko ba. Parang kapag malinis ang lamesa ko hindi gumagana ang utak ko.

Pumwesto siya sa likuran ko at ipinatong ang kanyang mga kamay sa balikat ko. Napadaing na lamang ako nang bigyan niya 'ko ng isang napakasarap na masahe.

"Ugh...ang galing naman ng mga kamay mo, Fyuch."

He chuckled like he found amusement from what I just said. "Pahinga ka muna. Let me finish your research."

Ngumisi ako. "Taray, finish? Don't tempt me baka pumayag ako."

Nanatili akong nakapikit at ninamnam ang sarap ng masahe niya.

"I'm not tempting you. You can take a nap."

Ipinilig ko ang ulo ko. "Medyo magulo pa 'tong mga data ko, Fyuch. Maiistress ka lang at saka baka mahirapan ka sa pag-ri-research," mahinang sagot ko dahil parang inantok ako bigla sa ginagawa niya.

Grabe talaga 'tong bb ko. Kahit pagiging masahista ay hindi pinatawad ng mga nababagay na trabaho sa kanya.

"Are you underestimating my research skills?" I could imagine him now arching a brow.

"Di naman, bb. Ayoko lang dumagdag pa 'ko sa workload mo."

Although parehong nakakapagod ang trabaho namin, tiyak namang mas nakaka-stress ang ginagawa niya araw araw. Baka kung ako ang magbabasa ng mga makakapal na cases ay hindi na 'ko makausap pa ng matino nang kahit sino!

Napadilat ako ng mata nang huminto siya sa pagmamasahe sa 'kin. Nakita ko siyang tumungo sa lamesa niya at kumuha ng laptop. Bumalik siya sa pwesto ko at saka umupo sa tabi ko.

"What information do you need to get? Let me try to look at it for you."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Wala naman sa internet 'yon, Fyuch. Kahit na pinalalabas ng gobyerno na transparent sila sa mga impormasyon na dapat malaman ng publiko, pahirapan pa rin sa pag-access. They don't give it out easily to anyone."

Inirapan niya 'ko. "Of course, I know that."

Tumawa pa siya ng mahina. Hindi ko tuloy alam kung ginu-good time lang ba niya 'ko or baka malakas lang trip niya ngayon.

Binigay ko sa kanya ang pangalan ng mga kongresistang nabigyan ng pondo para sa mga development projects ng bansa. Iilan lamang kasi ang mga proyektong natapos ng mga ito at karamihan ngayon ay nakabinbin pa dahil sa kakulangan sa pondo—pondo na ibinigay nang kumpleto pero higit sa kalahati nito ngayon ang hindi maipaliwanag kung saan napunta. Wala ring mailapag na liquidation kaya napakalaking palaisipan nito.

Halos hindi ko masundan ng tingin ang pagpitik ng kanyang mga daliri sa keyboard dahil sa sobrang bilis ng mga ito. Nang tignan ko ang screen ng laptop niya ay hindi ko rin maintindihan ang mga naglalabasan doon na pawang mga code lang.

In less than 5 minutes, he was able to make my eyeballs out of their sockets.

"What the fuck... did you just do?" I asked in awe. Nanlalaki ang mga mata kong nagpalipat lipat ng tingin sa nakangisi niyang pagmumukha at sa screen ng laptop nya. "Did you just...hack our government sites?"

"Not really. We're just... taking a peek." He grinned.

Lumabas ang kumpletong impormasyon nang halagang tinanggap ng bawat kongresista. Nagningning ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mga ito. Ang budget na nagastos ng mga sangkot sa kanilang proyekto sa loob ng tatlong taon at kung magkano ang tinatayang ibinulsa ng bawat isa sa mga ito.

Kung kanina ay hindi na 'ko makakilos ng maayos sa pagod at antok, ngayon ay para akong nabuhayan ng dugo na tapusin itong ginagawa ko. Mabilis na pinakuha sa 'kin ni Fyuch ang lahat ng kailangan kong data bago pa may makapansin sa ginawa niyang pagpasok sa database ng gobyerno.

"Oh god! Finally, I'm done!" Naitaas ko ang dalawang kamay ko sa sobrang saya!

Ibinagsak ko ang sarili ko sa mahabang sofa at saka nag-inat ng sobrang haba. Dalawang araw akong halos na nakayuko kakasulat at parang hindi na nga maganda ang posture ng spinal cord ko!

"Bebe time na?"

Tinaasan ko ng kilay si Fyuch na nakadungaw na sa 'kin. I opened my arms wide while laughing.

