Z: Back To Life

By DomskieAmare

143K 9.5K 1.1K

[COMPLETED] [UNDER REVISION] Pangyayaring hindi INAASAHAN Patay na nabuhay na hindi ka TATANTANAN Na tila nak... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
AUTHOR'S NOTE
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57

EPILOGUE

3.9K 174 35
By DomskieAmare

ZINNEA'S POV

"Ako na diyan Zin."- Wala akong nagawa ng agawin ni Erah mula sa kamay ko ang mga pinggan na hugasin.

"Ah sige, tutulong nalang ako sa pag haharvest."- Sabi ko, akma na sana akong aalis sa kusina ng pigilan niya ako sa braso pag kalapag niya ng mga pinggan sa lababo.

"Bakit?"-

"Mag pahinga ka nalang muna Zin, kami ang mayayari kay Zethro kapag nalaman niyang napagod ka ngayong araw."- Kakamot kamot niya pang sinabi.

"Malakas na ako, huwag kayong mag alala."- Nakangiti kong wika tsaka binawi ang braso ko tsaka siya tinalikuran at nag lakad palayo.

"Huwag mo lang papagurin ang sarili mo!"- Rinig kong pahabol niyang wika ng makalabas ako ng kusina.

"Saan punta mo?"- Tanong ni Bekka na nakasalubong ko.

"Sa garden tutulong lang mag harvest."- Sabi ko na mabilis niyang inilingan.

"Yari kami kay Zethro kapag nalaman niyang napagod ka."- Napairap ako sa isip isip ko dahil parehas sila ng sinabi ni Erah.

"Hindi, kaya ko na."- Sabi ko pero tila hindi pa siya nakumbinsi.

"Magpahinga ka nalang muna Zin, hindi pa bumabalik ang lakas mo. Namumutla ka pa nga."- Biglang sulpot na wika ni Haruka habang may hawak na basket ng punong puno ng mga gulay.

Wala na akong nagawa na marahang tumango at tinungo ang single couch na nasa labas ng pinto ng mansyon at naupo habang pinag mamasdan mula rito ang mga nag babantay sa mga ginawang tower para bumaril ng mga 'zombies' na nasa labas.

Napahawak ako sa tiyan ko kung nasaan ang sugat ng pag kakabaril sakin kasabay ng pag tulo ng luha ko, hindi dahil sa nakaramdam ako ng hapdi, dahil parang pinipiga ang puso ko habang binabalikan ang lahat ng pangyayari, parang ngayon lang ako natauhan, parang ngayon lang ulit ako nakaramdam ng sakit, parang ngayon ko lang ulit namiss ang buong pamilya ko, parang ngayon lang tumatak sa isip ko lahat. Pinunasan ko ang luha ko tsaka mabigat na bumuntong hininga.

Dalawang linggo akong nawalan ng malay sabi nila dulot ng pagkakabaril sakin, at kaninang umaga lang ako nagising. Gumising akong wala sila Zethro, Xenon at Kisha, sumama daw kasi sila sa food run.

Yung tungkol din pala sa bomba na itinanim dito ni Tandang Zox sa mansyon ay nadifused na pala iyon ni Jax bago pa kami tumungo sa lugar ng mga Aelox, iyon siguro yung huling sumakay ng van si Jax.

May parte sa dibdib kong nanghihinayang dahil hindi ko manlang naiganti ang pamilya ko sa kawalang hiyaang ginawa nila, pero ayos na siguro yon na hindi na ulit nadungisan ang mga kamay ko, karma na nila na mismong kamag anak nila ang tumapos sa kanila, hindi pa pala ako nagpapasalamat kay Micka dahil sa ginawa niya. Si Micka pala ang tinutukoy ni Ace na girlfriend niya, nabanggit nila sakin na ilang araw bago bumalik si Micka sa sarili dahil sa ginawa niya sa mga uncle niya.

Muli nanamang nanikip ang dibdib ko ng matanaw ko si Eunice hindi kalayuan na may kasamang dalawang batang edad tatlo at lima na mga anak ng isa sa kasama namin dito sa mansyon, malaki ang ngiti niyang sinusuklay ng mga daliri niya ang buhok ng batang babae, ngunit bakas sa mga mata niya ang lungkot. Nakunan siya ng mga oras na paalis na kami sa lugar na iyon, kahit hindi ako siya ay nararamdaman ko ang sakit na naging dulot ng pag kawala ng baby niya sa sinapupunan niya, at alam kong masakit rin iyon para kay Xenon dahil kita ko sa mga mata at ngiti niya na magiging isa siyang mabuting ama, pero sa isang iglap ay biglang nagbago, sa isang iglap ay nawala ang isang anghel na biyaya sa kanila.

