Ignored by Mr. Famous (ASHLEY...

By lady_assasin2004

67.7K 1.5K 29

Ignore me now... Regret Later. Read at your own Risk! Nicolette Fren Ashley's Story it is. •Ashley 5 (Third G... More

First Note
Ignored by Mr. Famous!
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Nicolette and Kezia
Epilogue

Chapter 6

1.3K 41 0
By lady_assasin2004

Chapter 6

"Tiya, kasama ko naman po ang kaibigan ko."

"Maglalandi lang yan mommy-"

"Quire wag kang sumabat kung hindi ka kinakausap!" Sermon ni Tiya tunis sa anak at namomobrelemang hinarap ako. "Kezia, hindi naman sa pinagbabawalan kita pero nag-aalala kasi ako sayo, bago ka palang at baka ano pang mangyari sa'yo. Naiintindihan mo naman siguro ako, ano? Sa akin ka ipinagkatiwala ng mama at lola mo kaya ako ang malalagot kapag may nangyaring masama sa'yo."

Napayuko nalang ako at napatitig sa pagkaing nasa pinggan ko. Nasa hapag kasi kami ngayon, kumakain ng hapunan, nandito kami lahat. Panay nga ang sulyap sa akin ni Quid at si Quire naman ay kanina pa umiirap sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.

"At teka, sinong kaibigan naman ang makakasama mo?"

Bigla akong nabuhayan ng loob dahil sa tanong ni tiya tunis. "Si Nathaniel po."

Nasamid si Quire kaya napatingin kaming lahat sa kaniya, tumalim ang tingin niya sa akin pero naagaw ni Quid ang atensyon ko.

"Nathaniel delos Reyes?" Tanong neto sa akin habang nakataas ang isang kilay. 

Lumunok ako at tumango, bat pakiramdam ko may mali sa sinabi ko?

"Ay ang anak ni madam delos Reyes! Ay sige payag ako! Naku mabait na bata iyong si Nathaniel at kigwapo pa-"

"Ma!"

"Ano naman ngayon ha, Quid? Wala namang masama kung maging magkaibigan ang dalawa, hindi porket di mo na siya kaibigan ay di narin pwedeng maging magkaibigan sila ni Kezia-"

"Ma, let's not talk about it here." Sabi ni Quid sabay tingin sa akin.

Napabuntong hininga nalang si tiya at ngumiti sa akin. "O siya, overnight ba?"

Alanganin akong umiling. "Di ko po alam eh, ang sabi lang sa akin ay pupunta kami sa bahay amponan ngayong sabado at linggo, wala namang nabanggit na mago-overnight."

Tumango si Tiya at nagdagdag ng kanin sa kaniyang pinggan. "Kapag gabihin ka na masyado ay pwede ka namang kila Nathaniel na matulog-"

"Ma!" Angal ulit ni Quid.

Pinanlakihan ni Tiya ng mata ang anak. "Sige na at pagkatapos niyong kumain ay magsi-akyat na kayo, tapusin niyo ang mga takdang aralin ninyo, magreview kayo o kung ano pa, ako na ang bahala dito."

Matapos naming kumain ay Dumiretso na ako sa kwarto ko at ginawa ang aking takdang aralin, sinubukan kong maghugas ng pinggan pero tinakot ako ni tiya na kapag daw hindi na ako umakyat ay di na niya ako papayagang sumali sa sinasabi kong activity. Madaling araw na akong natapos sa ginagawa kaya sa sobrang antok ay sa study table na ako nakatulog. Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko, pero nasa kama na ako at wala na sa study table, saglit pa akong naguluhan kung paano ako napunta sa kama, pero kalaunan ay binalewala nalang.

"Nathaniel?" Patanong na tawag ko sa lalaking nakahilig sa school gate at mukhang may hinihintay. Agad naman niya akong nilingon, at ng makitang ako iyon ay nag-ayos siya ng tayo.

"Sabay na tayo." Seryoso netong sabi. Kung makaasta ito ay parang hindi binabae.

Ngumiti ako sa kaniya sabay tango, nagulat pa ako ng bigla niyang kunin sa akin ang bag ko, pero ng isabit niya ito sa kaniyang balikat ay naintindihan ko na ang ginagawa niya.

