South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 15

204K 11.4K 6K
By JFstories

I MISSED YOU.


Muntik ko nang mabitiwan ang pitsel ng tubig na hawak-hawak ko sa kaliwang kamay nang may tumapik sa aking balikat. Nilingon ko kung sino at sumalubong sa akin ang nakakunot noong si Tatay Bear. "'Anyare sa 'yo, Susana? Kahapon ka pa balisa."


"Po? Wala po," mabilis na tanggi ko.


"Kanina ka pa kaya riyan natutulala. Anong oras na, hindi ka pa naalis. Malilate ka na sa eskwela mo." Sinilip niya pa ang mukha ko. "Ano bang nangyayari sa 'yo, ha? Ano? In love ka ba?"


Nanlaki ang mga mata ko. "Tatay Bear!"


"Wag mo akong matatay-tatay bear diyan." Iika-ika siyang humila ng upuan sa kalapit na mesa at marahang inupo roon ang sarili. Isinandal niya ang saklay niya sa kanyang tabi. "Ano? Sino kina Hugo at iyong si Totoy?"


"'Tay Bear, bakit naman Totoy?!" Nagkamot ako ng ulo. "Saka bakit nasama si Hugo? Hinding-hindi ko magugustuhan iyon. Siraulo po iyon!"


"Kung gayon ay si Totoy ang gusto mo?"


"Naman, Tatay Bear!" maktol ko. Huling-huli ako at ayokong magsinungaling sa kanya.


Hay, bakit ba kasi natutulala kapag in love? I mean, 'pag may crush?


Inaamin kong crush ko si Arkanghel. He's also special to me. Kumakabog ang dibdib ko kapag kasama at nakikita ko siya saka naiisip ko siya bago ako matulog at tuwing magigising ako sa umaga. At my age, it can be infatuation. Possible rin na mas mabigat pa roon. But it's too early to say that this is love.


"Ayusin mo lang. Tatandaan mo sana na sa edad mong 'yan, wala pang permanente. Masyado pang maaga para magmadali sa mga ganyang bagay."


Napaisip naman ako sa mga salitang binitiwan ni Tatay Bear. Alam ko na kapakanan ko lang ang inaalala niya at natatakot lang siya na sa huli ay masaktan ako.


Pero hindi naman siguro ako masasaktan ni Arkanghel lalo na kung makakaya kong lagyan ng limitasyon ang sarili ko. I think mas makakabuti na habang hindi pa malalim ang nararamdaman ko para sa kanya ay dumistansya na muna ako. Hanggang VBF lang. Hanggang VBF lang dahil hanggang doon lang rin naman talaga kami.


Humalik na ako sa pisngi ni Tatay Bear saka nagmamadaling lumabas na ng bahay. Nagbeep ang phone ko nang nakasakay na ako sa tricycle.


Hugo Emmanuel:
Hoy, raketerang mataba.


I ignored him. Bahala siya sa buhay niyang bully siya. Kagabi pa siya panay text diyan kaya nai-saved ko na ang number niya. Hindi ko alam kung bakit may number ko na siya, siguro hiningi niya kay Carlyn.


Hugo Emmanuel:
Break na kami ni Shiela. Nagselos siya sa 'yo. Kasalanan mo kaya single na naman ako.


Paki ko? Busy ako.


Habang nasa tricycle ay itinext ko na ang mama ng classmate kong si Elvy Ruiz. Naghahanap pa kasi ako ng pwede pang hanguan ng kahit anong pwedeng itinda.


Pagkarating sa school ay sumalubong sa akin sa gate ang Grade 10 student na si Loisa. "Sussie, 'tagal mo naman! Mag-start na klase namin e."


"Sorry na..." lambing ko sa kanya. Dati ko siyang nakasama sa English Club kaya magkakilala kami. Naglabas ako ng wallet mula sa bag ko. "Four hundred lahat, 'no?"


"Yup. Ito o." Ibinigay niya sa akin ang plastic bag na dala-dala niya saka niya kinuha ang perang inaabot ko.


"Thanks." Sinilip ko ang laman ng plastic bag. Mga liptint iyon. Limang piraso, iba-iba ang shades.


"Bakit kasi di ka pa magregister para mas malaki ang tubo mo? Saka para na rin makakuha ka ng iba pang products namin."


