Our Last Rain [UNDER MAJOR RE...

By Jinssstal

4.4K 98 267

LUXEM SERIES #2: SABRIANNA Rain. The underestimated comfort. Under the rain, no one would think you are cryin... More

Our Last Rain
PROLOGUE
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15

05

133 5 10
By Jinssstal

FAMILY DINNER(?)



I woke up early dahil may training kami ng 6am to 7am. Start kasi ng klase ay 8:30am. Dumating ako sa club room ng 5:30 kaya nag warm-up muna ako at nag practice mag-isa sa pader. Napa-tigil ako nang makita ko si Razer na pumasok sa loob kasama si Kiana.


Dumiretso si Razer para kumuha ng bola at ito namang si Kiana ay habol tingin pa. Lah, kakagaling lang sa break-up may bagong target agad?


Dahil hindi ako nasa-satisfied sa mga receive ko noong naka-raang practice. Tinawag ko si Kiana at Razer.


"Kiana, pwede pa-spike? Papa-toss tayo kay Razer." Tanong ko.


Wala naman itong nagawa kung hindi ang um-oo. Pag dating dito sa volleyball, I don't take jokes as an answer lalo na kapag training tapos may upcoming match.


I also asked Razer kung pwede ba magpa-toss kahit nahihiya ako dahil sa nangyari kahapon. Umoo naman s'ya kaya nag simula na kami.


Ilang spike ang hindi ko na-receive ng ayos kaya napapa-mura ako. Paano ako makaka-abot sa nationals kung ganito ako? Tsk.


"Isa pa." Sabi ko at sumunod naman sila.


Halos isang oras din kami nag tagal sa ganito at tumigil lang kami nang mag salita si Razer.


"Mag pahinga muna kayo. May training na maya-maya." Sabi n'ya at umalis.


Huminga ako nang malalim saka humiga sa sahig. I silently cussed myself for not doing better. Paano ako mapipili sa games kung ganito ako palagi? Umiling ako at umupo saka sumandal sa sahig.


"Don't push yourself too hard. You'll get there. Patience."


Napa-tingala ako nang marinig ko ang sinabi ni Razer. Is he cheering me up?


Our training ended. Dumiretso ako sa girl's shower room para mag shower dahil basang basa ako ng pawis. After non ay nag bihis na rin ako ng uniform ko. Pagkatapos ko mag palit ay nag paalam na ako sa team mates ko dahil dumiretso na ako sa medical building.


Our prof discussed something bago nag bigay ng requirements. Malapit na kasi ang finals for our 1st semester. Siguro ay next week. Kailangan ko pumasa roon. Dahil bukod sa gusto kong maka-graduate agad, requirement din 'yon para maka-sama sa upcoming match ng volleyball girls against sa ibang school.


Nang matapos ay agad akong dumiretso sa Archi building kung nasaan si Kairene. Paniguradong naroon na rin si Trixie dahil palagi niyang dinadaanan si Kai bago sila didiretso sa akin. Sakto at naroon nga sila kaya dumiretso na kami sa cafeteria.


"Haaaay! Hindi pa ako tapos dun sa unang plate tapos may bago nanamang requirement si kalbo. Huhu. Mamamatay na ako. Bakit kasi ako nag Archi?!" Reklamo ni Kairene habang umiinom sa juice box n'ya.


"Edi mag shift ka! Ulit ka ulit sa simula!" Sabi naman ni Trix at hinampas si Kairene na napa-daing sa sakit.


"Aray naman! Pwede naman sabihin nang walang hampas ah?! Alam mo ba kung gaano ka-bigat 'yang kamay mong punyeta ka?!" Sabi ni Kairene. "Pero ayoko din mag shift! Bahala na si batman! Mamaya sisimulan ko na 'yung plates na 'yon. Bwisit talagang kalbo 'yan." Pag papa-tuloy ni Kairene.


Buti nga siya puro drawing e. Ako puro research, sakit sa ulo. Pero hindi naman ako mag rereklamo kasi gusto ko talagang maging psychiatrist. I want to help people with mental problems. Specially kids.


We spent our break time sa cafeteria lang. Hindi na kami nag-ikot kasi pagod na kami. Physically and mentally. Nang matapos ay bumalik na kami sa klase. Wala namang special na nangyari sa araw ko. Hindi ko pa nakikita si Tanji kaya hindi nag lighten up yung mood ko. Wala rin ako sa mood makipag kulitan sa iba dahil naiisip ko pa rin na may dinner mamaya sa bahay.


It's already 5pm. Dismissal na. Sinabi ko kay Mommy na uuwi muna ako sa condo para mag ayos ng katawan. Sumama muna ako kay Kairene na gumagawa ng plate at Trixie na nag o-outline sa starbucks.