"Ate Zi."- Mabilis akong lumingon kay Rezza na nakangiting nakatingin sakin habang hawak niya sa kamay ang kapatid na lalaki ni Jayson at si Cyril.

"Pwede bang turuan ko silang bumaril?"- Nakangiti niyang tanong habang tataas baba ang kilay, napatingin naman ako sa dalawang bata na parehas na nakangiti na parang gustong gusto talaga nilang turuan sila.

"Sige, mag iingat lang kayo."- Napatalon silang tatlo sa tuwa dahil sa pag sang ayon ko.

"Salamat po!"

"Salamat Ate Zi! Tara na!"- Tsaka sila masayang umalis at nag unahang bumaba ng hagdan.

Mapait akong napangiti at napayuko ng biglang pumasok sa isip ko ang mga kapatid ko, si Aya at Ning kung kasama ko lang sila ngayon ay siguradong tuturuan ko din silang gumamit ng baril para pang protekta nila sa sarili, kaso wala na e. Wala na. Malabong nang mangyari.

Napaangat ako ng tingin sa pinto ng bumukas ito at iniluwal nito si Papa na parang pagod na pagod na tila galing sa matinding trabaho. Tumayo ako at lumapit sa kanya para kunin ang nakasukbit na bag sa balikat niya at inabutan siya ng towel pamunas sa tagaktak niyang pawis.

"Pa? Saan ka po ba galing? Kanina kapa hinahanap ni mama, kailangan ka daw sa Hospital."- Wika ko, kagabi lang ay isinugod sa Hospital ang kapatid kong si Ning dahil sa sakit niya sa puso, ayaw akong papuntahin nila Mama sa Hospital kahit na mag bantay kay Ning, dahilan ay walang makakasama si Aya sa bahay kapag sabay sabay kaming nag bantay doon.

"Nag dilehensya lang ako ng ipapang opera kay Ning . O siya pupunta na akong Hospital."

"Kumain ka muna Pa, kararating mo lang."- Pigil ko kay Papa pero hindi ko na siya napigilan pa dahil nag dirediretso lamang ito palabas ng pinto.

Mabigat akong bumuntong hininga habang titig parin sa pintong pinag labasan ni Papa, bakit parang may nararamdaman akong may mali?

At nakumpirma ko nga ang kutob kong may mali ng isang gabi ay marinig ko sina Mama at Papa na palihim na nag aaway sa kwarto nila, isasawalang bahala ko na sana ang kung ano mang pinag tatalunan nila ngunit narinig ko ang salitang 'sindikato' kaya naman kahit  na masamang makinig sa usapan ng iba ay lumapit parin ako sa pinto nila, inilapat ko ang tainga ko sa pinto para mas mapakinggan pa ang usapan nila.

"Bakit mo kasi ginawa iyon Zaner?! Hindi ka nag iisip! Alam mo ba ang pwedeng kahinantnan ng ginawa mo ha?!"- Mahina at galit na sigaw ni Mama sapat lang para silang dalawa lang ni Papa ang nakakarinig.

"Iyon lang ang alam ko para may ipaopera sa anak natin, Huwag kang mag alala gagawan ko ng paraan para makabayad sa kanila."- Wika ni Papa gamit ang kalmado niyang boses.

"Ayusin mo lang Zaner, Ayusin mo lang talaga."- Mabilis akong umalis sa pinto ng marinig ang yapak ni Mama na palabas ng kwarto, saktong pag pasok ko sa kwarto namin ang siya namang pag bukas ng pinto ng kwarto nila Papa, saglit pa akong napatulala at prinoseso ang usapan ng mga magulang ko.

