Kahit Hindi Na Ako (LC SERIES...

By LovieNot

4.7K 508 88

•PUBLISHED UNDER KPub PH• ✅ Complete 'Kahit hindi na ako ang mahal mo, patuloy akong aasa na balang araw ako... More

DISCLAIMER
PANIMULA
KHNA PORTRAYERS
KABANATA 1- PEACH MASK
KABANATA 2- RUMORED BOYFRIEND
KABANATA 3- DAYDREAMING
KABANATA 4- SOMETHING'S SPECIAL
KABANATA 5- PLAYING GAME
KABANATA 6- TOO LATE
KABANATA 8- LOVE HURTS
KABANATA 9- NOTHING BUT PAIN
KHNA BOOK PRE-ORDER
KHNA BOOK LAUNCHING
KHNA ON GOODNOVEL

KABANATA 7- CONFESSION

192 39 9
By LovieNot

Kabanata 7
Kahit Hindi Na Ako
#KHNA
LovieNot


"Saan ang punta mo Leigh?" tanong sa akin ni Hazel sa lasing na na tono. Apat na bote pa nga lang ng soju ang aming naubos ay hindi na maipagkakailang may mga tama na. Kung sabagay, ako nga rin ay tila ba umiikot na ang mga planeta sa paligid ng ulo ko eh.

"Sa kwarto, babalik ako."

"Bilisan mo at uubusin natin itong tatlo pa dito," saad nito sabay turo ng hindi pa nabuksan na inumin.

Nailing na lang ako. Kakayanin pa ba namin? Ni halos hindi na nga makagalaw si Kyra. Hindi kasi talaga kami sanay sa inuman eh. Mahihina ang tolerance namin sa alak.

"Oo, saglit lang ako."

"Kaya natin 'yan, cheers!" sigaw ni Kyra na siyang lango na talaga sa alak. Lasing na din talaga ang tono nito at pikit-mata na.

"We can do it, girls! Tiwala lang sa sarili," segunda naman ni Ryza.

"Cheers!" sigaw naman ni Hazel.

Natatawa na iniwanan ko na sila. Pagiwang-giwang naman na pumasok ako sa kwarto. Hinihilot ko pa ang  kumikirot kong sentido. Hindi ako pwedeng malasing ng tuluyan dahil may trabaho ako bukas eh.

Naupo ako sa gilid ng kama at napasandal na rin sa headboard nito. Kinapa ko ang phone na nasa bedside table at nag-scroll sa contact. Walang alinlangan na pinindot ko ang number ni Zeiroh Hernandez.

"Mabuti at naisipan mo pang tumawag 'no?" agad niyang asik. Napangiwi na lang ako at nasapo ang sentido. Pakiramdam ko ay napakabigat ng ulo ko. Para na ring nasusuka ako na ewan. Hindi ko maintindihan.

So, this is what exactly the feeling of a drunk person, huh? It's driving me crazy literally.

"I'm sorry, okay? My friends are here, we are just having fun. Girls bonding after the long and stressful day."

"I know. It's 11:38 p.m already but you all are still having fun, huh? You don't want to get some rest, do you?"

Gabing-gabi na pala. Hindi ko man lang namalayan ang oras. Napahiga na talaga ako. May sinasabi pa siya pero wala na akong maintindihan. Puro 'ha?' at 'hmmm' na lang ang sagot ko sa kanya.

"Are you really that drunk?" maya-maya ay tanong niya. Doon palang nagising ang aking diwa. Napabangon pa ako ng bigla bagay na pinagsisihan ko rin naman agad dahil tila nakalog ang sistema ko.

"Hindi. Antok lang 'to," tanggi ko pa. Pakiramdam din ay nabubulol na ako.

'Langya Leigh, hindi ka talaga pwedeng maging walwal.

"Really? Kaya pala lutang kang kausap," sarkastiko niya pang saad. Galit pa eh tinawagan na nga.

"Kung lasing man ako, wala kang pakialam Zei," tila inaantok ko pang saad. Mas malakas ang loob ko ngayon lalo pa at nakainom ako. Alright, nakainom lang ako pero hindi pa lasing.

"Zei, huh? Marunong ka naman palang magpaikli ng pangalan ko eh. Sounds great, baby."

"Huh? What did you say?" tanong ko pa dahil para bang ang lalim ng pandinig ko, wala akong maintindihan.

