His Opposite Intention (Compl...

By Bsmsunny

12.1K 2.6K 4.2K

Dahil sa naging hula ay pangamba ang nadarama ni Mia Marie Rosales, isang fourth-year criminology student ng... More

His Opposite Intention
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Epilogo

Prologo

1.5K 289 664
By Bsmsunny

Prologo

"Personal assistant? Baka naghahanap ka ng personal assistant ako ang kunin mo! Madali akong utusan!" taas kamay kong sinabi habang nakasunod sa likod niya.

"I have my PA already."

Napalunok ako ng laway dahil sa narinig. Napatigil lang ako sa pagsunod sa kaniya nang umupo siya sa mahabang sofa at sabay pinagkrus nito ang magkabilang tuhod. Kinuha niya rin ang diyaryo sa ibabaw ng mesa at nagsimulang magbasa.

Umupo ako sa tabi niya. "Tagaluto? Marunong ako magluto! Kahit anong Filipino dishes alam-"

"I know how to cook." Nasa diyaryo pa rin ang tingin nito.

Hindi ako tumigil. Nag-isip ulit ako.

"Ah! Marunong ako m-maglaba! Baka naghahanap ka ng labandera para sa mga damit mo pati mga underwear! A-Ako! Ako ang kunin mo!" Itunuturo ko pa ang aking sarili.

Napansin ko pa ang mariin niyang pagpikit. Napaigtad pa ako sa kinauupuan ko nang inihampas niya pabalik sa mesa ang diyaryo. Napahilot pa nga ito sa kaniyang sentido bago inis na bumaling sa akin.

"I know how to wash my clothes and even my damn underwear, Mia Marie Rosales."

Buwisit. Wala bang hindi alam ang lalaking ito? Lahat nalang yata alam niya. Ngunit hindi ako sumuko hanggang sa may isang bagay siya na ipinapagawa sa akin na hindi ko inaasahan.

"But I have a challenge for you."

Dahil sa sinabi niya ay napakunot-noo ako. Nandito kami ngayon sa isang kilalang restaurant. Magkaharap sa pandalawahang mesa. Hindi ko inaasahan na may pa ganito pa siyang pakulo. Ano ba talagang klaseng trabaho ang ipapagawa niya sa akin? Bakit parang kinakabahan ako? Hindi naman siguro ilegal na gawain ang ipapagawa niya sa akin?

"Challenge?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.

Imbes na sagutin niya ako ay uminom muna ito ng tubig sa kaniyang baso. Napaayos pa nga ako sa pagkakaupo nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin. Naramdaman ko lang ang tinding kaba sa aking sistema nang makitang seryoso ang mukha niyang nakatitig sa akin.

Nang marinig ko nga ang sinasabi niyang challenge ay sobra lamang ang pagkagulat ng aking mukha. Wala sa oras ko pang naibuga ang iniinom kong tubig sa harapan niya. Kaya ang ending ay natalsikan pa tuloy ng tubig ang kaniyang mukha dahil sa matinding pagkagulat ko. Napapikit pa nga siya nang mariin.

"A-Ano?!" Napatayo pa ako sa sobrang gulat.

Hindi siya nagsalita bagkus ay kumuha siya ng tissue sa gilid ng mesa at walang emosyong pinunasan ang mukha. Medyo nahiya pa ako sa ginawa ko pero mas nangingibaw ang pagkagulat ko!

Hindi ko na alam kung tama ba ang pinasukan ko. Anong klaseng challenge ito? Naghahanap lang naman ako ng matinong trabaho tapos may pa ganito pa siyang pakulo? Anong klaseng employer siya? Nababaliw na ba siya?!

"Ano ba itong pakulo mo? Ha? Isa itong diskriminasyon ang pinapagawa mo! Hindi mo ba alam na maraming mga tao ang nahihirapan makahanap ng trabaho ngayon dahil sa diskriminasyon-" napatigil ako bigla sa pagsasalita nang may inabot siyang papel sa akin.

"I think you need to read this."

Inis kong inagaw ang hawak niyang papel. Napansin ko pang pinagkrus niya ang magkabilang braso sa harapan ko nang makita ang iritasyon sa aking mukha.

Alam kong hindi dapat ako nag-iinarte ngayon dahil kinakailangan ko ng trabaho pero hindi ko lang talaga maiwasan mainis dahil sa isang katulad niya kaya maraming mga taong naghahanap ng trabaho ang hindi natatanggap dahil sa isang isyung panlipunan na iyan sa ating bansa.

Habang binabasa ko ang nakasulat sa papel na kaniyang ibinigay ay napakunot-noo pa ako nang mabasa ang panghuli. Pakurap-kurap pa nga ako. Namamalikmata lang yata ako pero kahit ilang kurap ang gawin ko nandoon pa rin iyon nakasulat.

"Do you think my manager will accept you? If I still hire you? Look." Huminto muna siya sandali sa pagsasalita at inayos pa ang pagkakaupo. Ipinatong din nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Tinutulungan kita ngayon para matanggap sa trabahong ito. I know you badly need this job." Madiin niyang itinuro ang nakasulat sa papel.

Gulong-gulo akong nag-angat ng tingin sa kaniya. "Puwede mo naman pakiusapan ang manager mo baka-"

"Kung hindi mo kaya ang pinapagawa ko sa'yo ay mas mabuting maghanap ka nalang ng ibang trabaho," putol nito sa sinabi ko.

Parang hindi big deal sa kaniya ang pinapagawa niya sa akin. Parang wala lang sa kaniya. Nakakainis!

"So what's your final decision?"

Napalunok ako ng laway nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Hinihintay niya ang sagot ko habang ako heto nakatayo pa rin sa harapan niyang gulong-gulo ang isipan kung papayag ba ako o hindi sa buwisit niyang challenge!

"Don't worry I will double your salary."

Bahagyang nagulat ako sa offer niya.

"Pero baka puwede-"

"I will triple your salary. This is my last offer for you, MM."

Kung kanina ay bahagyang nagulat ako. Ngayon naman ay laglag panga pa ako sa offer niya. Ang laking sahod na ito. Sobra-sobra pa nga! Isang malaking sahod na ito para matulungan ko ang aking pamilya!

"I will give you ten seconds to think."

T-Ten seconds?! Baliw ba siya?!

Nakita ko pang pinupunasan niya ngayon ang kaniyang labi gamit ang table napkin. Nagsisimula na rin siyang magbilang pababa.

Teka lang!

Makakaya ko ba ang pinapagawa niya? Sinabi ko naman hindi ba dati sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para sa pamilya ko? Nakasalalay dito ang buhay ng pamilya ko.

Ang buhay ni Papa.

"Five..."

Nasa kalagitnaan palang siya nang pagbibilang ay nagsalita na ako. "Pumapayag ako. Gagawin ko ang gusto mo," may panindigan sa boses ko at sabay bumalik sa pag-upo.

"Then, you're hired."

Continue Reading

You'll Also Like

25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
192K 3.4K 83
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
5.8K 447 13
The Gods' Mission Series #1: Morpheus She's a painter. She loves to paint as a hobby. But when she saw a picture of a Greek god on her book, she was...
45.9K 1.4K 39
Heart Rosenstein is a known brat that was spoiled rotten by her grandparents . Everything that she wishes for was given because it is the only way th...