"Yes, bb. Time to recharge." Natatawa siyang yumuko para buhatin ako. Agad na kumapit ako sa leeg niya saka iniyakap ang mga binti ko sa baywang niya. "Anong oras na ba, Fyuch?" tanong ko habang buhat niya 'kong parang baby.

"It's already past 8 and I'm starving," sagot niya habang lumalakad papunta sa table niya. Dahan dahan niya 'kong inilapag doon ngunit nanatili pa ring nakakapit sa kanya ang mga braso at binti ko.

I made a cute guilty look. "Hala, bb. Sana pala nauna ka nang nag-dinner sa 'kin."

Kanina pa kasi siya tanong nang tanong kung anong gusto kong kainin kaso puro mamaya na lang ang sagot ko sa kanya. Malay ko ba naman kasing late na! At saka 'di ako nakakaramdam ng gutom kanina, e. Kay Fyuch pa lang kase busog na 'ko. Chos!

He narrowed his eyes at me. "You know that I hate starving myself, right?"

Pinigilan ko ang sarili kong matawa nang maalala ko ang bwisit na bwisit niyang itsura sa tuwing nagugutom na siya. Para siyang batang sinasapian ng masamang espiritu—minsan tahimik lang na nakasimangot, pero minsan muntanga na nagta-tantrums.

"Eh, bakit mo kasi hinayaang magutom ang sarili mo? You should've told me."

"I don't wanna disturb you. You're too busy."

Walang duda na gwapo si Fyuch. Pero para sa 'kin ay isa siyang cutie cotton ball na may mukha. HAHAHAHA. Ewan, basta gano'n ko siya naiimagine. Kaya kahit wala ako sa mood, kapag tinignan ko na siya natatawa na agad ako.

"You know what? Minsan, napapa-thank you Lord na lang ako at ikaw ang boyfriend ko ngayon. Sa dami ng stress ko sa buhay, nakakaya kong alisin lahat 'yon sa isip ko kapag nakikita kita. You're my happy pill, bb."

Pinanggigilan ko sa mga kamay ko ang mukha niya. Hindi naman siya umangal at hinayaan lang akong lapastanganin siya.

"It's because God knows that you deserve someone who would make you feel better, someone cute, and someone who's way more handsome than your ex. You deserve me," he answered in a very cute way while being squeezed.

"Alam mo? Gutom ka na nga. Can you still drive? Give me your keys." Inilahad ko ang palad ko sa harap niya. Bilang pambawi sa panggugutom ko sa kanya, ako na lang ang magda-drive papunta kung saan may pagkain.

I was waiting for him to give me his car keys, but what I got on my palm was the warm touch of his lips.

Damn.

"Fyuch, keys as in susi. Hindi kiss."

He innocently looked at me.

"Ah... hindi ba?" Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi at naglaro ang mga nakakalokong ngiti.

"Yeah... but what you just gave was acceptable too," I playfully answered. Di naman ako magsisinungaling sa bagay na 'yon.

"Acceptable to what?" he still tried to make himself look innocent. Nabuhay tuloy ang kalandian ko sa katawan imbes na nahihimbing na sana ito.

I smirked. "To fill your hunger, I guess?"

Pinakatitigan ko ang kanyang mga mata na marahang tumitig sa mga mata ko. Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita ko ang ginawa niyang pagbasa sa kanyang labi. Pinagmasdan ko ang mga ito na unti unting lumalapit sa labi ko.

Napakapit ako ng mahigpit sa magkabilang gilid ng kanyang suit nang maramdaman ko na ang paglapat ng aming mga labi. Unang dampi pa lamang nito ay para na akong nawala sa sarili ko. Dinala niya ang kanyang kamay sa batok ko habang ang isa ay nanatili sa balikat ko.

Naramdaman ko ang marahang pagbaba ng mga kamay niya sa braso ko hanggang sa huminto ang mga ito sa baywang ko. But his hands didn't just stopped there. I gasped when I felt him softly caressing my waist.

I wrapped my arms around his neck and this time, I was the one who drew him closer.

"Damn," he murmured.

"What?" I asked.

He crashed his lips deeper into mine, kissing me like we didn't just kiss earlier. We were already busy exploring each other's mouth when we suddenly heard a knock on the door. We immediately pulled out and I unconsciously rolled my eyes.

Grabe namang panira 'to oh.

"Son? Are you still there?"

Ay shocks joke lang' yun.

Nagpanic ako ng slight. "Fyuch, maayos ba itsura ko?" natataranta ang mga kamay kong inayos ang buhok ko at hinawakan ang labi ko. "Di naman ako mukhang nakipag-makeout?"

He smiled as he ran his thumb on my lower lip.

"Di naman. But Dad will definitely guess that we just did once he saw you here."

"Aish!" Pinalo ko ang kamay niya at agad akong bumaba mula sa lamesa.