"Pinayagan akong sumama ngayong sabado. Mag-oovernight ba tayo?" Tanong ko habang naglalakad kami.

"Magtatanong pa ako kay mama." Sagot neto sa akin.

Di ko maiwasang mas mapangiti pa, hindi na kasi kasing suplado gaya noon ang paraan ng pagsasalita niya sa akin, mukhang magkaibigan na talaga kami.

"Ang sabi ni mama, isama muna kita sa office niya bago tayo pumunta sa classroom."

"O sige."

"Himala ata at wala si Quid para ihatid ka ngayon sa classroom?" Bigla niyang tanong.

"Ang sabi niya may practice sila sa basketball, malapit na ang intrams ng highschool at kinuha siya bilang isa sa mga trainor, kaya di niya ako mahahatid, at isa pa di naman kailangang hinahatid diba? Kung busy siya edi hindi, mas mabuti nadin, napapansin ko kasing ang sama ng tingin sa akin ng lahat sa tuwing hinahatid ako ni Quid, eh."

Ang totoo niyay may pakiramdam akong dahil kay Nathaniel kaya hindi niya ako hinatid. Mula kasi ng sabihin kong kaibigan ko si Nathaniel ay parang bumalik siya sa dati, naging malamig na siya sa akin at hindi narin masyadong palangiti. Gusto ko mang magtanong pero alam kong wala akong karapatang manghimasok sa kung ano man ang gulo nila.

Bahagya pa siyang natawa. "Sino ba ang hindi sasama ang tingin sayo? Kung ang isa sa mga campus crush na sobrang suplado at snob ay hinahatid sundo ka sa mismong classroom mo?"

"Campus Crush? May ganoon pala?"

Nalaglag ang panga niya at tiningnan ako na para bang isa akong alien. "Saang planeta ka galing?"

"Sa earth parin naman, pero kung itatanong mo kung saang lugar ako galing yun ay sa bahay, alangan namang dito ako natulog diba?"

Napailing-iling nalang siya at di na muling nagsalita. Totoo naman diba?

Lumipas ang mga araw at ganoon parin, hindi na ako pinapansin ni Quid kaya ngiting tagumpay ang laging iginagawad sa akin ni Quire sa tuwing nagkakasalubong kami, gusto kong kausapin si Quid pero lagi naman niyang kasama sila Nic, at sa di malamang dahilan ay sa tuwing nakikita ko si Nic ay parang gusto kong magtago, hindi na sumasabay sa amin ang mga Ashley dahil ibinalik na sa kanila ang mga sasakyan nila, nung isang araw ko lang nalaman na tag-iisa pala sila ng sasakyan maliban kila Em at Ai na may sariling taga-hatid-sundo, akala ko sa kay Nic sasabay si Em pero hindi pala, nakaramdam ako ng ginhawa ng malamang hindi at iyon ang problema ko.

At napapansin ko ding napapadalas ang pagtapon ng tingin sa akin ni Em sa tuwing nagkakasalubong kami sa daan, alam kong wala namang mali dahil kaibigan ko naman siya pero kakaiba kasi ang paraan ng pagtingin niya, at ilang beses ko narin siyang nahuling nakatitig kay Nathaniel.

"Nandito na lahat, ok? May extra allowance din akong nilagay dyan sa loob ng bag mo, tinawagan ko si Madam delos Reyes at payag siyang doon ka sa kanila matulog, naku mag-ingat ka kay Nathaniel, ha?" Sabi ni Tiya habang may pilyong ngiti.

"Tiya hindi naman po siguro mga aswang sila Nathaniel diba?" Medyo kinakabahan kong sabi.

Tumawa siya. "Naku ikaw'ng bata ka! Wala silang lahing aswang, hindi sila aswang pero..." nilapit niya ang mukha sa akin. "Naninipsip at nangangagat sila." Biro niya.

