STS #2: Give Me More [COMPLET...

De Missflorendo

2.2M 45.3K 12.4K

[Smith Twins Series #2] Atty. Sam Spencer Smith, a secret agent who quit his dream job just to become a crim... Mai multe

ABOUT THE STORY
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55

Kabanata 31

23.3K 666 143
De Missflorendo

Kabanata 31

Bago kami bumyahe pauwi ay binuksan ko na ulit 'yung phone ko. Halos buong limang minuto ko yata itong hindi nagamit dahil sa sunod sunod na messages na nagpasukan.

"Wow, daming nakamiss sa 'kin."

Iniscroll ko lahat ng messages na natanggap ko at grabe napaka in demand ko naman pala kahapon.

"Sinong mga nag-text sa 'yo?" tanong ni Fyuch na nakatuon ang mga mata sa daan. Ang kulit lang niya dahil ayaw niyang ako ang mag-drive kahit hindi pa magaling ang braso niya. 

"Mga pinsan ko lang at ilang katrabaho."

"Ah. May lalake?" Napalingon ako sa kanya ng nakataas ang kilay. 

"Oo."

"Sino? Anong buong pangalan? Taga saan?"

"Kaiden Royce Martin. Taga 10th floor sa condo na tinitirhan mo."

"Ah, Siya lang?"

"Oo. May gusto ka pa bang idagdag?"

"Wala naman."

"Good."

Ang kyoti kyoti ng bb ko para siyang timang. Hahahahaha. Konti na lang mag-a-assume na talaga akong nagseselos siya sa lahat ng lalake ko sa buhay. Char.

2pm lang nang makarating kami sa condo. Syempre dumiretso kami sa unit niya dahil seryoso nga siya na doon niya 'ko gustong patirahin! Grabe na talaga 'yung pagle-level up namin ni Fyuch. Nakakatuwang isipin na noon ay ako lang ang patay na patay sa kanya pero ngayon the feeling is mutual na. Pfft.

May tatlong kwarto sa unit ni Fyuch. At dinala niya 'ko roon sa isang bakante katabi ng kwarto niya. Nakapamaywang niyang sinuyod ng tingin ang paligid bago bumaling ng tingin sa 'kin.

"Just tell me kung may gusto kang ipabago. Do you wanna change the paint color to pink? Or do you want me to invite an interior designer so you can discuss your preferences?"

"Grabe naman, Fyuch!" Pinalo ko siya sa braso at saka ako napahawak sa magkabilang pisngi ko. "Wag ka ng mag-abala ano ka ba! Promise okay lang na maki-share ako sa kwarto mo. 'Di naman ako demanding na tenant! Bed space lang keri na, so no need to give me this whole new room!"

Tumaas ang isang sulok ng kanyang labi. "Really? Fine then, may space pa sa tabi ni Tammy."

"Eh sa tabi ng Daddy ni Tammy, meron pa?"

"I'm warning you, Portia. I won't take that as a joke."

"I'm not taking it as a joke either." Seryoso akong tumitig sa kanya ng 3 seconds tapos hindi ko na napigilan pang tumawa ng malakas. "Charot lang! Hahahahaha. Baka mamaya paglabas natin ng kwarto mo big happy family na tayo."

Natatawa kong kinuha ang maleta ko sa kanya at inilagay sa gilid ng kama. Wala namang problema sa ayos at disenyo nitong kwarto. Makikitira na nga lang ako magdedemand pa ba 'ko ng renovation?! Ang kapal ko naman! Pero sayang 'yung opportunity sa kwarto niya. Huhuhu. Char.

Sa katunayan ay malaki pa 'to sa kwarto ko doon kay Kairo. Tapos ang linis linis tignan dahil white and gray lang ang natatanging kulay nito. Napailing na lang ako habang nag-aayos ng gamit sa aking bagong tahanan. Masyado na talaga akong gumaganda recently kaya sobrang deds na deds sa 'kin 'tong si Fyuch.

After kong makapag-ayos ng gamit at makapagpalit ng damit pambahay, lumabas agad ako ng kwarto. Nadatnan ko si Fyuch sa sala na seryoso sa binabasa niyang for sure ay something na nakakaubos ng sustansya sa utak. Maingat akong humilata sa mahabang sofa para hindi siya maistorbo at shooocks, ang sarap mag inat! After kong mag-stretching ay dumapa ako at sumuksok sulok and feeling ko inantok ako bigla.

