Lauriz p.o.v
"Ang sarap-sarap bugbugin ng isang yun. Kala mo naman gwapo... Porket gwapo lang." Baliw na nga talaga itong Amariz na to. Kala mo naman daw gwapo tapos gwapo lang? Ano yun? New word of the day?
"Ano bang pinuputak-putak mo dyan?" Tanong ko habang nakasandal sa pader.
"Ang feeling-feeling kasi nong Litson na yun. Kala mo kung sino. Sabihan ba naman daw akong stupid na walang common sense?" Inis niyang sagot. Halatang naiirita siya ah. Sino din ba yang litsong tinutukoy niya?
"Nakakainis din yung isa, iyung Fleus na yun. Panay pa-cute eh di naman cute." Sabi naman ni Brinella. Gets ko na. Yung mga transferee pala ang tinutukoy ng mga to.
"Ayaw mo non, pinapacute-tan ka." Sagot ni Amariz.
"Buti sana kung sa akin e sa iba naman." Sabay ikot ng kanyang mata.
"Kaya ka naman pala badtrip." Sagot kong natawa nalang ng bahagya sa sagot niya.
"Lauriz. Nagugutom na ako. Wala akong dalang pagkain." Sabi ni Amariz sabay kalabit sa akin.
Di pa nga pala kami nakakakain. "Tara na sa cafeteria." Wala akong dalang baon ngayon. Nagkataong si Brinella lang ang nagdala ng baon sa amin.
Habang naglalakad sa hallway, pansin mong nagtataka ang mga estudyante nang makita kami. Madalang nga kasi kaming pumunta sa cafeteria. Mga twice a month lamang yata.
Pagpasok namin sa cafeteria lahat ay makikitaan ng gulat at pagtataka ang mga mata. Pero napakunot ang aking noo dahil iba na naman ang arrangement ng buong paligid. At may mga print pa ang ibang mesa.
Bakit may mga nakasulat ng elites, celebrities at royals ang mga mesang to? Gold ang kulay ng mesang may nakasulat na royal. Scarlet red ang kulay sa mesang may nakasulat ng celebrities. Tapos silver ang may sulat na elites. Infairness, maganda at makintab. Maayos ang pagkakasulat at maganda ang pagkakadisenyo ng inukit-ukit nila sa mesa. May flowers, dragon at kung ano-ano pa.
Umupo kami sa may nakalagay na cute as always. Grabe naman to. Sino bang naglalagay ng mga ganitong mga kaek-ekan?
"Kuha lang ako ng food natin." Sabi ko sa dalawa na busy sa pagbabasa at pagsusuri sa iba pang mga nakasulat sa mga mesa.
Mahaba ang pila. Bakit pati sa pagpila may royal, celebrity, elite at ordinary pang nakalagay? Yung mga sporty students sa may nakalabel na sports sila pumila. Siguro para di na sila magkagulo? Ayos naman to kung para di na magkakagulo. Marami rin kasing mga estudyanting dito sa cafeteria kumakain.
Mukhang marami-rami narin akong nakikitang mga bagong mukha. Marami-rami naring mga transferee ah. Di ako updated.
"Hoy! Don ka nga pumila. Don yung mga ordinary." Sabay tulak ng isang guy na nakapila sa may elite section sa isang lalaking pamilyar sa akin. Well, si Nat lang naman.
Naglakad ako palapit sa counter at pinagmasdan ang mga nag-aasikaso sa mga bumibiling mga estudyante. Bakit isa lang ang nagsi-serve sa mga ibang estudyante na may label na ordinary? May tatlo sa may elites then apat sa may celebrity at lima sa may royals. Hindi lang yun, masasarap ang sene-serve sa mga royals at iba pa maliban sa ordinary students.
Siguro para magsikap ang mga estudyanting umangat at mag-top sa klase. Basta kasi di bababa ng 90 ang average mo, mabibilang ka sa elites. Okay din ang batas na ito ah. Okay sana kung yun lang kaso bakit kailangan pang manulak at maliitin ang iba? Dahil lang sa may titulo sila kailangan ng manghamak ng iba?
