The Governor's Son ✔ (Haciend...

By PsychopathxXx

9M 216K 90.2K

[Published under PSICOM Publishing Inc.] They are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ikaanim na Kabanata
Ikapitong Kabanata
Ikawalong Kabanata
Ikasiyam na Kabanata
Ikasampung Kabanata
Ikalabing-isang Kabanata
Ikalabindalawang Kabanata
Ikalabintatlong Kabanata
Ikalabing-apat na Kabanata
Ikalabing-anim na Kabanata
Ikalabimpitong Kabanata
Ikalabing-walong Kabanata
Ikalabing-siyam na Kabanata
Ikadalawampung Kabanata
Ikadalawampu't Isang Kabanata
Ikadalawampu't Dalawang Kabanata
Ikadalawampu't Tatlong Kabanata
Ikadalawampu't Apat na Kabanata
Ikadalawampu't Limang Kabanata
Ikadalawampu't Anim na Kabanata
Ikadalawampu't Pitong Kabanata
Ikadalawampu't Pitong Kabanata
Ikadalawampu't Walong Kabanata
Ikadalawampu't Siyam na Kabanata
Ikatatlumpong Kabanata
Ikatatlumpo't Isang Kabanata
Ikatatlumpo't Dalawang Kabanata
Ikatatlumpo't Tatlong Kabanata
Ikatatlumpo't Apat na Kabanata
Ikatatlumpo't Limang Kabanata
Ikatatlumpo't Anim na Kabanata
Ikatatlumpo't Pitong Kabanata
Ikatatlumpo't Walong Kabanata
Ikatatlumpo't Siyam na Kabanata
Ikaapatnapong Kabanata
Ikaapatnapu't Isang Kabanata
Ikaapatnapu't Dalawang Kabanata
Ikaapatnapu't Tatlong Kabanata
Ikaapatnapu't Apat na Kabanata
Ikaapatnapu't Limang Kabanata
Ikaapatnapu't Anim na Kabanata
Ikaapatnapu't Pitong Kabanata
Ikaapatnapu't Walong Kabanata
Ikaapatnapu't Siyam na Kabanata
Ikalimampung Kabanata
Ikalimampu't Isang Kabanata
Ikalimampu't Dalawang Kabanata
Ikalimampu't Tatlong Kabanata
Ikalimampu't Apat na Kabanata
Ikalimampu't Limang Kabanata
Ikalimampu't Anim na Kabanata
Ikalimampu't Pitong Kabanata
Ikalimampu't Walong Kabanata
Ikalimampu't Siyam na Kabanata
Ikaanimnapung Kabanata
Huling Kabanata
Appreciation and FAQs
Ispesyal na Kabanata
Christmas Special
To be published under PSICOM Publishing Inc.
Published Book Announcement
#WelcomeHomeTGS

Ikalabinlimang Kabanata

110K 2.7K 841
By PsychopathxXx

KABANATA 15

The sophisticated mother

"Sai!" Nena shouted from the house. Nakatunghay siya sa bintana at malayang kumakaway. Malayo pa lang ako malakas na sigaw niya ang bumungad sa akin. My nose wrinkled. Ano kayang nakain ng isang iyon? Kung makatawag parang wala ng bukas.

Medyo nahihilo pa ako sa pagbaba ng van. Nang makapasok ako ng bahay, sinalubong niya ako nang malaking ngiti. Hawak na naman niya ang bagong alagang pusa --- si Star at Lala. Nakasuot pa rin siya ng kanyang elementary uniform. Inilapag ko ang aking bag sa mesa.

"Sai, nakita ko iyong mama ni Cadence! Ang ganda niya, mukhang hindi matanda!" muling sigaw niya sa aming distansya. Malapit lang ang pagitan namin, nanuot ang matinis niyang boses sa buong kalamnan ko.

Kumunot ang noo ko sa kanyang sinabi. "Ang panget ng description mo, Nena. Ang bastos ng mukhang hindi matanda." Kung iba ang makakarinig noon, baka ma-offend sa ganoong pananalita. Sumimangot sa akin si Nena.

Dumiretso ako sa water jag namin para kumuha ng tubig. Kanina pa ako nauuhaw, sinamantala ko ang malamig na tubig. Mukhang maya - maya pa ang dating nila nanay.

Jutay was right. Reliable source naman talaga siya pagdating sa tsismis. Cadence's parents are really in town. Ilang araw na sila ritong nanatili sa Tagbakan.