"Baby, wake up."

Hindi ko siya pinansin. Ang sarap sarap ng tulog ko e.

"Baby...we need to go."

"Hmm. Antok pa 'ko ikaw na lang."

"Your best friend will kill me if you don't come with me in the hospital."

Para akong sinilaban at mabilis na napabangon. "Ospital?! Anong nangyari?!"

Pakiramdam ko lumulutang pa 'ko sa sobrang pagkabangag. Tulog pa yata 'yung utak ko pero dahi sa nagpapanic kong diwa ay napabangon ako.

"Manganganak na raw si Adara sabi ni Kuya."

"Ay shit tara na!!" Mabilis akong tumalon pababa ng sofa at naghanap ng tsinelas.

"Won't you change your clothes?"

Napatingin ako sa suot kong baggy shirt at shorts na talagang short.

"Wag na, tara na! Dalian mo!"

My gosh parang pinipilipit 'yung mga bulate ko sa tiyan sa magkahalong kaba at excitement para kay Adara. Huhuhu. Dati kasi ay pinag-uusapan lang namin ang panganganak dahil sabi nila masakit daw. Pero heto na at mararanasan na niya ngayon! Omg Lord, 'wag mong pababayaan ang kaibigan ko.

Pagdating namin sa ospital ay nauuna ako sa paglalakad kay Fyuch dahil ang bagal niya! Pagkarating namin sa tapat ng delivery room ay naroon na si Christian na kabadong kabado ang itsura. Take note, mukhang tumakbo pa ito mula sa isang meeting dahil pormang porma ito sa suot na business suit!

"Kuya, kanina pa siya sa loob?"

Tumango lang ito saka saglit na napatitig sa naka-cast na braso ni Fyuch. Sa sobrang kaba yata nito ay hindi na kayang magsalita pa para kumustahin ang kakambal. Sunod na nagsidatingan ang parents ni Christian at si Boss Amara. Lahat sila ay mukhang mga galing pa sa trabaho at pawang kabado rin ang itsura. Ngunit nang lumabas na ang doctor at narinig namin ang iyak ng isang sanggol, maluha luha kaming lahat na nagkatinginan.

Pero mas priceless ang nasaksihan kong itsura ni Christian nang marinig nito ang unang iyak ng anak. Nakakapanlambot ng puso. Hindi ko tuloy napigilan ang luhang lumandas sa pisngi ko habang pinapanood itong kumaripas papasok sa delivery room.

Ugh.

"Ang kyuti ng kakambal mo," wala sa sariling bulalas ko kay Fyuch.

"Eh 'yung kakambal niya?" Natatawa niyang pinunasan ang luha ko sa pisngi. "Kyuti din?"

I grinned. "I'll see that in 2-3 years."

"Can't you tell it now?"

Ipinilig ko ang ulo ko. "I'll tell it kapag ako na ang nasa loob ng delivery room na 'yan." Tinuro ko ang ang kwartong kinaroroonan ni Adara. 

"Okay, then. 2 years."

Yumakap ako sa baywang ni Fyuch habang tumatawa siyang pinanggigigilan ang ilong ko. Sabay kaming natigil sa paghaharutan nang may tumikhim at napatingin kami sa dumaang si Tito Daryl.

"What happened to your arm?"

"Nothing serious, Dad. Just a small scratch." Tinitigan lang kami nito sandali bago tuloy na pumasok sa kwarto ni Adara. 

"Ayan ang harot kasi." Siniko ko siya at sumunod na kami nang ilipat na sa normal na kwarto ang best friend ko. 

Pagdating ng mga nurses, dala na nila si baby Saint at lahat kami ay tuwang tuwa na pinakatitigan ito. Hanggang titig lang dahil ang damot ng ama. Lahat kami ay gusto sanang kargahin si baby pero bantay sarado ito ni Christian na ayaw ipadampi sa kahit na kanino sa amin.

"Ang ganda niya 'no, Fyuch?"

"Saint is a boy, Portia."

"Eh sa maganda siya kahit lalake. Maraming paiiyaking babae na naman 'yan paglaki."

"He really looks like Kuya Chan when he was a baby."

Ilang sandali namin itong tinitigan pero hindi na rin kami nagtagal dahil kinailangan munang magpahinga ni Adara. Yung masungit n'yang asawa pinaalis na kaming lahat at sa bahay na lang daw kami bumisita.

Paglabas namin ay tinignan ako ni Boss Amara mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka naman mukhang nagmadaling pumunta rito."