Tumakbo ako pabalik sa mini sala. Kunwaring nagbalik ako sa pagtatrabaho at lumakad naman si Fyuch para buksan ang pinto.

"What took you so—" salubong agad sa kanya ni Tito Daryl ngunit hindi naman nito natapos ang sasabihin.

Napatampal na lang ako sa aking noo. Huminga ako ng malalim bago dahan dahang humarap sa kanila with my medyo gulat na itsura.

"Oh, Tito Daryl!" Madali akong tumakbo sa hamba ng pinto. Ang plastik ko shet. Muntik pa 'kong matalisod buti na lang nahawakan ni Fyuch ang likod ng damit ko. "G-good evening po! Ginabi po yata kayo?"

May dala yatang invisible aircon 'tong si Daddy Fyuch at sa tuwing lalapit ito sa 'kin e parang nilalamig ako bigla.

"My meeting just ended. Ginabi rin yata kayo?"

Ay shocks bakit niya binalik sa 'kin 'yung tanong! Saktong bubuka pa lang sana ang bibig ko para sumagot nang mapahinto ako at mapatingin sa likod ni Tito.

"Hubby, nand'yan pa si Tam Tam?" sigaw ng paparating na si Tita Yuka na busy sa hawak na cellphone. Tutok na tutok ito roon na hindi man lang magawang tignan kami.

"See it yourself, wife. At pwede bang bitawan mo muna 'yang cellphone mo?"

"Ihh! Manong sabihin mo na lang sa 'kin kung nand'yan ba o wala! Madededs pa 'ko—ayan na nga ba sinasabi ko! Na-dead na 'ko! Wala na pa naman akong extra life!" Napangiwi ako nang hampasin nito nang malakas si Tito Daryl sa braso. Iyong badtrip nitong itsura ay agad na napalitan ng malapad na ngiti nang makita ako. "Omg, Portia! Nand'yan ka pala!"

"G-good evening, Tita. Ano po kase may ano ahm ginagawa pa po kami kaya hindi namin namalayan ang oras."

Nanlaki bigla ang mga mata nito kaya kinabahan ako.

"Kayo ha. Anong ginagawa n'yo?" Makahulugang tanong nito.

Napakurap kurap ako at kabadong binasa ang labi ko. "T-trabaho po. M-may mga legal terms po kasi akong hindi ma-gets sa sinusulat ko kaya po tinutulungan po ako ni Sam." Tinuro ko pa ang mga nagkalat kong gamit sa mini sala.

Napatango tango si Tita. "Ahhh. Alam mo, I feel you. Madalas hindi ko rin maintindihan both—legal and illegal terms."

"Pffttt..." Agad na tinakpan ko ang bibig ko. Muntik magdugo ang ibabang labi ko nang kagatin ko ito ng mariin para lang hindi ako matawa.

Bakit ba kasi ang funny ni Tita Yuka! Huhu.

"Wife, let's leave them."

Mabilis na tumango si Tita. "Sige sige para matapos na sila sa ginagawa nila. Naistorbo ba namin kayo?"

"Mom."

"Ito naman joke lang."

"You're too obvious, mom. You know?"

"Sus guilty ka lang, e. Joke." Nag peace sign pa ito.

"Let's go, Coleen. Stop making fun of your children." Pinalibot ni Tito Daryl ang braso nito sa baywang ni Tita Yuka and I couldn't help but admire them more.

"Anak, 'yung polo mo nakabukas pa." Sabay nanlaki ang mga mata namin ni Fyuch at napatingin sa suot niya. Kunot noo kaming nagkatinginan dahil maayos naman ang pagkakabutones ng polo niya. "Joke lang ulit uy. Hahahaha. Tara na, Hubby!"

Iniwan kami ng mga ito na parehong may nakaawang na mga labi. Umalis ang mga ito nang tumatawa.

Grabe naman lakas ng trip ni Tita!

Natatawa na lang din kaming sumunod na umalis ni Fyuch at nag-dinner muna bago umuwi.

Kinabukasan paggising ko ay hindi agad ako nagbukas ng cellphone. Hindi rin ako nanood ng TV at mas lalong hindi ako nagtanong ng balita kay Fyuch. Kinakabahan ako na na-e-excite kaya para akong matatae kanina pa pagkagising ko! Pero pinigilan ko talaga ang sarili ko na mag-check online habang hindi pa 'ko nakakarating sa opisina.

"I'll pick you up at 6. Wag kang lalabas nang hindi ako tumatawag sa 'yo," bilin niya at kinuha ang backpack ko sa backseat.

"Yes, bb. Sige na alis na 'ko!" sagot ko pagkaabot niya sa 'kin nito.