"Girl, sure ka bang uuwi ka? Baka kung ano nanaman gawin sa'yo ni Tita Sharon ah!" Sabi ni Kairene at inalog pa ako.


"'Wag mo ngang ginugulo si Yana. Mag gawa ka na d'yan. Pag ako natapos, iiwan ka namin dito." Banta naman ni Trix habang naka tutok pa rin sa ginagawa niya.


Mabilis natapos si Trix dahil kaunti lang naman ang ginawa n'ya. Hinintay namin si Kai matapos. Kairene finished her plates exactly 6pm. Puro kasi daldal. Kada makakatapos ng isang line, dadaldal muna bago 'yung kasunod. Kaya palagi s'yang na-papagalitan ni Trix.


"Diretso uwi na ha!" Sabi ni Trix bago kami nag-iba ng daan.


Nang maka-rating sa condo. Agad akong nagpa-alam kay Trixie. I did a quick bath bago nag suot ng casual attire. I tied my hair in a bun and let some baby hair on the loose. It was already 6:30 nang matapos ako at nag muni-muni muna sa kama. Ayoko dumating doon ng maaga dahil the earlier I get there, the more time I had to spend with them.


Nang mag 6:50 na, I did a quick look at myself at my mirror bago nag text kay Mommy na ipa-sundo na ako. The moment she replied 'okay' bumaba agad ako ng building at hinintay ang sundo sa labas.


"Young Bria,"


Agad akong tumigil sa pag cellphone nang marinig ko ang katagang 'yon. Alam kong ako 'yon dahil simula't sapul ay 'yan ang tawag sa akin ng mga katulong namin sa bahay. Iyon kasi ang unang palayaw ko na inembento ni Samara.


Sumakay ako sa limousine na dala ng driver. Jusko, pwede namang mas normal na kotse ang i-padala bakit kailangan ito pa? Tsk.


Exactly 7pm, naka-rating kami sa bahay. Huminga muna ako nang malalim bago ako pumasok sa loob.


"Darling!"


Bumungad sa akin si Mommy at ang boyfriend n'ya. His holding my mother's waist while smiling at me. Weirdo.


I hugged my Mom before going to the kitchen. I don't have time for their shitty welcomes. I came here because of the dinner.


"Later na! We're going to eat muna.. food! Eat food! Haha!"


I rolled my eyes when I heard them flirting while walking inside the kitchen. Umupo sila sa upuan at nag simula na kami kumain.


I silently sighed. Kaya ayokong umuuwi dito. So many bad memories.


"Anyways! Darling! Your Dad has something to say to you. Kaya kami nagpa-dinner." My Mom excitedly said.


I knew it. They wouldn't do such a thing kung wala silang kailangan.


"He's not my Dad."


A moment of silence came. We stayed quiet for a while hanggang sa tumikhim 'yung boyfriend ng nanay ko at nag salita.


"As what your mother said. We had a deal with the Dela Vega's." He said while he chew on his food.


Kumunot ang noo ko at tumingin kay Mommy. What deal? At bakit parang hindi ko iyon gusto kahit hindi ko pa alam kung ano iyon?


"We arranged you to a blind date with the unica hijo of their family!"


Napa-tigil ako sa pag nguya nang sabihin ni Mommy ang mga katagang 'yon. "What?" I said.


Blind date? Are they out of their mind? I'm not going on a date with someone I don't know! Mamaya ay holdapper iyon o kaya naman ay kidnapper! Okay, I'm overthinking. Pero sino namang hindi diba?! This is something serious!


"Yes. At kapag na-gustuhan ka ng unica hijo nila, we will process your wedding agad!"


Agad akong napa-tayo. Anong wedding?!


"Are you out of your mind?!" Hindi ko napigilan tumaas ang boses. Buhay ko na ang pinag uusapan dito!


"Gabrielle! Lower your voice!" Singhal ni Mommy.


"No! Anong nakain n'yo at naisipan n'yong ipakasal ako sa taong hindi ko kilala—"


"Our business is almost bankrupt!" Natigilan ako sa sigaw ni Mommy. Agad lumapit sa kan'ya ang boyfriend n'ya at inalo s'ya. "Just once, Gabrielle. Be useful. Kapag nagustuhan ka ng mga Dela Vega, malaki ang chance na mag bigay sila ng malaking share at mai-salba ang kumpanya!"


Hindi ko alam kung ano ang gagawin. I feel like my freedom is being taken away. Wala akong choice. Wala akong nakikitang ibang choice.


Be useful? Give up my freedom and be useful?



:o

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...