Napatingin ako sa suot kong malalaking tsinelas na hindi pa magkapares. Anak ng tokwa hindi ko napansin! Napahawak na lang ako sa batok ko na tumingin kay Tita Amara.

"Hehehe. Hi, boss."

Inayos nito ang suot na salamin at matamang tinignan si Fyuch.

"Hi, Atty. Smith."

"Hi, Tita."

Ngumiti ito kay Fyuch at tinapik pa ito sa balikat. "Bantayan mong mabuti 'yang girlfriend mo. Matigas ang ulo n'yan."

"I know, so don't worry."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Boss.

"Grabe ka talaga, Parang anak mo na 'ko n'yan ah?"

"Kaya nga kita pinababantayan. Mag-report ka ng maaga sa opisina bukas."

Nakanguso akong iniwan nito. Tiyak na may ipapagawa na naman itong nakaka-stress na trabaho bukas. Ugh.

"Tam Tam!"

Napalingon kami ni Fyuch sa papalapit niyang mga magulang. Ngayon ako nagsisising hindi muna nagbihis bago pumunta rito. Nagmukha tuloy akong palaboy na pinulot lang niya d'yan sa labas. Huhu.

Bago pa makalapit ang mga ito sa amin ay nagtago na 'ko sa likod ni Fyuch para takpan ang kahiya-hiya kong sarili.

"Hi, Portia!" masayang bati ni Tita Yuka. Sa likuran naman nito ay nasunod si Tito Dary.

"H-Hi, Tita. H-Hi, Tito. Kumusta po?"

Napakapit ako ng mahigpit sa likod ng damit ni Fyuch para senyasan siyang gumawa ng paraan para makalusot kami rito.

"Ayos naman. Bakit ka nagtatago sa likod ng baby Tam Tam ko?"

Nahihiya man ay wala akong nagawa kundi umayos ng tayo at humarap sa kanila.

"Hi, Portia."

Por dios por santo! Akala ko ay mahuhulog ang puso ko sa kaba sa pagtawag pa lang ni Tito Daryl sa pangalan ko. Huhu.

"Ah! Suot mo 'yung tsinelas ni Tam Tam na binili ko! Akala mo siguro kukunin ko, 'no?"

Sabay na naubo sa pagpipigil ng tawa sina Fyuch at Tito Daryl. Samantalang ako, mukhang tanga lang na nakatulala sa harapan ng nakangiting si Tita Yuka.

Siniko ko si Fyuch para tulungan ako.

"She was just in a hurry to get here earlier."

"Ah magkasama kayo? Sa condo mo?"

"Yes, mom."

Sa tingin ko ay handa na akong i-welcome ng langit dahil mamatay na 'ko rito sa sobrang kahihiyan. Bakit sa lahat ng abogado masyado siyang honest?! Sana naman nag-isip siya ng pwedeng idahilan! Pwede namang sabihin niya na napulot niya 'ko d'yan sa labas at isinama papunta rito!

"Ganda ng pagkaka-cast d'yan sa braso mo ah. Ang realistic tignan," nakangising ani Tita Yuka na parang hindi man lang ikinabahala ang kalagayan anak. Napatingin ako kay Fyuch na parang medyo namutla. 

"M-Mommy!"

Humalakhak ito habang napapahawak pa sa tiyan. "Charot lang anak! Pagaling ka ha!"

Hindi na 'ko mapakali sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung nakikipagbiruan ba ang mga ito sa amin or what. Kaya naman nang magsabi silang mauuna na ay para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Tinapik ni Tito Daryl sa balikat si Fyuch.

"Bring home the bacon, son."

Naguguluhan akong napatingin kay Fyuch na natawa lang pero mas naguluhan ako sa sagot ni Tita Yuka habang papalayo sila.

"Ubos na ba 'yung mga bacon natin sa bahay, Hubby?" Sabay na humalakhak ang mag-ama kahit na magkalayo na. Okay? Ano bang meron sa bacon? Pero parang gusto ko tuloy kumain ng bacon.

"Bili tayong bacon, Fyuch. Nag-crave ako bigla kakabanggit n'yo ng Daddy mo."

"Pfftt. Okay." Inakbayan niya 'ko habang papalabas kami ng ospital. "Bagay na bagay kayong magkasama ni Mommy."

"Pero mas bagay na bagay pa rin tayong dalawa."

"Of course."

