South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.4M 744K 403K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 18

191K 8.9K 7.8K
By JFstories

"USAP TAYO."


Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatayo siya sa tapat ng gate namin. Kaya pala siya hindi nagrereply, papunta na pala siya rito.


"A-anong ginagawa mo rito?" nauutal kong tanong nang mahanap ko ang boses ko. Pero hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.


Inilagay niya ang hawak na phone sa bulsa ng suot niyang black hooded jacket saka siya sumampa sa grill gate namin. Pagbaba niya sa lapag ay lumapit siya sa akin.


"Alam ko namang galit ka, pinalipas ko lang muna. Pwede na ba akong magpaliwanag ngayon?"


Nag-iwas ako ng paningin. "Ano namang ipapaliwanag mo?"


"Iyong sinabi ni Zandra kanina..."


"Ha? Ano bang sinabi niya? Wala naman, ah." Para akong tanga na nagkakaila.


"Sussie..." mahinahon niyang tawag sa akin para tumingin ako sa kanya.


"Gabi na pumunta ka pa? Anong oras na, o." Tumingin ako kunwari sa relo ko sa kamay para magcheck ng oras kasi wala pala akong suot na relo. Nakakahiya!


Pagbalik ng paningin ko sa kanya ay nagingiti siya.


"Anong nginingiti-ngiti mo?!" gigil na sita ko.


"Happy lang."


"Bat ka naman happy?!"


"Kasi nasilayan kita ngayon."


"Didiga pa, babaero naman," bulong ko.


"Hoy narinig ko iyon!"


"So? Di ba totoo naman?"


Napakamot siya ng ulo. "Bakit ako babaero? Dalawa lang naman babae sa buhay ko?"


Aba, proud pa? Siguro si Zandra iyong isa sa babae niya tapos ako iyong isa. Ako iyong last priority. Ako iyong past time habang hindi pa sila nagka-Canada!


"Ano na namang iniisip mo, ha?"


"Babaero ka talaga. Kailangan talaga dalawa babae mo? Wow, ha? Napakaguwapo mo naman po!"


"Oo naman."


Sinamaan ko siya ng tingin. "Umuwi ka na."


"Oo guwapo ako. Pero iyong sa dalawa kong babae? Ikaw lang iyon saka mama ko."


"Si Zandra?"


"Hindi ko nga siya GF. Wala rin akong balak syotain iyon. E di sana kung meron man, sana noon pa, di ba? Nakita mo naman na kahit anong dikit niya, kahit noong wala ka pa at kahit hindi ako sure na babalik ka pa, hindi ko pa rin siya pinatulan."


Nanahimik ako. May point. Pero hindi pa sapat kaya nag-inarte pa ako. Hello? Halos atakihin na kaya ako sa puso ko kanina sa sobrang sama ng loob ko kaya dapat lang na hindi ako agad bibigay. Dapat lang na usisain ko pa siya.


Tiningnan ko siya nang diretso. "E bakit magiging kayo sa huli? Para sa Canada?"


Sumama ang mukha ni Arkanghel. "Bakit hindi ko ba kayang mag-Canada nang walang tulong niya? Na walang tulong ng family niya? Hoy, kaya ko namang mag-isa! Wala kang kabilis-bilib sa akin, ah!"


"So magka-Canada ka nga. Magkikita rin kayo roon!"


"E di magpipiring ako para di ko siya makita!"


Pinitik ko siya sa dulo ng matangos niyang ilong. "Wag ka ngang pilosopo!"


"Sinasabi ko lang na kahit magkita kami e wala ring mangyayari. Di ko type si Zandra, FYI! Kapatid lang talaga turing ko roon. Kaclose lang talaga ng family ko kaya hindi ko siya magagawang tadyakan sa mukha. Kung duda ka sa akin e di sige, papatattoo ako ng pangalan mo sa noo ko!"


Hindi ako kumibo pero sa loob ko, okay na. Naniniwala na ako sa kanya.


"E di sige ganto na lang, hindi na Canada!" Namewang siya. "Sa ibang bansa na lang. 'Tapos para di ka na mapraning, bago ako umalis, pakasal muna tayo."