"Next time. Mag-iipon muna ako. For now, hango-hango muna ako."


"Sige. Basta sa akin ka pa-register, ha?" Nagpaalam na siya.


Ako naman ay pumunta na sa building namin. Lakad-takbo ako dahil nagring na ang bell.


Wala nang masyadong estudyante sa daan kaya siguradong nasa room na rin niya ngayon si Arkanghel. Dapat matuwa ako dahil hindi ko na siya makikita pero iba ang nararamdaman ko. Naiinis ako dahil nga sa hindi ko na siya makikita.


Pagdaan ko sa room nila Arkanghel ay ganoon na lang ang gulat ko nang madatnan siyang nagwawalis sa hallway. Ano na naman kayang drama niya?


"Sussie!" Agad siyang huminto sa ginagawa nang makita ako.


"Sipag mo naman," casual na bati ko sa kanya.


Ngumiti siya at hindi na nagwalis. "Sa bench mamaya, ah."


Tumulis lang ang nguso ko saka ako patay-malisyang naglakad palampas sa kanya.


"Uy, sa bench mamaya! Hintayin kita!"


"Bahala ka," sabi ko lang.


"Kain tayo fishball mamaya!" pahabol niya.


Hindi na ako sumagot o lumingon. Pigil ang ngiti ko nang umakyat na ako sa hagdan.


Nabura din agad ang pagkakangiti ko nang makitang may nakaupo sa dulo ng step ng hagdan. Nang mag-angat siya ng paningin ay sinimangutan niya agad ako.


"Problema mo?" sita ko sa kanya. Umakyat na ako.


"'Di ka nagrereply." Tumayo siya at pinalobo ang chewing gum sa bibig niya.


Inirapan ko siya at nilampasan na.


"Sabay ka 'maya sa akin."


"Ayoko nga."


"Sino kasabay mo? Si Click boy?"


Napahinto ako sa paglalakad. Nakataas ang isang kilay ko nang lingunin ko siya.


Nakaismid ang labi ni Hugo. "Ayaw mo sa Aerox, gusto mo sa Click?"


Wala akong balak sirain ang umaga ko kaya hindi ko na pinansin ang panlalait ni Hugo sa motor ni Arkanghel.


"Ano 'yan?" usisa ni Carlyn nang makita ang bitbit ko pagpasok ko sa room.


Kasunod ko lang na pumasok sa pinto si Hugo. Kasunod naman niya ang first class teacher namin na ngayon ay pingot-pingot siya.


"Binata ka na, pasaway ka pa rin! Ang daming didikitan ng chewing gum, talagang sa hagdan pa! Diyos ko, Hugo Emmanuel, maawa ka sa mama mo! Napakarangal ng magulang mo 'tapos ikaw, balahura!"


Naiiling na lang ako sa kinauupuan. Pero mabuti nga kay Hugo.


"Liptint 'to. Order sa akin nila Alice," sinagot ko ang tanong ni Carlyn.


Nagstart na kasi ako kagabi sa posting ng mga products na nireresell ko. Meron na akong cosmetics, pang skin care, crop tops, dolphin shorts, bagoong alamang, peanut butter, chicharon and soon, daing na bangus. Next week ay magpapa-load na rin ako.


"Taray, ah? May customers na agad." Kinuha niya ang plastic bag at tiningnan ang nasa loob. "Pa-order din ako nitong mga 'to. Wala bang tawad sa akin diyan? Best friend naman e."


"Best friend nga tayo kaya imbes na tumawad ka riyan, bigyan mo na lang ako ng tip."


May kumalabit sa akin mula sa likod. Si Dessy. "May chicharon kang dala?" bulong niya.


Nginitian ko siya. "Meron. Mamayang recess."


Siniko ako ni Carlyn. Nanlalaki ang mga mata niya. "Seryoso? May dala kang chicharon?"


Inginuso ko ang bag ko na halos pumutok na sa sobrang dami ng laman. "Oo. May order kasi sa kabilang room tapos nagdagdag ako ng extra, just in case lang na may gustong bumili."


"Kaloka. Kaya pala amoy suka ka!"


Natawa na lang ako sa biro niya.


Syempre biro lang iyon, 'no. Hello? Ang bango ko kaya. Naligo ako ng Bench Colonia bago ako umalis sa bahay kanina.