"Lumabas ka nga muna diyan," asik niya na naman. Bakas sa kanyang tono ang inis. Nakagat ko naman ang pang-ibabang labi ko.

"Ayoko..." Palalabasin pa ako eh tila nililindol na ang mundo ko eh.

"Carleigh Quintos, lumabas ka diyan," maawtoridad niyang sabi. Nagpapadyak na talaga ako ng wala sa oras.

"Bakit ba? Ang sakit ng ulo ko ah? Nakakainis 'to!"

"Lumabas ka o sisirain ko 'tong pinto ng unit mo?"

"Bakit nga?"

"Because I said so." May diin ang pagkakasabi niya. Napabuntong-hininga na lang ako at pinilit na lumabas na ng kwarto.

Nadatnan ko ang tatlo na magkakatabing pahilig na nakasandal sa sofa at tulog na. Nailing na lang ako.

"Hazel, Kyra, Ryza," panggising ko pa sa kanila pero mukhang tulog na tulog na talaga sila. Napapalatak pa ako.

"Mga kugtong kayo, magsilipat kayo sa kwarto," deklara ko pa kahit alam kong hindi na nila ako marinig. Binigyan ko sila ng tig-iisang mahina na sipa sa paa. Nararamdaman ko na rin ang panghihina ng katawan ko.

"Hmmm," sabay-sabay pa na tugon nila na para bang sinasabing huwag ko na silang gambalain. Napasinghap na lang ako.

Bahala nga kayong mga kugtong kayo!

"Leigh."

Napapitlag pa ako. Nasa kabilang linya pa nga pala si Zeiroh. Naglakad na ako papuntang  pinto at binuksan iyon. Mukha niya agad ang bumungad sa akin. Napakatahimik na rin ng hallway. Tulog na ang lahat pero heto at gising pa kami.

"What? Ikaw na ang may sabi na gabi na, matulog na tayo." Sinubukan kong umaktong normal sa harapan niya pero nabigo ako dahil kamuntik na akong sumubsob dahil sa nararamdaman kong hilo.

Tinakpan niya ang bibig ko at binuhat ako papuntang unit niya. Hindi na ako nakapalag pa dahil sa lumalala na ang kirot ng ulo ko.

Agad na napahilig ako sa sofa ng ibaba niya na ako. Shit, bakit merong planeta na nakapasok sa ulo ko? Ang likot, nakakahilo.

"Zei," tawag ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"What? Iyan ba ang hindi lasing?" mahinahon niyang tanong. Sinikap kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa.

Antok ba ito o talagang lasing na ako?

"Nasa unit ko ang mga kaibigan ko, i-lock mo ang pinto roon," utos ko pa sa kanya. Narinig ko ang kanyang pagsinghap.

"Alright. Just stay here, I'll be back."

My gosh, anong nangyayari sa akin? Bakit ang sama talaga ng pakiramdam ko? Nahihilo ako kahit hindi naman nga ako gumagalaw eh.

Nanatili ako sa aking kinauupuan at pinakiramdaman ang presensiya ni Zeiroh. Ilang minuto lang din ay nakabalik na ito.

"Zeiroh," tawag ko sa lalaking manhid at walang pakialam sa nararamdaman ko.

"Ano? Gusto mo bang uminom? Marami akong wine rito."

"Ayoko ng wine, gusto ko ikaw."

Hindi ko naman na narinig na nagsalita siya. Ano bang nangyayari sa lalaking ito? Bakit ang tahimik niya ngayon? Gusto ko siyang kausap eh. Ngayon niya ako kausapin.

"Gusto kita, Zeiroh Hernandez. Well, noon pa pero kasi mayaman ka eh hindi tayo bagay. Ang taas mo, napakahirap mong pantayan," mapaklang tawa ang pinakawalan ko.

May mga bagay talaga na hindi natin maamin-amin eh kasi natatakot tayo sa mga posibleng mangyari kapag ginawa natin iyon. Pero hindi ko man aminin sa lahat na gusto ko siya, alam ko sa sarili ko ang totoong nararamdaman ko.

"Kaya gusto ko munang makapagtapos sa pag-aaral para makahanap ng magandang trabaho at makaahon sa hirap para mapantayan kita."