Nag-iinit ang pisngi na napatingin ako sa kanya. "Anong kasal ka riyan? Ang babata pa natin 'no..." biglang humina ang boses ko sa huli.


"Bakit sinabi ko bang ngayon na? Excited ka."


Sukat ay nainis na naman ako. Hinampas ko siya sa braso. "Hindi ako excited, 'no! Kapal ng mukha mo!"


Pinanlakihan naman niya ako ng mata. "O ibig sabihin ayaw mo ko maging asawa?! Ha? Ha?!" Dinuro niya pa ako sa ilong.


"Hindi sa ganun..." Lumabi ako.


Humalukipkip siya at nagtatampong tumingin sa iba. "Hindi ka yata sigurado sa akin e. Ako kaya, unang beses pa lang kitang nakita na nakain ng burger sa canteen noon, di na kita nakalimutan."


Napakurap ako. "T-talaga?"


Sumulyap siya sa akin. "Oo. Hangang-hanga ako sa 'yo e."


"Bakit ka naman humahanga?" hindi ko maitago sa tono ko ang curiousity at excitement. Kung gayon pala, noon pa ay crush na talaga ako ni Arkanghel. Siguro kaya niya ako inaasar noon kasi nga nagpapansin siya dahil crush niya ako-


Ngumisi siya. "Kasi naubos mo iyong burger nang tatlong kagat lang."


"Bwisit ka!"


"Ito naman joke lang!"


Lagi na lang talaga! Inabot ko siya para masabunutan. Hindi na siya nakaiwas dahil nahablot ko agad ang buhok niya kaya napayuko siya.


"Bwisit ka talaga! Salbahe ka talaga! Hindi mo lang alam na sobrang inis na inis ako sa inyo kanina ni Zandra! Buong buhay ko, ngayon lang ako nainis nang ganoon! Tapos ang tagal mo pang magparamdam kaya kung anu-ano na ang naiisip ko! Nakakainis ka talaga, Arkang-"


"What's happening here?"


Sabay kaming napalingon ni Arkanghel sa pinto habang hawak ko pa rin ang buhok niya at siya naman ay nakayuko. Nasa pinto sina Mrs. Aguilar at Tatay Bear na parehong nagtataka ang reaction habang palipag-lipat ng paningin sa amin. Si Hugo naman ay nakasimangot at nakataas lang ang isang kilay habang nakapamulsa.


"Susana, ano ba 'yan?" sita ni Tatay Bear nang mahimasmasan. "Ang ingay niyo rito at bakit mo sinasabunutan si Totoy?!"


Agad ko namang binitiwan ang buhok ni Arkanghel. Hiyang-hiya ako sa naabutan nila.


Alanganin naman ang ngiti ni Arkanghel nang bumati. "Hello po. Magandang gabi po." Gulo-gulo pa ang buhok niya at tagilid ang kwelyo ng suot na t-shirt at ang hooded jacket ay laylay ang kalahati.


"Uhm, si Arkanghel, 'Tay..." Pasimple kong inayos ang buhok at damit ko na nagulo dahil sa kaharutan. "Ah, ano, napadaan lang..."


Hiyang-hiya ako lalo kay Tatay Bear dahil malamang na ito ang unang beses na nakita niya akong ganito. Kilala niya ako bilang napakahaba ng pasensiya at hindi bayolenteng anak. Malamang talaga na takang-taka siya sa naabutan niyang pananabunot ko kay Arkanghel.


Tumikhim si Mrs. Aguilar saka lumapit kay Arkanghel. "Hmn, smokey grey eyes..."


"Norma!" tawag ni Tatay Bear na hindi pinansin ni Mrs. Aguilar.


Hinawakan pa ni Mrs. Aguilar ang pisngi ni Arkanghel. "Napakaguwapong bata."


Kitang-kita ko ang pagkailang ni Arkanghel.


Agad namang umismid si Hugo na nasa tabi ni Tatay Bear.


"By the way, why are you here? Anong oras na? Hindi ka ba hinahanap ng parents mo?"


Ano bang problema ni Mrs. Aguilar?


"Ah, wala po iyong mama ko. Nasa Manila. Papa ko naman po, nagpi-PS4 kasama tito ko."