Kinagabihan ay dumating lahat ng pinsan ko sa unit ni Fyuch maliban lang kay Kairo na nagsabing susunod na lang daw. Ayoko man sana silang papasukin dahil nakakahiya kaso masyadong welcoming 'tong bb ko.

"Oh—wow! I like your place, Attorney."

Sinamaan ko ng tingin si Lyra na feeling close habang nagtatanggal ng heels nito.

"Hindi naman pala namin kailangan mag-aalala sa 'yo," ani Dior habang pinagmamasdan ang kabuuan ng unit. "Kay Attorney na lang siguro kami dapat na mag-alala."

Ay wow. Supportive.

"I'll just get some drinks," natatawang paalam ni Fyuch.

Nakakrus naman ang mga braso ni Mona na pabagsak umupo sa mahabang sofa.

"I still can't believe na maglalabas na ng kampon niya ang Allyson na 'yon. Ugh. Sobrang disgusting na magkaroon ng pinsan galing sa kanya!"

Napabuntong hininga na lang ako nang ipaalala na naman nito sa 'kin 'yon. Inaalis ko na nga sa isip ko dahil naiistress lang ako lalo. Sabay na napasimangot din iyong dalawa na tumabi kay Mona.

"Anong plano mo? Are you not worried na paglabas ng tiyanak na 'yon ay baka doon lahat ipangalan ni Tito ang yaman niya?"

Pinaglaruan ko ang mga daliri ko sa kamay at umupo sa pang-isahang couch. "Ewan. Actually wala namang kasalanan 'yung bata. Malas lang niya na ang Allyson na 'yon ang magluluwal sa kanya."

"Don't tell me na tinatanggap mo na 'yung tiyanak na 'yon?" salubong ang kilay na tanong ni Lyra.

"May choice ba 'ko? Pwede ko bang papalitan 'yung dugo ko sa katawan para hindi magpareho 'yung dumadaloy sa mga ugat namin?"

Tumayo ito at umupo sa armrest ng couch ko. Inakbayan ako nito at muntanga na hinimas himas ang ulo ko.

"Isang prinsesa pinalayas sa sarili niyang palasyo. How tragic was that, right?"

"Sige isampal mo pa ng maayos." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya para 'di siya mahirapan.

Nagtawanan ang mga gaga at saka pa ako binatukan ng bwiset na Lyra bago lumayas sa tabi ko. Pagbalik ni Fyuch sa sala ay nagningning ang mga mata naming lahat dahil imbes na juice ay alak ang dala niya.

"What do you guys wanna eat? I'll order," aniya pagkalapag ng hawak na tray gamit ang isang kamay sa coffee table.

"Naku, Fyuch 'wag ka ng mag-abala. Aalis din naman—"

Mona raised a hand. "Pizza for me."

"Chicken wings." Si Dior.

"May lalake?" Napasapo na lang ako sa noo ko.

Napangisi naman si Fyuch sa bruhang si Lyra. "I can call Steel if you want."

Nanlaki ang mga mata nito at parang namutlang bigla. Oh 'yan sige malandi ka kasi. Hahahahaha. Ewan ko ba sa kanilang dalawa. Parehong ayaw mag-seryoso pero mukha namang may something sa kanila. Bahala na nga sila! Masyado na 'kong maraming iniisip para pati status nila eh problemahin ko pa!

So ayun nauwi sa inuman ang pagpunta ng mga bruha dito habang si Kairo ay hindi naman nakasunod. Nang pumatak na ang alas dose ay sapilitan ko na silang pinalayas. Sobrang nakakahiya na kay Fyuch ang pang-aabala nila at hindi pa naman ako gano'n ka-walanghiya para kunsintihin ang mga ito.

"Osya na eto na aalis na!" gumegewang na pinulot ni Lyra ang heels nito.

"Daig pa ang may-ari kung magpalayas," hirit pa ni Mona na pulang pula na rin. "Ingat ka ha, Attorney? Injured ka pa naman." Nasapok ko tuloy ito ng malakas. Parang gaga kasi! Binubuking agad ako! Chos. 

"Good night, Portia." Niyakap ako ni Dior na mukhang wala na rin sa katinuan.

Asar na asar tuloy akong hinatid sila sa unit ni Kairo dahil baka kung saang unit pa makapasok ang mga ito, kasalanan ko pa! Pagbalik ko ay pagod na pagod akong pumasok. Sa baba ko lang naman sila hinatid pero pinagpawisan ako sa kakulitan nila. Jusko hassle talagang mag-asikaso ng lasing!