Naramdaman ko ang luha na nagsilandas sa mga mata ko. Kapag mahirap ka kasi at nagmahal ka ng mayaman, hindi imposibleng husgahan ka ng mundo. At dahil mga bata pa kayo, hindi niyo pa kayang panindigan ang isa't-isa, ang paghuhusgang iyon ang tuluyang sisira sa inyo. Mapupunta rin sa wala ang relasyon ninyo.

Kaya kung nasaktan ko siya noon ay mas naman na nasaktan ako. Kinailangan ko pa siyang ipagtabuyan dahil sa nasabi ko na, langit siya at lupa lang ako. Natakot akong hindi ako matanggap ng pamilya niya.

Ayoko rin na maliitin ako at ang pamilya ko. Mas hindi ko maaatim ang gano'n dahil kahit mahirap lang kami, ayokong apak-apakan lang ng kung sino. Natatakot din ako noon na baka iyong pagkagusto ko sa kanya ay mauuwi lang sa pagkamuhi kung magkataon.

May tamang panahon naman ang lahat eh. Kung talagang kayo ang nakatadhana para sa isa't-isa ay kusang mangyayari iyon.

Kusa. Hindi pilit at mas lalong walang pagmamadali.

"Hindi mo man lang ako pinigilang umalis o kaya ay hinabol, grabi ka. Hinayaan mo lang din naman akong lumayo sayo. Siguro... Hindi mo talaga ako gusto."

Napaayos ako ng upo habang nakapikit pa rin ang mga mata. Sana ay hindi lang ako nananaginip ngayon, dahil ayoko ng ulitin pa ang mga sinasabi ko sa oras na ito.

"Alam ko namang hindi mo na ako gusto. Hindi mo na kailangang isampal pa ang katotohanang iyon sa mukha ko. Napaka-insensitive mo talaga."

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Wala man lang siyang sinasabi. Siguro nga wala na talaga siyang pakialam sa akin.

O baka panaginip lang naman ito?

"Tanggap ko naman na hindi na ako eh. Kasi kung ako pa rin ay bakit may Marie na, diba?"

Naramdaman ko ulit ang mainit na likido na nagsisilandas sa pisngi ko. Matagal ko ring kinimkim sa dibdib ko ang bagay na ito. Ngayon ko lang nailabas.

"Kahit hindi na ako ang gusto mo, patuloy akong aasa na balang araw ako pa rin ang nakatakda para sayo," nakangiti kong sambit. Walang bakas ng pait ang aking tono.

Ni minsan ay hindi ako nawalan ng pag-asa. Hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa kahit pa napaka-imposible na.

Only our hearts know when and how to love and unlove someone. It is beyond our control. Love isn't the most powerful emotion for nothing. It does hurt someone's feelings.  It does stab somebody's heart. Yet, it does heal the soul's deep wound.

Isang marahan na haplos sa aking mukha ang aking naramdaman.

"Baby..."Iyon na lang ang narinig ko sa sinabi niya.

Tuluyang naglakbay ang diwa ko sa kadiliman. Wala na kong naririnig pa.

Wala...



"Ouch!" angil ko ng may galamay na tumama sa  mukha ko. Nasilaw din ako sa sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

"Aray!" muli kong daing nang may paang tumilapon sa bandang tiyan ko. Tsaka ko pa lang napagtanto na napapagitnaan pala ako nina Kyra and Hazel. Hindi na rin masyadong mabigat ang ulo ko pero may konting kirot pa rin ang sentido ko.

"Ano ba naman kayo? Mga kugtong!" asik ko na naman sabay tulak sa dalawa papalayo sa akin. Halos mapatili ako nang may yumakap sa paa ko. Aksidente kong nasipa ng malakas ang gumawa niyon. Nakiliti rin kasi ako eh.

"Aray, 'langya ka Leigh!" reklamo ni Ryza na tuluyang nahulog sa kama. Nasa paanan na pala namin siya.

Sabay-sabay kaming bumangon nina Hazel and Kyra at napatitig sa nasa sahig. Parang zombie na si Ryza. Maya-maya pa ay pare-pareho kaming bumunghalit ng tawa.

Mga buang na!

"Paano kayo nakarating dito? Hindi ba at sa sofa kayo natulog?" takang tanong ko pa. Mukhang nag-isip naman sila.

"Huh? Hindi ko na masyadong natandaan eh," napakamot pa sa ulong sambit ni Kyra.