"Norma, baka hinahanap na kayo ni Pare. Umuwi na kayo ni Hugo." Boses ni Tatay Bear. "Hugo, yayain mo na ang mommy mo."


"Tara na, Hugo." Sa wakas ay nagyaya na rin si Mrs. Aguilar. Bago sumakay ng kotse ang ginang ay tumingin pa kay Tatay Bear. "Pameryendahin mo itong si Arkanghel at baka hindi pa naghahapunan sa kanila 'yan, Andres."


Si Arkanghel ang nagbukas ng gate para makalabas ang kotse nila Mrs. Aguilar.


"Ang creepy talaga ni Ma'am." Iiling-iling si Arkanghel habang nakatanaw kami sa papalayong kotse. "Ngayon lang kami nagka-chance magharap nang malapit pero kahit noon pa sa school e lagi nang ganyan sa akin 'yan. Kung makatingin, parang kakainin ako."


"Wag mo nang pansinin." Hinila ko na siya sa loob ng bahay namin para ipakain sa kanya iyong tira naming chicken. Saka ayun pala, bati na ulit kami.


Bumalik na kami ni Arkanghel sa dati. Mag-VBF. Itinu-tutor ko na rin siya one hour every uwian. Nakakatuwa dahil kapag sa pag-aaral, seryoso siya. Hindi ako nahirapang turuan siya dahil desidido naman siyang matuto.


Lumipas pa ang mga araw na kahit minsan may mga misunderstanding ay nalulutas din namin. Hanggang sa hindi na namin namalayan na nagtapos na ang taon.




NIGHT of our most awaited senior prom. Ang bilis, ang tulin ng mga araw at buwan. Gabi nang March 11 ngayon, ang gabi ng "Unforgettable Night" kung saan ay nagtitipon-tipon dito sa General Trias Convention ang senior high school students ng Governor Ferrer Memorial National High School main.


Nagtricycle lang ako papunta rito dahil wala naman na kaming sasakyan. Hindi naman ako nahirapang makarating dahil hindi naman ganoon kabongga ang suot kong A-Line evening dress. Kulay navy blue ito na off shoulder pero may three quarter sleeves para matakpan ang mga braso ko. Sakto sa sahig ang haba at simple lang pero elegante tingnan. Naarkila ko ito sa Tanza sa halagang three-thousand pesos. Pricey na iyon para sa akin kaya nga hanggang ngayon ay nakangiwi pa rin ako.


Hmp! Nabawasan ng 1K ang ipon ko rito at si Tatay Bear naman ay nag-abot sa akin ng 2K. Pinag-ipunan niya rin daw iyon mula sa benta namin sa tindahan. Kung hindi ko lang ito first prom at kung hindi lang nakiusap sa akin si Tatay Bear na paghandaan ko ang gabing ito ay hindi talaga ako papayag na magrent ng ganitong halagang damit.


"Napakaganda naman ng beshy ko!" Si Carlyn na nakafitted red mermaid gown ang sumalubong sa akin sa lobby ng convention.


Bagay na bagay sa kanya ang suot at ayos niya. Dalagang-dalaga siya. Nakapaganda niya at napakasexy. Tapos nakita ko rin si Vivi na mukhang prinsesa sa ganda ng suot na Cinderella pink balloon gown. Parang gusto ko na tuloy umuwi at matulog na lang.


"Hoy, ano 'yang mukha mo?" Dinuro ako ni Carlyn na pati pala ang mga kuko sa daliri ay red din ang kulay. "Wag mong sabihing pinaghihinaan ka ng loob?!"


Lumabi ako. "Ang gaganda niyo kasi."


"Ikaw ang may pinakamaganda at fresh na mukha rito ngayon sa convention kaya wag uminarte riyan!"


"Best friend talaga kita!" Nayakap ko si Carlyn.


"Naman! Pero kahit di mo ako best friend, sasabihin ko pa rin iyon, 'no. Saka maniwala ka, hindi ka chubby masyado. May bewang ka at malaki balakang mo." Hinila niya na ako. "'Nga pala, wala pa si Arkanghel."


"Ha?" Hindi kaya hindi siya pinayagan ng mama niya na um-attend sa prom? Isa pa naman siya sa dahilan kaya pikit-mata akong gumastos sa rent ng gown ko.