Nang recess ay naging busy ako dahil naghatid ako ng orders sa kabilang classroom, 'tapos pinaubos ko ang extrang chicharon na dala ko. Nang maubos na ang paninda ay nag-Facebook naman ako para i-reply ang mga inquiries. Karamihan ay interesado sa velvet dolphin shorts na paninda ko. Inisa-isa kong sinave ang mga details nila matapos sendan ng modes of payment rebuttal. Sa Saturday ang deliver ko sa malalapit lang.


"Dumaan si Arkanghel kanina."


"Ha?" Napatigil ako sa pagko-compute sa calcu ng phone ko nang magsalita si Carlyn.


"'Sabi ko dumaan ang 𝘣𝘦𝘣𝘦-𝘦𝘧 mo. Hindi na kita tinawag kasi 'sabi niya, wag ka nang istorbohin. Nakita ka kasi niyang sobrang busy kanina."


Napakagat-labi ako.


"Ano ba? Bati na ba kayong dalawa? Feeling close na kasi siya ulit e."


Tumango lang ako at bumalik na sa pagco-compute.


"E bakit parang naiwas ka roon sa tao?"


"Ano bang naiwas?" kaila ko. "Busy ako sa business ko. Busy akong kumita ng pera. Alam mo namang gusto kong makatulong sa tatay ko sa gastusin."


"Anong kinalaman ni Arkanghel sa pagiging busy mo sa pagkita ng pera?"


Alam kong dumaan si Arkanghel kanina noong first break, noong lunch at maging noong last break. Sinadya ko na hindi siya pansinin dahil busy talaga ako sa pagbebenta. I don't need a distraction. Hindi pa time.


Umuukilkil sa isip ko ang sinabi ni Tatay Bear na masyado pang maaga para magmadali. Marami pang mangyayari at marami pang magbabago kaya dapat magfocus lang muna ako sa sarili ko, sa pag-aaral ko at sa pamilya ko.


Ang kaso, kahit hindi ko pansinin o kahit iwasan ko si Arkanghel, pilit pa rin siyang sumisiksik sa isip ko. Kahit nga rito sa calculator ay mukha niya ang nakikita ko.


Uwian nang lumapit si Vivi sa akin.


"Bakit?" Tiningala ko siya dahil nakaupo pa ako at busy na naman sa pagce-cellphone nang lumapit siya.


"Magkano iyong crop top na pinost mo kagabi? Iyong color violet na Sailormoon ang print?"


"Ah, two-fifty. Kaso 'tatanong ko pa if available pa, ha? Mabenta kasi iyon."


"Okay. Text mo na lang ako." Ibinigay niya ang number niya sa akin. "Saka kapag may bago ka, tell me. Basta crop tops, G ako."


"Sige, sige." Isinave ko ang number ni Vivi. Ang saya ko dahil may bago akong customer. Nakakatuwa kasi ngayon lang kami nagkausap na dalawa. Mabait naman siya.


Pagkaalis niya ay saka naman bumalik si Carlyn. Halos magbuhol ang mga kilay niya nang maupo sa tabi ko. "So ano iyon?"


"Customer."


Hindi siya nagsalita.


I sighed. "Carlyn, about Isaiah..." Iniligpit ko na ang mga gamit ko. "Kapag ready ka ng magkwento about him, nandito lang ako, ha?"


Naupo siya sa tabi ko. "Sus. Wala na iyon. Saka di ba may BF na ako ngayon? Si Jordan?"


Lumakad na siya paalis. Nakasalubong niya pa sa pinto ng classroom si Jillian na sister ng bago niyang boyfriend. As usual, hindi naman sila nagpansinan.


Mukhang busy rin sa buhay si Jillian. Kung hindi ako nagkakamali, may boyfriend na rin ito. Nakita ko kasi ito noong nakaraan na may sumundo rito isang beses. Isang guwapong lalaki na naka-uniform ng pang DLSU. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang malagkit na tinginan ng mga ito sa isa't isa.


Parang lahat yata ay may lovelife na. Okay lang naman ako, humihinga. 


Tumayo na rin ako at lumabas na ng room.


"Hoy, chubs!" Humarang si Hugo sa akin sa hallway. "Sabay tayo. Hintayin mo lang ako, may inuutos pa kasi sa akin si Mommy."


"O? Saan bhie mo?" Isa pa itong si Hugo, hindi rin nawawalan ng babae. 