Sa hindi ko malamang dahilan, kinakabahan ako roon. It felt like I have to be on their good side. Hinihiling ko na lang na hindi ko sila makadaupang - palad kahit minsan. It's impossible. Masyadong maliit ang hacienda para sa mga taong gustong magtago.

Tumikhim si Nena sa pangalawang inom ko ng tubig. "Ipapakilala ka ba ni Cadence sa magulang niya?" tanong niya, muntik na akong mabulunan.

I coughed out loud. Ibinaba ko ang baso habang tinatampal ko ng malakas ang aking dibdib. Sumandal ako sa gilid, habol ko ang paghinga.

"Hindi. Ang dami mong alam. Bakit naman niya ako ipapakilala, aber? Wala kaming relasyon. Ang bata ko pa, Nena."

Inismiran niya ako. "Ang advance mag-isip. Hindi ko naman sinasabing may relasyon kayo. Nagtatanong lang ako."

Umirap ako sa ere. Binalikan ko ang bag ko sa mesa. Nakaupo na si Nena sa silya habang gumagapang ang kanyang alaga sa mesa. "Saan mo naman nakita?" I asked her.

"Dumaan kami sa mansyon kanina. Naabutan naming nasa labas siya. Mukha siyang modelo, Sai. Wala kang panapat."

Sinamaan ko ng tingin ang paslit. May kasama pang pang-iinsulto, whenever she gets the chance. Hindi naman ako makikipag-kompetensya sa mama ni Cadence. Binuksan ko ang zipper ng bag ko na may lamang pasalubong. Cadence gave me chocolates and candies earlier. Para kay Nena talaga iyong candies at ilang chocolates. Alam kong matutuwa ang magaling kong pinsan.

I was hesitant to accept it at first. Baka kung anong isipin ng magulang ko. Hindi naman ako nabibigyan ng ganoon. Ngayon lang, lalo pa't lalaki ang nagbigay. I remember what he said earlier. "MASAMA BANG MAGBIGAY NG CHOCOLATES SA FRIEND?" And we both laughed.

Friends. Yeah, sure. Friends naman talaga kami.

"Chocolates. Galing kay Cadence." Her eyes widened excitedly.

Inabot ko ang ilang box ng chocolate at supot ng candies. "'Laging uminom ka ng tubig para hindi maipon ang sweets sa tonsil mo at mag-toothbrush." paalala ko sa kanya.

"Hindi ako bata, Sai." She rolled her eyes at me. "Pakisabi kay kuya Cadence. Thank you. Mukhang masarap ang mga tsokolate." Humagikhik siyang binuksan ang isang pack ng candies.

Napaka-plastic ng pinsan ko. She just called Cadence 'kuya'. Hindi man lang niya ako matawag na ate! Tinuktukan ko siya sa noo bago ako pumasok ng kwarto. Hindi naman siya nakapalag. Malamang pinalampas na rin niya dahil busy siya sa kanyang tsokolate.

I shook my head.

Ibinagsak ko ang aking bag sa kwarto. Nagpalit ako ng pambahay bago ako muling bumaba para magluto ng pagkain para sa hapunan. Wala na sa kusina si Nena, wala na rin doon ang mga alaga niya.

She's probably just outside playing with them. Napakagaling talaga ng pinsan ko, hindi man lang marunong magkusa na tumulong. Mapapagalitan na naman iyon dahil hindi na siya nagpalit ng uniform. Baka marumihan pa ng sobra.

Nagmano ako kay tatay pati kay nanay nang sabay silang dumating. Handa na ang hapunan. Kinuha ko ang bitbit ni nanay na mga gulay.

"Kumusta ang school, Sai?"

She looked really tired. Inabutan ko siya ng tubig. Ngumiti ako. "May exam results na po kami. Nakuha ko na po ang test papers." sagot ko kay nanay. Napalingon si tatay sa sinabi ko.

I took the examination last week. Maayos naman ang grades ko. "Kukuhanin ko po." Hindi ko na hinintay ang sagot nila, patakbo akong pumasok ng kwarto. Madali kong nakuha sa bag ang exam papers, mahipid pa iyong nakatupi.

Mabilis akong bumaba dala ang test papers. I gave the results to tatay. Sinuri niya iyong mabuti. I looked at him expectantly.

"Bakit may mali? Saan ka nagkamali?"

He was referring on the Math result. Namali ako sa isang number sa pagkalito ko sa computation. I gulped. "Isang number lang naman po, 'tay." I tried to say.