"Oo nga, ako rin. Baka kusa kaming lumipat dito? Ewan," dagdag ni Hazel.

"Parang naaalala kong lumitaw ako sa ere eh at dinala ako rito," usal ni Ryza.

Napanganga naman ako. Eh ako? Paano ako nakarating dito? Huling tanda ko ay nasa unit ako ni Zeiroh Hernandez ah?

"Lumilitaw sa ere? Buang na! Nanaginip ka lang siguro eh. Shit sakit ng ulo ko."

Napatingin naman ako kay Hazel. Baka nga panaginip ko lang din ako na nasa unit talaga ako ni Zeiroh.

"Huwag ng mag-isip, ang importante ay mahalaga," biro pa ni Kyra at nagtawanan silang tatlo habang ako ay nag-iisip.

So, panaginip ko lang talaga 'yon? Umamin ako kay Zeiroh sa panaginip ko?

Nasapo ko ng pasimple ang aking noo. Iba talaga ang epekto ng alak sa sistema ng isang tao eh. Tumayo na kami pare-pareho.

"Ako muna mauunang maligo since ang tagal niyo sa CR lagi eh," deklara ko pa. Tumango naman sila.

"Pa-deliver na lang ulit tayo ng foods," suhestiyon ni Hazel at humikab pa. Nagkatinginan naman kaming apat na tila ba sa pamamagitan ng titig ay nagkakaintindihan na kami.

"Fine, fine, fine! Sagot ko," sukong sambit ni Hazel, it means treat niya ngayon. Nag-apir naman kaming tatlo. "Next time kayong dalawa naman ah?" dagdag asik nito kina Kyra and Ryza.

"Sure naman bebe," ani Kyra. "Tsaka para namang hindi niyo rin ako ginawang taga-libre sa inyo noong high school tayo ah!"

Nagtawanan na naman kami. Totoo naman kasi iyon, ito ang laging nanlilibre sa amin dahil ito naman talaga itong may kaya sa buhay.

Never ko nga ring inakalang magiging isa ito sa kaibigan ko eh dahil marami sa mga kaklase ko noon na mayayaman ay mayaman lang din ang mga kinakaibigan.

Siguro nga ay hindi naman lahat ng mayayaman na  tao ay pare-pareho eh. Just like Kyra, she's humble and friendly sa mga kagaya naming butas ang bulsa noon.

"Wala ba kayong pasok ngayon?" tanong ko sa tatlo habang kumakain na kami. Pare-pareho silang napailing.

"Day-off ko," sabay pa talaga sila.

"Eh ikaw?" nangungutya ang tono ni Hazel. Ako naman ang napailing.

"Tagal ko ng hindi nakapag day-off or I must say wala akong gano'n unless meron akong malalang sakit or kailangan kong umuwi ng Masbate. But it's okay, nag-eenjoy din naman ako sa trabaho ko eh."

"Tsaka ang laki ng sweldo mo 'day! Wait, kailan tayo uuwi ng sabay sa probinsiya?"

"Oo nga, namimiss ko na agad ang pamilya ko," ungot ni Kyra.

"Pamilya o baka naman ang long time crush mong si Vernitt?" pang-aalaska pa ni Ryza sa isa kaya na batukan na agad siya nito.

"Buang ka! Tanggap ko ng hindi ako ika-crush back ng kugtong na ‘yon no? May jowa na ‘yon. Hindi ko pinangarap na maging third wheel lang, sa ganda kong ‘to?” Natawa na lang kami. Halata naman kasing bitter pa rin ito sa isang unrequited love.

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan na rin naman nila na umuwi. Sabay-sabay na kaming lumabas ng unit since papunta rin naman ako sa radio station eh. Saktong paglabas namin ay ang paglabas din ni Zeiroh.

"Oh my gosh! Zeiroh! Hi, Zeiroh, remember me?" usal ni Hazel.

"Yeah, I remember you. Hazel, right? " tugon nito sabay ngiti sa kaibigan ko. Tahimik lang din akong nakamasid.

'Langyang ngiti talaga.

"Hi I'm Kyra," tila kinikilig pang pakilala ng isa. Umepal naman ang isa ko pang kugtong na kaibigan.

"I'm Ryza. Ang gwapo mo nga talaga."

"Kilala niyo ako?" nagtatakang tanong nito.

