Mader Teresa
+639645315796
8/04/2019 Sun 10:15 AM
Erich:
Maaa!
Maderrr, deaaar
May balita ako
Mader:
Uy, anak
Buti naman at napatext ka
Erich:
Obvious naman na may load tayong dalawa ma HAHAHAHA
Mader:
Pero di to unli, baka naman
Erich:
Hoy Ma, bumabaka naman kana din haa
Sinong nagturo n'yan sa'yo at nang mabatukan ko HAHAHA joke
Mader:
Kung si bunso nagturo? Babatukan mo pa rin?
Erich:
Hindi ma, pepektusan ko lang
Mader:
HAHAHAHA nga pala ano ang iba balita mo?
Pwede mo namang ibalita ng personal
Kailan ka ba bibisita dito? Baka natirhan na ng multo ang kwarto mo
Erich:
Sus, takot lang nila sa mga mukha ko sa pader
Pero gagawin ko na ma
Mader:
Ha?
Erich:
Magreretake na ako ng licensure exam this coming September
Mader:
Tama ba ang nababasa ko?
Di ako namamalikmata?
Erich:
Opo, Ma
Mags-start na akong magreview next month
Sapat na siguro ang one month para magbalik aral
Mader:
Masaya ako para sayo anak
Siguradong makakaya mo 'yan kahit pa isang araw lang na review
Baka nga hindi mo na kailangang magreview pa
Erich:
Luuuh ma, kailangan ko parin talaga
Baka nga hindi na ko marunong mag divide at multiply
Mader:
1 x 1?
Erich:
1 daw ma sabi ng calculator
HAHAHAHAHAHAHA
Mader:
Napangiti mo ko ngayon anak, salamat
Erich:
Baka d'yan na muna ako mags-stay habang nagrereview ako ma
Mader:
Sige lang anak, welcome na welcome ka sa home sweet natin
Pero kung umalis ka nalang d'yan, anak? Sayang din ang iuupa mo, balik ka nalang dito
Erich:
Sige ma, pero by next week na ako uuwi diyan
Aayusin ko lang muna ang mga papers ko sa opisina then mag fi-file ako ng resignation
Mader:
Basta kung yan ang gusto mo Joyce, nandito lang kami para sumuporta at umalalay sayo
Erich:
Thank you, Ma😘
Mader:
Basta sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong sa pag-aayos ng mga gamit mo d'yan
Erich:
Hindi na po kailangan Ma. Baka magpapasundo nalang ako kay Papa
Mader:
Sige, anak. Basta nandito lang kami palagi para sayo ha?
Erich:
Yes, Ma. Mahal na mahal ko kayong lahat😚
Mader:
Love ka din namin Joyce
Erich:
Mag-iingat kayo dyan palagi