🌈 TLTS1: Strumming of Hearts...

Galing kay Yuna_Hime

11.1K 823 157

COMPLETED [Available at Booklat] Kallix and Blue: First Book BLURB: The cute little rabbit, Blue Teso... Higit pa

NOTICE FOR EVERYONE
Thy Love The Series: SIMULA
Thy Love The Series: 1
Thy Love The Series - 2
Thy Love The Series: 3
Thy Love The Series : 4
Thy Love The Series: 5
Thy Love The Series: 6
Thy Love The Series : 7
Thy Love The Series : 8
Thy Love The Series: 9
Thy Love The Series: 10
Thy Love The Series: 12
Thy Love The Series: 13
Thy Love The Series: 14
Thy Love The Series: 15
Thy Love The Series: 16
Thy Love The Series: 17
Thy Love The Series: 18
Thy Love The Series: 19
Thy Love The Series: 20
Thy Love The Series: WAKAS
AFTERWORD
SPECIAL CHAPTER

Thy Love The Series: 11

312 27 2
Galing kay Yuna_Hime

11

THE CITY REALLY looks so different at night. Nirerepleka ng paligid ang kumikinang na rin na mga mata ni Blue. Well, things like this is not bad once in a while. Hindi niya mapigilang mapangiti sapagkat nararamdaman na niya ang relaxation.

"Hindi ba magagalit si Alex na wala tayo pag-uwi niya?" Kallix asked him out of nowhere.

Bumaling siya sa nag-da-drive na binata. A night drive with Kallix Alexander Vladimir? Man, he's luckier that their fans.

"Magpapasalamat pa nga iyon dahil nandoon ang mga kabanda mo para samahan siya."

Sa sinabi ay napaisip din siya. Inaya lamang siya ni Kallix pero kung maka-react ang mga kabanda nito—lalo na si Sharp—ay parang magde-date sila. Well, hindi niya naman nilalagyan ng malisya ang pagyaya ng binata sa kaniya. He glanced at Kallix. Iniisip ni Blue kung ano kaya ang iniisip nito ngayon?

Tumawa ito sa sinagot niya. "She really likes us, huh?"

Hindi siya tumanggi roon. Alex really is Monochrome's die hard fan. Hindi pa nga nakikita nila Kallix ang kwarto nito. Kapag nakita siguro nila ang kwarto na puno ng posters ng banda, baka luhuran na nila si Alex.

"Die hard na die hard."

"Eh ikaw?"

Natigilan siya sa sumunod na tanong nito.

"A-anong ako?"

"Hindi mo ba kami gusto?" seryoso nitong tanong.

Pakiramdam ni Blue ay umurong ang kaniyang dila. Tinatanong ni Kallix ang tungkol sa banda, pero bakit parang iba ang dating sa kaniya?

"I—"

"We're here," pagpuputol nito sa kaniya.

Ngumiti ito at bumaba sa sasakiyan. Hindi na siya nakakibo pa hanggang sa pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayang bumaba. Doon lamang niya nakita na malayo na pala sila sa syudad! The wide sky is in front of him. The stars are twinkling. Napakasarap ng sariwang hangin sa kinaroroonan nila. Kita sa ibaba ang nagkikislapang ilaw sa syudad. Nasa isa silang mataas na lugar.

"Nagustuhan mo ba?"

Bumaling siya kay Kallix na naka-upo sa hood ng sasakiyan nito. Lumapit siya rito at naupo sa tabi nito. Malawak ang kaniyang ngiti. Sobrang ganda ng lugar! Bulag na lang yata ang hindi magkakagusto rito.

"Sobrang ganda," mangha niyang sabi. "Paano mo nalaman ang ganitong lugar?"

"I accidentally found it noong trainee pa lang ako. This place is always my place of comfort whenever I have a problem."

Kallix smiled at him. Hindi akalain ni Blue na ang isang taong kagaya nito na halos abot na ng mga kamay ang tugatog ng tagumpay ay nagkakaproblema pa rin. Well, nabanggit nga nito noon na may kulang pa sa buhay nito.

"Perpekto nga ang lugar na ito..."

Kapwa nila tinanaw ang malawak na kalangitan kung saan makikita ang daan-daang mga bituin. Blue found one star na paulit-ulit na kumikislap sa paningin niya. Napangiti siya sapagkat pakiramdam niya ay ang taong espesiyal sa kaniyang puso iyon. Nawala lamang siya sa kaniyang kaisipan nang maramdaman niya ang pagtayo ni Kallix sa kaniyang tabi. Nakita niya na may kinuha ito sa likod ng sasakiyan at pagbalik nito ay may dala na itong gitara.

Kallix smiled at him. "I often sing a song here to calm myself."

Nagsimula itong sipatin ang strings ng gitara at maya-maya pa nga ay nagsisimula na itong tugtugin ang isang awitin. Diretso itong tumingin sa kaniya bago bumuka ang bibig nito para kumanta.

"Do you love the rain? Does it make you dance; when you're drunk with your friends at a party? What's your favorite song, does it make you smile? Do you think of me?"

Definitely, Kallix' voice can soothe every one's heart. Napakalamig, may kalaliman, gentle and mild. Hindi niya maiwasang mamangha.

"When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'? Everything, I wanna know it all."