Matagal niya akong tiningnan. "Hindi 'lang', Sai. Ang isang pagkakamali pwedeng makapagpabago sa buhay ng tao. Sa isang pagkakamali, pwedeng mawala ang lahat ng pinaghirapan ng isang tao. Ganoon kabigat ang isang pagkakamali. Naiintindihan mo ba?" Bumuntong - hininga siya at ibinalik sa akin ang test papers. "Kumain na tayo. Tawagin mo na si Nena." anyaya ni tatay pero wala roon ang atensyon ko.

I looked at the test papers again. Ang bigat ng pakiramdam ko habang nakatingin sa isang maling number. Kinagat ko ang aking labi habang naglalakad pabalik ng kwarto. It felt like I disappointed him. Mataas naman ang scores ko, pero iba pa rin iyong gusto niyang makita.

Hindi ko gusto ang pakiramdam. I commit mistakes, it is the nature of being a human. And I am a human.

Sumabay ako sa pagkain nang masama ang pakiramdam. Iyong naramdaman kong excitement para kanina biglang naglahong parang bula. I was there, but my mind was flying elsewhere. It was the first time I heard that from my father. Kulang nga yata ang effort ko.

And I felt bad.

***

"Sai, daanan mo sa green house ang mga gulay mamaya. Ipinapadala iyon sa mansyon. Isama mo si Nena, manghihiram yata 'yan ng notebook sa kapatid ni Jutay." bilin ni nanay habang naghahanda papuntang green houses. Kanina pa nakaalis si tatay. Maaga akong nagising para ipagluto sila ng agahan. "Ewan ko ba r'yan sa pinsan mo, pati pagsusulat, kinatatamaran."

"Bata pa po si Nena." I told her.

Ngumiti siya sa akin. "Kaya dapat mas maaga, matuto na siyang maging responsable. Hindi sa lahat ng oras, and'yan ako, ang tatay o ikaw para sa kanya. May mga bagay na kailangan niyang matutunan mag-isa." Napatigil siya nang makita ang ekspresyon ng mukha ko. Huminga siya nang malalim. "Alam ko ang iniisip mo, anak. Kailangan pa ring matuto ni Nena."

Tumango ako kay nanay at kumaway nang makaalis na siya. Naiwan ako sa labas ng bahay. Iniisip ko pa rin iyong reaksyon ni tatay kagabi. Ganoon pa rin ang pakiramdam ko. It's getting into my system. Maybe, this is going to be my high school life. This is high school life.

Nang matapos ako sa gawaing bahay, inihanda ko si Meow sa pagpunta namin ni Nena sa gitna. Nag-pack ako ng pagkain para sa mga magulang kong nagtatrabaho sa sakahan at gulayan. Inihatid ko ang lunch ni tatay sa sakahanng mas maaga. Hindi rin naman kami nagtagal doon para sa habilin ni nanay.

"Ang tagal mo nang nangangabayo pero hindi mo pa rin kabisado." sigaw ni Nena sa tapat ng tainga ko nang tumapat kami sa green house. Masakit iyon sa tainga kaya hindi ko sinasadyang maitulak siya pababa ni Meow.

Medyo sinasadya.

Agad akong bumaba para daluhan siya. She was about to cry. Bahagyang namula ang kanyang mukha, malamang sa inis.

I blinked, her features became more distinct. Hindi ko kamukha si Nena. She looks better than I could ever be. That's a fact. Alam ko ring mas tatangkad siya sa akin.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya para alalayan siyang makatayo. "Napakasama ng ugali mo, Sai. Hindi naman kita inaano!" singhal pa niya matapos tanggapin ang kamay ko. Tinulungan ko siyang ipagpag ang kanyang bestida. Pareho kaming nakasuot ng bestidang magkaibang kulay.

"Hindi ko sinasadya. Ikaw ang nanigaw sa tainga ko."

Imbes na pakinggan ako, nauna siyang maglakad patungo sa green house. Malalaki ang hakbang na ginawa niya. She's still pissed.

Agad na namataan ko si nanay katabi niya si Aling Marta, mukhang hinihintay nila ang pagdating namin ni Nena. Nakaabang na ang basket na dadalhin namin sa mansyon.

Ngumisi sa akin si Aling Marta nang makita niya ako. Kasamahan siya ni nanay sa green house. Iyon ang pinagkakakitaan ng halos lahat ng kababaihang nasa Tagbakan.

"Walang ibang pwedeng mapakisuyuang maghatid ng mga iyan sa mansyon. Parang naglahong bula ang mga kalalakihan dito. Pasensya na, Sai." wika ni Aling Marta nang makalapit ako sa kanila ng tuluyan. Isang irap ang natanggap ko kay Nena na unang nakarating sa kanilang tayo.