"Oh yeah, nababanggit ka ni Leigh sa amin eh." Napakuyom naman ako at simpleng siniko ang madaldal na Ryza. "Pero isang beses lang naman," agad na bawi nito.

Mababaliw talaga ako sa mga ito.

"Okay," nakangiti pa rin ito. Anong nakain nito at palaging nakangiti ngayon?

Saglit pang kinulit ito ng tatlo kong kaibigan. Sinamantala ko naman ang pagkakataon na mapagmasdan ito.

Minamasdan kita nang hindi mo alam. Pinapangarap kong ikaw ay akin...

Nagising ang diwa ko nang tapikin ako ni Hazel at pagkuwa'y nagpatiuna na ang mga kugtong. Napapitlag pa ako ng tumingin ang lalaking kugtong sa akin.

Huwag ka lang titingin sa akin. At baka matunaw ang puso kong sabik...

"How's your sleep?" nakangiti pa rin nitong tanong sa akin.

What the hell? Bakit ganito siya? Sinapian pa siya ng isang happy go lucky na espirito?

Sa iyong ngiti. Ako'y nahuhumaling...

"Hey, ayos ka lang?" tanong niya ulit. Pasimple kong ipinilig ang ulo ko.

Shit ka Carleigh, umayos ka nga. Ikaw yata ang sinasapian diyan!

Marahan niya akong hinila papasok sa elevator. Tila ba may kuryente akong naramdaman nang magkadikit ang balat namin.

Sana'y mapansin mo rin ang lihim kong pagtingin...

Bago pa kami naghiwalay ay ngumiti at kumaway pa siya sa akin kaya naman heto ako at lutang pa rin sa ere habang papasok sa station. Nag-alangan pa akong pumasok ng room dahil baka sumablay ako on air pero pilit ko na kinalma ang aking sarili.

Sobrang pasasalamat ko na lang dahil natapos ko ang aking programa ng matiwasay.

"Kita-kits na lang mamaya sa kina Harryl ah?" saad ni Pazz.

"Gesgie! Theme party ba iyon? Kailangan ko bang mag-ala-cinderella with shining, shimmering, splendid glass shoes?"

Natawa naman kami dahil sa kakulitan ni Calix.

"Kahit magball gown ka pa walang pipigil sayo, baklang 'to!" balik saad ni Pazz. Mas lalong lumakas ang aming tawanan.

"Ewan ko sa inyo. Sige na, kita-kits na lang mamaya," deklara ko pa.

From station ay direktang condo na ako dahil kailangan ko pa munang magpahinga.

"Hay, life!" himutok ko habang namimili ng maisusuot. Kanina pa ako hindi makapili eh. Lahat kasi ng dress ko ay from Lala Boutique at lahat din talaga ay magaganda at bumabagay sa akin.

Pagpatong-patungin ko kaya? Tsk, baka mapagkamalan na talaga akong baliw.

Dali-dali ko namang chinat si Hazel para magpatulong pero naka-offline naman ito, gano'n din sina Ryza and Kyra. Bigla na lang sumagi sa isip ko si Zeiroh.

"Kahit hindi na ako ang gusto mo, patuloy akong aasa na balang araw ako pa rin ang nakatakda para sayo."

Nanlaki pa ang mga mata ko at nasapo ang dibdib ko nang maalala iyon.

"Hala! Sinabi ko iyon sa kanya?" sigaw ko pang tanong sa sarili ko habang nakatitig sa repleksyon ko sa salaming nasa harapan ko.

"Eh? Hindi, panaginip lang naman iyon eh. Nevermind na nga lang," saad ko na naman. Imposible naman kasing totoo iyon, nasa kwarto ko lang ako nagising with my friends eh.

Kulay peach na dress ang napili kong suotin. Above the knee iyon at fit din sa akin. Nakakahiya naman kasing magmukha akong pariwara eh model pa naman ang celebrant, malamang sa malamang ay umuulan na naman ng magaganda at gwapo roon.

Bandang 5:00 p.m ay naligo na lang ulit ako at nag-ayos na. Nang matapos ako ay natanggap ko na ang text ni Pazz kaya nagpasya akong pumaroon na venue ng party ni Harryl.

Marami-rami na ring tao nang dumating ako. Agad naman akong sinalubong ni Pazz.

"Ang ganda mo talaga, bruha 'to," papuri pa sa akin ni Pazz. Natawa na lang ako.