Hindi niya kasi ako niyayang maging date sa prom. Hindi raw kasi sure kung papayagan siya ng mama niya na um-attend dahil may sakit ang papa niya. Wala akong date ngayong gabi.


Nahinto kami sa pagpasok sa lobby nang parang mga bulateng inasinan ang mga babae sa harapan namin. Nang sinundan namin ang tinitingnan nila ay sabay kaming napanganga ni Carlyn.


Dalawang motor kasi ang bumubusina at parating. Nang huminto ang mga iyon ay saka naman umugong ang mga kinikilig na bulungan ng mga schoolmates naming girls.


Isang black orange na Honda Click ang unang nagpark. Nang maghubad siya ng helmet ay dumiin ang pagkakakapit sa akin ni Carlyn. Kaya naman pala, it was Isaiah.


Napakaprekso at napakaguwapo nito sa suot na t-shirt na white, black baston slacks pants at black combat boots. Mula sa compartment box ng motor niya ay kinuha niya ang kanyang tuxedo na kulay grey.


Sa matte black na Honda Click naman ay ang naka-all black suit na si Arkanghel. Kahit hindi pa niya hubarin ang helmet ay alam ko nang siya iyon. Sa tindig pa lang, hindi ko na siya maipagkakamali sa iba. Lalo pa nang mapatingin ako sa mahahaba niyang daliri, kilala ko na siya.


Katulad ni Isaiah ay hindi siya nakapolo sa loob. Tshirt lang rin. Black ang shirt niya na pinapatungan ng black tuxedo at sa ibaba naman niya ay black baston slacks. Sa paahan niya naman ay low cut na black Converse na white ang sintas.
Hindi ko alam kung paano niya nagawa, pero effortless na nadala niya nang perpekto ang porma niya.


Hindi pa naghuhubad ng helmet si Arkanghel ay pigil-pigil ko na ang aking paghinga. Lalo pa nang ibaba niya na ang helmet sa upuan ng motor. Hihimatayin na yata ako sa kaba dahil para sa akin, wala na yatang mas guguwapo pa sa kanya.


"Mas guwapo si Arkanghel!" desidido ang tono ni Carlyn sa tabi ko. Ewan ko kung anong ipinaglalaban.


Kumikinang ang silver na hikaw ni Arkanghel sa kaliwa niyang tainga nang hagurin niya ang nagulo niyang buhok dahil sa helmet.


"Sinong partner mo tonight, Carlyn?" tanong ko nang makaupo na kami sa harap ng table namin.


Sa pinakasulok ang pinili naming okupahin.


Ngumiti siya nang matamis. "Si Jordan."


Ha? Napakunot-noo ako. Hindi naman estudyante si Jordan dito, ah?


May inginuso si Carlyn kaya napasunod ako ng tingin doon. Nasa dulong table namin si Mrs. Herrera kausap ang panganay nitong anak na si Jordan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang makitang naka-formal attire rin ang lalaki.


"See?" kinikilig na sambit ni Carlyn. "Siya ang date ko, Sussie. He's here because of me!"


Hay, oo nga naman. Carlyn is Carlyn. Wala na akong masabi.


Mabilis lang ang unang program dahil halatang hindi naman lahat ng estudyante ay nakikinig. Karamihan halos ay naboboringan na.


Nang patayin na ang ilaw at pumailanlang na ang isang sweet music ay roon lang biglang nagkabuhay ang paligid. Nagtilian pa nga sa tuwa ang iba. Okay, hindi naman talaga halatang excited sila.


Excited sila at ako? Heto, kabado.


♪ ♫

Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin


"Girl, palapit sa akin si Jordan." Impit ang boses ni Carlyn nang magsalita.


"May I dance with you?" Huminto sa harapan ng table namin ang guwapo pero parang walang emosyong si Jordan.


"Sure, bebe." Tumayo na si Carlyn pero lumingon pa ulit sa akin. "Paano girl, hintayin mo na lang kung sino mauuna kina Arkanghel at Hugo. Pag nagsabay, Jack en poy kamo." Kinindatan niya pa ako.


"Sira." Itinulak ko na siya sa naghihintay na si Jordan.