"Ayos lang po, walang pong problema." agad kong sagot. Inabot ko kay nanay ang pabaon kong lunch. Hindi naman iyon nakatakas ng paningin kay Aling Marta na nakangiti.

"Aba, marunong na palang magluto. Alam mo ba ang sabi ng matatanda? Kapag marunong na raw magluto, handa nnang magpakasal at mag-asawa." Nang-iintriga ang kanyang mata.

Sa anong panahon kaya iyon nauso? Ngayon kasi uso na ang citations. According to de los Reyes, M. panahon ng kupong - kupong, ganoon dapat.

Ngumiwi ako. "Kahit naman po marunong magluto o hindi, pwedeng mag-asawa. Hindi naman po pagiging kasambahay ang criterion para makahanap ng lalaki." Binitbit ko ang basket. "Dadalhin ko na po ito sa mansyon."

Parehong nalaglag ang panga nilang dalawa. Naging oportunidad ko iyon para magpaalam. Hindi na nakasagot ang kahit isa kanila o bago pa man ako pagalitan ni nanay, tumalikod na ako at humakbang palayo. Mabilis akong naglakad patungo sa bukana. Kasunod ko si Nena. I shook my head. Si Aling Marta masyadong intrigera. Ayoko sa ganoon.

Hindi naman gaanong mabigat ang laman ng basket. Madali ko itong nabitbit. Una kong pinasakay si Nena kay Meow bago ako umakyat sa saddle.

"Walang seatbelt ang kabayo, kumapit ka nang mabuti." paalala ko sa kanya.

She did. May kasamang pagkurot pa iyon sa tagiliran ko kahit nasa pagitan namin ang basket na pinadala ni nanay. May konting hapdi. Hindi ako gumanti, my mind wasn't focused on her.

Pinasibad ko na si Meow patungong mansyon ng mga Ponce. Hindi kagaya ng aking inaasahan, mabilis kaming nakarating sa gitna. Kabang - kaba ang buong pagkatao ko. I am hoping not to see Cadence's parents. Kahit anino ng isa sa kanila.

Sana.

Napailing ako. Why am I even nervous about this? Wala namang masama! I tried convincing myself, pero hindi pa rin ako mapalagay.

"Tutunganga na lang d'yan?" inis na wika ni Nena. Her voice sent me back to reality. Nakababa na siya sa kabayo ko, pati ang basket.

Huminga ako nang malalim, dahan - dahan akong bumaba kay Meow. Isinunod ko iyong basket. Nasa tapat kami ng mansyon. The more I stared at the enormous mansion, the more I realized how wealthy the Ponces are. The more I realized about the statuses in life. Does status really matter? Or they don't?

Akala ko dati ang mayaman para sa mayaman, but at some point, it doesn't work that way every time. Hindi lahat ganoon ang kinahihinatnan. Some break the stereotypes. Hindi rin lahat kagaya ng unang in-assume kong matapobre.

"Sai! Hi, Sai! Nena, you're here!"

I blinked. Nang mag-focus ang mata ko sa taong papalapit, luminaw ang mukha ni Chance. Siniko ako ni Nena at bumulong sa tabi ko. "Ako na ang magdadala kay Meow sa kwadra, ikaw na lang ang pumasok sa loob."

Bumaling ang tingin ko sa kanya. I gave her a disapproving look. Hindi pwede! Kailangan niya akong samahan hanggang sa loob ng mansyon.

She wrinkled her nose. Tumitig siya nang masama sa akin. "Ikaw ang inutusan ni nanay. Isa pa, hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo sa akin kanina." maarteng pahayag ng pinsan ko.

Inirapan niya ako at hinatak si Meow papalayo sa senaryo.

Para akong napako sa aking kinatatayuan habang pinapanood silang tuluyang makaalis. Hindi lumingon si Nena kahit anong tawag ko sa kanya. I bit my lip. Medyo masinag ang araw, pinapamawisan na ako. I used my hand to shield my eyes from the rays.

"Chance!" Ngumiti ako at kumaway.

"Hey!" Humalakhak ang lalaki at nakipag-apir. "What are you doing here? Are you looking for Cadence?"

Mabilis akong umiling. "Ha? Hindi!" Agad kong tanggi.

I'm not here for Cadence. Well, partly. Baka may nakaw na silay sa kanya, pero kung wala naman, okay lang. I shook my head. Binitbit ko ang basket na nakalapag sa pangmayamang damo ng mga Ponce.