Ibig sabihin, ang ginamit na pang opera kay bunso ay galing sa sindikato, dahan dahan akong naupo sa kama at mabigat na bumuntong hininga, sobrang delikado ang ginawa ni Papa at siguradong malaking pera ang nautang niya, iyon siguro yung kahapon na tila siya pagod na pagod, hindi pwedeng sabihin na galing siya sa trabaho e bumagsak ang kumpanya na tinatrabahuan ni Papa kaya kailangang mag tanggal ng tauhan at isa siya sa mga employadong nawalan ng trabaho. Nakatulala lamang ako sa labas ng bintana bago ko napag pasyahang matulog na at tumabi kay Aya na mahimbing na natutulog.

"Ma?"- Taka kong sambit ng madatnan ko si Mama na umiiyak sa sala, ibinaba ko ang sukbit kong bagpack tsaka lumapit sa kanya.

"Ma, may problema ba?"- Tanong ko bago umupo sa tabi niya ngunit hindi manlang ako nito pinansin dahil patuloy lamang ito sa pag iyak kung kaya't takot at kaba ang umusbong sa dibdib ko. Tatlong araw na ang lumipas ng marinig ko sila Mama at Papa na nag uusap sa kwarto nila, matapos ang gabing iyon ay umalis si Papa at hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi, parang alam ko na kung ano ang dahilan kung bakit umiiyak si Mama, kahit na labag sa loob ko ay tinanong ko si Mama tungkol sa bumabagabag sa isip ko.

"Ma? May nangyari ba kay Papa?"- Mahina kong Tanong ngunit himbis na sagutin ako ay mas lalo lamang lumakas ang kanyang pag iyak, napalunok at dahang dahang lumalabo ang paningin ko dulot ng mga luhang nag babadyang lumabas sa mga mata ko at hindi ko na nga napigilan ang mga luha ko dahil sa mga sinambit niya.

"Wala n-na, patay na ang P-Papa niyo, wala na si Zaner."- Tsaka siya ulit nag pakawala ng malakas na hagulgol habang tulala naman ako at prinoproseso ang ang narinig ko mula kay Mama, napakuyom ako ng kamao at napayuko habang ramdam ko sa dibdib ko ang paninikip nito na tila ba may pumipisa ng puso ko,  hindi ko na namalayan na nag landasan na ang mga luha ko at nag pipigil nang hikbi, gusto kong sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman ko, lupaypay ang mga balikat ko habang tinatahak ang kwarto namin, para pang gustong bumigay ng mga tuhod ko dahil sa pang hihina, pag kasarado palang ng pinto ng kwarto namin ay padaosdos akong napaupo at tuluyan ko nang hinayaan na mag pakawala ng mga hikbi habang nakayakap sa mga tuhod kong ginawa kong sandalan sa mga oras na ito.

Nang mga oras na binawi sa amin si Papa ang isa mga hinding hindi ko makakalimutan, dahil nag bago ang lahat, wala na ang masayang pamilyang binuo namin, nawala ng parang bula ang lahat. Lalo na ng makita namin ang mismong bangkay ni Papa na puros tama ng bala ang tinamo, na para bang pinagsawaan siyang paulanan ng bala kaya ng mga oras ding iyon ay itinatak ko sa isip kong hindi ako titigil hanggat hindi ko manlang mabibigyan ng hustisya ang pag kamatay ni Papa.

Mas lalong gumuho ang mundo ko ng matapos mailibing si Papa at kasalukuyan paring nag papagaling si Ning sa Hospital ay may bumisitang matandang lalaki sa pamamahay namin, at ang sadya ay ako, gusto kong sigawan si Mama at sabihang napaka walang kwenta niyang ina ng napag usapan nilang ako ang ibinigay na pang bayad sa utang ni Papa, ng mga oras na iyon, parang nakalimutan ni Mama kung ano niya ako, na parang hindi niya naman ako anak para ipambayad sa utang ng basta basta, wala akong ibang naramdaman kundi sakit at galit, para akong nadaya ng sarili kong ina.

"Sige na Zox, kunin niyo na."-  Malamig na wika ni Mama sa matandang nasa harapan namin, habang titig naman ako sa kanya gamit ang hindi makapaniwalang tingin.

"M-ma ano bang pinag sasabi mo?"- Mahina kong wika ngunit hindi niya ako pinansin dahil nag dirediretso lamang ito papasok sa kusina.

"Sumama kana samin, bilang bayad sa utang ng Tatay mo."- Nakangising wika ng matanda, hinawi ko ang dalawang lalaking nag tangkang hahawakan ako sa mag kabilang braso.