"Oo na nga e, pupunta na ako roon habang busy pa ang hilaw kong sister-in-law sa pakikipag-text sa jowa niya." Kalat na nga pala sa buong school na may boyfriend si Jillian; iyong lalaki na sumusundo rito na taga La Salle. 


Isa nga rin pala si Hugo sa nan-chismis sa akin tungkol doon. Curious din daw kasi siya kung may boyfriend na nga talaga ang vice president ng klase namin. Nagpustahan sila ni Carlyn. Talo si Hugo. Dahil sakto nang uwian, naabutan nila na sinundo ulit si Jillian. Nakita pa nilang nag-holding hands. Maghapon tuloy na badtrip ang itlog, nalagasan ba naman ng limang daan. Pero kinabukasan ay naka-move on na rin naman.  


Nang malapit na si Carlyn kay Jordan ay lumingon pa siya sa akin at kumindat. Napabungisngis na lang ako.


Nang nasa gitna na ang dalawa ay hanggang tingin na lang ako. Bagay naman sila. Parehong guwapo at maganda. Sana lang talaga ay ngumiti naman si Jordan kahit kaunti lang para naman mapantayan niya ang energy ng best friend ko.


Patingin-tingin lang ako sa paligid habang umiinom ng juice. Walang Arkanghel na lumalapit.


Mukhang bangko ako ngayong gabi. Pero ano naman kung walang kasayaw? Kakain na lang ako para hindi masayang ang pag-attend ko. Pati ang plato ni Carlyn ay hinila ko na rin papunta sa akin.


"Chubs."


Muntik na akong mabilaukan nang biglang may humawak sa balikat ko. Pagtingala ko ay si Hugo. Hay, kapag minamalas ka nga naman talaga.


Naupo siya inalisang upuan ni Carlyn. "Hindi eat all you can pinuntahan mo. Prom po."


"Pwede ba? Wala kang pake!" Pinagdabugan ko siya.


"Di mo man lang ba ako pupurihin?" Nangalumbaba siya sa harapan ko. "Mas lalo akong pumogi ngayon. Galing Manila pa 'tong suot kong tux baka akala mo. Sikat ang gumawa nito."


"So?" Sabay kagat ko sa sadwich na hawak ko. Kay Carlyn ito dahil naubos ko na iyong akin kanina.



♪ ♫

Huwag ka lang titingin sa akin

At baka matunaw ang puso kong sabik

♪ ♪



Nagulat ako nang abutin ako ni Hugo. Iyong daliri niya ang dumikit sa gilid ng bibig ko. "May mayonaise ka sa lips," malambing na sabi niya.


"A-ano ba?" Naiilang na napaurong ako.


Nakangiti lang siya.


"Umalis ka nga rito!"


"Sayaw tayo," biglang yaya niya.


"Ayoko nga!"


"Sabi ni Mommy, sayaw raw tayo." Kinuha niya ang kamay ko. "Pipicturan niya tayo. Nanghihingi kasi ng picture tatay bear mo."


"Hindi pa ako tapos kumain-" Nahila na ako ni Hugo patayo.


"Mamaya na 'yan." Hila-hila niya ako hanggang sa gitna ng dance floor.


Ipinatong niya ang mga kamay ko sa dibdib niya at inilagay ang mga palad niya sa bewang ko.



♩ ♪

Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin

♪ ♫


Nakayuko lang ako habang isinasayaw ako ni Hugo. Sobrang lapit naming dalawa ngayon. Sa katunayan, ngayon lang kami nagkalapit nang ganito.


"Sussie, 'ganda mo ngayon." Narinig kong bulong niya.


Umismid ako. "Ano namang nakain mo at pinupuri mo ako?"


Tumawa lang siya. Iyong tawa na hindi naman nang-aasar. Parang malambing. Parang tanga.


Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid

♫♫


Mayamaya ay nilapitan kami ni Mrs. Aguilar para kuhanan ng picture gamit ang dalang DSLR.


"Ang gaganda at ang guguwapo naman, mga anak," ngiting-ngiti ang mommy ni Hugo. "Bagay na bagay."


Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya, samantalang si Hugo ay wala namang reaction.