Pansin kong sobrang haba pa ng pila sa mga nabibilang sa mga ordinary. Sigurado akong aabutan na lamang sila ng oras ng klase di parin sila makakakain.
Nilapitan ko yung guy na nagtulak kay Nat.
"Excuse me."
"What!" Iritado niyang sagot at parang may hinanap. Tumingin pa nga sa kanang dibdib ko. Lahat kasi sila may mga nakalagay na parang diamond shape na metal sa may bandang dibdib, na may mga kulay na silver para sa elites bilang badge nila.
"Wag mo ulit gawin yun. Wag kang nanunulak ng kapwa mo estudyante. Kahit mas mataas ang titulo mo sa kanya." Mahinahon kong sabi.
"Pake mo ba. Bakit boyfriend mo yun? Sabihin mo magsikap din siya para mapunta sa elites kung ayaw niyang matulak." Sagot niya at inikot pa ang mga mata.
"Basta wag mo ulit yun gawin kung ayaw mong mapalipat ng school." Mahinahon ko paring sabi at hinila na si Nat. Pumila kami sa may space. Yung walang nagpipila at wala ring nagseserve.
"Miss Leah." Tawag ko sa isang babaeng nagseserve sa Royals. Nagulat pa siya kung bakit alam ko ang pangalan niya.
"Pahingi nga ng dalawang fried chicken, dalawang float at isang carbonara. Lasagna rin kung meron."
"Ah, eh. Miss ano kasi-" nag-aalinlangan pa siya sabay tingin sa mga royals.
"Miss unahin mo kami. Wag yang nanlilimos lang dyan." Sabi ng isang babaing royal. Ako nanlilimos?
"Lagot kang royal ka. Mukhang di kilala si Lauriz." Bulong ng isang estudyante sa gilid.
"Hayaan mo siya. Masyadong mayabang eh."
"Sana mawala na ang bagong rules na to."
"Oo nga. Nagpakita na rin si Lauriz, baka magbago na ang rules."
Bulungan iyun sa may ordinary side na nasa pila rin.
"Sino ba siya at ang lakas ng loob niyang manghingi?" Inis na sabi nitong katabi ng nagsalita kanina.
Sa pagkakaalam ko libre ang pagkain namin dito kaya hingi ang tawag at di bili kasi di ko babayaran. Kasali na iyun sa tuition ng school.
"Sige Miss, unahin mo na lamang sila." Sabi ko at umalis sa kinatatayuan. Sila naman din ang mas nauna kaya sila din ang dapat unahin. Saka ayaw kong mapagsalitaan pa siya ng kung anu-ano nang dahil sa akin.
"Dito tayo." Yaya ko kay Nat. Sumunod naman siya. Pumasok ako sa kusina nitong cafeteria. Pipigilan sana ako nong isa sa mga crew pero inilingan siya ng isang chef na matagal ng nagtatrabaho dito. Kumuha ako ng dalawang tray at pinahawak kay Nat ang isa.
"Kuha ka lang ng gusto mong kainin." Sabi ko sa kanya. Nagtungo kami malapit sa may food chain at naghahanap ng kung anong available.
Pagtingin ko sa wallclock 12:45 pm na. 1 pm ang pasok namin.
"Ako nalang ang magseserve sa mga royals. Don muna kayo lahat sa mga ordinary students." Sabi ko sa mga nag-aasikaso sa mga royals.
Nagtaka pa sila at di agad kumilos. Tiningnan lang ako. Tumingin muna sila kay Jino na siyang cashier ngayong araw. Nang tanguan sila nito saka pa sila nagsimulang magserve sa mga ordinary students na nasa pila.
"Nagtatrabaho ka lang pala dito kaya ka pala namamalimos kanina." Sabi nitong babaing dapat ko ng asikasuhin.
"Miss sa pagkakaalam ko, libre ang pagkain dito." Mahinahon kong sabi sa kanya.
"Bakit royal ka ba para mabigyan din ng special privilege? Feeling karin ano?"
Yung pagkain ko nasan na?"
"Kailan pa binigyan ng permiso ang sinuman na tanging yung mga so called campus royals lang ang dapat binibigyan ng kung ano mang prebilihiyo?" Kalmado parin ako niyan pero sumasama na talaga ang kalooban ko.