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng kotse niya dahil hindi na ako makapaghintay na makita ang resulta ng nilabas kong breaking news. Nasa papaakyat na akong elevator nang maalalang hindi ko man pala binigyan ng goodbye kiss si Fyuch! Ay shocks kaya naman pala nanghihina ako. Ugh.

Mula sa pagpasok ko pa lang kanina sa building ay kita ko na ang pagiging abala ng bawat makasalubong ko sa kani-kanilang mga cellphone. Ganoon din ang mga nakasabay ko sa elevator ngunit nang silipin ko ang binabasa at pinapanood ng mga ito, awtomatikong tumaas agad ang sulok ng labi ko.

"Whooo! Portia lang malakas! Congrats sa napakaaga mong breaking news!!"

"Gosh number 1 search sa lahat ng SNS 'yung sinulat mo, girl!"

"Tangina napakaraming related articles na agad ang lumabas! Ikaw na, Portia! Boss Leila, tignan mo!"

Hindi ko pa man nagawang makarating sa work station ko at icheck mismo ang tunay na nangyayari ay panay na ang mga pagbating natanggap ko. Sinalubong agad ako ng mga boss ko at tuwang tuwa na niyakap ako.

"You nailed it, Portia. Hindi kami nagkamali ni Boss Amara na i-assign sa 'yo ang issue na 'yan," ani Boss Leila.

Nakangiti akong tumingin kay Boss Amara na naka-crossed arms habang nakasandal sa lamesa na nasa likuran at matamang nakatitig sa 'kin. "But, know that there would still be a lot of follow up stories on that, so you should not lose focus, Portia."

I smiled. "Yes, Boss Amara."

Tinapik ako nito sa braso. "Congrats on your breaking news."

My name is now all over the internet too. Kung akala ninyo ay iyong mga stars lang na kongresista sa isinulat ko ang sikat ngayon, maging ako ay hindi nakaligtas. Some were able to gather photos of me at maging iyong mga naisulat ko na before ay talagang pinagsama sama rin nila. Mabuti na lang at wala silang nakuhang personal na impormasyon ko maliban lang sa educational background ko at trabaho bilang journalist.

Naniniwala na ako ngayon na napakarami talagang oras ng mga tao pagdating sa buhay ng iba.

All the lines inside our office were burning from phone calls. Walang tigil ang mga tumatawag tungkol sa balitang isinulat ko. Maging ang mga social media accounts ko ay inuulan na rin ng mga bagong followers. Some were happy with what I spilled, but some were not. May mga nagsasabing pulitika lang daw ang lahat dahil karamihan sa mga sangkot ay kalaban ng isang malakas na partido.

Napatalon ako sa kinauupuan ko sa pagtunog ng cellphone ko. Nasobrahan yata ako sa pag-iisip at lumutang na ang utak ko! Wala sa sarili kong sinagot ito nang hindi tinignan kung sino ang tumatawag.

"Hello?"

[Portia.]

"May I know who's speaking, please?" Inipit ko sa pagitan ng tenga at balikat ko ang cellphone upang malaya pa rin akong makapagtipa sa 'king laptop.

[This is your Tito Clarence.]

Napahinto ako sa ginagawa ko at napaayos bigla ng upo.

"Tito Clarence...napatawag po kayo?"

[I just want to personally invite you to a dinner tonight. Can you come?]

Dinner? Bakit niya 'ko aayaing mag-dinner? Simula noong mag-away kami ni Dad, kinalimutan ko na rin ang kung ano mang ginawa nitong pakikipagkasundo sa 'kin sa mga Dela Vega.

Kaya bakit ako nito tinatawagan ngayon?

Napahilot ako ng ulo ko habang nag-iisip kung dapat ba akong pumayag o hindi.

"Sige po. Tito. Just send me the address po."

[Great! No need to send it, Hija. My son will be there to pick you up at 6pm. See you."

Ha? Pick up? Sundo? Susunduin ako ni Easton?

"Teka wait—" Napahilamos na lang ako ng palad ko sa mukha nang putulin na nito ang tawag. Hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon bawiin ang sinabi ko!

Paulit ulit na inuntog ko ang ulo ko sa lamesa. Ano na naman ba 'tong pinasok mo, Portia!

Alam kaya nilang tinakwil na 'ko ni Daddy kaya hindi na matutuloy 'yung plano nila sa amin ni Easton? Hindi naman siguro hahayaan ni Dad na umasa pa ang mga itong papayag ako pagkatapos ng nangyari? Pero maganda siguro kung personal ko na lang na lilinawin 'to kina Tito Clarence at Tita Estella.

Tama gano'n na nga. Mabuti na rin sigurong pumayag ako sa dinner na 'to.