"Hindi ako sasama sa inyo!"- Sigaw ko sa kanila kahit na sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko.

"Sige ganito nalang, babalik kami dito at kailangang sumama kana samin dahil kung hindi? Alam mo na ang mangyayari Zinnea, Zinnea, napaka gandang pangalan katulad mo."- Nakangiti niyang sambit tsaka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa na may nakakainsultong ngiti sa labi, kaya halos yakapin ko ang saliri ko dahil tila niya ako hinuhubaran base sa paninitig niya, lumabas na sila ng bahay ngunit hindi parin ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

"Bakit nandito kapa?"- Dahan dahan akong napalingon kay Mama na lumabas galing sa kusina habang may hawak na baso.

"Ganon ganon nalang Ma? Ipamimigay mo ako ng ganon lang? Nanay ba kita? Anong klase kang Ina?"- Walang prenong sambit ng bibig ko na may halong pait at pagkadismaya habang nakatingin sa kanya gamit ang mga matang maluha luha, napabaling ang ulo ko sa kabilang banda dahil sa malakas na pag lapat ng palad niya sa pisngi ko, ngunit hindi manlang ako nakaramdam ng sakit dahil mas masakit ang iniinda ko sa dibdib ko.

"Kapakanan lang natin ang iniisip ko Zinnea kaya huwag mokong pag salitaan ng ganyan!"- Sigaw niya habang nakaduro sa pag mumukha ko ang daliri niya.

"Pero Ma, inisip mo ba ang magiging kapakanan ko kapag nasa puder na ako ng sindikatong iyon? Bakit kailangan ako? Bakit kailangang ako ang ipambayad mo? Ma, pwede naman nating pagtrabahuan iyon."- Mahina at nag susumamo kong wika ngunit tila  bingi siya dahil kanya lamang ako tinalikuran.

"Kahit mag trabaho kapa sa buong buhay mo hindi ka makakabuo ng limang milyon Zinnea, kaya makinig ka nalang sakin."- Sambit niya bago ako tuluyang iniwan na may nag babadyang luha sa mga mata ko.

Simula ng araw na iyon ay lumayo ang loob ko sa Mama ko, lumayo na rin ang loob ko sa mga taong nasa paligid ko, parang nag iba ang pagkatao ko dahil kahit mismo sarili ko ay hindi ko na makilala. Hanggang isang araw ay halos isumpa ko ang sarili ko sa katangahang ginawa ko, dahil sa paninilim ng paningin ko ng makita ang anak ng leader ng sindikatong pumatay sa Papa ko ay hindi ako nag dalawang isip na gamitin siya para sa hustisyang gusto kong matamo para kay Papa.

Sa murang edad na disisais ay nakapatay ako ng tao, sa murang edad ay nadungisan ang mga kamay ko na kahit mismo sarili ko ay halos gusto ko nang isumpa, pero may parte sa dibdib kong ang saya, ang saya pumatay lalo na kung para sa taong mahal mong pinagkait sayo, hindi ako nag sisi, hindi ako natakot bagkus ay mas lalong umusbong ang tapang sa dugo ko na parang, parang gusto ko pa.
Ang isang katangahan lang na hindi ko naisip ay maaaring madamay ang pamilya ko dahil sa ginawa ko, hindi ko naisip na pwedeng sila naman ang kunin sakin, masyado akong pinangunahan ng galit sa dibdib ko, at hindi nga ako nag kamali, dahil ngayon ay wala na sila, wala na sila at ng dahil iyon sa katangahan ko.

Napatayo ako mula sa pag kakaupo ng bumukas ang malaking gate at iniluwala nito ang isang van at dalawang mini truck na kasunod nito.

"Ayan na sila."- Biglang sulpot ni Bekka sa gilid ko habang malaki ang ngiti.

"Tara? Salubungin natin."- Hindi pa ako nakakapag salita ng hilain niya ako pababa ng hagdan at diretsong nag tungo sa pinag hintuan ang tatlong sasakyan, lumakas ang kabog ng dibdib ko ng una kong matanaw na bumaba galing sa van ay si Kisha na malaki ang ngiti habang sukbit ang malaking baril sa balikat niya, sumunod naman ay si Ace galing sa driver seat nagulat pa siya ng may biglang umamba ng yakap sa kanya na nakapag pangiti din sa kanya dahil si Micka lang naman ang may gawa.