Pilit akong ngumiti dahil hindi ko talaga naiintindihan ang sinasabi niya. Akala ko nung una ay iba ang iisipin ni Tiya dahil lalaki ang kaibigan ko pero kabaliktaran naman pala ang naging reaksyon niya, masaya siyang si Nathaniel ang kaibigan ko at sa si malamang dahilan ay parang may kakaiba sa paraan ng pagngisi ni Tiya sa kay Nathaniel palagi. Si Nathaniel kasi ang lagi kong kasama, dahil narin sa pagiging malamig ni Quid sa akin kaya nahihiya narin akong makisabay kila Ai, kahit na madalas akong iniimbita ni Ai na sumabay sa kanila, nakakahiya padin.

"Alas otso pa dadating ang ibang kasamahan natin, kaya pwede pa tayong maglibot libot, alas sais pa lang eh." Sabi ni Nathaniel habang naglalakad kami patungo sa kotseng sabi niyay sasakyan namin. Dala-dala niya ang backpack bag naming dalawa, gusto kong sabihing ako na ang magdadala ng akin pero mukha namang di siya nahihirapan kaya hindi nalang ako nagsalita.

"Ok." Simpleng sagot ko. Binuksan niya ang pinto ng backseat at nilagay sa loob ang mga bag namin at ng akmang papasok na ako sa loob ay pinigilan niya ako.

"Sa front seat ka." Sabi niya at umikot na sa drivers seat.

Nangunot pa ang noo ko habang binubuksan ang pinto ng front seat. "Ikaw ang... magmamaneho?"

Pinaandar niya ang kotse saka nagsalita. "Yep, and don't worry I got my student license."

Tumango nalang ako at nagseat-belt na. Gaya ng sabi niya ay nag-ikot ikot pa kami, hindi kami bumaba ng sasakyan, marami siyang sinasabi sa tuwing may nadadaanan kaming magagandang lugar, nakwento pa nga niya na madalas niyang dinadala ang nagiging girlfriend niya sa Flower Garden na pagmamay-ari ng tita niya, ako naman ay naguluhan sa kwento niya, ang sabi niya bakla siya pero may naging girlfriends siya, at sa bawat kwento niya masasabi mong tunay siyang lalaki, walang bahid ng kahit na ano. Pero ika nga nila, bawal judgemental, baka naman may nangyari?

"At naalala mo ba kung sino ang nagnominate sa akin para maging classroom president?" Umiling ako dahil di ko naman talaga matandaan. "It's Candy, ex ko siya, nag break kami dahil nalaman kong may gusto naman pala talaga siyang iba."

Nanatili akong tahimik at nakinig lang sa mga kwento niya, panay ang sulyap niya sa akin kapag may sinasabi siya, ako na nga ang kinakabahan dahil baka mabangga kami, pero mukhang sanay naman siya kaya hindi ko nalang sinabing mag-focus siya sa daan, at isa pa nakangiti siya ngayon kaya ayaw kong sirain ang mood niya, dahil kung may napansin man ako netong mga nagdaang araw yun ay mahal ang ngiti niya.

"May dala ka bang cellphone?" Umiling ako.

Simula kasi ng maging malamig ang pakikitungo sa akin ni Quid ay di ko narin ginagamit ang cellphone niya, iniiwan ko lang ito sa ibabaw ng study table ko, inaasahan ko na kukunin niya kapag wala na ako pero pag-umuuwi naman ako ay nandoon parin naman ang cellphone niya.

"May extra na pera ako dito, bilhan kita ng cellphone, ok lang?"

Nanlalaking mata ko siyang tiningnan. "A-anong-"

"Ok, bukas naman na siguro ang SM." Nakangiting sabi niya at inikot ang manobela, kasabay neto ang pag-u-turn ng sasakyan.

"P-pero hindi naman ako pumayag! Hindi ko kailangan ng cellphone!" Angal ko.

Tumawa lang siya at di na pinansin ang mga sinabi ko. Binilhan niya nga ako ng cellphone, kung di ko pa siya pinigilan ay ang Iphone na latest sana ang bibilhin niya, buti nalang at napigilan ko siya kaya naman sa huli ay isang cherry mobile na keypad ang nabili niya. Mukhang labag pa sa kalooban niya na iyon ang napili ko panay sabi niya sa akin na wala daw'ng kwenta dahil hindi daw ako makakapag facebook, pero mas walang kwenta kung bibilhan niya ako ng mahal na cellphone dahil wala naman akong katext. 

