Spiked Lemonade - Flavors Ser...

By ReveRiety

1.3K 51 31

On a scale of 1 to 10, gaano ka ka-tanga? 7? Kasi noong college, sinubukan mo na ang paglalagay ng pampatulog... More

Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 1

714 22 11
By ReveRiety

"It's been a pleasure, Shrek. Shek!" Mabilis na pagtatama ni Ali sa sarili. She covered her embarrassment with a tiny laugh and an overbright smile.

Hindi kamukha ni Shrek, isang sikat na animated character, ang kliyente niya na si Shekainah de Vera. Maputi ito. Chinita. Dahil sa prospective client niya ito, sinigurado niyang makausap muna ang mga empleyado nito bago sila magkita. Sabi ng mga ito nakakatuwa daw si Ms.De Vera kasama, pero kapag trabaho na ang pinag-uusapan nagiging mala-halimaw daw: masungit. Naninigaw. Demanding.

"Like an ogre." ang sabi ng sekretarya nito sa kaniya.

"Call me Shek." naman ang sabi ni Shekainah de Vera sa kanya nang makausap niya ito sa telepono.

Shek. Shrek.

And now she can't get it out of her head.

Minsan talaga, walang silbi ang malawak na imahinasyon niya.

Ito ang unang pagkikita nila para pag-usapan ang disenyo niya para sa opisina ng kumpanya nito. Nag-aalala siya na baka mabulilyaso pa dahil sa kagagahan niya sa maling pagtawag sa pangalan nito.

Mukhang hindi naman alintana ng bagong kliyente niya ang hindi na niya mabilang na pagkakamali sa pangalan nito. Natatawa na nakipagkamay ito sa kanya at tumango bilang pagpapaalam. Pagkatapos ay tumalikod na ito patungo sa pool area ng Flavors, ang bar kung saan sila nagkasundo na magkita.

Ali breathed a sigh of relief. Maayos naman ang pag-uusap nila kung hindi lang siya paulit-ulit na nagkakamali sa pangalan nito. Naitatama naman niya ang sarili agad pero nawawala siya sa moment niya tuwing magkakamali siya. Ayaw naman niya tawagin itong "Ms.De Vera" dahil sa ito ang nagpilit na maging first-name basis sila yaman din lang na bukod sa magiging kliyente niya ito ay magka-schoolmate daw sila sa Benilde.

Hindi niya ito mamukhaan, pero hindi na rin siya nagtataka. Sa dami ba naman nila na napasok sa unibersidad na iyon. Saka magkaiba sila ng kurso. Architecture siya. Multimedia Arts naman ito.

Nang banggitin ni Shek na pareho sila ng pinagtapusan na kolehiyo ay bahagya siyang binalot ng alinlangan. Baka kasi alam ni Shek ang nangyari sa kaniya noon. Baka napanood nito. May ilang taon na rin mula ng kapwa sila nagtapos pero alam niya na hindi basta natatakasan ang halimaw ng nakaraan. Lagi itong nasa balintataw niya. Panaka-naka, nalabas ito kapag may nakakasalubong siya na school mate o batch mate. Kasama ito ng mga mapanghusgang tingin. Sinusukat siya. Sinusuri.

Hinihintay niya na magtanong ito, o ungkatin ang mga kumalat noon na balita sa kaniya. Walang nabanggit si Shek tungkol sa kolehiyo nila bukod sa pareho sila ng alma mater. Hindi din nito pinansin nang maka-3 siyang baso ng paborito niyang spiked lemonade.

Sinenyasan niya ang isang waiter para dalhin ang bill sa kanya. Saglit niyang tiningnan ang relo. Hindi niya inaasahan ang nakitang oras. Inabot ng mahigit isang oras ang meeting nila ni Shrek. Shek! Shek! Naiiling na pagtatama ni Ali sa sarili.

12:15 na pala ng gabi kaya buhay na buhay na ang Flavors. Kahit naman yata anong oras ay masigla ang prominenteng bar at club na ito.

Iginala niya ang mata sa paligid. May ilang kumpol ng kalalakihan sa mga mesa. Ang ibang mga parokyano ay mga magkapareha na piniling umupo sa mga hindi mailaw na parte ng bar. Napadako ang tingin niya sa main bar at napangiti. As usual, most of the women are there. But not for the drinks.

Umalis ang ilang kababaihan na naka-umpok sa main bar at bahagyang nasilayan ni Ali ang talagang puntirya ng mga babae doon: si Keeper. Head Bartender ng Flavors.

Kilala ang Flavors sa maraming bagay: ang pool sa gitna nito kung saan maaring lumangoy ang mga miyembro ng club araw man o gabi; ang bar sa unahan nito na world-class ang mga sinisilbing pagkain at inumin; ang disenyo ng buong lugar maging ang interior decor na nagbibigay ng beach party vibe sa buong establisyemento.

And Flavors' bartender extraordinaire, Keeper Vasquez. His cocktails coupled with his dreamy green eyes can make any saint a sinner.

Pero hindi santo si Ali. Kaya siguro kahit na nakakalasing ang kaguwapuhan at presensya nitong si Keeper ay walang epek ito sa kaniya.

Shame. She would have loved to sin with him.

Sin.

Sumagi sa isipan ni Ali ang imahe ng isang lalaki. Broad shoulders. Malambot ang kulot nitong buhok. Banayad at matatamis na labi. Like cotton candy.

Kumalat ang init sa katawan ni Ali. Ilang taon na ang lumipas. Ilang mga labi na din ang nahagkan niya pero walang nakakapagpainit sa kaniya tulad ng halik na iyon.