Bumaba galing shotgun seat si Jax, habang si Xenon at ang hindi ko na kilalang mga lalaki ang sumunod na mga bumaba. Napakunot ako ng noo ng hindi ko manlang nakita si Zethro na dapat ay kasama nila.

"Kisha!"- Sigaw Ni Bekka na nakapag palingon kay Kisha samin nanlalaki ang matang nakatingin sakin at halos mag kandapa dapang tumatakbo papalapit sa amin.

"Zinnea! Gising kana!"- Masaya niyang wika tsaka ako niyakap na nakapag pahiga sa amin sa damuhan, halos hindi ako makahinga dahil sa higpit ng pagkakapit niya sa leeg ko at bahagya pa akong napangiwi dahil sa sakit ng likod sa biglaang pag bagsak  namin sa damuhan.

"Salamat at gising kana."- Himbis na mag reklamo ay hinayaan ko na lamang siyang nakayakap sakin ng mapansin kong mabilis ang pag taas baba ng balikat niya, ramdam ko rin ang tumutulong luha niya sa likod ko na nakapag pailing sa akin habang may ngiti sa labi.

"Namiss k-kita Z-Zin."- Wika niya na may kasamang hikbi na tila pa siya nag susumbong.

"Kisha, namiss din kita, pero kasi hindi ako makahinga, may balak ka bang patayin ako?"- Tanong ko kaya mabilis siyang kumalas sa yakap at natatarantang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"M-may masakit paba sayo? S-sabihin mo."- Tanong niya kasabay ng pag pahid niya sa mga luha niya.

"Yung sugat ko, ikaw kasi e."- Sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko bahagya pa akong kunwari na ngumiwi para kunwari masakit yung sugat ko. Halos matawa naman ako ng hindi maipaliwanag ang ekpresyon niya dahil parang hindi niya alam ang gagawin.

"Waaah sorry Zin sorry! Juicecolored sorry!"- Natatarantang wika niya na hindi alam kung saan niya ako hahawakan, at hindi ko na nga napigilan dahil napatawa na ako ng mahina dahil sa para siyang natataeng hindi mapakali, kaya naman walang awa akong nakatikim sa kanya ng hampas sa braso na tanging tawa lamang ang iginanti ko para mas lalo siyang maasar.

"Nasaan pala si Zethro?"- Bigla kong tanong na nakapag pahinto sa kanya sa kapapalo sakin.

"Asan siya?"- Muli kong tanong ng hindi niya ako sinagot bagkus ay iniwas niya lamang ang tingin sa akin. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko dahil sa ekspresyon ng mukha niya na para bang may nangyaring hindi maganda.

"May...nangyari ba?"- Alanganin kong tanong, Natatakot ako sa isasagot niya kaya naman inihanda ko ang sarili ko sa sagot sa tanong ko.

"Z-zin, kasi ganito yon, makinig ka muna sakin."- Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at maluha luha siyang tumingin ng diretso sa mga mata ko, parang gusto nang lumabas ng puso ko dahil sa sobrang bilis ng kabog nito kaya naman hindi ko na napigilan ang nag babadyang luha sa mga mata ko.

"A-anong nangyari sa kanya?"- Tanong ko, halos hindi ko na siya maaninag dahil sa mga luhang nakaharang sa paningin ko na nag hihintay na lamang ng senyales para tuluyang mag landasan.

"Huwag kang mabibigla Zin ah."- Wala akong nagawang dahan dahan na tumango dahil sa sinabi niya, pinunasan niya ng daliri niya ang luhang bumagsak sa pisngi ko at mapait na ngumiti sa akin.

"Kasi Zin, ganito yung nangyari."- Mahina niyang wika, napakagat ako sa labi dahil sa natatakot akong marinig ang hindi ko magugustuhan. Sa isip ko pa nga lang ay para nang pinag pira piraso ang puso ko paano pa kaya kung makumpira ko na?

"A-ano?"- Kinakabahan kong tanong, inilibot ko ang tingin ko sa paligid ko na mabilis din na iniwas sakin ang tingin ng mga taong nakatangin saming dalawa ni Kisha.

"S-sabihin mo, may nangyari bang hindi maganda?"- Mahina kong tanong pero tiningnan niya lang ako gamit ang nakakaawang tingin kaya nag simula nanamang nag landasan ang mga luha ko.

