Ellysa Melle Fuentebella
•Active Now
MON AT 7:45 PM
Ellysa, nag-iisa:
Taray, pahingi naman ako n'yan!
Joyce, my Joy:
Sorry ka, ubos ko na lahat HAHAHAHA
Ellysa, nag-iisa:
Ay, 'di mo man lang ako tinirhan?
Joyce, my Joy:
Hehe next time na lang, order tayo ng dalawa.
Ellysa, nag-iisa:
Saan ba kasi galing 'yan at may pa "best lasagna I've ever tasted" ka pang nalalaman? May naliligaw na ba sa'yo?
Joyce, my Joy:
Donation lang 'yan. Pinagsasabi mong manliligaw? Wala pang naligaw, opo.
Ellysa, nag-iisa:
Hmm nino?
Joyce, my Joy:
Ni sako. Sa kaniya galing.
Ellysa, nag-iisa:
You mean Isaac? No other than naman, 'di ba?
Joyce, my Joy:
May iba pa ba akong tinatawag na sako?
Ellysa, nag-iisa:
Yie so confirmed, may commu na pala kayo?
Kaya siguro na topic mo siya last time.
Reaching out lang ang peg.
Joyce, my Joy:
Nitong isang araw lang naman kami ulit nag-usap. It wasn't even unexpected.
Ellysa, nag-iisa:
Anong mga pinag-usapan niyo? Makiki-chismis lang ang walang lovelife.
Joyce, my Joy:
Wala lang.
Ellysa, nag-iisa:
Anong wala ka d'yan, so sinong unang nag-approach?
Joyce, my Joy:
Long story kasi eh. As in hindi mo ma-iimagine na ganoon pala ang nangyari.
Ellysa, nag-iisa:
Don't care, spill the tea!
Joyce, my Joy:
Ganito kasi 'yon, kilala mo naman ang magjowang Annika at Jenniefer, 'no?
Ellysa, nag-iisa:
Yes, sa school ko sila na me-meet. Guardian sila ng isang pupil ko then common friend ka namin.
Joyce, my Joy:
Oo, sila nga. Tapos 'yung dalawang 'yon, monthsary last Monday kaya as part of their celebration, nag- order lang naman ng cake online.
Gamit pa nila ang contact information ko na hindi ako na inform. Doon pa lang nila ipinaalam sa 'kin no'ng nakaalis na sila sa apartment ko kasi may urgent na lakad daw at may in-order nga sila tapos hindi pa nakapag-iwan ng pambayad, COD pa pinili😡
Ellysa, nag-iisa:
Oh, bakit galet 'yang emoji?
Joyce, my Joy:
Kasi naman, wala na pala akong pera. Tanging singkwenta pesos na lang na puro barya tapos ang amount ng order nila was 475 pesos!
Ellysa, nag-iisa:
Hala, paano mo nagawan ng paraan?
Joyce, my Joy:
'Yun na nga, tumawag na ang nag-deliver at sinabing 5 minutes dadating na daw siya.
'Di ko pinababa sa kanya ang tawag, gustong gusto ko nga ipa-cancel sana ang order.
Ellysa, nag-isa:
Ang kaso, na-ready na? On the way na?
Joyce, my Joy:
Oo, sinabihan pa ako ng rider na humiram lang daw muna sa ibang kakilala, eh wala naman akong mahihiraman dito.
'Di kami close ng mga tao rito, tangging landlady lang pero wala rin siya dito that time.
Tapos nasa chapel na siya malapit dito, papunta palang sana ako nang binabaan niya ako ng tawag.
Pero nag-text siya na iniwan niya sa guard ang delivery, ni piso wala akong naibayad sa kaniya.
Ellysa, nag-iisa:
Hala, so binigay niya ng libre?
Joyce, my Joy:
Parang gano'n na nga. Pati 'yung kanina.
Ellysa, nag-iisa:
Sana all, pero anong connect no'n sa inyo ni Isaac?
Joyce, my Joy:
Siya kasi 'yung nag-deliver. Siya ang nakausap ko sa phone.
After several years na wala balita sa isa't-isa.
Ellysa, nag-iisa
OMG! Ang galing naman ni destiny!Pinagtagpo talaga kayo ulit.
Joyce, my Joy:
Tuwang-tuwa ka naman diyan.
Ellysa, nag-iisa:
Bakit, ikaw ba hindi? Baka talaga kayo ang para sa isa't isa. Kahit naudlot man noon, gusto ni life na ipagpatuloy niyo ang nasimulan, girl!
Kaya gora na Joyce, it's your time to shine.
Joyce, my Joy:
Che, nakakaasar nga siya eh. Ang lakas pa rin talagang mang-asar, walang pinagbago.
Ellysa, nag-iisa
Yieee💖💞💕💘
Joyce, my Joy:
Kilig ka na niyan? Ikaw din talaga, 'di na nagbago.
Ellysa, nag-iisa:
Syempre, team ErAc/ TianOce kaya ako
Solid!
Joyce, my Joy:
Shocks naman 'yang pa combine² mo, ang panget pakinggan lays!
Parang jejemon HAHAHAHAHA
Ellysa, nag-iisa:
Haha oo nga, 'no. Parang ang bantot. Ngayon ko lang na-realize, pero don't you worry!
Mag-iisip ako ng iba, 'yung babagay na.
Joyce, my Joy:
Nga pala, bakit mo pinadala sa 'kin 'yung scrapbook?
Bigay ko 'to sayo no'ng debut mo ah? 'Di mo ba nagustuhan?
Ellysa, nag-iisa:
Syempre, sobrang gusto. Favorite scrapbook ko 'yan, kasi nag-iisa lang 'yan at gawa mo pa.
Joyce, my Joy:
Pero bakit nandito 'to?
Ellysa, nag-iisa:
Ipapahiram ko lang 'yan sa'yo.
Joyce, my Joy:
Ako nagbigay tapos ipapahiram mo sa'kin? Bakit?
Ellysa, nag-iisa
It's for you to find out, nilagyan ko 'yan ng extra pages sa likod. You start looking at it, at the back ha.
Joyce, my Joy:
Bakit? Anong meron sa likod nito?
Ellysa, nag-iisa:
Basta, gawin mo na lang para maalala mo ang nakalipas na nakaraan.
Joyce, my Joy:
Don't tell me, may kinalaman 'to kay Isaac, 'no?
Ellysa, nag-iisa:
Ang galing mo talaga manghula, infairness.
Joyce, my Joy:
Tsss, anong pakulo to?
Ellysa, nag-iisa:
Bastaa hahahahhaha
I have to go, may tatapusin pa akong e record na scores.
Joyce, my Joy:
Ang daya mo talaga!
Ellysa, nag-iisa:
Bye, my Joy.
Good night, sweet dreams💖
Joyce, my Joy:
Okay, good night din
Sweet dreams
Ingat💕
Seen