Tinatanaw ang maliwanag na kalangitan
Nang biglang sumagi sa aking isipan
At ako’y napatanong, hanggang kailan matatapos?
Paano nalang tayo? Tuluyan ba tayong magpapa-agos?
Madilim na umaga, masalimuot na pagsubok
Mararating pa ba natin ang inaasam-asam na rurok?
O kay pait na ng mga nagaganap
Napagtanto mo ba, ito ba ay katanggap-tanggap?
Nababalot ng kadiliman ang ating mundong ginagalawan
Gipalpal na dagok at kalbaryo ang ating nararanasan
Tanong ko lang aking katoto, paano ka maliligtas?
Tuluyan ka na bang magpapatuklaw sa ahas?