Ng alaala ng halik na iyon, bulong ng kanyang isipan.

And isn't that a shame? ganti niya.

Ipinilig ni Ali ang ulo at tinapos ang pag-libot ng tingin sa kabuuan ng bar ng Flavors. Pride swelled in her chest. Kahit saan siya lumingon ay nakikita niya ang kanyang pirma. Ang marka niya bilang arkitekto nito.

Sikat ang Flavors sa napakaraming dahilan pero para sa kaniya, espesyal ito dahil ito ang kaniyang unang obra bilang freelance na arkitekto.

Pagka-graduate niya ay sinikap niyang makapagtrabaho agad. Ayaw niyang matengga sa bahay. Hindi niya makayanan ang mga pasaring ng nanay niya. Ang malamig na pakikitungo ng tatay niya at mga kapatid niya sa kaniya.

Sinuwerte naman siya makapasok sa isang tanyag na construction firm. Ibinuhos niya ang sarili sa napiling propesyon. Pinag-aralan niya rin ang tamang pakikiharap sa mga kliyente at paglalatag ng mga design proposals. Kalaunan ay naisipan niyang isakatuparan ang isa sa mga pangarap niya: maging isang freelance architect.

Si Bonita Vasquez, kapatid ni Keeper at may-ari ng Flavors, ang nagbigay sa kaniya ng pagkakataon na matupad ito.

Maganda ang naging reviews ng Flavors. Mabilis ang naging pagsikat nito bilang "the place to be and be seen".

Kasabay nito ay ang pag-ugong ng pangalan niya bilang isa sa mga kaabang-abang at in-demand na mga batang arkitekto.

Nagsunod-sunod ang kliyente niya. Ang pera na kinita niya sa proyekto ng Flavors ay ginamit niyang pang-down sa condo unit niya.

Sa wakas, isa na namang pangarap niya ang natupad: ang maka-alis ng bahay ng mga magulang niya.

Kulang na lang ay bumula siya sa sangkaterbang sabon na inabot niya nang sabihin niya na bubukod na siya ng tirahan. Kung ang ibang mga magulang ay matutuwa sa tagumpay ng kanilang anak, iba ang mga magulang niya. Ayaw ng mga ito na bumukod siya dahil single pa daw siya. At may bisyo.

Wala din nagawa ang galit ng mga ito. Isang taon na mula nang lumipat siya sa condo niya at kahit na may mga panahon na nami-miss niya ang mga ito, wala siyang balak na bumalik pa doon.

Kriiiiiing. Kriiiiiing. Kriiiing.

Hinanap ni Ali ang cellphone at nagulat nang makita kung sino ang tumatawag sa kaniya ng oras na iyon.

"Hello, Dad. Isn't it past your bedtime?" Kinuha ni Ali ang bill sa waiter at sumenyas na balikan na lang ito.

"Isn't it past yours?" sagot ng Daddy niya sa kabilang linya. Gusto niyang isipin na nag-aalala lang ang Daddy niya pero #alamnathis. Concern with a hint of sarcasm. Iyan ang pirmi na nakukuha niya sa ama. Hindi naman ganito noong bata-bata pa siya pero pagkatapos nila malaman ang kalokohan niya sa kolehiyo, nagbago na. Hanggang ngayon ay ganito ito sa kaniya.

Ayaw na niya isipin pa kung paano ang Mommy niya sa kaniya.

"May problema ba? Si Mommy ba?" Praktisado na niya ang magalang at banayad na pananalita. Hinulma siya ng ilang taon na pag-aaral sa mga Catholic school at sa istriktong patnubay ng ina.

"Ikaw, Ali. Ikaw ang problema."

Lagi naman eh, isip ni Ali. Ano pa ba ang bago?

Imbis na kagatin ang pain ng Daddy niya, tiningnan na lang ni Ali ang bill at gamit ang isang kamay ay kinuha ang pitaka sa bag. Ano pa ang isasagot mo sa taong sarado ang isip sa iyo?

Bumuntong-hininga ang Daddy niya. "Binyag ng pamangkin mo sa Sunday. We are expecting you to be at the ceremony, and at home for the gathering."

Hindi siya sumagot. Free ba siya sa Sunday?

Parang hindi.

"Gusto ka makausap ng Mommy mo."

Hindi nga siya free. Magsisimba na lang siya kaysa makinig sa sermon ng Mommy niya.

"Dad, I don't think --- "

"Hindi kita tinatanong kung makakapunta ka. Inuutusan kita." Matigas na tugon nito. "Diretso ka muna sa bahay ng 8am. Sabay-sabay tayo ni Mommy mo na pupunta sa simbahan."

"Excited na me." Banayad pero punong-puno ng pag-tuya. Alam niya na malapit na maputol ang pasensiya ng Daddy niya sa kaniya pero mana-mana lang, di ba? Matagal na din naman naputol ang pasensiya ng mga magulang niya sa kaniya.

Narinig pa niya ang buntong-hininga ng Daddy niya bago nito binaba ang telepono.

Ibinalik niya ang cellphone sa bag. Plano na sana niya umuwi agad kaysa tumambay at uminom pa. Naka-tatlo na din naman siya.

Pero sumama ang timpla niya dahil sa tawag na iyon. And it's the start of the weekend anyway.

Muli, itinaas niya ang kamay sa isang waiter at agad naman ito lumapit.

"One more glass of spiked lemonade. With two shots of vodka."

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...