Tinawagan ko agad si Fyuch para sabihan siyang 'wag na 'kong sunduin mamaya.

[Saan ka pupunta?]

I bit my lower lip.

"Senator Dela Vega wanted to see me."

[And why does your ex's father would want to see you?]

Shocks. Para akong ini-interrogate ni Attorney.

"I-I don't know, but I think this is a good chance for me to talk to them. Tingin mo?"

He didn't say anything. Tahimik lang siya sa kabilang linya kaya para akong maloloka kung paano ko ba dapat ito ipaliliwanag ng maayos.

"Ayaw mo ba 'kong tumuloy? I can call Tito Clarence—"

[It's okay. Saan kayo magkikita? Let me just send you there.]

Napamura na lang ako sa isipan ko. Fuck.

"E-Easton will pick me up," I almost whispered.

[Ah. Okay.]

"Fyuch?"

[Hmm?]

"Okay lang talaga sa 'yo?"

[Yeah, it's okay. As long as you always come back to me.]

I smiled. "I will, always. I promise."

[I love you so much, baby. Know that I've always got your back.]

My heart melt.

"I know. I love you more, Fyuch."

Nabawasan ang kaba at pag-iisip ko pagkatapos ko siyang makausap. Wala naman dapat akong ikabahala sa pakikipagkita sa kanila. Kukumpirmahin ko lang sa kanila na hindi na matutuloy ang ano mang napagkasunduan noon at pagkatapos ay malaya na 'ko gawin ang gusto ko.

Malaya na 'kong mahalin si Sam nang hindi nababahalang darating ang araw na matatapos ang magandang panaginip kong ito.

From: Easton

//Babe, I'm here.//

To Easton

//Alright, I'm coming down. And please stop calling me that.//

Napairap ako kahit na hindi naman niya nakikita. Ang kulit kulit kasi! Ilang beses ko na siyang sinabihan pero sige pa rin siya sa pagtawag sa 'kin ng babe. Pinagmumukha tuloy niya 'kong two-timer. Amp.

"Anong meron at may pa-dinner?" tanong ko agad pagsakay ko sa kotse niya.

"Not sure. Maybe to talk about our marriage."

My jaw automatically clenched. "Not funny, Easton. Dahil walang kasal na magaganap."

I immediately looked out of the window to avoid any more conversation with him. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago nagsimulang magmaneho.

We pulled over in front of a Classic Asian Restaurant. I quickly got out of the car before he could open the door for me. He shook his head, mouth twisting into a shadow of smile as he gave his keys to the valet and we made our way inside.

Binati kami ng mga staff na agad sumalubong sa amin nang makita kami. Nasa anim ang mga ito na sabay sabay humilera sa aming harapan. Mayroon din kaming ilang kasabay ngunit hindi naman kasing dami nitong mga dumalo sa amin yung tumungo sa kanila.

Taray, my favoritism yata dito.

May mga private rooms pala rito for their VVIP members at doon kami dinala ng mga ito. Nagpauna sa amin ang isang lalakeng staff upang pagbuksan kami ng pinto. Pagpasok namin sa loob, nawala ang ngiting inihanda ko para batiin si Tito Clarence nang makita ang mga kasama nito sa loob.

"Nandito na pala sila," anito sa mga kasama na nakangiting bumaling sa amin ni Easton.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko magawang suklian ang mga ngiti ng mga ito sa 'kin.

Ano't bakit narito ang mga kasamahan nito sa senado? Ang mga kasamahan nitong siyang pinaghihinalaang pinapanigan ko dahil sa inilabas kong balita.

"I couldn't believe that this young lady standing in front of us now was the one who just made the whole country alive this morning."

Nagtawanan ang mga ito sa tila isang biro na sinabi ng isang may edad ng senador. Paano nila nagagawang tumawa samantalang ako'y hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko!

Kabadong napalunok ako.

"Everyone, I'd like to introduce to you my future daughter-in-law—Portia Deanna Martin. Soon to be Mrs. Dela Vega."

Nagpalakpakan ang mga ito samantalang nanuyo naman ang lalamunan ko sa sinambit nito. Did he just introduce me as his future daughter-in-law? In front of all this politicians?

Oh God. I think I suddenly forgot how to breathe.

"She's such a fine lady, Clarence." Pinasadahan ako nito nang tingin na animo'y kinikilatis nang mabuti.

"A brave and smart girl, indeed. Nababagay talaga siya sa 'yong unico hijo," anang isa pa. "Congratulations, Easton."

"Thanks, everyone."