"Selos ka?"


"Utot mo." Nilampasan ko siya.


"Hoy, paorder ng penguin shorts!"


"Engot walang ganun!"


Hindi ko na siya nilingon pa. Mabilis na ang mga lakad ko paalis. Hindi naman talaga oorder si Hugo, papansin lang siya. Hindi naman siya magsusuot ng penguin shorts, I mean dolphin shorts. Malabo ring iregalo niya sa bhie niya dahil nga break na sila.


Sa bench ay natanaw ko na agad si Arkanghel na naghihintay. Nakasimangot siya at mukhang naiinip na. Nang makita niya akong parating ay saka lang umaliwalas ang mukha niya.


Hay, ang guwapo talaga ng VBF ko. Tapos heto at ngingiti-ngiti pa siya. Tsss paano ko ba siya iiwasan?


"Sussie, kanina pa ako rito. Ang tagal mo naman."


"I don't care." Inirapan ko siya at lalampasan sana ang kaso ay humarang siya agad sa daan.


Ngiting-ngiti pa rin siya. "I don't care who you are," kanta niya.


"Who you are..." second voice ni Isaiah na nasa likod ko na pala.


Napangisi si Arkanghel at kinawayan ang pinsan saka tinuloy ang pagkanta. "I don't care where you're from."


Agh! Parang mga sira.


"Where you're from," second voice ulit ni Isaiah.


"What you did, as long as you love me..."


Nabubura ang inis ko sa ganda at lambing ng mga boses nilang magpinsan. Ah, what a combination.


"Who you are. Where you're from. 'Don't care what you did, as long as you love me."


"Yeah... e...yeah..." It was Isaiah's turn to finish the song.


Naupo na ako sa bench at silang dalawa naman ay nasa harapan ko. Parang mga sira sila. Nakakainis. Parang hinaharana ako. Hindi ko na tuloy mapigil ang ngiti ko pero tipid pa rin.


"Gusto mo fishball?" Tumabi sa akin si Arkanghel.


"'Bili mo ko." Itinulak ko siya patayo.


"'Di mo ko sasamahan?"


"Pagod kasi ako." I pouted like a child and gave him puppy eyes. "Ikaw na lang, please?"


Napakamot na lang ng ulo si Arkanghel saka umalis na para bumili ng fishball.


"Mabuti pa sa 'yo masunurin 'yan," komento ni Isaiah. Naupo siya sa tabi ko. "Sa bahay nila, kailangan pang atakihin sa puso ang mama niyan bago 'yan sumunod sa utos."


Ngingiti-ngiti lang ako.


Nang makitang malayo na si Arkanghel ay saka ko hinarap si Isaiah. Sinadya ko talaga na maiwan kaming dalawa para matanong ko siya nang seryoso. "Isaiah, magtapat ka nga. Anong ginawa mo sa kaibigan ko?"


Sumandal siya at lumingon sa akin. "Kay Arkanghel? Wala, ah."


Kinurot ko siya sa braso. "Hindi si Arkanghel. Si Carlyn!"


Nabura ang ngisi niya. "Ano ba 'sabi nun sa 'yo?"


Sumeryoso ako. "Wala. Wala siyang sinasabi kaya sa 'yo ako nagtatanong. Bakit galit na galit sa 'yo si Carlyn?"


Napa-tsk si Isaiah at humalukipkip.


"Siya ang nakipagbreak kaya hindi ko alam kung bakit siya pa riyan ang galit." Mukha namang sincere ang pagkalito ni Isaiah.


So naging sila nga.


"Wala akong alam, Isaiah. Wala naman siyang nakukwento tungkol sa 'yo. Kung may nasabi man siya about you ay iyon na running for top ka na raw palagi. That's a good news, actually."


Ngumiti lang si Isaiah. Ang tagal niya ng tahimik. Hindi na siya nagsalita pa kaya nakiramdam na lang ako. Pinanood ko na lang ang mga estudyanteng dumaraan sa harapan namin sa bench.


"Tanungin mo na lang si Carlyn kung bakit siya galit," mayama ay narinig ko na lang na bulong niya.


Sumandal ako. "Hay, sana nga magkwento siya. Hindi ko gustong nakikita na nahihirapan ang best friend ko. Ang dami kong pagkukulang doon, kaya gusto kong bumawi."