Kahit antok ay pinilit kong makapag-shower dahil init na init ako. Di naman ako nalasing pero sumakit lang ng konti ang ulo ko. Pagtapos kong maligo hinanap ko agad si Fyuch.

"Fyuch, tulog ka na ba?" sigaw ko mula sa sala habang nagkukuskos ng buhok.

"I still have works to do. Go to bed first," sagot nito mula sa kwarto niya. Pagbalik niya sa sala ay may dala na siyang laptop sa isang kamay at nakasalamin na pumwesto sa table niya. Na-guilty tuloy ako na ngayon lang siya makakapag-trabaho tapos injured pa siya dahil sa 'kin. Huhu.

"Sorry, bb. Naistorbo ka today," nakangusong sabi ko pero mukha siyang natuka ng ahas nang makita ako.

I snapped my fingers in front of him at parang doon pa lang siya nahimasmasan. Di naman din siya gaanong uminom para malasing pero parang namumula ang kanyang mukha.

Nilapitan ko siya. "Okay ka lang?"

Parang nagulat na naman siya sa tanong ko.

"O-Okay lang. I just need to..." Tinipon ko ang basa kong buhok sa side para makuskos ng mabuti. "...read a little."

"Ah okay sige." Tinaas ko ang strap ng suot kong pantulog nang malaglag ito mula sa balikat ko. Tumingkayad ako para mag-good night kiss bago ako matulog. "Wag ka ng magpupuyat, bb. Good night."

Yes namern pwede nang mag good night kiss, goodbye kiss, lahat na ng kiss si ate niyong Portia! Hahahaha.

Tumalikod na ako at akmang aalis nang tawagin niya ulit ako.

"Baby..."

Mabilis naman akong lumingon. "Bakit?"

Lumapit siya hanggang sa kaunti na lamang ang espasyo sa pagitan naming dalawa. May kung anong kakaiba sa mga titig niya ngayon. 

"Lasing ka ba?" Napakunot noo ako sa tanong niya at bahagyang natawa. 

"Hindi naman. Ikaw? Lasing ka ba?" muntanga na tanong ko sa kanya pabalik. Eh kasi naman hindi ko alam kung bakit niya tinatanong kung lasing ako eh feeling ko hindi naman ako tunog lasing. Maayos pa naman akong kausap.

Parang may kung ano talagang kakaiba akong nakikita sa mga mata niya. Abalang tinukoy ng mga mata ko kung ano iyon ngunit tila may kung anong kuryenteng dumaloy sa mga ugat ko nang maramdaman ko ang init ng kanyang palad sa lantad kong balikat.

"Hindi rin ako lasing."

Naguguluhan akong tumingin sa kanya nang ilang sandali. At nang sa wakas ay natukoy ko na kung ano iyong nakikita ko sa kanyang mga mata. Napaawang ang labi ko.

It's a burning desire.

"Fyuch..."

Walang pakundangan niyang tinanggal iyong nakalagay sa braso niya at itinapon kung saan. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nabigla ako sa marahang paghawak niya sa mukha ko. 

He cupped my face gently in his hands as he leaned in to drop a soft kiss on my lips. Dahan dahan akong napapikit at dinama ang paggalaw ng malambot niyang labi sa labi ko. This kiss is entirely different from all the kisses we had shared. 

Napahawak ako sa damit niya nang maramdaman ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. Agad na gumapang ang kanyang mga braso sa paligid ng aking baywang upang sumuporta.

The tenderness of his mouth made me wish it would never end. Parang akong mababaliw sa bawat pagsugod ng kanyang mga labi. Sliding my arms around his neck, I jumped on him and wrapped my legs around his waist—feeling his manhood in between.

Napangiti ako sa naramdaman ko iyon ngunit pinutol ko pansamantala ang aming halikan. Nakangisi na inilayo ko ang aking mukha sa kanya. Samantalang tila nilamutak na papel naman ang kanyang itsura nang harapin ko.

"What?" salubong ang kilay na tanong niya.

Lalong lumapad ang ngisi ko habang pinagmamasdan ang nadedemonyo niyang itsura.

"My fyuch is losing his patience..." Naglaro ang mga ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan siya. Nanlaki ang mga mata niya nang makuha ang tumatakbo sa utak ko.

"Portia, no. Y-you can't do this."

"Why not?" I asked, feigning innocence. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang nakaawang.