Dumaan kami sa isang fast food dahil bigla daw siyang nagutom, bumili siya ng maraming pagkain at ng tinanong ko kung para saan ay sinabi niyang para sa daw kapag ginutom kami mamaya. Sa sobrang bait niya ay bigla ko siyang nayakap, wala pa kasi akong naging kaibigan na tulad niya, siya palang ang naging kaibigan ko na binilhan ako ng mga bagay na di ko naman hiniling, at higit sa lahat maliban sa materyal na bagay ramdam ko ang pagiging totoo niya.

Nagulat siya ng bigla ko siyang niyakap pero sa huli ay nagtawanan nalang kami, habang nagbabyahe kami papuntang Bahay ampunan ay bumalik kami sa topic na cellphone, panay ang paglait niya sa cellphone na pinili ko kaya naman para kaming nagdebate, sya positibong dulot ng touch screen na cellphone habang ako naman ay sa negatibong dulot neto.

Nakadating kami sa bahay ampunan saktong alas otso, akala ko ay kami parin ang mauuna pero nakaramdam ako ng hiya ng makitang nasa labas na sila lahat ng gate, pati ang Dean maging si ma'am delos Reyes. At dahil sa mukhang kami nalang ang wala ay agad natuon sa amin ang atensyon ng lahat at ang unang nahagilap ng mga mata ko ay si Nic at Em na parehong nakatingin sa amin, lalo na ng pinagbuksan ako ng pinto ni Nathaniel. Uminit ang pinsgi ko pero hindi ako yumuko para itago ito, sinalubong kami ni ma'am delos Reyes, makahulugang ngiti ang iginawad neto sa anak habang bineso naman ako.

"Pasensya na ma'am at nahuli kami."

Mahinang tumawa si Ma'am at hinaplos ang braso ko. "Ok lang, at ang usapan natin alas otso, kakaalas-otso palang naman kaya walang problema. "

"Ma, tumawag kanina si Tito Ciato, ang sabi niya bibisita daw siya sa sabado."

"At bakit naman? Sabi niya ay hindi na siya magpapakita sa akin tapos ngayon.." Halatang hindi nagustuhan ni ma'am ang ibinalita ng anak dahil napangiwi pa ito.

At dahil mukhang seryoso ang usapan nila ay nagpaalam muna akong magbabanyo. Ang problema ay di ko alam kung saan ang banyo kaya naman natagalan ako bago natagpuan ang banyo. May tatlong cubicle ang nasa loob at lahat ay mukhang may tao kaya naghintay pa ako ulit saglit.


"M-magkaibigan pala kayo ni Nathaniel. "Biglang sabi ng babaeng nasa gilid ko ngayon. Hindi ko agad nakilala anh boses niya dahil mukhang may sipon yata siya.

Saglit ko siyang tiningnan at nginitian saka nagpatuloy sa paghugas ng aking kamay. "Oo nga eh, akala ko nung una masungit siya pero di naman pala."


"Mhh. H-he's quite extra kind to you nga eh." Halos pabulong niyang sabi at inikot na ang gripo para patayin pero kabaliktaran ang nangyari.


Biglang natanggal ang iniikot sa gripo at nabasa kami pareho, napatili siya kaya naman agad ko siyang hinila papunta sa likod ko at sinubukang ayusin ang gripo, inikot ko ng inikot ito hanggang sa tuluyan na itong mamatay.

Nakahinga ako ng maluwag at hinarap na si Em habang nakahawak padin sa gripo. "Ok na-"


"Em! Fuck, what happened?" Natatarantang saad ni Nic at mabilisang dinaluhan si Em na ngayoy nanginginig.

"I-it's cold." Nanginginig na sabi ni Em.

"Damn, hindi parin bumababa ang lagnat mo! Bakit ba kasi sumama ka pa." Sobrang Nag-aalalang  sabi ni Nic habang nasa leeg ni Em ang isang kamay at ang isa naman ay nasa noo neto.