"Bakit ka nagtatanong? Pake mo ba ha?" Singhal niya.
"Kung gusto mong makakain sagutin mo muna ako ng maayos." Seryoso na ako niyan.
"Miss! Magserve ka na nga lang. Di yung makipagdaldalan ka pa diyan." Sabi naman ng lalaking kasunod niya.
Si Nat dinalhan na ng pagkain sina Amariz at Brinella. Baka kasi sasali pa sila rito sa kalokohan kong to. Gutom pa naman ang mga yun. Mahirap na.
"Sa palagay ko kasi kanina pang 10:30 ang labasan nyo. Ngayon nagmamadali na kayo? At kukunti lang naman ang mga royals di ba? Bakit kailangan pang may maraming mag-aasikaso? At okay lang naman kung maraming mag-aasikaso kaya lang sa ganitong oras hindi eh. Marami pang nakapilang iba at malapit na ang time kaya why can't you consider them?"
"Pakealam mo ba ha? We're royals. Kami ang top priority nitong school."
"At sinong maysabi?" Nakataas kilay kong tanong.
"Everybody knew it already and this is the school golden rule." Singit ni Noona. The campus princess at umaktong queen. School rule? Ang golden rule dito ay ang "No bullying," at di iyang royal thingy nila. Kailan pa nagkaroon ng bagong rule ang paaralang ito ni di ako updated?
"As far as I know tatlo lang ang pinakamain rule dito. First, NO BULLYING. 2nd , be humble and modest, at bawal tapaktapakan ang nasa lower rank. 3rd, don't act as if you are the rule. Understand?"
"At sino ka bang sabihan ako ng ganyan ha?" Sigaw niya.
"Ano ba! Nagugutom na kami." Sigaw ng isa sa mga royals.
Napatingin ako sa mga tindera at tindero ng cafeteria na ito. Nasa sampo silang lahat. Dalawa sa kanila ay estudyante ng school katulad ni Jino na gagraduate na this year sa school na ito.
"Iisa lang ang magseserve sa mga royals dahil mas kunti sila. And everyone can ask and order any food that they want. No exemption. Do you hear me?" Full of authority kong utos sa mga nasa counter. With my serious tone and commanding voice.
"O-opo!" Utal-utal nilang sagot. Saka ako nagtungo sa table namin nina Amariz.
"Seryoso ka ngayon ah. Naiinis ka ano?" Tanong ni Brin na seryosong kumakain.
"Sinong nagbalik sa Royal Circle rule ng maupakan ko?" Tanong ko naman.
"Sino pa nga ba, e di ang mga bagong elected royals." Amariz.
"Kailan pa?"
"3 weeks ago." Sagot ni Brin. Si Nat ay tahimik lang na kumakain sa tabi ni Amariz. Umalis lang ang principal dahil may seminar may ginawa na agad silang rule?
Gusto ba talaga nilang magseryoso ang tulad ko?
"Mukhang badtrip si Queen."
"Former queen duh. Hindi na siya ang queen ngayon."
Napalingon ako sa dalawang senior students na mga babae na nagsalita kani-kanila lang. Mukhang natakot at agad silang napaiwas ng tingin. Pag seryoso ako takot ang mga yan. Wag nila akong ginugulo dahil gutom nga pala ako. Kaya pala ang bilis kong mabadtrip. Makakain na nga rin.
"Pagkain ko!" Sigaw ko sa dalawa. Ayun sabay nabilaukan. Inubos nga kasi pati pagkaing inorder ko. Mga walangya talaga to.
"Bigyan nyo ako ng pagkain!" Sigaw ko ulit.
Mabilis pa sa alas kwatrong dumating si kuya Jino na may dalang cake. Takot yan pag ako ang lumapit sa counter pag gutom ako. Takot ubusin ko lahat ng laman sa estante nila.
"Ayan na. May float na rin. Papaluto nalang ako kay Chef Erick pag gusto mo ng adobo." Mabilis niyang sabi.
"Okay na to. Thanks!" Saka mabilis na nilantakan ang cake.
They said they're the royals? They are the king and queen? I am still the rule.
***
(...)