"Sa akin kailan ka babawi?" biglang may nagsalita sa gilid ko.


Bumalik na si Arkanghel at narinig niya ang pag-uusap namin ng pinsan niya. Bitbit niya na ang dalawang plastic cup na puno ng maliliit na kwek-kwek, fishball at kikiam sa loob na nakababad sa suka.


Naupo na sa tabi ko si Arkanghel. "Iyo 'tong mas marami."


"Thank you." Tinanggap ko naman ang cup ko.


"Iyong sa akin, 'insan?" tanong ni Isaiah. Maligaya na ulit. Parang hindi na-stress kanina.


Pinagigitnaan na nila akong magpinsan sa bench.


Umismid ang natural na mapulang mga labi ni Arkanghel. "Hoy, mas malaki baon mo sa akin kaya bumili ka ng iyo."


"Tsk. Bumalik lang 'tong si Sussie naging sakim at makasarili ka na. Hindi mo ba alam na kahit hindi tayo magkamukha ay still, blood is thicker than water?"


"But rivers run deeper!"


Muntik akong masamid. Tawang-tawa naman si Isaiah. "Hoy english 'yan. Saan mo natutunan 'yan?!"


"Sabi ni Mama!"


"Dinamay mo pa si Tita Roda! Malamang nabasa mo lang 'yan sa Internet noong nagpo-porn hub ka-"


Inabot ni Arkanghel si Isaiah para kutusan. "Gago walang ganun! Banned na iyon sa Philippines!"


Tawang-tawa naman si Isaiah. "'Bat alam mo?"


Itinaas ko ang kamay ko sa ere dahil ako ang nagigitgit nila sa harutan nilang magpinsan. "Tumigil na nga kayo. Ang lalaki niyo na, ang haharot niyo pa rin!"


"Ito kasing si Arkanghel, talande."


"Ikaw nga naihi ka pa sa higaan. Sabihin mong hindi?"


"Tama na!" Itinulak ko na palayo si Isaiah. "Umuwi ka na nga, Isaiah!"


Tumayo naman si Isaiah. "Sus, magsosolo lang kayo e." Nagdirty finger pa siya kay Arkanghel bago umalis.


Sinamaan ko ng tingin si Arkanghel. "Subukan mong gumanti!"


"'Di ah..." Lumabi lang siya at umayos ng upo.


Kinain ko na iyong fishball, kwek-kwek at kikiam na binili niya sa akin. Siya naman ay tahimik na rin na kumakain. Nagcheers pa kami nang suka na lang ang matira sa cup. Halos sabay rin naming tinungga iyon.


"Bakit pala hindi mo dinadala iyong motor mo sa pagpasok?" puna ko nang malamang nag-commute lang siya ngayon. One time pa lang daw niya iyong nadala rito sa school.


"Ayaw ni Mama e. Baka raw kasi maaksidente ako. Ewan ko ba roon. Hindi ko tuloy masulit si Wolf."


"Wolf?"


"Name ng Click ko. Astig, 'no? Si Papa nakaisip nun. Ayaw nga ni Mama, kaso gusto ni Papa. Talo siya. Dalawa kami e!" Humagalpak siya ng tawa. Proud na proud na walang nagawa ang mama niya dahil nagkampihan sila ng papa niya. Cute.


"Mabuti okay kayo ng parents mo. Hindi ka na ba nila nasasaktan?"


Sumandal siya at tumingala sa langit. "Hindi naman nga sila mapanakit. Gigil lang sila kapag nababalitaang nagbubulakbol ako at napapabayaan ko ang pag-aaral ko. Mataas kasi pangarap nila sa akin e. Gusto nila makatapos ako at mag-abroad. Ayaw nila rito sa Pilipinas kaya gusto nila na ako ang gumawa ng paraan para madala ko sila sa Canada o kahit saang lupalop basta for good. Ewan ko sa mga iyon bakit G na G magmigrate."


Papadilim na pero nasa bench pa rin kami. Kaunting-kaunti na lang ang mga estudyante, hindi pa rin kami tumitinag ni Arkanghel. Kahit hindi na kami nagsasalita, kuntento kami na basta magkatabi lang na nakaupo rito.


Hindi ko na rin pansin na magkadikit na magkadikit na pala ang mga balikat namin.