Kung hindi ko pa naramdaman ang braso ni Easton na yumakap sa baywang ko ay baka hanggang ngayon nananatili pa rin akong tulala sa kinatatayuan ko. Iginiya ako nito patungo sa malaking pabilog na lamesa na pinalilibutan ng mga taong may matataas na posisyon sa gobyerno.

There were Mayors, Congressmen, and Senators around us. But what is more suprising is the columnist who's also with us right now. Isa isa akong pinakilala sa kanila ni Tito Clarence. Pakiramdam ko ay ginagago ako ngayon ng tadhana.

"Will you please stop taking photos of me?" kalmadong wika ko sa kolumnistang kahit nakapikit ako'y kilalang kilala ko. Maliit lang ang mundo ng media para hindi namin makilala ang isa't isa.

"As you wish, Ms. Martin," anito bago lumipat ng anggulo para kuhanan ang iba pa.

Tangina talaga.

Tahimik ako buong dinner. Kung may itatanong ang mga ito ay doon lamang ako sumasagot. Hindi ko magawang makipagsabayan sa mga halakhakan nila dahil kung pwede lang na layasan ko na sila ngayon ay baka ginawa ko na. Ngunit ayokong mapahiya si Tito Clarence lalo't isa itong respetadong tao na tinitingala ng mga ito.

"Why didn't you tell me we're meeting those politicians? At bakit nando'n 'yung Owen na 'yon?" gigil na tanong ko kay Easton pagkalabas namin ng restaurant. Ang masaklap pa ay 'yung manyak na kolumnistang nakilala ko noon sa bar ang naroon kanina!

"Hindi ko rin alam. Akala ko sila lang ni Mommy ang kasama natin."

"Jusko bakti hindi mo naman muna inalam, Easton!" Napahawak ako sa ulo sa sorang inis.

"Sorry, babe."

"Isa pang babe mo sisipain na kita."

"Okay, bi." Nang-aasar pa na anito bago tinungo ang valet para kunin ang sasakyan.

Inis akong nakahalukipkip sa gilid nang mahagip ng mga mata ko ang Owen na 'yon na papalabas ng resto. Abala ito sa pagtingin sa kanyang camera. Mukhang chinecheck ang mga kuha nito sa loob kanina.

Punyeta, 'di ko akalain na magiging tinik ko sa lalamunan balang araw 'tong epal na manyak na 'to! Hindi ako nagdalawang isip na lapitan ito.

"Give me that camera."

Napahinto ito at napatingin sa 'kin. He still have this messy hairstyle that's making him look like a complete asshole.

Nginisian ako nito. "How are you, Portia? Ang galing ng nilabas mo kanina. Everybody in the field were talking about how daring you are. I didn't know you can still be so sexy just by writing stories."

"Wag mong ibahin ang usapan. Burahin mo ang mga kuha mo sa 'kin kanina."

Binigyan ako nito ng makahulugang mga tingin. Tinitigan nito ang hawak na camera. "Hmm. A journalist who's confronting her fellow journalist to throw a good scoop."

Kumuyom nang mahigpit ang mga kamao ko.

"I get your point, okay? But what you just witnessed was not true."

"There's no point in denying it, Portia. But what's interesting here is that the journalist who just broke the issue of pork barrel scam, is the future daughter-in-law of Senate President Dela Vega. Ang pinakamalaking kalaban lang naman ng mga tinira mong kongresista." Naglaro ang tuwa sa mga mata nito.

"I wrote it with all fairness, Owen. Wala akong pinanigan na kahit sino. Actually you can verify it yourself. Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo magawang i-distinguish ang facts sa fake." The smile on his face gradually disappeared. Agad na kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para agawin ang camera nitong hawak. "Alam kong magandang scoop 'to para sa mga mahihilig sa chismis na katulad mo. Pero pwede ba? Wag mong tabunan ng intriga ang isyu ng bayan. Put a little decency on your work."

Hindi naman ako gano'n ka-walang puso para i-delete all lahat ng laman ng camera niya. Pinili ko lang 'yung mga may mukha ko.

"Is there something wrong here?" Napatingin kami kay Easton na nasa gilid na pala namin.

I smiled. "Wala naman. I just properly greeted my colleague," sabi ko bago ibinalik sa kamay ni Owen ang kanyang camera. Naaninag ko ang panggigigil sa mga mata nito kahit na nakangiti itong humarap kay Easton.

And to completely piss him off, kinawayan ko pa ito pagtalikod namin.

"Easton," tawag ko at napahinto ito sa pagbuhay sa makina ng sasakyan. Diretso akong tumingin sa harapan. "I wanna talk to Tito Clarence. I'll tell your parents na walang kasal na magaganap. Ayokong umasa sila sa wala."

"I still love you, Portia. Can't we give it another try?"