Habang nakatitig sila sa isa't-isa, may kakaibang kislap sa mga mata ni Kallix siyang nakita. It feels like, he's sending him a message. Hindi ma-i-alis ni Blue ang sariling paningin sa mga mata nito. The wind swaying his hair made Kallix more handsome on Blue's eyes.

"I'd spend ten thousand hours and ten thousand more. Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours. And I might never get there, but I'm gonna try. If it's ten thousand hours or the rest of my life
I'm gonna love you."

Tumigil ito sa pagtipa at ngumiti ng matamis sa kaniya. Hindi niya mapigilan na ngumiti pabalik. Blue doesn't know why... eversince he met Kallix, he always feel calm and safe. Just what is this conflicting feeling on his heart?





KALLIX WAS SATISFIED seeing Blue enjoying the view. Labis din ang tuwa sa kaniyang dibdib na nagustuhan nito ang kaniyang awitin kanina. Yes. He'll take a thousand—no— even more than that to learn a sweet heart like Blue. Now he truly understand what it is that he is feeling for Blue.

He likes Blue... romantically.

"Blue," tawag pansin niya rito.

Napahawak ito sa buhok nito na tinatangay ng hangin patakip sa mata nito.

"Ano iyon?"

"I just want to ask something if you don't mind."

Eversince he saw that familiar picture on Blue's phone, ang singsing nito, hindi na mapigilan ni Kallix ang kaniyang sarili na magtanong. It's making his heart throb thinking that Blue might already have someone special on his heart. Alam niya na wala siya sa lugar na magselos, but he can't help it. Baka magka-tsansa pa rin siya if he'll try.

"Just ask," anito.

"About that ring on your hand..."

Nakita niyang natigilan ito sa kaniyang tanong maging noong makita nito na dinapuan niya ng tingin ang singsing nito. Tila kinakabahan na naitago ni Blue ang kamay nito sa likuran nito. Nasaktan si Kallix doon. Hindi niya alam kung sobrang sensitibo ba ang bago niyang puso o ganoon na nga niya talaga siguro kagusto si Blue.

"A-ah... bigay ito ng isang importanteng tao sa aking buhay," mapakla ang sagot at pagkakangiti nito sa kaniya.

Importanteng tao. Blue already have a special someone. Man, hearing it directly... Kallix felt like he was rejected already. Napaiwas siya ng tingin kay Blue at tumingala muli sa langit.

"Kung ayos lamang sa iyo, maaari ko bang malaman kung paano mo nakilala ang tao na iyon?" tanong niyang muli.

Wala siyang narinig na sagot mula kay Blue kung kaya nag-aalala na bumaling siyang muli rito, only to find na matamis itong nakangiti habang pinaglalaruan ang singsing nito. He looks so happy—Kallix thought.

"Noong naghiwalay ang mga magulang ko, napunta ako sa isang simbahan. Humingi ako ng tulong sa diyos, humingi ako ng gabay. Hindi ko akalain na sa araw rin na iyon ay ibibigay kaagad niya sa akin ang sagot sa mga dalangin ko," malalim itong bumuntong hininga. "We became close instantly dahil marami kaming pagkakapareho. He can play guitar and sing too like you. Siya nga ang nagturo sa akin na mag-gitara. Until eventually, we fell for each other."

Napalunok siya ng tumingin ito sa kaniyang mga mata. He can see sparks on Blue's eyes. Remembering that memory might made Blue in love again. Hindi alam ni Kallix ang mararamdaman. He can hear the loud beating of his own heart.

"Nagsimula kaming tuparin ang aming mga pangarap. Natupad na namin na manirahan sa dream place namin. Natupad na niya ang pangakong tatayo kami sa harap ng altar. Pero pagkatapos noon, kaagad rin siyang umalis na ni hindi pa nga namin natutupad ang iba. Hindi pa nga niya ako nakakantahan sa harap ng maraming tao na isa sa mga pangarap niya mula pagkabata," Blue's voice cracked that made him alarmed.

Nawala ang kislap sa mga mata nito at napalitan ng kakaibang pighati. Sumakit ang dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang murahin ang taong iyon dahil sa kalungkutan na dinulot nito kay Blue.

"W-where is that person now?" Kallix asked.

A tear escaped on Blue's eyes. Hindi na nakagalaw pa si Kallix dahil sa emosiyon na inilalabas nito sa harapan niya.

"Gone." Mas dumami ang mga luha na nagsisilabasan sa mga mata nito. "He died in front of me."

Naisip ni Kallix na dapat pala, hindi na siya nagtanong pa.

----

AN: Song used on this chapter: 10000 hours by Justin Bieber also covered by BTS Jungkook.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

5.9K 1.9K 60
Kailan ba kita unang nakita? Kailan ba kita unang nakilala? Kailan ba kita unang nakausap? Saan nga ba tayo nagsimula? Ah! Naalala ko na. Sa dulo. S...
48.4K 3.6K 64
"Maybe the kiss was a mistake to you. But it felt right to me," he says with eyes piercing right through me. ~~***~~ Si Rain Isobelle Martin ay isang...
216K 6.4K 39
Simple lang naman ang gusto ni Art at iyon ay maging tahimik lang ang buhay niya at matupad lahat ng pangarap niya kahit na nagiisa nalang siya ngu...
941 236 54
Ang pagpapatuloy ng kwento ni Rosa. Do you still want to know if she can get what she want? Do you want to know if what life she have in this book? A...
Wattpad App - I-unlock ang mga eksklusibong feature