"Fuck...no...baby. Please?" Nabalot ng takot ang kanyang buong mukha habang ako'y tila lalong nasiyahan na panoorin siya.

"Someone looks so scared..." I teased. Nagmamadali siyang may kinapa sa kanyang bulsa at muntikan akong mapabitaw sa kanya nang ilahad niya ito sa harapan ko.

"Baby, I'm prepared."

Wtf?!

Mariin kong kinagat ang mga labi ko at sumubsob sa kanyang balikat. I felt my whole body shaking from laughing too hard. Damn. Kung 'di ako mamamatay sa kilig sa lalaking 'to, mamamatay ako sa kakatawa sa kanya!

"Portia..." his voice was begging. "Baby?"

Pinilit ko ang sarili kong 'wag pansinin ang pagmamakaawa niya. Hindi ako pwedeng maging marupok ngayon. I have to get through this! 

Nang pakiramdam ko ay kalmado na 'ko mula sa labis na pagtawa, nag-angat na ulit ako ng mukha at humarap sa kanya.

"I think you need something cold to calm your...self." Bumaba ang tingin ko sa may galit niyang alaga at saka ko muling sinalubong ang matalim na titig niya. "Do you want ice cream?"

His grip on my waist went tight, his jaw clenching. I couldn't help but let out a small evil laugh looking at him get more frustrated.

"I love you, Fyuch," I said with a huge smile.

He gave me a faint one in return. "Your love is too painful, baby."

Kahit labag sa kalooban ko ang pagganti sa kanya ay nagtapos ang gabi ko nang may labis na kasiyahan. Nakatulog ako ng may malapad na ngiti sa labi at hanggang sa paggising ko ay nakangiti pa rin ako. 😊

Bumangon agad ako at nag-ayos dahil kailangan kong mag-report ngayon sa office. I just wore my most comfortable black jeans and a satin V-neck long sleeve shirt. Paglabas ko ay nakabihis na rin si Fyuch, wearing his charcoal gray suit. Ampogiiii.

Nilapitan ko siya at malapad ang ngiti na binati siya. "Good morning, Fyuch!" Mabilis na napatakip ako sa bibig ko nang makita ang itsura nitong mukhang magdamag na hindi natulog. "A-Anyare sa 'yo?"

"Tsk. Go ask yourself, bad girl."

Napuno na naman ng mga halakhak ko ang buong unit niya at para makabawi ay inayos ko ang necktie niya. Sinuklay ko rin ang buhok niyang tila walang direksyon pero bagay na bagay pa rin sa kanya.

"What time are you getting off work?" tanong niya habang hawak ko pa rin ang necktie niya. Ang gulo gulo kasi niya kaya hindi ko matapos tapos ayusin!

"6? Not sure kung anong oras matatapos meeting ko kay Captain Alvarez."

"You're meeting that Captain again."

"May kailangan akong kuning mga impormasyon sa kanya."

"Saan kayo magkikita?"

"Di ko pa sure e. Café?"

"Café? Are you gonna date?"

"Of course not! Gusto mo bang sa presinto kami mag-usap?"

His eyes narrowed. "Can't he go to your office? Or maybe that's not a good idea. Your colleagues might get it wrong."

Woah. Hindi ko naman gustong mag-aasume ha pero parang masyado na yatang humahaba ang buhok ko? Pinagdadamot na rin ako ngayon ng bb ko!

I arched a brow and smirked. "Pinagseselosan mo ba si Captain?"

"If yes, do you have a complaint?"

Napangiti na lamang ako sa mabilis at napaka-tapat niyang sagot.

"I rest my case, Attorney."

***

Angel's note: Kabanata 32-41 are now available in Patreon! Oct. 1  na bukas, billing date na ni Patreon. And since pacific time po ang sinusunod natin dito, para po sa mga gusto mag-subscribe, do it by 3pm tomorrow, oct. 1 (PH time) . Thank you! If you have more questions, feel free to pm me. 

Follow me also on twiitter @missflorendo

Continuă lectura

O să-ți placă și

1M 32.1K 42
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
134K 2.6K 39
[Completed] Will Khloe ever find a happiness for her child or will she also find a lifelong love that she's dreaming of? She was once made a mistake...
3.3M 76.7K 43
Elysha Yvonhale Vicencio never experienced luck in her life. Hindi niya kailanman nakilala ang ama. Nawala sa kanya ang ina sa murang edad. Naghirap...