Saka ko pa napansin na namumula ang buong mukha niya at nanginginig ang kaniyang mga kamay. Wala akong ibang nagawa kundi ang manood sa kanilang dalawa, hinawakan ni Nic ang kamay ni Em at inihipan ito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ng pinsan. Gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay si ko magawa dahil sa hindi ko rin malaman na dahilan, masakit sa puso, naninikip ito, bakit naman?

"Kezia!" Agad akong napatingin sa bagong dating, at ng magtama ang mga mata namin ay parang nawala ang sobrang pag-aalala sa mga mata niya.

Mabibilis na hakbang ang ginawa niya palapit sa akin at walang sabi-sabing hinubad ang suot ja jacket at ipinatong sa magkabilang balikat ko.

"Why are you wet?" Tanong ni Nathaniel habang seryosong inaayos ang pagkakasuot ko sa jacket niya.

"N-nasira kasi ang gripo at-"


"Nathaniel can we talk?" Biglang sabi ni Em.

Nakaramdam ako ng hiya ng maalalang nasa gilid lang pala sila at mas lalo pa akong namula ng makitang kunot noong nakatingin sa akin si Nic, kaya naman ibinaba ko ang aking ulo para iwasan ang mapanuring tingin ni Nic. Nakakahiya.

"Hinahanap na kami ni mama, kaya baka mamaya nalang." Malamig na sabi ni Nathaniel at hinawakan ang kamay ko.

Nabigla may wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kaniya palabas. Pero bago pa man kami tuluyang makalayo ay nagsalita ulit si Em.

"Please Nathaniel... I-it's very Important. "

Bumuntong hininga si Nathaniel, at tumigil na sa paglalakad ganun din ako. Tiningnan pa muna ako ni Nathaniel saka tumango kay Em, lumiwanag naman ang mukha ni Em dahil sa pagtango ng kaibigan ko, pero agad ding napawi ng biglang yumuko si Nathaniel at inilapit ang mukha sa akin.

"Hintayin mo ako dito." Mahina niyang sabi habang seryosong nakatingin sa akin.


Nanlalaking mata akong tumango, ramdam ko kasi ang init ng hininga niya sa aking mukha dahil sobrang lapit niya,  kaya di ko maiwasang mabigla. Niyakap ko ang sarili ko habang pinanood ang papalayong bulto ng dalawa, bumuntong hininga ako at napagdesisyonang bumalik sa banyo para maghilamos, pero halos matapilok ako ng pagka-ikot ko ay ang mukha ni Nic ang sumalubong sa akin.


Bahagya siyang nakayuko kaya medyo malapit ang mga mukha namin, bumaba ang tingin niya sa suot kong jacket, at ilang saglit pay tiningnan ulit ako sa mukha. Napalunok ako dahil sa biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko, ramdam ko rin ang pag-init ng magkabilang pisnge ko kaya naman napaatras ako sa takot na baka marinig niya ang pintig ng nagwawala kong puso.

Nasa suot kong jacket ang paningin niya at mukhang galit siya dahil magkasalubong ang kilay niya at kung may buhay lang ang suot kong jacket ay baka nalagutan na ito ng hininga. Galit ba siya dahil sa nangyari kay Em? Sabagay baka nga iniisip niyang sinadya ko ang nagyari kay Em, eh.


"A-ahm... k-kung iniisip mo n-na baka sinadya kong b-basa-in si E-em n-nagkakamali ka-"

"Tsk." Singhal niya at tinalikuran na ako.


Anong problema nun?

________________________________________

Avisala! This is lady_assasin2004, thank you for reading this chapter and I hope you didn't get bored. At sana wag kayong magsawang hintayin niyo pa ang susunod kong update.

Don't Forget to:
✔Vote
✔Share
✔Comment and ;
✔ Follow


Itutuloy pa...

Continue Reading

You'll Also Like

93.1K 8.3K 30
A marriage which is forced but turned into love........
1.2M 79.4K 36
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
2.8K 119 5
in which ego thinks it a good idea to add a girl who went pro at 15 into the blue lock project "I'm genuinely abt to start tweaking up in this bitch...
10.3K 66 11
Beautiful female supporting characters in period novels (年代文里的漂亮女配) Author: December is not cold In an accident, something happened to the Meng famil...