"We can't," mabilis na sagot ko. "Because I don't love you anymore."

Natawa siya ng bahagya. "You're still too straightforward."

"I already have a boyfriend, Easton. Mahal ko si Sam at wala akong planong saktan siya kaya please, tama na. Pakawalan mo na 'ko," nagsusumamong pakiusap ko.

Napabuga ito ng hangin at isinandal ang ulo sa headrest ng kanyang upuan. Hindi ko naman gustong saktan siya. Gusto ko lang na maintindihan niya na may mga bagay na hindi na pwedeng ipilit pa.

Tahimik itong hinatid ako pauwi. Nagpapasalamat na lang din ako na hindi na ito nagsalita pa dahil baka kung saan na naman mapunta ang pag-uusap namin. Kahit hindi naman kalayuan ang pinanggalingan namin ay pakiramdam ko ang tagal tagal bago kami makarating.

Nang huminto na siya sa tapat ng condo, agad na binuksan ko ang pinto at bumaba.

"Portia, wait."

Napatigil ako at nilingon ito. "Yes?"

Humakbang ito palapit sa kinatatayuan ko.

"Sorry kung nasasaktan ka na sa ginagawa ko. I just want to protect you from everything. And even if you already love someone else, I'll continue protecting you no matter how much pain befalls me."

I suddenly felt sorry for him.

"Wag... 'wag mong gawin 'to sa sarili mo. You deserve better than this."

Nasasaktan akong makita ang lalakeng minahal ko noon na nasasaktan ngayon nang dahil sa 'kin. I never wanted to cause him pain. Kahit hindi nito alam, dalangin ko palagi na mahanap nito ang tamang babae para sa kanya.

I smiled a little when I saw him close to tears. Nilapitan ko ito at natatawang ginulo ang buhok.

"Mukha kang ewan. Wag mo namang ipangalandakan na patay na patay ka pa rin sa 'kin hanggang ngayon," biro ko para mabawasan ang bigat ng pakiramdam namin pareho.

"Totoo naman, e. Akin ka na lang ulit, please?" he said, begging.

How ironic na iyon din ang eksaktong sinabi ko sa kanya noon. Kaya gusto ko mang tawanan ito ay hindi ko magawa. Dahil alam ko ang pakiramdam kung gaano kahirap pilitin ang sarili na pakawalan ang taong mahal mo.

Yumuko ito at hinawakan ang dalawang kamay ko. At akmang babawiin ko ang mga ito sa kanya, ibang kamay ang humigit sa braso ko at inilayo ako kay Easton.

"F-Fyuch..." Kumalabog nang malakas ang dibdib ko nang makita ko ang matalim na titig niya kay Easton.

Nakasuot siya ng hoody at may dalang plastic bag na mula sa convenience store sa baba. May laman itong mga lata ng beer pero ilan sa mga iyon ay nakayupi na at wala ng laman. Shit. Kanina pa ba niya 'ko hinihintay dumating?

Nag-panic ako ngunit mas lalo akong nataranta nang makita ang kanyang mga kamao na tila handa nang dumapo sa mukha ni Easton. Agad na hinawakan ko ang mga iyon.

"F-Fyuch, kalma," kabadong sambit ko. Nanlalamig na rin ang mga kamay ko sa nerbyos dahil baka bigla na lang silang magsuntukan sa harapan ko. Tinapunan lang din niya 'ko ng isang masamang tingin.

"I am a jealous person, baby. I hate it when someone holds what's mine."

"You're referring to my fiancé, Atty. Smith," ani Easton.

"Your fiancé..." may pang-uuyam na pag-uulit ni Fyuch. Bumaling siya sa 'kin. "Is he your fiancé?" Mabilis akong umiling. Tumaas ang isang sulok ng labi niya at ibinalik ang tingin kay Easton. "She said she's not your fiancé. Meaning your statement is invalid, Mr. Dela Vega. Do you have more evidences to support your claim? What reason can you give me to believe that?"

Umawang ang labi ko.

At bago pa makasagot si Easton ay hinatak ko na si Fyuch. "Tara na umuwi na tayo."

Kahit hirap na hirap ako sa paghatak sa kanya dahil ang bigat niya ay pinilit kong mailayo na siya roon. Jusko para akong nagpipinitensya sa paghatak sa kanya dahil sinasadya pa niyang magpabigat!

Humahangos akong napahawak sa tapat ng dibdib ko pagdating namin sa unit. At ang mabait kong boyfriend ay dire-diretsong pumasok sa kwarto niya at aba! Nag-lock pa ng pinto!

"Galit ka?!" sigaw ko. Bigla na lang hindi namamansin, e. "Hoy!" ulit ko pa nang hindi siya sumasagot. "Fyuch naman!"