"Oh, really?" He eyed the basket I was holding. Mukhang naintindihan niya ang pinunta ko sa kanila. "Gusto mo bang tulungan na kitang magbitbit? I'll carry it for you." Offer ni Chance, hindi naman ako tumanggi. Baka mabitawan ko pa iyon sa kaba ko.

I gave him the basket. Nagpasalamat ako sa kanya habang naglalakad kami papasok ng premises ng mansyon.

"No worries, Sai. I got you." He smiled. Ngumiti naman ako pabalik.

In all honesty, Chance is the kindest among the Ponce. Wala siyang ere sa katawan. Gwapo, charming at mabait. Girls would fall for him. Girls would fall for his kindness. Girls would fall for how he treats them.

On the other hand, it is everyone's right to be treated right. Ganoon dapat ang kalakaran. Chance and I weren't in any kind of relationship but just friends, yet he's treating me the right way I should be treated. And I deserve that. Everyone deserves that.

Naaliw ako sa kanyang kwento, pansamantala kong nalimutan ang kaba sa aking dibdib. Panandalian lang iyon. The moment I stepped my foot in the mansion, I felt the intense throbbing of my heart inside its cage. Again.

Tumungo kami sa bandang kanan. I remember the first time I went here, natalapid pa ako ng dahil kay Cadence. The memory made me smile. It felt like a long time, but it wasn't that long.

"Chance Macario!" sopistikadang boses ang bumungad sa amin. Pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. Parang binubundol na naman ng malaking truck ang puso ko. "Did you see Hadley?"

A tall, elegant woman in her late thirties descended in the staircase. Nakasuot siya nang mamahaling bestida na humahapit sa kanyang magandang hubog na katawan. Mukha siyang isang model na lumabas mula sa isang pahina ng magazine. And I know exactly who she is, Oleya Bettina Ponce.

Nena's right. She looks like a model and she's beautiful.

"No, tita. I didn't see Hadley since I got here. Nasa tabi - tabi lang po iyon." Chance explained. "Do you need anything po? I'll do it myself. And oh, by the way," sinulyapan ako ni Chance. I gulped. Nabaling sa akin ang atensyon ng babae. Sinipat niya ang kabuuan ko.

Tumaas ang kanyang kilay. "Oh, you got company. I see."

"This is Sai Everly Maligno, she's a friend. Schoolmate din po namin si Sai." Chance told her. Nawala ang dila ko para makapagsalita o batiin man lang ang mama ni Cadence.

Interesado niya akong tiningnan. "Maligno? Who are your parents, miss?" Oleya Bettina asked.

Mas lalo akong kinabahan sa tingin niya. "A-antoine M-maligno a... at C-cessily." natataranta kong sagot. Pinasadahan niya ako ng tingin. I felt like a mud dirt in her scrutinizing stare. There's something about it, I can't pinpoint.

Lumipat siya ng tingin kay Chance. "No need. Tell Hadley, if you see him, I am looking for him."

Nagtungo siya sa main door entrance ng mansiyon. Naiwan kami ni Chance sa bahaging iyon ng mansyon. Kulang na lang mapanganga ako. My heart's thumping very fast.

Narinig ko ang paghalakhak ni Chance sa tabi ko. "Hinga, Sai. Huminga ka, okay? Wala pang meet the parents iyan, ganyan na ang reaksyon mo? What more if Cadence will introduce you to them?" Nag-wiggle pa ang eyebrows niya.

"Hindi naman iyon mangyayari. Bakit mo naman iniisip na mami-meet ko ang magulang niya?" nanlalaki ang mata kong tanong. It got my curiosity.

"One of these days, Sai. Ihaharap ka noon sa kanila, as far as I know, my cousin is serious about you."

Naiwan ang mga katagang iyon sa utak ko. Serious? Baka pag-asawahin na ako ni tatay kapag nalaman niya ito. Chance chuckled again. "Tulala ka na naman! Let's go! I'm sure, Manang Sisa is waiting for these fresh vegetables."

Chance and I went to their kitchen. And he's right, hinihintay na nga ni Manang Sisa ang mga gulay na ipinadala sa akin ni nanay. Akala raw niya ay hindi pa iyon makakarating, ipapasundo na sana sa isang tauhan sa mansyon.

Matapos kong iwan ang basket kay Manang, agad din akong nagpaalam. Naghihintay pa si Nena sa labas. Alam kong maiinip ang isang iyon kapag nagtagal pa ako sa loob. Inihatid ako ni Chance hanggang sa labas.