"K-kasi Zin, nakatulog lang naman siya sa loob ng van nakakatakot gisingin dahil baka mapatay kami."- Sambit niya na may halong nakakalokang ngiti at may pakamot pa siya sa batok, tila biglang nag siatrasan ang mga luha kong nag babadyang kumawala kanina dahil sa narinig ko sa kanya, bumalik din sa normal ang tibok ng puso ko, nanlilisik ang mga matang tumingin ako sa kanya na naging dahilan para dahan dahan siyang lumalayo sakin.

"Zinnea."- Bumilis ulit ang tibok ng puso ko ng marinig ang malalim na boses ng taong kaninang hinahanap ko. Mabilis na umalis si Kisha sa harap ko at bumungad sa akin ang dalawang pares ng itim na sapatos, dahan dahan kong iniangat ang paningin ko at hindi ko na napigilan ang mga luha kong bigla na lamang nag landasan ng matanaw ko sa muling pag kakataon ang taong kaninag hinahanap hanap ko. Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko na mabilis kong tinanggap at pabalang na ikinulong siya sa mga bisig ko na mabilis din naman niyang tinugunan ng sobrang higpit na pag kakayakap.

"You missed me that much?"- Napakagat ako sa labi ng sinabayan pa niya ng mahinawang pag tawa matapos ang sinabi niya.

"I missed you too."- Bulong niya sa tenga ko na nakapag paangat ng mga balahibo ko, hinalikan niya ako sa noo at bahagyang inilayo ako sa kanya para makita ang kabuuan ko.

"I am glad to see you that you're okay now."- Nakangiti niyang wika na nakapag pahikbi sakin, napailing siya at muli nanaman akong hinigit payakap sa kanya.

"Baby, damn, wtf? Why are you crying?"- Tanong niya tsaka niya pinusasan ang mga luha ko, hinawakan niya ang mukha ko gamit ang palad niya at mariin akong tinitigan sa mga mata.

"A-akala ko kasi iniwan mo narin ako."- Mahina kong sambit, lumitaw ang multong ngiti sa labi niya tsaka bumama ang tingin sa labi ko.

"Hindi, hindi ko gagawin yon."- Malaking ngiting sambit niya bago siniil ng halik ang labi ko na hindi ko tinanggihan dahil sa mabilis din akong tumugon, parang may kung anong paro parong kumikiliti sa loob ng tiyan ko, parang ngayon ko lang ito naramdaman, ang sarap sa pakiramdaman. Nag hiwalay ang nag lalapat naming mga labi at tinitigan ang isa't isa sa mga matang tila mga nakangiti. Nag bitaw ako ng mga salitang mag papaliwanag sa nararamdaman ko ngayon sa kanya.

"Mahal kita Zethro."

"Mahal din kita Zinnea, Mahal na Mahal."

May mga bagay talaga na takot nating iwan o iwanan, hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kung hindi ko sila nakilala, masaya ako. Masasabi kong eto ulit ako, nahanap ko narin sa wakas ang sarili ko sa tulong ng mga taong nag mistulang pangalawang pamilya ko. Hindi hadlang ang mga 'zombies' sa labas para muling maibalik ang sarili ko bagkus ay nagpapasalamat pa ako sa kanila dahil mas lalong tumibay ang loob ko pati narin ang samahan ng mga taong umintindi at tinanggap ako.

Kung nasaan man ngayon ang buong pamilya ko, sana masaya kayo, sana gabayan niyo ako, hindi ko man nakuha ang hustisya niyo sa magandang paraan, sana'y maintindihan niyo.

May mga susunod pang mga araw ang kakaharapin, kaya dapat laban lang. Walang susuko, kung ayaw mong matalo.

__________

Hi! So yun thank you so much for giving my story a shot hope you guys like it, salamat sa pag subaybay hanggang sa kahuli'hulian! Be safe everyone, God loves you:>

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 73.7K 47
Eerrah Ferrer loves causing trouble to the extent, sending students to Hospital does not bother anymore in order to get another expulsion from her cu...
287K 17.7K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
12.6K 479 70
"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste y...
86.2K 3.1K 50
Alpheonix is the so called Snow Queen, Ice Queen and the most famous Frozen Heart. She is the cursed Princess Of Frozen Kingdom, has no emotions. Can...