Ilang ulit ko pa siyang tinawag pero parang wala talaga siyang naririnig. Napairap na lang ako at padabog na pumasok sa kwarto ko. Inis akong dumiretso sa CR.

Ililigo ko na lang 'tong lahat ng kamalasan ko ngayong araw! Bahala siya kung ayaw niya 'kong kausapin.

Nag-play ako ng music habang nakababad sa bathtub. Pampaganda ng mood. Masyado akong na-stress sa araw na 'to at kailangan kong mag-relax.

Pinlay ko ulit iyong Falling in Love ng Six Part Convention para mawala 'yung badtrip ko kay Fyuch. At saka para maalala ko na lang 'yung kilig moment namin sa resort nila sa Bulacan. Hihi.

I closed my eyes while listening to it. Sobrang nakaka-relax 'yung scent ng paligid tapos nag-rereminisce pa 'ko ng magagandang alaala. Para tuloy akong tanga na nangingiti mag-isa. Nakakainis lang na ang rupok rupok ko! Huhu.

Kung bakit napakahirap naman kasing magpakatatag pagdating kay Attorney!

Nang matapos na ang kanta ay dahan-dahan akong nagmulat. Ngunit agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang nakaupo na sa gilid ng bathtub ko!

Hala naliligo ako, eh!

"F-Fyuch..." tangina nanginginig 'yung boses ko.

Nakatungo lang siya. "I really mean it when I said I'm a jealous person," seryosong aniya nang nakatingin sa kawalan.

Napalunok ako nang bumaling sa 'kin ang mga mata niya. Bumigat ang bawat paghinga ko nang pasadahan niya ng tingin ang mga bula na tumatakip sa hubad kong katawan.

Yung puso ko lumabas na yata sa sobrang kaba!

"S-sorry...hindi na mauulit 'yung... nakita mo." Hirap na hirap akong matapos yung sasabihin ko!

He kept his eyes glued to mine. "I'm so jealous that he's claiming you as his fiancé while you are just my girlfriend. I hate it even though I know you don't acknowledge it.

Dahan-dahang dinala niya ang kamay sa pisngi ko. He ran his thumb over my lower lip, sending shivers through my body.

"F-Fyuch, pangako hindi—"

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapapikit ako dahil sa pag-apaw ng tubig sa bathtub. He quickly threw his shirt on the floor before he crashed his lips on mine. Mariin kong tinanggap ang mararahas niyang paghalik at kusang pumulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg.

Humiwalay siya sandali sa 'kin at nagmamadaling hinubad ang suot na pants. Hindi mapopreso ng utak ko ang nangyayari pero nawala na iyon sa isipan ko nang muli niya akong paliguan ng halik.

Bumaba ang kanyang mga labi sa leeg ko.

"F-Fyuch...uhh..." Hindi ko napigilan ang kamay kong masabunot ang kanyang buhok.

Naramdaman ko ang mga braso niya sa baywang ko nang pagpalitin niya ang aming posisyon. Halos magdikit na ang aming mga katawan nang hapitin niya ako paibabaw sa kanya.

Tila mas lalong uminit iyong maligamgam ko lamang na tubig kanina.

"Hindi ko alam... na.... ganito ka pala....katinding mag-selos, Fyuch," sabi ko sa pagitan ng aking paghangos.

Huminto siya sa paghalik upang tignan ako ng diretso sa mata.

"Portia..." aniya. Nakaawang ang kanyang mga labi dahil din sa paghahabol ng hininga.

"Still jealous?" I asked. He nodded, so I cupped his face and gently placed a peck on his parted lips. "Tell me what I should do to get rid of that jealousy, baby."

Sinimulan kong haplusin ang kanyang balikat... pababa sa kanyang dibdib. Inabot ko ang kanyang palapulsuan at inahon ito mula sa tubig upang pagsiklupin sana ang aming mga kamay. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang sundan ko ng tingin iyong nahulog mula sa kamay niya.

Tulala akong napatitig sa dalawang singsing na nakasabit sa necklace chain na hawak niya.

"I'd give up anything just to hear a yes from you, baby. Marry me, please?"

***

Angel's note: yung mga feeling si Portia diyan, sagot! HAHAHA. Kabanata 34-43 are now available in Patreon. :)

Follow me on Twitter @missflorendo and use our hashtag #GMM for me to see your messages. Thank you!

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4K 167 76
This is my compilation of my one shot stories! Hope you'll like it. Thank you. Year 2018 pa ito kaya super daming typo, kajejehan and grammatical err...
534K 16.5K 74
Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan. He broke up with her over the phone with no reason and when he came back into sight...