"Ipapadevelop ko ito at ibibigay kay Andres ang kopya." Nakangiti pa rin si Mrs. Aguilar.


Ang saya-saya niya na parang hindi siya iyong kilalang istrikta at masungit na teacher sa school namin.


"Matutuwa ang tatay mo, Sussie. Dalagang-dalaga ka na rito, o. Ang ganda-ganda mo."


"Thank you po."



♪ ♫

We're the king and queen of hearts

Hold me when the music starts

♫♫


Nagpalit na ang kanta pero gusto pang sumayaw ni Hugo.


All my dreams come true
When I dance with you
Promise me you're mine tonight
I won't wait in line tonight
While the lights are low
I'll never let you go

♩ ♪ ♫


Magpipilit na sana akong bumalik sa table ko dahil baka lumamig na iyong pagkain nang biglang may humawak sa braso ko.


"Pwede bang ako naman?" matigas pero mahinahon ang boses nang nagsalita.


"Arkanghel!" sambit ko. Bigla ko nang nakalimutan na balikan sa table iyong mga pakain.


Hindi ko na hinintay sumagot si Hugo dahil sa itsura niya, mukhang hindi siya papayag. Inunahan ko na agad sa paghila kay Arkanghel palayo. Wala naman nang nagawa si Hugo.


Humawak agad ako sa balikat ni Arkanghel para iharap siya sa akin. "Akala ko, hindi mo na ako isasayaw," nagtatampong sabi ko agad sa kanya.


Wala naman akong balak sumbatan siya ang kaso ay dire-diretso ang bibig ko. Hindi ko na talaga control 'to minsan.


"Pwede ba iyon?"


"Saan ka galing? Ngayon lang ulit kita nakita?"


Nakasimangot si Arkanghel nang sumagot. "Si Mrs. Aguilar e, bigla akong tinawag kanina nang lalapitan na sana kita."


Ha? Mommy ni Hugo?


"Inutusan ba naman akong tumulong sa pagbubuhat ng case ng softdrinks. Hindi ako makaalis kasi nakabantay siya kaya ginawa ko na lang iyong utos niya."


Bakit naman iyon ginawa ni Mrs. Aguilar kay Arkanghel? Prom ngayon at meron namang staff kaya bakit estudyante pa ang inutusan?


"Hayaan mo na," bulong niya sa tainga ko. "Hindi man ako ang first dance mo, hindi na ako papayag na hindi ako ang last."


"Arkanghel..." sambit ko dahil humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.


♫ ♬

Nanginginig na mga kamay
Puso kong hindi mapalagay
Pwede ba kitang tabihan
Kahit pa may iba ka nang kasama
Ito nang gabing 'di malilimutan


Parang atin ang gabi
Para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw
Na parang 'di na tayo bibitaw, bibitaw



Tahimik lang kami ni Arkanghel habang nakayakap ako sa leeg niya at siya ay nakahawak sa bewang ko.


Iba pala kapag ganito, naririnig ko ang tibok ng puso niya, nararamdaman ko ang mainit at mabangong hininga siya gilid ng leeg ko, at nararamdaman ko ang katawan niya sa katawan ko.


Matapos man ang sayaw, pangakong di ka bibitaw.Wag na wag kang bibitaw.Mahal tanging ikaw, ang nais kung kasayaw.


Kahit nagkadikit din kami ni Hugo kanina, iba pa rin ang pakiramdam na nasa bisig ako ni Arkanghel ngayon. Ibang-iba. Sa sobrang iba ay hindi ko namalayang nakapikit na ako habang itini-treasure ko ang bawat sandali.


♫ ♬

Mahal tanging ikaw

Ang nais kong kasayaw



"Sussie..." malambing na tawag niya sa akin.


"Hmn..." ungol ko dahil komportable na ako sa kalagayan ko. Hindi ko na rin alintana na halos nakayakap na ako kay Arkanghel at nakasandig na ako sa matigas na dibdib niya.


"Sussie..." kalabit niya sa balikat ko.


"Hmn... Ano nga?"


"Wala nang tugtog. Tayo na lang rito sa gitna."


Bigla akong dumilat. "Ha?!"