I was praying I would see Cadence, wala naman ang mokong. I wonder where he is, at the moment. Nahihiya naman akong magtanong kay Chance. Baka kung anong isipin niya.

"Salamat, Chance! Sa uulitin muli!" Kinawayan ko siya.

"Sure, no worries, Sai. Bye! Ingat kayo ni Nena."

Tumango ako sa kanya. Hinanap ng mata ko ang magaling kong pinsan.

Nena was nowhere to be found. Ang buong akala ko sa may gazebo siya tatambay habang wala ako. She wasn't there. Tiningnan ko ang kwadra ng mga kabayo malapit sa mansyon.

She was there, crying on the floor. Sa maduming sahig ng kwadra. Nasa harap niya ang sopistikadang ina ni Cadence. Nakatalikod sa akin ang babae kaya hindi ko makita ang ekspresyon nito.

Nahabag ako sa kinalalagyan ni Nena. Wala akong ideya kung bakit nakalupasay siya sa kwadra at mas lalong hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. Nakaramdam ako ng inis para sa babae. Inaapi niya ang pinsan ko. I can't let that happen, kahit siya pa ang ina ng lalaking gusto ko.

Hindi maproseso ng utak ko ang kanilang usapan nang papalapit ako. She was saying something, but Nena's cries was the only thing I heard. It was agitating me.

"Castalla Nena! Bakit ka nakaupo r'yan?" sigaw ko kay Nena. Mabilis ang naging lakad ko at dinaluhan ko siya. "Tumayo ka!" I hissed.

Nena looked at me. Basang - basa anng kanyang pisngi ng luha. Hinawakan ko siya sa magkabilang braso para itayo. Pinagpagan ko ang kanyang bestida. I faced Oleya Bettina with my determined look. "Excuse me, ma'am! Kung ano man po ang ginawa sa inyo ng pinsan ko. It's still not the right way to treat her!" matigas kong sinabi. Bawat salita, mariin. "Bata po ang kausap ninyo."

Baka akala yata nitong aatras lang ako ng basta. Hindi! Pinaiyak niya si Nena. Some people are so entitled because of their statuses in life and their age that is why they think it is okay to belittle someone. At por que't mas nakakatanda sila, there's a sense of superiority para hindi i-respeto ang nakababata. Iyon ang maling aspeto ng society. Alam kong nasa lugar ako para mangatwiran.

Her eyes were murderous. "Get out, you two! Out! Out!" nangangalaiti nitong wika sa aming dalawa. "I don't want to see your faces here ever again!"

My nose flared with irritation, as well. "We're technically outside, ma'am.." kalmado kong wika. Mas lalo kong nakita ang galit sa kanyang mga mata. "Dito po kami nakatira sa Tagbakan, magkikita at magkikita po tayo."

Magtayo siya ng sariling hacienda kung ayaw niya kaming makita rito. Matuwid si Don Fausto para palayasin kami ng dahil lang doon. Hinila ko si Nena kasama ang kabayo kong si Meow paalis sa harapan ng babae. Nanginginig ang buong kalamnan ko sa komprontasyong naganap. Wala akong ideya kung bakit siya galit sa pinsan ko, pero ang i-trato niya ng ganoon si Nena, it will never be okay.

Mukhang wala ng meet and greet sa parents ni Cadence.

Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Nang bahagyang makalayo kami sa mansyon, hinarap ko siya.

"A-ate Sai... s-sabi niya... sabi niya..."

Hindi ko pinatapos ang kanyang gustong sabihin. I hugged her. She doesn't need to tell me, because I know. I know what happened back there, and it wasn't her fault. I let her cry as I hugged her, namumuo rin ang luha sa mata ko.

I know why. I just know...

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 29.3K 30
Elleana Syquia lives the life every girl envies and dreams about. Dugong-bughaw na lang ang kulang, papasa na siyang maharlika. She was born and rais...
276K 22.2K 4
Beneath a broken mask lies the truth behind the façade, and while masks can conceal pain, they cannot mend wounds. In the end, no mask was worth the...
55.9K 1.5K 31
CAPTIVATING WOMAN #1 Status: Completed He liked me first, I loved him first. He's my best childhood boy bestfriend. We're still young at the time tha...
168K 2.8K 49
ON-GOING Hindi alam ni Kiera na dahil sa isang listahan ng utang makikilala nya ang isang lalake. Si Dwight, ang lalaking hindi niya akalaing kapatid...