Naisip ko, hindi naman siguro masama na maging close pa rin kaming dalawa. Basta maging responsible at alam namin ang limitasyon, wala naman sigurong magiging problema.


Mayamaya ay nagsalita ako. "'Pag nasa Canada ka na, sulatan mo 'ko, ah?"


"Ay, hindi."


Tiningnan ko siya nang matalim. "Bakit naman?"


Ngumisi siya. "Sasama kita e."


"E bakit mo naman ako isasama?" Hindi ko maawat sa pagngiti ang mga labi ko.


"Syempre mamimiss kita. Kaya magpapayat ka na para magkasya ka sa maleta."


Nabura ang saya ko at napalitan agad ng pagka-asar. Hinampas ko siya sa braso. "Kailan ka ba magseseryoso?!"


Nagiging dreamy na ako tapos bubwisitin niya na naman ako. Nakakapikon na. Joke niya lang talaga iyong pamysterious at snob effect niya noong una. Abnormal pa rin talaga siya.


Hindi ba niya alam na handa na akong balewalain ang una kong plano na iwasan siya? Na handa na akong mas maging malapit sa kanya? Hindi ko kasi talaga siya matiis.


"Seryoso naman ako sa 'yo, ah?"


"Arkanghel, dumidiga ka. Hindi mo ba alam iyon?" Pinaningkitan ko siya ng mata.


"Bakit may magagalit ba?"


Natahimik ako. Iyong ganitong tanong, ano ang ibig sabihin niya roon? Kinakabahan ako sa mga susunod niyang sasabihin. Ito na yata iyong mga napapanood ko sa K-Drama, iyong babanggit ng ibang character na pinagseselosan tapos biglang magtatapat na. Ahhh kinakabahan ako. Kaya ba ng puso ko ang tensyon?


"Si Hugo ba?"


There, he said it!


Hinaharangan ko ang tunay kong emosyon nang kunwari ay balewala akong magtanong. "O ano namang kinalaman ni Hugo rito?"


Ito na ba iyong sasagutin niya ang tanong ko ng isang possessive answer? Kinakabahan tuloy ako habang hinihintay siyang magsalita para lang madisappoint sa huli.


"Wala. Kabanas iyong motor niyang Aerox e, taob iyong Click ko."


And here we go again. Bwisit!


"Mas humble ka naman sa kanya ng ten percent." Nanggigigil na ako sa kanya.


"Sino mas guwapo sa amin?"


"Wala. Pareho kayong pangit."


"'Labo mo, girl. Ayawan na."


"Arkanghel..."


"O?" Kinukuyakoy niya ang mga paa niya.


"May itatanong ako. Seryoso 'to. Nanliligaw ka ba?" binigla ko na dahil baka magbago pa ang isip ko at hindi ko pa masabi.


Napatingin siya sa akin. "Hindi. Bakit mo nasabi?"


Ouch. So this is the answer. Ang sakit nang pagkapahiya ko. Masyadong nag-assume. Masyadong nagandahan sa sarili. Hindi ako makatingin sa kanya dahil hiyang-hiya ako.


"Huy ba't mo natanong?" Siniko-siko niya ako.


"Ah uhm..." Inalis ko muna ang bara sa lalamunan ko bago ako nagsalita. "Natanong ko lang. Ang harot-harot mo kasi. Ah, uhm, m-mabuti na lang hindi ko sineseryoso mga biro mo pero hindi ka dapat ganoon."


"Sussie, hindi kita nililigawan."


"Sus. Oo nga. Ito naman. As if!" Tumawa ako kahit gusto ko nang maiyak. "Okay. Pero wag kang maharot."


"Sussie, hindi kita nililigawan-"


"Oo na nga! Paulit-ulit ka naman." Tumawa pa ako.


"Hindi pa."


Kusang umikot ang leeg ko papunta sa kanya. "Ha? Anong sabi mo?"


Seryoso siyang nakatingin sa akin. "Hindi pa. Kasi balak ko pa lang sanang ligawan ka."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
8.9M 184K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
15.8K 347 43
Pretender Series || Salazar Cousins #2 Blind. A word to describe her. Not literally but figuratively. Why does she keep choosing someone who kept hur...
1.5M 34K 34
Doctor Roussanne Shelkunova's life is simple. It's composed of a routine that she has to follow every day. Paulit ulit, parang on-loop na kanta, mula...