Nakangiti siya at ang abuhing mga mata ay puno ng amusement habang nakatingin sa mukha ko. "Sabi ko, tayo na lang po rito ang natitira sa dance floor.


Agad kong inilibot ang paningin ko sa paligid. Kami na nga lang talaga ang naririto dahil bumalik na sa kanya-kanyang table ang lahat. Wala na ring music.


Pero ano iyong naririnig ko kanina? Imagination na lang dahil sa sobrang feel na feel ko ang moments?


Nakatingin ngayon sa amin ang lahat dahil bukas na ang ilaw rito sa gitna, iyong iba nagtataka dahil bakit nandito pa kami ni Arkanghel. Iyong iba naman, kabilang si Carlyn, ayun, natatawa. Ahg, nakakahiya!


Nag-iinit ang pisngi ko nang hilahin na ako ni Arkanghel paalis. Ako, hiyang-hiya. Pero siya? Cool lang. Paano kaya iyon?


Pagkarating sa table ay tinukso agad ako ni Carlyn na nasa harapan namin. "Ano na, girl? Nadala na ba ng damdamin? Nakalimot na sa paligid?"


"Pst, wag mo nang asarin," saway sa kanya ni Arkanghel na nakaupo na rin sa mismong tabi ko.


"Asus!" tatawa-tawa lang ang best friend ko. "May knight in shining armor na tagapagtanggol ang leading lady na chubby."


"Carlyn!" napipikong banta ko.


"Oo na. Aalis na ako. Doon na ako sa table ng in laws ko, pakikisamahan ko na lang si Jillian." Tumayo siya. "Hoy, Arkanghel, aalis muna ako, ah? Madilim dito sa pwesto namin kaya magbehave ka riyan!"


Kahit madilim ay feeling ko namula si Arkanghel nang makaalis na si Carlyn. Kahit ako ay ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko nang maiwan na kaming dalawa.


Lalo pa kaming na-awkward ni Arkanghel nang sabay kaming mapatingin sa likod kung saan ay pader na. Nasa dulo lang naman ngayon doon sina Isaiah at Vivi na magkayapos. Ewan kung naghahalikan na naman.


Sa katabing table naman namin ay may magkakapareha na kung hindi naglalambingan ay pasimpleng nagtutukaan naman.


Mayamaya ay bumalik na ang music. Lalo na ring dumilim dahil pati ang yellow lights ay isa-isa na ring namatay.



♩ ♪

Parang atin ang gabi

Para bang wala tayong katabi
At tayo'y sumayaw
Na parang 'di na tayo bibitaw, bibitaw...


Ang awkward tuloy nang mga sumunod na minuto sa amin ni Arkanghel. Wala kaming mapag-usapang topic. Iinom-inom na lang kami ng juice at pigil na pigil ang mga sariling tumingin sa paligid.


Mayamaya, nagsalita siya sa mababang boses. "Sussie..."


Sa wakas, nagsalita na siya. Tumingin ako sa kanya. "Bakit?"


"Next week, graduation na." Inabot niya ang kamay ko sa ibabaw ng table. "Remind ko lang sana, liligawan na kita."


"Ah... Oo..."


"Phone mo."


Hindi na ako nakapagtanong kung bakit need niya ang phone ko dahil kinuha niya na iyon sa ibabaw ng mesa. May kinalikot siya at nang ibalik niya iyon sa akin ay napanganga ko.


Hindi ko alam ang sasabihin. In-alarm lang naman niya sa gabi mismo ng graduation namin. Ang title: "Arkanghel's first day"


"Ikaw na ang bahala sa sagot. No pressure. Pero remind ko lang rin, hindi ako basta-basta sumusuko."


Nang tingnan ko siya ulit ay ngumiti siya na halos ikalusaw ng puso ko.


JF


𝗖𝗿𝗲𝗱𝗶𝘁𝘀:
Ngiti by Ronnie Liang
King and Queen of Hearts by David Pomeranz
Prom by Sugarfree/ Jadine

Continue Reading

You'll Also Like

20.4K 245 3
Kathie Zahara or known as Calipper ay isang sikat na fashion model. Opportunities were knocking on her door but she's refusing them. Bukod kasi sa pa...
8.9M 183K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
68.6K 4K 17
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.