"Halika, ipapakilala kita kay Zeiroh Hernandez, jusko 'day, ang gwapo-gwapo niya."

Napakurap-kurap naman ako. Tama ba ang narinig ko? Nandito rin siya?

Wala na akong nagawa nang hilain na ako ni Pazz. Napalunok na lang ako nang makita nga siya. She's with Marie. Pinigilan kong mapabusangot.

"Hey, everyone! Meet DJ Carleigh! " masaya na pakilala pa sa akin ng babae sa grupo na kinabibilangan ng mag-jowang Zei at Marie.

"Oh, kilala namin siya, right hon?" maarteng tugon ni Marie. Titig na titig naman ang lalaking kugtong sa akin at gano'n din ako sa kanya. Nauna na akong bumawi ng tingin at baka mahalata kami ng girlfriend niya.

"Yeah," tipid niyang tugon.

"Miss Carleigh!" tawag sa akin ni Harryl kaya napalingon naman ako at naglakad na papalapit sa lalaki. Nagbeso rin kami.

"Carleigh na lang, magka-edad lang naman siguro tayo eh."

"Mas matanda yata ako sayo ng isang taon eh." Napakamot pa ito sa ulo. Hindi halatang mas matanda siya sa akin. Akala ko nga noon ay mas matanda pa ito kaysa sa akin.

"Oh, really? Well, happy birthday nga pala, hindi na kita nabati agad."

"Thank you. Well, kahit hindi mo na ako batiin, sapat ng nandito ka." Matamis ang ngiti nito pero wala naman iyong epekto sa akin. Sa ngiti ni Zeiroh Hernandez lang talaga ako nababaliw.

"Echosero ka rin ah?"

"Kidding aside, masaya talaga ako na nandito ka. Ikaw ang pinaka special na guest ko ngayong gabi."

"Oh. Thank you for that. Tumaba naman ang puso ko dahil sa sinabi mo."

Ngumiti na naman ito. "Oo nga pala, isa rin talaga ako sa leighseners mo."

"Thank you, Ryl."

"May ibibigay sana ako sayo, sana magustuhan mo," aniya pa sabay abot ng maliit na paper bag.

"Huh? Ikaw na nga itong may birthday, ikaw pa ang magreregalo sa akin?" natatawa kong saad.

"It's like a present from one of your leighseners, DJ Leigh. Kaya sana tanggapin mo," saad niya. Wala naman akong magagawa kundi ang tanggapin iyon.

"Thank you again. Ang bait mo naman."

"Ang totoo kasi niyan... I like..." Tumunog ang cellphone ko kaya naman hindi niya naituloy ang sasabihin niya pa sana.

Nanliit ang mata ko nang makitang  number ni Zeiroh ang nasa caller ID. Wala kasing contact name iyon, nakalimutan ko ring lagyan. Kinabisa ko na lang ang last 3 digits ng number niya.

"Excuse me, ah? Sasagutin ko lang ito."

"Yeah, sige."

Bahagya akong lumayo sa lalaki at mula rin sa pwesto ko ay kita kong nasa isang sulok din ang kugtong na caller. Hindi na nakalingkis si Marie sa kanya.

Mabuti naman.

"What?" agad na asik ko habang nakatitig sa kanya mula sa kinatatayuan ko at gano'n din naman siya sa akin. Para bang kami lang ang tao sa lugar na ito.

"I thought, ako ang gusto mo? Talaga ba, Carleigh? Kung ako ang gusto mo, bakit may Harryl? Pinaglalaruan mo lang pala ako," galit niyang saad.

Napamaang naman ako at napakurap-kurap. Bigla na lang may sumago sa isipan ko.

"Tanggap ko naman na hindi na ako eh. Kasi kung ako pa rin ay bakit may Marie?"

Pakiramdam ko ay tuluyang nawala ang lahat ng dugo ko sa katawan ko.

Hindi iyon panaginip lang, damn it!

...
Vote. Comment. Follow.

Continue Reading

You'll Also Like

858 94 69
~•~•~ A typical diary of a typical high school girl. A typical school, a typical life, a typical-well... crush life? But this... isn't your typical t...
1.9M 24.4K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
900K 29.4K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
21.6M 442K 78
The LeFevre Mafia Series: Marcus LeFevre's story 1st installment of the LeFevre Mafia series. All LeFevre stories are interconnected. PUBLISHED UNDE...